You are on page 1of 68

A Miracle By peachxvision Shes not your ordinary lady, And shes no normal girl. But shes everything to me...

My one and only dearest miracle. Prologue Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko . Gusto ko lang talaga ikwento yung maikli naming storya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago. Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko. Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga palang ta wag jan? Ayun. Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? K ahit nagkatuluyan si babae at si lalake sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kwento. Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan. Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman ng laptop at heto, nagtatype. Andito parin yung ananaw ko sa buhay. Unti-unti na nahuhulog yung aka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung talaga sa kin. Hawak hawak ko yu isa sa mga himala na bumago sa p mga talulot niya. Ang nakakapagt mga talulot niya.

Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga naghihintay parin siya. Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy pero may magic, na ku ng tawagin niya ay himala. Bakit? Di ko rin alam eh. At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa. *** CHAPTER 1 [The Living Doll] Bagong lipat lang kami ng bahay. Palipat-lipat kasi kami. Nagiipon sina mama at papa para sa isang bahay. Apartment apartment lang nung una hanggang sa nakaipon . Eto, nakabili na kami ng isang napakagandang bahay sa isang napakagandang vill age. Nagaayos kami ng gamit, kami ng kapatid ko inuna namin yung sa kwarto namin. Sin a mama at papa pinapabuhat yung mga sofa dun sa mga nagbubuhat ng mga gamit. Bas ta, yun na yun. Maya maya, biglang nagring cellphone ko. Hello? Nathan! Sino to?!

Tae ka ha. Hanggang ngayon ba di mo parin kilala boses ko?! Ethan to! Si Ethan yung pinaka pare ko mula pa grade school. Kasama sa trip. Kasama sa kalok ohan at kawalangyaan. Halos ipagpalit na kami ng mukha ng mga taong nakakakilala sa amin. Sa pangalan pa lang, nakakalito na kaming dalawa. Nakalarga na kayo?! Oo. Nagaayos na kami ni Gerald ng gamit. Punta ko jan. Sige. Andito na ko. Sabi na nga ba. Anak ka talaga ng hopia oh. Anak ako ng nanay ko. Sige sayang load ko. Lumabas ka na. Ikaw tong tumawag eh. At saka, load?! Nanay mo naman nagbabayad ng linyang yan. Sige. Baba ko na. Bumaba ako. Dinatnan kong nagaayos ng merienda si mama. Nalaman sigurong andito si Ethan. Pag labas ko, ayon, nakikipagusap kay dad. Naks tol. Ganda ng bahay ah. Magaling lang talaga magulang ko. Tara, basketball tayo. Langya ka. Kita mong nagaayos ako ng gamit eh. Pumunta pa naman ako dito! Di ka man lang nagtext. Sinong tanga?! Ikaw. Hinayupak ka. Sige, punta lang ako kena JR. Sino yun? Taga dito din, na di mo kilala. Text ka pag tapos ka na. Punta kang basketball co urt pagtapos mo. Tae ka. Parang ang tagal ko na dito ah. Magbike ka. Lapit lang yun dito. Sige lis na ko tol. Tapos ginawa na namin yung apir namin. Bumalik ako ng bahay at nagayos ulit ng kwarto. Mga 4:00 na ko natapos. Naligo a ko saglit tapos nagpaalam na ko kena mama na hahanapin ko yung court. Kinuha ko yung bike at umalis. Ang ganda ng village na to. Sa sobrang daming puno, sigurado akong wala akong po problemahin sa baha at sa kung anuman. Pero may isang lugar dun sa village na to na napatigil ako. May slope, at sobran g ganda nung nakatanim na damo? Basta yun. Masarap humiga. Maraming puno ng Acaci a dun sa nakita kong lugar, tapos may swing at monkey bars. Tumigil ako at pinark yung bike ko dun sa may puno. Hay. Sarap ng hangin. Tuming in ako sa langit. Ganda ng ulap. Ano nga bang tawag dito? Cumulus Clouds? Basta yun na yun. Hindi nakakasunog ng balat yung araw. Tama lang. Eto na ata ang haven ko.

Napahiga ako sa sobrang ginhawa ng nararamdaman ko. Kasabay ng paghiga ko ang pa gpikit ng mga mata ko. Ang sarap alalahinin lahat ng mga nangyare mula sa pagkam ulat ko hanggang sa dahilan kung bat ako nandito. Dumilat ako at WOAH!!! Nagulat ako sa nakita ko. Bawal sabihin. Pero ayun nga, sa sobrang gulat napatay o ako at napatingin sa taas. Saktong pagtingin ko sa taas BAM. Nalaglag yung taoOO. TAO. Ang sakit nung pagkabagsak niya sa kin kasi inupuan niya ko. Ako naman, akala ko eh bata lang ang bumagsak sa kin kasi magaan naman siya kahit papano. Pagkadila t ulit ng mga mata ko Isang manika. Manika lang pala. Salamat. Ah, isang nagsasalitang manika. Ngiti. Tumaas lahat ng balahibo ko. HINDI SIYA MANIKA. TOTOONG TAO SIYA. Parang nakita ko na siya hindi ko lang matandaan kung saang lupalop ko siya nakasalubong. Nakalugay yung maitim niyang buhok sa likod niya na parang hindi siya nalaglag. Wala kang makikitang balat sa noo niya dahil takip na takip ng bangs. Ang suot n iya? Isang itim na doll dress. Yung may napakalaking ribbon sa gilid na sobrang daming lace. Doll shoes din yung sapatos niya, yung pang elementary ba. Yung hea dband niya pang manika din. MANIKA NGA. ano ba miss! Magpapakamatay ka ba? Hindi ka naman mamamatay sa pagtalon jan eh. M apipilay ka lang! hindi. Sinusubukan kong patuluin yung luha ko. Eh ayaw, nakabara sa mata. Kaya sinubukan kong tumalon, baka malaglag. May naramdaman ka bang bas a? Ha? Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya. Una sa lahat, dahil walang sense. Sinong tatalon sa puno para lang mahulog yung luha niya? Tumayo yung babae. Di ko alam kung pano sasabihin pero muka talaga siyang manika. O manikin? Ang puti puti niya. Nakikita ko na nga yung veins sa leeg niya. May g anito palang taong nageexist. Inabot niya yung kamay niya para itayo ako. Kung tutuusin, mabait naman siya. Ku ng pagbabasihan ko sa pisikal na kaanyuan, tahimik siya. Hinawakan ko yung wrist niya, sasabihin ko sana na masarap naman mabuhay. Kaso p agtingin ko, ang dami niyang hiwa sa kamay. Halatang madaming beses na niya bina lak magpakamatay.

Akala ko ba di ka magpapakamatay? Bakit ang daming hiwa? Matakot ka naman sa Diyo s. Masarap mabuhay. Hindi ako yung may gawa nung mga hiwa na yan. Isa lang yung ak in dahil inutusan ako. Yung iba, hindi ako yung may gawa. Pano mo nalaman na mas arap mabuhay kung di ka pa naman namamatay? Sa pananalita niya, alam kong isa siyangpessimist. At kung totoo yung sinabi niya tungkol sa mga hiwa na to, ibig sabihin masokista siya. Isa pa, nabubuhay ako kahit na patay ang turing sa kin. Miss, may kakapitan ka pa. Wag kang ganyan Sa totoo lang wala na. Meron pa. Impusible namang wala kang kaibigan Wala nga. Pamilya? Wala dinsiguro. Ha? Pano ka nabubuhay? Gusto mo ba malaman muna ang pangalan ko bago ka magtanong sa kin ng ganyan? Napatulala ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Hindi ko pa naitatanong yung pangal an niya. Ako si Nathan. Sorry kung Ako si Mary. Hindi ko ba alam kung mamamangha ako o matatakot sa kanya dahil sa paraan kung p ano siya ngumiti. Maliit lang yung mga labi niya pero pink na pink, yung sa mani ka nga. Pero ang pinakanapansin ko talaga ay yung mga mata niya. Sobrang ganda. Ang haba ng mga pilik mata niya. Kung hindi ko siya nakita ng malapitan, masasab i kong naka mascara at eyeliner siya. Sa sobrang ganda ng mga matang yun, parang pwede ka na magsalamin. Ngumiti siya ulit. Sa susunod ulit Nathan. Masaya akong nakilala kita. Kumaway siya tapos ngumiti ulit. Hindi ko napansin na may hawak hawak siyang isa ng teddy bear. Yakap yakap niya yun habang lumalayo siya sa kin. *** CHAPTER 2 [Entrance] Umpisa na ang pasok, pero hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung araw n a nakita ko yung manikang yun. Hindi ko alam. Meron sa kanya na binabagabag ako. Siguro dahil narin, psychology ang course ko kaya gusto kong tuklasin kung ano man yung nasa likod ng ganung u gali niya. Uhang ibig kong sabihin, wala naman siyang masamang ugali pero hindi ko alam. Alam kong may mali sa kanya. Halata naman diba? Pumasok ako sa school, first day pa lang naman ng sophomore year ko. Walang mga prof na pumasok, bad trip dahil sayang pamasahe. Hindi kami magkauniversity ni E than, dun siya sa kapit bahay ng school ko. Ayos lang, mayaman naman yun. Umuwi ako ng bahay na pagod. Gusto ko tuloy ulit magbakasyon. Humiga ako sa kama , binuksan yung aircon at yung laptop ko, maglalaro na lang siguro ako. Binuksan ko yung social networks ko para tingnan kung may mga message tapos saka

ko binuksan yung lalaruin ko. Online pala sa Ethan kaya ayon, bumuo kami ng gru po saka naglaro. Nagimbita muna siya ng mga pwede, madami naman yun kakilala. Sy empre kanya kanya kaming username. Nung naguumpisa na kami ng laro, may isa sa amin, ang username: dollface. Bigla ko tuloy naalala yung babaeng una kong nakasalamuha sa village na to. San kaya s iya nakatira dito? Naalala ko bigla na socialite nga pala tong si Ethan at halos tambay na siya dito kasi nasa kabilang village lang naman siya, eh andito yung mga ibang ka-liga niya. Pagkatapos naming maglaro, pinag-online ko siya. Tol, tambay ka dito diba? O, baket? May nakita ka na bang babae dito na Sexy? Oo madami. Patapusin mo nga ako! Hindi. Babaeng mukhang manika. Manika? Oo. Isang babaeng ubod ng puti na pwede na magcamouflage sa white paint. Tapos ma y suot na parang pang baroque na Tae tol. Si Rebecca? Rebecca? Rebecca? Pero ang pagpapakilala niya sa kin ay Mary, di ba? Oo. Yun yung gumagalang multo jan sa village niyo. Siya ba yung laging may hawak na teddy bear? Tatlo tawag sa kanya jan eh. Mangkukulam, the walking manikin at saka voodoo doll. Seryoso ba yung multo siya? Ewan ko. Para kasi siyang multo, pero nakikita ng lahat ng tao. Bakit daw siya ganu n? Ba malay. Weirdo no. Nakita mo na siya? Oo. Daming beses na. Lagi yun nasa park. Bahay niya ata yun eh. Bat mo nga pala n atanong? Naalala ko lang dahil kay dollface. Sino yun? yung kalaro natin kanina. Nakita ko kasi yung babaeng yun nung unang araw na lumi pat kami. yung nagbasketball tayo? oo. Nakalimutan kong ikwento. anong sabi sayo? uhwala. Para kasing, nakita ko na siya. Di ko alam kung saan. Tsk. Siya na yan. Anong siya na yan? Yung nakatadhana sayo. Tigilan mo ko tol kung gusto mo pa mabuhay! Di ko parin maisip. Alam kong nakita ko na siya hindi ko lang talaga alam kung sa an. Nung susunod na araw, may mga prof na. Kahit boring sila, at least hindi nasayan g ang pamasahe ko. Pero sobrang boring nung dalawa sa apat kong prof na inattend an ngayong araw kaya kung cacalculahin, meron akong 3 hours na tulog sa oras ng pasok. Bumalik ako sa building ng college ko, titingin lang sana ng mgaahemkung sakaling may mga magagandang freshmen. Titingnan lang naman. Bumisita din ako sa org ko a

t ayun. Tawanan. Bumili ako sa isang malapit na cafeteria ng softdrinks at ng pagkain, panglamon sa org. Nagulat ako nung may nakita ko siya na nakaupo magisa sa may mesa. Sinon g siya? Sino pa ba. Oi. Tumingin siya sa kin. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Di ko maisip na makakag awa ang Diyos ng isang nilalang ng ubod ng ganda yung mga mata. Ang cute niya. C ute pero weirdo. Ano ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang? Nagpasa ako ng mga papers. At, oo mag-isa lang ako. Papers? Para san? Leave. Bakit ka magleleave? Leave na ano?teka. Ibig sabihin, dito ka nagaaral? Oo. Third ye ar na dapat ako. Dito ka din pala. Ayun. Naalala ko na kung san ko siya nakita. College of music ka? Oo. Bachelor of music major in voice-theater and dance. Pano mo nalaman? Ayun natatandaan ko na kung n naming play last year dun g lang ata ako dun eh. Wala um na wala kasing laki lang saan ko siya nakita. Siya sa isang subject ko dahil na akong matandaan. Andun ng langgam yung mga mukha yung bida dun sa inattenda sa requirement. Kaso natulo pa ko sa parte ng auditori ng mga characters.

Sabi na nga ba. Nakita kita sa isa sa mga tarpaulin dun sa may college niyo. Nagp erform ka na pala. Oo. Sabi ng prof. O, e di marami ka nga kakilalabat sabi mo wala nga. Kinakausap lang ako ng mga tao pag may performance. Ate ka pala. Third ye ar ka na. Ilang taon ka na ba? 19 pa lang ako. mas bata pala ako sayo. 17 pa lang ako. 17? Ibig sabihin, 15 years old siya nung pumasok siya ng college? Niloloko ba ni ya ko? Sige, aalis na ko. Teka! Ha? Uuwi narin ako. Sabay na tayo. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yung mga salitang yun. Hindi naman siguro mas ama na samahan siya, maganda din yung may kakilala sa village niyo, at maganda d in yung may kakilala na parehas ng university. Kung third year na siya, dapat ma y alam na siyang mga subject na madaling kunin. Diba? Nakasabay na kami pareho ng jeep. Siyempre gentleman din naman ako. Kahit na siy

a na ang pinakaweirdong babaeng nakilala ko, dapat maging maganda parin pakikitu ngo ko sa kanya. Ako na magbabayad. Salamat. Nagbayad na ako para sa aming dalawa. Magkatapat kaming dalawa, pareho kaming na sa dulo ng jeep. Pero kahit nasa iisa na kaming jeep at kahit magkatapat pa kami , hindi man lang niya ko nilingon para kausapin ako. Bumaba na kami. Sasakay na sana ako ng bike ko na pinark ko dun sa may gate at s asabihin sana na gusto mong sumabay. Pero nung pagkakita ko, ang layo na niya sa k in. Grabe, ang bilis niyang maglakad. Ui! Mary! Hindi siya lumingon kaya binilisan ko yung takbo ng bike ko. May mali ba akong n asabi? Naging masama ba ako? Hindi naman sigurong masama na kilalanin ko siya dib a? Gusto mo makisakay? Hindi na, maglalakad na lang ako. Ppero pwede ka namang Gusto mo ba talagang pumasok sa buhay ko? Napatigil ako. Di ko akalain na may magtatanong sa kin ng ganun. Sa totoo lang, di ko alam kung anong isasagot ko bakit nga ba ako pumasok sa buhay niya? *** CHAPTER 3 [Rose seeds] Ngiti. Ngumiti siya tapos naglakad na. Ako naman, napatigil lang sa sobrang hindi ko rin alam. Basta napatigil na lang ako. Bakit ko nga ba siya kinakausap? Eh pwedeng hindi naman? Bumalik ako ng bahay. Hindi ko rin alam. Ang sama sa pakiramdam na sabihan ka ng ganon. Ako na nga tong kumakausap sa kanya. Buti nga may kumakausap pa sa kanya eh! Hinintay ko mag gabi. Nagulat nga ako dahil wala pa yung mga magulang ko at yung kapatid ko. Siguro naglakwacha nanaman yun. Haynako. makapaglaro na nga lang ng DING DONG. Nagulat ako nung may nagdoorbell. Yun kaya yung bago naming katulong? Ang sabi n i dad next week pa naman dadating. Wala naman akong narinig na sasakyan kaya ala m kong hindi yun sina mama. At lalong hindi yun si Gerald dahil hindi yun maruno ng kumatok. Dahil wala pang tao sa bahay kundi ako, siyempre ako yung bumaba par a buksan yung gate. Sino kaya to? Hi. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kung papapasukin ko ba siya o kung it ataboy ko siya palabas. Pero, bakit ko siya itataboyo papapasukin? Uhanong ginagawa mo dito? At saka, pano mo nalaman yung bahay ko?

May ibibigay lang ako sayo. At saka, nakita ko yung bike mo sa labas, kaya inakal a ko na ito na ang bahay mo. Ano to? Isang kahon. Alam kong kahon to. Ang ibig kong sabihin, anong laman nito? Alam mo yung salitang bukas? Oo. Dalawa ang ibig sabihin nun. Mali. Ang sabi ko, bukas at hindi bu-kas. Napahiya ako dun, pero tama naman siya. Naramdaman kong gusto niyang buksan ko y un sa harap niya kaya binuksan ko naman yung kahon. Ano to? Alam mo yung salitang buto? Oo alam ko. Anong klaseng buto? Pinakuluang buto ng rosas . Buto ng rosas? Una sa lahat, ngayon lang ako nakarinig na may buto pala ng rosas dahil ang pagk akaalam ko, grinagraft lang yun ni mama. Pangalawa, bakit niya to binibigay sa k in? Pangatlo, kung gusto niyang itanim ko to, bakit niya ko binigyan ng pinakulu ang buto? Hyrbid tea rose pala. Tekabat mo ko binibigyan ng ganito? Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan kitang gul uhin mo ang buhay ko, at guguluhin ko din naman ang buhay mo. Hindi ko makuha yung sinabi niya. Siyempre, siya tong lamang. Natural lang na hi ndi tumubo tong mga to dahil pinakuluan yung mga buto. Niloloko mo ba ko? Hindi. Eh bakit Naniniwala ka ba sa mga himala, Nathan? Hha? Bakit mo naman naitanong? Wala naman. Sige, itanim mo na yan simula ngayon, pinapayagan na kitang pumasok sa buhay ko. Ngiti. Nakita ko nanaman siyang naglalakad papalayo sa kin, samantalang ako, hawak hawa k ko yung kahon na may mga pinakuluang buto ng hybrid tea rosedaw. Ano namang gagawin ko dito? Sinara ko yung gate tapos pumunta ako sa likod ng bahay. Dun kasi nakatanim yung mga halaman ni mama. Nakita ko na may bakanteng lupa pa kaya dun ko na lang kin alat yung binigay niya sa kin. Pumunta ulit ako sa kama at dun, humiga ako. Hindi ko alam, ano bang mangyayare

sa susunod? Nagbuntong hininga ako. Bakit nga ba naman kasi ako pumasok ako sa bu hay niya?! Yung susunod na araw, hindi ako masaydong mapakali dahil ewan ko ba. Hindi ko pa talaga naisasaloob yung mga sinasabi ng babaeng yun. Hindi ko alam kung nanakot o nakikipagkaibigan. At dahil sa hindi ako masyadong mapakali, hindi ko na mapigilang pumunta dun sa park na una kaming nagkita. Kakausapin ko lang dahil nagiging laman na siya ng u tak ko. Hindi sa gusto ko siya o ano. Ayoko lang talaga na may gumagambala sa ki n. Kinuha ko yung bike ko. Nung malapit na ko, dun lang ako nakatingin sa side ng p ark. Nakita ko, wala siya kaya inisip kong bumalik na lang ng bahay. Pagharap ko MISS TABI! Pero kahit ganon ang sinabi ko, ako parin ang tumabi. Kaya boom. Ako ang bumangg a sa may sidewalk. Ano pa nga ba? Siyempre nagkasugat ako sa may tuhod. Aray ko tae. Okay ka lang ba? Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o. Salamat. Eto nanaman. Nagpapasalamat siya. Hindi ba dapat ang sinasabi niya ay sorry at h ind salamat? Adik talaga tong nilalang na to. Hindi na siguro ako dapat maging m abait sa kanya kasalanan naman niya. Ikaw nga tong may kasalanan, hindi ka man lang magsorry. Hinahanap mo ba ko, kaya k a hindi nakatingin sa daan? Boom. Tumama sa kin yun. Oo nga naman, may kasalanan din ako. Pero kahit na. San a man lang nung sinabi kong tumabi siya, tumabi nga siya. San ka naman nakakita ng sisigaw ng miss tumabi ka na halos kalahating metro na lan g ang layo niyo? Sana man lang tumingin ka sa dinadaanan mo kung may sasakyan ba o wala Pedestrian lane yung dinadaanan ko, kaya wala akong kasalanan. Yung sasakyan dapa t ang maghintay para makatawid yung tao sa kabilang dulo ng kalsada. Pedestrian lane? Sa isang village? Tiningnan ko, aba! Meron nga. Ang weirdo. Ngayon ko lang nakita kahit na dumaan na ko dito. Village? May pedestrian lane? Sino namang ewan ang gagawa nun diba? Ang walastik. Ganon talaga ang buhay. Minsan, hindi mo alam na may nageexist pala na ganun. Malaman yung sinabi niya. Sabagay, oo nga naman. Ni hindi ko nga akalain na may nageexist pala na tulad niya. Bumaba siya para tingnan yung sugat ko. Tapos may kinuha siya dun sa bag niya. Bulak at alcohol. Anong gagawin mo?! Gagamutin kita. Ayoko! Ayoko ng alcohol! Betadine na lang.

Tumawa siya. Eto ata ang unang beses kong nakitang tumawa siya. Natural, eto palang yung pang atlo naming pagkikita na magkakilala. Pero ewan ko ba, parang ako ata ang unang taong nakita siyang tumawa ng ganito. Bat ka nakatingin? Wwala. Kung nagulat ka dahil nakita mo kong tumawa, ayos lang. Matagal narin akong hindi tumatawa. Ah ganon baaray! Tapos hinipan niya yung sugat ko na nilagyan niya ng alcohol. Maghugas ka pagdating mo sa bahay. Eto, bandaid. Bago siya tumalikod, inabot niya yung kamay niya at tinayo niya ko sa ikalawang b eses. tinayo niya din yung bike ko tapos ngumiti siya ulit. Napatulala lang ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bat siya kinakatakutan dito sa village eh isa na ata siya sa mga pinakamabait na nakasalumuha ko. Ingat ka. Dumerecho na siya dun sa swing. Ako naman, nakatingin parin sa kanya. May nakita akong mga bata na papalapit sa kanya. Nagbubulungan. Ikinagulat ko nung isa sa kanila nagbato ng isang bato. Tawa sila ng tawa tapos sumigaw yung isang batang babae ng hindi ko alam kung bak ulaw o halimaw. Pero alin man sa dalawa, hindi parin magandang pakinggan. Hoi! Tama na nga yan! Mga bata pa lang kayo nanakit na kayo! Tumatawang lumalayo yung mga bata. Ako naman lumapit sa kanya. Nagulat ako nung may tumutulong dugo sa may ulo niya. Napatakbo ako papunta sa kanya. Okay ka lang ba?! Tinatanong mo pa ko e kita mong may sugat na ko. Tae naman o. Tapos ngumiti siya. Dun ko lang napansin na yun yung eksaktong sinabi ko kanina nung nasugatan ako. Kinuha ko yung alcohol at yung bulak sa bag niya at hinanap yung sugat sa may ul o niya. *** CHAPTER 4 [Behind Her Smiles] Umuwi ako ng maaga para magluto. Oo. Magluto. Nagluto ako ng 2 hotdog tapos nilagay sa isang baunan. Kinuha ko yung isang yaku lt na babaunin sana ni Gerald para bukas. Kinuha ko yung bike ko at pumunta sa p ark. Halos isang linggo narin kaming ganito. Nakilala ko narin siya ng mas malapit. Nalaman ko na isang beses sa loob ng dala wang linggo, pumupunta yung mama niya sa bahay nila para magiwan ng mga grocerie s. Kaya pala natitiis niya ang ganong pamumuhay.

O eto. Diba sabi ko sayo wag mo na ko baunan? Ayoko. Pinagalitan ka na ng mama mo kahapon at nung isang araw. Hayaan mo sila. Ayos lang naman. Mula nung sinabi mo sa kin na isang beses ka lang sa isang araw kumakain, nangako na ko na babaunan kita. Kahit man lang dalawang beses sa isang araw ka kumakain . Sinabi mo din yan kahapon. Pati yan, sinabi mo din kahapon. Tapos ngumiti siya. Ewan ko ba. Sa tuwing ngumingiti siya, pakiramdam ko ako na ang pinakamabait na tao sa buong mundo. Hindi ko rin alam kung bat ko to ginagaw a. RING. Hello? Tol san ka? Bakit? Basket tayo. May ginagawa ako. Grabe naman. Nung isang linggo ganun din ah. Sige na. Pasensya ka na pero Hello, Nathan? Nung narinig ko yung boses na yun, napatigil ako. Alam ko kung kanino yun alam na alam. Siya yung babaeng minahal ko sa nakalipas na 3 taon. O, Sam. Asan ka? Pwede ba kita puntahan? Gusto kita makita! Kasama ko si E Hello? Hello? Wal a akong marinig. Nath DIAL TONE. Binaba ko na. Sa totoo lang, nagkunwari lang naman talaga ako na choppy yung kab ilang linya. Ayoko siyang kausap. Naaalala ko pa yung ginawa niya sa kin nung hu ling beses. Sino yun? Wala. Girlfriend mo? Wala ako nun. Ikaw, nagkaboy Salamat sa pagkain ah. Naramdaman ko yung pagiwas niya sa tanong ko. Kaya, sumabay na lang ako sa gusto niyang daloy ng usapan. Oo naman. Teka, matagal ko na kasing gusto itanong to eh. Ano yun? Tinanong kasi kita sa kaibigan ko dati. At ang sabi niya Rebecca daw ang pangalan mo. Bakit ang pakilala mo sa kin eh Mary?

Pag ipinaliwanag ko sayo ngayon, hindi mo na maiintindihan ang kaibahan ng tubig at apoy. Ibig sabihin, mahabang kwento? Oo. Pinagmasdan ko siya kumain. Siguro, eto na yun. Nakunan kasi si mama dun sa huli niyang pinagbuntis. Eh babae yun. Kaya siguro siya dumating sa buhay ko. Pwede bang bumisita sa inyo? Hindi. Hindi mo man lang pinagisipan. Ikaw bahala. Gusto mo ba? Oo. Tara. Inayos niya yung baunan tapos tumayo na siya. Ngumiti nanaman siya bago niya ina bot yung kamay niya sa kin. Hindi ko naman akalain na ngayon nga kami pupunta. H indi man lang ako nakapagayos para man lang pagkakita ng mga magulang niya sa ki n, maayos agad. Tahimik lang kaming naglalakad. Ako, dala-dala ko yung bike at bag ko. Siya nama n, dala-dala yung baunan na dinala ko para sa kanya at yung teddy bear. Tinititi gan ko yung mukha niya. Hindi ba dapat nakikita niya na tumititig ako sa periphe ral vision niya? Pero kung makatingin siya sa mga paa niya, parang wala na siyan g ibang mundo kundi yun lang. Gusto kong malaman kung anong nangyare sa kanya. Kung saka-sakali ngang grumadua te ako bilang isang psychologist, siya ang una kong gagamutin. Andito na tayo. Hindi ko napansin na sa dinamidami ng nasa isip ko, nandito na pala kami sa tapa t ng bahay nila. Nagulat ako dahil walang bahay sa street nila kundi yung kanila lang. Ito na ata ang pinakamaliit na bahay sa village na to. Ang tawag sa street na to ay forbidden street. Dahil, andito kami. Kami. Ibig sabihin, may kasama siya. Gusto mo bang pumasok? Uho sige Hindi ko pa tapos yung sinasabi ko dahil may narinig akong hagis ng isang bote. Nagulat ako, pero siya parang normal lang. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kun g sino yun. Binuksan niya yung gate. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang nakalock. Ganito ba talaga sila namumuhay araw-araw? Pa, andito na ko. Sa harap ko, nakakita ako ng isang hindi pang araw-araw na nakikita. Yinakap siy a ng papa niya tapos iyak siya ng iyak. Pa, wag kayong umiyak sa harap ng bisita ko. Bumitaw yung papa niya sa kanya saka pinunasan yung luha niya at umiinom nanaman mula dun sa bote. Ipinunas niya yung mga kamay niya dun sa shorts niya saka hin arap sa kin. Pasensya na iho. Ako ang papa ni Mary. Ako po siNathan. Kaibigan po niya.

Nagulat ako nung yinakap niya ko. Amoy alak siya, pero hindi ko ipinahalata na n aamoy ko yun. Nakita ni Mary na nagsalubong yung kilay ko. Pa. Ay, pasensya na iho naamoy mo pa tuloy ako. Ayos lang po. Tuloy ka. Upo ka lang. Umupo naman ako dun sa sofa nila. Maliit lang yung bahay nila. Tahimik, wala man lang maririnig na kahit na ano kundi yung tunog ng electric fan. Mejo naiilang ako dahildahil una sa lahat hindi ko alam kung pano nila natatagalan yung ganiton g buhay. Kung tutuusin, pwede pa nila ayusin pero tingin ko, pinili nilang hindi. Gusto mo ng juice? Hindi sige. Ayos lang. Teka ikukuha kita. Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko. Iho, may sinabi na ba sayo ang anak ko? Tungkol po saan? Wala naman. Salamat talaga. Salamat talaga sayo. Bakit naman po? Kasi Pa, itigil niyo na yan. Eto o, pasensya ka na, eto lang ang meron kami. Naghanda siya ng isang cheesecake at orange juice. Para naman hindi masayang yun g ginawa niya para sa kin, kinuha ko at kinain. Naramdaman kong natuwa ang papa niya dahil ngumiti siya. Siya naman, pinagmasdan niya kong kumain. Naiilang parin ako dahil sobrang tahimik. Parang nanonood lan g sila ng palabas. Gusto mong pumunta sa kwarto ko? Ayos lang. Pa, dun lang kami. Tara. Nung tumayo siya, isang signal na yun para tumayo din ako. Hindi ko alam kung ba kit pero parang may iniiwasan siyang malaman ko mula dun sa papa niya. Nirerespe to ko naman kung ano yun. Pagdating ko, maayos yung kwarto niya. Mas maayos pa kesa dun sa sala nila. Yung kama niya parang hindi hinigaan araw araw dahil maayos. Ang ayos ng kwarto mo. Ako lang naman ang pumapasok dito. Ikaw na ang sunod. Sa loob ko, masaya ko. Oo naman. Pero, ang papa ba niya, hindi pa nakakapasok? Papa mo? Hindi pa. Ah. Hindi ka ba nagtataka kung nasaan ang mama ko? Nagtataka din. Pero, hindi ko na tinanong dahil, baka personal. Pero kung gusto mo Se perado sila. Ahganon ba. Ayoko na magsalita. Bakit ganon? Lalo ko tuloy hindi maintindihan kung bakit sil

a nilalayuan ng mga tao. Hindi ba dapat, mas maraming umiintindi sa kanila ngayo n? Maya-maya, nakarinig nanaman kami ng isang hampas ng bote. Teka lang, lalabas lang ako. Pagkalabas niya, tumayo ako. Sinubukan kong tumingin tingin ng mga bagay. May mg a manika siya, pero ayon, center of attraction parin yung teddy bear na lagi niy ang dala dala na ngayon eh nakahiga na sa kama niya. May acoustic guitar pa siya . Bukas yung cabinet niya. Pagtingin ko, sandamukal na bestidang itim, pula, put i at violet yung nakita ko. Hindi na ako magtataka kung bakit yun lagi yung suot niya. Pambahay at pangalis na niya tong lahat. Maya maya eh natapilok ako sa isang bagay na hindi ko inaasahang meron siya. Pinulot ko, binuksan at sinara. Alam kong hindi tama pero nilagay ko yun sa bag k o. Siguro sa sobrang gusto kong malaman ang buhay niya. Pasensya ka na. Ganito talaga kami. Laging pagdating mo umiiyak siya? Isang beses sa isang linggo lang umuuwi si papa. Bakit? Kumikita siya ng pera. Sa? Panghohold-up. Nagulat ako nung sinabi niya yun, pero mukhang seryoso siya. Inaasahan kong iiya k na siya pero hindi. Hinintay ko yung susunod niyang sinabi. Ilang beses ko na siya pinagsabihan, pero ayaw niyang tumigil. Peromali. Alam ko. Pero para yunsa akin. Kaya ayaw niyang tumigil. Narinig ko yung tigil niya. Siguro nag-ipon pa siya ng lakas ng loob para sabihi n yun. Narinig ko yung mahina niyang buntong hininga kaya napatingin ako sa kany a. Tara, ihahatid na kita dun sa park. Gusto ko siyang yakapin pero sino naman ako para gawin yun? Sumunod na lang ako s a kanya hanggang sa nakarating na kami sa park. Nagbabay siya sa kin. At ang fin ale niya, ang mga ngiti niya. Pagkauwi ko ng bahay, nilapag ko agad yung bag ko. Kinuha ko yung nakita kong ba gay sa kwarto ni Mary. Alam kong mali, pero saka na ko magkukumpisal. Bumuntong hininga ako at inumpisahang basahin. Sinabi ko na ang unang dalawang s alita na nakita ko sa notebook na yun. Dear Diary. *** CHAPTER 5 [Her Miserable Past] Hindi ako pumasok kinabukasan. Bakit? Ayokong makita ng mga tao na mugto yung mg a mata ko. Bakit mugto yung mga mata ko? Kasalanan nung diary niya.

Hindi pa ko umiyak ng ganito. Nakakainis dahil umiyak ako. Dalawang beses pa lan g ako umiyak. Yung isa yung libing ng lola ko at yung isa ay yung naghiwalay kam i ni Sam. Nung naghiwalay kami ni Sam at kinanchawan ako ng barkada ko, nangako na ko na di na ko iiyak. Naalala ko pa yung sinabi ni Ethan. Ano ba tol. Ikaw lang ata tong chikboy na madaling paiyakin eh. Yung barkada ko lang naman yung nakakita nun. Ngayon, napaiyak ako dahil sa diar y niya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit. Dito ko napansin na, nung una pala kaming nagkita 17th birthday pala niya. Tae. 7th birthday niya. Ang tawag pa sa kanya ay Rebecca. Yung teddy bear na lagi niy ang hawak, regalo sa kanya ng mama at papa niya. Pero kailangan nilang umalis pa ra sa isang business trip. Namatay yung mga magulang niya. First. Inampon siya ng tita niya. Yung tito niya, lagi siyang binubugbog na hindi alam ng tita niya. Pag nagsumbong daw siya, papatayin daw siya. Pag dating ng tita ni ya at nakitang may pasa, ang sasabihin lang niya, nadapa siya. Second. Natuklasan din ng tita niya ilang buwan pagkatapos. Pinagtanggol siya ng tita ni ya hanggang sa nagdesisyon sila na maghiwalay na lang sila. Iyak ng iyak yung ti ta niya. Yung anak naman nila, sinisisi si Mary kung bakit nangyare lahat yun. T apos sinabi niya na ampon lang naman si Mary. Third. Nung nakumpirma nga ni Mary na ampon lang siya, nakiusap siya sa tita niya na ik wento ang lahat. Sabi niya, nakita daw siya sa airport ng tinuring niyang mama a t papa na umiiyak dahil nawawala. Nakiusap si Mary sa tita niya na hanapin nila yung mga magulang niya. Nung araw na nalaman nila yung address ng tunay niyang i na sa tulong ng ilang corporation at iba pa, nagpakamatay yung anak ng tita niya dahil tingin niya mas mahal na daw nung tita niya si Mary. Pinalayas ng tita ni ya si Mary at sinabi na hanapin niya yung mga magulang niya mag-isa. Fourth. Pumunta siya sa address ng tunay niyang ina. Mayaman sila. Pinatuloy siya. Nung nagpa DNA test, nalaman nga na tunay na ina ni Mary na siya yung nawawala niyang anak. Yung araw na nawawala siya sa may airport ay kaka-four years old pa lang niya pala. Pero nalaman din ni Mary na seperado na pala sila ng tunay niyang ama simula nung nawala siya ng airport at may asawa na palang bago yung ina niya. F ifth. Yung step father niya, katulad ng tito niya. Lagi siyang sinasaktan. Dahil magka iba yung pangalan niya sa birth certificate, maraming pinabago. School records a t iba pa. Dahil daw sa sakit ng ulo na binibigay sa kanya, yung mga pananakit na l ang daw yung sukli sa lahat ng ginagawa niya. Hindi din alam ng tunay niyang ina yung ginagawa ng step father niya sa kanya. Sixth. Nung nalaman ng tunay niyang ina na sinasaktan siya ng step father, masakit man sa loob niya, nagkita ulit sila ng tunay niyang ama. Binigay niya sa kanya. Mary na ang pangalan niya. Yung tunay niyang ina, siya yung nagbibigay ng pera dun s a kanila kaya sila nagkakapera. Dito na sila nakatira 11 years old pa lang siya. Pero kaya sila nilalayuan ng tao, ex-convict kasi yung tunay niyang ama. Wala s iyang naging kaibigan dahil dun. Seventh. Nung 4th year high school siya, nagkaroon siya ng boyfriend, at bestfriend. Nung

birthday niya, kasabay nung 5th monthsary nila, nakita niya na naghahalikan yun g boyfriend at bestfriend niya. Eighth. Pero ang pinakamasaklap kaya ako napaiyak Second year college siya, nung nalaman nila ng tatay niya na may leukemia pala s iya. Ninth. Sinong hindi maiiyak sa lahat ng yon? Sa iisang tao, nangyare lahat ng bagay na yun? Kung sa pusa, nine lives, sa kanya, nine deaths. Katulad nga ng sinabi niya , hindi ako makapaniwala na may nageexist pala na ganong storya. Kaya pala siya nagpasa ng mga papeles para sa leave. Pero sa dulo ng bawat entry sa diary niya... may nakalagay: Pero hanggang ngayon di parin ako marunong umiyak. Isa nga siyang masokista. Isang taong gustung gusto masaktan. Hindi naman yun na kakapagtaka. Kinakaya niyang ngumiti, pero kahit kailan hindi pa siya umiyak. Ngayon naiintindihan ko na. Totoo yung sinabi niya na gusto niyang mahulog yung mga luha sa mata niya. Dahil kahit kailan hindi pa siya umiiyak. Oo alam ko. Alam kong impusible. Pero eto, may isang taong nagpatunay sa kin na pusible pala yung mga bagay na akala ko hindi pusible. Ngayon alam ko na kung anong dahilan kung bakit ako dumating sa buhay niya yun ay para RING. Hello? Tol. Bat mo naman binabaan si Sam nung isang araw? Sabi ko naman sayo diba, ayoko n a siyang makita. Sabi niya, mahal ka pa rin niya. Napatulala ako sa sinabi Ethan. Sana matagal na niya yun sinabi. Pare, susko naman. Yung babaeng matagal mo na hinahabol ang naghahabol na ngayon sayo. Alalahanin mo nga yung mga ginawa mo para sa kanya. Hindi mo ba naisip na meron ng saysay yung mga yun? Bigla kong naisip. Tama sa Ethan. Matagal ko narin minamahal si Sam. MU kami noo n, pero wala talagang relasyon kung san nakakandado kaming dalawa. Siya nga ang first kiss ko, at siya ang unang babaeng nagpabaliw sa kin. Nafall out siya sa k in, sa di ko alam na dahilan. Tol, debut na ni Sam sa susunod na linggo, sa 16. Gusto niya, maging escort ka ni ya. Sige pag-iisipan ko. Wag na tol. Wag mo na pag-isipan. Oo na ha? Sige babay. Teka! DIAL TONE. Nagbuntong hininga ako. Nakaisip agad ako ng lugar kung saan ko mailalabas yung stress ko. Iniwan ko yung diary niya sa may kama tapos pumunta ako sa park. Nagb ike ako papunta dun, at siyempre, nakita ko nanaman siya.

Mary. Nathan. Umupo ako sa tabi niya, at nagswing. Tapos may binigay siya sa akin. Isang ticke t, ticket ata to ng isang play, Les Miserables. Natuwa naman ako at binigyan niy a ko ng ganito. Kasali ka dito? Oo. Hindi naman sa theater talaga yan. Ipapalabas lang namin sa isang school of a rts. Ako si Cosette. Kakanta ka? Oo. May 2 akong kakantahin. Kailan pa kayo nag papractice? Matagal na. Ngayon lang nirelease yung tickets. Astig. Sige pupunta ako. Aasahan ko. Eto na kasi yunghuling performance ko. Naisip ko na kung hindi ako magtatanong, pwede siyang magtaka. Siyempre, kailang an kong magtanong para hindi niya mahalata na alam ko na yung masaklap na katoto hanang mangyayare sa kanya. Bakit? Tingin ko lang. Ngumiti siya ulit. Binuksan ko yung envelope at tiningnan. Les Miserables? Eto y ung kay Victor Hugo. Nabasa ko na to. Pagtingin ko sa date, lumaki yung mata ko. Magkasabay yung debut ni Sam sa play niya. Parehong gabi. Tae. Anong gagawin ko? May problema ba? Wwala. Sabihin mo na agad kung hindi ka makakapunta, para hindi ako umasang may dadating para panuorin ako. Hindi, pupunta ako, pinapangako ko yan. Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong taon kaya sana makapunta ka. Hinawakan niya yung kamay ko at dun ko lang naramdaman na sobrang lambot pala ng mga kamay niya kahit ilang beses narin niya ko nahawakan. Siguro dahil eto na y ung pinakamahabang pagkakahawak niya sa kin mula nung nagkakilala kami. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako. Pero iba tong kabog ng pus o ko. Hindi ko sigurado, pero kinakabahan ako sa kabog na to. Awa? Siguro nga awa to. *** CHAPTER 6 [Discernment] Nahihirapan akong mag-isip kung ano ba dapat gawin. Oo, hindi nga ako nangako ka y Ethan na makakapunta sa debut ni Sam. Pero aaminin ko, may nararamdaman pa ako para sa kanyaata. Sa tuwing naiisip ko kasi yung mga alaala naming dalawa, paran g gusto kong ibalik ang oras at dun na lang manatili habang buhay. Pero eto ako ngayon, nahihirapang magdesisyon kung saan nga ba ako pupunta. Buti sana kung mauulit yung play na yun. Kung mauulit yun, madali lang magdesisy on. Kaso hindi eh. Yun na yung huli niyang play. Nakadagdag pa yung huli niyang

sinabi nung isang araw. Ikaw lang ang naging kaibigan ko matapos ang tatlong tao n kaya sana makapunta ka. Tae. Nahihirapan akong magdesisyon. Tumatakbo ang oras pero nahihirapan parin ako pumili. Nagtoss coin na ko, nakipa gbato-bato pick sa kapatid ko, nagpiring pa ko. Lahat, ang lumabas, sa debut ni Sam. Pero, nagaalinlangan parin ako. Ano ba talaga Nathan. San mo ba talaga gustong pumunta? Lagi kaming nagkikita ni Mary. Ganon parin, binabaunan ko siya. Mejo nakakailang nga lang pag nawawala yung mga batang naglalaro kasi biglang tumatahimik. Pag g anon ang nangyayare, magtatanong ako sa kanya ng kahit ano saka ako magkkwento. Sa konting araw na natitira para magdesisyon ako, nakwento ko na ata sa kanya an g talambuhay ko. Siya, tahimik na nakikinig. Isang araw bago ang debut ni Sam at ng play niya, siya na mismo ang tinanong ko kung anong gagawin niya pag nahihirapan siyang magdesisyon. Mary, pag nahihirapan ka magdesisyon, anong ginagawa mo? Nanghihingi ako ng milagro mula sa Taas. Tulad ng? Kunwari pinapapili ako kung cookies and cream ba o rocky road. Dahil pareho kong gusto, bibilhin ko na lang pareho. Pero pag may dumating na taong nanghingi ng i sa dun sa mga binili ko, ibig sabihin, yung natira yung nakatakda para kainin ko . Astig nung sinabi niya. Pero hindi ko naman yun magagamit sa pagdedesisyon ko. Pa ano ako hihingi ng milagro mula sa Taas kung hindi naman to kamila-milagro? Titi gil ba yung play na yun kung babagyo? Eh yung debut titigil din ba kung babagyo? Tingin ko kung babagyo, titigil pareho. Ano pang milagro ang dapat kong hilingi n. Wala na. Bahala na. Kinabukasan, nagaalinlangan parin ako sa desisyon ko. Eto ang desisyon ko. Pupun ta muna ako sa debut ni Sam. Tapos, pag nagampanan ko na yung pagiging escort ko , aalis na ko at pupunta dun sa play. Sa tingin ko naman, matagal lalabas si Cos ettesi Mary. 30 minutes lang naman papunta dun sa school of arts na sinasabi niya . Parehong 8 pm yung play at yung debut niya. 7 pa lang nagbihis na ko. Pumunta mu na ako sa bahay nina Mary. Kumatok ako pero walang sumagot, ibig sabihin, umalis na siya. Pagkatapos nun, pumunta na ko dun sa resort kung san gaganapin yung de but ni Sam. 7:45 nung nakarating na ko sa resort. Tol ang tagal mo! Sinalubong ako ni Ethan dun sa gate tapos hinatak niya ko. Nagkita kita nanaman kaming magkakabarkada sa high school. Siyempre kamustahan. Punta ka na daw sa room ni Sam. Ako lang?! Natural. Ikaw escort eh. Pumunta ako dun sa kwarto ni Sam. Nakita ko siya, naka blue na gown. Ako naman,

namangha sa kagandahan niya. Pero di ko parin maalis sa isip ko yung gagawin ko para makaalis papunta dun sa play ni Mary. Naguguluhan na ko. Nathan! Yinakap ako ni Sam. Yinakap ko rin naman siya pabalik. Mejo matagal narin nung n iyakap ko siya at namimiss ko narin yung ganitong mga alaala. Akala ko hindi ka na pupunta! Wala naman akong choice eh. Ibig ba sabihin napilitan ka lang pumunta dito? Teka, ano yang nasa mukha mo? At yun. Bam. Nagpanic siya. Totoo naman eh. May puting ewan dun sa mukha niya. P inapunas naman niya dun sa nanay niya. Oo, tumakas ako sa tanong niya. Ayoko sag utin, hindi rin naman ako sigurado sa sagot. Nagumpisa na yung debut. Konting tuksuhan dahil magkasama nanaman kaming dalawa. Akala ko sa entrance na matataposhindi pa pala. Ano pang gagawin ko? 18 roses tol. Wag kang mag-alala. Magkasama naman May gagawin kasi ako. Anong oras b a yun?! Easy ka lang. Pagkatapos naman nung mensahe nung pamilya niya, 18 roses na. Naisip ko. Maikli lang yun. Pero nagkamali ako. May dinner pa. Konti lang kinain ko dahil naiinis na ko. Pinagpapawisan na ko sa mga nangyayare. Sana sana hindi pa tapos yung play. Kahit masabi ko man lang na humabol ako. Pagdating ng 18 roses, at nung ako na ang sumasayaw kay Sam, nagkausap kami sagl it. Nathan pwede ka bang magover night dito Hindi pwede. May gagawin ako. Please? Debut ko naman. Sorry Sam, nangako na ko sa isang kaibigan eh. Naman. Bahala ka, hindi kita papakaw alan. Nagulat ako sa sinabi niya. Matapos yung kanta, babalik na sana ako sa upuan ko pero hinawakan lang niya yung kamay ko ng sobrang higpit. Napatingin ako sa kany a, at ganun din naman siya. Gusto ko nang umalis. Magpupumilit sana ako pero nak ita ko bigla yung lahat ng taong nandun sa okasyon na yun. ASAR. Wala na. Hindi na ako makakapunta dun sa play. Alam ko na yun. Tae naman. Sana, hindi ko na sinabing makakapunta nga ako dun. 12 am natapos yung debut. Sobrang bad trip ako. Paalis na ko nung Nathan! Sam pwede ba, may kailangan pa kong gawin! Bat ka ba galit na galit? Ano ba yung nakaligtaan mong gawin na mas importante pa sa akin?! Yung play niya. Niya?! Sino?!

Aalis na ko. Teka! Hindi na ko napigilan ni Sam. Sobrang bad trip. Bad trip talaga. Alam kong wala na kong aabutan dun sa play na yun, kaya umuwi na ko ng bahay. Pagkadating ko ng bahay, 12:45 na ng umaga. Nasa gate na ko nung naisip kong puntahan siya at magsorry. Mapapatawad kaya niya ko? Gising pa kaya sila? Sana sana nga. Kinuha ko yung bike ko. Tutal may susi naman ako ng bahay kaya ayos lang kahit b ukas pa ko makauwi. Alam naman nina mama na debut yung pinuntahan ko. Ako naman, nagbike ako papunta sa kanila. May street lights naman kaya ayos lang, parang 8 lang ng gabi. Tao po! Mary? Kumatok ako at sumigaw sa harap ng bahay nila. Kaso wala talagang sumasagot. Nak abukas yung gate nila pero nakalock yung mismong pinto ng bahay nila. Wala akong choice kundi lumabas. Dun ko nakita yung tatay niya. Lasing. Dito na ko magdada sal para sa isang milagro na mapatawad sana niya ko. O, ikaw pala iho. Tito, si Mary po? Hindi mo ba kasama? Sabi niya hihintayin ka daw niya dun. Dun sa sinabi niya, nagpanic ako. Takte. Anong oras na ba at wala parin siya sa bahay nila? Tapos hinintay pa niya ko dahil akala niya darating akotakte. Lalo ak ong nakonsensya sa ginawa ko. Ano bang naisipan niya at ginawa niya yun? Nagmadali akong lumabas ng gate. Iniwan ko yung bike ko dun sa bike parking at nag para ng jeep. Buti na nga lang may jeep pa. Sandali lang naman papunta dun, mga 10 minutes siguro dahil wala ng traffic. Sarado na yung gate ng school pag datin g ko dun, lalo akong naguluhan kung anong gagawin ko. Tumagal ng 20 minutes ang paghahanap ko. Pero wala hindi ko man lang siya nakita sa paligid ng school. Naisip ko tuloy, baka nagkasalubong kami. Baka nga Naglakad ako na sobrang lungkot. Hindi ko nga alam kung paano siya haharapin nga yon. Unang beses kong nangako sa kanya, tapos hindi natupad. Sabi nga ni mama, i pako mo na lahat ng ipapangako mo sa isang tao, wag lang yung unang pangako mo s a kanya. Tae. Naglakad na ko papalayo. Papara sana ako ng jeep nung may nakita akong eskinita. May dalawang lalake dun na parang pinagtritripan ang isangdi ko maaninag. Tumawi d ako para makita, nagulat ako nung nakita ko siya. Ang masaklap binabastos ata s iya. Nagulat ako sa nakita ko. Nakasandal lang siya dun sa may poste at parang hinaha yaan lang niya na nakawan o kung ano mang gawin sa kanya. Sa sobrang galit ko, s umigaw ako ng sobrang lakas. Yung dalawang lalaki, napatingin sa kin. Tigilan niyo nga siya! Binato ko sila ng pinakamalaking batong nakita ko. Tumakbo naman sila papalayo. Si Mary, napaupo. Pero ang weirdo sa nakita ko, nakangiti parin siya, at ni di m an lang siya umiyak o nagwala o sumigaw.

Pumunta ako sa harap niya. Binigay ko yung kamay ko. Tiningnan lang niya ko ng d irecho sa mata at ngumiti. Hindi ko alam pero masakit eto ang unang beses na nasaktan ako kapag nginitian ak o ng isang tao siya lang siya lang ang nagparamdam sa kin ng ganito. Ano ka ba! Ni hindi ka man lang marunong lumaban! Kinuha niya yung kamay ko at tumayo siya. Pinagpag niya yung dress niya saka siy a ulit tumingin sa kin ng derecho sa mata na parang walang nangyare. Pumunta ka. Akala ko hindi ka na pupunta. Wag mong Hindi mo kailangan magalit. Ayos lang akotingnan mo, nakangiti parin naman ako Wag ka na kasi magpanggap. Kung ayos ka lang, bakit napakalamig ng mga kamay mo?! Bakit nanginginig yung mga labi mo?! Sabihin mo nga sa kin?! Oo. halatang galit ako. San ka naman nakakita ng ganitong nilalang. Ni hindi mar unong lumaban ni hindi marunong umiyak?! Pano pano ko pagagaanin ang loob ng isang taong alam kong may taning na? Ngumiti siya ulit sa kin. Kasabay ng galit ko, kumidlat. Mukhang uulan. Wag ka na magpanggap, pwede? Alam ko na lahat. Alam ko na. Alam ko na kung anong mga pinagdaanan mo mula sa kabataan mo hanggang sa ngayon. Alam kong hindi ka ma runong umiyak. Alam ko! Alam ko lahat, alam kong may sakit ka. Alam kong isa kan g taong naghahanap ng paraan para ilabas ang Ibig sabihinikaw ang kumuha ng Oo! Ako. Ni hindi ka man lang nagagalit sa kin? Hindi ka man lang Hindi ako marunong Marunong ka Mary! Nagpapanggap ka lang na hindi! Nagpapanggap ka lang na masokist a, pero alam mong alam mo sa sarili mo kung anong hinahanap mo. Hindi totoo yan Nathan. Kung alam ko nga Alam mo. Pero hindi mo ginagawan ng paraan para makita dahil sa tingin mo mamamatay ka na. Yun ang pinakamasakit na nasabi ko sa isang tao sa tanang buhay ko. Pero hindi k o na mapigilan. Kailangan lumabas kung ano yung nararamdaman niya kailangan. Hindi. Oo. Marunong ka umiyak, pero iniisip mo na hindi ka marunong kaya umaatras yang m ga luha mo. Nasasaktan ka. Marunong kang magalit! Hindi ka masokista Mary! Alam mo sa sarili mo na Pero bago ko pa gusto sabihin ang gusto kong sabihin, biglang umulan. Malalakas na patak ng ulan. Kinuha ko yung kamay niya para sumilong. Naisip ko, kailangan ko munang isantabi to. Nung kinuha ko yung mga nanlalamig niyang mga kamay, para siyang nanigas. Hindi siya umaandar. Ayaw niyang magpahila. Marynababasa ta Nagulat ako nung bigla niya kong yinakap. Pero sa lakas ng impact ng yakap niya, parang naging tulak yung dapat niyang yakap kaya nawala ang balanse ko. Nahulog

kami sa may basang kalsada. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya hanggang sanarinig ko yung matamis niyang hagulgol. Oo! Takot ako! Sobrang takot ako! Takot ako sa hinaharap! Takot na takot! Pero an ong gagawin ko Nathan? Ano?! Sa lahat ng mga nangyare sa buhay ko, ginusto kong umiyak! Pero hindi lumabas an g mga luha ko, kahit sobrang sakit sobrang sakit! Hinayaan ko lang siyang humagulgol. Pinakinggan ko lahat ng mga sasabihin niya. Sana lang, maunawaan ko lahat ng nasa isip niya sana, maramdaman ko lahat ng nasa puso niya Humagulgol pa siya ng humagulgol. Unti unti ding tumigil yung ulan. Oo, basa na kami. Pero masaya ako sa nangyare masaya ako, kahit hindi ko siya napanood sa hul i niyang palabas. Napagod ata siya sa kakahagulgol. Nanginginig na kami dahil basang basa kami. Da hil wala na siyang lakas, binuhat ko siya sa likod ko. Dala dala ko yung bag nam in. Buti na lang may mga taxi pa, at buti na lang may dala akong pera. Bago ko napara yung taxi, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan Ikaw ang unang taong nagpaiyak sa kin masaya ako na ikaw yun. Tapos, nakatulog na siya. *** CHAPTER 7 [Between the Lines] Isang buwan na ang nakakalipas mula noon. Isang buwan narin ang nakalipas nung s iya na ang naging matalik kong kaibigan. Ikaw madalas ka ba umiyak? Nagulintang ako sa tanong niya, siguro dahil hindi appropriate itanong? Hindi ko alam kung bakit. Pero natural, sinagot ko na rin. Hindi. Kailan ka umiiyak? Pag may burol? Natawa pa ako sa sinabi ko. Pero siya, nakangiti ng tahimik kaya napilitan akong itigil yung tawa ko. Nabasa ko kasi sa kanya na may sasabihin siya. Bat mo iiyakan ang taong wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung taong andy an pa pero alam mong mawawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may chansang al am niyang may umiiyak dahil sa kanya, kay sa yung iniiyakan mo siya na wala na t alagang chansang malaman niya kung gano siya kahalaga sayo. Hinding hindi ko talaga makakalimutan yung bawat salitang sinabi niya. Sinulat k o pa yun sa kamay ko para matandaan ko. Pagkadating ko sa bahay, sinulat ko ulit sa isang sticky note. Hindi ko alam pero parang magagamit ko yun pagdating ng ar aw.

Mas nakakausap ko siya ng madalas. Paguwi ko galing school, siya agad ang kinaka usap ko. Oo, ako lagi ang nagkkwento. Pero, di bale na. Hindi nga nakukumpleto a ng araw ko pag hindi ko siya nakakausap. Kahit hindi siya nagkkwento sa kin ng k ahit isang katiting ng nangyare sa kanya... kahit lagi pang may nakasaksak na he adphones sa tenga niya, okay lang sa kin. Kasalanan ko kung bat ko nalaman lahat ng ayaw niyang malaman ng ibang tao dahil kinuha ko yung pinakatatanging bagay na pinagtataguan niya ng lahat ng sikreto niya. Binigay ko na nga rin pala yung diary niya pagkatapos nung araw na umiyak siya s a kin. Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan yung mga huling sinabi niya nung araw n a yun. Para bang, tinubuan na lang ako bigla ng pakpak. Basta ewan. Di ko maipal iwanag. Tinitigan ko ulit siya. Pero ngayon, may napansin akong kakaiba. Hindi mo dala teddy bear mo? Hindi. Bakit? May sakit siya. Pinaliguan ko kasi siya kahapon. Asan siya? Pinagpapahinga ko. Gusto mo makita? Ah hindi na. Matanong ko lang May pangalan ba yun? Meron. Aki. Bakit? Tag-lagas ang ibig sabihin nun. Wow. Ang lalim. Pwede naming autumn. Kaya talaga tuwang tuwa ako sa kanya. Napan giti ako lalo nung nakita kong isubo niya yung mansanas na dala ko. Kasing puti niya si snow whitena may mahabang buhok. Naisip ko lang. Ano yun? Punta ka kaya sa campus? Bakit? Uh wala lang. Para lang may mapuntahan ako pagkatapos ng class. Perowag na pala. Ba ka mapagod Hindi, sige pupunta ako. 3 andun na ko. Talaga? Oo naman. Para sayo. Teka, eto. Binigay ko sa kanya yung cellphone ko. Alam ko naman kasing wala siyang cellphon e eh. Wala siyang e-mail. Wala siyang telephone. Para saan? Text mo ko pag andun ka na. Pag tingin mo naman sa contacts yung isang number ko yung una. Pano ka? May isa pa naman ako sa bahay eh. Wag mo lang yan iwawala. Pano pag may nagtext say o? Bayaan mo na lang siya. Uhteka. Ano yun?

May iba ka bang suot? Bukod sa itim na bestida? Dito ako kumportable Nathan. Sa tuwing ganito ang sinusuot ko, tingin ko may kaya kap ako. Bat naman? Di ko rin alam. Basta ganon. Ngumiti siya sa kin, at ganon na rin naman ako. Tumayo ako para iswing siya. Nun g panahon na para magpaalam na, hindi ko makakalimutan yung pipindutin ko yung i long niya tapos saka ako magbabye. Nung susunod na araw, excited akong matapos yung mga klase ko, hindi ko alam kun g bakit. Siguro dahil makikita ko siya, yung babaeng sobrang kakaiba na sa isang pitik, bigla ko na lang siyang naging matalik na kaibigan. Nagtext siya tapos a ng sabi niya eh andun na daw siya. Paalis na ko ng building nung may narinig ako ng tumatawag sa kin mula sa likod. Paglingon ko Nathan! Sam? O, Ethan. Andito ka din. Yinakap ako ni Sam pero wala sa mood yung mga kamay ko para yakapin siya pabalik tulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga alam. Tiningnan ko si Et han ng masama, dahil alam kong siya ang may pasimuno nito.

Pasensya na, nagpumilit eh. Ano ginagawa niyo dito? Punta tayong mcdo! Ayoko. May gaga in pa ko. Ano ba yang mga ginagawa mo na mas importante pa sa kin?! Ayan nanaman yung tanong niya. Sa totoo lang, parang wala na kong nararamdaman s a kanya. Lungkot na lang ata yung nararamdaman ko pag naaalala ko yung alaala na ming dalawa, pero yun na lang yun. Kakausapin ko ang isang taong, mahalaga sa kin. Mas mahalaga pa kesa sa min ni Etha n? Isang taong kahit kailan hindi nakaramdam ng pagpapahalaga ng ibang tao. Tapos ngumiti ako. Weirdo yung sagot ko na pati si Ethan nagsalubong yung mga ki lay. Inalis ko yung mga kamay ni Sam tapos umalis na ko at dumerecho sa sunken g arden. Umikot na ko pero wala akong nakitang babaeng nakaitim na bestida hanggan g sa may nakita akong babaeng may nakasaksak na malaking headphones sa tenga niy a. Tiningnan ko kung sino yun, at nagulat ako sa nakita ko. Tumayo siya, at as usua l, ngumiti. O Nathan. Bbakit ka nakapula? Sabi mo kasi wag ako magitim. Hindi naman sa sinabi kong wag peropero bagay sayo. Naka pula siya, bestida parin kaso hanggang tuhod na lang at sleeveless. Hindi t alaga nakabagsak yung buhok niya, nakahalf-pony siya. Ang cute niyang tingnan. Sana lagi kang ganyan, para cute ka lagi. Ayoko, magsawa ka pa na cute ako lagi. Napangiti ako sa sinabi niya. Umupo ako na katabi niya tapos tinawag si manong m

ang tataho at bumili ng dalawa. Napangiti naman siya sa ginawa ko kahit na hindi ko talaga alam kung alin yung mga pagkaing bawal sa kanya. Nagkkwento ako sa mga linyang pinagsasasabi ng prof ko nung narinig ko yung pang alan niya. Malayo yung boses nung una, hanggang sa papalapit ng papalapit. Nasor presa na lang ako nung lumingon siya tapos mabilis na humarap ulit sa kin. Mary, ikaw ba yan? Narinig kong bumulong siya ng wala na ata akong magagawa. Tumayo siya tapos ngumit i ulit. Tumayo narin ako kahit hindi ko alam kung anong nangyayare. Hanggang sa Autumn. Kamusta? Nabasa ko na to sa diary niya. Autumn. Yun yung pangalan ng boyfriend niya na pu matol sa best friend niya. Bakit nga ba hindi ko napansin? Bakit hindi ko agad n apansin na sa kanya ipinangalan ni Mary yung teddy bear niya? Ayos lang. Mukhang gumaganda ka. Salamat. Nakaramdam ako ng galit sa loob ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil naiin is ako sa mga taong pagkatapos mangaliwa eh nakakaharap at nakakapangbola parin dun sa niloko niya. At eto namang niloko, nagpapaloko nanaman. Si Nathan nga pala. Nathan si Autumn. Boyfriend mo? Oo. Musta tol? Tapos binigay ko yung kamay ko, a sign of gusto ko makipaghandshake. Ayokong tingn an yung reaction ni Mary, pero sana makisakay na lang siya. Ah. Buti naman nakatagpo ka na ng Cheesecake! Mula sa malayo, nakarinig kami ng sigaw ng cheesecake. Alam ko namang walang nagbe benta ng cheesecake dito kaya alam ko na kung sino ang tinutukoy nung sumisigaw na yun. Unti-unting bumagal yung takbo ng babae nung nakita niya si Mary. Si Mary naman, nakangiti parin, na parang walang nangyareng gulo sa pagitan nilang tatlo. Siya , ang ex boyfriend niya at ang ex best friend niya. Mmary. Anong ginagawa mo dito? Alam mo naman na pareho lang tayo ng university na pinapasukan diba? Pero nag LOA ako. Oh, eh di sana nagpakita ka sa min. Alam mo naman ang course namin. Alam ko. Nakikita ko nga kayo. Iniiwasan ko lang yung pagkakataong magkitakita ta yo sa isang klase o sa isang building. Bam. Tiningnan ko siya, nakangiti parin. Hindi ko alam kung nagparinig siya oh a no, kung galit ba yun o sadyang kaprangkahan lang. Hindi ko kasi mabasa yung mga emosyon niya. Boyfriend mo? Ako nga pala si Nathan. Ah, Hi Nathan, Im Lara. Hi. Ilang araw na kayo?

Sa tanong niya, hindi ko alam pero nainsulto ako. Ano sa palagay niya, ilang ARA W? Hindi man lang buwan yung tanong niya. Kung hindi lang talaga maganda ang pak ikitungo ni Mary sa kanya, hindi ko rin siya pakikitunguhan ng maganda. Buwan na kami. Taon na kasi kami ng cheesecake ko. Alam ko, kwinento nga ni Mary paano niyo Kamusta naman kayong dalawa? Alam kong sumingit si Mary dahil alam niyang nawawala na yung pasensya ko sa isa ng to. Tae. Pano niya naging kaibigan to?! Ayos naman kami, Mary. Uh, gusto niyo mcdo tayo? Ah wag namay gagawin pa kasi kami ni Nathan. Teka Nathan? Wala kayong tawagan. Napatahimik si Mary, walang maisagot. Alam kong ako ang kailangan sumagot dahil ako ang nagsabi na kaming dalawa. Bakit, kailangan ba? Wala lang. Rare kasi. Oo. Wala kaming tawagan. Dahil para sa min, ang pinakamagandang musika na maririn ig namin ay ung pagtawag ng mga pangalan namin sa isat isa. Napatahimik silang dalawa. Ngumiti ako kay Mary at siya naman, ngumiti din sa ki n. Hindi ko alam pero tingin ko kailangan ko to gawin para sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya tapos tumingin sa dalawang taong sumira sa buhay niya. Sige aalis na kami. Uho sige. Salamat sa time tol. At sayo din Mary. Ingat kayo. Lara... Hmm? Maging masaya ka ha? Ngumiti nanaman siya, ang pinakasandata niya sa lahat ng kalaban niya. Dun, umal is na kaming dalawa at naglakad papunta dun sa sakayan ng jeep. Pumunta kami dun sa playground kung saan maghihiwalay na kami. Salamat. Wala yun. Ang init ng mga kamay mo. Gusto mo ba? Oo. Sige, hahawakan na kita lage. Ikaw talaga. May tanong ako. Ano yun? Mahal mo pa ba si, Autumn? Oo. Pero, mas mahal ko si Lara. Ha?! Bbakit? Hindi ako lesbian. Pero, sa tingin mo, kung hindi ko mas mahal si Lara, ibibigay ko ba si Autumn sa kanya?

Tama siya. Hinawakan ko yung mga pisngi niya. Kakaiba talaga siyang babae. Sobra ng kakaiba na tingin ko, kaya niya na pasabugin yung katawan ko. Hindi ko rin al am, pati ako nagtataka na sa tuwing nahahawakan ko siya, parang nagkakaroon ako n g boltahe. Pero bakit nga ba? Siya ang unang taong nagsabi sa kin na lumaban. Siya ang unang taong nagbigay sa kin ng lakas ng loob para mabuhay. Hanggang sa malaman ko na kahit lumaban pa ako , wala na rin akong mapapala. Mary, wag kang ganyan. May gamot naman yan. Alam ko. Pero, parang nakaguhit na ata sa kapalaran ko na mamatay ng maaga. Tingn an mo to. Tiningnan ko yung mga palad niya. Yung guhit, kung saan sinasabi ng iba na lifeli ne daw, maikli. Tiningnan ko din yung akin, maikli din. Pareho lang tayong maikli. Pero mas maikli yung akin. Wag mo na nga isipin yun. Hindi. Hindi yan. Pagkauwi namin, binigay na niya sa kin yung cellphone na bigay ko kanina. May 2 missed call at 1 message. Galing kay Sam yung dalawang missed call. Tiningnan ko yung text. I think I still love you. Binura ko nang sobrang bilis. Wala na akong pake sa totoo lang. Siguro nga blanko na ngayon ang puso ko. At, handang magmahal muli. *** CHAPTER 8 [The Shattered Memory] Ang ganda ng araw ngayon. Hindi masyadong mainit. Tiningnan ko yung mga ulap. Sa bado na ngayon. At sa isang linggo, kaarawan ko na. Simula nung naging legal na ko, nakasanayan na naming magkakabarkada na sa tuwin g may birthday, magpapainom. Ganon ganon lagi. Pero naisip ko, gusto ko sana imb itahan si Mary sa 20th birthday ko. Wala namang masama. Ang tanda ko na para sa isang second year. Eh late kasi ako pumasok tapos may grade 7 pa ako. Ethan, may alam ka bang bar na malapit lang dito sa village. Bakit? Dun na lang ulit kung san nagbirthday si Gusto ko yung malapit lang dito. Bat naman? May iimbitahan ako. Sino? Sta. Oo meron. Kaso, magttricyle pa ng konti. Kaso, wala namang pumupuntang chicks dun eh. Ayos lang yun. Para maiba naman. Dadamihan ko na lang ang painom.

Kung ganon ang usapan, ayos lang! Hindi ko alam kung anong sumapi sa kin pero bumili ako ng kwintas. Mahal yun, al am ko. Kaya nga mula nung binili ko hanggang sa makarating ako sa bahay, iningat an ko. Siguro nga regalo ko to para sa sarili ko. Pero, hindi yung mismong kwintas yung sinasabi kong regalo ko para sa sarili ko. Ang sinasabi ko ay yung saya na matatanggap ko mula sa kaisa-isang babaeng nagp ahanga sa kin dahil sa tatag niya ang kaisa-isang taong nagpapaniwala sa kin na p usible ang lahat. Basta, crucifix yun. Ipapaalala ko lang sa kanya na may kakapitan pa siya. Nung pumunta ako sa park, andun na siya, may binabasang libro. The Little Prince . Sabi nga nila maganda daw yun, at hindi ka makakalabas ng university hanggat di mo pa yan nababasa. Mary. O Nathan. Nagbabasa ka? Hindi ba halata? Tumawa ako, siya naman, as usual, nakangiti. Ang ganda ng mga ngiti niya, ng mga mata niya, ng maliit pero matangos niyang ilong, at yung maliliit niyang labi. Mukha talaga siyang manika. Little Prince? Oo. Nabasa mo na to? Wala akong balak. Kasama to sa 1001 books you must read before you die, yung unang version. Talaga? Oo. walong libro na lang, pwede na akong mamatay. Wag mong sabihing nabasa mo na yun lahat?! Seven years old ako nung simulang magbasa ng mga ganun. Accidentally ko lang naki ta sa internet. May nakita ako dati sa library ng mga dati kong magulang na kasa ma dun. Kaya, inumpisahan ko na.

Hindi ko pa nga ata alam ang salitang reading at internet nung seven years old ako. Ta aga? Siyempre biro lang. Nagalala ako sa sinabi niya. Talaga bang, gusto na niya mamatay? Pero sinabi nam an niya sa kin dati na natatakot daw siya. Pero bakit pa niya tinutuloy? Siyempre, panahon na para ibigay yung spesyal na regalo ko para sa kanya. Pambaw i na rin para dun sa birthday niya. Tumayo ako tapos pumunta ako sa likod niya. Kinuha ko sa bulsa ko yung kwintas at sinuot sa leeg niya. Hindi ito katulad sa romantic movies kung saan mamamangha yung babae dun sa binigay ng lalake. Hindi ito ganun lang. Itong bibigyan ko ng kwintas ay isang kakaibang babae. Nag babasa parin siya nung Little Prince nung tumayo ako, habang nilalagay ko, hangg ang sa napaupo na ulit ako sa swing. Wala siyang karea-reaksyon habang ginagawa ko yun. Salamat. Akala ko hindi mo na napansin na may kinakabit na ko sa leeg mo.

Gumagana pa naman ang utak ko kahit papano. Pagkatapos ng ilang buwan, pag ginawa mo na yun ulit, hindi ko na talaga mararamdaman. Alam ko din naman na mawawala tong alaala ko. O kung di man mawala, mababago. Kaya bago pa mangyari yun, sasab ihin ko na. Ang mga alaala naman, hindi tinatago. Nainis ako ng konti, pero sino ba ako para mainis? Siyempre, yun ang iniisip niy a na mamamatay na siya. Wala akong magagawa kundi ang ipagdasal tong babaeng to n a parang hindi takot mamatay. Nagkunwari na lang ako na hindi ko nakuha yung sin abi niya. Iniba ko na lang yung usapan, ayokong isipin niya na naaawa ako sa kan ya. Uy, pwede ka ba sa susunod na linggo? Hindi. Nalungkot ako. Hindi man lang niya tinanong kung anong meron sa susunod na lingg o. Pag sinabi ko kaya, papayag na siya? Bakit? May gagawin ka? May trabaho ako. Trabaho?! Oo. Tutor? Part-time? Hindi. Matagal na namin to ginagawa. Eh ano? May kasama ka? Oo. Ano yun? Magpeperform. Anong klaseng performance? Hindi mo ba napapansin nung isang buwan din, pag sa huling linggo, wala ako? Eto ba yun? Oo. Sa huling linggo ng bawat buwan. Eh ano ngang klaseng performance? Uuwi na ko. Iniiwasan mo yung mga tanong ko. Tinatanong ko lang naman kung anong klaseng perf ormance. May bago ba dun? Ang daya naman Nagulat ako nung bigla niya kong hinalikan sa pisngi. Napatulala ako sa ginawa niya. Wala akong masabi. Bakit niya yun ginawa? Napatit ig ako sa kanya sa sobrang bigla. Sana sana Regalo ko yan. Birthday mo na next week diba? Kaya mo ako tinatanong. Uhoo Simula kasi bukas hanggang sa birthday mo, hindi tayo magkikita. Bbakit mo ko hinali kan? Hindi ba pwede? Gusto kong sabihin na Pwede naman... kaso... bakit? Wag mo bigyan ng dahilan yan. Ano ka ba. Natural hindi. Sinabi mo na ngang regalo mo eh. Ngumiti siya. Nathan O?

Ayoko pang mamatay. Nabigla ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin dun. Pero kung nangyari na yung himala na hinihintay ko, siguro siguro pwede na kong um alis. Himala? Hindi na lang ako nagsalita. As usual, ngumiti lang siya. Pinindot ko yung ilong niya bago siya umalis, pero dahan-dahan. Para kasing ang sarap ng pakiramdam nun g naramdaman ko na lumapit yung mga labi niya. Sana, sana maibalik ko yung panahon. Bumalik ako sa bahay na may malakas na kabog ng puso. Hindi to pwede. Tama nga b a yung nararamdaman ko? Hindi. Hindi sigurohindi dapat. Naging malungkot ako sa mga araw na hindi ko siya nakita. Pero yung naramdaman k o nung araw na hinalikan niya ko, nawala na. Kaya napanatag na ko. Tinext ko na yung mga dapat itext para sa birthday ko. Sabagay, hindi rin naman makakapasok si Mary dahil seventeen pa lang siya. Pero, mas gusto ko parin kapag andun siya. Nung araw ng mismong birthday ko, mga eight ng gabi yung simula nung salo-salo n g barkada. Hanggang inuman lang yung balak ko. Andun din si Sam. Mga wala pa sa sampu yung imbitado. Yung ibang nasa bar, mga ordinaryong bisita na lang. Ilan pang bote?! Ilabas mo na nga yang milyon mo! Dami pa. Ikaw lang naman tong kur ipot. Orayt. Ang sexy nung dumaan. Tamo. May chicks din kahit papano. Iisa pa nga lang eh. Hi Nathan! Happy birthday! Hinalikan ako ni Sam sa pisngi. Tiningnan ko na lang siya at nagpasalamat sa gin awa niya. Pero nung yun lang ang ginawa ko, hindi ko alam kung bakit niya binali bag yung upuan sa harap ko. Sira ulo ka tol. Alam mo namang malakas ang tama sayo niyang si Sam eh. Pasensya na . Kaso wala na talaga eh. Mukhang nabad trip si Ethan dun, pero alam naman niyang wala na siyang magagawa. May kumakanta, may sumasayaw at may nagbibiro sa may stage. Kinantahan na ako ng happy birthday. Pinapunta sa stage at tinanong pa nga ako kung saan ako nakatir a para mabisita daw nung baklang naghohost. Mga sira ulo talaga. Trip na trip nung mga kabarkada kong yung bar kung san kami pumunta. Siyempre, k ahit wala silang trip na babae, libre yung inuman. Habang umiinom kami, may nari nig akong usapan. Hindi masyadong malinaw, pero may narinig akong banda. May banda? Anong banda? All girl band. Puro chicks yun! Pano mo nalaman? Nandun sa labas. Eh pagkakaalam ko, puro chicks yun. Nakita mo na? Hindi pa.

Pano mo nalaman na puro chicks? Sa poster. Kaso, lahat sila nakamaskara. Ang sesexy ng legs! Ano daw pangalan? Tears of Midnight. Wow. Saludo naman ako sa pangalan nung bandang yun. Maganda para sa isang all gi rl band. Mayamaya, nagpalakpalakan na yung mga tao. Siguro ito yung mga taong araw-araw n a andito. Nakita ko sa stage na may pumasok na dalawang babae. Pareho silang nak amaskara. Yung isa umupo dun sa may drums. Yung isa, kinausap ata yung stage man ager. Tapos tinono na niya yung gitarang gagamitin niya. Takte! Ang seseksi naman nian! Nathan Tumingin ako. Si Sam pala. O? Pwede bang umupo sa tabi mo? Pwede. Wala namang nakatabi eh. Umupo siya sa tabi ko. Maya-maya may tatlo nanamang babaeng nakamaskara ang puma sok, yung maskarang nakalabas parin yung mukha pero yung bandang sa mata lang an g tinatakpan. Napansin ko, bukod sa lahat sila nakamaskara, lahat sila nakaitim. Mukha namang lahat sila maganda. Yung nagddrums mejo type ko. Layered ang buhok at naka mini dress. Sabi nga ni Ethan sana siya na lang daw yung drums. Yung basista, maikli lang ang buhok, tomboyish. Pagkakamalan ko pa siyang taga p ep squad dun sa university namin. Yung skirt niya yung nagpapakita na babae siya . Ganda at ang haba ng legs. Sleevless na exposed yung dibdib. Yung lead guitarist, naka chun-li na buhok. Naka shorts, collared sleeveless na may tie tapos naka high heels. Gusto siya ni Sam, ang cute daw kasi ng damit. Yu ng nasa rhythm guitar, nakatube na may makintab na pants. Magkasing tangkad lang sila nung lead. Naka pig tails, nakanet gloves at nakaboo ts. Pero ang pinakanakakuha ng pansin ko, yung nagmimic test. Nakasimpleng mini skirt siya. Jacket na may black and white stripes. Knee high s ocks na itim na may black doll shoes. Nakakumpol yung buhok niya na may konting lawit sa likod. Siya yung may pinakasimpleng damit, pero yung may pinakamagandan g maskara. Yung apat kasi, nakaputing maskara lang. Pero etong isang to, kumikin tab yung maskara niya. Good evening. Mary? Yun ang nasa isip ko nung narinig ko yung boses niya dahil kaboses na kaboses ni ya yung babaeng to. Pero, hindi eh, hindi pwede. Bakit hindi pwede? Ewan ko. Hin di ko rin alam kung bat nasabi kong hindi pwede. Dahil iba ang suot niya? Dahil nakikihalubilo siya sa ibang tao? Ewan. Namiss niyo ba kami?

Alam ko na kung bakit. Oo, magkaboses sila pero itong babaeng to, mukhang masaya yung tono niya. Kami din, namiss din namin kayo. Nagsigawan lahat ng tao. Ngumiti yung babae, isang ngiting alam kong nakita ko na . Kinabahan ako nung lumipat yung tingin niya sa amin sa akin. Kahit na nakamaska ra siya, yung mga mata niya Sa kanya na ata ang may pinakamagandang mata na nakita ko. Mary? Nathan, may sinasabi ka? Wwala. Ngumiti ulit yung babae. Mukhang may bago tayong barkada dito ah. Sumigaw sina Ethan ng sobrang lakas. Tapos nag I love you yung iba sa mga kabarkad a ko. Sinong may birthday? Sabay turo sa kin. Eto talagang mga to. Ang tadhana nga naman. Dito ka talaga dinala ng langit no? Tinutukso ako ng mga kabarkada ko. Pero ako, eto, nakatingin lang dun sa may haw ak ng mic. Parang may ibig sabihin yung sinabi niya. Pangalagaan mo buhay mo, isang himala ang mabuhay sa mundong to. Ngumiti siya na walang pakundangan. Naramdaman ko yung lungkot sa mga matang yun . Sa mga matang alam kong may kahawig parang nakita ko na Eto na yung huling kanta namin. Eto na ang huling pagtugtog namin. Huli? Wow. Eh di maswerte pala kami dahil kahit papano, nakita namin yung huling performance nila. Naalala ko tuloy yung rason kung bakit gusto ko malapit lang sa village namin, si Mary sino pa nga ba? Gusto ko magalit dahil hindi siya pumun ta sa birthday ko. Pero, masaya narin ako dahil mukhang may nakita na akong may ipapalit kay Sam. Wala namang masamang magilusyon diba? Pwede namang after ng performance nilang y un, hingin ko yung number nung vocalist. Tapos yun na. Type ko talaga eh. May ib a kasi sa kanya na wala yung ibang kabanda niya. 1 2 3 fall. Tapos, nagumpisa na ang tugtugan. *** CHAPTER 9 [Miracle] 1, 2, 3

Fall? Kaya siguro Tears of Midnight. Tama nga. Fall. Paghulog ng luha. Wow. Kung ako y ung dating Nathan, mawawalan ako ng pakielam dun. Pero dahil binago ako ng isang buhay na manika, eto parang kahit yung ibig sabihin ng mga tagong salita, naiint indihan ko. Sobrang lakas ng sigawan nung mga tao dito sa paligid. May sigaw, may pito, may tawa, may tugtog. Pero ako, heto, inaabangan ko lang yung pagkanta nung vocalist . Ive gone for too long Living like Im not alive So Im gonna start over tonight Beginning with you and I Sa unang dalawang linya palang na yun, isa lang ang naalala ko. Si Mary. Yung un a naming pagkikita kung saan sinabi niya na Nabubuhay ako pero patay ang turing s a kin. Paanong hindi tatak ang bawat salitang sasabihin niya sa kin kung ganito s iya kakaiba? Hindi lang siya naiiba eh. Nag-iisa lang siya. When this memory fades Im gonna make sure its replaced Chances taken, Hope embraced And have I told you? Habang kinakanta niya yung kantang to, nakikita ko si Mary. Parang, biglang nagt atransform yung vocalist. Lumulugay yung buhok, humahaba yung damit at natatanggal yung maskara. Nakikita k o na ang kumakanta ay si Mary. Natatawa nga ako eh. Ano ba tong ilusyong ginagaw a ng utak ko. Bukod sa kinakanta niya may pinaparating siyang mensahe. When this memory fades, Im gonna make sure its replaced. Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung huli kamin g nagusap. Alam ko din naman na mawawala tong alaala ko. O kung di man mawala, ma babago. Kaya bago pa mangyari yun, sasabihin ko na. Ang mga alaala naman, hindi tinatago. Im not going cause Ive been waiting for a miracle And Im not leaving I wont let you, let you give up for a miracle And it might save you. Miracle. Yun ang title ng kantang to. Naalala ko nanaman si Mary, yung mga salitang iniwa n niya nung huli kaming nagkita. Pero kung nangyari na yung himala na hinihintay ko, siguro siguro pwede na kong um alis. Bigla kong naalala yung pinakuluang buto ng rosas na binigay niya sa kin. K ung san tinanong niya yung tanong na gumimbal sa mundo ko. Naniniwala ka ba sa mg a himala, Nathan? Weve learned to run from anything uncomfortable

Weve tied our pain below, And no one ever has to know Heto, nakaupo parin ako. Hindi ko nga namalayan na hawak na pala ni Sam yung kam ay ko. Hinayaan ko lang siya, wala naman na yun sa kin. Hindi ko siya pinapaasa s iya tong umaasa. That inside were broken I tried to patch things up again To kill my tears and kill these fears And have I told you, have I? Heto nanaman, parang si Mary talaga yung kumakanta. Yung mensahe, malinaw na mal inaw. Oo, si Mary isang kimkimadong babae. Mapalad ako na ako yung pinili niya nu ng diary niya na malaman yung katotohanan tungkol sa kanya. Totoo naman eh. Yung diary niya yung mismong lumapit sa kin. Kung hindi pa ko ti napilok nung diary niyang yun sa kwarto niya, hindi ko malalaman ang katotohanan tungkol sa buhay niya. Hindi kami magiging ganito kalapit ngayon. Im not going cause Ive been waiting for a miracle And Im not leaving I wont let you, let you give up for a miracle And it might save you. Palakas ng palakas yung mga sigaw. Lahat ng mata nasa mga magagandang babaeng na kamaskara sa may stage. Hindi ko nga alam kung bakit si Mary ang nasa isip ko. Bakit nga ba? Siguro naas sociate ko lang dahil miracle yung title ng kanta. Its not faith ifif you use your eyes, oh why? We get it right this time Lets leave this all behind, oh why? We get it right this time Its not faith if youre using your eyes, oh why? Bigla akong napatitig sa mga mata nung vocalist. Na hindi sa hindi ko alam na da hilan ay nakatingin narin sa kin habang kinakanta niya yung susunod na verse. Ive gone for too long Living like Im not alive So Im gonna start over tonight Beginning with you and I dont want to run from anything uncomfortable I just want, no I just need this pain to end right here.

I just need this pain to end right here. Tinuro niya yung puso niya nung binanggit niya yung salitang here. Saka ko napansi n na may nakasabit na kwintas dun sa leeg niya. Pero, di ko masyado makita dahil hindi din malinaw yung mga mata ko. Im not going cause Ive been waiting for a miracle And Im not leaving I wont let you, let you give up for a miracle And it might save you. Hindi ko alam kung bakito kung tama nga ba yung nakikita ko. Hinahawakan niya yun g maskara niyao parang hindi. Parang sumasakit yung ulo niya. Pero kahit ganon, na kita ko siyang ngumiti at tinuloy ang palabas. Yeah it might save you Oh it might save you Its not faith ifif you use your eyes If you use your eyes Saka ko nakita ang isang bagay. Isang bagay na napatayo ako isang bagay na nagudy ok sa kin na pumunta sa may stage at bitawan ang kamay . Isang kwintas na may krus. If you use your eyes. Habang binabanggit niya yung huling linya, tinanggal niya yung maskara. Pero hab ang nangyayare din yun, dumidilim na rin sa may stage. Kaya, halos wala narin ak ong nakita sa mukha nung babaeng yun. Pero Parang, may nakita ako. Parang nakita ko ang isang luhang pumatak sa mga matang y un habang tinatanggal ang maskara niya habang dumidilim sa entabladong tinatapakan niya. Tumakbo agad ako papunta sa may stage at kinuha yung maskara na tinanggal niya. Backstage. Kung san man yun, hindi ko alam. Nung hindi ako pinapasok nung guard, lumabas ako. Pumunta ako sa likod, kung saan tingin ko dun sila lalabas. Naghintay ako ng ilang minuto pero Nathan! Narinig ko si Sam na papalapit. Nawalan ako ng pag-asa na lalabas pa yung bandan g yun. Malakas ang kutob ko na si Mary at yung vocalist na yun ay iisa. Nagtutug ma sa lahat ng nangyare. Anong problema? Wala. Para kasing Yung Tears of Midnight nasa loob ah. Nagpakilala na sila. Kumaripas ako ng takbo papunta ulit sa loob. Ang tanga ko! Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako lumabas agad. Pagpasok ko sa loob, humarap agad ako sa may st age.

Apat na babae lang na nakamaskara ang nakita ko. Wala yung vocalist. P*ta. Nathan, anong bang nangyayare sayo? Bat hindi mo sinabing! Nasigawan ko si Sam. Pero ano bang malay niya kung sino ang hinanap ko? Hindi ko siya dapat sisihin. Sabihin mo na Nathan. Humingi ka na ng tawad at gawin mo na ang dapat gawin. Sorry. Lumabas ako ng bar, hinihiling sa langit na sana tama yung hinala ko. Na sana na sa labas pa yung babaeng yun, sosorpresahin ako na siya yun. Paglabas ko Hangin ang sumalubong sa kin. Dinala ako sa ospital, hawak-hawak ang maskarang tumakip sa babaeng hinangaan ko sa entablado at ang alaala ng kwintas at ng luhang nakita ko. Naririnig ko pari n yung boses ng babaeng yunna alam kong siya din ang manikang dahilan kung bakit hindi ako nakahinga nung gabing yun. *** CHAPTER 10 [The World of My Blessed Wonder] Umuwi ako ng bahay matapos dalhin sa ospital. Bwisit. Hindi ko din alam kung bak it. Basta sumikip ang dibdib ko, at yun na. Dinala na lang ako bigla sa ospital. Sina Sam ang nagdala sa kin. Siyempre alalang-alala sila. Birthday ko pa man di n. Biniro nga ako ni Ethan na akala daw niya na sa tuwing birthday ko daw ay mag cecelebrate narin sila ng death anniversary ko. Tae talaga yun. Isa lang ang nasa isip ko pag uwi ko sa bahay. Hindi ko alam kung magkaiba silan g dalawao magkapareho lang sila. Si Mary, at yung babaeng bokalista ng Tears of M idnight. Tatlong araw din ako absent kaya maraming kailangan aralin. Pero bukod dun, gust o ko na pumunta sa park. Nangangati na yung mga paa ko. Ang mga mata ko, gustung gusto na siya makita. Siguro dahil gusto ko malaman yung katotohanan. Kung siya ba talaga yung babaeng nakamaskara nung kaarawan ko. Kung siya yun Bahala na. Pagkatapos ng klase, nagmadali ako umuwi. O, mas tamang sabihin na, gusto ko na pumunta sa park at makita si Mary. Gusto ko na makipagkwentuhan sa kanya, tapos tingnan yung reaksyon niya. Pagkapunta ko sa park, ayun, kitang kita ko siya na nandun sa may swing. Parang walang pinagbago. May headphones parin siya na ubod ng laki habang nagbabasa ng libro. Siyempre, hindi mawawala yung teddy bear. Minsan nagtaka ako kung paano niya napagsasabay ang pakikinig ng rock music at a ng pagbabasa ng librong halos magdugo na ang ilong ko dahil sa mga salitang di k

o alam. Mary! Sumigaw ako, pero hindi man lang siya tumingin sa kin. Sumigaw ulit ako, pero di nanaman niya narinig. Hindi ko alam kung maiinis ako. Konti, nainis ako. Siya n a tong tinuturing kong pinakamalapit kong kaibigan, pero ni hindi nga niya alam na naospital ako. Ni di ko man lang alam kung nagalala ba siya sa kin. Sabagay, hindi nga niya alam. Ano nga bang pakielam niya sa kin? Umupo ako sa swing. Nilipat niya yung page saka niya ko binati. Hello Nathan. Ang sarap tanungin ano ba ako sa buhay mo? Pero alam ko naman ang sagot. Nung umpisa pa lang, alam mo na kung anong magiging parte mo sa buhay niya, di b a Nathan? Tama yan. Kausapin mo lang ang sarili mo. Mary, pwede magtanong? Pwede. May kalayaan tayong lahat na magsalita. San ka galing nung birthday ko? Nilipat niya sa isang page. Naisip ko tuloy kung mag-iisip siya ng sagot para ip antakip sa kin o aaminin na niya na siya yung babaeng bokalista ng Tears of Midn ight. Sa langit. yung seryoso. Seryoso naman yung sinabi ko. Tumahimik nanaman siya. At eto ako, nakatingin nanaman sa mukha niya. Yung mga m ata, labi parehas na parehas dun sa babaeng kumanta nung kaarawan ko. Alam mo ba, nung birthday ko, inatake ako sa puso. Masyado ka atang maraming kinaka ing mamantikang pagkain. Hindi yun ang punto ko. O baka tingin mo ako yung babaeng nakamaskarang nakita mo. Sandaling napatigil yung hininga ko. Hindi man lang niya hinintay na ako yung ma gsabi ng katiting na pahiwatig. Hindi ko alam kung may kapangyarihan lang talaga siyang magbasa ng isip. Oo, ako yun. Sinara niya yung libro niya. Sa sinabi niyang yun, parang nabinge ako. Unti unti ng nawala sa alaala ko yung boses ng babaeng bokalista ng Tears of Midnightyung b oses niyahabang kumakanta sa entabladong yun. Bigla ko tuloy gustong marinig ulit yung boses niya. Ngumiti siya. Nakita ko yung librong binabasa niya, A Walk to Remember. Kasama d in kaya yun sa 1001 books you must read before you die? Kung kasama, masasabi ko na 0.0999 percent na pwede na akong mamatay. Nakakatawa talaga ang tao. Bat ba may standards pa na kailangan bago mamatay? O sa

bihin na nating, standards para masabi mong pwede ka na mamatay? Bakit ka pa nagmaskara? Para san ba ang maskara, Nathan? Para Tinatago naming lima ang totoo naming katauhan sa likod ng mga maskarang yun. Bakit pa? Pwede namang Kaming lima na tinalikuran ng buong mundo. Kaya kami nakamaskara, para tanggapin kami. Pwede namang tanggalin niyo yun. Bakit ba kasi akala niyo hindi kayo tatangg apin ng mundo? Sa akin pa lang na nakikita ng lahat ng tao kung sino talaga ako, iisa lang ang l umapit. Ikaw yun. Pero pag naka gintong maskara ako, nagsusuot ng mga damit na h indi ko talaga gustong suotin, akala mo kung sinong diyosa ang sinasamba nila. Natahimik ako. Alam kong sa loob-loob ko, napahiya ako ng sobra. Imbis na sa kan ya ako naawa, naawa ako sa sarili ko dahil isa din ako sa mga taong natuwa. Isa d in ako sa mga taong nalinlang ng mga maskara nila. Kailan kayo nagumpisa? Nung nakaraang dalawang taon. Bigla na lang kayo nabuo? Kala ko ba hindi ka masyadong nakikihalubilo sa tao? Isang gsulat umunod han ng araw, nakakita ako ng isang pader na may sulat na gusto na niya mamatay. Na ako na gusto ko na umiyak. Pagdaan ko nung sumunod na araw, may tatlong s na nagsulat. Yung isa, gusto ko na mabulag. Yung isa, gusto ko na pandiri iba. At yung huli, gusto ko na itakwil ng iba.

Habang pinapakinggan ko yung kwento niya, lalo akong hindi makapaniwalang nasa E arth ako. 6.8 bilyon na tao na buhay, at may limang humihiling na bawiin na yung mga buhay nila. Si Crimson yung drummer. Kalahating mata niya bulag. Tumungo na lang ako. Napamangha dahil dun. Magaling siya magdrums, pero di ko ak alain na magagawa niya yun kahit na hindi makakita yung isa niyang mata. Yung kambal, si Iris at Luna, yung parehong gitarista, pareho silang laki sa hira p na pinandidirian at tinatakwil ng ibang tao. Kaya yung sinulat nila sa pader a y kabaligtaran talaga nung gusto nilang mangyare. Dun ako napaisip sa mundo niya normal ba ako? Yung basista namin na si Velvet, ay katulad ko na nakaranas na ng sakit. Hindi si ya tinuring na anak nung mga magulang niya. Ang masama, pinakuha yung puri niya sa halagang tatlong libo. Naguumpisa nanaman na sumikip yung dibdib ko. Ilang tao pa ba ang ganito sa mund o? Ilang tao pa ang kakaiba tulad ng babaeng to? At ako, isang babaeng minalas pero sa lahat ng malas na yun, hindi man lang ako na glakas loob na umiyak. Kaya, nagpapasalamat ako sayo dahil tinuruan mo ko kung pan o. Hindi kita tinuruan kung paano. Ikaw mismo ang nagpalaya sa sarili mo. Pero ikaw an g may hawak ng susi sa kulungan ko, kaya ako nakalaya.

Gusto ko umakyat ng bundok para ipagmalaki yun. Biglang gumaan ang loob ko, at u nti unting humupa yung sakit sa dibdib ko. Isa lang pala ang kailangan at yun ay walang iba kundi siya. Alam mo tong librong to? Oo naman. Kasama ba yan sa 1001 books? Kakatapos ko lang yung huling libro kahapon, kaya pwede na ako mamatay. Mary Nalaman na rin ng banda ko na may taning na ko. Kung tutuusin, mas marami pa akong magagawa kesa ang makinig sa kwento niya kesa paulit-ulit na umikot sa utak ko na may mamamatay na akong kaibigan kesa hintayin ko pa na mangyari eh pwede namang kalimutan ko na lang siya. Kaya kong iwanan tong nilalang na to ngayon pero ayoko lang. Bigay to sa kin ni Crimson kaya binabasa ko siya ngayon. Ano, ayos naman? Oo. Gusto ko yung kwento. May leukaemia din pala si Jamie. Jamie yung pangalan nung bida sa kwento. Pero mas marami kaming pinagkaiba. Tulad ng? Mahal siya ng tao. Ano pa? Pastor yung tatay niya. Ano pa? Mmm binabawi ko na. Siguro nga mas marami kaming magkakaparehas. Hindi na ako nagulat nung sinabi niya yun, dahil alam kong mas marami silang pag kakaparehas. At yung isa sa maraming yun ay narealize ko nung tiningnan ko yung mga mata niya. Bukod sa pareho kaming may leukaemia, pareho din kaming nagkukunwari na malakas. Me ron pa. Pareho kaming wala sa panahon kung magsuot? Bukod dun. Pareho kaming mahal ng Diyos. Automatic na yun. May isa pa. Ano? Pareho kayong naniniwala sa himala. Ngumiti siya. Oo nga no. Tinuloy niya yung pagbabasa. Hindi ko alam kung napansin niya. Pero ako, napansi n ko. Napansin ko na tinititigan ko lang siya habang nagbabasa. Nakita ko yung mga magaganda niyang mata at yung maliit niyang labing nakangiti na nagiging dahilan kung bakit ayoko palipasin ang araw hanggat di ako nakakapun ta sa park. Narinig ko yung malakas na tunog ng drums mula sa loob ko na halos patalbugin ak

o mula sa swing na kinauupuan ko. Naamoy ko yung amoy ng strawberry cologne niya habang magkasama kami sa araw-ara w na ginawa ng Diyos. Isang amoy na gusto ko maaamoy ko lagi. Nalasahan ko yung mapaklang lasa sa loob ng bibig ko na nagsasabing wala ng lawa y dahil marahil nalunok ko na lahatparang nung nangyari lang nung nasabi kong maha l ko na si Sam. Naramdaman ko yung pagnanais na alagaan siya habang buhay. Napansin ko na may isa pa silang pagkakaparehas nung bidang nasa librong binabas a niya. Hindi ba Minamahal din ng isang lalake ang bidang babae sa kwento? Kung ano man yung ibig kong sabihinkahit na makalimutan ko pa yung mukha, boses, amoy at hawak niyaay ang isang pakiramdam na alam kong kahit kailan ay hindi na m awawala. *** CHAPTER 11 [When She Starts to be Everything] Mula nung narealize ko yun, walang araw na maaga ako umuwi para dumerecho sa par k. Pinapakain ko siya at pinapagmasdan ngumiti. Gusto ko maging ganito habang bu hay. Hindi na siya nagbabasa ngayon. Gumagawa na siya ng mga eroplanong papel. Para s iyang bata, isang batang di ako magsasawang alagaan. Dun sa mga eroplanong papel, sinusulat niya yung mga dasal niya para sa mundo. B ago niya yun iniiwan sa ibang lugar, pinapabasa niya sa akin. Maguusap kami sand ali kung bakit yun ang naisip niyang isulat. Hindi ko nakikita kung san niya nil alagay yung mga eroplanong papel na yun. Pero ang sabi niya, iniiwan niya sa ibat ibang lugar. Eto, hindi ko na alam kung pangilang buwan o linggo o araw na kaming magkasama. Maaraw pero medyo malamig dahil malapit na magpasko. Gumagawa parin siya ng erop lanong papel nun. Nagsusulat sa mga papel tapos tinitiklop nanaman niya. Sa oras na yun tatlo na ata yung nagawa niya. Nakakamangha ka talaga. Hindi ako kakaiba para kamanghaan. Tao lang din ako tulad mo. Hindi naman dahil kak aiba kaya ako namamangha sayo eh. Kailangan ko ba tanungin kung ano? Kahit naman hindi mo tanungin, sasabihin ko parin. Ano? Dahil habang tumatagal, nalalaman ko na hindi ka kakaiba. Ngumiti siya. Kumuha siya ng papel, pero hindi niya muna sinulatan. Tiniklop niya muna tapos n

agpunit-punit siya. Nagtaka ako sa ginagawa niya. Akala ko trip lang niya hangga ng sa nakita kong eroplanong papel parin yung ginawa niya. Eto para sayo. Talaga? Ayaw mo? Siyempre gusto. Kinuha ko. Pero dahil alam kong wala naman siyang sinulat, hinawakan ko lang. Bat hindi mo subukan paliparin? Bakit? Subukan mo lang. Nakaupo ako sa swing tapos pinalipad ko. Nagulat ako nung biglang lumanding sa m ga paanan ko. Hindi ako matalino para sabihin pusible o di pusible yun sa phsyic s pero, namangha lang ako. Talagang alam mo na babalik? Hindi, nagulat din ako. Ngumiti siya tapos tumayo. Dinampot niya yung eroplanong papel. Ang galing. Mukha namang namangha siya sa nangyare. Pero, nakita ko yung sobrang pagmangha n iya dahil sa mga ngiting abot tenga. Bat parang manghang mangha ka? Tumingin siya sa kin at ngumiti. Saka niya binuksan yung eroplanong papel. Doon ko nalaman kung bakit nga siya manghang mangha. Papano, yung pinunit-punit pala niyang parte ng eroplano ay hugis krus. Ngumiti ako tapos tumayo. Nakatungo parin siya, hawak hawak yung papel. Ang ibig sabihin lang niyan, kahit saan ka pa pupunta, sa Kanya ka parin babalik. Hinawakan ko yung mga kamay niya. Naririnig ko nanaman yung drums sa loob ng kat awan ko. Tumingin siya sa kin ng dahan-dahan. Handa na bumuka ang bibig ko at sa bihin lahat ng nararamdaman ko nang nangyare ang hindi inaasahan. Sa mga sumunod na oras, nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha at naghihintay ng sasabihin ng doctor. Mapalad parin ako dahil may dumaang taxi sa may parke k aya naihatid ko siya sa ospital agad. Lumabas yung doctor. Tinanong niya kung si no ako, sabi ko kaibigan. Mula nung araw na yun, nagbago na ang takbo ng buhay ko. Dumating na yung papa ni Mary sa ospital, amoy alak. Pero kahit ganon, halatang nag-aalala parin siya para unica hija niya. Pagdating na pagdating niya, dinala ko agad siya sa doctor. Silang dalawa ang na g-usap. Ako, alalang alala parin. Tayo, upo tayo, upo. Hindi ako mapakali sa iisang pwesto. Ngayon ko kinakailangan ng himalang pinaniniwalaan niya. Pagkatapos nilang mag-usap, pumunta agad ako sa papa ni Mary. Gusto ko makibalit a. Pero nang makita ko yung tulalang mukha niya, parang mas gusto kong maging bu lag at binge para di ko makita ang reaksyon at marinig ang resulta.

Aano daw po yung balita? Tumingin sa kin yung papa ni Mary na blanko ang ekspresyon sa mukha. Sana di ko na lang tinanong. Lulumalala na daw. Tumulo yung luha ko ng walang pakundangan. Ayoko. Wawala na po bba daw pparaan? Ginalaw nung papa ni Mary yung ulo niya mula sa kaliwa papuntang kanan paulit-ul it hanggang sa humahagulgol na siya. Ako, nakatulala hindi makapaniwala Bakit kung kelan alam na ng puso ko kung kanino talaga siya nagmamayari saka ipam umuka sa kin ang masaklap na tadhana? Pumunta ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga, natutulog. Yung mga labi niya hindi na masyadong pink tulad dati, parang pale rose. Bakit nga ba ngayon k o lang napansin na pumayat siya? Payat na nga siya, bigla pa siyang papayat. Hinawakan ko yung mga malamig niyang kamay, saka napaupo. NNaNathan Bumuka yung mga mga mata ko sa sobrang saya dahil gumising siya. Pinisil niya yu ng kamay ko, alam kong madiin na yun para sa kanya, pero kung tutuusin para lang yun bulak na dumampi sa kamay ko. Pppabukas ng rradyo. Wala naman akong nakitang radyo sa kwarto niya. Pero dahil sa hiling niya yun, k inuha ko yung cellphone ko saka niloud speaker. Ang unang kantang narinig ko ay H appy. Napamura ako, natawa siya. Nilipat lipat ko yung station. Pagkalipat ko sa isang station, ang naabutan nami ng ay and heres awake by secondhand serenade. Napamura nanaman ako. Ililipat ko sana nung pinisil niya ko. Jan na nalang. Wala namang magagawa ang mahina kong puso, alinsunod sa tunay na nagmamayari sa kanya. Kahit alam kong maiiyak ako sa kanta, kung yun ang kantang gusto niyang m arinig, wala akong magagawa. With every appearance by you wandering my eyes I can hardly remember the last time I fell like I do Youre an angel disguised Naalala ko mula nung nagkita kami. Dahil sa kanya, nakalimutan kong nasaktan ako dahil kay Sam. Napangiti ako ng konti dahil naalala ko kung pano siya nahulog s a kin. Para bang, hulog ng langit. And youre longing real still, but your heartbeat is fast just like mine

and will movies long over? Thats three that have passed one mores fine Habang lumalapit yung chorus, dumadami yung tulong pumapatak sa mata ko. Pinupun asan nung kaliwang kamay ko dahil yung kanang kamay ko, hawak yung isa niyang ka may. Will you stay awake for me? I dont wanna miss anything. I dont wanna miss anything I will share the air I breathe Ill give you my heart on a string. I just dont wanna miss anything Napamura ako sa isip ko. Ano bang meron sa mga kanta at minsan sobrang nakakasak it ng damdamin ng tao? Sira ulo tong kumanta. Im trying real hard not to shake Im biting my tongue, but Im feeling alive And with every breath that I take, I feel like Ive won Youre my key to survival Tumingin ako sa kanya. Siya naman, nakapikit at nakikinig sa kanta. Sa ganito na lang lagi, nakapikit siya pero at least alam kong humihinga siya. That deep inside the hero you want I can save you, just stay here Your whispers are priceless, your presence is still So please stay near Will you stay awake for me? I dont wanna miss anything. I dont wanna miss anything. I will share the air I breathe. Ill give you my heart on a string. I just dont wanna miss anything Dumilat siya pagkatapos nung ikalawang chorus at nakita niya yung namumula kong mukha dahil sa tuluy-tuloy na luha. Peste. Peste. Peste. Nathan Say my name. I just want to hear you Ang sarap pakinggan ng boses niya. NNathan Say my name so I know its true. Bbakit? Youre changing me. Youre changing me.

You showed me how to live. Wala lang. So just stay so just stay. Masaya lang akong andito ka. Will you stay awake for me? I dont wanna miss anything. I dont wanna miss anything. Alam kong hindi na ko basta lumuluha dahil umiiyak na ko. Wala man lang akong da lang panyo. Nahihiya tuloy ako sa kanya dahil nakikita niyang umiiyak ako, saman talang siya, isang beses palang umiyak sa buong buhay niya. Yung pangalawang bes es ay isang patak lang ng luha. Bakit ba kailangan lahat ng sasabihin mo malakas ang tama sa puso ko? I will share the air I breathe Pinisil ko yung mga malalamig niya kamay. Ayun, nakangiti lang siya sa kin. Ni h indi ko man lang alam kung naintindihan ba niya yung sinabi ko. Ill give you my heart on a string. I just dont wanna miss anything Alam kong pagod na siya kaya unti unti na siyang umidlip ulit. Natapos na ang ka nta, dumaan na ng dalawang beses yung mga nurse. Ako, hawak-hawak ko parin yung kamay niya, na kahit kailan, di ko bibitawan. Bago ako makatulog, bumulong ako s a tenga niya ng isang mahal na mahal kita. Tapos natulog na ko. *** CHAPTER 12 [Err] Alam mo ba nanaginip ako na umiiyak ka daw? Hind ako sanay na nakaputi si Mary, at lalong hindi ako sanay na nakahiga siya. Heto, hawak hawak ko parin yung kamay niya. Kakagising lang niya mula dun sa tul og niya kahapon. Siyempre tinawagan ko na yung mga magulang ko. Sabi ko may dina dalaw lang akong kaibigan. Talaga? Anong ichura ko? Umiiyak ka. Yun lang. Hayaan mo na nga yung panaginip mo. Ilang araw daw ako dito? Depende. Anong depende? hindi kita palalabasin hanggat di ka magaling. Nathan, alam mong hindi na ko gagali ng. Buti na lang at biglang bumukas yung pinto. Yung mama niya dumating. Hindi katul ad sa ibang eksena na matutuwa at iiyak ang anak dahil dumating ang inang minsan minsan lang niya makita. Eto, parang araw-araw niyang nakikita yung mama niya, na isang maliit na ngiti lang ang naibigay niya. Boyfriend ka ba ni Rebecca?

Rebecca parin pala yung tawag sa kanya nung mama niya. Umiling lang ako. Nilagay niya yung prutas sa mesa. Akala ko di iiyak yung mama niya dahil yun nga, hindi naman sila ganun kalapit. Gulat na gulat ako nung bigla siyang humagulgol. Tiningnan ko si Mary. Pero kahit isang luha, walang tumulo mula sa kanya. Nagtat aka na ako kung anong kontrol ang meron siya para makontrol ang luha niya. Bumuk as uli ang pinto, papa naman niya ang pumasok. Napaluhod yung papa niya at humag ulgol sa may sahig. Sa pagkakaalala ko, wala pa akong nakikitang ganitong eksena sa mga napapanood ko. Pero bakit ko ba kailangang ikumpara? Iba ang totoong buh ay. Lumabas ako dahil alam kong kailangan nilang mag-usap usap. Buti na lang Sabado kaya wala akong kailangang asikasuhin. Di bale na yang mga exam na yan. Kakayani n ko yun. Maya-maya, lumabas na yung mga magulang niya. Nagusap sila sandali tapos pumasok ulit yung papa niya sa kwarto. Yung mama naman niya, papunta sa kin. Anong pangalan mo iho? Nathan po. Salamat sa pagdala mo dito kay Rebecca. Wala po yun tita. Mahal ko po ang anak niyo . Marahil nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nabigla siya dahil out of no where eh nasabi ko yun, o dahil nagulat siyang mahal ko ang anak niya. Halata ng halata parin sa boses niya sobra yung paghagulgol niya kanina. Iho, alam mong may taning siya diba? Opo. Alam ko po sa umpisa pa lang. Pero ayos lan g sayo? Naniniwala po akong gagaling siya. Himala na lang ang makakapagligtas sa kanya. Umiyak nanaman yung mama niya. Hindi ko din mapigilang umiyak sa sinabi niya. Ay okong maniwalang matatapos nang ganun-ganon na lang. Naniniwala ako sa himala. Limang buwan. Tinapik ng mama ni Mary yung mga balikat ko. Nagulitang ako sa dalawang salitang yun. Limang buwan? Kung sa isang estudyanteng naghihintay ng bakasyon, mahaba a ng limang buwan ng klase. Pero sa isang taong nagaagaw buhay, sobrang ikli ng pa nahong yun. Umalis na yung mama niya. Ako, halos hindi na pumipikit yung mga mata ko sa sobr ang gulat. Sa loob ng limang buwan, paano ko maipapakita sa kanya kung gano ko s iya kamahal? Paano? Paano? Pumunta ako sa kwarto niya. Andun yung papa niya na nakaupo. Siya naman nakapiki t, siguro natutulog nanaman. Pagkapasok ko, ngumiti lang yung papa niya sa kin t apos lumabas din ng kwarto. Pagkarinig na pagkarinig ko nung tunog ng saradong p into, dumilat ang mga mata ng babaeng pinakamamahal ko. Buti na lang pala may sakit ako. Nabigla ako sa sinabi niya. Pero wala ako sa posisyon para pagalitan siya. Alam kong bawat salitang sasabihin niya ay may rason. Ang kailangan ko lang gawin ay alamin.

Bakit? Kahit tatlong tao lang ang nagmamahal sa kin ngayon sa mundong to si papa, si mama at ikaw masaya ako na makasama kayo sa iisang kwarto na binabantayan ako. Baliw ka talaga. Ikaw lang ang babaeng masayang may sakit. Pero ang nakakalungkot l ang Ano? Kung kelan malapit na ako maglaho sa mundong to, saka ko lang makikita yung totoo ng pamilya ko ng buo. May rason kung bakit ganun. Nathan Ano? Gusto ko na umalis. Hindi pwede. Kailangan mong magpagaling. Hindi na ko gagaling. Gagaling. Nathan alam kong alam mo na limang buwan na lang. Natahimik ako ng ilang sandali. Kung ibang tao to, gagawa yun ng paraan para umi ngay ulit. Pero dahil hindi siya ibang tao lang, alam kong hihintayin niya yung sasabihin ko. Saan mo ba hinuhugot yung lakas ng loob mo para sabihin sa kin at sa sarili mo na m ay taning ka na? Hindi ko makikita ang langit, kung hindi ako mamatay. Umiiyak nanaman ako. Bakit ba may abilidad si Mary na paiyakin ako ng paulit uli t? Hindi mo naman talaga alam kung may langit. Naaalala mo ba yung parte ng kinanta ko nung birthday mo na hindi pananampalataya pag mata mo lang ang gagamitin mo? Oo. Pero Natatakot ako mamatay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam ku ng mabubuhay ako uli bilang ibang tao, hindi ko alam kung may langit o impyerno, hindi ko alam kung ano ang purgatoryo. Pero matagal ko na napaghandaan at natan ggap na mamamatay ako. Isa pa, wala akong kapangyarihang baguhin ang nakaguhit s a mga palad ko. Kung bibigyan ka ng pagkakataon para lumipat sa ibang katawan kanino ka lilipat? Mara hil hindi ako lilipat. Bakit? Kung hindi ako sa katawang to mapupunta hindi kita makikilala. Nagbigay ako ng isang ngiti. Maikli na lang ang buhay ko. Ayokong puti lang ang nakikita ko sa ikli ng panahon na mamamalagi ako sa mundong to.

Sige. Sisiguraduhin kong makakalabas ka na within this week. Yung susunod na linggo, nakalabas na siya. May wheel chair narin siya, pero gaga mitin lang daw niya yun pag kailangang kailangan lang. Nahimatay ulit siya dalawang beses matapos nung huli niyang ospital. Pero dahil nga ayaw niya sa ospital, sa bahay ko lang siya dinadala pag nahihimatay siya. U sually naman, ako ang kasama niya pag inaatake siya ng panghihina. Ayoko na nga pumasok, gusto ko na lang bantayan siya. Matigas parin ang ulo niya. Pumupunta parin siya sa park kahit na ako at ang mga magulang niya ay may takot na baka habang naglalakad siya eh bigla siyang mangh ina o himatayin. Minsan sinasamahan na siya ng papa niya papunta dun tapos pag n akikita ako, saka na lang siya aalis. Tingin mo ba makakagawa parin ako ng eroplanong papel pag nawala na ako dito? Depen de. Kung may papel sa pupuntahan mo. Ngumiti siya. Isa akong tanga pag hindi ko parin alam na may rason yung bawat ng iting ilalabas niya. Ayan nanaman yang mga ngiti mo. Natutuwa lang ako. Bakit? Dahil hindi ka na nalulungkot sa tuwing paguusapan natin yung tungkol sa pagkawal a ko. Nalulungkot parin ako, ayoko lang dagdagan yang lungkot na nararamdaman mo. Gusto ko tanggapin ako ng tao dahil eto ako. Ayokong kaawaan ako ng tao dahil mam amatay na ko. Alam ko yun. Oo nga pala. Ano? Gusto ko, dito ako mawawalan ng hininga. Dito sa parke? Oo. Bakit naman? Dahil dito kita nakilala. Sana nasa isip niya din ang nasa isip ko. Gusto ko marinig mula sa kanya na maha l niya ko, kahit na sa mga sinasabi niya, yun na rin ang sinasabi. Ayokong magas sume na ganun nga, pero hindi ako manhid para hindi rin maramdaman yung nararamd aman niya para sa kin. Pero sino ba siya? Isa lang naman siyang kakaibang babae na hindi mo alam kung ano ang nasa isip. Sa loob ng maikling panahong nagkakilala kami, natutunan ko siya mahalin. Kaso, hindi ako makakita ng tamang panahong kung kailan ko sasabihin sa kanya ang mata mis pero masaklap na katotohanan. Ang tanging alam ko lang ay konti na lang ang panahong natitira, at kailangan ng isang himala para suwayin ang nakaguhit sa pa lad niya. *** CHAPTER 13 [The Lullaby] Nagbuntong hininga ako. Mejo malapit na rin ang pasko, pero kung tutuusin mejo m

alayo pa. Iniisip ko kung anong pwedeng iregalo sa kanya. Bestida? Notebook? Hea dband? Ano bang magugustuhan niya? Ano bang gusto mo iregalo ko sayo? Yung kaya kong dalhin sa kung saan man ako pupunta. Heto, nasa sofa ako ng bahay nila. Ayoko na kasing mapagod siya kaya ako na lang tong pumupunta. Buti nga sembreak, kaya mas marami akong panahong asikasuhin si ya. Matutulog muna ako. Dito ka na. Hindi ka kama. Pwede din. Gusto mo bang mauna kesa sa kin? Joke lang. Sandal ka na lang. hindi ako nakakatulog pag sandal lang. Ganon. Sige tara. Hawak hawak ko yung kamay niya, pumunta kami dun sa kama niya. Kaso, napapansin ko na mas humihigpit ang hawak niya sa kin habang tumatagal. Pero, sinasantabi k o na yun. Ang mahalaga yung kasalukuyan. Ako yung unang pumunta sa kama niya. Nakaupo lang ako dun at nakasandal dun sa p ader. Tinitigan lang niya ko, siguro nagtataka siya kung anong gagawin ko. higa ka. Ngumiti siya. Siyempre, nabighani ako sa mga ngiti niyang yun. Humiga siya sa ma y hita ko. Pinagmasdan ko siyang matulog, para talaga siyang manika. Sinusuklay ko yung buhok niya. Ngumiti ako. Ano kaya pag nakabestida ulit siyang pula, yung tulad nung nakita niya yung ex niya? Tapos kulot yung buhok niya. Siguro, pagka kamalan siyang manika talaga. Mga dalawang oras ako nagdadaydream. Halos bawat minuto tinitingnan ko kung humi hinga siya dahil natatakot ako na baka hindi na. Sa dalawang oras na yun, ang in iisip ko ay yung hinaharap naming dalawa, na hindi ko alam kung makikita ko nga. Kinuha ko niyang si agpalipat religious yung iPod niya at yung malaki niyang headphones. Pati yung teddy bear Autumn, tinabi ko sa kin. Nilagay ko yung headphones sa tenga ko, at n lipat ng kanta. Puro rock, metal rock, emo rock, opm rock, meron ding rock. Hininaan ko yung volume dahil baka magising siya bigla.

Habang nagshushuffle ako ng kanta, isa dun, napansin ko. Paano, eksakto kasi hab ang natutulog siya, ang sarap ipang lullaby sa babaeng pinakamamahal ko. Ngumiti ako, at dahan dahang hinaplos yung mukha niya habang natutulog. Hindi ganon kag anda yung boses kosa tingin kokahit sabi ng iba ayos daw. At nang marinig ko na, n agumpisa na ang munti kong hele para sa prinsesa ko. gising na buksan ang iyong mga mata gising na halina at silipin ang pagdilat ng umaga tahi mik at saksakan ng ganda Gusto kong umiyak habang kinakanta ang bawat linya. Gusto ko siya gumising, para makasama ko na ulit siya, para masabi kung gano ko siya kamahalkahit na alam kon g hindi ko maipapaliwanag sa kanya. gising na

nandiyan na ang umaga gising na nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha at pungay ng iyong mga mata Natawa ako. Habang kinakanta yung pangatlo at pangapat na linya. Dalawa sa mga n apansin ko sa kanya nung una kaming magkita ay yung misteryosa niyang ngiti at yu ng mga mata niyang parang binili pa sa isang diamond shop. kanina pa kita pinagmamasdan kanina pa kita tahimik na binabantayan hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw sadyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha Nagbuntong hininga ako sandali. Hinahaplos ko parin yung mukha niya. Taimitim si ya natutulog, hay. Ang ganda niya. Bat ba ako lang ang nakakapansin sa ganda niy a? Sabagay, ako lang naman tong naglakas loob na kilalanin siya. gising na nandiyan na ang umaga gising na mayroon sana akong gustong sabihin sa iyo na di mapaliwanag ng husto Tumpak. Meron nga. Gusto kong sabihin sa kanya na, gusto ko siya mabuhay. Gusto ko siya makasama habang buhay. Gusto ko maramdaman ulit yung katawan niya, na pa rang yumakap ako sa apoy. Gusto ko maramdaman yung mga maliliit niyang labi na y un, na parang humahalik ako ng isang anghel. gising na nandiyan na ang umaga gising na hindi ko maintindihan ba't di mapantayan ang kasiyahan na nadarama tuwing nandyan ka Bat nga ba? Araw-araw ko siyang kasama, pero kahit kailan hindi ako nagsawa kahit ba tahimik lang kaming dalawa habang siya nagbabasa ng libro at ako gumagawa ng assignment o kung anong pwedeng gawin habang magkasama kami. Binabalak ko nang sabihin na minamahal kita Kasabay ng pagsibol na wala na yatang igaganda pa Naisama ang ginaw, at ang lamig ng araw Ngunit dala ng kaba, hindi ko na yata kayang magsalita Oo nga. Paano ba to. Hanggang ngayon hindi parin niya alam. Gusto ko siyang gisi ngin, pero bigla kong natandaan yung huling berso ng kanta. Nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin ngunit walang magagawa di pa kayang aminin ang pagkakataon ay dapat pang palampasin di na lng kita gigisingin Ngumiti ako at bumuntong hininga ulit. Oo nga, siguro nga dapat ko munang palagp asin tong pagkakataon na to. Ayoko siyang mapagod ayokong isipin niya kung anong kailangan niyang sabihin. Maganda naman pala boses mo. Nagulat ako nung sinabi niya yun. Gising na pala siya, hindi man lang niya sinas

abi. Kanina pa kaya siya gising? Narinig kaya niya yung pagkanta ko? Tula nga eh. Maganda parin. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya. Nanlaki yung mga mata ko, kinabahan bigl a. Narinig kaya niya? Aaminin ko na kaya? Eto na kaya? Eto na ba? Mar Nathan. Bakit? Tiningnan lang niya ko. Akala ko nga iiyak siya, pero hindi. Kumikislap lang pal a yung mga mata niyang yun. Ano kayang sasabihin niya? Kinabahan ako. Nathan, takot ako magmahal. Parang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko. Takot siya magmahal paano ko sasabi hing mahal ko siya? Nathan magsabi ka ng kahit ano. Bakit? Takot ka bang masaktan? Hindi. Eh ano? Takot akong masaktan yung magmamahal sa kin. Mula sa pag-alis ko ng bahay nila hanggang sa pagtulog ko sa kama ko, iniisip ko yung sinabi niya. Hanggang sa dulo, iba parin ang iniisip niya. Siya lang ata a ng taong ayaw na mahalin siya, dahil sa takot na baka masaktan yung taong magmam ahal sa kanya. Wala naman akong pakielam kung masaktan ako eh. Pero, kung eto ang gusto niya, p ipilitin kong sundin. Ibabaon ko na lang siguro hanggang sa hukay yung pagmamaha l ko sa kanya. Sana sana nga magawa ko. *** CHAPTER 14 [The Con] Sembreak na namin. Masaya ako dahil mas magkakaroon na ako ng panahon para asika suhin siya. Mas magkakaroon ako ng panahon para maiparamdam sa kanya kung gano k o siya kamahal. Iniisip ko nga kung yayain ko kaya siya magpakasal tulad nung na sa libro, kaso hindi makatotohanan yun. Sigurado akong hindi papayag ang mga mag ulang ko. Ang saya ng sembreak pag katabi ang mahal mo no? Ang problema hindi pa alam ng ma hal ko na mahal ko siya. Naalala ko yung libro, kung paano nagreact yung bidang babae nang sinabi ng bidang lalake na mahal niya siya. Ganon din kaya ang magigi ng reaksyon ni Mary? Pero sige na nga, wag na. Mamahalin ko na lang siya ng tahi mik. Nagalit sina mama at papa nung nalaman nilang madalas ako mag cut sa klase dahil kay Mary. Tinanong ni mama kung nasa katinuan pa daw ako. Sa lahat ng babae, ba kit daw yung mukang voodoo doll na yun. Gusto ko sabihing may taning siya. Pero kung nalaman ni Mary na yun lang ang dahilan kung bakit kinkamusta siya ng magul ang ko, siguardong malulungkot lang yun. Hinayaan ko na lang sila. Wala naman silang magagawa. Malaki na ko para magdesis yon sa sarili ko.

Palapit na ng palapit ang pasko. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang irereg alo ko sa kanya. Ano nga ba? Gusto ko yung magagamit niya araw-araw. Kung, besti da na lang kaya na itim? Pwede. Kaso, hindi ko nga alam kung san niya yun binibi li. Makukuha niya yung ibig sabihin pag tinanong ko sa kanya kung san niya binib ili yung mga damit niya. Nakahiga ako sa kama nung tinawag ako ng nanay ko sa baba dahil andun daw yung d alawa kong kaibigan. Alam ko si Ethan na yung isa, pero sino yung kasama niya? Pagbaba ko, nakita ko nga si Ethan. Yung isa, si Sam. Nagulat ako dahil nagalit si mama kay Sam nung high school ako dahil siya daw ang nagiging dahilan kung ba t mababa yung grades ko. Bat kayo andito? Hindi mo ba alam na piyesta niyo na dito? Tumahimik ka Ethan. Ngayong araw yung salu-salo mamayang gabi sa covered court niyo. Seryoso ba yan? Oo. May pacontest pa nga dun ng kantahan eh. Kasali ako. Ha? Bat ka kasali? Eh di ba Pwede daw sumali kahit sino, basta ba handang magbayad ng 500. So nakapagbayad ka n a? Oo. Isang libo pa nga eh. Bat isang libo? Wala lang. Sabi ko donation yung isa. Weird. Ang weird nung sagot ni Sam. Sinong tanga ang magsasakripisyo ng isang li bo para sa isang singing contest kung wala ka pa naman talagang pinagkukuhanan n g pera? Isama mo naman yung taong mas mahalaga pa sa kin. Nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi ni Sam. Marahil kilala na niya kung si no. Hindi na ko magtataka kung nung mga nakaraang buwan ay pinasunod o sinundan niya ko para makita yung mga ginagawa ko. Baka hindi siya pwede. Bat naman hindi siya pwede? Kasi Tol, para namang hindi namin alam na kaclose mo na yung babaeng yun. Nahalata kong nagiingat si Ethan sa mga sasabihin niya. Wala naman siguro siyang balak sabihin na yung multong yun o yung voodoo doll na yun sa harap ko kung alam n a talaga niya na kaibigan ko na si Mary. O, ano naman. Wala lang. Malaki na kasi pinagbago mo. Ni hindi ka na sumasama sa mga trip ng ba rkada. Pero kahit ganon Nathan, gusto namin siya makita. Gusto man lang namin makilala k ahit konti yung dahilan ng pagiging abala mo. Oo nga pala. Hindi nga pala nila alam na may taning na si Mary, at lalong hindi

nila alam yung tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Marahil si Ethan ang inii sip ay naaawa ako sa kanya. Si Sam naman ang iniisip, gusto ko lang ng kapatid. Mga ganung kababaw na dahilan. Pero sabagay, walang masama kung ipakilala ko si Mary sa mga to, tutal mga kaibi gan ko din naman sila. Naisip ko din na mas matutuwa si Mary kung gusto nila siy a makilala dahil sa kin, kesa makilala siya dahil naawa sila sa kanya. Pumunta ako sa bahay nila. Natural, hindi nanaman nakalock yung gate nila. Kumat ok ako tapos narinig ko yung sabi nung papa niya na pasok. At least hindi na ko na kakarinig ng hampas ng bote. Malaki yung pinagbago ng bahay nila simula nung nalaman nilang may sakit si Mary . Lalo na yung papa niya, hindi na siya naglalasing. Naabutan ko yung papa niya na nagpipintura ng pader, at si Mary naman gumagawa ng cookies and cream na shak e. Sakto ang punta mo dito, gumagawa ako ng shake. Isang araw lang ang nakalipas pero ang laki ng pinayat niya. Naiiyak nanaman ako , pero natural alam kong wala ako sa oras para umiyak at kaawaan ang sarili ko. Oo, sa sarili ko ako naaawa. Binigyan niya ko nung shake niya. Ang sarap, at halatang halata yung cookies na ginamit nila. Pumunta dito si mama kanina, dinala yung groceries. Sayang di ko naabutan. At alam mo ba, may trabaho na si papa. Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Mary na hindi ako nagaalinlangan kung masaya ba talaga siya o hindi. Nakita ko sa mga mata niya na maligaya siya dahil nagbag o yung papa niya. Pero alam kong sa saya niyang yun, may nakatagong lungkot dahi l alam niya sa sarili niya na kaya nagbago yung papa niya ay para din sa kanya, para naman sumaya siya sa mga araw na natitirang magkasama sila sa mundong to. Ngumiti yung papa ni Mary tapos lumabas muna sa di ko alam na dahilan. Umupo kam ing dalawa sa sofa. Unang beses ko siya nakitang pagpawisan. Ngayon lang kita nakikitang pinagpapawisan. Matanong ko lang, hindi ka ba nauubus an ng bestida? Matanong ko lang din, bat ngayon mo lang naisipan itanong? Wwala naman. Siguro dahil hindi ako masyadong interesado dati. Hindi ako nauubusan. Dalawang beses lang naman ako kung magpalit sa isang araw. M ay labing anim akong bestida kaya hindi ako mauubusan. San mo nakukuha yang mga bestidang yan? Kay mama. As in dati mo pa yan sinusuot? 1st year high school pa. Wag mong sabihin na di ka naguuniform nun? Naguuniform. Pero pagdating ko sa bahay, ganto agad yung sinusuot ko. Eh diba, 11 y ears old ka pa lang nun? Oo. Ibig sabihin, hindi ka tumaba at tumangkad? Hindi ako tumaba, pero tumangkad ako ng konti. Kaya nga malalaman mo alin ang mga

una kong bestida dahil mga hanggang tuhod lang yung mga yun. Paano ba? Aling papaano? Papaano magsuot ng bestida? Hindi. Kung, papano dumating sa buhay mo yang mga bestidang yan. Eto yung regalo sa kin ni mama nung kaka-labing isang taong gulang pa lang ako. N ung sinabi kong nagustuhan ko, may binigay pa siya sa aking sampu, pambawi daw s a mga nakalipas kong nakaraawan. Taon-taon, binibigyan ako ni mama ng ganto. San daw nabibili? Pinapatahi ng mama ko. Hindi na pala pwedeng bestida dahil taon taon siya nakakatanggap ng ganto. Ano p a kayang regalo ang pwede kong ibigay? Ngayon ko lang nalaman na may piyesta pala dito pag papalapit na ang pasko. Oo, mer on. Pumupunta ka ba? Hindi. Bakit? Lumalayo lahat ng tao sa kin. Eh kung kasama ako? Pupunta kang kasama ako? Oo. Ayos lang, basta hindi ako nakawheel chair. Siyempre, alam kong sasabihin niya yun. Yun ang pinakaayaw niyang nararamdaman, ang awa. Nung pumunta kami sa covered court, mukhang may mga nagulat na may kasama siya. Yung iba nagbulungan, yung iba nakatitig, yung iba natakot, yung iba walang pake . Nathan! Yumakap si Sam sa kin. Nananadya kaya to? Hindi ko din alam, si Sam lang naman a ng may alam kung yun ang ginagawa niya. Tiningnan ko si Mary para tingnan yung r easkyon siya. Pero ayun, mukhang nagenjoy sa ice cream na binili ko para sa kany a. Nakakatakot nga siya. Sam Masaya akong marinig ang katotohanan sayo. Ako si Sam, nakwento na ba ako ni Nathan ? Oo. Maya-maya, dumating na si Ethan at yung iba pa naming kaibigan. Naramdaman ko na parang may masamang mangyayari, hindi ko alam kung bakit. Hinawakan ko yung kam ay ni Mary... sana maramdaman niyang andito lang ako. O, ang voodoo doll. Pinisil ni Mary yung kamay ko, siguro para sabihing wag kang magagalit, inaasahan ko na yan. Nagtimpi ako kahit may narinig na ako mula sa kanila na bat siya pa o m ga ganong katanungan. Kahit na nakatingin si Mary sa ibang lugar, alam kong nari rinig niya dahil sa pisil niya sa kamay ko. Uuwi na lang kami. Bat naman?

Pinisil niya ulit yung kamay ko. Mukhang kailangan ko ibahin ang sagot na nasa u tak ko. Parang mas trip ko umuwi. Wag ka naman ganyan. May sayawan mamaya. Alam mo namang ayoko ng sayawan diba? Eh di magsayaw kayo ni Sam. Ethan ano ka ba, wag ka ngang ganyan. Kita mong may kasama si Nathan eh. Nagmumura na ako sa utak ko. Mukhang pinagplanuhan nila tong mabuti. Hindi ako t ulad ng tatangang bida sa isang eksena na niloloko at pinagtitripan na siya ng l ahat ng tao sa paligid niya, hindi parin niya alam. Hindi ako ganon, malakas ang pakiramdam ko. Pero yun ang problema sa kin, sobrang sensitibo ng pakiramdam ko na minsan umaabot ako sa punto na naghihinala ako kahit wala akong tunay na pru weba. Tara, upo na tayo. Papaalis na kami nung biglang naramdaman kong buntik na mahulog si Mary. Ayos ka lang? Oo. Wag kang magalala. Pwede na tayong umuwi kung gusto mo. Hindi. Ayos lang ako. Umupo na kami sa upuan. Pinanood na namin yung singing contest. Halos alas diyes na ng gabi. Iniisip ko kung nababagot na ba siya o kung may masama na ba siyang nararamdaman. Ilang beses ko na siya tinanong pero hindi at wala lang ang sinasagot niya. Pinapakinggan niya ang bawat kantang kinakant a sa entablado. Ang kinanta ni Sam ay yung till my heartaches end. Siyempre, tukso ang inabot ko m ula kay Ethan. Na ang manhid ko daw dahil pinaparating na ni Sam na mahal parin daw niya ko. Sana mapansin ni Ethan na kanina ko pa hawak yung kamay ni Mary... na iba na ang mahal ko. Bumalik si Sam sa may upuan namin at ngumiti, tinanong kung kamusta. Oo, magalin g si Sam kumanta ng mga pambirit. Pero hanggang dun lang. Nakabaling yung tingin ko sa stage. Hindi ko napansin na huling contestant na pa la na tatawagin. Umuwi na kaya tayo? Wag muna. Gusto ko marinig yung huling kakanta. Tapusin na natin. Sayang ang oras . Siguradong sigurado nga ako na gusto mo nga yun marinig. Nang narinig ko si Sam na sinabi yun, kinabahan na ako. Mukhang alam ko na yung plinano nila. Oo, kaya isang libo yung binayad ni Sam, dahil may isasali siya. K aya nila siya inimbita, dahil gusto nilang may mangyareng kahiya-hiya. Tara na Mary, umuwi na tayo. Bigla kong narinig ang sumpa sa kanya. Lahat ng tao napatingin sa direksyon niya , hinihintay ang magiging reaksyon niya, o siguro mas tamang hinihintay kung ano ang reaksyon ng bawat hipokrito na nasa lugar na to.

The Voodoo Doll. Huli na ang lahat. Nakita ko yung gulat sa kanya dahil napainhale siya pero mata gal bago niya nailabas yung hangin. Gusto ko manapak ng tao. Gusto ko sapakin yu ng mga tinuring kong kaibigan. Gusto ko patayin yung ex ko na di matanggap na hindi na siya ang mahal ko. Gusto ko isigaw sa kanila na m ga wala silang kaluluwa dahil hindi nila alam ang ginagawa nila sa isang taong m alapit na mamatay. Siya si Mary. Ang babaeng nagbago sa buhay ko. Ang himala sa buhay ko. Preso ng sarili niyang mundong pilit siyang tinataboy papalayo, pero pilit parin siya nag titiis. At dahil siya si Mary, tumayo siya at binitawan ang kamay ko. Kahit ayok ong bitawan, wala akong magagawa kung siya mismo yung gustong kumawala. Hindi ko alam kung anong kakantahin niya, eh wala siyang instrumentong dala o background music. Ayun, nakatingin ako sa may entablado. Gusto ko na umiyak. Gusto ko umiyak dahil sa lakas ng loob niya na kahinaan niya mismo. Patnubayan niyo Po siya. Yun na lang ang dinasal ko. *** CHAPTER 15 [Valentines Day] Im listening, yes im guilty of this you should know this I broke down and wrote you back before you had a chance to Forget, forgotten, I am moving past this killing notice I have to go, yes I know the feeling know youre leaving Tahimik ang lahat. Gusto ko siya ipagmalaki dahil tinanggap parin niya ang hamon . Ang boses niya, sobrang ganda sa isang tahimik na lugar tulad nito. Alam ko na mang pipili siya ng kanta na hindi malilimutan ng tao. Calm down Im calling you to say Im capsized staring on the edge of safe Calm down Im calling back to say Im home now, Im coming around, coming around Nakatingin na siya sa kin, hawak ng dalawa niyang kamay ang mic na para siyang i sang batang first time isabak sa isang singing contest. Sobrang tahimik, na ting in ko gusto ko narin pumunta ng langit kung ganto katahimik dun, at siya lang an g anghel na kumakanta. Nobody likes to but I really like to cry Nobody likes me maybe if I cry Kitang kita ko yung tumulong luha sa mga mata niya, pero hindi yun nakaapekto sa pagkanta niya. Tinuloy niya nang hindi pinupunasan. Tama yan. Yun ang nasa isip ko. Ipamuka mo sa lahat ng tao kung sino ka. Ipamuka mo na nasusunog na sila. I ligtas mo sila sa pamamagitan ng kanta mo. Spelled out your name and list the reasons faint of heart dont call me back

I imagine you and I was distant non-existant I followed suit and laid out on my back, imagine that A million hours left to think of you and think of that Nung bersong yun, nakatingin siya sa kin. Naramdaman kong para sa kin yun. Naram daman ko na rin na kailangan ko na pumunta sa stage at abangan siya. Hindi ko ma n alam ang kantang kinakanta niya, alam kong kailangan ko na siya sunduin dahil matatapos na ang palabas. Calm down Im calling you to say Im capsized staring on the edge of safe Calm down Im calling back to say Im home now, Im coming around, coming around Nobody likes to but I really like to cry Nobody likes me maybe if I cry Akala ko tapos na dahil binaba na niya yung mic. Pero bigla niya ulit yun tinaas at kinanta ang huling linya na kinabigla ko ng tunay. Nobody likes me maybe if I die. Tahimik parin nang ilapag niya sa sahig ng entablado yung mic at dahan-dahang bu maba. Walang pumalakpak walang nagsalita hanggang sa nakalabas na kami ng impyern ong yun. Pagkalabas na pagkalabas, nagkaroon na ng konting ingay. Palakad kami p apalyo. Nung malayo na kami, nanghina siya. Buti na lang hawak ko yung braso niya kaya n asalo ko siya agad. Kasalanan ko to, dapat hindi ko na siya pinapunta dito. Ppatawad Mary. Hindi mo kailangang magsorry. Tumayo siya ulit. Nathan, sa lahat ng naging mali sa buhay ko, ikaw lang ang naging tama. Masaya ak o dahil dumating ka sa buhay ko. Mary may gusto akong aminin sayo. Yang aaminin mo ba sa kin, pipigilan ang pagkamatay ko? Hindi. Tumulo ang luha mga mata namin. Napansin ko lang na namimili ng taong papakitaan yung mga luha ko. Ako ba yung masw erteng yun? Tingin ko kung wala ka dun kanina, hindi din yun tutulo. At least nakaganti ka na r in. Hindi yun ang iniisip ko kanina habang kumakanta ako sa stage. Ano? Iniisip ko na maswerte ako dahil sa mahigit isang daang tao na nandun sa lugar na

yun, may isang nakaabang para saluhin ako pag nahuhulog ako. Pinunasan ko yung mga luha niya pero yung luha ko hindi ko pinunasan. Masyadong masakit yung mga sinasabi niya masakit dahil alam kong hindi ko na ulit yun marir inig na wala na siya sa susunod na kaarawan ko. Mary, pwede bang sabihin ko na? Tingin ko, ayoko marinig. Bakit naman? Magkakaroon lang ako ng rason para mabuhay baka bawiin ko lang yung sinabi kong ha nda na kong mamatay. Bigyan mo ko ng pagkakataon para masabi to sayo ng isang beses lang. Yung isang beses lang na yun ang magiging dahilan ng kirot sa puso ko araw-araw N athan. Natatakot akong marinig. Ayaw mo ba talaga? Siguro. Mmahal na mahal kita. Dagdagan mo ng siguro. Bakit naman? Para pwede mo pang baguhin. Ayoko na baguhin. Pag hindi mo yan babaguhin, tatanggapin ko na ganun lang yun. Tanggapin mo na. Bakit hindi mo piniglan ang sarili mo? Na? Na mahalin ako. Bakit ko pipigilan? Nathan ayokong masktan ka. Pano pag mawala na ko? Kaya mo ba maghintay? Sana alam niya ang ibig kong sabihin. Sana kaya niya. Kung san man siya pupunta, sana kaya niya kong hintayin kung san man siya pupunta. Magtitiis ako basta alam kong may naghihintay para sa kin. Kung tutuusin, dapat ako tong tanungin kung kaya ko bang magmadali para makarati ng agad sa kahahantungan niya, kung san man yun. Pero, hindi ko alam kung bakit siya tong tinatanong ko. Ako, kaya ko. Sanay ako maghintay. Tumutulo parin ang luha naming dalawa habang nakatingin kami sa isat isa. Yung na sa isip ko, tingin ko eto yung tamang gawin, kahit sarili ko lang opinyon na tam a nga yun. Derecho sa mata, tiningnan ko siya. Kahit isang beses ko lang gawin yung nangyay are sa tv, ayos lang. Naalala ko yung ginawa namin yun ni Sam. Si Sam yung lumap it sa kin, at hindi ko na mapigilan kumawala sa mahikang nilagay niya sa kin. Pero kahit anong pilit ko na idahan-dahan ang bawat galaw, hindi ko parin magawa yung sa mga pinapanood ng nanay ko. Hindi siya pumikit, at hindi rin ako pumiki t. Basta lumapit na lang ako sa kanya, habang siya nakatayo, siguro hinihintay n iya kung anong susunod kong gagawin. Nakalapat lang yung mga labi namin sa isat isa, hindi gumagalaw. Sapat na sa kin ang alaala ng sandaling to para mabuhay ng matagal. Sandali lang ang hiwagang nangyari sa aming dalawa, pero hinding hindi ko yun ma kakalimutan. Umuwi kami na magkahawak kamay, pero hindi kami nag-usap. Ginawa ul

it namin yun bago kami nagkahiwalay. Isang mahikang hindi gawa sa pananabik o sa pagnanasa, pero isang hiwagang hinubog ng pagmamahal at pag-ibig. *** CHAPTER 16 [She Will and She Was] Niresearch ko yung lyrics nung kinanta niya. Pero sa kanta, wala yung Nobody lik es me if I die. Siguro, sinama lang niya sa kanta niya. Alam mo ba kung anong pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig? Nabigla ako sa tanong niya. Mas mahirap pa ata sa mga exam ko. Ano namang ibig s abihin niya sa pagkakaiba ng pagmamahal at pag-ibig? Parang ngayon ko lang ata n arinig na magkaiba sila. Meron ba? Hindi ba yun magkaparehas? Meron. Ano? Pag sinasabi mong iniibig mo ang isang tao, hindi mo kayang mabuhay kapag wala si ya. Ang pagmamahal? Ang pagmamahal naman, kaya mong mabuhay kahit di mo siya kapiling, basta alam mon g masaya yung taong minamahal mo. Napaisip tuloy ako. Naisip ko yung mga magiging panahon na di ko siya kasama. Al am kong hindi ko kayang huminga ng maluwag pag di ko siya makikita. Pero yung mg a binitawan kong mga salita kahapon, tumataliwas sa naiisip ko. Naguluhan ako. Pasensya na. Binasa ko lang yung mga naiwan kong mga readings nung first year pal ang ako. Nasa parke parin kami ngayon, pero ang pagkakaiba, nakawheel chair na siya dahil nanghihina na daw siya. Tatlong araw na lang bago ang pasko, pero hanggang ngay on, hindi ko parin alam kung anong pwede kong iregalo sa kanya. May binabasa nanaman siyang libro, chicken soup for the teenage soul ata yun. Ma ya-maya nakikita ko siyang ngumingiti, maya-maya seseryoso na. Nakatingin lang a ko sa kanya nang biglang nagring yung cellphone ko. Hello? Nathan. Gusto kong ibaba yung telepono ko, pero hindi naman pwede. Kahit papano, marunon g ako rumespeto sa kausap ko sa kabilang linya. Bakit? Pwede ba tayong mag-usap? Nag-uusap na tayo. Sa personal? Hindi. Please Nathan, I need to talk to you. Pasensya na. Hindi ako pwede. Nasa bahay niyo ako ngayon. Na saan ka ba? Malayo jan. Sige, bye na.

Te Binaba ko na yung telepono. Sige, pupunta ako sa bahay namin para kausapin siya. Pero sana bigyan ako ng pasensya at pagtitimpi ng Diyos sa tuwing kaharap ko na siya. Uuwi na ko? Oo, kailangan mo na umuwi. May kakausapin ka? Oo, kailangan eh. Sige, ako na Sira ulo ka ba? Hahayaan ba naman kita umuwi mag-isa? Alam kong hindi. Malay mo lan g na pumayag ka. Hinatid ko tong babaeng nagpapaikot sa mundo ko sa bahay nila. Siguro, talagang pinaglapit Niya kami ng bahay para makasama ko siya ngayon, at para mapatunayan na kaya kong baguhin ang sarili ko sa loob ng isang gabi, yun nga lang, hindi ga nun kadali. Ayoko pang umuwi ng bahay. Gusto ko kasama niya ko sa bawat minutong lilipas. Sa tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko na may sakit siya, at nakakalimutan ko na may iba pa akong mundong dapat problemahin. Oo, siguro nga. Siya lang ang gus to ko problemahin habang buhay. Nung malapit na ako sa bahay, nakita ko si Sam, nakatayo siya habang nagtetext. Maya-maya naramdaman kong nagvibrate yung telepono ko. Siguro ako tong tinext ni ya. Kahit na malapit lang ako, hindi niya ako nakikita. Pagtingin ko sa cellphone ko , ayun, siya nga yung nagtext. Sabi niya sa labas na lang daw siya maghihintay d ahil nahihiya na daw siya sa mama ko. Sam. Tinawag ko mas pinili a sayo ang un matapos siya, at lumingon naman siya ang babaeng minsang minahal ko din. Pero niyang saktan ako. Sabagay. Sabi nga, mapagtatanto mo lang na mahalag isang tao pag tuluyan na siyang nawala sayo. Siguro, narealize niya y kong mawala.

Naglakad siya papunta sa kin, dahan-dahan. Ganun din naman ako, dahan-dahan akon g lumakad papunta sa kanya. Yun nga lang, wala na yung drums na dati kong narara mdaman. Ayoko siyang papasukin sa bahay, unang dahilan ay dahil kakalabas lang n iya. Pangalawa, ayoko lang. Ano ba yung pag-uusapan natin? Tayo. Tayo? Alam mo naman ang ibig kong sabihin. Alam mo namang wala na tayo. Wala na ba talaga? Umiiyak na siya sa harap ko, siguro nga dahil mahal parin niya ako. O mas tamang sabihin na, mahal na niya ulit ako. Kaso, ang masaklap, wala na talaga. Yung mg a alaala namin, parang mga litratong nasusunog. Wala na. Pasensya ka na Sam.

Bat nga ba ako nagsosorry? Heto, ang nasa harap ko ay isang babaeng minsang nagp atibok ng puso ko, isang babaeng nakatakip ng dalawa niyang kamay yung buong muk ha niya habang umiiyak. At heto ako, nakalagay lang yung dalawa kong kamay sa bu lsa. Gusto ko na ulit makita si Mary. Bakit siya pa? Dumating siya sa buhay ko nang hindi inaasahan. Hindi mo siya masisisi. Ilang buwan mo lang ba siya nakilala para sabihing mahal mo siya?! Hindi naman panahon ang sukatan eh. Kung ano ang nararamdaman. Nakalimutan mo na ba, ikaw mismo ang nagsabi sa kin nun. Pero siya?! Ano bang nagustuhan mo dun sa babaeng multong yun?! Wag mo siyang pagsa bi Eh totoo naman eh! Ano bang nagustuhan mo sa Hindi ko kailangan bilangin yung mga rason kung bat ko siya mahal. Ibang iba ka na talaga. Siguro nga. Hindi na ko tarantado tulad ng dati. Hindi na ikaw si Nathan. Hindi na ikaw ang Nathan ko. Dahil ako na ang Nathan ni Mary. Natahimik si Sam. Bakit ba hindi niya maintindihan? Kailangan ba may rason kung bat mo mahal ang isang tao? Kailangan ba bilangin lahat yun? Ano ba Nathan! Gumising ka nga! Naiisip mo ba yang kinabukasan mo?! Naiisip mo ba ang kinabukasan mo sa kanya?! Bigla kong naisip, paano nga ba ang kinabukasan ko kay Mary? Alam kong mawawala na siya, isa sa mga araw na to. Pero hindi ko na kasi masyado naiisip yun. Parang may habang buhay ang tagal ng pagsasama namin. Ano?! Eh mukha na ngang kabaong yun eh! Pwede ba Sam! O bakit? Totoo naman. Sige, hindi ako. Pero wag naman siya! Sam mamamatay na yung t ao! Napatulala si Sam, hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa nakokonensya siy a na sinabi niya yun, Pinunasan niya ng konti yung mga luha niya, tapos bumalik nanaman yung mga ngiti niya sa kin. Naririnig ko na yung mga insekto ng gabi, pe ro hindi pa ganun kagabi. Wellwala na kong magagawa dun. Pero diba diba yun na? Mamamatay na siya. Whats the po int of loving her? Sa sinabi niya, gusto ko siya sampalin. Pero parang may parte sa utak ko na sina sabing, oo nga, minamahal ko kahit alam kong mamamatay na. Bakit bakit nga ba gin agawa ko to sa sarili ko? Nagiging masokista narin ba ko? Pero natural, ano pa nga ba ang madadaing? Kahit sinasabi nilang nasa utak ang e mosyon, walang pakielamanan. Gano ba sila kasigurado, nakapasok na ba sila sa la hat ng katawan ng tao? Tumalikod na lang ako at lumakad papunta sa gate namin. Wala na rin namang saysa y ang kausapin siya. Kahit naman anong sabihin niya, hindi naman niya mapipigila n yung puso kong mahalin si Mary.

Lumingon ulit ako sa kanya saglit, bago man lang ako pumasok sa bahay. Anong mas gusto mong sabihin ko, paalam o, kitakits? Wag mong ibalik ang mga sinabi ko sayo dati. Yun nga eh, binabalik ko na sayo, para maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko noon. Kung naghihiganti ka lang, nagawa mo na. Kaya bumalik ka na. Nasa sayo na yun kung yun ang iniisip mo. Kaso, eto talaga. Mahal ko siya. Yun ng a yung nakapasabi sa kin na Na? Gusto mo talaga marinig? Masasaktan ka lang. Wala na akong pake. Nasaktan mo na ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Na nasabi ko sa sarili ko na parang hindi pagmamahal yung naramdaman ko sayo. Sinara ko yung gate. Narinig ko siyang sumigaw ng mura at kung anu-ano pang sali ta. Pumasok ako sa bahay na parang walang nangyare. Si mama tinanong sa kin, ang sabi ko lang, binusted ko si Sam, tumawa pa nga ako. Humiga ako sa kama at umiyak. Hindi dahil sa naguilty ako sa ginawa ko si Sam, p ero dahil sa sinabi ni Sam na nagmamahal ako kahit alam kong may taning yung mina mahal ko. Sa dulo ng araw, nagdasal nanaman ako para sa isang himala. *** CHAPTER 17 [She is a Rose] Dalawang araw na lang bago ang magpasko pero hanggang ngayon wala parin akong ma iregalo sa pinakaminamahal ko. Kung kaya lang ibalot ang pagmamahal, yung na lan g sana. Nathan. O? Alam mo yung kantang, Tears in Heaven? Yung kay Eric Clapton? Oo. Mejo. Di ko kabisado. Kabisaduhin mo. Bakit? Pag nagdrawing ako ng puso sa palad mo, gusto ko kantahin mo yun sa kin. Hinanap ko agad sa internet yung sinabi niyang kanta. Pinakinggan at kinabisado ang bawat nota. Bakit kaya? Para saan? Hindi ako mapakali. Kailangan bago mag bukas may ibibigay na akong iregalo sa ka nya. Binuksan ko yung radyo nang may narinig akong kanta. Isang kanta na nagpapa alala sa kin sa kanya lahat naman ata eh. Pero eto talaga, hindi ko alam kung bak it, malakas ang tama sa puso ko. Nagkaroon ako ng ideya. Nagresearch ulit ako sa internet ng chords, kahit hindi ako masyado magaling, ang mahalaga maramdaman niya yung gusto kong iparating. Pumunta ako sa bahay nila nung bandang hapon. Naabutan ko siyang nakahiga, sigur o nagpapahinga. Hinalikan ko siya sa labi, para gisingin pero hindi siya nagising . Ngumiti na lang ako dahil sa ganda niya. Kahit ang payat-payat na niya at ang

putla putla, siya parin ang pinakamagandang babae para sa kin. Isang araw bago ang pasko, handa na akong gawin ang mga gagawin ko. Nagpaalam ak o sa mga magulang ko. Sa bahay din naman ako magcecelebrate ng pasko, pero may k ailangan lang ako gawin. Pumunta ako sa bahay nina Mary mga alas nuwebe ng gabi. Alam mong sa kanila yun dahil walang dekorasyon ng bahay. Bukas yung ilaw, siguro kumakain na sila nung tatay niya. Pumasok ako. Mukhang hindi naman na siya nagulat sa pagdating ko. Ngumiti lang s iya. Nakita ko yung bag ng groceries, mukang kakadala lang ng mama niya ng mga t o kani-kanina lang. May spaghetti na nakahanda, at juice. Iho kain. Sige po, kakain din po ako mamaya. Pwede ko po bang mahiram si Mary? Sobrang sagl it lang po. Siyempre naman. Ngumiti si Mary. Kinuha ko yung wheel chair niya at yung jacket niya. Nilabas ko siya ng bahay, papunta dun sa park. Ano bang meron? Pasko. May surpresa ka? Hindi ko alam. Ngumiti siya. Nung nasa park na kami, kinuha ko yung gitarang tinago ko sa may m ga halaman. Tumawa siya, at masaya akong marinig yun. Ano bang gagawin mo? Pero ang sagot ko, dinaan ko sa kanta. And as I look into your eyes, I see an angel in disguise Sent from God above for me to love to hold and idolize And as I hold your body near, I see this month through to a year And then forever on till life is gone, Ill keep your loving near Tinitingnan ko siya habang tinutugtog ko tong kanta na to. Gusto ko siya yakapin . Gusto ko siya dalhin sa langit ko. Kung pwede lang itigil ang oras kaso hindi p wede. Now I finally found my way to lead me down this lonely road All I have to do is follow you to lighten up my load Nasa harap ako ng isang manikang may kapangyarihang baguhin ang pananaw ng buhay ng isang tao at isa ako sa biktima niya. Heto ako ngayon nababaliw na sa kanya. You treat me like a rose. You give me room to grow. Youve shown the light of love on me, and gave me air so I can breathe. You open doors that close in a world where anything goes. You give strength so I stand tall within this bed of earth just like a rose Binitawan ko yung gitara ko at pumunta sa isang anghel na nakawheel chair. Tumin gin siya sa kin, nalaman kong pinipigilan niyang umiyak. Nakakatawa nga eh. Dati hindi niya kaya ang pag-iyak, ngayon, hindi naman niya makontrol.

Pwede ba kitang halikan? Ngumiti lang siya. Bagamat hindi ko alam kung oo o hindi yun, pumunta parin ako sa kanya. Binaba ko yung katawan ko para maabot ko yung maliliit niyang labi. Itayo mo ko. Bakit? Basta, itayo mo ko. Tinayo ko siya ng dahan dahan. Sobrang higpit yung kapit niya sa kin na para ako ng maiiyak dahil unti unti na kinukuha yung lakas niya. Bakit? Bakit niya gusto tumayo? Hawak hawak ko siya sa braso nang inikot niya yung mga mahihinang brasong yun sa leeg ko. Hindi ko makakalimutan yung lambot ng pagkakayakap niya sa kin. Bukod sa umiyak, isa to sa mga matagal ko na gustong gawin ang yumakap ng isang ta ong makakaintindi sa pagkakahulma sa kin bilang isang hindi perpektong tao. Ang lalim ng sinabi niya na parang malulunod ako. Yakap namin ang isat isa ngayon , isa sa mga pinakamasarap na naramdaman ko sa tanang buhay ko. Ano bang kailang an ko gawin para mabuhay ka pa ng matagal? Nathan. Ano yun? Salamat sa regalo mo. Alam kong madadala ko ang alaalang to kung saan man ako pup unta. Dapat lang. Nasabi ko na ba sayo yung sumpa? Anong sumpa? Isang sumpa na pag sinabi mo sa isang tao, hinding hindi mo na yun matatanggal sa puso at isip niya. Maghiwalay man kayo, alam niyo parin sa isat isa na may sumpa ng namamagitan parin sa inyo. Ano nga yun? Mahal kita. Ang sarap pakinggan ng sumpang yon. Ginawa ko na ang mga dapat gawin sa susunod na buwan. Ilang beses siya labas-mas ok sa ospital. Minsan nagtatagal ng limang araw o mahigit pa. Pero sa mga araw n a pwede kaming magkasama pero hindi sa ospital, pinaparamdam ko sa kanya yung da pat niyang maramdaman habang nabubuhay pa siya. Natanong ko narin kung bat ayaw niya mag therapy, marami naman na nagagawa ang siyensya. Pero ang sagot niya ay isang sagot na hindi pwede kalabanin. Nagpagamot ako, pero walang nangyare. Bumalik parin yung sakit ko. Marahil, eto t alaga ang nakatadhana. Tadhanang makasama ko agad ang Tagapaglikha. Ikaw ba, hin di ka nasasabik na makasama Siya? Isa akong tao, isang tao na alam kong hindi pwedeng kalabanin ang sagot niya. Nagpatuloy ang oras. Kakalabas lang niya sa ospital dalawang araw bago mag araw ng mga puso. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya, halatang pagod. Kahit wala siyang ginawa kundi ang humiga, alam kong pagod na ang katawan niya, mas pagod pa sa katawang kagag aling lang ng eskwelahan tulad ko. Sa tabi niya ako natulog nung gabing yun. Bin ulong ko sa tenga niya ang mga salitang minsan ko lang banggitin

Mahal na mahal kita. Gumising ako ng mga alasingko ng umaga. Nadatnan ko na nagaayos na ng agahan yun g papa niya. Nagpaalam na ko dahil kailangan ko pang pumasok. Habang nasa paaralan ko, isa lang ang nasa isip ko kung ano ang ireregalo ko sa k anya sa araw ng mga puso. Ano nga kayang pwede? Gabi na ako nakauwi. Siyempre umuwi muna ako ng bahay para magbihis. Bigla kong narinig si mama na sumigaw dahil sa tuwa. May narinig akong mga salita na maganda at pula. Ma ano ba yun at bat ang Nagulat ako. May rosas na dala si mama. Nabighani ako hindi dahil sa ganda ng ro sas kundi sa himala na dala nung rosas. Alam ko na ako yung nagtanim nun sa liko d ng bahay namin, at hindi ko aakalain na tutubo ng ganyang kaganda. Nagkaroon ako ng ideya kung anong ibibigay ko kay Mary bukas. Nilagay ko na sa isang palayok. Lalagyan ko pa sana ng mga dekorasyon nung nagvi brate yung phone ko. Tumatawag yung papa ni Mary sa kin. Siguro dahil gusto ako makita o makausap ni Mary. Ngumiti ako. Hindi ko muna sasabihin sa kanya yung tu ngkol sa rosas. Iho. Kinabahan ako. Umiiyak yung tatay ni Mary. Ayoko marinig yung balita. Dahil, par ang hindi ko magugustuhan. Pero kahit hindi ko gusto, alam kong kailangan kong m arinig. Hindi handa ang puso at utak ko tanggapin na lang. Ayoko. Iho si Mary bilang na daw ang Buti sana kung araw. Kaso, iba ang narinig ko. Nahulog ko yung rosas na tanim, n abasag yung palayok. Dinala ko yung jacket ko. Isa sa mga dahilan kung bakit ko dala-dala lagi yung savings na nasa wallet ko ay itoang takot na baka maospital s iya. Binilin ko kay mama yung rosas, sabi ko itetext ko siya kung asan ako. Pero sa n gayon, kailangan kong tumakbo. Kailangan kong abutin ang langit. Kailangan. Kail angan ko ng himala ngayon. Isang himala. Bilang na ang oras niya. Bilang na ang oras ng babaeng pinakamamahal ko. *** CHAPTER 18 [Tears in Heaven] Hindi ako mapakali. Wag. Wag ngayon. Wag kahit kailan. Mas gusto ko pang mauna n a lang mamatay kay sa siya. Ayoko. Ayoko. Kahit hanggang bagong taon o limang tao n pa. O kahit habang buhay. Wag Mo siyang kunin sa kin. Naiwan ko yung cellphone ko sa bahay, kaya marahil nagaalala na yung mga magulan g ko sa kin. Oo nga pala yung rosas. Kahit man lang yun, madala ko sa kanya. Tuma wag ako sa bahay gamit yung payphone. Mugto na yung mata ko.

Isang lugar sa utak ko, naisip ko yung sinabi niya dati. Bat mo iiyakan ang taon g wala na? Iyakan mo ang taong andyan pa o yung taong andyan pa pero alam mong m awawala na. Buti na yung iyakan mo siya na may chansang alam niyang may umiiyak dahil sa kanya, kay sa yung iniiyakan mo siya na wala na talagang chansang malam an niya kung gano siya kahalaga sayo. Naniniwala ako na hindi pa ngayon hindi ko alam kung bakit. Sobrang sikip ng dibd ib ko na umabot na inisip kong baka ako maospital din. Kung ganon nga, sana kuha nin na rin ako kasabay niya. Hindi. Kailangan niyang mabuhay. Mabubuhay pa siya. Nanalig ako. Nakakakapit ako sa Kanya. Alam kong may oras pa. Meron pa. Dumating yung pamilya ko sa ospital matapos ang dalawang oras. Dala-dala ng papa ko yung rosas na nasa bagong lalagyan dahil nabasag yung una. Wala parin akong balita dahil nasa emergency room parin si Mary. Sinabi ko sa mama at papa ko yung katotohanan. Na siya ang mahal ko na siya ang g usto kong makasama habang buhay. Naiyak si mama dahil sa tadhanang nakaabang sa kin. Pinauwi ko na sila, ayoko din naman silang mapagod. Ngayon lang ako nakapili ng desisyon ng ganito kabilis. Siguro dahil alam kong k ailangan ako ni Mary sa tabi niya, at baka sa kahit anong segundo eh magdesisyon siyang iwanan ako at matulog na lang habang buhay. Umuwi na ang mga magulang ko. Ilang minuto pagkatapos dumating na yung mama ni M ary. Umiiyak, humahagulgol. Kasama niya yung anak niyang bata sa isa pa niyang a sawana kahawig ni Mary. Umiyak na lang ako dahil nakita ko si Mary sa batang yun. Sana hindi pa huli ang lahat. Tinawag kami ng doctor. Sabi niya may panahon lalaman kung kailan magdedesisyon si Mary na masakit. Gusto na rin ng doctor na magpatawag urahin dahil parang sinasabi niyang mamamatay pa daw, pero hindi talaga namin ma ayon. Ayoko na banggitin, masyadong na kami ng pari. Gusto ko siyang m na ang pinakamamahal ko.

Pero nung gagawin ko na yun, biglang lumapit sa kin yung bata na kapatid ni Mary sa ina. Hinila niya yung t-shirt ko na parang may gusto siyang kunin ko. Kuya. Naiyak na lang ako. Binaba ko muna yung plastic na ang laman ay yung rosas tapos binuhat ko yung bata. Mukang lalaki din siyang mahaba din at maitim ang buhok. Anong pangalan mo? Maria po. Maria. Napatingin ako sa mama ni Mary. Napangiti na lang siya sa kin kahit mugto na yun g mga mata niya. Halata naman kung kanino kinuha yung pangalan ng batang to. Hinalikan ko siya sa noo tapos binaba. Ilang taon ka na? Five years old po. Salitang bata, na ang tunog ng sinabi niya ay payb yeart old po. Napangiti ako dah il sa inosenteng mukang yun. Sana ganyan din ako kainosente ngayon. Bisitahin natin ate mo, gusto mo? Opo.

Sa isang kamay ko, hawak yung maliit na kamay ni Maria. Sa isa naman ay yung pla stic kung saan andun yung rosas. Pumasok na kami dun sa pinto kung saan nakaupo narin yung tatay ni Mary at hawak hawak yung kamay niya. Siya naman, parang matu tulog lang, hinihintay na gisingin ko. Umiyak yung mama at papa ni Mary, siyempre ako din. Si Maria naiyak din, kahit n a mukang hindi niya alam kung ano talaga yung iniiyakan niya. Ayoko siyang makit ang nakaratay ng ganyan, na parang ang dami-daming nakakabit sa kanya para lang mabuhay kahit saglit lang. Ang sakit. Masakit. Lumabas yung papa at mama ni Mary, siguro para tumawag ng pari. Kailangan ko na ba tanggapin? Kailangan na ba? Ngayon na ba talaga? Nakaramdam ako ng kalabit. Sobrang saya ko nung naramdaman ko yun. Tatawagin ko sana yung mga magulang niya pero hinawakan lang niya ko na parang sinasabi niya n a may sasabihin ako sayo sayo lang. Tumutulo pa rin yung mga luha ko. Nahihirapan akong tingnan siya. Dahan-dahan ni yang nilalapit yung kamay niya sa palad ko gumuhit siya ng isang puso. Napaghandaan mo na no? Napaghandaan mo na tong araw na to Tumutulo ang luha ko habang sinasabi ko yun. Si Maria naman nasa tabi ko, natutu log. Nakita kong ngumiti si Mary na parang Oo. Napaghandaan ko na. Kung yun ang gusto mo kahit masakit sa kin gagawin ko. At dun, nagumpisa na ang kanta, isang kanta na hindi ko gustong kantahin sa mga panahong ganito. Pero dahil sa hiling niya, sige. Would you know my name If I saw you in heaven Will it be the same If I saw you in heaven I must be strong, and carry on Cause I know I don't belong Here in heaven Naisip ko na parang habang buhay na ata tong tulo ng luha ko. Ang sikip ng dibdi b ko habang kinakanta ko tong kantang to. Paano niya na kayang mapaghandaan ang araw ng kamatayan niya? Would you hold my hand If I saw you in heaven Would you help me stand If I saw you in heaven I'll find my way, through night and day Cause I know I just can't stay Here in heaven

Tumigil na ako sa pagkanta, dahil alam kong hindi ko na kaya. Tulo lang ng tulo yung mga luha ko, at hindi narin maganda yung pagkanta ko. Umiyak na lang ako Yun na yung katuloy ng kanta. Dinala ko yung rosas, naalala mo pa? Yung binigay mo sa kin dati dati pa? Yung pi nakuluan mo? Himala na namulaklak. Hindi ka ba natutuwa? Ngumiti siya. Pero sa ngiti niyang yun, nagsisi ako kung bakit ako naging masaya sa himalang dinala ko hanggang sa kwartong yun. Unti-unting bumalik yung oras. Bigla kong naalala yung araw na kumatok siya sa m ay pinto namin na dala-dala yung kahon na may mga buto ng pinakuluang rosas. Pag namulaklak yan, aalis na ako sa buhay mo. Pero pag hindi, hahayaan kitang gu luhin mo ang buhay ko, at guguluhin ko din naman ang buhay mo. Tumulo yung luha niya kahit nakangiti. Ako din, tumulo ang luha. Nagising si Mar ia na nakatingin sa kin. Tiningnan niya yung ate niya, at ngumiti. Matutulog ka lang ha? Gigisingin kita pag dumating na ko sa kung saan man tayo pu punta. Dumating na yung pari maya-maya. Kung ano man yung kailangang gawin, ginawa na n iya. Bakit nga ba ako andito ngayon? Parang kahapon lang nung nahulog siya sa ki n sa may isang puno ng acacia. Parang kahapon lang ng mabasa ko yung diary niya. Parang kahapon lang nung nasabi kong mahal ko siya. Maghihintay ka ha? Dadating ako agad. Pinisil ko yung kamay ni Maria habang naramdaman ko naman yung pag-gaan ng kamay ni Mary. Binitawan ko siya at umiyak habang nakatalikod. Yung mama at papa niya ang huling humawak sa kanya. Naiinggit ako sa ibang napapanood ko sa tv, nasa d agat pa sila na magkahawak kamay bago mamaalam habang buhay yung isa. Pero, buti sana kung ako lang ang tao sa mundo niya. Kaso hindi. Pero hindi man ako ang huling humawak sa mga kamay niyang yun alam kong dadalhin k o ang hawak na yun habang buhay. Hindi ko man lang natupad yung sinabi niyang sa parke niya gusto mamaalam Ubos na ang mga luha kong galing pang langit. Umulan sa loob ng kwartong yun. Ti ningnan ko yung oras. 1:43 am. Nagkataon lang ba to, o pati ito napaghandaan niy a? Kung ano man yung sagot, nalaman ko nung nagusap kami ni Maria matapos ang ilang oras. Kuya Kinarga ko si Maria sa mga balikat ko. Mugtong-mugto yung mga mata ko. Hanggang ngayon di parin natatapos ang pagtulo ng mga luha. Tiningnan lang ako ni Maria, siguro nagtataka kung bakit patuloy na nahuhulog na parang walang katapusan. Pinunasan niya yung mga luha ko dahan-dahan. Six na po ako. Isang katapusang may simula uli. Sinadya niya kaya? Ewan. Ang daming himalang na ngyare. Isa siya dun. Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan, at marahil, n agawa niya yun.

*** Epilogue Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy pero may magic, na ku ng tawagin niya ay himala. Bakit? Kasi May pumasok na isang doctor at nurse sa kwarto na pinaghihimlayan ko. Nagising t uloy yung mga magulang ko. At heto habang pasimpleng tinatype ang bawat salitang nasa isip ko kahit nanghihina na yung mga kamay ko nakikinig ako sa sinasabi nung lalake. Umiyak ang mga magulang ko. Ay mali pala. Humagulgol sila. Ako? Di ko alam kung hahagulgol o ngingiti. Ngingiti dahil makakasama ko na rin siya. Naalala ko tulo y yung guhit sa palad naming dalawa. Parehong maikli, mas maikli lang yung kanya . Napangiti ako Kahit papano, nakatadhana parin kami. Siguro nga, maramot ako. Wala naman talagang may alam kung makakasama nga ba nat in ang minamahal natin sa kabilang buhay diba?kung meron man. Hindi na yun mahala ga sa kin. Sabi nga nila faith na daw natin yun. Naniniwala akong hinihintay niya ko. Hindi ko kaya na paghintayin siya Kaya, eto na Papunta na rin ako. Kung ilalagay ko siguro ang pangalan niya sa dictionary, ang ilalagay ko: one wh o could make you believe that miracles DO exist. Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy pero may magic, na ku ng tawagin niya ay himala. Hindi na dapat tinatanong kung bakit, dahil may mga b agay na walang hanggan ang tanong, kahit na walang sagot. This story has a happy ending. At dito naguumpisa ang kwento naming dalawa. She will never be your ordinary lady, And she will never be your no normal girl. But she will always be everything to me... My one and only dearest miracle.

You might also like