You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG MAKATI

1470 (Panahon bago dumating ang mga Espanyol) Ang Makati ay pinamunuan ni Lakan Tagkan at ng kanyang asawa na si Bouan. Ito ay isang matubig at madamong lugar na kung saan makikita ang pampang ng Ilog Pasig. 1571 Si Don Miguel Lopez de Legazpi, ang nagtatag ng Maynila at unang Gobernador Heneral ng Pilipinas, ang nakatuklas sa Makati. Tinanong ni Legaspi ang pangalan ng lugar sa mga katutubong naninirahan dito noon at dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga salita, ito ay di naunawaan ng mga katutubo. Itinuro nila ang Ilog Pasig at sumagot ng makati na, kumakati na na ang ibig sabihin ay kumakati na ang tubig. 1578-1670 Isang paring pranses sa isang distrito sa Sta. Ana de Sapa ang nagbigay ng pangalang San Pedro de Makati na hango sa kanilang patron. Minsan, tinawag din itong Sampiro. 1608 Ang San Pedro de Makati o Sampiro ay kumikita sa paggawa at pangangalakal ng mga paso o pottery making. 1890 Ang San Pedro de Makati ay pinagpasiyahang maging pangunahing bayan ng Maynila. 1900 Nang matapos ang digmaan ng mga Pilipino at Amerikano, ang Makati ay nasa ilalim ng panguluhan ng munisipal. Hunyo 11, 1901 Itinalaga ng Philippine Commonwealth Act No. 137 ang San Pedro De Makati bilang lalawigan ng Rizal. Makalipas ang dalawang taon, isang administrador ang hinirang upang mamahala sa mga gawain sa komunidad. Pebrero 28, 1914 Pinalitan ng Philippine Legislature Act No. 2390 ang pangalang San Pedro Makati ng Makati, na siyang nanatiling pangalan hanggang sa kasalukuyan.

1937 Itinayo ang Nielson Tower. Ito ang kauna-unahang paliparan sa Southeast Asia na matatagpuan sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas. 1956 Itinayo ang Makati Commercial Center. 1962 Nagpagawa ng isang gusali para sa mga lokal na administrador ng Makati sa pamamahala ni Mayor Maximo Estrella. Ito ay itinayo sa dalawang hektaryang lupain na ipinagkaloob ng Ayala Securities Corporation. Nang huling taon ng pamumuno ng pamahalaang Marcos, ang Makati ay isa sa pangunahing lugar ng mga protesta at rali ng mga grupong oposisyon. Sa Ayala nagkaroon ng mga malawakang kampanya at nagsimula ng paghahagis ng mga dilaw na papel. Mula 1901 hanggang Pebrero 1986, ang Makati ay pinamahalaan ng labing-anim (16) na mga administrador. Pebrero 27, 1986 Edsa Revolution. Hinirang ni Pangulong Corazon Aquino si Atty. Jejomar Binay bilang OIC ng pamahalaang Makati. Si Mayor Binay ay nahalal bilang ika-labintatlong pinuno ng Makati sa halalan na ginanap noong Pebrero 1988. Siya ay muling nahalal noong 1992 at 1995. Enero 2, 1995 Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act No. 7854 na gawing isang lungsod ang Makati. Pebrero 4, 1995 Naganap ang isang plebisito at nanalo ang pagpayag ng mga residente na gawing isang lungsod ang Makati.

PINAGMULAN NG PANGALANG MAKATI

Si Don Miguel Lopez De Legazpi, ang kauna-unahang Gobernador Heneral ng Pilipinas, ay naglalakbay noon. Kasama ng iba pang mga manlalakbay na Espanyol, nakarating sila sa ating bansa hanggang sa mapunta sila sa Ilog Pasig. Habang bumibiyahe sa kaloob-looban ng ilog, nakita niya ang kumpol na bahay kubo na yari sa pawid. Bumaba siya sa madamo at matubig na lupain at tinanong ang mga katutubong naninirahan doon kung ano ang pangalan ng kanilang lugar. Hindi nila naintindihan ang salitang kastila kaya itinuro na lang nila ang ilog at sinabing makati na kumakati na na ang ibig sabihin ay makati na ang tubig sa ilog. Dahil sa hindi pagkakaunawaan, akala ni Legazpi na Makati ang pangalan ng lugar. Kaya mula noong 1571 ito ang naging simula ng kasaysayan ng makati. Ang ibang pahayag naman sa pinagmulan ng Makati ay mula sa mga kaugalian ng Malay sa pagbibigay pangalan ng isang lugar. Noon kasi ang Makati ay puno ng makapal na halaman na tinatawag na lupang kalabaw, na kung saan ito ay isang halamang makati pag hinawakan. Kaya tinawag nila itong Makati.

MGA NAGING ALKALDE NG MAKATI


1901-1903 1903-1908 1908-1911 1911-1913 Marcelino Magsaysay Eusebio Arpilleda Hermogenes Santos Urbano Navarro

1913-1916 1917-1919 1919-1920 1920-1922 1922-1934 1935-1944 1945-1947 1948-1954 1954 1954 1956-1969 1969-1971 1971 1972-1986 1986-1988 1988-1998 1998-2001 2001 to Present -

Jose Magsaysay Pedro Domingo Ricardo Arpilleda Igmidio flores Nicarnor Garcia Jose D. Villena Pablo Cortes Jose D. Villena Bernardo Umali Ignacio Babasa Maximo Estrella Jose Luciano Cesar Alzona Nemesio Yabut Jejomar Binay (OIC) Jejomar Binay Elenita Binay Jejomar Binay

You might also like