You are on page 1of 31

Mga Talulot ng Liwanag

Ni Jomark M. Baynado

Inilathala ni Jomark M. Baynado, 2012 Karapatang ari

Closing tapos na ang isang taon ng pagtatanghal subalit ang layon ay hindi pa panandaliang isasara ang kurtina upang makapagbihis at makapaghanda ng sa ganoon sagad ang ligaya ng mga tutunghay na siyang gagawa ng mga eksena at ang entabladong hiniram sa pagdating ng panahon ay ipapamana sa kanila.....

Dahon marahang marahang ang pagdaong ng dahon sa aking palad kasabay hagikhikan ng nakatunghay na kawayan kukuyumin na sana nang magmakaawa ang sapa na ihulog ko ito sa kanyang dibdib sino ba ako upang 'di magpalaya? pumapatak na lamang ang aking luha habang sinusundan kita ng tingin na dahan-dahan inilalayo ng agos.

Hiya at suklam yumuyukod ang rosas tuwing ako'y dumaraan wari ba'y nahihiya o kaya 'y nasusuklam yumukod ako tuwing sa rosas dumaraan wari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam yumuyukod sila tuwing tayo'y magdaraan wari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam yumuyukod tayo tuwing sila'y magdaraan wari ba'y nahihiya o kaya'y nasusuklam

Icarus, sa iyong pagbulusok to travel is better than to arrive ---- unknown ibinihis mo na ang kayumangging pakpak handa na itong kumampay at lumipad bumulong na ng sagradong orasyon ang hangin at napigtas na ang tanikala ng panahon pumapaimbulog at bumubulusok ang iyong dibdib kasabay ng iyong pamamaalam sa mga dahon aakayin ka ng hanging mangingibig mula sa papawirin hanggang sa pagdaong ngunit taksil ito at biglang nang-iwan dumaudos ka at bumulusok sa marahas na bisig ng mga alon tumututol ang iyong kayumangging pakpak subalit anong lakas mo sa kalawakan ng tubig-dagat? wala, yaposin ang sariling giniginaw at hubad at matapos ang malalakas na salpukan itataboy ka nito sa pinakamalapit na dalampasigan, at doon ka na mag-uugat.

M16 ng ikasa ang M16 nanginig ang mga madre ng putok ito sa ire naglamay ang mga pari

Sapot dahil nais kitang mabuhay sasaputin kita ng aking hibla kahit magpumiglas ka iikutan kita ng iikutan itatago kita sa kanila at 'di kanila makikita. kagabi nagsimula ng rosaryo ang mga bala tinakpan ko ang iyong tenga tinakpan ko ang iyong mata at sinapot kita ng paulit-ulit upang di ka tablan ng bala nalanta ang mga dahon sa kapal ng pulbura at naiwan sa lupa ang mga luha at pulang mantsa napagod na sa paghalakhak ang armalite anak guguputin ko ang sinapot kong hibla pagkat tayoy malaya na subalit ano ito di ka nga namatay sa giyera napatay naman kita. -----------------------sa mga ina ng WW2

Gagamba At nangyari ngang ang kamay ay naging mata dila, at taynga. Mabilis na sinakmal ang lahat ng kurba sinapot ang kahubdan hanggat 'di na makagalaw saka lulurayin at lulusawin ng lason mong laway.

Paninda pag gabi sa Plaza Quezon Dinailang nabubulok Basag na itlog na bugok Patay na Costang linalanggam at inuood Pinaghalo-halo sa isang wasak at tagiptiping plato't mga bubog.

Linggo ng Awa Tulad ng sinasabi ng marami ang katapusan ay simula. At ngayon nga ay simula ng paglalakbay ng puting lobong pinalaya subalit kumapit muna sa duklay ng talisay. Minamasdan ang huling patak ng luha at huling pagtawag bago tuluyang kumawala, at pumaimbulog sa kalawakan. Lingo ngayon ng awa kaya tinapos na ng sepulturero ang pagsambulat ng kirot at hapdi. Binuksan at sinarhan na ang kwebang lagusan sa kaluwalhatian. Linggo ngayon ng awa. Linggo ngayon ng awa.

Sa Pagbubukas ng Sardinas Sasaksakin kita, gigilitan ng leeg at patitiin ang dugo. Dudukutin ko ang lamang loob,, dudurugin ang pugot-ulo mong kaluluwa, bubudburan ng sili at asin at walang patumanggang lalantakan. Ganyan ako kalupit! Subalit bago ko pa magawa ang lahat ng ito una mo na kong nahiwa. -----------------------------pasintabi ka Huli

Abril I Naglalaro na ng bahay-bahayan ang mga maya tiyak dadami ang bilang nila. II Namumukadkad na ang tabing ilog at dagat ng mga paa tiyak ang hagikhik at pagtawa. III Nagugulo ang tahimik na pagdaloy ng sapa tiyak ang paglirip sa hiwaga ng umaga.

Pagtakas Tulad ng bulag dadamhin ko ang rosas gamit ang mga daliri, at kung sakaling matusok ito laging 'di sinasadya at aksidente lamang.

Paalala Huwag mong alalahanin ang iyong alalahanin. Ipapaalala ko sa iyo itong paalaala. Ang pait ng alaalang inaalala ay enerhiyang nakakamtan ng umaalala.

Bukal at disyerto Mayroong bukal sa mukha ni ama na pag El Nio lamang dumadaloy, upang pumalis ng uhaw at paliguan namin. Ayaw ko ng ganoon! Mas titiisin ko ang tuyong dila at limang pulgadang libag sa disyertong kandungan ni Ina Saplot ang di mabilang na buhangin ng kanyang pag-irog.

Ritwal Isa, dalawa, tatlo. Kasabay ng putok nagsitakbuhang mananakbo sa malaking oval ang aking alaala, pabalik sa yugtong iyon. Di ko alam kung saan ako tatakbo at tatago upang linlangin ang mga bala na nais maging bahagi ng aking katawan. Isang sagradong ritwal na aking tinakasan Patawad, hindi pa pala ako handa.

Balinsayawan Tulad ng mga musmos na naglalaro sa damuhan Pumapaimbulog at bumubulusok ang balinsayawan. Walang kapaguran ang pakikipaghabulan sa mga tutubi at gamu-gamo. Paikot-ikot. Paawit-awit. Subalit nasagi ag lambat ng kalupitan at napasakuyom na palad Ginupit ang pakpak at di na pinalipad.

Kattrin Kung ang pag-akyat sa bubong at paghambalos dito nang paulit-ulit ang pagligtas sa sangkatauhan, aakyatin ko rin ang aming bubong at walang patumanggang hahambalusin kahit na magkabutas-butas at palayasin ako ni Nanay.

Pagsamo ni Persephone I Bumabalong ng luha ng kasiyahan ang gabi sa munting siit sa pagsibol ng munting dahon at pagbati nito sa inang sanga. II Bumalik na si Persephone kay Demeter. III Nagliliparan na ang mga anghel na buto. (Siguradong malayo ang lalakbayin nila).

Cinquain Inay masipag, maalaga nagluluto, naglalaba, nagtuturo palagi siyang nakangiti Itay Itay maunawain, mapagmahal nagtatrabaho, naglilinis, namamalantsa yakap lagi ako Inay

Buhangin Susugatan mo ang aking palad habang ipinangsasaplot kita sa mga kalansay na tore. Dudugo iyon at hayok na hayok mong sisipsipin. Papasok ka sa aking mata habang sinasala ko ang iyong birtud na magpapatibay sa kalansay na tore. Di ko alam kong may nakikita ka samantalang wala akong makita.

Ako ang unibersiya Libong mata ang sa aki'y nakatigin (pero hindi ako sa Araneta at CCP) Lahat sila ay kaakit-akit Na nais kong isa-isang titigan. (Hindi sila artista o mga babae) Maswerte ako dahil sa libong taon na paglalakbay (Hindi sila nag-LRT o nag- jeep) babatiin nila ako ng kanilang ngiti (kahit wala silang labi) Hah! Ngayong gabi kaniig ko ang kalawakan At ako ang unibersiyang kanilang iniikutan.

Artista tulad ng bida sa pelikula ang una kong ipapakita ay ang aking paa ang mataas na takong ang nakakasilaw na kintab ng sapatos. muli-muli kakapalan ko ang make-up upang di mo makilala ang multong sisindak sa'yo.

May magagawa kayo Habang kam'iy pasinghap-singhap na nalulunod sa aming sariling luha at pawis ang mga mata ninyo ay nakatitiis. Pinalaki na namin ang aming tinig dahil hindi ninyo marinig subalit ang tugon ninyo ay blangkong titig. Paparahin pa kami sa liblib na daan ng mga bakunawang makasalanan at sasakmalin ang pitakang kalansing ang laman. Mamatay kaming walang laman ang tiyan at nagpapasalamat na di ninyo tinulungan.

Lucky Nine Ngayong gabi libong bituin ang nakaadorno sa iyong buhok ang swerte ko pala sa libong taon na kanilang paglalakbay sa buhok pa ng irog ko sila sasakay.

Sikolo Humingi ako ng paliwanag sa damo Ukol sa hiwaga ng buhay at kamatayan At ito ang kanyang piping kasagutan: ` Pamumulaklak Pagkagalirang Pamumulaklak Pagsibol Pagsibol Pagkagalirang

Damo Susugatan mo ang tigang na lupa Upang makawala sa rehas ng karimlan. Yayakapin mo ang hibla ng liwanag At makikipagsuyuan ka sa hamog Pero darating ang isang tag-araw Na ikay magagalirang upang mahilom Ang nalikha mong sugat.

Sa pagsulat ng tula Tititigan ko ang blankong papel Hangang itoy masugatan. Pagkaraay papatuluin dito Ang dugo ng aking panulat.

Lumbay at Pag-iisa Kasabay ng pag-ikot ng washing machine Ang mabilis na pag-inog ng kanyang paligid. Pagkarahay lumaya sa kanyang bibig Ang malapot na laway Na dagliang hinugas ng bulaing tubig. Lihim siyang napangiti. Inaaninaw ng kanyang nanlalabong paningin Ang mga mantsahing puting damit Na naglalaro ng tagu-taguan sa mga pinong bula. Inilapit niya iyon sa ilong. Di pa rin nahuhugas ng sabon Ang samyo ng mga nakaraang gabi. Ng maabot ng umiikot na knob ang zero Labis ang paginginig ng makina, Tila nag-aagaw buhay. At bago pa man ito tuluyang pumayapa. Mabilis niyang kinuha ang puting T-shirt at yinakap, Maingat niya itong brinush At binanlawan ng mga alaala at luha. Pagkaraay sinampay upang tuyuin ng mga puting talulot ng araw. Muling nagdilim ang kanyang paningin Pagkat nagbabalik ang mga petalyong ikinalat niya sa huling sinakyan ng kanyang irog. Pabulong niyang aanasin: May iniwan ka sa akin mahal

Ecdysis Magigimbal ang pusikit na karimlan Sa biglang pagkapunit ng iyong damit At paglaglagan nito sa nabubuok na lupa Kasabay ng pagkawasak ng iyong laman Ay ang pag-usli ng mga buto at pangil, At pagtulo ng malapot na laway sa bibig. Pilit mong tatakpan ang kahubdan Ng iyong dalawang nanginginig na kamay Upang itago ang mga hayok at nanlilisik na matang Bahagi na ng iyong luray na katawan. Iyuyuko mo ang iyong ulo Habang yapos ang sariling tila giniginaw Dahan-dahan kang tatayo At iindayog sa saliw ng mga kutya ng gabi at bilog na buwan Lalaya ang garalgal na tinig ng orasyon at halakhak Gugulong ito sa lupa At sasakop sa mga kanto ng nanangis na daigdig. Sa unay mabini ang iyong galaw Pagkaraay mawawala ka sa sarili. Guguhit sa madilim na langit Ang mga ugat ng apoy at kuryente At mamatay ang lahat ng ilaw Kasabay ng dapyo ng nangingig na hangin Papaimbulog ang katakot-takot na tili . Balita: Isa na naman ang natagpuang patay Wakwak ang tiyan at nawawala ang ari.

You might also like