You are on page 1of 6

PASKO PARA SA LAHAT

I Sanay laging mayroong pag-ibig Sa apat na sulok ng daigdig Pagkakaisa ang mahalaga Nang pag-asa ay laging nadarama. II Huwag ipagkait ang pang-unawa Puso ay buksan sating kapwa Ang nalulungkot ay bigyang pansin Ang Pasko ay sama-samang salubungin. Koro: Di bat ang Pasko ay para sa lahat Magmahalan, magbigayan upang maging ganap Di bat ang Pasko ay para sa mundo Pag-ibig ay papaghariin nating totoo. III Ang Pasko ay ating ipagdiwang At limutin ang pagdaramdam Ating ihandog ng buong lugod Ang pag-ibig na sa puso ay taos. (Ulitin ang Koro)

SA ARAW NG PASKO
I Di bat kayganda sa atin ang Pasko Naiiba ang pagdiriwang dito Pasko sa atiy hahanap-hanapin mo Walang katulad dito ang Pasko. Refrain: Lagi niyo na maiisip Na silay nandito sana At sa Noche Buena ay magkakasama Chorus: Ang Pasko ay kaysaya Kung kayoy kapiling na Sana pagsapit ng Pasko kayoy naririto Kahit pa malayo ka, kahit nasaan ka pa Maligayang bati para sa inyo Sa araw ng Pasko II Sa ibang bansay di mo makikita Ang ngiti sa labi ng bawat isa Alam naming hindi niyo nais malayo Paskong Pinoy pa rin sa ating puso. (Repeat Refrain and Chorus)

Himig Pasko
Malamig ang simoy ng hangin Kay saya ng bawa't damdamin Ang tibok ng puso sa dibdib Para bang hulog ng langit Himig ng Pasko'y laganap Mayroong sigla ang lahat Wala ang kalungkutan Lugod sa kasayahan Himig ng Pasko'y umiiral Sa loob at labas ng tahanan Masaya ang mga tanawin May awit ang simoy ng hangin (repeat 2nd stanza) (repeat 3rd stanza)

Noche Buena
Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya Nagluto ang ate ng manok at tinola Sa bahay ng kuya ay mayroong litsunan pa Ang bawa't tahanan may handang iba't iba Tayo na giliw, magsalo na tayo Mayroon na tayong tinapay at keso

Di ba Noche Buena sa gabing ito At bukas ay araw ng Pasko

Misa De Gallo
Misa De Gallo sa simbahan At nagtilaok na ang tandang Tanda ng pagdiriwang at pagmisa Paskong dakilang araw Ang awit na handog sa Mesiyas Mayroon pang kastanyeta At ang koro tuloy ang kanta May saliw din ng kwanderata Misa de Gallo sa tuwing Pasko Nagdarasal ang bawa't tao At nagpapasalamat sa pagsilang Ng Diyos na Hari ng mundo (repeat 2nd stanza) (repeat 3rd stanza) (repeat all)

Ang Pasko Ay Sumapit


Ang Pasko ay sumapit Tayo ay mangagsiawit Ng magagandang himig Dahil sa Diyos ay pag-ibig Nang si Kristo'y isilang May tatlong haring nagsidalaw At ang bawa't isa ay nagsipaghandog Ng tanging alay

Koro: Bagong Taon ay magbagong-buhay Nang Lumigaya ang ating bayan Tayo'y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan Tayo'y mangagsiawit Habang ang mundo'y tahimik Ang araw ay sumapit Ng sanggol na dulot ng langit Tayo ay magmahalan Ating sundin ang gintong aral At magbuhat ngayon Kahit hindi Pasko ay magbigayan

You might also like