You are on page 1of 1

Sungka

orihinal na tula ni Camille E. Lopez

Maghihintay nanaman sa susunod na pag ikot Magaabang, magmamasid sa bawat pagpulot. Sa dagling pagdaan ilang bato ba ang kanyang iiwan at tatangayin nang mapunan ang bahay na walang laman?

Sa bawat batong ibibigay ilan kaya ang kukunin? 'di man ngayon angkinin lahat, hantungan diba'y do'n rin? Bawal ang patas layon ng laro'y isa'ng makalamang. Sinong mananalo, sinong matatalo? Tanong ay nakaabang.

Kung sa kaunting pagparaya ang kapalit ay pagkamkam sa mga batong inipon, sa huli na lang ba masusuklam? Sa pagikot ng mundo ikaw naman ang magpunla. Pun'an ang iniwang puwang, sa kanya nama'y walang matira.

You might also like