You are on page 1of 17

PAGWASAK

(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 8 ng Philippine Collegian noong 12 Pebrero
2015.)
Ni Gloiza Plamenco
Saksi ang buong mundo sa pagbayo ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan noong
Nobyembre 2013. Sa pananalasa ng bagyo, hindi lamang kabuhayan at kabahayan
ang nasira, kundi maging ang buhay ng libu-libong mamamayan ng Leyte, Samar at
iba pang bahagi ng Visayas.
At para kay Gelleene Casino, isang mag-aaral ng BS Management sa UP Visayas
Tacloban Campus (UPVTC), may dala pa ring lungkot ang pagbabalik-tanaw sa
naranasan niyang trahedya. Nakaligtas man ang pamilya niya at ang kanyang mga
kababayan sa Catbalogan, Samar, humagupit naman ang bagyo sa siyudad ng
Tacloban, ang pangalawa niyang tahanan.
Umiiyak lang ako noong narinig namin yung balita sa nangyari [doon]. Nag-alala
ako para sa mga kaklase at schoolmates ko. Hindi ko sila noon ma-contact, lalo nat
walang balitang dumadating sa Samar, kwento niya.
Nagdulot ang bagyong Yolanda, isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng
buong mundo, sa pagkasawi ng humigit-kumulang 6,300 katao, at pagkawala ng
mahigit 1,000 katao, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and
Management Council.
The devastation wrought by Typhoon Yolanda manifests the continuing failure of
the government to adequately prepare the country for the worst challenges of
climate changea comprehensive failure that cost lives and livelihoods, ayon sa
pahayag ng grupong Kalikasan Peoples Network for the Environment (Kalikasan
PNE).
Nagkaroon man ng babala mula sa mga internasyunal na ahensya, hindi sapat ang
naging pagtugon ng pamahalaan upang paghandaan ang pagdating ng bagyo at
mailikas ang mga residente ng Tacloban at iba pang karatig-bayan. Despite this
chronic situation of disaster and climate vulnerability, no sufficient disaster riskreduction and climate-proofing measures are seen to be implemented across the
countrys hazardous and climate-sensitive areas, ayon sa Kalikasan PNE.
Maging ang mga relief operations pagkatapos ng bagyo, tila napabayaan din ng
pamahalaan. One year after, thousands of our kababayans in Yolanda-hit areas find
it difficult to recover from the tragedy, receiving little or no aid from government,
ani Suyin Jamoralin, convenor ng Climate Change Network for Community-Based
Initiatives, sa isang forum na ginanap sa UP Diliman.
May mga pagkakataon talagang napapaisip ako kung saan ba napunta yung
bilyon-bilyong tulong mula sa ibang mga bansa, lalo na kapag nakikita ko yung
mga pamilyang nakatira pa rin sa mga tent hanggang ngayon, ani Gelleene.
Hanggang ngayon, humigit-kumulang 250,000 pamilya ang nakatira pa rin sa mga
evacuation centers, tent cities, at bunk houses, ayon sa IBON Foundation, isang
institusyong pananaliksik.
Ilan pang malalakas na bagyo ang tumama sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao
matapos ang bagyong Yolanda, subalit tila hindi pa rin natuto ang pamahalaan sa
nagdaang trahedya. Kamakailan lang nang tumama ang bagyong Seniang at 59
katao ang nasawi dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa, ayon sa tala ng NDRRMC.
Page 1 of 17

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, bumida naman sa mga pahayagan si


Pangulong Benigno Aquino na nakikisalamuha sa kasalan ng sikat na mga artista.
Tila sinasalamin nito hindi lamang ang mapagpanggap na paghahanda ng gobyerno
sa mga kalamidad na nananalasa sa mahihirap na mga komunidad sa bansa, kundi
maging ang pagsasawalang-bahala ng mismong lider ng bansa.
We dont want to experience another Yolanda tragedy. We must demand
accountability from the Aquino government for abandoning its responsibility to
prepare people for disasters, rehabilitate communities after the destruction, and
help people to recover from tragedies, pahayag ni Dr. Efleda Bautista, tagapangulo
ng Peoples Surge, isang alyansa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Para kay Gelleene, nagsisilbing instrumento ang pagalala sa trahedyang dinanas ng
kanyang mga kababayan upang pagtibayin ang kanyang paniniwalang makakamit
din ang hustisya hindi lamang ng mga nasawi noong bagyong Yolanda, kundi
maging ang mga biktima ng pagpapatuloy na kapabayaan ng pamahalaan.

Bakas ng alaala
(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 8 ng Philippine Collegian noong 12 Pebrero
2015.)
Ni Aldrin Villegas
Sunud-sunod na putok ng mga baril ang umalingawngaw matapos ang marahas na
pagbomba ng mga pulis ng tubig at tear gas sa mga magsasakat manggagawa ng
Hacienda Luisita na may 6,435-ektaryang lupain na pag-aari ng angkan ng
Cojuangco-Aquino sa Tarlac.
Habang gumagapang palayo sa insidente, tinamaan ng bala sa hita si Jhaivie
Basilio, 20 taong gulang. Nang damputin siya ng mga pulis, tinalian siya ng alambre
sa leeg, isinabit ang katawan sa bakod, at saka binaril sa dibdib, kwento ni Nay
Violeta Basilio, ina ni Jhaivie.
Sampung taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Nay Violeta ang
sinapit ng kanyang anak. Si Jhaivie ang pinakabata sa pitong napaslang sa
tinaguriang Hacienda Luisita Massacre noong ika-16 ng Nobyembre taong 2004,
kung kailan nagwelga ang mga magsasakat manggagawa ng asyenda bunsod ng
kalunos-lunos nilang kalagayan.
Ilang buwan bago ang masaker, namatay ang ama ni Jhaivie kaya napilitan siyang
magtrabaho bilang isang tauhan sa tubuhan, kasabay ng kanyang pag-aaral. Nung
buhay pa yung asawa ko, P9.50 lang kada linggo ang kinikita niya dahil sa mga
kaltas, at sa pagpapatupad ng patakarang Stock Distribution Option (SDO), ani Nay
Violeta. Sa ilalim ng SDO, kinakaltasan ang kanilang sahod para sa rasyon ng bigas,
asukal, at pautang para sa pangangailangang pang-edukasyon at medikal ng
kanilang pamilya.
Gayunman, hindi umano nila napakikinabangan ang nasabing mga benepisyo. Sa
katunayan, napilitang mangibang bansa ang dalawang anak ni Nay Violeta, kaya
naman tanging ang bunsong anak na lamang niya ang kanyang kapiling. May sarili
na silang pamilya doon. Hindi ko na nga maalala kung kailan umuwi yung mga anak
ko, isa nasa California at yung isa nasa Singapore, pahayag ni Nay Violeta.
Matagal nang ipinapanagawan ng mga magsasaka na ipamahagi na ang lupang
matagal na dapat nilang pagmamay-ari. Taong 1957 nang bilhin ng pamilya
Cojuangco ang Hacienda Luisita at Central Azucarera de Tarlac mula sa Tabacalera,
isang korporasyong Espanyol. Pautang mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at
Page 2 of 17

Government Service and Insurance System ang perang ipinambili ng Cojuangco, sa


kondisyong ipamamahagi sa mga magsasaka ang lupain matapos ang sampung
taon.
Lumipas ang dalawang dekada ngunit hindi tumupad ang Cojuangco-Aquino sa
kasunduan. Sa halip ginawa pang legal ang pag-angkin sa lupain nang isabatas ang
1988 Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng administrasyon
ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino.
Sa ilalim ng CARP, hindi maaaring ipamahagi sa mga magsasaka ang lupaing hindi
agrikultural kaya isinailalim ang asyenda sa land use conversion kung saan
tinayuan ng mga komersyal at residensyal na gusali ang malaking bahagi ng
tubuhan. Dahil dito, maraming mga magsasaka at manggagawa sa tubuhan ang
nawalan ng trabaho.
Instead of seeking justice for the victims, Aquino continues to champion the
interests of the landowning class and the coercive state apparatus that brought
about the Luisita Massacre, ani Renato Reyes Jr., Secretary General ng partidong
Bagong Alyansang Makabayan.
Dagdag ni Nay Violeta, karahasan ang sinalubong sa kanila ng mga pulis nang
magprotesta sila sa harap ng bahay ni PNoy sa Time Street noong anibersaryo ng
masaker. Tumakbo ako sa sasakyan kasi pinagpapalo na ng mga pulis yung mga
kasama ko. Ani Nay Violeta hinarangan din ng bato ang sasakyan para hindi sila
makaalis, at nakalabas lamang sila nang dumating na ang midya,
Nobyembre 2011 pa nang sangayunan ng Korte Suprema ang pamamahagi ng
lupain sa mga magsasaka subalit hanggang ngayon hindi pa rin ito naipatutupad ng
administrasyon ni PNoy. Aquino cannot ensure justice for the victims because he
himself is one of the main perpetrators and staunchest defenders of the Hacienda
Luisita massacre, ani Ranmil Echanis, Punong Kalihim ng Unyon ng mga
Manggagawa sa Agrikultura.
Sa pagbabalik ni Nay Violeta sa lugar kung saan pinaslang ang kanyang anak,
napansin niya ang malaking pagbabago nakatindig na ang mga gusalit bakod at
wala na rin ang bakas ng dugo ng mga manggagawat magsasaka. Subalit kahit tila
nilimot na ng panahon ang alaala ng karahasan, umaasa si Nay Violeta na ang
bawat pagkilos niya ay hakbang tungo sa pagkamit ng hustisyang patuloy na
mailap para kina Jhaivie at sa iba pang magsasaka ng asyenda.

Lukso ng dugo
(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 24-25 ng Philippine Collegian noong 26 Pebrero 2014.)
ni Mary Joy T. Capistrano
Rebyu ng Ang Nawalang Kapatid
Dulaang UP
Panulat at liriko ni Floy Quintos
Musika ni Ceejay Javier
Direksyon ni Dexter Santos
Kuha ni Ronn Bautista

Kasabay ng mabagal na ritmo ng awit ang pagpasok ng mga tauhang nababalot ng makukulay na pinta
ang mukha at katawan. Natatakpan lamang ng tela ang kanilang mga pribadong bahagi. Mahahaba ang
buhok ng mga tauhan, babae man o lalaki.
Isang spektakulo ang paglabas ng limang matitipunong lalaki ang magpipinsan na mula sa lahi ng
Pandava at Kaurava.
Epiko Tungong Teatro

Page 3 of 17

Halaw sa epikong Mahabharata ng India ang naratibo ng dulang Ang Nawalang Kapatid. Makailan
nang naisalin sa ibat ibang wika ang naturang epiko. Makailan na rin itong naitanghal sa ibat ibang
bersyon, nilagyan ng musika, at iba pang inobasyon dito sa Pilipinas. Noong 2010, itinanghal ang
bersiyon ng epiko bilang isang dulang pambata ng Ateneo Childrens Theatre. Sa pagsasara ng ika-38 na
panahon ng Dulaang UP, isang bagong adaptasyon ng dula na mas mapangahas ang ipinapalabas sa
Tanghalang Wilfrido Ma. Guerero sa Palma Hall ng UP Diliman.
Tampok sa nasabing dula ang diskurso ng kapangyarihan, pamilya at katapatan. Umikot ang kwento sa
alitan ng mga pamilyang Pandava at Kaurava, sa kanilang quest for power, na humantong sa isang
giyera matapos matalo ni Prinsipe Yudhisthira sa labang pustahan kay Prinsipe Duryodhana.
Samantala naiwan naman kay Karna , ang pagpapanatili ng kapayapaan sa magkabilang panig. Si Karna
ay lehitimong anak ng Padanva sa Diyos ng Araw. Ipinatapon siya sa kagubatan at lumaki sa kalinga ng
mga unggoy.
Nakapayong sa epiko at dula ang politika, ekonomiya at kultura ng katutubong pyudalismo sa India. Ang
indibidwal ay pag-aari ng kanyang pamilya at ng kanyang amo. Kinaharap ni Karna ang napakahirap na
responsibilidad ng pagpanig, Kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang mga kapatid at ng taong
pinangakuan niya ng tapat na serbisyo.
Hanggat maaari ay ayaw ni Karna na matuloy ang giyera. Kaya pilit niyang hinihikayat si Duryodhana na
huwag nang isulong ang laban. Gayunman, huli na para pigilan niya ang malaking giyera na humantong
sa kamatayan ng magpipinsang Yudhisthira, Bhima at Arjuna.
Hukom na Manonood
Kuha ni Ronn Bautista

Ang adaptasyon ay isang pagsasalin hindi lamang ng wika kundi ng ideolohiya at kultura. Sa akto ng
adaptasyon, may tiyak na pagsaalang-alang sa orihinal na akda at sa pagsasalinang wika at lipunan.
Mahalaga ring konsiderasyon sa anumang adaptasyon ang milieu, kasaysayan at ekonomiyang
pampolitika ng orihinal na akda at ng pagsasalinang lipunan. Sa adaptasyon, may kalayaan at
responsibilidad ang tagasalin sa pag-aangkop sa manonood at sa pagpapagitaw ng ideolohiya ng akda.
Sa pahayag ng manunulat na si Floy Quintos para sa kanyang adaptasyon, humanap siya diumano ng
anggulo na maaantig ang damdaming Pilipino. Ayon kay Quintos, sa halip na bigyang-diin ang sagupaan
sa pagitan ng Kaurava at Pandava, na madalas pokus ng mga ibang bersiyon ng Mahabharata, higit na
itinuon ang kwento sa bahaging kailangang mamili ni Karna kung kanino papanig.
Dito makikita ang kultura at politika ng pagpanig, pagdedesisyon, at paghuhukom bilang mga diskurso ng
kapangyarihan. Anumang desisyon at pagpanig ay isang politikal na aktong hindi kailanman dapat
nakahiwalay o nakalutang mula sa masalimuot na reyalidad ng lipunan.
Ngunit sa anumang adaptasyon at pagtatanghal, gaano man ang konsiderasyon sa bagong anggulo o
pokus, higit na kailangang tiyaking maipapapukaw ang asembleya ng politika at ideolohiya ng akda.
Halimbawa, sa dula, lumitaw ang mga isyu ng pag-ibig, sakripisyo at pagtimbang sa relasyon sa pamilya.
Habang pinatutunayan sa dula ang kapangyarihan ng pag-ibig, may pangangailangang epektibong
madiskurso ang paglulugar sa babae sa diskurso ng pag-ibig at kapangyarihan. Kailangan ng
interpolasyon sa mga sitwasyong tila pahayag ng wagas na pag-ibig, ngunit sa totooy pagsasailalim ng
babae sa kapangyarihan ng lalaki at uring panlipunan.
Halimbawa, isinumpa ng asawa ni Haring Dritarastra ang sarili upang damayan ang hari sa kanyang
pagiging bulag. Tila pag-ibig din ang naghatid kay Duryodhana upang maghiganti sa kanyang pinsan sa
pamamagitan ng pustahan. Kung tutuusin, sa higit na pagbibigay-diin sa pag-aagawan ng magpinsan sa
pag-ibig ng dalagang si Draupadi, higit na lumabnaw ang nauna nang dahilan ng alitan na agawan sa
posisyon ng pagiging hari. Gayon ang matutunghayan sa halip na malinaw na maitagni na ang babaey
isinasadlak bilang pag-aaring pinag-aagawan o posisyong pinagpupustahan.
May pangangailangan ring liwanagin na bagamat may pokus sa pamilya ang adaptasyon ay mayroon na
itong tiyak na koneksyon sa manonood na Pilipino. Higit sa anupaman, kailangang mahusay na
mapagtagni na ang konsepto ng pamilya ay hindi payak na kultural o tradisyonal na konsepto. Itoy isang
produkto ng mahabang proseso ng pagtutunggalian ng kapangyarihan, ng pang-ekonomiyang pangaalipin, at ng pananaig ng mga makapangyarihan.
Kung susuriin, halimbawa, tila naging tunguhin ng dula ang patunayan na walang mas hihigit pa sa
relasyon ng pamilya. Kahit na ang sinumpaang tungkulin sa isang tao na kinilala kang kapamilya sa
kabila ng pinagmulan mo. Ngunit kailangang linawin na ang pamilya ay hindi lang tungkol sa relasyon sa
pagitan ng mga magkakaanak o tungkol sa pag-ibig sa kalahi at kadugo. Dahil ang punot dulo ng away
ng pamilya ay tagisan ng makalalaking ideolohiya, tagisan para sa pang-ekonomiya at pampolitikang
kapangyarihang makakamit ng kung sinumang mauupo sa poder.
Tulad nga ng sabi ni Friedrich Engels sa kanyang Origin of the Family, Marriage and Private Property, ang
pamilya ay isang pang-ekonomiya at pampolitikang mekanismo. Maaari itong magpanatili ng
dominanteng sistema tulad ng pyudalismo at kapitalismo, habang maaari rin naman itong magsilbing
kontra-gahum.
Tuntungang entablado

Page 4 of 17

Mahaba at matagal na ang koneksyon ng India at Pilipinas, mula sa impluwensiya sa ating wikang
baybayin ng wikang Sanskrit, hanggang sa mga oral na panitikan at tradisyon. Ang Mahabharata, kung
gayon, ay isang paraan ng pakikipagkonekta sa mga kultural na ugat ng mga Pilipino sa mga kapatidbansa tulad ng India.
Maging ang Pilipinas ay hitik sa mga epiko. Sa dami ng bilang ng mga grupong etniko na naninirahan sa
bansa, hindi maitatanggi ang dami ng mga kwentong bayang naglalaman ng ating kasaysayan, politika at
ideolohiya. Sa panahon na rumaragasa ang mga neoliberal na kultural na produkto at sa patuloy na
pagkalabusaw ng mga mapagpalayang identipikasyon at kultura at politika may tiyak na
pangangailangang sandigan ang tradisyonal, katutubo at bagong kulturang mapagpalaya.
Isang bagay ang balikan ang mga tradisyon at kultura, ngunit ibang bagay rin ang lumikha ng mga
adaptasyong hindi lamang gagawa ng koneksyon kundi lilikha ng mapagpalayang koneksyon para sa
mapagpalayang mga kolektibong aksyon.

Lathalain:

Ang Pag-ibig
nga naman...
Ikaw bay may minamahal? Nais mo bang magkaroon ng ilang kaalaman sa
panliligaw? Gusto mo bang ipadama sa kanya ang tunay mong damdamin?
Ang panliligaw ay isa sa palasak na gawain ng mga kabataan. Ito rin ay naging
bahagi na ng kulturang Pilipino na di nawawala. Ito ay nagpapahayag at
nagsisimbulo sa isang umiibig at nagpaparamdam ng kanyang pag-ibig sa kanyang
napupusuan. Noong unang panahon, masyado silang pormal at kung magpapakita
ng nararamdaman sa kanilang kabiyak. Minsan pa nga ay pingkakagastusan pa nito
ito at binibigyan ng kung anu-ano para lamang mapaamo o ma-impress ang
kanyang niligawan.
Ang babae naman kung minsan ay nagpapakipot pa kahit gusto naman o kaya
naman ay dahil sa istrikto ang mga magulang nito.
Sa ngayon ibang klase na ng panliligaw ang kinagawian ng mga kabataan ngayon.
Ligaw hindi na umaakyat ng ligaw sa bahay, kung kayat hindi alam ng mga
magulang ng babae na may nanliligaw sa anak nila o nililigawan ang anak nila.
Kapag sinagot na ang manlligaw hindi pa rin ito nakikilala ng kanilang magulang,
kahit nga minsan ay isang araw lamang nagtagal ang panliligaw ay sinasagot pa rin
ito.
Motibo minsan ay babae na ang nanliligaw. May mga babaeng liberal na kapag
sila ay may nagugustuhang lalaki ay sila na unang nagpapkita ng motibo para
mapansin ito.
Tulay may mga lalaking nagpapalakad na lang sa mga kaibigan ng babae upang
makapanligaw. Sila ang mga nagiging tulay upang magkalapit ang kanyang
kaibigan na babae sa lalaking nanliligaw.
Regalo merong mga lalaking nagbibigay ng mga tsokolate at mga rosas. Minsan
pa nga ay kahit na anong bagay, basta imported.

Page 5 of 17

Atensyon gusto ng mga babae na sa kanila lang ang atensyon ng lalaki na kahit
gumawa ng iskandalo sa kalye dahil may nabalitanan siyang kabit nito. Ang gusto
ng mga babae, lagi silang binubuntutan ng mga lalaki.
Easy to get ang mga babae ngayon ay madaling mapasagot dahil natatakot
silang mawala ang lalaking nanliligaw lalo na kapag ito ay gwapo.
Two-timer mayroong mga lalakeng sinasabay sabay ang panliligaw para kung
hindi sila sagutin ng isa ay nay irereserba sila o kaya naman ay kabi-kabila ang
girlfriend o boyfriend.
Panakip-butas mayroong mga lalaking mayroon ng kasintahan na kapag
mayroon silang hindi napagkasunduan ay hahanap ng babaeng mapaghihingahan
ng sama ng loob at kapag silay nagkaayos na, babalikan na ito at iiwan ang
babaeng ginawang panakip-butas.
Hindi tayo kailangang magpadala sa takbo ng modernong panahon dahil hindi puro
kabutihan ang hatid nito. Tulad ng panliligaw, hindi natin kailangang makisabay sa
agos ng panahon, dahil kung lahat ng pagbabago sa ating kapaligiran ay
pakikisabayan natin, hindi magiging mganda ang idudulot nito. Minsan sakit, at
kapighatian lang ibinibigay nito. Kung kaya kailangang pag-isipan ang ganitong
bagay upang hindi tayo masaktan at hindi tayo makasakit ng iba. Pero higit sa
lahat, pag-aaral muna at ang iyong kinabukasan ang iyong unahin. Isinulat nina
Jesusa Garcia at Alvin Hernandez

Panata sa Larangan: Pakikibaka ng mga guro sa loob at labas ng silidaralan


(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 14 ng Philippine Collegian noong
28 Setyembre 2013.)
ni Gloiza Plamenco at Victor Gregor Limon

Tahimik na nakikinig ang buong klase habang nagsasalita si Propesor Sarah


Raymundo sa klase niyang Global Studies sa Center for International Studies (CIS).
Tanging kaluskos lamang ng mga bolpen sa papel ang mauulinigan, nang biglang
tumunog ang Kill Bill ringtone ng cellphone ng isang mag-aaral.
Dumako ang tingin ng lahat sa may-ari ng tila nagwawalang cell phone.
Nagmamadaling hinalukay ng estudyante ang kanyang bag upang hanapin at
patayin ang kanyang telepono, ngunit lalo pang lumakas ang tunog nito. Naging
awkward ang pangyayari para kay Raymundo dahil, aniya, nakakaawa ang magaaral na tila takot na takot na mapagalitan.
Tumalikod na lamang si Raymundo at saka kinanta ang himig ng ringtone.
Nagtawanan ang lahat.
Karaniwang eksena na ito sa UP kung tutuusin, ngunit halimbawa ito ng kung paano
sinusubok buwagin ng mga gurong tulad ni Raymundo ang pyudal na relasyon sa
loob ng silid-aralankung paano nila sinisimulang tawirin ang tila malawak na
espasyo sa pagitan ng pisara at ng mga silya, na kadalasan ay naghihiway sa mas
makabuluhang gampanin ng guro sa pagmulat sa kanyang estudyante.
Page 6 of 17

Pagtaliwas sa karaniwan
Madalas na bansagang cool dahil sa estilo ng pagtuturong kakaiba sa karamihan
sa mga guro ng UP, tila sinasadya ng mga progresibong gurong tulad ni Raymundo
na maging hindi pangkaraniwan, lalo nat itinuturing nilang mapanganib ang
pagsakay lamang sa agos.
Kahit noong kabataan pa lamang nila, nasimulan na nilang bumalikwas sa
nakasanayan dahil sa kanilang maagang pagkamulat at pagsali sa mga kilusan. Isa
na rito si Propesor Mykel Andrada ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), na
nagsimulang maging aktibista sa pagsali niya sa League of Filipino Students (LFS),
isang progresibong organisasyon ng mga kabataan, noong 1995.
Napakalaking bagay ang pagsali ko sa LFS. Nagbukas ito ng lagusan upang
magkaroon ako ng mas malalim na social consciousness, ani Andrada. Kaakibat ng
pagiging Iskolar ng Bayan ang pagsisilbi sa bayan, kayat nais ring imulat ng mga
progresibong guro ang kanilang mga estudyante, upang tuligsain ang
nangingibabaw na uri ng pagtuturo sa silid-aralan.
Malinaw sa mga gurong tulad namin na hindi lamang tayo pumapasok sa
classroom, at naglalagak ng impormasyon sa mga mag-aaral. Kailangan mayroon
ring kritikal na pang-unawa upang makaalpas tayo sa kolonyal at pyudal na kultura
ng edukasyon sa bansa, ani Andrada.
Dahil dito, hindi naging mahirap para sa mga progresibong guro ng pamantasan na
pagtambalin ang sining ng pagtuturo at pagiging aktibista. Hindi career ang
pagtuturo. Bahagi ito ng aking adbokasiya, bahagi ng pagiging progresibo, ani
Raymundo.
Teorya patungong praktika
Mula sa mga natututunan nila sa kanilang pagkilos at paglubog sa ibat ibang sektor
ng lipunan, malay ang mga progresibong guro na higit pa sa pagiging tagapagturo
lamang sa klase ang tanging gampanin nila.
Kahit ang grupo ng mga guro sa buong bansa tulad ng Alliance of Concerned
Teachers (ACT) ay nakikiisa sa ibat ibang sektor sa lipunan, liban pa sa panawagan
ng pagtaas ng sahod na nakaangkla sa usapin ng pagpapataas ng badyet sa
edukasyon, ani Mabelle Caboboy, ikalawang tagapangulo ng ACT Quezon City
Chapter. Naglulunsad sila ng mga community service at exposure trips sa ibat
ibang lugar upang mas mamulat ang mga guro sa kalagayan ng ibat ibang sektor.
Sa katunayan, mahalaga ang naging papel ng pagiging aktibista sa tungkulin ng
isang guro, ani Propesor Melania Flores ng KAL. Doon niya natutunan ang
pagtitiwala sa sarili at ang kasanayan sa pagtuturo. Dati pa nga raw noong aktibista
pa sila, pupunahin sila ng mga kasamahan nila kung pangit silang magturo, kwento
ni Raymundo. Kailangan kapag magtuturo, laging handa at bukas sa kritisismo at
debate, aniya.
Ngunit bawat klase sa pamantasan ay isang hamon, dahil hindi naman lahat ng
mag-aaral ay nagsisimulang may progresibo nang pang-unawa, ani Propesor Roland
Tolentino, dekano ng College of Mass Communication. Halimbawa, tuwing may
malawakang pagkilos ng ibat ibang sektor tulad ng SONA ng Bayan tuwing State of
the Nation Address ng pangulo, hindi aniya maiiwasang may ilang mag-aaral na
hindi pa handang lampasan ang hangganan ng teorya at isabuhay ang mga napagaralan sa klase.

Page 7 of 17

Ang mga isyu sa labas, dadalhin mo sa klase, uunawain niyo ito sa mas kritikal na
antas, at sanay makumbinsi mo rin silang [hindi makulong sa apat na sulok ng]
silid-aralan. ani Tolentino.
Sinisikap ng mga progresibong guro na wasakin ang ideyang facilitator lamang
ang mga guro sa klase. Ani Flores, Kailangang ang silid-aralan ay maging larangan
ng talakayan at diskurso [ng mga estudyante]. Ito ang pagkakataon nila na
magpahayag, at mag-debate.
Samakatwid, napakahalaga ng pagkakataong binubukas ng mga progresibong guro,
lalo at may ilang mga estudyanteng mas pinipiling umiwas sa tunggalian ng mga
ideya at magpakahon na lamang sa kung ano ang tama para sa guro.
Dahil sa pagiging grade-conscious nila, tinatantiya nila ang guro. Kung relihiyoso
ang guro, magbibigay sila ng mga relihiyosong paper. Kung progresibo ang guro,
magbibigay rin sila ng mga pulitikal na paper, ani Tolentino.
Upang mas maunawaan ng mga estudyante ang mga usapin at mahimok na
maging kritikal, isang mabisang paraan ang paglalapit ng mga isyu sa karanasan ng
mga mag-aaral, ani Flores. Ang mga kinahihiligan ngayon ng kabataan tulad ng
larong DOTA, na sa unang tingin ay tila libangan lamang ng
mga kabataan, ay maaaring ilapat sa mga talakayan sa klase. Pwede itong
magamit upang ipaliwanag ang mga complex na konsepto tulad ng alienation at
imperyalismo, ani Andrada.
Sa ganitong paraan, tinatangkang ipaunawa ng mga guro sa mga estudyante na
lahat ng bagay ay magkaugnay at hindi dapat tingnan ang sarili bilang hiwalay sa
lipunan.
Sa kanilang larangan, natutunan ng mga progresibong guro ang pagiging
mapagkumbaba, isang patunay ng kanilang pag-tunggali sa pyudal na relasyon ng
mag-aaral at guro. Kailangan ito upang maunawaan ng mga mag-aaral na hindi
lang tungkol sa pag-kamit ng degree ang edukasyon. Tungkol rin ito sa paglilingkod
sa bayan, ani Andrada.

Patuloy na pakikibaka
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon diumano ng academic freedom sa loob ng
pamantasan, nananatili pa rin ang mga limitasyong tinatakda ng pyudal na
sistemang kahit ang mga progresibong guro ay nasasailalim. Halimbawa nito ang
pagkaantala ng pagbibigay ng tenure kay Raymundo na inabot ng tatlong taon, at
isa sa mga pinaghihinalaang dahilan ay ang kanyang pagiging aktibista.
Hindi naging bukas ang Department of Sociology [na dating kinabibilangan ko] sa
ideya ng aktibismo, at hindi sila naging malinaw tungkol dito, ani Raymundo na
nagawaran ng tenure nang lumipat na siya sa CIS.
Page 8 of 17

Gayunman, hindi naging sagka ang ganitong mga hamon upang humina ang grupo
ng mga guro sa bansa na patuloy na ipinaglalaban ang mga karapatan ng kanilang
kapwa guro. Sa katunayan, ubos-lakas ang ACT na may mahigit 70,000 kasapi, na
itaguyod ang mga panawagan sa sapat na sahod, na kasalukuyang nasa mahigitkumulang P18,000 lamang.
Hindi maikakailang mapalad ang mga mag-aaral na mayroon pa ring mga gurong
mapangahas na bumabalikwas sa nakasanayang mga diskurso sa klase, mga
gurong hindi pangkaraniwan sa kanilang patuloy na pagganap ng mga tungkuling
hindi lamang para sa paaralan kundi para rin sa bayan.
Kung lalagumin ang pinanghahawakang prinsipyo ng bawat progresibong guro sa
loob at labas ng UP, pinakatumpak marahil ang sinambit ni Caboboy. Ang masa ang
aming guro. Ang lipunan ang aming paaralan. At ang pagkilos ang pagsasabuhay ng
aming pagtuturo.

Balintuwid: Ang Komisyon sa Wikang Filipino at Ang Balintuna ng Wika ng


Tuwid na Daan
(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 10-11 ng Philippine Collegian noong 6
Setyembre 2013.)
ni Ian Gamboa
Dibuho ni Patricia Ramos
Tinanggal na ang mga palamutit palatandaan ng nagdaang buwan ng wika. Niligpit
na ang mga Filipinianang ginamit sa mga sabayang pagbigkas, at pinalitan na rin
ang disenyo ng mga bulletin board sa mga klasrum upang makasabay sa mabilis na
pagpapalit-pahina ng kalendaryo.
Unang itinakda ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997, ang Proklamasyon
1041 ang naging lunsaran ng pagdiriwang ng buwan ng wika tuwing Agosto upang
bigyang-diin ang kahalagahan ng katutubo at sariling wika sa pambansang
kaunlaran.
Matapos ang mahigit isang dekada, marami ang nagtataka: bakit sa bansang
nagdiriwang ng buwan ng wika, napakalaki pa rin ang pagkiling sa kolonyal at
imperyalistang wikang Ingles?
At sa paggunita ng Buwan ng Wika, imperatibong balikan hindi lamang ang halaga
ng sarilit katutubong mga wika para sa pambansang kaunlaran. Higit sa pagiging
kultural na aparato, ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay dapat magpakintal ng
malaya at mapagpalayang kaisipan.
Taon-taon, ipinapaalala sa mga Pilipino ang buwan ng wika at ipagdikdikan sa
pamahalaan at sa mamamayan na mahalin ang sariling wika. Ito ang tunay na
balintuna ng pagpapahalaga sa sariling wika sa isang bansang kinukubabawan ng
neo-kolonyal na palisiyang pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulutura ng
Estados Unidos.
Sa katunayan, masasalamin ang bigat ng kung anong mga institusyon ang
nagtakda ng direksiyon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, lalong-lalo na ang
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na naging kontrobersiyal kamakailan dahil sa
paggigiit nito ng pagpapalit ng pangalan ng bansa mula Pilipinas tungong Filipinas.
Page 9 of 17

Aquino-pikasyon ng Wika
Bilang isang institusyong itinatag noong 1991, alinsunod sa Republic Act 7104 na
mandato ng Konstitusyon ng Pilipinas, ang KWF ay naatasang mamuno sa
pagtataguyod ng isang pambansang wika.
Sa pagtakda ng KWF ng isang temang maka-Aquino, Wika natin ang daang
matuwid, nakababad sa politika at ideolohiya ng administrasyong Aquino hindi lang
ang pagdiriwang ng buwan ng wika, kundi ang iba pang mga programa at palisiya
ng KWF.
Kasalukuyang nasa pamumuno ng Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio
Almario at ng mga komisyoner ng ibat ibang wika ng Pilipinas, nagsagawa ang KWF
ng kauna-unahang Pambansang Kongreso sa Wika ngayong taon na dinaluhan ni
Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Louis Althusser, isa sa mga Ideological State Apparatus (ISA) o mga
ideolohikal na aparato ng estado o gobyerno ay ang pangkulturang ISA. Ang mga
kultural na produkto o instrumento, tulad ng wika at ng mga institusyong pangwika,
ay kinakasangkapan ng estado o naghaharing sistema upang padaluyin rito ang
reaksyonaryong ideolohiya nito.
Bilang isang ahensiya ng gobyerno at bilang pangkulturang ISA, nakasilid sa lilim ng
Malacanang complex ang direksyon ng KWF. Hindi maikakaila ang pag-angkla nito
sa administrasyon. Sa bawat namumunong pangunahing komisyoner ng KWF,
makikita ang pananahimik ng institusyon sa mga pasya ng administrasyon.
Magpahanggang ngayon, nananatiling kibit-balikat ang KWF sa Executive Order (EO)
210 ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nagpapalakas sa Ingles bilang
midyum ng pagtuturo dahil itoy atas ng International Monetary Fund at World Bank.
Pinalamutian ng pamahalaan ang wikang Ingles bilang isang sangkap sa mas
epektibong pakikipag-ugnay sa global na kalakaran. Isa sa mga naging epekto nito
ay ang paglikha ng mga kurso na epektibong gagamit ng wikang Ingles at
epektibong lilikha ng mga Filipinong may kasanayan sa wikang Ingles upang maging
balon ng murang lakas paggawa.
Kasama sa EO 210 ang paglikha ng mga kurso sa paaralan para maging call center
agents. At magpahanggang sa administrasyong Aquino, patuloy ang pagsuporta ng
rehimen sa call center industry.
At tila nilalansi ng programang K to 12 ang mga gurot mag-aaral sa balintuna nito.
Habang ipinangangalandakan ng programang K to 12 ni Aquino ang pagpapagamit
ng Mother Tongue Language sa batayang edukasyon, nilulusaw naman ng K to 12
ang paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabawas sa oras ng pagaaral nito at sa pagtatanggal rito bilang rekisitong kurso sa kolehiyo.
Ang pananahimik sa mga isyung pangwika ng isang institusyong naatasan upang
payamanin ang wikang Filipino ay isang manipestasyon ng kontrol ng pamahalahan
sa mga institusyong pangkultura upang punan ang rekisito ng globalisasyon na sa
kalaunay magdadala ng hindi pagkakapantay-pantay.
Binabaluktot na Wika sa Daang Baliko
Sa pagpili ng KWF sa temang may lantarang alusyon sa daang matuwid na
isinusulong ng administrasyon Aquino, ipinakikita ng ahensiya ang politikal na
tunguhin nito.

Page 10 of 17

Ayon sa Pambansang Alagad ng Sining at makabayang kritikong si Bienvenido


Lumbera, ang wika ay isang konstruksiyong panlipunannapaunlad ng tao ang wika
bunga ng kaniyang interaksyon sa lipunan.
Pagdating ng wika sa kamalayan ng tao ay may bitbit na kahulugan at pakikiisa sa
isang lipunang kapwa tagasalita ng parehong wika. Kung may kapangyarihang
sumakop sa kamalayan ng wika, kasama rin ang lipunang tagasalita nitong
mapapailalim sa kapangyarihang iyon.
Ang pagdidikta ng KWF ng magiging tema ng taunang Buwan ng Wika ay hindi
hubad sa politika. Ang sapilitang pagpili sa slogan ng administrasyon upang
bigyang-buod ang pagdiriwang ng wika ay isang uri ng pulitikang ito. Ani nga ni
Lumbera, ang wika ay kasangkapan ng maykapangyarihan at may lakas upang
magpasunod ng mga tao sa lipunan.
Sa katunayan, saksi ang kasaysayan ng Pilipinas sa politikal na paghuhulma at
pagkasangkapan sa wika. Ang mga wika sa Pilipinas ay naging instrumentong
politikal ng mga Kastila nang sakupin nila ang bansa noong siglo 16. Inaral ng mga
Espanyol ang mga wikang katutubo at isinalin nila ang kolonyal at relihiyosong
panitikan upang gamitin sa kanilang kolonyal na pananakop.
Sa dami ng mga wika ng Pilipinas kung saan 70 bahagdan ay hindi na nagagamit,
marapat lamang na suriin ang hakbang ng KWF na kung bakit sa lahat ng mga wika
sa bansa, ang wikang matuwid ang sinentro ng KWF sa nakaraang Buwan ng
Wika.
Wika at nasyonalismo
Bilang isang bansang lulan ng maraming wika, isang malaking pagsubok ang
paglinang sa napiling pambansang wika na magbubuklod-buklod sa pangkalahatang
kultura, kamalayan at esensiya ng lahat ng wikang nakapaloob sa bansa.
Sa pagtatahi-tahi ng KWF ng isang pambansang wika, masusulyapan nating hindi
epektibo ang paraan nito. Ang konseho ng KWF ay binubuo ng mga iskolar ng wika
na, sa iilang bilang lamang, ay ang kabuuang nagpapasya sa magiging imahen ng
pambansang wika. Ang kawalan o napakalimitadong partisipasyon ng masat
publiko sa paghubog ng mga patakarang pangwika ay isang pagsasalamin sa
pagiging eksklusibo ng KWF.
Sa ganitong lagay, lalong nailalayo ng KWF ang pambasang wika sa masa. Sa mga
kumperensiyang ginaganap upang lalong linangin ang pambansang wika, halos mga
kapwa iskolar at akademiko lamang ang nakikibahagi sa pagtatakda ng mga
pagbabago sa wika. Bagamat may pagtatangka ay hindi sapat ang mga rehistro,
istandardisasyon, kumperensiya at mga panayam bilang mga paraan ng
pananaliksik upang mapayabong at maging inklusibo ang KWF.
Isa sa mga pinakamaingay na isyung kinaharap ng KWF na walang konsultasyon sa
masa ay ang pagpapalit ng Pilipinas sa Filipinas. Ang usapin ng pambansang wika
ay nakulong na lamang sa inatasang institusyon.
Bilang isang hantungan ng identidad ng isang lahi, ang pagpapalit ng pangalan ng
isang bansa ay nasasapin rin sa usapin kung sino ang may kakayahang magpalit ng
kabuuan ng diwang nakapaloob sa nakagawiang pangalan.
Sa tangkang pagpapalit ng KWF ng F sa P, lalo lamang napakita na nakatali pa
rin tayo bilang isang kolonya o neokolonya. Nakapangalan pa rin ang bansa sa isang
dayuhang haring nanakop ng Pilipinas sa mahigit 300 taon. Isang paalala ito sa
mababaw na pagtingin sa wika ng isang institusyong dapat ay may maalam dito.
Page 11 of 17

Bilang isang malaking bahagi ng nasyonalismo at pagka-Pilipino, may kakayahang


maghubog ng mga ideyolohiya ang paggamit sa wika. Kaunting bahid lamang ng
interes ay isang kulturat pangkalahatang kamalayan na ang matatangay. Sa
lantarang pananamantala sa kapangyarihan ng KWF bilang institusyong nagtatakda
ng wika, ang pagpasok ng ganitong klaseng interes ng pamahalaan ay kontra sa
nakagawiang demokrasya.
Kung kayat panahon na upang lalong paigtingin hindi lang ang partisipasyon kundi
ang malakas na pagpapasya ng mamamayan para sa kultura ng demokratikong
pamamahala at pagdidireksyon sa wika at sa lipunan.

Pagbangon mula sa pagkalugmok


Every day is a test of time. Its how you handle life pains. Its how you bear the
pains.
Hindi man lahat ng tao ay ipinanganak na mayaman, subalit ang bawat isa ay
binigyan
ng tsansa na piliin ang daan na kanyang tatahakin sa buhay.
Isang pribilehiyo na maituturing ang pagkakaroon ng bawat isa sa atin ng freewill o
ng kalayaan na makapagdesisyon sa bawat sitwasyon ng buhay na ating
kinakaharap.
Sa aking pagbisita sa bansang Malaysia ay nakilala ko ang Pilipinang si Paula, sa
kanyang pananalita ay mababakas ang mga aral ng buhay na kanyang natutunan
mula sa marami niyang pinagdaanan bago niya narating ang kanyang kinalalagyan
sa kasalukuyan.
Isinilang at lumaki si Paula sa lalawigan ng Batangas. Siya ang panganay sa
sampung magkakapatid.
Ang kanyang ama ay isang mangingisda na umaasa sa mga isdang mahuhuli sa
dagat at ang kanyang ina naman ay isang mananahi.
Dahil sa kahirapan ay kinailangan na mag-working student si Paula, upang
makapagtapos ng pag-aaral.
Sa aming hirap, ang aming ginawang magkakapatid ay talagang kami ay nagsikap
na mag-aral lahat. Almost all of us are working student. Kwento niya.
Bilang nakatatandang kapatid ay siya ang naging katuwang ng kanyang ama at ina.
Naranasan niyang maging isang tindera sa palengke katulong ng kanyang ina.
Nang pumanaw ang kanyang ina, taong 1988 ay lalong nadama ni Paula ang bigat
ng responsibilidad na naatang sa mga balikat niya.
Sa kabila ng kahirapan na kanyang pinagdaraanan ay pagsisikap at pagtitiyaga ang
naging katuwang niya. Ito ang kanyang naging legacy at sandalan sa pagharap sa
hamon ng kahirapan.

Page 12 of 17

Sa aming hirap, kami ay nagsikap, and that is legacy na dala-dala ko pa rin


hanggang ngayon. Wika niya.
Nang makapagtapos ng pag-aaral ay hindi nag-atubili si Paula na mangibang bansa.
Nakarating siya ng Saudi Arabia upang maging isang katulong. Mula roon ay
nakarating rin siya sa Egypt at doon ay nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan
ang medical line, sapagkat ang kanyang mga naging amo ay pulos mga doctor at
doktora.
Mula sa bansang Egypt ay napunta si Paula sa Taiwan kung saan ay nagtrabaho siya
sa home for the aged. Narating rin niya ang Macau, Thailand, Singapore at Korea.
Hanggang sa marating niya ang bansang kanyang kinaroroonan ngayon- ang
Malaysia.
Sa kabila ng takot at pangamba na baka siya mahuli, sapagkat ang kanyang visa at
pang turista ay hindi nag-atubli na magtrabaho si Paula roon para sa kanyang
pamilya dito sa Pilipinas.
Bawat paglabas ko ng bansa ay laging pakikipaglaban, laging pakikipagsugal sa
buhay. Aniya.
Nagtrabaho si Paula sa isang Clinic sa Malaysia sa umaga at paggabi naman ay
nagtatrabaho siya bilang isang waitress sa isang pub house. Minsan ay dumadating
sa punto na halos isang oras na lamang ang kanyang ginugugol sa pagpapahinga at
pagtulog.
Kahit nakapagtapos ako ng pag-aaral, kapag nasa ibang bansa ka, hindi mo
iintindihin
kahit tatlong degree pa ang tinapos mo. Kaylangan talaga you really have to work
hard, wika ni Paula. (May Karugtong).

Pagbangon pagkatapos ng kalamidad, pagpapabaya ng gobyernong


Aquino
Ni CLEMENTE BAUTISTA
Bulatlat.com
Kasama ako at ang aking pamilya sa mga nasalanta ng Bagyong Glenda. Dala ang
hangin na may bilis 185 kilometro kada oras, tumama sa amin sa Batangas si
Glenda noong madaling araw ng July 16, 2014. Sabi ng matatanda, tinamaan ang
lugar namin ng hari ng mga malalakas na hangin na kung tawagin ay Salatan.
Tanggal ang bubong. Baha sa loob ng bahay. Putol ang linya ng kuryente at
telepono. Para kaming basang sisiw sa ilalim ng langit.
Mabilis na nagdaan si Glenda. Mula ala-una ng madaling-araw hanggang ala-sais ng
umaga lamang ang kanyang pananalanta. May patlang pa ng isang oras ng
paghupa mula alas kwatro hanggang alas singko ng umaga, saka humagupit ng
kanyang huling bigwas.
Pagkatapos ng delubyo: marami ang nasirang bahay. Sa paligid namin maraming
kabahayan ang natanggalan ng bubong, at sa iba tanggal pati ang mga dingding.
Page 13 of 17

Ang ilan, lalo na ang mga maralitang nakatira sa may riles ng tren at sa mga
bukirin, ay tuluyang nawalan ng bahay. Maraming nag-evacutate sa municipal gym.
Bagsak ang mga poste ng kuryente, nagkalat ang mga putol na puno habang ang
ilan ay nahugot sa lupa. Suspendido ng ilang araw ang mga klase sa elementarya at
highschool.
Kay Glenda ko naranasan ang aktwal na malagay sa panganib at pagkakataong
bumawi muli sa epekto ng kalamidad. Dahil ang pang-ekonomiyang katayuan ng
aking pamilya ay nasa panggitnang saray, maagap naming naipagawa ang aming
bahay at naiayos ang nasira. May sapat na imbak ng pagkain at ibang suplay
pagkatapos ng bagyo.Maswerte at wala sa aming nasaktan o malubhang
nasugatan.
Hindi ganito kadali ang pagbangon ng karamihan sa aming lugar. Ilang oras
pagkalipas pa lamang ng bagyo, may mga manggagawa na sumuong sa bagyo
upang pumasok sa kanilang trabaho. Malapit kami sa mga tinatawag na special
economic zones. Iisipin mo na parang hindi nila inalintana ang epekto ng bagyo.
Ngunit ang totoo, kailangan kumayod para may pangkain, para hindi mabawasan
ang sahod o magamit para sa kagyat na gastusin dulot ni Glenda. Hindi mabigat na
dahilan ang hagupit ni Glenda upang lumiban sa trabaho.
Dalawang araw, pagkatapos ng bagyo, tanaw mula sa aming bubungan ang ilang
mga bahay na nananatiling nakabuyangyang walang bubong at di nadadapuan ng
pagkukumpuni ng karpintero. Sa kabila ito ng balita na tumubo ng todo ang mga
may-ari ng hardware sa aming lugar dahil sa bugso ng pagbili ng mga materyales
para sa bahay.
Sa report ng NDRRMC, ang Bikol Region, at mga probinsya ng Quezon, Batangas at
Laguna ang pinaka nasalanta ng bagyong Yolanda. Sa inisyal na ulat, humigit
kumulang 50 katao ang namatay at bilyon-bilyong piso ng mga ari-arian,
imprastruktura at agrikultural na produkto ang nasira pagkatapos ng bagyo. Sa
Rehiyon ng Timog Katagalugan, mayroon 76,598 pamilya o 373,177 katao ang
inilikas sa paghagupit ng Bagyong Glenda.

A fisherman lost his house after Typhoon Glenda hit Bataan last Wednesday. (Photo
courtesy of CDRC)
Sigurado marami sa mga naapektuhan ay mga mahihirap na magsasaka sa
kanayunan at maralitang tagalungsod. Sila rin malamang ang mga kalakhan ng
mga biktima na matagal makabangon pagkatapos ng kalamidad.
Malalaman mo na ang kapasidad na bumangon pagkatapos ng isang kalamidad ay
nakabatay, una sa lahat, sa pang ekonomiyang kakakayahan ng mga biktima. May
naipon o nakatabi ba siyang pera para sa mga emergency situation? May
kabuhayan o mapagkukuhanan ba sya ng sustento at tulong mula sa gobyerno?
May trabaho ba sya at nakasasapat na sweldo pambayad sa kanyang uutangin
upang malagpasan ang epekto ng kalamidad?
Ang karaniwang sagot ay WALA sa masang anakpawis. Ganito ang dinaranas ng
mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Samar at Leyte. Halos isang taon na ang
nakalipas, ilampung libo ng ating mga kababayan sa mga apektadong lugar ay
nanatiling kaawa-awa ang kalagayan.

Page 14 of 17

Ayon sa datos ng People Surge na halos 600 pamilya o 2,500 indibidwal sa tent
evacuation areas sa Tacloban na biktima ng Yolanda ang nilikas bago dumating ang
Bagyong Glenda.
Tuwing may kalamidad, laging kapos ang tugon ng gobyernong Aquino. Kung meron
mang tulong ito ay kalakhan sa pagbibigay ng relief goods na kadalasan ay kulang
at sa maiksing panahon lamang na di sumasapat upang ipangtawid ng mga biktima
hanggang sila ay makabangon.
Sa buong panahon ng Bagyong Glenda si Presidente BS Aquino ay nanatili sa ligtas
nyang tirahan sa Times Street Quezon City. Ang dahilan ng Malakanyang, hindi
naman kailangan nasa lugar ng mga apektado ng bagyo si BS Aquino upang ipakita
ang kanyang pagpapahalaga at pamamahala.
Sadyang kapos sa pang-unawa at talino si BS Aquino at ang kanyang kasapakat sa
Malakanyang. Paano pa maaasahan ang mga ito na kahit ang simpleng
pagpapataas ng morale at pagpapakita ng kalinga sa mga biktima ng mga
kalamidad ay walang halaga sa kanila?
Tama ang sinabi ng organisasyong Anakbayan: walang alam gawin si BS Aquino
kundi ang mag-Noynoying. Kapag kapakanan ng taumbayan, wala siyang
pakialam; kapag interes ng kanyang kapamilya, kaklase, kabarilan at kauring
panginoong maylupa o malaking negosyante, isama na ang gobyernong Estados
Unidos, mabilis o accelerated siya pumabor. Siya ang pinakamalaking kalamidad
na nararanasan ng Pilipinas.

PAGLIPAD SA IISANG PANGARAP


Posted on October 29, 2012 by stephenjoelorenzo
Monday, October 29, 2012
By stephenjoelorenzo

Katulad ng mga ibong nagliliparan sa bughaw na kalangitan, ganyan katayog ang


aming pangarap. Pangarap na sabay naming aabutin para marating ang langit ng
tagumpay. Imposible man kung iisipin, subalit tiwalat determinasyon ang magsisilbi
naming mga pakpak upang ang rurok ng tagumpay ay tuluyang matamasa.

Page 15 of 17

Taon na rin ang nakalipas simula ang pagkakaibigan namin ay tuluyang nabuo, tila
pinagbuklod ng tadhana ang aming mga pagkatao na sadyang magkatulad.
Nakakatuwa ngang isipin, dati-rati naka-upo lang kami sa isang sulok nagtitinginan
at nag-aantayan kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa. Subalit sino
ang mag-aakalang sa gitna ng mga kaganapang yaon, ang dating tahimik na
dalawang lalaki noon ngayon ay tila magkapatid na ang turingan at animoy
magkakambal na hindi mapaghihiwalay ng panahon. Simula nang makilala namin
ang isat isa hindi na kami natakot na suungin ang ano mang dagok ng buhay na
dumating dahil alam namin, kaya itong malagpasan. Magsisilbi ang aming
pagkakaibigan bilang isang gabay at tila mga paa upang ang landas tungo sa aming
pangarap ay masumpungan nang lubusan. Kung mayroon man sa amin ang
nadadapa sa pagtahak sa landas na iyon hindi mag-aatubili na tulungan ito para sa
muling pagbangon. At sa paglipas ng panahon, ang mainit na samahan tulad ng
sikat ng araw ay lalo pang titindi tulad ng isang apoy na lumalagablab.

Tila mutya kang perlas na mahirap masumpungan ngunit para ka namang bituin
na patuloy na nagniningning sa madilim na langit. Ang pangarap ay mahirap
maabot kung wala kang pagpupursige sa buhay lalo na kung walang tiwala na
nangingibabaw sa iyong sarili. Katulad naming magkaibigan ang tiwala ay hindi
namin binabalewala, bagamat ordinaryong salita lamang kung pakikinggan subalit
ang salitang iyan ay patuloy naming isinasagawa. Sa salitang ito, lalo pa kaming
binigkis katulad sa isang mahigpit na pagkakatali na kahit ano man ang mangyari
hindi kami mapaghihiwalay. Dahil pangako namin sa isat-isa sabay naming
susungkitin ang aming mga pangarap. Ang tiwalat determinasyon na amin
maipupundar para sa aming pagkakaibigan higit na sa aming pangarap ay
matutulad sa isang halaman na patuloy sa pamumukadkad sa ilalim ng matirik na
araw.

Kaming dalaway pareho nang ulila sa ama at simulang mangyari ang masaklap na
kabanata sa aming buhay ay tuluyan na naming itinatak sa aming mga isipan na
magiging kaagapay namin ang isat-isa sa pagpapatuloy sa mga nasimilan ng
aming mga ama. Maraming pangarap ang haligi ng aming tahanan para sa amin,
subalit sa pagkakataon ngayon na wala na sila kami ang magpapatuloy ng lahat ng
iyon. Kapwa wala na rin kaming mga ina, dahil pareho na silang nagtatrabaho sa
malayong lugar para lamang matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang
pamilya. Kahalintulad ng aming ama, sakripisyo din ang naging puhunan nila para
lamang maibangon sa kahirapan ang pamilya, labis ang awat lunos na nadarama
sa tuwing nakikita sila na kayod-kalabaw.

Sa bawat mumunting butil ng pawis na patuloy sa pagpatak, sa ilaw ng tahanan ay


sobra ang pag-aalala. Kung anong kapalaran ang kanilang masusumpungan na
ipinagkaloob sa kanila. Subalit ang kabutihan ay hindi ipinagkait ng tadhana at
tuluyan namang ibinigay sa kanila ang trabahong hindi madama ang pagdaralita.
Kasabay ng pag-agos ng tubig sa sapa, ang aming mga ina ay nakipagsapalaran.
Hahanapin ang aming bukas na hindi alam kung saan subalit itoy kanilang
hahanapin hanggan sa masumpungan. Inaalala ang aming kinabukasan na alam
nila kapag kamiy makatapos ginhawa sa buhay ay kanilang mararanasan. Sa gitna
ng mithiing yaon, hindi namin sila bibiguin bagkus ipapadama namin sa kanila ang
kagandahan ng buhay.

Page 16 of 17

Kasabay ng paglipad ng mga kalapati sa alapaap, mararatnan namin ang aming


pangarap na naka-abang sa tuluyan paghawak. Sa tuluyang paglaki ng aming
mga pahat na kaisipan at paghaba ng aming mga pakpak napagtanto namin na
hindi nakukuha sa isang kisap-mata ang mga bagay na aming hinahangad. Kapwa
ito pinaghihirapan, kung kailangang magtiis dapat ay gawin. Subalit hindi kami
nangangamba na hindi namin ito maabot dahil alam namin sa kabila ng munting
pakpak na ito makakamit namin ang aming pangarap. Sabay kaming lilipad para sa
iisang pangarap.

Page 17 of 17

You might also like