You are on page 1of 2

Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo

saPag-unlad ng Bansa
Edukasyonsusi ng tagumpay. Ang tanging yaman
na kahit kailan ay hindi makukuha lalong-lalo ng
hindi mananakaw ng kahit na sino man dito sa
mundo. ito ay pinakaimportante
o pinakamahalagang bagay para magtagumpay sa
ating mga buhay.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang
matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung
wala nito, at kung ang mgamamamayan ng
isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang
matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon,
magiging mahirap parasa kanila na abutin ang
pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na
ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mgainaasam na mga mithiin.Ang unang
layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng
kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharapat sa kinabukasan. Ito
ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa
isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng
isang tao. Ito rinang dahilan ng mga mabubuti at
magagandang pangyayari sa ating mundo
at ginagalawang kapaligiran.Ang edukasyon ay
kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang
kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang

kinabukasan. Angkanilang kabataan ang siyang


estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan
nila sakanilang pagtanda. Ang edukasyon ay
mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang
tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkolsa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na
ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan
tungo sa isang matagumpay na mundona
kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang
mga layunin nito.

You might also like