You are on page 1of 4

1 | P a g e

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral sa pagsasaliksik na may patung kol sa ANG PINAKA
EPEKTIBONG PARAAN NG PAGTUTURO SA PAKSANG BAYAN KO NI
JOSE CORAZON DE JESUS AYON SA PANANAW NG BSE-FIL. IV.
Naglalaman ito ng mahahalagang pananaw at impormasyong
makatutulong sa paggawa ng panukalang pananaliksik na ito.

Lokal na Pag-aaral

Lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamitan ng mga
pamamaraan upang matapos ang naturang gawain. Habang ang
pangangailagan sa mga gawain ay dumarami lalo na sa pagtuturo, isa sa
mga nakikitang problema na kailangang pagtuunan ng pansin ay tungkol
sa mga pamamaraan, metodolohiya, at estratehiya na siyang dapat
rebisahin at paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay siyang
matugunan.


2 | P a g e

Ayon naman kay Gregorio (1976), sa kanyang aklat na Principles and
Methods of Teaching, ang isang pamamaraan upang maging epektibo ay
dapat magkaroonngmgakatangian at angmgasumusunod: una,
angepektibong metodolohiya ay dapat may kasamang kahusayan sa
paggabay upang makamtan ang isang kaalaman o karunungan.
Pangalawa, itoy dapat magamit ng karamihan sa pagkatuto. Kooperasyon
ang pangatlong katangian nito. Pang-apat ay dapat na may remidyal na
prosedyurs tuwing inaaplay ang pamamaraang ito. Panlima ay kailangang
nagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. At
panghuli, dapat nakakapagresolba ito ng mga kahinaan sa pagkuha ng
impormasyon.

May dalawang uri ng pamamaraan ang ginagamit sa pagtuturo ayon
parin kay Gregorio; Tradisyunal na Pamamaraan at Makabagong
Pamamaraan. Ang Tradisyunal na pamamaraan ay isang pagka-
organisa ng paksang aralin sa pamamagitan ng mga pagsasanay,
pagpapabalik-balik, memorisasyon, at pag-oorganisa ng banghay- araling
binuo. Ilan sa mga halimbawa sa mga estratihiya na gumagamit ng
tradisyunal na metodolohiya ay ang direktang pag-uutos, pagsasanay, mga
leksyurs at mga presentasyon, diskusyon, proyekto o Gawain na Metodo,
Tutoring, at pagsasalaysay.



Ang makabagong pamamaraan ay tinatawag namang indaktib na
pagtuturo na nakasentro sa kakayahan ng mag-aaral na matutuhan kung
3 | P a g e

paano makapagbibigay ng solusyon sa mga problema gamit ang mga
kognitibong kakayahan na matutuhan sa silid aralan.


Kaugnay na Literatura

Sa pag-aaral na ito, binibigyang pokus kung ano ang pinaka
epektibong paraan ng pagtuturo sa paksang Bayan ko ni Jose Corazon
de Jesus. Pati ang kagamitang gagamitin sa pagtuturo ng tula ay dapat
ding matukoy. Ilan sa mga nakapanayam ng mga mananaliksik ay
nagbanggit ng mga paraang ginamit at ito ay ang mga sumusunod:

Ayon kay Astorga (2014), ang pinaka epektibong paraan sa pagtuturo
ng araling ito ay ang mga leksyurs at mga paraang presentasyon sapagkat
ang araling ito ay isang tula. Hindi madali ang pag-aaral ng ganitong aralin
dahil hindi pare-pareho ang kalidad ng pag-unawa ng mga mag-aaral kung
sila lamang ang susuri. Ang makabuluhang pag- leleksyurs ng isang guro
at ang presentasyong gagawin nito ang higit na makapagbibigay ng sapat
na kaalaman na lilinang sa kamalayan ng mga mag-aaral partikular sa
pagtalakay sa teoryang pampanitikan na nakapaloob sa isangtula.
Ayon naman kay Combes (2014), isang guro na nagtuturo ng
asignaturang Filipino sa Dr. JosefaJara Martinez High School, Ang
epektibong paraan ng pagtuturo ng tulang ang bayan ko ni Jose Corazon
de Jesus, ay ang paggamit ng pangkatang gawain. Dahil ditto makikita ang
4 | P a g e

pang-indibidwal nakakayahan ng bawat mag-aaral ukol sa pagsusuri ng
tulang tinatalakay. Sa karanasan niya sa pagtuturo nito, ang pamamaraang
ito ang lubhang nagging pinaka epektibo. Subok na niya ang ganitong
pamamaraan sa ilang taon niyang pagtuturo ng asignaturang Filipino. Sa
ganitong paraan ay lalong maunawaan ng mga mag-aara lang paksang
kanilang tatalakayin.
Ayon kay Abella(2014), isang guro sa Macario B. Asistio Sr. High
school, ang pagtatalakay na gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng
awdyo biswal sa pagtuturo ng tula particular ang tulang bayan ko ang
pinaka epektibong paraan. Ayon din sa kanya, ang mga kabataan ngayon
ay mas natututo at madaling nakasasabay sa talakayan kung ganito ang
pamamaraang ginagamit. Halos lahat ng kabataan sa kasalukuyan ay
pamilyar sa paggamit ng teknolohiya, kung kaya teknolohiya ang isa sa
kagamitang kanyang ginagamit sa pagtuturo ng paksang pampanitikan.
Sa pag-aaral na ito, mahihinuha natin na ang isang epektibong
pamamaraan ay makakamtan lamang kung ang gumagamit nito ay may
sapat na kaalaman sa mga katangian at nai-aaplay niya ito nang maayos
at kung saan ang lahat ng mga mag-aaral ay may makukuhang kaalaman
mula sa isang paksa gamit ang isang pamamaraan. Ang isang
pamamaraan ay matatawag lamang na epektibo kung may magandang
resultang naidulot ito sa performans ng mag-aaral at sa guro na gumagamit
nito.

You might also like