You are on page 1of 20

I.

PANIMULA

Ang pagsukat at pagkuha o ang pagbibigay ng ebalwasyon sa bawat


marka o resulta ng isang pagsusulit na isinagawa ng isang mag-aaral ay isang
mahalagang kasangkapan sa pagkakaroon ng isang mabisa at epektibong
pagtuturo maging sa pagkakaroon ng isang magaling na mag-aaral.
Sapagkat, sa ebalwasyon masusukat ang mga kahinaan at kakayahan ng
isang mag-aaral kung paano ito binibigyang pansin gayun din sa kung paano
bibigyan o ano ang ibibigay na remedyo sa bawat kahinaang tinataglay ng
isang mag-aaral. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lamang ang kahulugan
ng isang ebalwasyon ang matutuunan ng pansin kundi pati ang mga kraytirya
o ang mga katangian nito na dapat din ay isaalang-alang sa isang pagsusulit
wika. Kailangan din na alam ng isang guro ang mga katangiang ito dahil ito
ang magiging batayan niya sa kanyang gagawin na ebalwasyun sa pagsusulit
wika.
Isa din sa dapat tingnan ay kung ano ang dapat tandaan sa isang
ebalwasyun, ano ang mga uri nito para hindi lamang makapukos ang ating
kaalaman sa ebalwasyon bilang isang kahulugan lamang. Ngunit sa isang
banda ay ating malalaman kung paano natin isasagawa ang pagsusulit wika o
ano ang mga simulain sa paghahanda ng pagsusulit upang ating malaman
kung saan at paano sisimulan ang pagsagawa ng isang pagsusulit para ito ay
mas madaling maintindihan o makuha at maging mabisa o maging epektibo
sa mga guro at mga mag-aaral. Kaugnay din sa mga simulain sa paghahanda

ng pagsusulit ay kailangan din malaman ang mga dapat na isaalang-alang sa


paghahanda nito dahil ito ay isang mahirap na gawain at hindi dapat basta
basta nalang na isinasagawa na ang layunin lang ang makuha ang resulta sa
bawat ginawang pagsusulit kundi dapat na isa-isip ng isang guro ang mga
pamamaraan upang mas magiging madali ito sa kanya.
Ang pagkakaroon ng maraming kaalaman tungkol sa ebalwasyon sa
pagusulit wika at iba pang mga sangay nito ay isa naring bentahe sa isang
guro sapagkat maaring alam na niya ang dapat na gagawin sa pagsusulit wika
at sa ebalwasyon na gagawin.

II.

TALAKAYAN

Sa puntong ito ay ating bibigyan ng malalim na pagkakaintindi sa bawat


kahingian ng isang ebalwasyon sa pagsusulit wika. Unang una ating alamin
ang kahulugan ng isang ebalwasyon kung ano ang ibig sabihin ng ebalwasyon
ito ang paraan ng pagmamarka at paghuhusga ng kaalaman, kakayahan,
pagsusulit, pagsubok, pag-uulat at gawa ng isang mag-aaral. Sa ebalwasyon
ay mayroon itong dalawang uri ito ay ang Formative na Ebalwasyon (Formative
Evaluation) ito ang pagsagawa o pagsubaybay sa intruksyunal na proseso para
malaman kung naisagawa ba ang isang planong gawain. Ito rin ang
pinakamahalang parte sa pagturo ng pagkatuto. Dito din malalaman kung sino
sa mga mag-aaral ang hindi makuha ang masteri sa isang isinagawang
gawain. Maaring ang inaasahang marka sa isang gawain ay hindi masyadong
mataas o mababa at muabot 80-85 porsyento ang tanggap. Ipinapaalam din
dito kung ang isang mag-aaral ba ay mayroon ng masteri sa isang takdang
gawain. May dalawang gamit din ang formative na ebalwasyon:
Para sa mga Estudyante:
A. Pagpapatibay/Reinforcement ito ang pagpapaalam sa mga mag-aaral
sa resulta ng kanilang mga gawain o ang resulta ng formative na
ebalwayson ay maaring ipaalam. Dahil ang feedback na makukuha sa
mga mag-aaral ay isang epektibong pagpapatibay sa kalaaman sa
pagkatutu ng isang gawain. Maaring ang mga mag-aaral ay mag
pursige sa pagkatuto o pag-aaral para mas magiging magaling sila.

B. Dayagnosis/Diagnosis ito ay kung ano ang maaring pagkakamali sa


nagawang gawain ng isang mag-aaral. Ang kahinaan ng isang magaaral binigyan ng pansin o pag-aagapay nito sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang remedial na mga pag-aaral.
Para sa mga Guro
A. Pagngangasiwa sa mga kamalian/Handling Errors dito ang guro ay ang
pag-aasikaso niya sa mga kamalian ng kanyang mga mag-aaral at
maari niyang tingnan o iwasto ang mga ito sa mga susunod ng klase.
B. Kwaliti Kontrol/Quality Control kung ang guro dito ay palagi niyang
tilatala o inirerecord ang mga perpormans ng kanyang mga mag-aaral
sa formative na ebalwasyon maari niya itong gamitin bilang isang paraan
sa pagsagawa ng remedial na pagtuturo at paggamit ng ibat ibang
estratehiya at teknik at mga kagamitan sa pagtuturo at sa pagkatuto.
C. Forecasting kung ano ang magiging kinalabasan sa formative na
ebalwasyon ay magiging basihan ito sa kalalabasan ng summative na
ebalwasyon.
Ang ikalawang uri ng ebalwasyon ay ang Summative na Ebalwasyon
(Summative Evaluation) ito ay isinasagawa sa katapusan ng isang pag-aaral
para malaman kung ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay sapat na o buo na
para magpatuloy sa panibagong aralin. Ito ay maaring isang mahabang
pagsusulit o pinal na eksaminasyon. Mayroong tatlong gamit ang isang
summative na ebalwasyon.

1. Pagbigay Marka /To assign grades ang lahat ng resulta sa summative na


ebalwasyon ay binigyan ng katumbas na rating o rate maaring ito ay pa
letra o pa numero dependi sa kung ano ang magiging standard na set
ng masteri. Ito ang papahiwatig ng mga bawat kakayahan ng isang
mag-aaral na kailangan niyang magkroon at maipamalas.
2. Pagbibigay feedback/ to provide feedbacks to the students ang marka
na isinagawa sa summative test ay pantay at isinagawa ng mabuti kung
mataas ang marka na makuha ng isang mag-aaral ay masmarami siyang
makukuhang fedbak na may kinalaman sa kanyang perpormans.
3. Pagkukumpara sa kalalabasang resulta ng bawat grupo/ to compare
outcomes of different groups ito ang kakalabasan ng ibat ibang
estratehiya o teknik sa pagtuturo, ibat ibang kagamitan sa pagtututo at
pagkatuto at ang pagkakaiba ng mga estudyante na ikinukumpara.
Sa ebalwasyon hindi lamang ito nakatuon lang sa mga uri at sa
pagpakahulugan nito ngunit kasali narin kung ano ang mga tungkulin nito. Ang
mga tungkulin sa pagsukat at ebalwasyon:
1. Pagsukat sa mga kakayan o natagumpayan ng mga mag-aaral /
to measure student achievement sa pamamagitan ng pagsukat o
ebalwasyon ay malalaman kung naabot naba ng isang mag-aaral
o hindi pa ang isang gol sa pagkatuto.
2. Pag-ebalweyt sa ginamit na intrksyon o stratehiya ng pagtuturo at
pagkatuto/to evaluate instruction sinusukat ang pagiging epektibo

o ang pagka hindi epektibo sa ginamit na instruksyon o etratiya ng


isang guro kung ang resulta ng bawat pagsusulit ay mataas
maaring nagging epektibo ito at kung mababa naman ang mga
nakuhang marka ng mga estudyante sa bawat pagsusulit ay
maaring hindi ito epektibo.
3. Pag-ganyak sa pagkatuto ng mga estudyante / to motivate
learning sa pagpapakita o pagbibigay ng mga resulta sa bawat
eksaminasyon na isinasagawa ng mga mag-aaral ay magbibigay
sa kanila ng motibasyon. Mas nagiging interesado ang isang magaaralkapag nagkaroon ng malalaking puntos sa isang eksam o
hindi kaya ay kung hindi masyadong malaki ang kanyang puntos
ay mag udyok sa isang mag-aaral na mag-aral ng mas mabuti
para magkaroon ng malaking puntos sa susunod na pagsusulit.
4. Paghula sa magiging tagumpay ng isang mag-aaral sa hinaharap/
to predict success ang tagumpay at kabiguan ng isang mag-aaral
ay makikita sa pagsusukat at ebalwasyon. Maaring ang isang magaaral

na

palaging

nakakakuha

ng

malalaking

puntos

ay

magpapahiwatig na marami siyang pagkakataon na pumasa. At


ang pumasa ay isang tagumpay.
5. Pagdyagnos sa mahihirap na gawain sa pagkatuto/to diagnose
the nature of difficulties ang kahinaan ng isang estudyante ay

makikita o nalalaman sa pamamagitan ng pagsusukat at


ebalwasyon.
Sa pag-eebalweyt ay hindi madaling gawain at mayroon itong dapat na
paktandaan sa ebalwasyon at ito ang:
1. Ilarawan ang paraan ng pagmamarka sa mga mag- aaral bago
magbigay ng panuto para sa pagsusulit.
2. Ipaliwanag sa mga mag- aaral kung paanong ang ugali sa
trabaho, gawain at oras ng pagpapasa ng mga gawain ay
huhusgahan o mamarkahan/ eebalwahin.
3. Kunin ang mga balidong ebidinsya sa ebalwasyon bilang basehan
ng pagbibigay ng marka.
4. Timbanging mabuti ang ibang mga nakamtang karangalan ng na
kasali sa ebalwasyon.
5. Huwag babaan ang marka ng isang mag- aaral o apektuhan ang
ebalwasyon ng isang mag- aaral dahil sa pagiging huli sa oras ng
klase, unang impresyon sa isang mag- aaral, damdamin at
kawalang modo.
6. Iwasan ang may kinikilingan, dapat irebisa ang mga ebidensya.
Ang pagsagawa ng isang mahusay na pagsusulit pangwika ay hindi
lamang sinusukat o sa ebalwasyon kundi kung paano ito gagamitin, paano
buohin at paano magiging epektibo ito. Kaya ito ay mayroon mga katangian o

pamantayan na dapat isalang-alang sa pagsagawa ng isang pagsusulit


pangwika. Ang mga pamantayan o katangian nito ay ang pagkakaroon nito.
1. Mabisa/Pagkabalido (validity) ito ang antas kung saan ang batayan ng
puntos ay angkop, makatarungan, at makabuluhan. Gayundin kung talagang
sinusukat ng pagsusulit ang nais nitong sukatin. Ang pagkabalido ay nauuri din
sa tatlo at ito ang mga sumusunod:
A. Criterion validity ito ay pagsukat sa dapat na sukatin.
B. Content validity ito ay kahusayan sa paggamit ng kalayan ng lawak ng
paksa sa paggawa ng konklusyon
C. Construct validity ito ang antas ng paggamit ng mga batayang
theoritikal sa paggawa ng pagsusulit.
Mayroon din ibang pag-aaral na isinagawa na isinasagawa ng ibang
mga lingwista at isa na rito si Lado (in Lados Language Testing in 1961 validity is
defined as essentially a matter of relevance. Is the test relevant to what it
claims to measure? (Lado, 1961:321). He recommended six steps for achieving
maximum validity in language test.) Sabi ni lado ay ang pagiging balido ay ito
ang isang bagay na may kaugnayan sa kung ano ang mga ninais na sukatin
sa isang pagsusulit wika. Kung nais mo na maging isang magaling at mahusay
ang iyong mag-aaral sa pagsukat ng kanilang kaalaman sa ebalwasyon ay
talaga bang balido? May katuturan ba ang iyong mga aytem sa isinagaang
pagsusulit o mayroonba itong basihan? Ngayon ay ng mungkahi si Lado ng

anim na yugto sa pagtamasa ng isang balidad pagsusurig wika ito ang mga
sumusunod:
A. Simulan sa paglista kung ano ang mga pagsusulit wika ang nahihirapan
aralin ng mga estuyante.

Dito matitiyak ang mas maayos na

pagkabalido ng isang pagsusulit.


B. Pumili at magsagawa ng isang aytem na praktikal at balido kaugnay sa
mga nilalaman at kondisyon sa problema.
C. E-edit ang mga aytem na nagawa para sa posibleng mga aytem na
maaring mahihirap at maaring ay malayo na ito sa nais na isusukat na
kaalaman sa isang pasusulit.
D. Mangasiwa at isagawa ang pagsusulit una mga bihasa sa wika na iyong
isinagawa sa pagsusulit at sa mga hindi bihasa sa wika. Pagkatapos, eedit muli at alisin ang mga aytem na hindi nasagot ng mga ipinasagot na
mga bihasa ay hindi bihasa sa wikang ginamit. Maaring makapagtaas ito
ng pagkabalido at magiging puro sa wikang kaya lang ang pagsusulit
wika.
E. Mangasiwa ulit at isagawa na ang pagsusulit sa mga estudyante kung
saan mo nilalayon isukat at iugnay ang kanilang mga kuha o ang
kanilang scores sa kapwa ka lebel na estuyande sa paraan ng balidong
pagsukat.

F. Ipresenta ang data sa paraang correlation coefficient kasunod sa


istandard na baryasyon, o sa inaasahang talaan at graph. (Lado, 1961:
328-29)
Kagaya din ni Castaneto at Abad ay mayrooon din silang ibang pagaaral sa pagsusulit wika at sa kanila ay ang mga katangian na sinuskat sa
pagkabalido ng isang pagsusuring wika ito ay ang:
1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga bagay na
hangad sukatin.
2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat nito.
3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw nito ay isang
paraan ng pagiging mabisa ng pagsusulit.
4. Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.
5. Hindi sapat na ang pagsususulit ay sumusukat lamang sa mga kalamang
natamo ng mga estudyante kundi pati na ang pang-unawa at paggamit
sa mga kaalamang ito.
6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.
7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang gagamitin.
8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layuni, paksa at
kakayaham ng mga estudyante.
2. Mapanghahawakan (reability) ang pagsususlit ay makapagtitiwalaan kung
ito'y may kaugnan sa katatagan sa isang antas ng mag-aaral. Ito din ay ang

pagsusukat sa mga kamalian sa isang pagsusulit. Sinusukat dito ang antas ng


pagkatuloy-tuloy at katatagan ng isang pagsusulit.
3. Pagiging praktikal (practicality) sabi nga ay hindi magugol sa salapi at
panahon: maaring ibigay, iwasto at bigyan ng interpretasyon ang mga iskor at
ito din ay ang paraan kung paano isinagawa at ipapatupad ang isang
pagsusulit.
Bukod sa kaalaman sa mga katangian at kraytirya sa ebalwasyon ay
mahalaga din sa isang guro ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasagawa
ng pagsusulit wika. Sapagkat magkakaroon siya ng kahandaan sa magiging
gawain niya at maari ay malalaman niya kung paano sisimulan ang isang
pagsusulit wika. Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman,
kakayahan at pag-unawa ng kanyang mga estudyante. Ang pagsusulit ang
pinakamabisang paraan para matamo ang pangangailangang ito. Hindi
lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng isang estudyante, malaki rin itong
basihan kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng guro. Sa
paghahanda ng simulain ay kailangan ay:
A. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga
estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa
lamang ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit
nagdudulot ng kinalabasang di naman mapapaniwalaan.
B. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o
pagsususlit nang sa gayo'y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman

kundi pati na ang kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang


natutuhan.
C. Sikaping

maghanda

ng

susi

sa

pagwawasto

bago

ibigay

ang

pagsasanay o pagsususlit. Itoy isang paraan upang lalong makatiyak sa


kawastuan ng sagot sa bawat tanong. Habang inihahanda ng guro ang
gabay

sa

pagwawasto

,may

pagkakataon

siyang

Makita

ang

mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaring makalito sa mga


bata.28
D. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang
ang ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong. ang
pasanaysay na pagsusulit ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian.
Hindi masasabing kapani-paniwala ang marka o iskor sa mga pagsususlit
na pasanaysay sapagkat ito'y nababatay o nasasalig sa kondisyon ng
tagapagwasto.
E. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa
kakayahan ng nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni
isa'y walang maksagot masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat
hindi sumusukat sa dapat sukatin nito.Kailangang may sapat itong
kahirapan upang maipamalas ng mahihinang bata ang kanilang
natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang
kakayahan.

F. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang


kaisipang napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang
maunawaan ng mga bata ang hinihing ng bawat tanong.
G. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng
mga estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man
masaklaw ng pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga bata.
Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong
katapatan ang mga kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang
maayos na pagpaplano at paghahanda. Gayunpaman din ay mayroong
iminungkahe si Badayos tungkol sa paghahanda sa pagsusulit at ito ang:
1. Pagplano ng pagsusulit
a. Tiyakan ang layunin ng pagsusulit.
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa
mga kasanayan at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang
kabuuang saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.
2. Paghahanda ng Pagsusulit
a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang
patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang bunuuin para sa bawat kasanayang
susukatin.

b. Suriin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o dalawang


kaguro ang mga aytem.
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.
1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.
2. Isayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang
madadaling aytem bago ang mahihirap na aytem.
d. Ihanda ang mga panuto.
1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay
ng mga sumusunod na impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit.
b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit .26
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang
isusulat o sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot?
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang
magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto
para sa bawat partikular na uri ng pagsusulit.
3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel
4. Pagpapahalaga ng pagsusulit
Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga aytem
1. Kahirapan ng aytem (index of difficulty)
2. Kakayahang magtangi (discriminatory power)
3. Pagkamabisa ng bawat distaktor

5. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.


May mga batayan dinang pagsasagawang ng simulaiin isang pagsusulit
wika ito ang:
1. Pagsusulit Panwika sa makabuluhang Pakikipaghatiran
(Communicative Test)
2. Pagsususulit panwika sa mga bagay na kinapapalooban ng
suliranin sa pagkatoto.
3. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat subukin sa
tunay na pakikipag-usap o pakikipaghatiran.
4. Subukin ang mga kahirapan isa-isa lamang.
5. Subukin lamang ang naituro ng puspusan.
6. Hindi lamang ang batayang simulain ang isalang-alang
gayon din ang pamantayan sa pagpapahalaga sa
pagsusulit.
Ngunit, sa paghahanda ngg isang pagsusulit ay hindi lamang natatapos
kung paano sisimulan at kung ano ang dapat na ihahanda sa pagsasagawa
ng isang pagsusulit wika dahil sa ito ay hindi medaling ginagawa at hindi dapat
na ibasta basta nalang gaya din ng ibang mga pamamaraan ay mayroon ding
mga bagay na dapat natin na isaalang-alang tulad nalang sa pagsasagawa o
paghahanda ng paggsusulit wika mayroon din itongmga dapat na isaalangalang para narin magkaroonng isang mabisa at epektibong pagsusulit wika at
para narin iyong makuha ang tamang resulta at mabigyan ng karampatang

ebalwasyon ang pagresultang naisagawa. Kaya ang mga dapat na isaalangalang sa paghahanda ng pagsusulit wika ayon kay Castaneto at Abad,2001
ay:
1. Kailangang may ganap siyang kalaman sa paksang araling
nasasaklaw ng pagsusulit na ihahanda, nang sa gayo'y
makabuo

nang

lalong

mahalaga

at

makabuluhang

tanong.
2. Kailangan

niyang

maunawaan

ang

kaunlaran

sa

pagkatuto at ang mga pamamaraang sikolohiya ng mga


batang gagamit upang maiangkop sa kanilang kakayahan
ang kahirapan ng tanong.
3. Kailngan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa
pakikipagtalastsan (pasulat o pabigkas) upang maging
maikli subalit tiyak na malinaw ang mga bagay na
binabanggit sa mga katanungan.
4. Kailangang may sapat siyang kabatiran tungkol sa mga
pamamaraan ng pagsulat at pagbubuo ng tanong, sa iba't
ibang uri at anyo ng mga tanong, sa iba't ibang uri at anyo
ng mga tanong, upang madali niyang makita ang kahit
kaliit-liiting kamalian sa paghahanda ng mga ito.

5. Kailangang
paghahanda

mayroon
ng

siyang

mga

sapat

tanong

na

upang

panahon

sa

makatiyak

sa

kahusayan ng pagsubok.
6. Kailangan mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa
sarili niyang kakayahan at kabatiran sa paghahanda ng
pagsususlit at nakauunawa sa kakayahan ng mahusay na
pagsukat ng mga kalamang pang-edukasyon.
7. Kailangang siya'y naniniwala na ang wika ay pinag-aaralan
upang magamit na mabisa sa pakikipagtalastasan.
May mga bagay na dapat tandaan ang isang guro sa paghahanda ng
pagsasanay at pagsususlit. Kaya lahat ng ito aydapat na isa-isip ng isang guro
upang siya ay magkaroon o makagawa ng mahusay na pagsusuliit wika.

III.

KONKLUSYON

Sa pagsusulit wika ang isang napakahalagang kasangkapan upang


maisagawa ang isang epektibo at mabisang ebalwasyon ang isang guro
sapagkat siya ang magiging tulay sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Sa
kanyang pagsusukat at ebalwasyon sa bawat marka na makukuha ng isang
mag-aaral ay maaring kadahilan ito ng pagiging isang mahusay niyang guro
maging ang pagiging magaling ng kanyang mga mag-aaral. Sa kaalaman sa
lahat kahingian ng isang pagsusulit wika at ebalwasyon ay madali niyang
makikita ang mga dapat na ibigay o gagawin sa lahat ng mga kahinaan at
katagumpayan ng kanyang mga mag-aaral. Ang kanyang mga istilo o
estratihiyang ginamit ay mas magiging kasiya-siya nalang sa kanya ang mga
gawain.
Bagamat, nagiging masaya man ang isang guro sa pagkakaroon ng
malalaking

marka

ang

kanyang

mga

mag-aaral

dahil

nga

dito

ay

makapagsabi na nakapagturo ito ng maayos sapagkat nabigyang-ganyak nito


ang iyong mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti. Samakatuwid ay
maitatanong mo rin kung ang lahat ng kanilang mga natututuhan ay kanila
bang nagagamit sa kanilang tunay na buhay? Iyan din ang magiging sukatan
ng isang pagiging epektibong guro ano ang magiging kinalabasan pagkatapos ng
bawat araw at taon ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Ngunit sa pagiging magaing
din na guro ay hindi nasusukat sa kung taas ng iyong posisyon at ano ang mg naabot
mo bilang isang guro kundisa kagalingan, kahusayan at kaldad ngiyong pagtuturo.

IV.

SANGGUNIAN

Bachman, Lyle F & Palmer, Adrian S. 1997. Language Testing in Practice.


Great Clarendon Street, Oxford.: Oxford Unversity Press.

Raagas, Ester L. 2010. Assestment & Evaluation of Student Learnng: Concepts


and Appliccation. 3rd ed. Kauswagan, Cagayan de Oro City 9000 Philippines:
Datstat Analysis Center

Fulcher, Glenn & Davidson, Fred. 2010. The Routledge Handbook of


Language Testing. 711 Third Avenue, New York, NY 10017: The Routlegde
Press

kennjavebookfil126-131008165542-phpapp01.pdf
Pagsusulit Wika. Unpublished.

Pagkatutu

ng

Wika

at

MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG PAGSUSULIT WIKA


A. Krayterya sa Ebalwasyon ng Pagsusulit Wika
B. Mga simulain sa Paghahanda ng Pagsusulit Wika
C. Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda ng Pagsusulit Wika

Isang Ulat Pasulat


Na Iniharap kay G. Ryan D. Raran
Kagawaran ng Filipino
Kolehiyo ng Sining at Agham
Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro

Bilang Katuparan sa Pangangailangan ng


Asignaturang Filipino 26 EDA
(Pagtuturot Pagtataya sa Pakikinig at Pagsusulat)

Ni
Charmaine R. Tapungot

Ika-2 ng Disyembre 2014

You might also like