You are on page 1of 5

Awiting Bayan

Leron, Leron Sinta


Leron, Leron, sinta Buko ng papaya Dala dalay buslo Sisidlan ng sinta Pagdating sa duloy Nabali ang sanga, Kapos kapalaran Humanap ng iba. Halika na Neneng, tayoy manampalok Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog Pagdating sa duloy uunda-undayog Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog. Halika na Neneng at tayoy magsimba At iyong isuot ang baro mot saya Ang baro mot sayang pagkaganda-ganda Kay ganda ng kulay berde, puti, pula. Akoy ibigin mo, lalaking matapang Ang baril koy pito, ang sundang koy siyam Ang lalakarin koy parte ng dinulang Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

Kwentong Bayan

ANG DIWATA NG KARAGATAN


Ito ay isang Kuwentong Bayan ng Ilocos:Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nagaalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

Salawikain

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.


-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. : Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. -Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

Lahat ng gubat ay may ahas.


-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

Paniniwala at Pamanang Kalinangan


*Alamat -isang akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay *Bugtong - inilalarawan ang mga bagay na pinahuhulaan. Itoy nangangailangan ng mabilisang pag-iisip. * Tula -ito ay mga akdang panitikan na may sukat at tugma. Ang sukat ay bilang ng pantig ng bawat taludtod, samantala ang tugma ay pagkaka-sintunugan ng mga huling salita sa bawat saknong. *Pabula - ito ay isang uri ng maikling kuwento na ginagampanan ng hayop o bagay na bibibigyang buhay upang maghatid ng aral. *Parabula -isang uri ng maikling kuwento na kadalasay ibinabatay sa mga tunay na nangyayari sa ating buhay. Itoy naghahatid ng aral at ang gumaganapay tao. *Awiting Bayan - ito ay naglalarawan ng katutubong ugali at tradisyon na kasasalaminan ng mga naging buhay nila noon. Ang mga nilikha nilang awit ay nasusulat nang patula na inaawit sa ibat-ibang pagkakataon. *Kuwentong Bayan -itoy mga samut-saring kwento na hubad sa katotohanan ngunit patuloy na ikinukwento dahil sa pasalin-salin na sa bibig ng karamihan. *Balagtasan - Ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme) *Epiko - Ang epiko ay isang kuwento ng pagpapahalaga at kahulugan ng isang sibilisasyon. Ito ay isang mahabang salaysay na kadalasang nasa pormang patula.Ito ay may mga bayaning kumakatawan ng mga pagpapahalaga ng sibilisasyon, mga bayani na sumasagupa sa malalaking labanan na kumakatawan sa mga isyu ng sibilisasyon. Mahalaga ang aksyon ng mga bayani dahil naapektuhan nito ang mga tao at dahil inihahantad nito ang kahulugan ng buhay at kamatayan. *Dula-dulaan - isang uri ng kathang pampanitikan. Sinulat ito sa tula o sa tuluyan. Ito ay naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga salita at kilos ng mga tauhan sa tanghalan. *Sanaysay - isang katha na naglalahad ng mga kuro-kuro, karanasan at damdamin ng isang tao hinggil sa isang paksa. *Salaysay - Isang uri ng katha na walang katangiang nangingibabaw,timbang na timbang ang mga bahagi,hindi nagmamalabis bagamat masaklaw, maliwanag ang pagsasalaysay. *Mito - ito ay isang panitikang katha na ang buod a yukol sa mga tradisyon o lumang kuwentong nilikha ng may akda,ukol sa pinagmulan ng isang tao,lugar o pook ayon sa kanilang mga paniniwala ugali at pamumuhay na maaaring di-kapanipaniwala *Salawikain - mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabuting payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala tungkol sa mga batas ng kaugalian at karaninwang patalinhaga.

Proyekto sa Filipino
Ipapasa kay:Bb. Karren Salvador
Ipinasa ni:Julie Rose Villasis

You might also like