You are on page 1of 4

Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas

I. Sinaunang Panahon
May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito
Alibata ang kadalasang ginagamit
Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng
punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat
Mga uri ng Panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:
ALAMAT
KWENTONG BAYAN
MGA AWITING BAYAN
EPIKO
a. Bidasari - Moro
b. Biag ni Lam-ang - Iloko
c. Maragtas - Bisaya
d. Haraya - Bisaya
e. Lagda - Bisaya
f. Kumintang - Tagalog
g. Hari sa Bukid - Bisaya
KARUNUNGAN BAYAN
a. Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninuno. (hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.)
b. Sawikain mga kasabihang walang natatagong kahulugan (hal. Nasa Diyos
ang awa, nasa tao ang gawa.)
c. Bugtong maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang
pahuhulaan. (hal. Isang tabo , laman ay pako. Sagot: Langka)
II. Pananakop ng Mga Kastila
Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata
Naituro ang Doctrina Cristiana
Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi
ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
Nailathala ang ibat ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at
Bisaya
Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda
Mga Unang Aklat:
a. Ang Doctrina Cristiana (1593) Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
b. Nuestra Senora del Rosario (1602) Padre Blancas de San Jose
c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) Padre Antonio de Borja
d. Ang Pasyon ibat ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen,
Anecito de la Merced at Luis de Guia)
e. Ang Urbana at Felisa Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)
Page | 1

Mga Akdang Pangwika:


a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka

Mga Dulang Panlibangan


a. Duplo
b. Kurido
c. Sinakulo
d. Saynete
e. Sarswela
f. Moro-moro

III. Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)


Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema ng
pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
Pagpasok ng diwang liberalismo
Mga Propagandista:
a. Dr. Jose Rizal/ Laong-Laan/Dimasalang (Noli Me Tangere at El Filibusterismo)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid)

IV. Panahon ng Amerikano


Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang ibat ibang larangan ng panitikan tulad ng tula,
kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat
Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles
Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas
Mga Dulang Pinatigil:
1. Kahapon Ngayon at Bukas Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto Juan Abad
3. Walang Sugat Severino Reyes

Page | 2

V. Panahon ng Hapon
Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan
Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog
Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat
Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon
a. Haiku
b. Tanaga
c. Karaniwang Anyo
Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon
a. Panday Pira ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula sa Puti --- Francisco Soc. Rodrigo
c. Bulaga - ni Clodualdo del Mundo
d. Sino ba Kayo? Dahil sa Anak at Higanti ng Patay ni NVM Gonzales
Ilang Mahusay na Maikling Kwento
a. Lupang Tinubuan ---- Narciso Reyes
b. Uhaw ang Tigang na Lupa Liwayway Arceo
c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan NVM Gonzales
V. Bagong kalayaan 1945 - 1972
Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas
Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng
pamumuhay noon atbp
Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian
ng Wikang Pambansa
Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay,
Ilang-ilang atbp

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino:


Taliba ng Inang Wika (TANIW)
Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)
Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:
Philippine Writers Association
Dramatic Philippines
Philippine Educational Theater Association (PETA)
Arena Theater
Barangay Writers Guild
Page | 3

VI. Batas Militar 1972 1986


Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972
Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
Pagpapatatag ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla (sumubaybay sa mga pahayagan, aklat
at mga iba pang babasahing panlipunan)
VII. Kasalukuyang Panahon
Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham
Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga
akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin
Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika
Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular
Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat
Malayo na rin ang naaabot ng media
Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit

Page | 4

You might also like