You are on page 1of 15

PAPEL SA

PAGSUSURI NG PELIKULANG
MGA MUNTING TINIG

Sinuri ni:

Creative writing
Special program in the arts
(Taon: 2014-2015)

Para kay:
G. Hazel D. Flores

I.

INTRODUKSYON
A.

Pamagat at Tema ng Pelikula

Ang Mga Munting Tinig o Small Voices ay isang pelikulang Tagalog


na naghahatid ng napakagandang mensahe, aral, at paksa sa mga
mambabasa. Ito ay nagpapahiwatig na ang kahirapan ay hindi hadlang sa
pagtatagumpay sa buhay ng isang tao. Nagpapahiwatig ito na kahit mahirap,
may karapatan pa rin ang mga taong mangarap. Lahat tayo ay binigyan ng
kalayaan upang ating maisagawa ang lahat ng ating kagustuhan tulad ng
mangarap. Ang bawat isa, saan mang panig ng mundo, ay may karapatang
mangarap sapagkat tayo ay binayayaan ng kaniya-kaniyang talino at talento
na dapat gamitin. Ang Mga Munting Tinig ay napapanood ng ibat-ibang
kritiko at walang nagsabing di nila ito nagustuhan. Sa kasalukuyan, patuloy
itong lumalaban upang magbigay inspirasyon sa tao habang natatamo nito
ang tugatog ng tagumpay.

B.

Pagpapakilala sa Direksyon, Manunulat ng Iskrip, Mga Artistang


Nagsiganap, Kumpanyang Gumawa ng Pelikula, Uri ng Pelikula
Ang pelikulang Mga Muniting Tinig o Small Voices ay idinirehe ni Gil

Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo Alix, Jr. at
Senedy Que. Ang pelikulang ito ay isang pelikulang produkto ng magagaling
na talento sa ating industriya ng sining at nalinang sa masusing
pagpapatnubay ng tanyag na direktor na si Gil Portes. Una sa lahat ay ang

bidang karakter na si Alessandra de Rossi bilang Melinda at Jo Kristi Payet


bilang batang Melinda. Masisilayan dito ang mga titser na sina Dexter Doria
bilang Mrs. Pantalan, Malou Crisologo bilang Solita, at Irma Adlawan bilang
Fe. Ang mga batang gumanap naman sa pelikula ay sina Bryan Homecillo
bilang Popoy, Pierro Rodriguez III bilang Obet, Keno Agaro bilang Adong,
Sining Blanco bilang Gela, Christian Galindo bilang Lino, Hazel Logan bilang
Ida, Rowell Reyes bilang Ato,

at Aj Delos Santos bilang Carlos.

Katatampukan din dito sina Gina Alajar bilang Chayong, Lailani Navarro
bilang Pilar, Hamid Eton bilang Mr. Singh, Amy Austria bilang Luz, Nonie
Buencamino bilang Fidel, Nanding Josef bilang tatay ni Adong, Shamaine
Buencamino bilang ina ni Adong, Connie Chua bilang ina ni Gela, Aleth de la
Cruz bilang ina ni Ida, Jess Evardone bilang ama ni Melinda, Rey Mendoza at
Jasper Vinarao bilang mga kapatid ni Adong, Bong Rodriguez bilang Ka
Andres at Jun Galindo na mga NPA. Sa pinakuhuli ng pelikula matutunghayan
sina Tony Mabesa bilang Mr. Tibayan, Tessie Villarama ang

Emcee sa

paligsahan, Ramon Pedro P. Paterno at Menchu Rodriguez Suntay bilang


mga superbisor ng Central School. At idagdag pa ang mga gumanap naman
na Malawig Choir Kids na sina Jelly Cruz, Jocelyn Escobal, Gema Gonzales,
Celina Suntay, at Myko Suntay. Ang kumpanyang gumawa at nagpakalat ng
pelikulang ito ay ang Teamwork Productions na ipinalabas rin ng Warner
Bros. Pictures sa ibang bansa. Ang pelikulang ito ay maihahanay sa drama
dahil sa mga mapapait na pangyayari.

II.

Paglalarawan sa Buod ng Pelikula

Bagong guro si Melinda Santiago sa Mababang Paaralan ng Malawig.


Siya ang pumalit kay Pilar na nagtungo sa ibang bansa upang doon
magtrabaho at magkaroon ng mas malaking suweldo. Si Melinda ay may
talento sa pagtugtog ng flute. Katatapos lamang niya ng kolehiyo sa kursong
education. Inaasahan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang ina, na
susunod siya sa Amerika at doon magtrabaho, ngunit ayaw niya sapagkat
nais muna niyang pag-isipang mabuti kung saan ba talaga siya nararapat
tumigil. Nais niyang alamin kung ano ba talaga ang para sa kaniya, ang
magtungo sa Amerika kasama ng kaniyang ina o ang magpunta sa Malawig
at doon magturo.

Nagtungo muna siya sa Malawig. Tinanggap niya ang

malaking hamon sa kaniyang buhay ang magturo sa paaralan ng Malawig


kung saan salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar
na ito, kaya't ang mga bata ay inoobliga ng kanilang mga magulang ng
responsibilidad sa bahay at sa paghahanapbuhay. Ang sitwasyon na ito ay
nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon,
katarungan, at kababaihan na ikinabahala naman ni Melinda.
Kasama sa pagsubok na kaniyang kinaharap ay ang pagiging korupt ni
Mrs. Pantalan, ang punong guro ng paaralan ng Malawig. Siya ay nagtitinda
ng ice candy sa mga bata at nagkaroon pa ng pagkakataon na sinabi niya
sa mga bata na kapag hindi sila bibili ay hindi nila makukuha ang kanilang
card. Ngunit nagagawa lamang ito ni Mrs. Pantalan dahil may pinag-aaral
itong mga anak na nasa kolehiyo na. Makikita sa pelikula na si Mr. Singh,
isang Bumbay, ay nagpapatong ng sampong pursyentong interes sa mga
tseke ng titser dahil siya ang nagpapasuweldo sa mga ito. Nagtitinda rin siya
ng ibat-ibang bagay na may malaking halaga. Ngunit sa kabila nito, natutuwa

pa ang mga residente sa kaniya dahil kumpleto siya sa mga pangangailangan


ng mga tao at dahil siya naman ay ubod nang mabait. Nagkaroon din ng mga
bagyo at sunog na nagsilbing dahilan ng pagkasira ng mga libro, silid-aralan,
at iba pang mga kagamitan sa eskuwelahan.
Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon kay Melinda. Nasubok ang
kaniyang pakikihamon nang sumali ang paaralan ng Malawig sa isang choral
contest. Bagamat nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral,
hindi naman naging madali sa kaniya ang paghimok sa mga magulang ng
mga ito na payagan silang sumali sa paligsahan. Tanging si Luz, ina nina
Popoy at Obet, ang pumayag sa kaniyang hinihiling. Si Luz ang tumulong kay
Melinda na himukin ang iba pang mga magulang na napagtagumpayan
naman nila. Nangako si Melinda na magbibigay siya ng bagong uniporme
kina Popoy at Obet upang hindi na sila maghiraman. Subalit isang araw,
nadamay at napatay ang batang si Popoy sa isang enkwentro ng NPA at
military nang minsan siyang sumama sa kanyang amang si Fidel na isa sa
mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang
paghahanda ng mga bata para sa paligsahan. Ngunit sa kabila nito,
napagdesisyunan pa rin nang mga batang ipagpatuloy ang kanilang pageensayo maliban lang kay Obet, kapatid ni Popoy, dahil sila ay lilipat sa ibang
bayan kung nasaan ang iba nilang kamag-anak.

Sa huli, nakasali pa rin si Obet sa paligsahan dahil sa pagpayag ng


kaniyang ina na sundin ang kaniyang kagustuhan. Sa kaniyang pagkahuli,
nakita niya si Mr. Singh at inihatid naman siya nito sa Central School, ang
pagdarausan ng paligsahan. Nanalo ang kanilang grupo na lubos nilang

ikinagalak. Pagkalipas ng panahon, umalis si Melinda patungong Amerika at


doon naman niya sinubukang mamuhay. Iniwan ni Melinda ang baryo na puno
ng inspirasyon at pag-asa. Tinuruan niya ang bawat isa na ipaglaban ang nais
na pagbabago sapagkat nasa kamay lang natin ang lahat.

III.

Panunuri sa Pelikula
Sa panahon natin ngayon, hindi na kakaiba ang makasalamuha ng
mga taong pabaya at naka-upo na lamang sa isang tabi dahil tinanggap na
nila ang kanilang masaklap na kalagayan. Sila ang mga taong hindi man
lamang nagsusumikap abutin ang kanilang mga pangarap dahil sa nawalan
na sila ng pag-asa sa kanilang buhay.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katotohanang masisilayan sa tunay
na buhay at sa pelikulang Mga Munting Tinig. Sa tingin niyo ba, kung tayo
ay ganito mag-isip, kumilos, at makipagkapwatao, ano pang matitira sa atin?
Ano pang lipunan at buhay ang ating kakaharapin? At higit sa lahat, sino pa
ang maiiwang kikilos upang matupad ang ating mga pangarap kung mismong
ikaw, na sarili mo, ay hindi kikilos? Sa pelikulang ito makakapulot ng aral at
magkakapagbigay inspirasyon sa mga tao upang ipagpatuloy ang kanilang
buhay na may lakas ng loob at puno ng pangarap at pag-asa.
A.

Tema
Ang tema ay maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang

pelikula. Isinasaad nito ang pinakapaksa, layunin, o mensahe ng pelikula. Ang


Pelikulang Mga Munting Tinig ay nagtataglay ng maraming aral na higit na
makabubuti sa mga manunuod lalo na sa mga bata. Sa pelikulang ito,

makikita ang mga taong hirap sa kanilang buhay. Ang tema ng pelikulang ito
ay ang Kahirapan ay hindi hadlang sa pangarap at pag-asa ng mga tao lalo
na nang mga kabataan. Ang temang ito ay mahusay na pinakitat
ginampanan ng mga tauhan lalong-lalo na ng pangunahing tauhan na si
Melinda na ginanapan ni Alessadra de Rossi. Masasalamin sa kaniya ang
katangian ng taong masigla at puno ng pag-asa.

Ang kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap na minimithi ng


bawat isa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng
Maykapal upang gamitin sa tama na siyang ikauunlad ng bawat isa at hindi
lamang para sa sariling kapakanan. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan
ay kakaiba kumpara sa mga matatanda. Dapat ay maging bukas ang isipan
ng bawat isa sa lahat ng aspeto ng buhay.

Bawat nilalang, bata man o matanda, babae man o lalaki, ay may


paninindigan na dapat marinig ng buong mundo. Walang sinuman ang may
karapatang hadlangan ang karapatan ng bawat nilalang na makapagpahayag
ng kaniya-kaniyang saloobin o damdamin. Ang mga mumunting tinig ng bawat
isa, kapag pinag-isa, ay makakapagpabago sa ating lipunan.
B.

Mga Tauhan

Kung mapapanood ang pelikulang "Mga Munting Tinig", makikita dito


na hindi lamang umiikot ang storya sa iisang tauhan. Bagama't ang pelikulang
ito ay naka-pokus kung paano baguhin ng isang gurong si Melinda Santiago
ang buhay at pananaw ng mga mag-aaral ng Malawig. Ipinapakita rin dito

kung ano ang pinagdadaanan ng bawat mag-aaral na lubos na nakatulong


upang mas lalong maintindihan ng manonood ang pelikula. Ipinakita dito ang
buhay ni Obet at ni Popoy. Sila ay magkapatid na naghihiraman sa iisang
uniporme. Naipakita sa pelikula na ayaw ni Obet na maging katulad ng
kanyang amang si Fidel na lider ng NPA. Naipakita rin dito ang pagbebenta ni
Binibining Pantalan ng ice candy at sapilitang pinapabili ang mga mag-aaral
upang may dagdag na kita dahil siya ay may anak na pinapaaral sa maynila.
Makikita rin dito ang batang babaeng nagngangalang Gema na pinapatigil na
ng kanyang ina sa pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong tumulong na lamang
siya sa pag-aalaga ng kaniyang mga kapatid dahil ayon sa kanyang ina, ang
mga babae ay sa nararapat lamang na nasa bahay at siyang gumagawa ng
mga gawaing bahay at inaalagaan ang mga anak. Makikita rin ang gurong si
Solita na ipinapalinis ang kaniyang tahanan sa mga bata. Matatanaw din dito
ang pagbabago ng bawat tauhan dahil sa nangyayari sa kanilang kapaligiran.
Isang halimbawa dito ang pagkamatay ni Popoy dahil siya ay sumama sa
kanyang ama. Dahil dito, nawalan ng pag-asa si Obet. Ang mga sitwasyon ng
mga bata ang nagtulak kay Melinda upang gumawa ng paraan para mabigyan
ng pag-asa ang mga mag-aaral sa Malawig. Si Melinda ang naging dahilan ng
pagbabago ng mga pananaw ng mga magulang, guro at mag-aaral ng
Malawig. Hinikayat ni Melinda ang mga bata na sumali sa isang singing
contest bagama't ayaw pumayag ng mga magulang dahil ayon sakanila
kailangan maghanapbuhay ng mga bata. Tanging si Luz, ina ni Popoy at
Obet, ang naniwala at tumulong sa kaniya. Nagkaroon man sila ng problema
dahil sa hindi pagpayag ng mga magulang, hindi ito naging hadlang sa
kagustuhan nilang manalo. Sa pagkapanalo ng mga mag-aaral, ito ay

nagdulot ng malaking pagbabago sa mga mamamayan ng malawig.


Nagkaroon sila ng bagong pag-asa. Natutunan nila na ang kahirapan ay hindi
hadlang para mangarap. Samakatuwid, makikita sa mga tauhan na
nawawalan na sila ng pag-asa dahil sa kahirapan. Ito ay sumasalamin sa
ibang buhay ng kapwa natin Pilipino. Maging inspirasyon sana sakanila ang
pelikulang ito dahil hindi hadlang ang kahirapan upang tayo ay umahon at
magkaroon ng bagong pag-asa.

C.

Uri ng Pananaw o Paningin


Maraming uri ang pananaw o paningin na maaaring gamitin sa

panunuring pampelikula. Isa sa mga ito ay ang obhetibong pananaw. Ang


pananaw na ito ay lubos na nagamit at nakita sa pelikulang Mga Munting
Tinig. Ang pananaw na ito ay nagpapakita na sa ibat-ibang eksena ay hindi
limitado sa kung ano ang nakikita ng tauhan sa isang tagpo. Makikita natin sa
pelikula ang ibat ibang captions ng mga tauhan. Tulad na nga lang sa ibat
ibang pagpakakahulugan ng mga buhay ng mga tauhan. Makikita sa pelikula
na ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang pananaw sa buhay tulad ni
Melinda. Ang kaniyang pananaw sa buhay ay lahat ng tao ay libre at may
karapatang mangarap, hindi tulad ng ina ni Gema na ang pananaw ay ang
kababaihan ay walang karapatang mangarap dahil pambahay lamang ang
mga ito taga-alaga ng anak, kapatid, at sa gawaing-bahay. Ang relasyon ng
mga tauhan sa camera ay naging perspektibo sa mga manonood.
D.

Shot
Ang shot ay ang mga kilos o aksyong nakunan ng kamera sa pag-

andar hanggang sa paghinto nito. May tatlong uri ng shot na ipinakita sa

pelikulang Mga Munting Tinig. Una rito ay ang Long Shot. Ang istilo nang
pagkuhang ito ay nagpapakita ng pangunahing lugar o tauhan na may
malayong agwat sa kamera. Ipinapakita din ng Long Shot ang relasyon ng
mga bagay o mga tauhan sa kapaligiran. Ginamit ito upang Makita ang
kabuuan ng lugar kung saan isinagawa ang mga pangyayari. Halimbawa nito
ay ang tagpuan sa pelikulang noong nagtuturo ang gurong si Melinda sa
kaniyang mga estudyante sa isang patag na lupa sa labas ng kanilang
silidaralan sapagkat katatapos lamang nang bagyo na nagdulot ng pinsala sa
mga silid-aralan na pinag-aaralan nang mga bata.
Ang pangalawang shot naman ay ang Medium Shot. Sa kuhang ito
naman makikita ang pantay na taas mula baywang hanggang taas ng mga
tauhan o mga bagay. Makikita ito noong nag-uusap si Melinda at Chayong na
ina ni Pilar. At ang pinakahuli namang shot ay ang tinatawag na Close-up
Shot. Ang kuhang ito ay nagpapakita ng maliliit na distansya sa pagitan ng
tauhan at ng kamera. Ito ang paraan ng direktor para ipakita sa mga
manonood ang mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Makikita ito
sa pelikula noong umiiyak si Melinda sapagkat siya ay nalulungkot sa
pagkamatay ng isa sa kaniyang mga estudyanteng si Popoy. Dito labis na
naipakita ang pagkalungkot at pagdadalamhati ni Melinda.
E.

Editing ng Pelikula
Ang editing ng pelikula ay masasabing maayos ang pagkaka-edit kung

angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o kuha kapag pinagsamasama na ang mga ito. Sa panahong nagawa ang dekalibreng pelikula, Mga
Munting Tinig, na humakot ng mga parangal ay di natin maipagkakailang
maganda at malinaw ng pagkahati-hati at pagkasunud-sunod ng mga eksena.

Ang bawat anggulo ng mga tauhan ay naaangkop sa isang eksena patungo


sa ikalawang eksena. Sa pelikulang ito, kapag nag-iisip ang mga tauhan ay
siguradong may kalakip din itong eksena, kaya hindi malilito ang mga
manunuod kung ano talaga ang nangyari sa tagpong iyon. Ngunit minsan ay
may mga eksenang hindi masyadong naipapaliwanag ng klaro o kaya naman
ay mabitin-bitin ang daloy ng mga pangyayari. Makikita ito noong si Popoy at
ang kaniyang ama ay bigla nalang namatay. Hindi man lang ipinakita kung
papaano sila namatay pero sa kabila nito, halata naman ang dahilan.
Naiintindihan pa din naman ng mga manunuod ang daloy ng kuwento. Sa
kalahatan, malambot at matiwasay ang pag-usad ng bawat eksena sa
pelikula. Ang editor ng pelikulang ito ay si George Jarlego sa tulong ni Ely
Cruz, ang sinematograpiya ng pelikula.
F.

Musika o Sound Effect


Ang pelikulang Mga Munting Tinig ay mayaman sa musika. Ang editor

nito sa musika ay si Joy Marfil at ang sa sound effects naman ay sina Noel
Cruz Bruan at Ari Trofeo. Ang paggamit nila ng musika sa pelikulang ito ang
siyang naging isang elementong nagpadala at nagpa-antig sa mga damdamin
ng manunuod. Ang pangunahing kanta o theme song ng pelikulang ito ay
hinggil na rin sa pamagat, Mga Munting Tinig. Ang awiting ito ang siyang
ginagamit kapag may mas kaiga-igayang pangyayari sa pelikula tulad nalang
noong ginamit nila ang kantang ito sa pagsali ng mga bata sa paligsahan sa
pag-awit. Naging angkop at epektibo naman ang pagdaragdag ng musika at
tunog sa pagbuo ng pelikula. Mayroong kaugnayan sa tunog ang bawat
eksenang ipinapakita at mas madarama ang emosyong taglay ng mga
artistang gumanap sa pelikula. Nakatulong ang mga ito sa pagpapadama ng

kalungkutang bumabalot sa pelikula. Makikita ito sa isa sa mga eksena sa


pelikula kung saan namatay sina Popoy at Fidel na kaniyang ama matapos
makipagsabakan sa mga sundalo. Sa pamamagitan ng musikang ginamit
dito, mas naipakita ang tunay na pagdadalamhati ng ina ni Popoy na si Luz,
ang kuya niyang si Obet, ang guro niyang si Melinda, ang kaniyang mga
kaklase, at iba pang guro at kapit- bahay. Nagkaroon din ng katahimikan
upang mas maintindihan ng mga manunuod ang sinasabi ng bawat tauhan sa
isat-isa. Sa pagdaragdag naman ng mga angkop na sound effects at
musika, mas naipakita sa pelikulang ito ang katotohanang bawat nangyayari
sa pelikula ay nangyayari rin sa tunay na buhay.
G.

Direksyon
Si Gil portes, ang direktor ng pelikulang Mga Munting Tinig, ay isa sa

pinakamahusay at tanyag na director ng kaniyang henerasyon. Isang siglang


patunay dito ay ang mga gantimpalang kaniyang nakuha mula sa ibat-ibang
Film Festivals. Isa sa mga parangal na kaniyang nakamit ay ang titulong
Best Director noong ginawa niya ang Mga Munting Tinig. Dahil sa kanyang
paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto ng
buhay at iba pang interesanteng paksa, kaya siya nakakuha ng ibat-ibang
parangal. Ilan pa sa kaniyang mga sikat na gawa ay ang Saranggola noong
1999, Gatas sa dibdib ng kaaway noong 2001, Bukas may pangarap
noong 1994, at Markova: Comfort Gay. Siya rin ay isang mahusay na
manunulat. Ang pelikulang Mga Munting Tinig ay pang dalawamput lima na
sa mga makabuluhang pelikulang kaniyang mga nagawa. Ito ay ang opisyal
na isinali ng Pilipinas sa Academy Awards at Golden Golbes noong 2003.
Siya rin ay sumikat sa ibang bansa. Ang patunay nito ay ang pagsabi pa ng

isang reporter sa Amerika, His camera catches de Rossi in sparse,


beautifully lit images. Sa kaniyang direksyon makikita natin ang ibat ibang
anggulo ng totoong nangyayari sa buhay ng mga mahihirap at NPA. Makikita
rin natin dito ang kultura ng mga Pilipino.
H.

Disenyo ng Set
Maituturing ba na tagpuan ang isang aktwal na probinsya kasalungat

sa estado ng mga naninirahan doon? Ang probinsya ay ang maituturing na


lugar na pinaka-epektibo para sa mga tagpuan na ginamit sa pelikulang Mga
Munting Tinig. Ang unang tagpuan ay makikita sa eskwelahan na kung saan
may mga matataas na administrator ang dumadalaw at umuobserba rito.
Maayos naman ang nakita ng mga obserbador ngunit nag-iwan sila ng
komento na ipaayos naman ang mga dingding at ibang parte ng silid aralan.
Sumunod ay noong bumaha na siyang nakasira sa silid-aralan ng Mababang
Paaralan ng Malawig. Walang nagawa ang mga guro kaya napilitan silang sa
labas na lamang magturo. Makikita rin sa pelikula ang pagpunta ni Melinda sa
bayan kung saan kinumpirma niya ang pagsali ng mga mag aaral niya sa
paligsahan. Ang pag-eensayo ng kaniyang mga mag-aaral ay isinasagawa
nila sa may loob at labas ng kanilang silid-aralan. Sa madaling salita, ang
ginamit na set sa pelikulang ito ay ang bayan ng Malawig kung saan may
paaralan, bayan, bukid, at kagubatan. Ang ginamit na disenyo ng set ay lubos
na pinaghandaan at angkop na angkop sa bawat imahe ng pelikula.
IV.

PANGWAKAS
A.

Kahalagahang Pangkawilihan (entertainment value)


Ang pelikulang Mga Munting Tinig ay nakabihag ng interes o

kawilihan ng mga manunuod. Ang pagpapakita ng katotohanan sa ating

lipunan at ng mga eksena na tumatalakay sa kalidad ng edukasyon sa mga


paaralan sa baryo lalo na ang sa mga liblib na pook ang nakadagdag interes
sa mga manunuod. Dahil sa labis na kuryosidad kung ano ba talaga ang
buhay ng mga mahihirap at mga NPA, natutunan na rin ng mga tao na
panuorin ang pelikula. Ang pelikulang ito ang nagpatawa sa mga manunuod
sapagkat makikita rito ang pagbibiruan at tuksuan ng mga estudyante sa isatisa at ang pamali-maling grammar ni Fe, isa sa mga titser. Ngunit ito rin ang
lubos na nagpa-antig at nagpaiyak sa maraming manunuod dahil sa
malulungkot na pangyayari sa mga tauhan lalo nang pumanaw ang isa sa
mga bata. Lahat ng tagpo sa pelikulang ito ay kapana-panabik panuorin.
B.

Kahalagahang Pangkaalaman (educational value)


Sa pelikulang Mga Munting Tinig makikita ang tapat at positibo na

aspeto ng sarili. Sa katunayan, ito ay magandang batayan ng pag-aaral para


sa mga estudyante, guro, at iba pang tao. Nagpapakita ito ng balanseng
pananaw sa buhay at nagsisiwalat ng pantay na pagkilatis sa lahat. Hindi rin
ito nagpapakita ng kawalan ng katarungan at kahit na simpleng presentasyon
lamang ito, naipakita naman nito ang isang magandang ideya. Ang pelikulang
ito ay nakapagbigay mensahe sa lahat ng tao sa pamamagitan ng
pagsasama sa pelikula ng mga pangyayaring tunay na nagaganap sa totoong
buhay. Ang mga mabubuting aksyon ng mga tao sa mga pangyayari sa
pelikula ay maaaring gayahin at isagawa ng mga tao. Ang mga salita at
aksyon ni Melinda ang nagtuturo sa mga manunuod na lahat ng tao ay
maaaring mangarap at ang kahirapan ay hindi hadlang sa mga pangarap na
ating nais makamit.
C.
Kahalagahang Pansining (artistic value)

Ang pelikulang Mga Munting Tinig ay masasabing napakahusay. Ito


ay

nagtataglay

ng

magagandang

aral.

Ang

pagkakagawa

nito

ay

pinaghandaang mabuti. Ang pag-aayos ng mabuti sa iskrip, musika, artista o


tauhan, tagpuan, aksyon, at ang direksyon ay pawing napakahusay dahil itoy
nabuo ng may masining na kakahayan. Ang mga tunog na ginamit, lalo na
ang musical score at ang kanilang tamang punto, ay tama lang dahil
nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Ang mga pagsasagawa at
pagsasama ng mga ito sa pelikula ang nagsilbing dahilan upang makatawagpansin at makaantig ng damdamin sa mga manunuod.
D.

Kahalagahang Pangmoral (moral value)


Ang mga pangyayari, karakter at aksyon ng tauhan, at ang lugar sa

pelikulang Mga Munting Tinig ay pawang katotohanan. Ang mga ito ay isang
realidad. Ito ay makikita at masasaksihan sa tunay na buhay ng mga tao. Ang
pelikulang ito ay punong-puno ng sentimentalidad at aral na siyang
magbubukas ng isipan ng mga manunuod. Ang mga aral na mapupulot dito
tulad nang hindi pagkawalan ng pag-asa ay tamang-tama sa mga manunuod
lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, masasabi na ang pelikulang ito ay
karapat-dapat panuorin ng hindi lamang ng mga kabataan, kundi na rin ng
mga matatanda upang mas malinawagan pa sila sa realidad ng buhay.

You might also like