You are on page 1of 4

MORCO, Jhon Ray D.

BS Accountancy H1-2

Prof. M. D. Pascual May 22, 2013

Question#12: Talakayin ang kahulugan ng nasyonalismo ayon sa karanasan ng Pilipinas. Ano ang naging papel na ginampanan ng mga ilustrado at ng masa sa pagsulong ng nasyonalismong Pilipino? Magkatuwang ba ang dalawang puwersang ito ng lipunan?

Ang nasyonalismo o ang pagmamahal sa sariling bayan ay hindi na gaanong napapahalagahan ngayon kung ihahambing sa pagpapakahulugan ng mga Pilipino noong panahon ni Rizal. Mapapansin natin ngayon na maging tayong Pilipino ay nababastos na maging ang ating pambansang awit. Isa pa lamang iyan sa halimbawa ng pagbabalewala ng mga Pilipino sa Nasyonalismo ngayon. Nasaan na ang Nasyonalismo ngayon? Balikan natin ang nakaraan. Ano nga ba ang nasyonalismo ayon sa karanasan ng Pilipinas. Halos tatlong siglo tayong napasailalim ng mga Kastila kaya't natuto na ang mga Pilipino na lumaban. At sa pag-usbong ng kaisipang nasyonalismo, nahati ang lipunan sa dalawang pwersa, ang mga ilustrado o ang mga nasa "colonial middle class" na masasabi nating nagkaroon ng kaisipang liberal, at ang Masang Pilipino na binubuo ng mga mahihirap nating kababayan. Pinamumunuan ni Rizal ang mga Ilustrado samantalang si Bonifacio naman ang namuno sa Masa. Parehong may layunin ang dalawang grupo na isulong ang Nasyonalismong Pilipino subalit magkaiba ang kanilang pinaniniwalaang paraan ng pagsasagawa. Ninais ng mga Ilustrado na gawin ito sa mapayapang paraan na taliwas naman sa pinaniniwalaan ng Masa na dahas ang dapat gamitin upang makamit ang kalayaan. Dahil sa magkaibang paniniwala, hindi naging magkatuwang ang mga Ilustrado at ang Masa sa pagsulong sa Nasyonalismo. Bagaman hindi magkaisa sa iisang paraan, ang layuning maisulong ang nasyonalismong pilipino ay nanaig pa rin. Ang bawat pwersa ay nagkaroon ng mahahalagang papel sa pagkamit ng Nasyonalismong Pilipino. Dahil dito, nakamit pa rin ng Pilipinas ang inaasam nitong kalayaan sa huli.

#30

Question#33: Ang dalawang nobela ni Rizal ay kakikitaan ng mga simbolismo. Magbigay ng ilang mahahalagang institusyon sa kasaysayan ng Pilipinas na isinabuhay ng mga sumusunod: a.) Sisa b.) San Diego c.) Bapor Tabo d.) Sementeryo ng San Diego.

Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay dalawa sa pinakasikat na nobelang gawa ni Rizal. Hindi lang ito basta nobela. May pinaghuhugutang karanasan si Rizal kaya niya ito nagawa. Ang nilalaman ng dalawang nobelang ito ay nagpapakita ng simbolismo na maiuugnay sa mga pangyayari noong panahong iyon. Ilan sa mga simbolismong ito si Sisa, ang bayan ng San Diego, ang Bapor Tabo, at ang sementeryo ng San Diego. Sinisimbolo ni Sisa ang pamilyang Pilipino. Sa unang tingin ay mukhang maayos ang pamilya. May anak, may asawa, atay ina. Subalit sa pamilyang Pilipino, ay may nagtataksil din. Katulad na lamang ng asawa ni Sisa na unti-unting ipinagbibili ang kanilang pagmamay-aring alahas. Ang bayan naman ng San Diego ay sumisimbolo sa isang bayan na walang kaunlaran. Ipinapakita dito na kung walang magnanais ng pagbabago, mananatiling hindi maunlad ang isang lugar. Sinasabi ni Rizal na dapat ay may kahit isa lamang na mag-udyok ng pagbabago upang ang isang lugar ay umunlad, at hindi manatili sa dati nitong kinatatayuan. Ang bapor tabo ay isang barko na halos tabo ang hugis. Dahil dito, di agad-agad mawawari
ang harap at likuran ng barko. Mahahalintulad ito sa Pilipinas na pinamamahalaan ng mga prayle at kapitan heneral. Ngunit dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang panig, tila walang pagbabago sa Pilipinas, gaya ng mabagal na pag-usad ng barko sa Ilog Pasig. Ang bapor Taboy larawan ng ating

pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihiy mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa. Sinisimbolo naman ng sementeryo ng San Diego ang hindi makataong asal ng mga Prayle noong panahong iyon. Makikita na kahit patay na, nilalapastangan pa rin ng kura ang isang bangkay ayon sa nobela. Ang mga prayle noon ay sadyang hindi makatarungan at hindi makatao.

#30

REPERENSYA
Gregorio Zaide and Sonia Zaide. Jose Rizal : Life, Works and Writings of a Genius, Writer, Scientist and National Hero. All Nations Publishing Co., Inc. Alforque Bldg., Quezon City, Philippines 1102. 1999

Leon Maria Guerrero and Carlos Quirino. The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. Publications of National Heroes Commission, Manila 1963 http://books.google.com.ph/books?id=sjMa5dt7gTQC&printsec=frontcover&dq=ilustrado&hl=en&sa=X &ei=leOaUdaeG8r9rAfmjIC4DQ&ved=0CDAQ6AEwAQ http://books.google.com.ph/books?id=C4hxAAAAMAAJ&q=ilustrado&dq=ilustrado&hl=en&sa=X&ei=le OaUdaeG8r9rAfmjIC4DQ&ved=0CEkQ6AEwBg http://books.google.com.ph/books?id=980uAQAAIAAJ&q=rizal's+life+works+and+writings&dq=rizal's+lif e+works+and+writings&hl=en&sa=X&ei=ZuSaUazqEI2GrQezxoDYCA&ved=0CCsQ6AEwAA http://books.google.com.ph/books?id=r8PCT9AB_REC&printsec=frontcover&dq=rizal's+life+works+and +writings&hl=en&sa=X&ei=ZuSaUazqEI2GrQezxoDYCA&ved=0CDoQ6AEwAw

MORCO, Jhon Ray D. BS Accountancy H1-2

Prof. M. D. Pascual May 22, 2013

1. Pahimakas ni Donya Teodora Prof. Domingo M. Pascual

Nagbabalik-tanaw si Donya Teodora Alonzo, ang ina ni Dr. Jose Rizal, isang gabi ilang oras bago sumapit ang ika-sandaan at labing-anim na anibersaryo ng pagkamatay ni Rizal tungkol sa mga napagdaanan ng kanyang anak mula noong ipinanganak si Pepe hanggang mamatay ito. Nais ni Donya Teodora na ibulalas ang kanyang mga saloobin ukol dito. Isinilang ni Donya Teodora si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda, o Jose Rizal noong ika-labingsiyam ng Hunyo taong 1861 sa lalawigan ng Laguna na siyang ikapito sa labing-isang magkakapatid. Binigyan ng mag-asawa si Jose ng palayaw na Pepe. May kalakihan ang ulo ni Jose noong ipinanganak ito na syang muntik nang ikamatay ni Donya Teodora. Dahil din sa laki ng ulo ni Pepe, masasabing magiging matalino siyang tao. Naalala pa ni Donya Teodora noong kinuwentuhan niya si Jose isang gabi tungkol sa kwento ng gamu-gamo. Ang pagnanais ng gamu-gamo ng kaliwanagan na syang ikinamatay nito ay mahahalintulad din sa nangyari mismo kay Jose Rizal. Ayon kay Donya Teodora, hindi nakuntento si Jose sa edukasyon sa Pilipinas kaya't nangibang bansa ito. Dahil dito, nagkaroon ng kaisipang liberal si Rizal na nag-ugat sa kanyang eksekyusyon. Ang pagpunta ni Rizal sa ibang bansa ay

lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Lubhang sumama ang loob ni Donya Teodora maging ni Don Francisco dahil sa kanilang nalaman. Ayon din kay Donya Teodora, lubhang napakasakit para sa kanya na malamang babarilin ang kanyang anak sa Bagumbayan, at dagdag pa dito, mas masakit para sa kanya na mauuna pa palang mamamatay ang anak niya kaysa sa kanya. Bilang reaksyon, naging maganda at makabuluhan ang isinagawang pagtatanghal na aking natunghayan. Hindi ko dati napapansin kung ano nga ba ang naging reaksyon ni Donya Teodora sa pagkamatay ng kanyang anak. Lubha palang nasaktan si Donya Teodora sa mga nangyari. Hindi mapagkakailang naipakitang maigi ng gumaganap na Donya Teodora ang mga hinanakit nito sa pagkamatay ni Jose Rizal. Kitang-kita ang emosyon sa mukha at boses ng aktres na siya lalomg nagpaganda sa pagtatanghal. Talagang nasaktan si Donya Teodora sa mga nangyari at lubha ko itong naunawaan dahil sa aking napanuod.

2. Ang Lumikha: Huling Pahina Chris Martinez

Sa huling pahina ng ginawang nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo, ilang mga tauhan sa nasabing nobela ang nagsama-sama nang hindi inaasahan. Sina Donya Victorina, na kilalang maarte, mapagmataas, at matapobre, si Kapitan Tiago na mukhang pera, si Donya Consolacion na masasabing pangit at maging si Pilosopo Tasyo ay nandun din. Nagsama-sama sila sa huling pahina sa hindi malamang dahilan. Naunang magpakilala si Don Santiago Delos Santos, o mas kilala bilang Kapitan Tyago na isang tanyag na mangngalakal na konalaunan ay naging Gobernadorcillo. Ninais nyang kausapin ang may likha kung bakit sya ginawang ganun at kung bakit sya nasa huling pahina. Sunod na nagpakilala si Donya Victorina. Siya ay isang babaeng mapagmataas lalong-lalo na sa mga pobreng Pilipino at pilit syang umaastang Kastila subalit ito ay dahil lamang sa mga kolorete sa kanyang mukha. Ipinagmamalaki niya na marami syang manliligaw noong kabataan niya at ang pinili nya daw ay si Don Tiburcio. Matanda at pangit. Nagrereklamo din siya sa may likha. Huling nagpakilala si Donya Consolacion na maybahay ng isang Alperes. Dahil dito, umaasta syang mas nakakataas sa kapwa Pilipino. Inirereklamo niya sa may likha kng bakit sya pangit at mabaho. Sa huli, sinabi ni Pilosopo Tasyo kung bakit sila nasa huling pahina at dahil daw iyon sa may likha. Kada karakter nya ay inilagay ng may likha sa kanyang mga tauhan. Ang pagtatanghal ng Huling Pahina ay lubhang napakaganda para sa akin. Kumokonekta ito sa mga manunuod dahil sa nakakatawa at nakakaaliw ito. Walang sandali sa pagtatanghal na lumabas itong nakakainip. Nilagay sina Donya Consolacion, Donya Victorina, at Kapitan Tiago sa huling pahina, para sa akin, ay malaki pa ring katanungan. Totoo nga bang ang bawat karakter na ito ay galing mismo sa karakter ng may likha? Ngunit sa huli, ito pa rin ay napakaganda.

You might also like