You are on page 1of 1

Mae Franz T.

Prado III- Becquerel

Output blg. 3 Ang Kalupi

Ang kwentong Ang Kalupi na isinulat ni Benjamine Pascual ay nagpapatotoo sa kasabihang maraming namamatay sa maling akala. Para sa akin, hindi tama ang ginawa ni Aling Marta na basta-basta na lamang pambibintang sa batang nagngangalang Andres. Dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa panahon natin ngayon at sa mga balitang nakakalap natin sa diyaryo, telebisyon at radio ay masasabi nating talamak na ang krimen at mga modus operandi sa ating bansa. Kung kayat hindi rin natin dapat ibigay lahat ng sisi kay Aling Marta. Tao lamang siya na maaaring magkamali. Ngunit dapat ay hindi niya pinangunahan at hinayaan sana niyang idaan ito sa maayos at legal na proseso. At kung sana ay naging matapat lamang siya sa pagsabi kung paano niya nasabing ang bata ang nagnakaw niyon. At masasabi kong napakaraming tulad ni Aling Marta na naglipana sa buong bansa. Tayong mga tao ay mahilig manghusga at mangbintang ng kapwa kahit na nga ba wala tayong sapat na pruweba o ebidensya na maaring magpatotoo sa ating mga ibinibintang. Tayong lahat ay halos katulad ni Aling Marta, mahilig mangbintang ng ating kapwa. At sa hitsura ng batang si Andres, ay mas lalo lamang si Aling Marta nagkaroon ng dahilan upang idiin ang bata. Dahil dito , tayo kaagad ay tumatalon sa isang konklusyon na maaring makasama sa atin o sa ating kapwa. Dahil sa kwentong ito ay nahinuha ko na hindi dapat tayo mangbintang ng di mabuti sa iba, sapagkat maaari itong magresulta sa isang di kaaya-ayang bagay.

You might also like