You are on page 1of 15

TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL

ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI


Pagsilang
Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.
Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal
Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
Magulang
Francisco Mercado
o Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
o Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose
o Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa
Calmba.
o Namatay noong Enero 5, 1898.
Teodora Alonzo
o Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
o Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
o Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.
o Namatay noong Agosto 16, 1911
Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Jose
8. Concepcion
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
Mga Ninuno
Ninuno sa Ama
o Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si
o Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si
o Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si
o Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak si
o Jose Rizal
Ninuno sa Ina
o Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si
o Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila si
o Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak nila si
o Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at naging anak nila si

Jose Rizal

Pamilyang Rizal
Ang Kabuhayan ng Pamilya
o Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang
pamilya sa Calamba.
o Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga
Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay
umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.
o Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga
hanapbuhay.
o Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay,
gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon.
o Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa
Calamba.
o Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.
o Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
o Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

Ang Tahanan ng mga Rizal


o Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay
nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba.
o Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing,
chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at iba pa.
o Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.

KABATAAN SA CALAMBA
Mga Ala-ala ng Kamusmusan
Panonood ng mga ibon.
Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.
Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang.
Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid
na si Concha.
Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.
Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa
ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa
Maynila.
Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.
Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan
Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.
Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).
Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng
pagpapahalaga sa kaniyang sariling wika.
Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba
at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.

Mga Inpluwensiya Kay Rizal


Namana
o Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan,
paghahangad sa paglalakbay, at katapangan.
o Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso,
katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata.
o Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa
pagkilos at kanipisan sa insulto.
o Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa
sarili, at malayang pag-iisip.
o Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa
sining at panitikan.

Kapaligiran
o Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa
pagmamahal sa sining at literatura.
o Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa
pagmamahal sa kalayaan at katarungan.
o Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa
mga kababaihan.
o Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang
interes sa mga kuwentong bayan at mga alamat.
o Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga
sumusunod:
Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.
Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng
katawan.
Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa
pagbabasa.
o Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at
pilsopikal na pag-iisip.

ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIAN


Mga Unang Guro ni Rizal
Doa Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal
Mestro Celestino
Lucas Padua
Leon Monroy
Pagpunta sa Bian
Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Bian para mag-aral.
Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.
Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Bian.
Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng
kaalaman sa Espanyol at Latin.
Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na
sinulat nina Nebrija at Gainza.
Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.
Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Bian isa na rito si Andres Salandanan na
tumalo sa kaniya.
Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng
kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.
Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga
Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.
Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro
halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamagaral.
Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Bian noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa
at kalahating taon.
Nilisan ni Rizal ang Bian sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.

Ang Gomburza
Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang
pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto
Zamora.
Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose
Burgos.
Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at
pilosopiya ni Jose Burgos.
Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina
Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na
nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .
Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay
nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.
Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggang
Santa Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro.
Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

SA AKING MGA KABATA

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay

Ng alin mang likha noong kalayaan.


Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

PAG-AARAL SA ATENEO
Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo
June 20, 1872 sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng
pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San
Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng
kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak
na pumasok sa Ateneo.
Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya
o huli na sa patalaan
o maliit para sa kaniyang edad
Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na
Mercado.
Manuel Xerex Burgos ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok
si Rizal sa Ateneo.
Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Seora Titay sa Daang
Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.
Sistema ng Edukasyong Heswita
Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo
noong sa Pilipinas.
Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga
aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula
sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang
pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam Para sa Higit na
Kadakilaan ng Diyos.
Hinati ang klase sa dalawang pangkat

o
o

Imperyong Romano katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira


sa loob ng bakuran ng Ateneo.
Imperyong Cartago katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira
sa loob ng bakuran ng Ateneo.

Unang Taon sa Ateneo (1872-73)


Padre Jose Bech S.J. ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.
Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng
mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.
Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral isang
larawang pangrelihiyon.
Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo
ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.
Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang
mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob
sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.
Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang
kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at
kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)
Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.
Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa
hindi magandang puna ng guro sa kaniya
Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Bian.
Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.
Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay
ang mga sumusunod:
o Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.
o Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang
ama.
o Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.
Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)
Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.
Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.
Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.
Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas
mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.
Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)
Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang
nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng
mga tula.
Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at
pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.

Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pagaaral na mayroong limang medalya.

Huling Taon sa Ateneo (1876-77)


Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller
en Artes.
Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo
Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal
o Kalihim ng Marian Congregation
o Kasapi ng Academy of Spanish Language
o Kasapi ng Academy of natural Sciences
Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol.
Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.
Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.
Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula.
Likhang Lilok
Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart.
Unang Pag-ibig ni Rizal
Segunda Katigbak ang babaeng unang minahal ni Rizal.
o Mariano Katigbak kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.
o La Concordia ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.
o Manuel Luz ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.

PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-82)


Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.
Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa
pagkakaroon nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal.
Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para
mag-aral.
Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na
dahilan:
o Ito ang gusto ng kaniyang ama
o Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
Padre Pablo Ramon SJ ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na
maging kurso sa UST.
Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito
agrimensor sa Ateneo.
Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo
Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso
dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:

Binibining L. isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa


gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda
Katigbak.
o Leonora Valenzuela kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong
pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
o Leonor Rivera pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa
kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.
Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo
ng sable sa likod ng nasabing opisyal.
Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing
paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may
pamagat na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang
pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing
paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses
ay nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
Kampeon ng mga Estudyante Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag na
Compaerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto
ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;
o Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
o Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
o Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST
o

PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)


Ang Pag-alis
Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST
si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.
Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal
o Paciano ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.
o Antonio Rivera ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal
patungo ng Espanya.
o Jose Mercado ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis
patungo sa Espanya.
o Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.
o Donato Lecha ang kapitan ng barkong Salvadora.
Singapore
o Mayo 8, 1882 narating ni Rizal ang Singapore.
o Hotel de la Paz hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
o Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
Harding Botaniko
Distritong Pamilihan
Templong Budista
Estatwa ni Thomas Stanford Raffles tagapagtatag ng Singapore.
o Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.

Colombo
o Maraming ibat ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak
ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.
o Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.
o Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa
Singapore, Port Galle, at Maynila.
Suez Canal
o Suez Canal isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean
Sea.
o Ferdinand de Lesseps isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo
ng Suez Canal.
o Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal
ang mga tao na nagsasalita ng ibat ibang mga wika.
Naples at Merseilles
o Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang
Naples noong Hunyo 11, 1882.
o Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita
ang Chateu dIf na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang
nobelang Count of Monte Cristo.
Barcelona
o Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay
ng tren galing Pransiya.
o Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
o Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay
napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod.
o Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa
nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao
ay palakaibigan, at magagalang.
o Plaza de Catalua ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa
Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang
pagdating.

Amor Patrio
Amor Patrio ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang
pangalan sa panulat na Laong Laan.
Diariong Tagalog isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng
kaniyang mga artikulo.
Basilio Teodoro ang patnugot ng Diariong Tagalog.
Marcelo H. Del Pilar ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang
Tagalog.
Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog
o Los Viajes
o Revista del Madrid
Paglipat sa Madrid
Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.

Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na


kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis.
Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.

Buhay sa Madrid
Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:
o Medisina
o Pilosopiya at Pagsulat
Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
o Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando
o Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell
o Nag-aral ng mga wikang:
Pranses
Aleman
English
Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo
Nagbasa ng maraming mga aklat
Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos
Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto
Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno
Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez
Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Seor Pablo Ortiga y Rey
na dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral
Polavieja.
Consuelo ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.
Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Seorita C. O. Y
P.
Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:
o Tapat siya kay Leonor
o Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga
Si Rizal Bilang Mason
Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay
kabilang sa samahan ng mga Mason.
Masonerya isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.
Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa
kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.
Logia de Acacia ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.
Paghihirap sa Paris
Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani
sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid.
Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.
Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nagaalmusal at nananghalian.

Pagpugay kina Luna at Hidalgo


Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :
o Juan Luna sa Spolarium
o Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho.
Pagtatapos sa Pag-aaral
Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN


Sa Paris (1885-86)
Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o
paggamot sa mata.
Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na
nag-aaral ng medisina sa Barcelo.
Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot ng pahayagang La
Publicidad .

Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr.


Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal
mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.

Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang kaibigan partikular na


dito ang pamilyang Pardo de Tavera.
Heidelberg
Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para sa
pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.
Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg na kilala
sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding house na tinitirhan ng
mga mag-aaral ng abogasya.
Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang
kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.
A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak
ng Heidelberg.

Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng


Pagkakatatag ng Heidelberg.
Wilhelmsfeld
Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal ay tumigil ng
tatlong buwan.
Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa
Wilhelmsfeld.
Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa
pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa
kabutihan ng nasabing pamilya.
Unang Sulat kay Blumentritt
Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay Blumentritt.

Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado


sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas.
Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog na
ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-aaral ng
wikang Tagalog.

Leipsig at Dresden
Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng aralin sa
Kasaysayan at Sikolohiya.
Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr.
Hans Mever na isang kilalang antropologo.
Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.
Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr. Adolph
Mever ang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.
Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin
Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng
siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.
Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang
akalt tungkol sa Pilipinas.
Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal sa
Berlin.
Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin.
Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay
naglingkod sa klinika.
Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong
ng Ethnographic Society ng Berlin.
Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang
pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.
Buhay ni Rizal sa Berlin
Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin
o Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya
o Palawakin ang kaalaman sa agham at wika
o Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya
o Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman
o Ipalimbag ang Noli Me Tangere
Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman
o Seryosa
o Matiyaga
o Edukada
o Palakaibiganin
Paghihirap sa Berlin
o Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba
o Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw
o Naglalaba ng kaniyang sariling damit
o Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis

PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE


Ang Ideya at Pagsulat ng Noli
Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay sa
buhay ng mga aliping itim sa Amerika.
Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga
Pilipino na magsulat sila ng isang nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.
Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere
o 1/2 sa Espanya
o 1/4 sa Pransya
o 1/4 sa Alemanya
Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere.
Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng
pagpapahiram niya kay Rizal ng halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng
nasabing nobela.
Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para sa
pagpapalimbag.
Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap upang
ilaathala ang Noli Me Tangere sa halagang P300 sa daming 2,000 kopya.
Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.
Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli
o Ferdinand Blumentritt
o Dr. Antonio Ma. Regidor
o Graciano Lopez-Jaena
o Mariano Ponce
o Felix Resurrecion- Hidalgo
Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan.
Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.
Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere upang
makatipid siya sa presyo ng pagpapalimbag ng nobela.
PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA
Ang Paglalakbay
Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.
Dresden
Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak.
Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.
Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa
Dresden.
Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si Blumentritt bago
siya pumunta ng Leitmeritz.
Leitmeritz
Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof.
Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay
Rizal.
Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.

Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt


o Rosa ang asawa ni Blumentritt
o Dolores anak
o Conrad anak
o Fritz anak
Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang
katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman.
Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal
sa Leitmeritz.
Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.

Prague
Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887.
Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni
Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.
Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa
kasaysayan ng sangkatauhan.
Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati
na ang tulay na pinaghulugan nito.
Vienna
Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista
ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa
katalinuhang taglay nito.
Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna.
Pagbaybay sa Ilog Danube
Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka
upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang.
Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na
papel na napkin sa kanilang pagkain.
Lintz tungo sa Rheinfall
Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang
malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya.
Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay
ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang
pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod.
Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki
at pinakamataas at pinanhik ang tore nito.
Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa
buong Europa."
Switzerland
Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa.
Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
o Aleman

o Pranses
o Italyan
Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon sa Madrid
na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na suot na bahag at mga
makalumang kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang
pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.
Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang
kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik sa Barcelona.

Italya
Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
o Turin
o Milan
o Venice
o Florence
o Rome
Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27,
1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.
Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma
Capitolium
Bato ng Tarpeian
Palatinum
Forum Romanum
Ampiteatro
Simbahan ng Santa Maria Magigiore
o Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal
noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang
pinakamalaking simbahan sa mundo.

You might also like