You are on page 1of 2

Lathalain Himig ng Pag-asa Sa bawat pag palo ng tambol na gawa mula sa yuping mga lata at sa pag kumpas ng tamboring

yari sa pinulot na tansan, ramdam ang kagustuhan ng mga paslit na maibalik ang paskong kanilang kinagisnan. Tanda ang malamig na hangin na ito na nga ang pasko. Kay sarap marinig ang mala anghel na tinig ng mga musmos. Itoy nagbibigay lakas sa matatanda na sikapin magpakatatag para sa kinabukasan ng mga bata. Ngayong pasko, wala mang pintong mapag sasabitan ng parol o bintanang mapapalamutian ng kumukutikutitap na ilaw, nag kaisa naman ang bawat tahanan ng buong baryo. Sabay sabay na nag noche Buena at ginunita ang pagkabuhay ni Hesus tanda ng muling pagkabuhay ng kanilang pangarap. Nang Dahil sa Wheelchair Mahiwagang Wheelchair nakapagpapalaya ng nasasakdal. Para sa mga may sala, marahil interesadong matuklasan kung papaano ito magagamit ngunit para sa mga mamamayang uhaw sa hustisya, ay gugustuhing sunugin ang wheelchair na ito. Pano nga ba ito gumagana? Simple lang. Magpanggap kang may sakit. Bastat may pera sa bulsa at malakas ang kapit, makakalusot sa parusang hated ng pagnanakaw. Ngayong humaharap ang bansa sa malalaking suliranin, naway din a maulit ang taktika ng mga senador o konggresista. Kung may sala, gawing preso. Hindi sa malabahay na kulungan kundi sa lugar na pantay pantay ang tingin sa mga lumabag ng batas. Inobasyon sa Makabagong Panahon Noon, pinagtiyatiyagaan ang paglanghap sa alikabaok ng yasa mula sa pisara. Kumukonsumo rin ng maramiraming Kartolina at manila paper para sa pag uulat ng mga aralin. Ngunit ngayon, nag level up na ang National Christian Life College kasabay sa pagpapatupad ng K-12 kurikulum . Ilan sa mga inobasyon ay ang paglalagay ng mga projector sa bawat klasrum. Di lang nagging sosyal, natuto pa ang mga batang gumamit ng makabagong aplikasyon pandagdag kaalaman. Ang maalikabapok na pisara ay napalitan ng mga white board dahil na rin sa fully- airconditioned na ang bawat silid aralan. Sino ba naming di maeengganyo? Garantisado na ang kalidad ng edukasyon, nahihikayat pa sa pagaaral ang mga estudyante.

Diwa ng Pasko Ang pasko sa batay pagtanggap ng regalo Umaasag sa medyas may lamang Aguinaldo Ito ang panahong pinakahihintay Sa ilalim ng krismas tri bubuksang sabay sabay

Saan man lumingon puro mukha ni Santa Klaws Kinaligtaan na ang pagkabuhay ng tagapagligtas. Tayoy tumatanggap ngunit di natin kaarawan Iyan ang bagay na dapat maunawaan.

Tunay na diwa ng pasko hindi tungkol sa regalo Kundi kung anong maihahandog sa kapwa tao. Ito ang bagay na hinihiling ng Diyos Upang siyay nmasuklian kahit papano.

You might also like