Pagbubukas ng tabing, ang makikitay loob ng isang bahay-dukha na may isang silid na maraming larawan ng mga Santo at isang Krus na malaki sa isang sulok. Sa kabahayay may dalawang bangko at isang gulok.
I Tagpo
Si Ambrosio ay malungkot na nakaupo sa isang bangko at maya-mayay titindig kasabay ng buntunghininga at saka mangungusap:
Ambrosio: Oh! Buhay na iwing walang kasingsaklap na laging sapupo ng dalitat hirap! Oh, bayang sagana sa yaman at dilag, anot ang lagay koy di na magkalunas? Parang moy malawak, kabundukay labis sa mina at madlang sa dusay pangbihis; dagat moy mayaman, ilog sampong batis. Anot yaring hirap sa akiy niig? Sa dilag moy madla ang nanganonood na mga dayuhang iyong binubusog. Akong may matuwid lumasap ng lugod ang di makalaya sa mahal mong kupkop Ano kayang dahil? Sawing kapalaran..
[darating si Titay]
II Tagpo
Ambrosio at Titay
Titay: Bakit ba giliw kot lagi kang malumbay?
Ambrosio: Ay! Asawang kasi, ikaw ang dahilan, pagkat di na mapaginhawahan. Di ko na maisip, gagawin pang ibang sukat kakitaan na hanapbuhay ko; mahirap din naman ang sagana palat ang may aring tunay ang nangangapa.
Titay: Magtiis irog kot di pa panahon, umasa sa dios, pusoy ihinahon; akong asawa mo naman ay marunong kumaya ng hirap.
Ambrosio: Talastas ko iyon. Ngunt
Titay: Batid ko rin, ating kasalatan, halos ang isip koy walang kasiyahan; kaya, dahil dito ako ay tulutan sa binabalak kong pagkakakitaan
[mapapailing si Ambrosio]
Ambrosio: Samakatuwid ko noy masama?
Titay: Oh! Kay bilis ba naman ng hinuha.
Ambrosio: Kailanman, sa mabuting nasa, ang pahintulot ay labis na nga.
Titay: Gawang pasubali ay kailangan din
Ambrosio: Karaniwan niyay kataksilang lihim
Titay: Bakit pa may [magtatampo]
Ambrosio: (napakatampuhin) [Kay Titay] Titay, turan mo na.
Titay: Huwag nat
Ambrosio: Sabihin mo nat nang tayoy di abutin ng tabsing.
Titay: E, ikaw namay lubhang maramdamin.
Ambrosio: Iyay ugali na ng tapat gumiliw. Kaya
Titay: Sinungaling.
Ambrosio: Pagsabi na
Titay: Dinggin. (Oh, kasalatang lumabis ng selan.)
Ambrosio: (Ano kayang milagro ang tuturan?)
Titay: Asawa koy dinggin: Ang Kurat ang Piskal, Ang Sakristan Mayor ay ganun din naman, maging sa kumbento, maging sa simbahan, at lalong-lalo na sa pakumpisalan, walang ginigiit kundi ang pagligaw sa akin
Ambrosio: Nakita mo na!
Titay: Ah, hintay At ang laging sabi
Ambrosio: Ano?
Titay: Ako daw ay mainam
Ambrosio: Mainam sinasabi ko nang Oh! Ultimatum na ang siya nang bagay
Titay: Huwag kang pa-bigla.
Ambrosio: E, bakit ngayon mo lamang sinabi sa akin?
Titay: Mangyariy kaya ko pa ang pagtatanggol ng puri
Ambrosio: Samakatuwid nag-impok ka rin ng gawang paglilihim.
Titay: Sa pag-iingat kong huwag kang mabuyo sa hindi kapanahunan.
Ambrosio: Naku! Baku! At kung mapulitika ka?
Titay: Pakinggan mo muna ako.
Ambrosio: Mapupulitika mo ba ang malalakas?
Titay: Ka; ngunit dapat mong matanto na, ang Cura, sa di ko pag-amin na masama niyang hibo ay pinagbalaang paratangan ka ng iyong ikapapahamak.
Ambrosio: Gayon ba! Ito ang pulitika. [kukuning bigla, ang gulok at anyong aalis]
Titay: Hintay ka [pipigilin] tanto ko ang kanilang kabangawan, alam kong walang matuwid na di nila naililiko ni makapangyarihang di nangingimi, kaya, hanggang silay nasa pagsamo, sa pagsamo ko rin ibibigo; pagkat sa pusong palalo halayin ang siyang wasto,
Ambrosio: Kaya nga, ako ang bahala, ang buhay ko may isang yuta, kapag sa asal alibughay ipaghihiganti kong kusa.
Titay: Ang babai y may katungkulan din naming dumamay at magtanggol sa asawa. Sinabi ko na ngang silang tatloy nasang dungisan ang ating karangalan; dahil ditoy inisip kong silay bigyan ng tapat na halimbawa, lalong lalo na ang Kura, walang laging sinasabi sa akin kundi: Ang sa Pari daw ay umibig ay naaakyat sa Langit. At kung mamunga ang hasik ay Apo ng Dios ang sambit.
Ambrosio: Jesus! Pagdamayang napakalupit.
Titay: Silang tatlo ay paparito ngayon, ayon sa sabi sa akin, silay iibigin ko
Ambrosio: Ano? Ano?
Titay: Kunwari lang.
Ambrosio: Siya na, siya na, baka [paalis]
Titay: [papigil] Hintay ka. Silang tatlo ay tataningan ko ng oras, ngunit hihingan ko ang bawat isa ng halagang
Ambrosio: Huwag na, huwag na. Manigas na tayo ng gutom; dapuwat ang maumang ka sa bagay na iyan Senor salvame San Bastian.
Titay: Tunay nga; ngunit mangyayari sa walang isip.
Ambrosio: Ha, di ba ang bagay na iyay nangyayari nga ng dahil sa isip?
Titay: Ay di ng di ka manibugho, ikaw ay manubok.
Ambrosio: Jesus! Santo Dios! Gagawin mo pa akong centinela de ciencia y paciencia
Titay: Hindi sa gayon, inakala ko ang bagay na ito, dahil sa tinitiis mong ating kahirapan, At ako namay hindi nanganganib, dahil sa alam kong, ang isang gaya kong sa puriy magsukab, libingan man halos ay alangang tumanggap.
Ambrosio: [bukod] Susubukin ko.
Titay: Pumayag ka nang
Ambrosio: Maging voluntario? Kung mapilit ka rin, ikaw ang bahala, ngunit huwag mo akong sisisihin sa dakong huli.
Titay: Pawiin ang panibugho, ang asawa moy di ka pagtataksilan.
Ambrosio: Ikaw ang bahala; yamang itiniwala ko sa iyo ang aking karangalan. Akoy tatahimik, ngunit ingatan mo ang akoy maturang yerdugo ng tunay na asawa; pagkat: Kung ano ang lamig ng loob, ay gayon din ang init kung sumabog.
Titay: Sa babai namang timtiman, ulupong man ay gumagalang.
Ambrosio: (Bahala na ang gulok na tapat kong kaibigan) [aalis]
III Tagpo
Titay lamang at maya-maya y darating ang Cura.
Titay: Ngayon matatanto niyong mga haling ang sa may asawang puring inaangkin; ang pag-asang akoy sadyang mababating dahil sa mahirap, ngayong malilining. Yaring hirap konoy bihisin ang nais; ngunit ang puri ko namay mapapalit. Ah, mga pangahas, budhing malulupit ang pusong babaiy di kakaning itik. Mga malulugding humupay ng puri, masarap sumuko sa gawang pag-api. Ang binhing masama, anumang mangyariy masama din naman siyang masawi.
[darating ang Cura]
IV Tagpo
Cura: Ole Titay [lalapitan ito] Kumusta ka?
Titay: [parang may pag-ibig] Mabuti po ama ng Dios, Among, tuloy po kayo
Cura: kay ganda-ganda mo, parang himala.
Titay: Hindi po naman.
Cura: Uy malabis, malabis, kaya, huwag kang paibig sa iba.
Titay: Hindi nga po, kahit kangina.
Cura: Aba, hindi naman gayon; tingnan mo, ang iba ay hindi marunong kumalag ng kasalanan; ngunit ang Among, kahit anong laki ay nakukuha, sukat sa isa lamang dasal na: Padre nuestro que estos en los cielos, cielos, cielos
Titay: (Jesus! Laking hampas ng Dios!)
Cura: Ang iyong asawa
Titay: Nasa pag-hahanapbuhay po.
Cura: [galak at bukod] Mabuting pagkakataon. [kay Titay] Ano ba Titay ang salitaan natin sa kumpisalan, maaasahan ko na ba? Maawa ka na sa akin, puputok na halos ang aking
Titay: Di po ba masama iyan Among?
Cura: Kung sa iba; ngunit kung sa akin ay
Titay: Kahit na po, akoy nakukutya.
Cura: Loka, walang nakakukutya sa nababalot ng ginto at mutya. Kitay bibigyan ng ikatatanghal mo sa kapuwa.
Titay: Siya nga po; ngunit hindi rin mawawalan ng magsasabing akoy kaguyo ng Among at marahil ay ako na lamang ang pagbubulung-bulungan ng mga tao.
Cura: Maano iyon, mayaman ka naman.
Titay: [magtatagal pa kasi] Kung gayon po, mamayang ika pito ng gabiy pumarito kayo.
Cura: Siyanga ba, totoo ba, iniibig mo na ba ako? (Salamat, Dei gratia plena) Aasahan ko na, ha.
Titay: Opo.
[tuwang-tuwa ang Cura]
Cura: (Napaibig ko rin) Ika pito, ha! Titay, ika pito ha.
Titay: Opo. (tuwang-tuwa ang ulol.)
Cura: (Salamat, ngayon lamang nagluwag ang aking kalooban at may Titay na akong paglalaruan.)
Titay: (Tiwalang-tiwala ang lanuang.)
Cura: Diyan ka na Titay, dadalhan kita ng salapi.
Titay: Opo, iyan nga po ang kailangan ko.
Cura: [paalis] Ika pito ha [habang umaalis] ikapito ika pito [paulit-ulit hanggang sa mawala]
V Tagpo
Titay at maya-mayay darating ang Sakristang Mayor
Titay: Tiwalang-tiwala ang loob ng haling at walang gunita sa huling darating bago ngay iyong Krus ang siyang pasanin ukol na mapala ng budhing maitim. Ang Sakristan Mayor at ng Piskal naman ang siyang hihintayin ko ngayon, silang tatloy matututong magmilagro.
Titay: Umalis po ang asawa kot papa sa Silangan daw.
Sakristan: (Salamat, laking kapalaran) Titay, alam mo ang nais ng loob, alam mo nang halos araw gabi y di magupiling yaring abang pusong laging pinupukaw ang iyong larawan. Kayat kung lagi mong hahabagin yaring pag-iiibig Ay Titay! Hindi malayong di sapitin ang mapanglaw na libingan.
Titay: Dinaramdam ko po; ngunit ano ang magagawa ko sa akoy may asawa.
Sakristan: Tunay, ngunit sa kalooban moy mangyayari ang lahat.
Titay: Tunay nga po kung laan nang magpatiwakal, masamat mabutiy iisa ang kulay.
Sakristan: Hindi sa gayon, atin namang ililihim.
Titay: E, wala po naming nahahayag kundi nga ang lihim.
Sakristan: Titay, huwag kang mag-alala, kung ang asawa mo ang magiging dahil ay
Titay: Ipapatay ba ninyo?
Sakristan: Hindi naman (Ako yatay mabibigo)
Titay: (Ang mabuti ditoy ipako.)
Sakristan: Titay, aakuin ko ang lahat na, hindi kita pababayaan, mamatay na ako bago mo sapitin ang anumang sakuna, kahabagan mo lamang ako.
Titay: (Tamang mapilit ito, e )
Sakristan: Maawa ka na Titay
Titay: Kung gayon poy mamayang ikawalo ng gabiy pumarito kayot
Sakristan: Siya nga ba, Titay, totoo na ba?
Titay: Opo.
Sakristan: Na tayong dalaway Aasahan ko na?
Titay: Asahan na ninyo; ngunit ang inyong pangakong
Sakristan: Salapi, oo, ibilang mo nang mayaman ka na mamaya; ngunit bakit hindi pa ngayon wala naman ang iyong asawa?
Titay: Mamaya na po [wariy yamot]
Sakristan: (Hintayin ko na nga ang taning at baka pa mayamot ay )
Sakristan: [paulit-ulit ang] Ikawalo, ikawalo [hanggang sa mawala]
VII Tagpo
Si Titay at maya-mayay ang Piskal
Titay: Lubhang madalian ang ligawan namin, hindi kailangat sadyang ibibitin; gaya nga ng baka, na kung papatayiy di na binibigyan ng damot inumin, iyong Piskal naman ang hihintayin kot ng upang masama pagmimilagro at sa prusisyong gagawin sa linggoy kataon namang silay mapa-karo.
[darating ang Piskal]
VIII Tagpo
Si Titoy at ang Piskal, itoy gago ng kaunti.
Piskal: [sa pintuan] Sumasayapak mo, Titay.
Titay: Salamat po, tuloy kayo umupo kayo.
Piskal: Tila wala ang iyong asawa.
Titay: Nahulaan ninyo.
Piskal: Di kung gayoy palad ko na itong kitay natagpuang nag-iisa.
Titay: Baka gayon na nga po.
Piskal: (O! Tila mabuting balita. Saan ko kaya mabuting pasimulan? [mag-iisip] Ah, ganito) Titay, sa kalakhan ng aking [lulunok ng laway] tunay na pag-ibig, at sa ganda ng iyong mukha Ay, Titay! Tanggapin mo ang aking pagluhog.
Titay: Pangit po sa akin, alam ninyong akoy may asawa.
Piskal: Ay, Titay! Yatat ang kahabaan ng aking panahong tinitiis ay mawawalan din pala.
Titay: Putulin ninyo.
Piskal: Naku, Titay! Hindi ko mapuputol, hindi ko mapuputol, aking ikamamatay, mahabag ka, maawa ka, mahapis, ma ma ma
Titay: Kung iibigin ko kayo, paano ako?
Piskal: Senor Dios trios pena, lluluklok kita sa trono, tuloy bibigyan ng bawat magusto, sumpa ko
Titay: Kung gayon po
Piskal: (Nahulog din yata ang langit) Iniibig mo na ba ako?
Titay: Mamaya pong ikasiyam ng gabi ay pumarito kayo.
Piskal: Hindi ka ba nangangarap?
Titay: Dalhin mo na tuloy ang inyong pangako.
Piskal: Lahat ng derechos sa tawag tatanggapin mo. Mula mamavat hanggang
Titay: Anong tuwang kamangmangan at di tanto, na ang ligawang nagbuhat sa madalian karaniway lokohan lamang. Saan kaya naroon ang aking asawa, kahabag-habag naman, malaki ang alaala sa akin, oh Ang panibugho nga namay sakdal ng lupit, walang bigong kilos na di pawang pasakit; kaya, ang mag-ingat ay sadyang nakakapit sa mga babaet ang di lalaki, ay matutong maglupit, ngunit may lalaki namang sadyang malabis.
[darating si Ambrosio na sasalubungin ni Titay]
X Tagpo
Titay at Ambrosio, may gulok sa baywang
Titay: Asawa kong ibig, saan ka ba nanggaling? Malungkot ka pa ba? Hindi na, ano? Magsaya ka nat mamaya ring gabiy
Ambrosio: Siya nga, pagkakataon
Titay: Magkatiwala ka, huwag kang matilihan.
Ambrosio: Hindi ako natitilihan, may lubos kang kalayaan, ngunit mag-iingat ka rin, sapagkat: ang hindi nangyari sa isang taon, sa isang minutoy napaparoon.
Titay: Kaya, huwag ka ring malilingat at baka nga kapusin ako ng lakas, ay
Ambrosio: Ikaw na ang bahala [kukubli sa isang sulok ng bahay, samantalang dumarating ang Cura na may dalang salapi.]
XI Tagpo
Titay at Cura at si Ambrosio na nakakubli.
Cura: Titay, naritot taglay ko ang iyong ganap na ikaliligaya [iaabot ang sisidlan ng salapi]. Tanggapin mo ang saksi ng pag-ibig [ilalagay sa lamesa].
Titay: [namasdan] [Dalang lahat ang derechos] Napakarami po naman nito.
Cura: Gaano na iyan sa kita ng Simbahan, ni hindi pa halos naiilma ng sa bula.
Titay: Salamat po.
Cura: Kung kukulangin ka pay marami ang pa-misa; ngunit, oras na Titay, halina yakapin ang Cura [anyong payakap]
Titay: [pasangga] Maghapunan po muna tayo.
Cura: Oh. Akoy busog na busog, kayat ang kailangay magpahinga piling ng aking [pahawak sa kamay ni Titay]
Titay: [iilag] Hintay muna kayot may gagawin akong isang dali.
Cura: Naku ! Saka na iyan, hindi na ako makatiis, Titay de mi alma, Titay de mi Corazon.
Ambrosio: (Titay de mi gulok, pagkakataon)
Cura: Halina, halina, halina, Titay [hahawakan sa kamay at hihilahin]
Titay: Hintay muna, Among
Cura: Halina sa silid, por San Crispin.
Titay: (Santa Barbara, akoy tangkilikin) [samantalang mapilit sa pagmimithi ang Cura ay tutugtog sa pinto ang Sakristan Mayor] Naku, Among, ang aking asawa [tutugtog uli]
Cura: [takot] Santa Maria [matataranta] (kundangay maraming kuntil-butil pa) Titay, iligtas mo ako.
Titay: Opo, Among huwag kayong matulig, halina kayo sa silid [papasilid]
Cura: Saan mo ko isisiksik?
Titay: Lumuhod kayo [iluluhod ang isang paa]
Cura: Baka ako makita.
Titay: Hindi po [kukunin ni Titay ang Cura]
Cura: (Iligtas mo po ako, San Antonio)
Titay: Pasanin ninyo itong Cruz [ipapasan ni Titay sa isang balikat]. Makimukha kayo sa Santot ng di kayo makilala ng asawa ko.
Cura: Oo, kahit na sa demonyo [Ang ayos ng Cura'y matutulad sa Nazareno]
Titay: Huwag kayong gagalaw diyan [babalik si Titay sa kabahayan]
Cura: (Ito ang nasapit ko, ang maging Nazareno) [Darating ang Sakristan Mayor]
XII Tagpo
Ang mga dati at Sakristan Mayor na may dala ring supot ng salapi.
Sakristan: Titay, narito na akong tutupad sa pangako.
Titay: (Sadyang ikaw ay mapapako.)
Sakristan: Naritot tanggapin ang pagkabuhay [ilalagay sa lamesa]
Titay: Salamat po.
Sakristan: Hindi lamang iyan, at hanggang tayoy nabubuhay ay nasa ligaya ka.
Titay: Inaasahan ko po.
Sakristan: Asahan mo; ngunit oras na namang dapat kong lasapin ang tamis ng iyong
Titay: Kayo munay magpalipas ng pagod.
Cura: Babaeng sukaban.
Sakristan: Huwag nang pagtiisin, Titay ng puso ko.
Titay: Huwag pong mag-apura.
Sakristan: [payakap] Yakapin na ako.
Titay: Lalasapin din ninyo iyong Calvario.
Cura: Kay kahiya-hiya ng napasapit ko.
Sakristan: Idulot na ang lunas [susungaw si Ambrosio]
Ambrosio: Mapilit ang lilo.
Titay: Humapon po munat ng kayoy tumagal.
Sakristan: Walang panghihina, sinta ko at buhay.
Cura: Pawis ng malapot sa akiy nunukal sa bigat nitong Cruz.
Sakristan: [Hahawak sa kamay] Halika na, Titay.
Titay: Hintay pong sandali! Kay pusok ng loob.
Sakristan: (Sabik na ang puso.)
Ambrosio: (Ibig nitoy gulok.)
Cura: Masaklap na tubo ng mga derechos na buhat sa sintang walang lingon likod [biglang tutugtog sa pinto ang Piskal]
Titay: Nakut ang aking asawa!
[matatakot ang Sakristang Mayor]
Sakristan: Ang asawa mo?
Titay: Opo, ang asawa ko. [tutugtog uli]
Sakristan: Saan mo ako itatago?
[dadalhin ni Titay sa siping ng Cura]
Titay: Dumipa kayot inyong pasanin ang Cristo at ng di kayo mapansin ng asawa ko. [iaayos ni Titay ng ayos Cristo, dipa ang dalawang kamay at magkapatong ang dalawang paa] Huwag kayong kikilos. [babalik si Titay sa pinanggalingan]
Sakristan: Sa pagtutumulin kong sapitin ang lugod, ang nahantungan koy Calvariong bundok.
Cura: Sa kagahaman kong humimlay kay Venus, Nazarenong gala ang aking inabot.
[darating ang Piskal na may dalang salapi]
XIII Tagpo
Ang mga dati at ang Piskal
Piskal: Titay, ang aking pangarap, naritot iginagawad ang lunas sa madlang hirap. [ilalagay sa lamesa]
Titay: Marami pong salamat.
Piskal: Iyan ay walang tama, batis ang aking kapara na binubukalan ng bawat iyong mapita.
Titay: Sadya pong aking alam na ang Piskal koy mayaman.
Piskal: At lingkod mo hanggang buhay.
Titay: Ako poy gayon din.
Piskal: Gaya ng pag-asa.
Sakristan: Ako ay nadaya.
Cura: [titingnan ang Sakristan] Kami may dalawa.
Piskal: Titay ko, oras na.
TITAY: Hintay kayo muna.
Ambrosio: Nag-aapura na.
Sakristan: Kamay koy nangawit na.
Piskal: Ipalasap mo na, Titay, ang ligaya.
Titay: Huwag pong mainip.
Piskal: Hapo na ang pagal.
Sakristan: Patid na ang ugat nitong mga kamay.
Piskal: Titay ng buhay ko, di na makatagal. Halinat idulot ang tamis ng nektar.
Titay: Hintay pong sandali.
Piskal: (Hirap ng manganay.)
Cura: Ang mga mata koy malalim ng tunay.
Sakristan: Tuyo na ang aking dugot mga laman
[tatawag si Ambrosio sa pintuan]
Ambrosio: Titay, Titay
[pakikinggan ng dalawa]
Titay: [patakot] Dios kot ang aking asawa!
Piskal: Ang asawa mo?
Titay: Opo! [walang malamang gawin]
Piskal: (Napahamak ang pag-asa) Paano ako, Titay?
Titay: Halina kayo sa kuwarto.
Piskal: Kahit na sa impiyerno. [patuloy ng silid]
Titay: Dumito muna kayo.
Piskal: Ano ang gagawin ko?
Titay: Makimukha kayo sa Ecce-homo.
Piskal: Kahit na kay San Alejo. [Walang malay gawin; ngunit iayos ni Titay sa piling ng dalawa na tulad sa Senor Pela Paciencia.]
Cura: (Aba! Tila kami ngayon ay tatlo na.)
[Darating si Ambrosio na galit at hawak ang gulok.]
XIV Tagpo
Ang mga dati at si Ambrosio din
Ambrosio: [malakas] Nasaan ba ang mga demonyong iya? [wariy papa silid]
Titay: [papigil] Maghinahon ka ba.
Ambrosio: Iyay pagmamartirin kot ng mangatutong magmilagro [pigil ni Titay]
Piskal: Naku! At napahamak ako.
Cura: Huling oras ko na ito!
Sakristan: En tus manos Dios encomiendo!
Ambrosio: Bitiwan mo akot pagpipikadilyuhin ko. [tatawag sa may pintuan ang isang Manong at Manang]
Ambrosio: [sa Cura] Ang matutuwa kayoy sa ulo nito, makintab, panot na walang kutot parang ensaymadang mantikado.
Manong: E, siya, kukunin na namin.
Ambrosio: Kung gayoy akin munang papagmimilagrohin. [Ititirik ni Ambrosio sa may pigi o sa ulo ng Cura ang kandila at kung maramdaman ng Cura ang kandila ay mangungusap.]
Cura: Nadaya na akoy ginawa pang dandelero [Sabay bagsak ng Cura at agad susugod ng takbo, sa ganitoy susunod naman ang Sakristang Mayor at Piskal, kaya't magkakagulo dahil sa paghahatakin ni Ambrosio ang taga. Pipigilan ni Titay at ang dalawa'y mapapaluhod at halos magdadasal ng:]