You are on page 1of 50

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika


Unang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
Nasusuri ang sariling kakayahan.
- mga gawaing hilig gawin
- talentong taglay
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 2-4
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong bagay ang makakatulong sa iyo para
makita ang sarili mo?
Natutuwa ka ba kapag nakikita ang sarili mo?
2. Pagganyak:
Itanong: Ano ang pangalan mo?
Bigyan ng panahon ang mga bata na
magkakilala at magkamustahan.
Ipaawit: Kamusta Ka
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento tungkol kay Aya at Buboy.
2. Pagtalakay
1. Anu-ano ang hilig ni Aya?
2. Ano ang paboritong gawin ni Buboy?
3. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Kagaya din ba kayo ni Aya at Buboy?
Anu-anong mga gawain ang hilig ninyo?
2. Paglalapat
Kulayan ang mga larawan ng mga gawaing hilig mo.

Nagbabasketbol
Naggigitara
Nagbabasa
Nagsasayaw
Kumakanta
Tumutugtog ng Piyano/Organo/Lira/Tambol
IV. Pagtataya:
Magkaroon ng kunwa-kunwariang Talent
Search ng mga mag-aaral. Hayaang
magpagalingan ang mga bata sa pagpapakita
ng kanilang mga talento.
V. Takdang-aralin
Gumupit ng larawan na kaya mong gawin at
idikit ito sa iyong kwaderno.
Magpatulong sa magulang sa paggupit.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
Nasusuri ang sariling kahinaan.
- mga gawaing hindi kayang gawin
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 5-6
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga gawaing kaya ninyong gawin?
2. Pagganyak:
Gusto ninyo bang makapanood ng isang papet
show?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakilala ang papet gamit ang medyas at
kamay.magkwento tungkol dito.
Ito Piolo. Isinali siya sa isang paligsahan sa
pagtula. Habang papunta si Piolo sa harap ng
klase, nakaramdam siya ng kaba at takot, Parang
ibig na niyang bumalik sa kanyang upuan. Para
siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa
kahihiyan.Subalit ganun pa man pinilit pa rin
niyang makatula sa harap ng kanyang mga
kamag-aaral.
2. Pagtalakay
1. Sino ang nakasali sa paligsahan?
2. Ano ang nadama niya habang papunta sa
harap ng klase?
3. Bakit kaya takot ang nadama ni Piolo?

1.

2.

C. Pangwakas na Gawain
Paglalahat:
Lahat ba ng bata ay may kahinaan?
Ano kaya ang mabuting gawin upang maging
kakayahan din ito?
Paglalapat
Iguhit ang mukha ni Piolo habang siya ay
papunta sa harap ng klase.
IV. Pagtataya:
Pasalita
A. May pinaguguhit sa inyong larawan ang
inyong guro ngunit hindi mo ito kaya,
ano ang gagawin mo?
B. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na
ibinigay ng inyong guro, Ano ang
gagawin mo?

V. Takdang-aralin
Magtala ng mga bagay na kayang-kaya
mong gawin at mga gawaing nahihirapan kang
gawin sa iyong kwaderno.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

2. Ano ang ginawa nila sa mall?


3. Ano ang naramdaman ni Bobet ng
bilhan siya ng bagong laruan?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
Nasusuri ang sariling damdamin/emosyon.
Natutuwa, nagagalit, nalulungkot, natatakot
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 7-9
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ang sabi natin, kapag hindi mo alam,
matutulungan ka ng iba. Alin sa mga sumusunod
ang makakatulong sa iyo upang mapahusay ang
iyong nalalaman?
- Nagtatanong sa nanay kapag hindi alam.
- Nagtatago sa kwarto kapag nagkakamali.
- Nagpapatulong sa ate o kuya kung nahihirapan
sa gawain
2. Pagganyak:
Naranasan ninyo na bang mamasyal kasama ang
inyong pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento tungkol sa mag-anak.
Ang Masayang Mag-anak
Isang araw ng Linggo, pagkatapos
magsimba ng mag-anak ni Mang Caloy at
Aling Mila, sila ay nagtungo sa SM Mall.
Namili sila ng mga damit at gamit sa bahay.
Kumain din sila sa Jollibee. Tuwang-tuwa
ang bunsong si Bobet dahil binilhan pa siya
ng bagong laruan ng nanay.
2. Pagtalakay
1. Saan nagtungo ang mag-anak?

1.

2.

C. Pangwakas na Gawain
Paglalahat:
Anu-ano ang ibat ibang damdamin ng tao?
Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 3 (pah.9 Pupils Activity
Sheets)
Ano kaya ang madarama mo sa mga sitwasyong
ito? Iguhit mo ang iyong mukha sa loob ng
bilog.
1.
2.
3.
4.

Sumali ka sa paligsahan at nanalo ka.


Malapit ka ng tawagin upang tumula.
Hindi ka nanalo sa pag-awit.
Dumating ang iyong pinsan, pinilit ng iyong
nanay na sumayaw ka.
5. Namatay ang alaga mong aso.
IV. Pagtataya:
Iguhit ang O O O O O upang ipakita ang iyong
damdamin sa mga sumusunod na mga sitwasyon.
____Pupunta kayo sa Star City.
____Nasira ang bago mong laruan.
____Nawala ka habang namamasyal
kayo.
____Nahiwa ka habang nagbabalat ng
sibuyas.
____Mataas ang nakuha mong marka.
V. Takdang-aralin
Gamit ang lumang paper plate. Gumawa ng
mukha na nagpapakita ng ibat ibang damdamin.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
Napahahalagahan ang kasiyahang naidudulot ng
pagpapamalas ng kakayahan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 7-9
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ipakita ang masayang mukha kung
kakayahan
at malungkot na mukha kung kahinaan.
----pag-iyak kung hindi magawa ang gawain
__pagtugtog ng gitara nang buong husay
2. Pagganyak:
Ano ang kailangang gawin upang mas
mapahusay pa ang iyong kakayahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magkaroon ng maikling palatuntunan.
Hayaang maipakita ng mga bata ang
kanilang kakayahan sa pag-awit, pagtula,
pagsayaw atbp.
2. Pagtalakay
Ano ang nadama mo habang ipinakikita mo
ang iyong talento?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong damdamin ang dapat mong taglayin
habang ipinakikita ang iyong kakayahan?
2. Paglalapat
Maglaro Tayo Gawain 2 sa pah. 8 ng Pupils
Activity Sheets
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali

1. Umiyak kung makita ang maraming taong


manonood.
2. Gawin nang buong husay ang iniatas na
gawain.
3. Ipasa sa iba ang gawaing para sa iyo ay may
kahirapan.
4. Magtago para makaiwas sa pagpapakita ng
galing.
5. Maniwala sa sariling kakayahan.
V. Takdang-aralin
Isaulo.
Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay
may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

3.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa ang mga bagay na kinakailangan upang
mapaunlad pa ang mga kakayahan at maiwasto ang
mga kakulangan o kahinaan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 10-13
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Gamit ang plaskard ng mga ibat-ibang
damdamin, ipakita ang mukha na nagsasaad
ng ipinahihiwatig na damdamin.
Kaarawan mo
Napagalitan ka ng nanay mo
2. Pagganyak:
Awit: Himig: The farmer in the Dell
Ano ang Kaya Mo? (pah. 7 EsP Teaching
Guide)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ngayon ay alam mo na. Ikaw ay isang
natatanging bata. Tuklasin mo kung ano ang
kaya mong gawin. Pahusayin mo pa ang iyong
nalalaman. Kung mayroon ka naming gustong
gawin na parang hindi mo kaya, magtanong
ka,magpatulong ka,Sa ganito, matututo ka.
2. Pagtalakay
Anong uri ng bata ka?
Ano ang dapat mong tuklasin sa iyong
sarili?
Ano ang dapat mong gawin sa mga bagay
na nahihirapan kang gawin?
C. Pangwakas na Gawain

Paglalahat:
Paano mo mapapahusay ang iyong kakayahan?
Paano mo magagawa ang mga bagay na
nahihirapan kang gawin?
4. Paglalapat
Ipagawa ang Isabuhay sa pah. 12 ng Pupils
Activity Sheets

IV. Pagtataya:
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang batang
tinutukoy?
Bilugan ang letra ng kilos na iyong gagawin.
1. Mahilig kang umawit.
Nais mong iparinig ito sa iyong lolo at lola.
A. Hindi ako kakanta. Nahihiya ako.
B. Aawitan ko sila.
2. Maliksi ka sa larong takbuhan.
Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo.
A. Iiyak ako at uuwi na lang.
B. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat ako,
hihingi ako ng tulong.
3. Gusto mong gumawa ng saranggola.
Pero hindi mo alam kung paano.
A. Magpapaturo ako.
B. Hindi na lang ako gagawa ng guryon.
V. Takdang-aralin
Isaulo.
Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay
may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Bakit dapat tayong maligo?


Ano ang pakiramdam ng bagong paligo?
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing
nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Naliligo araw-araw
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat gawin sa ating mga
kahinaan?
Paano mo mapagyayaman ang iyong
talento?
2. Pagganyak
Iparinig ang Tugma:
Kalinisan
Batang malinis sa katawan
Araw-araw pinaliliguan
Malinis, magaan ang pakiramdam
Malayo sa sakit at karamdaman.
Ano ang pakiramdam ng batang bagong
paligo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng dalawang bata.
(Isang malusog at isang sakitin)
Sino sa palagay ninyo ang mas magiging
mahusay? Bakit kaya?
Iparinig ang awit:
Tayo nang maligo, para laging presko,
Pakiramdam ko, pakiramdam ko,
Mabango ako.
2. Pagtalakay
Ano ang dapat natin gawing araw-araw?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili?
Kailan ka dapat maligo?
2. Paglalapat
Lagyan ng / ang mga gamit mo sa iyong
paliligo
___aklat
___sabon
___bimpo
___lapis
___tubig
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o mali
1. Mabango ang pakiramdam ng bagong paligo.
2. Nakakatamad maligo lalot malamig.
3. Lilinis ka kapag ikaw ay naligo.
4. Minsan isang linggo lamang tayo dapat maligo.
5. Gumagamit ng sabon at shampoo sa paliligo.
V. Takdang-aralin
Iguhit ang mga bagay na ginagamit mo sa
iyong paliligo.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing
nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
- Nagpapalit ng kasuotang panloob
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Kailan ka dapat maligo?
2. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng
kasuotang
panloob. Ipatukoy ang ngalan ng bawat
isa.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 5 ng Sulo ng
Buhay
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga magkakapatid?
Ano ang nakaugaliang gawin ng
magkakapatid?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang palitan ang mga kasuotang panloob?
Kailan?
Tandaan: Magpalit ng kasuotang panloob nang
madalas at kung kinakailangan.
2. Paglalapat
Kulayan ang mga kasuotang panloob.
Sando
Palda
Polo
Brief
Panty, kamison, bestida

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o mali
1. Magpalit ng sando pagkatapos maligo
2. Babae lamang ang dapat na magpalit ng
kasuotang panloob.
3. Ugaliing lagging malinis ang isusuot na
kasuotang panloob.
4. Magpalit ng kasuotang panloob tuwing
makalawang araw.
5. Hindi na kailangang magpalit araw-araw ng
kasuotang panloob dahil hindi ito nakikita.
V. Takdang-aralin
Lutasin:
Napaihi ang batang lalaki sa kanyang pantalon.
Ano ang dapat niyang gawin.
A. Umiyak
B. Magsisigaw
C. Magpalit agad ng damit-panloob.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing
nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Gumagamit ng kagamitang pansarili
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Kailan ka dapa magpalit ng damitpanloob?
2. Pagganyak
Awit: This is the (Brush My Teeth)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 9 ng Sulo ng
Buhay
2. Pagtalakay
Sino ang nagsasalita sa kwento?
Anu-ano ang mga kagamitang pansarili na
nabanggit?
Mayroon ka din ban g mga gamit na iyon?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga pansariling gamit?
Bakit hindi natin ito maaring ipahiram kahit sa
kaibigan o kaanak man?
Tandaan: Dapat ingatan ang pansariling gamit at
hindi ito maaring ipahiram.
2. Paglalapat
A. Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 10 ng
Sulo ng Buhay
B. Gawain 2
Lagyan ng / kung mayroon kang gamit na
katulad ng nasa ibaba.
Sabon
Panyo
Sipilyo

Tuwalya
suklay
IV. Pagtataya:
Ikahon ang mga pansariling gamit na iyong
ginagamit sa paglilinis sa iyong katawan.
1. suklay
2. sepilyo
3. aklat
4. panyo
5. tuwalya
V. Takdang-aralin
Iguhit sa iyong kwaderno ang mga pansariling
gamit.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing
nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Pagiging malinis at maayos sa Gawain sa
pamamagitan ng paggamit ng pambura kung
kinakailangan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Pumalakpak kung ang babanggiting
gamit ng guro ay pansarili. Huwag kumibo
kung hindi.
--aklat
suklay
- sepilyo
lapis
2. Pagganyak:
Magpakita ng isang malinis at maayos
na gawa ng bata sa Art.
Ano ang masasabi ninyo sa gawa na ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 12 ng Sulo ng
Buhay
2. Pagtalakay
Ano mayroon sa klase ni Bb Rosas?
Ilang bata ang nagkamali?
Ano ang ginamit ng isang bata para burahin
ang gawa niya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano natin mapapanatili na malinis ang ating
gawing sulatin?
Ano ang dapat nating gamitin sa pagbubura?

Tandaan: Magdala lagi ng pambura. Iwasang


gamitin ang daliri sa pagbubura.
2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 13 ng Sulo ng
Buhay
IV. Pagtataya:
Ipagawa ang Gawain 2 sa pah. 14 ng Sulo ng
Buhay.
V. Takdang-aralin
Ugaliing gumamit ng pambura kung may
pagkakamaling nagawa sa mga sulatin.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Puna:
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-limang Araw)
I. Layunin:
Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing
nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan
Naiiwasang malukot o marumihan ang gawain

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

II. Paksang Aralin


Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gamitin kung ikaw
ay nagkamali sa iyong gawain?
2. Pagganyak
Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 15 ng Sulo ng
Buhay
2. Pagtalakay
Ano ang ipinagawa ng guro sa mga bata?
Para kanino ang Valentines Card?
Bakit masaya si Carla?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano natin mapapanatili na malinis ang ating
gawing sulatin?
Tandaan: Paano mo maiiwasang malukot o
marumihan ang iyong gawain?
2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 16 ng Sulo ng
Buhay
IV. Pagtataya:
Gumuhit ng isang pusong malaki at kulayan ng pula.
V. Takdang-aralin
Gawin ang Gawain2 sa pah. 17.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
Natutukoy ang mga pagkaing mainam sa
kalusugan.
- Pagkain ng tamang uri at dami
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Muling talakayin ang mga paraan ng
pagiging malinis sa katawan at anumang
gawain
Ano ang dapat gawin kung narumihan ang
isinusulat?
Ilan beses dapat magpalit ng damit-panloob?
2. Pagganyak
Kumain ba kayo bago pumasok sa paaralan?
Isa-isang tanungin ang mga bata kung ano
ang kanilang kinain.

(Gumamit ng mga larawan ng pagkain)


Isda
gatas kendi chiz curl pisbol
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o mali
1. Ubusin ang pagkain hanggat mayroon.
2. Kumuha lamang ng tamang dami ng pagkain na
kayang ubusin.
3. Kumain sa tamang oras.
4. Kailangan natin ng wastong pagkain
5. Kumain ng gulay araw-araw.
V. Takdang-aralin
Kung papipiliin ka ng pagkain, anong pagkain ang
gusto mo? Iguhit ito.Tama ba ang napili mong
pagkain? Bakit?
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento sa pahina 18 ng Sulo ng
Buhay
2. Pagtalakay
Anu-anong pagkain ang nakapagpapalusog
sa atin?
Alin sa dalawang bata ang kumakain ng
tamang uri at dami?
C. Pangwakas na Gawain
Paglalahat:
Paano natin mapapanatili namalusog ang ating
katawan?
Tandaan: Dapat tayong kumain ng tamang uri at
dami ng pagkain.
2. Paglalapat
Bilugan ang mga pagkaing kailangan natin.
1.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Nakikilatis ang mga gawaing maaring
makasama sa kalusugan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin: Tama o Mali
Kumain kung gusto lang ang ulam.
Puro karne lang dapat ang iulam.
Masama ang sopdrink sa kalusugan.
2. Pagganyak
Tugma: Ulan, ulan pantay kawayan
Bagyo, bagyo pantay kabayo.
Nakaranas na ba kayong maglaro sa ulan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin: May mga gawaing mabuti para sa
ating katawan. Mayroon din naming masama
para sa ating kalusugan. Isa-isa itong talakayin
sa klase.
2. Pagtalakay
Pag-usapan ang mga pagkaing mainam para
sa katawan. Sumunod pag-usapan ang mga
gawaing nakasasama sa kalusugan. Hal.
Pagpapaulan, pagtatampisawsa baha,
paglalaro sa init, pag-akyat sa puno , atbp.
C. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Anu-ano ang mga gawaing makasasama sa ating
kalusugan?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging
malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
4. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 3 sa pah. 24 Pupils Activity
Sheet

IV. Pagtataya:
Isulat ang T kung mabuti para sa ating
kalusugan
At M kung mali.
1. Kumain ng gulay.
2. Magsepilyo ng ngipin matapos kumain.
3. Maglaro sa gitna ng matinding init ng araw.
4. Mag-ehersisyo palagi.
5. Maglaro sa buong maghapon.
6. Matulog nang maaga.
7. Maglaro sa tubig-baha.
8. Ugaliin ang palaging paghuhugas ng kamay.
9. Uminom ng kape sa umaga.
10. Magpalit ng damit kapag napawisan.
V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang kalinisan ay daan sa ( kagandahan, kalinisan)
Kumain ng gulay upang humaba ang (kamay,
buhay)
Ang kalusugan ay ___ n gating kakayahan.
(nakapagpapaunlad, nakakasira)

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Nakikilatis ang mga gawaing maaring makabuti
sa kalusugan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magbigay ng mga gawaing maaring
makasama sa ating kalusugan..
2. Pagganyak
Awit: Mag-exercise tayo
Ano ang inyong pakiramdam pagkatapos
ninyong mag-ehersisyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin: May mga gawaing mabuti para sa
ating katawan.. Isa-isa itong talakayin sa
klase.
2. Pagtalakay
Pag-usapan ang mga gawaing mainam para
sa katawan.
Pag-eehersisyo
Pagtulog nang maaga.
Pag-inom ng 8 o higit pang baso ng tubig
Pagkain sa takdang oras.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga gawaing mabuti sa ating
kalusugan?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging
malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
2. Paglalapat
Ipagawa ang Gawain 3 sa pah. 24 Pupils Activity
Sheet
IV. Pagtataya:

Lagyan ng / ang mga gawing mabuti sa kalusugan.


Lagyan ng X ang hindi.
1. Pagpupuyat gabi-gabi.
2. Paglalaro ng basketbol
3. Pagtulog maghapon
4. Pagkain ng prutas at gulay
5. Pagkain kung masarap lang ang ulam. .
V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang kalusugan ay ___________.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Napahahalagahan ang ugnayan ng wastong
pangangalaga sa sarili sa paglinang ng mga
kakayahan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magbigay ng mga gawaing mabuti para sa
ating kalusugan.
Magbigay ng mga gawaing masama sa ating
kalusugan.
2. Pagganyak
Magpakita ng isang papet show sa mga bata.
Pagsalitain ang mga gulay na hindi kinakain o
madalang kainin ng mga bata.
Hal. Ampalaya: Hu hu hu
Kalabasa: Ampalaya bakit ka umiiyak?
Ampalaya: Nalulungkot ako. Hindi kasi ako
kinakain ng mga bata.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang isang maikling kwento.
Ito si Ana.Mahilig siyang kumain ng gulay at
prutas.Malinis palagi ang kanyang katawan
kaya naman madalang siyang magkasakit.Sa
paaralan, isa siya sa ipinagmamalaking magaaral.
2. Pagtalakay
Sino ang batang malinis?
Bakit kaya isa siya sa ipinagmamalaking
mag-aaral sa paaralan?
C. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Paano nakatutulong ang wastong pangangalaga
sa sarili sa pagpapaunl;ad ng kakayahan?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging
malinis. Kumain ng tama.Huwag magpabaya.

4. Paglalapat
Ipagawa ang Isabuhay sa pah. 27 Pupils Activity
Sheet
IV. Pagtataya:
Bilugan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.
1. Ano ang buting dulot ng pagiging malinis?
Ako ay magiging (payat, malusog)
2. Ano ang buting dulot ng pagiging malusog?
Ako ay magiging (masigla, mahina)
3. Ano ang mangyayari kung ikaw ay laging
masigla?
Ako ay makapag-aaral nang (mabuti,
hindi mabuti)
4. Ako ay (magkakasakit, hindi magkakasakit)
5. Ako ay (makapaglalaro, hindi makapaglalaro)
V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang kalinisan ay daan sa ( kagandahan, kalinisan)
Kumain ng gulay upang humaba ang (kamay,
buhay)
Ang kalusugan ay ___ ng ating kakayahan.
(nakapagpapaunlad, nakakasira)

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan

Ikatlong Linggo
(Ika-limang Araw)
I. Layunin:
- Nalilinang ang wastong pag-uugali hinggil sa
pangangalaga sa sariling kalusugan.
II. Paksang Aralin
Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 9-15
Kagamitan: larawan ng bata, tsart

busog.
4. Di na kailangan maligo kung maginaw.
5. Manghiram na lamang ng pansariling gamit
upang makatipid.
V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Para makamit ang malusog na katawan,
_____sa sarili ang kailangan.(disiplina)
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang mabuting naidudulot ng pagiging
malinis?
2. Pagganyak
Awit: Sampung mga Daliri
Lagi bang malinis ang inyong mga kamay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang ibat ibang mga kagamitan sa
paglilinis ng sarili. Ipasabi ang bahagi ng
katawan na nililinis nito.
2. Pagtalakay
Ano ang maaring mangyari kung hindi natin
lilinisin ang mga bahagi ng ating katawan
tulad ng ilong/ tenga?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging
malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.
2. Paglalapat
Ipagawa ang Subukin sa pah. 28 Pupils Activity
Sheet

IV. Pagtataya:
Sagutin : Tama o Mali
1. Ang taong tamad ay malinis din.
2. Dapat maging maingat sa pagpili ng mga
kinakain .
3. Mabuti na ang maging matakaw para laging

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan

Ika-apat na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Dula-dulaan
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Pag-iwas sa Pagsali sa Usapan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Buuin ang tugma:
Kumain ng gulay upang humaba ang _____.
2. Pagganyak
Nais ninyo bang makapanood ng isang duladulaan? (Ipaliwanag na ito ay parang
maikling palabas sa telebisyon.
( Gumamit ang guro ng ibat ibang boses para sa
mga
tauhan).
Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang dula-dulaan :
Sa salas ng bahay, nakaupo sa mahabang sopa
ang magkapatid na Belen at Mila. Samantalang
naglalaro sa kanilang harapan si Bobet.
Mila: Belen, mamamasyal kami sa Luneta Park
sa Linggo. Maghapong maglalaro sa parke ang
mga bata. Gusto mo bang sumama?
(Biglang sumali sa usapan si Bobet)
Bobet: Sige poi nay, sumama po tayo sa kanila.
Belen: Bobet, ilang beses ko bang sasabihin sa
iyo na huwag kang sasali sa usapan ng
matatanda.
Bobet: Inay, pasensiya nap o kayo. Gusto ko
lang po talagang sumama sa palaruan.
Belen: Kahit na. Hindi tamang sumasali ang
bata sa usapan dahil hindi naman ikaw ang
tinatanong.
Bobet: Hindi na po ako uulit inay.
2. Pagtalakay
Sino ang nakaupo sa salas?

Ano ang ping-uusapan ba?


B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Ano ang dapat mong tandaan kung may naguusap na matatanda?
Tandaan: Hindi dapat sumali ang bata sa usapan
ng matatanda. maliban kung siya ay
hinihingan ng paliwanag o kasagutan.
2. Paglalapat
Pumili ng ilang bata at ipasakilos ang dula-dulaan.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Narinig mong nagkukuwentuhan ang nanay at
kumare niya. napanood mo din ang pinag-uusapan
nilang palabas sa telebisyon kaya ______.
A. Bigla kang sasagot at ikukuwento ang palabas
B. Makikinig lamang sa nag-uusap.
C. Sasabihing mali ang kwentuhan nila.
V. Kasunduan:
Isaulo:
Hindi dapat sumasali ang bata sa usapan ng
matatanda.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Huwag Maingay
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Paglakad Nang Marahan Kung May Nagpapahinga
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit napagsabihan si Bobet ng nanay
niya? Tama ba ang ginawa niya?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng lolo na nasa kama.
Itanong: Ano ang ginagawa ng lolo?
Bakit kaya siya nakahiga sa kama?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig; Dumating si Lito kasama ang
kanyang
mga kalaro. Naabutan niyang
nakahiga sa kama at natutulog ang kanyang
lolo.
Kaya maingat siyang lumakad para kuhanin ang
kanyang bola malapit sa tinutulugan ng kanyang
lolo. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at
sumama sa mga kalaro matapos makuha ang
kanyang laruan.
2. Pagtalakay
Sino ang nakahiga sa kama?
Ano ang ginawa ni Lito sa silid ng lolo?
Paano siya lumakad at kinuha ang bola?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Ano ang dapat mong tandaan kung may
natutulog o nagpapahinga sa inyong tahanan?

Tandaan: Kung may nagpapahinga sa ating


tahanan. Iwasang mag-ingay lumakad nang
marahan.
2. Paglalapat
Ipasakilos ng pangkatan ang sitwasyon.
A. Tulog ang nanay ng dumating ka galing sa
paaralan at nais mong humingi ng meryenda.
B. Gusto mong manood ng TV kaya lang tulog
ang beybi mong kapatid.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Nagpapahinga ang lola mong maysakit. Biglang
nagsigawan ang mga kalaro mo sa labas ng bahay.
Ano ang gagawin mo?
V. Kasunduan: Isaulo:
Kung may nagpapahinga sa ating tahanan.
Iwasang mag-ingay lumakad nang marahan.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Disiplina
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat gawin kung may
nagpapahinga sa ating tahanan?
2. Pagganyak
Anong oras kayo pumapasok sa paaralan?
Naranasan na ninyong nahuli sa pagpasok? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang tugma sa mga bata:
Ang batang maagang natutulog
Di nahuhuli sa pagpasok.

2.

Paglalapat
Lutasin:
Gustong-gusto mo ang palabas sa TV, kaya
lang di mo pa nagagawa ang iyong assignments.
Ano ang gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Walang pasok sa paaralan. Ibig mong maglaro
ngunit may gawain ka pa sa bahay na dapat tapusin.
Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakas para makapaglaro.
B. Tatapusin muna ang gawain saka maglalaro.
C. Iuutos sa iba ang gawain para makapaglaro.
V. Kasunduan: Buuin:
Gawain ay may takdang-panahon.
May oras na ditto ay iniuukol.
_______ay dapat pairalin.
Upang umunlad ang buhay natin.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Ang batang nagpupuyat sa TV


Sa pagpasok laging nahuhuli.
Ang batang may oras sa pag-aaral
Sa klase ay laging ikinararangal.
Sa paglalaro akoy makikita
Kung gawaing bahay ay natapos ko na.
2. Pagtalakay
Ano ang kabutihan ng maagang pagtulog?
Ano ang mangyayari kung tayo ay magpupuyat sa
panonood ng TV.
Paano tayo laging makakasagot sa klase?
Kailan lamang kayo maglalaro?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan: Dapat bang magkaroon ng disiplina sa
lahat ng gawain? Bakit?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Ulirang Bata
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.26-38
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tama o Mali
Maglaro muna bago gawin ang mga takdang
aralin.
Matulog ng maaga para hindi mahuli sa
klase.
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang laging nauutusan sa bahay?
Sumusunod ka ba kaagad?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Ulirang Bata
Sina Renato at Rogelio ay naglalaro sa
bakuran. Maya-maya nakarinig si Renato
ng boses. Renato! Renato! ang tawag ng
ina.
Po ang sagot kaagad ni Renato at mabilis
na pumasok ng bahay. Naiwan ang kalarong
si Rogelio. Bakit po, Inay? ang tanong ni
Renato. Kumuha ka muna ng kahoy at
wala na akong panggatong. Opo, Inay,
sagot ni Renato. Noon din ay kumuha si
Renato ng kahoy na panggatong at dinala sa
kanyang ina sa kusina
2. Pagtalakay
Sumagot ba agad si Renato sa tawag ng ina?
Sumunod baa gad siya sa utos ng ina?
Anong uri ng bata si Renato?
B. Pangwakas na Gawain

1.

Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?
Tandaan: Kapag ikaw ay inuutusan
Ipakita ang paggalang
Sumusunod kaagad
Sa utos ng nanay.
Iwasang magdabog
O kayay sumusimangot
Madaling pagsunod
Sagot sa inuutos.
2. Paglalapat
Lutasin:
Maganda ang binabasa mong aklat pero
tinatawag ka ng nanay para utusan. Ano ang iyong
gagawin?
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Maganda ang palabas na kartun sa TV.
Paborito mo ito. maya-maya, tinawag ka ng ate at
may ipinakukuha sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ang ate
B. Hindi mo siya papansinin
C. Susunod kaagad at saka na lang itutuloy ang
pinanonood na palabas.
V. Kasunduan: Isaulo at isapuso.
Kapag ikaw ay inuutusan
Ipakita ang paggalang
Sumusunod kaagad
Sa utos ng nanay.
Iwasang magdabog
O kayay sumusimangot
Madaling pagsunod
Sagot sa inuutos.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-limang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon..
II. Paksang Aralin: Ang Munting Ibon
Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.26-38
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Wasto o di-wasto.
___Humingi ng bayad bago sumunod sa
utos.
___Magreklamo kapag madalas mautusan.
___Sumunod s utos ng nakangiti.
2. Pagganyak
Awit: Ang Pipit
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Ang Munting Ibon
May isang munting ibon sa pugad.
Ibig na niyang lumipad. Hindi pa muna,
anak ang sabi ng inang Ibon. Mahina pa
ang iyong mga pakpak. Baka ikaw ay
bumagsak.
Nagpilit din sa paglipad ang munting ibon.
Mabilis ang kanyang pag-alis sa pugad.
Biglang-bigla. Ngunit talagang mahina pa
ang kanayang pakpak. kaya siya ay
bumagsak sa lupa.
2. Pagtalakay
Ano ang nais gawin ng munting ibon?
Bakit ayaw pumayag ng inang ibon?
Sinunod ba niya ang bilin ng inang ibon?
Anong aral ang nakuha mo sa kwento?
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?

Tandaan:
Tayoy makinig sa nanay na bilin
Upang kapahamakan, di natin sapitin.
2. Paglalapat: Tama o Mali
1. Naglalaro ang mga bata ng apoy sa siga.
Sinaway sila ni Aling Marta pero hindi pa rin sila
tumigil.
2. May binabasang aklat si Ana. Tinawag siya ng
nanay. Pero hindi siya sumunod.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung wasto ang gawain at X kung
hindi.
1. Tinatawag ka ng nanay para maligo na. Antok na
antok ka pa kaya nagdabog ka.
2. Mahirap sumalok ng tubig kaya lang ng marinig
mo ang utos ng nanay nakangiti kang sumunod.
3. Sinasaway ka ng ate mo sa paglalaro ng tubig.
Bigla kang nag-iiyak.
4. Tinatawag ka ng lolo para ipaabot ang salamin
niya, nagbingi-bingihan ka.
5. May inuutos sa iyo ang kuya sa tindahan.
Naghingi ka pa ng pera bago ka sumunod.
V. Kasunduan:
Sagutan ang tseklis sa bahay.
A Palagi
B- Madalas C- Paminsanminsan
1. Sumasagot ba ako kaagad kapag tinatawag?
2. Sumusunod ba ako kaagad sa anumang
ipinag-uutos.
3. Sumusunod ba ako nang maulwag sa
kalooban?
4. Itinatabi ko muna ang anumang gawain
kapag inuutusan.
5. Iniiwasan kong gawin ang mga
ipinagbabawal sa akin.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan

Ikalimang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng
mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang
mabuti.
- pag-alaalala sa mga kasambahay
- (lolo at Lola)
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.121
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Muling pag-usapan ang mahahalagang
pangyayari sa kwentong , Ang Munting Ibon
Bakit napahamak ang munting ibon?
2. Pagganyak
Sinu-sino ang iba pang kasapi ng mag-anak?
Sino sa inyo ang kasama ang lola sa kanilang
bahay? (Hayaang ibahagi ng mga bata ang
kanilang karanasan)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Ang Lola ni Rico
Masipag ang lola ni Rico. Kahit matanda na at
malabo ang mata, nananahi pa rin ang lola.
Sinusulsihan ng Lola ang mga sirang damit at
medias nina Rico. Si Rico ang tagasuot ng sinulid
sa karayom ng Lola.
2. Pagtalakay
Anong ugali ang ipinakita ni Rico?
Mahal kaya niya ang kanyang Lola?
May malasakit kaya siya sa kanyang Lola?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa
inyong Lola? Lolo?
Tandaan:
Lolo at Lolay mahalin

Lagi silang alalahanin


Iwasang saktan kanilang damdamin
Sapagkat silay may pusong maramdamin.
2. Paglalapat: Lutasin:
Matanda na ang Lola ni Bea kaya paulit-ulit na
lang ang sinasabi nito.
Paano kaya siya dapat itatrato ng pamilya?
A. Sigawan kung kakausapin siya.
B. Huwag na lang kausapin ang lola.
C. Magpakita ng giliw sa pakikipag-usap sa
kanya para malibang.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa lola/lolo. X kung hindi.
__1. Halikan at yakapin ang lolo at lola.
__2. Huwag isabay sa pagkain ang lola dahil
mabagal nang kumain.
__3. Sigawan kung may nasisirang kagamitan.
__4. Kwentuhan ng mga masasayang kaganapan sa
paaralan.
__5. Tulungan sa pagtayo at paglakad kung nang
hihina.
V. Kasunduan:
Lutasin:
Kasama ni Liza ang kanyang Lola. Ibig ni Liza
na manood sila ng sine. Gusto naman ng Lola
niya na umuwi na ng bahay para
makapagpahinga.
Ano ang dapat gawin ni Liza?
A. Pauwiing mag-isa ang lola.
B. Sisihin ang lola dahil sumama-sama pa siya.
C. Pagbigyan ang matanda at manood na lang sa
ibang pagkakataon.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng
mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang
mabuti.
- pag-alaalala sa mga kasambahay (nanay at tatay)
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.119
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Gamit ang Tama o Mali plaskard hayaang
ipakita ang mga bata ang kanilang damdamin sa
mga sumusunod na sitwasyon..
1. Pinagbabalat ng prutas ang lolong maysakit.
2. Hindi pinapansin ang lolang nanghihingi ng
pagkain.
3. Inaalalayan sa paglakad ang matanda.
4. Sinisigawan kung mahina ang pandinig.
5. Malambing na kinakausap.
2. Pagganyak
Tula: Mahal ko si Ama
Mahal ko si Ina
Gayundin si Ate
At saka si Kuya
Sa aming pamilya
Kamiy maligaya
Dahil sama-sama
Sa tuwi-tuwina.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig ang kwento:
Galing sa paaralan si Lena at Toni.
Pagdating sa bahay naabutan ng magkapatid na
abala ang nanay sa mga gawaing bahay. Agad
tinulungan ng magkapatid ang ina para ito ay
makapagpahinga. Maya-maya, dumating ang tatay.
Nagmano ang magkapatid at sinalubong ang ama.

Agad iniabot ni Toni ang tsinelas ng ama. Pinaupo


naman ito ni Lena at ipinagtimpla ng kape. Tuwangtuwa ang nanay at tatay sa kanilang mga anak.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang magkapatid?
Paano nila ipinakita ang malasakit sa mga
magulang nila?
Kaya ninyo ba silang gayahin?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa
inyong nanay at tatay?
Tandaan:
Tumulong, magmalasakit
Sa mga magulang
Kung tunay na silay
Ating minamahal.
2. Paglalapat: Lutasin:
Naglalaba ang nanay. Pawis na pawis ito pero
hindi makatayo dahil sa dami ng mga damit na
nilalabhan. Paano mo maipapakita ang malasakit
mo sa kanya?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa tatay/nanay. X kung hindi.
__1. Sundin ang anumang utos ng magulang.
__2. Dumabog kung hindi naibili ng laruan.
__3. Mag-aral na mabuti para matuwa angb
magulang.
__4. Tulungan sa mga gawaing bahay.
__5. Labanan ang magulang kung napapagalitan.
V. Kasunduan:
. Sumulat ng 3 paraan kung paano mo ipinakikita
na mahal at may malasakit ka sa iyong tatay at
nanay.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalimang Linggo

(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng
mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang
mabuti.
- pag-alaalala sa mga kapwa-bata
- (kalaro/kamag-aaral)
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.119
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa
iyong nanay? tatay?
2. Pagganyak
Ano ang ginagawa ninyo kung walang pasok?
Marami ba kayong kalaro?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Kadadating pa lamang ng Tatay ni Alvin
galing sa Saudi. May mga pasalubong itong mga
laruan sa kanya. Isang robot na maganda at
malaki.Agad ipinagmalaki niya ito sa mga kalaro
niya.
Si Ben na kalaro niya ay nakatingin lang. Wala
kasi siyang mga laruan na katulad ng kay
Alvin.Ng Makita ni Alvin ang kalaro, inaya niya
ito. Ipinahiram din niya ang bago niyang laruan.
Natuwa ang tatay ni Ben sa ipinakitang ugali ng
anak.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang tatay ni Alvin?
Ano ang pasalubong niya?
Bakit nakatahimik lang ang kalaro niya?
Paano napasaya ni Alvin si Ben?
Anong ugali ang ipinakita niya?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa
inyong kalaro?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng malasakit sa ating
mga kalaro.
2. Paglalapat: Lutasin:
Nakita mo na umiiyak ang kaklase mo dahil
wala siyang baon pagkain. Ano ang gagawin
mo?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa kalaro /kamag-aaral. X kung hindi.
___1. Tulungan kung nangangailangan.
___2. Isali sa mga laro at kasayahan.
___3. Iwasan kung mahirap lang.
___4. Pagtaguan ng pagkain.
___5. Tuksuhin kung natatalo sa laro.
V. Kasunduan:
Lutasin:
Nakita mo na inaaway ng mga bata ang kaklase
mo.
Ano ang gagawin mo?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng
mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang
mabuti.
- pag-aalaga sa nakababatang kapatid
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.119
Sulo ng Buhay pah. 128
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa
iyong kalaro? kamag-aaral?
2. Pagganyak
Ilang kayong magkakapatid sa inyong pamilya?
Sino ang pinakabunso sa inyo?
Awit: Ang Mag-anak
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Nag-aaral ng kanilang leksiyon sina Michael,
Mae at Edward. Sa kusina, abala naman sa
pagluluto ang ina.
Narinig nila ang pag-iyak ng kanilang bunsong
kapatidna si Eugene sa kanyang kuna. Waring
nagugutom na ito. Kami na po, Mama.
Ipagtitimpla naming ng gatas si Eugene at
aalagaan namin siya, ang wika ni Mae. Sumangayon si Michael at Edward.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga bata na nag-aaral ng kanilang
leksiyon sa kwento?
Nasaan ang ina ng mga bata?
Bakit umiyak ang batang si Eugene?
Nakatulong ba sila sa kanilang nanay?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa
inyong nakababatang kapatid?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng malasakit sa ating
mga nakababatang kapatid.
2. Paglalapat: Lutasin:
Nanonood ka ng paborito mong palabas sa TV.
Tulog sa duyan ang kapatid mo. Paano mo
matutulungan ang iyong ina na abala sa
paglalaba?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng kanais-nais na
gawi at X ang hindi.
___1. Pagtimpla ng gatas ang nagugutom na
kapatid..
___2. Pakikipaglaro sa kapatid.
___3. Hayaang umiyak ang kapatid.
___4. Bantayan ang kapatid para hindi mahulog.
___5. iasa lang ang bata sa yaya.
V. Kasunduan:
Lutasin:
Namalengke ang nanay. Wala pa siya nang
magising si Bunso. iyak ito nang iyak at
hinahanap ang nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Papaluin mo siya.
B. Makikisabay ka sa pag-iyak niya.
C. Lilibangin o lalaruin mo siya para tumigil sa
kakaiyak.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalimang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng
mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang
mabuti.
- pag-aalaga sa kapamilyang maysakit
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
pah.119
Sulo ng Buhay pah. 87
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit
sa iyong nakababatang kapatid?
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng matandang
maysakit na nakahiga sa kama.
Itanong: Ano sa palagay ninyo ang
dinaramdam ng taong ito?
Hayaang magbigay ng kanilang kuro-kuro
ang mga bata.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento:
Araw ng Sabado. Walang pasok sa paaralan ang
magkapatid na Miguel at Miradel. natutulog ang
lolo nilang maysakit, kaya iniwsan nila ang paggawa
ng ingay o paglalaro na maaring makagising sa
kanilang lolo. mahal na mahal nina Miguel at
Mirdel ang kanilang lolo. Ayaw nilang magambala
ang pagtulog nito.
2. Pagtalakay
Bakit walang pasok sina Miguel at Miradel?
Sino ang maysakit?
Ano ang iniwasan nilang gawin at bakit?
Paano nila ipinakita ang pagmamahal at paggalang
sa lolo nila?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa
inyong

kasambahay na maysakit ?
Tandaan:
Iiwasan ko ang paglikha ng ingay kapag may
natutulog o maysakit sa bahay.
2. Paglalapat: Lutasin:
May lagnat ang ate mo kaya hindi niya magawa
ang gawaing bahay na ipinagagawa sa kanya.
Ano ang gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Iguhit ang O kung tama at O kung mali ang asal na
inilalahad kapag mayroong maysakit na
kasambahay.
1. Lumakad nang marahan.
2. Magsalita nang mahina.
3. Maghabulan sa bahay.
4. Ilapag nang marahan ang mga gamit.
5. Lakasan ang radio o telebisyon.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo

(Unang Araw)
I. Layunin:
- napahahalagahan ang pagkakaroon ng
masayang pamilya.
- pagkukuwento tungkol sa masayang karanasan
o pangyayari sa araw-araw.
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31
Sulo ng Buhay pah. 134
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Maysakit ang lola mo. Paano mo
maipapakita sa kanya ang iyong
pagmamalasakit?
2. Pagganyak
Awit: Aking Ama at Aking Ina
(Tono: Manang Biday)
Aking ama at aking ina
Sa trabaho ay tulong sila
Nagluluto at naglalaba
Pumapasok sa opisina.
Si kuya at si ate naman
Ako ay inaalagaan
Pamilya namiy maliit man
Masaya at nagmamahalan.
Itanong: Anong uri ng pamilya ang
nabanggit sa awit?
Masaya rin ba ang inyong pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-usapan ang mga masasayang karanasan
ng mga bata sa kani-kanilang pamilya.
2. Pagtalakay
Anu-anong mga pangyayari ang dapat natin pagusapan upang maging Masaya an gating pamilya?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang
pamilya? Bakit?

Tandaan:
Masaya ang batang kabilang sa masayang
pamilya.
Mapapasaya natin ang ating mga kaanak sa
pamamagitan ng pagkukuwento ng masasayang
karanasan sa araw-araw.
2. Paglalapat: Lutasin:
Habang kumakain ang mag-anak, nagkwento si
Dina tungkol sa pag-aaway nila ng kaklase niya.
Tama ba iyon? Bakit?
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
____1. Masarap ang pakiramdam ng mga kasapi
ng masayang mag-anak.
____2. Nag-aaway araw-araw ang tatay at nanay.
____3. Sama-samang namamasyal tuwing Linggo
ang pamilya ni Ben.
_____4. Masyadong abala ang tatay sa barkada kaya
nanay na lamang ang magpapasyal sa mga anak.
____5. Sabay-sabay kumakain ang buong maganak.
V. Kasunduan:
Magdikit ng larawan ng iyong pamilya sa notbuk.
Isulat sa ibaba. Ang Aking Masayang Pamilya
.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
- Nakapag-aambag ng kasiyahan sa pamilya sa
pamamagitan ng pagpapamalas ng kakayahan.
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Hep-hep kung tama at Hurrey kung mali.
___Masaya ang mag-anak na laging nagaaway.
___Ang mag-anak na masaya ay nakasisiya.
___Masaya ang mga anak kung
magkahiwalay ang mga magulang.
___Ang masayang pamilya ay may panahon
para sa isat-isa.
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may mga lolo at lola sa
malayong probinsiya?
Dinadalaw ba nila kayo o kayo ang
dumadalaw sa kanila?
(Hayaang magbahagi ang mga bata ng
kanilang karanasan)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento :
Minsan, dumalaw ang lolo at lola nina Aya
at Buboy galing sa probinsiya. Masayang
nagkakatipon ang mga mag-anak.
Upang lalong mapasaya, naghandog ng
isang awit si Aya na natutuhan niya sa
paaralan.
Tuwang-tuwa ang dalawang matanda sa
pag-awit ng apo. Niyakap nila ito.
Si Buboy naman ay nagpakitang gilas din sa
pagsayaw. Tuwang-tuwa ang mag-anak.
Kaysaya nila.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang dumating na panauhin?

Saan sila galing?


Paano napasaya ng magkapatid ang kanilang
lolo
Lola?
Bakit kaya sila mahal ng kanilang pamilya?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang
pamilya?
Paano ka makapag-aambag ng kasiyahan sa
iyong pamilya?
Tandaan:
Ang pagpapamalas ng kakayahan ay nakapagaambag ng kasiyahan sa ating pamilya.
2. Paglalapat: Lutasin:
Dumating ang mga pinsan mo galing sa ibang
bansa. Nahilingan ka ng isang tula. Ano ang
gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Kaarawan ng lolo mo kaya nagdatingan lahat
ang mga pinsan mo. May ginayak na palatuntunan
para lalong maging masaya ang pagtitipon. Ano ang
gagawin mo para makapag-ambag ka ng iyong
kakayahan?
Ako ay ___________________________.
V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili habang ginagawa ang
kakayahang nais mong maiambag upang mabigyan
ng kasiyahan ang iyong pamilya.
.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo

(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Nakapag-aambag ng kasiyahan sa pamilya sa
pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain.
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral pah. 131
Kagamitan: larawan ng bata, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano natin mapapasaya ang ating
pamilya?
2. Pagganyak
Tumutulong ka ba sa mga gawain sa
bahay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento :
Maraming gawin sa bahay. May mahihirap
na gawain at may madali rin naman. Ayon
sa ating kakayahan ay inaatasan tayo n
gating mga magulang na tumulong ayon sa
mga gawain.
Masaya ang mag-anak. Lahat ay may
ginagawa upang mapagaan ang gawaingbahay. Madaling natatapos ang mga gawain
Nagkakaroon sila ng maraming panahon sa
pahinga. Nakakapanood sila ng TV.
Nakakapamasyal din sila.
2. Pagtalakay
Sino ang gumagawa ng mga gawaing-bahay?
Paano nila ginagawa ang mga gawaing ito?
Ano pa ang maari nilang gawin bukod sa mga
gawaing bahay?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang
pamilya?

Paano ka makapag-aambag ng kasiyahan sa


iyong pamilya?
Tandaan:
Ang pagtulong sa mga gawaing-bahay ay
nakapag-aambag ng kasiyahan sa ating pamilya.
2. Paglalapat: Lutasin:
Naglalaro kayo ng mga kapatid ninyo nang bigla
kayong bigyan ng nanay ng kanya-kanyang
gawain. Ano ang gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang kapamilyang nakapagaambag ng kasiyahan sa kaanak. X ang hindi.
___1. Si ate ay maagang gumigising at nagluluto ng
almusal.
___2. Si Kuya ay palaging inuutusan pero hindi
naman sumusunod.
___3. Si Rona ay nagdadabog habang nagwawalis.
___4. Masipag si Alex magpunas ng mesa matapos
kumain.
____5. Maagang namamalengke si nanay.
V. Kasunduan:
Isulat ang mga gawaing naitulong mo sa iyong
pamilya sa araw-araw.
Simulan ng Linggo hanggang Sabado.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-anim na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagkain
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
188
Kagamitan: larawan ng mag-anak na kumakain
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga gawain sa tahanan na
nagagampanan mo?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mag-anak sa
hapag-kainan.
Ano ang ginagawa ng mag-anak?
Ang mag-anak ninyo rin ba ay sabay-sabay
kung kumain? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula :
Pagkain ng Mag-anak
Ang mag-anak na salu-salo sa pagkain
Huwaran ng mabuting pagtingin
Paggalang sa isat-isa
Ipinadarama sa tuwina.
2. Pagtalakay
Saang silid naroon ang mag-anak?
Ano ang kanilang ginagawa bago at matapos
kumain?
Ano ang ugaling ipinakita ng mag-anak?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Ano ang dapat gawin bago at matapos kumain?
Tandaan:
Iwasang papaghintayin
Sa mesa ang pagkain

Sama-sama tayong manalangin


Bago at matapos kumain.
2. Paglalapat: Lutasin:
Gutom na gutom ka na pero magdarasal pa
muna bago kumain. Ano ang iyong gagawin?
IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nais mong kumuha ng kanin pero itoy malayo sa iyo.
Ano ang iyong sasabihin?
a. Pahingi ng kanin.
b. Pakiabot nga po ng kanin
c. Hoy! Kanin nga.
2. Tinatawag ka na para kumain, kaya lang hindi pa tapos
ang pinapanood mo sa TV. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabay sa pamilya sa pagkain.
b. kakain sa harap ng TV.
c. Magdadabog at di na kakain.
3. Mainit ang sabaw. Paano mo ito hihigupin?
a. Hihigupin nang bigla.
b. Hihigupin nang malakas ang tunog.
c. Hihigupin nang dahan-dahan.
4. Hindi pa dumarating ang tatay pero gabing-gabi na
kaya pinauna na kayong kumain. Ano ang dapat ninyong
gawin?
a. ubusin ng lahat ang pagkain.
b. Ipagtabi ng pagkain ang tatay.
c. Tirahan ng kaunting pagkain ang tatay.
5. Masarap ang inyong ulam. Paano mo ito sasabihin sa
nanay?
a. Ilakas ang pagnguya.
b. Ubusin lahat ang ulam.
c. Purihin ang nanay at sabihin na masarap ang niluto
niya.
V. Kasunduan:
Bilugan ang angkop na salita upang matapos ang tugma.
Ang pamilyang sabay-sabay kumain ay palaging___.
(pagpapalain, uulanin, walang uulamin)
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-anim na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagdarasal
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
181
Kagamitan: larawan ng mag-anak na nagdarasal
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gawin bago at matapos
kumain?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mag-anak na
nagdarasal?
Ano ang ginagawa ng mag-anak?
Ang mag-anak ninyo rin ba ay sabay-sabay
kung magdasal?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula :
Mag-anak na sama-sama sa pagdarasal
Pinakikinggan ng Maykapal
Ang taimtim nilang panalangin
Nakaabot sa Kanyang paningin.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga nasa larawan?
Ano ang kanilang ginagawa?
Ano ang kanilang ipinagdarasal? Bakit?
Ano ang orasyon?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Bakit mahalaga ang pagdarasal?

Tandaan:
Ang orasyon ay pagdarasal ng mag-anak tuwing
sasapit ang ika-anim ng gabi.
Dapat tayong makiisa sa pagdarasal ng ating
pamilya.
Sumama tayo sa pagpapasalamat sa mga
biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin.
2. Paglalapat: Lutasin:
Tinatawag ka ng lolo mo para makiisa sa
pagdarasal ng orasyon kasabay pa naman nito
ang paborito mong palabas sa TV. Ano ang
iyong gagawin?
IV. Pagtataya:
Sagutin ng Tama o Mali.
___1. Tinatawag si Roy para sa pagdarasal ng
orasyon. Nagkunwaring tulog na siya.
___2. Ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa
Diyos.
___3. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa
mga
Biyayang ibinibigay niya.
___4. Tumigil na sa pagdarasal kapag matagal
makuha ang hinihiling sa Diyos.
___5. Magdasal bago matulog at pagkagising sa
umaga.
V. Kasunduan:
Sumulat ng isang maikling panalangin ng
pasasalamat sa Diyos.
Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagsisimba
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
185
Kagamitan: larawan ng mag-anak at simbahan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Buuin ang tugma:
Ang mag-anak na sama-samang nagdarasal
ay
_______ng Maykapal.(pinagpapala)
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng mag-anak na
papunta sa simbahan.
Itanong: Saan patungo ang mag-anak?
Sinu-sino sila?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula :
Pagsisimba ng Mag-anak
Anot ibig humiwalay pa?
Kung ang patutunguhay pagsisimba.
Hindi ba tunay na maganda
Kung tayo ay sama-sama?
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga nasa larawan?
Saan sila papunta?
Anong araw kaya iyon?
Bakit sila magsisimba?
Ang pamilya ba ninyo ay sama-sama ring
nagsisimba? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain

1.

Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagsisimba ng
buong pamilya?
Tandaan:
Ang sama-samng pagsisimba ng buong
miyembro ng pamilya ay isang likas na
kaugalian na kinikilala sa ating bayan.
2. Paglalapat: Lutasin:
a. Ginigising ka ng iyong ina para
magsimba. Pero, antok na antok ka pa.
Ano ang iyong gagawin?
b. May nakita kang kaklase mo sa loob ng
simbahan, gusto niyang tabihan ka para
kayo ay magkwentuhan. Ano ang
gagawin mo?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mabuting kaasalan habang
nagsisimba.
___1. Iniiwasang mahuli sa pagsisimba.
____2. Natutulog sa loob ng simbahan.
____3. Linga nang linga sa loob ng simbahan.
____4. Nakikiisa sa pag-awit at pagdarasal.
____5. Kumakain sa loob ng simbahan.
V. Kasunduan:
Magtala ng 2 gawain kung paano ka makakatulong
sa pagpapanatili na malinis ang inyong simbahan.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pamamasyal.
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 31-32
Kagamitan: larawan ng mag-anak na namamasyal
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong araw ang pagsisimba ng mag-anak?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagsisimba
ng pamilya?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng mag-anak na
masayang namamasyal.
Sabihin: Ito ang pamilya ni Mang Edwin.
Namamasyal sila. Ang sasaya ng mga
batang sina Aya at Buboy. Pati na rin ang
kanilang mga magulang na sina Aling Nene
at Mang Edwin. Sa parke, nagbisikleta si
Aya.
Nagpalipad naman ng saranggola si Buboy.
Tuwang-tuwa sila.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga nasa larawan?
Saan sila papunta?
Bakit sila masaya?
Ano ang ginawa ng mga bata?
C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pamamasyal
ng buong pamilya?
Tandaan:

Ang sama-samang pamamasyal ng buong


miyembro ng pamilya ay nakakapagpatibay ng
kanilang samahan.
2. Paglalapat:
Ipasadula nang pangkatan ang pamamasyal ng
mag-anak.
IV. Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung tama at malungkot
na mukha kung mali.
______1. Pupunta ang mag-anak sa mall kaya
masaya silang lahat.
______2. Nag-aaway at nag-aagawan sa see-saw
ang magkapatid habang sila ay nasa palaruan.
______3. Humiwalay sa magulang habang
namamasyal.
______4. Sundin ang mga babala sa pook-pasyalan
na pinupuntahan.
______5. Magpabili nang magpabili ng mga
nakikitang pagkain kahit busog na habang
namamasyal.
V. Kasunduan:
Magtala ng 2 gawain kung paano ka makakatulong
sa pagpapanatili na malinis ang inyong simbahan.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagdalo sa kasayahan
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
191
Kagamitan: larawan ng mag-anak
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tama o Mali
Makipagkwentuhan sa loob ng simbahan.
Makiisa sa pagdarasal.
Magpalinga-linga para makahanap ng
kakilala.
Kumain sa loob ng simbahan.
Magsuot ng maayos na damit kung
magsisimba.
2. Pagganyak
Anu-anong okasyon ang nadaluhan nyo
na kasama ang inyong pamilya?
Naging Masaya ba kayo? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tugma :
Pagdalo sa Kasayahan
Sa bertdey, kasal o binyagan
Nakikiisa ang pamilya sa pagdiriwang
Lipos ng saya at sigla
Nakikita sa mukha nila.
2. Pagtalakay
Anu-anong kasayahan ang dinaluhan ng mag-anak?
(Hayaang magkwento ang mga bata ng kagayang
karanasan.)

Masaya ba ang mag-anak? Paano mo nasabi?


C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagdalo ng
mag-anak sa mga kasayahan?
Tandaan:
Kaibigay ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayoy kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
2. Paglalapat
Dadalo sa isang kasalan ang iyong Tatay at
nanay. Magpupumilit ka bang sumama?
Bakit?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga kasayahang nadaluhan mo na
kasama ang iyong pamilya:
_____bertdey
_____kasalan
____binyagan
____pagbabasbas ng bahay
____ reyunion ng pamilya
V. Kasunduan:
Magdala ng isang larawan na nagpapakita ng iyong
pagdalo sa isang kasayahan.Humanda sa
pagkukuwento tungkol dito.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pagdalaw sa kaanak
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
193
Kagamitan: larawan ng mag-anak
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-anong mga kasayahan o okasyon ang
malimit na dinadaluhan ng buong pamilya?
2. Pagganyak
Mayroon ba kayong kamag-anak sa
malalayong lugar?
Paano ninyo sila nakikita o nakukumusta?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula:
Pagdalaw sa Kaanak
Kaanak sa malalayong lugar.
Atin silang dinadalaw
Silay di nalilimutan
Pagkat silay minamahal.

C. Pangwakas na Gawain
1.
Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pagdalaw ng
pamilya sa kaanak sa malalayong lugar?
Tandaan:
Kaanak, kaibigay alalahanin
Loob nilay palakasin
Sakit nilay gagaling din
Halina, atin silang dalawin.
2. Paglalapat
Sinabi ng nanay na dadalaw kayo sa pinsan
mong maysakit sa lalawigan. Matutuwa ka
ba?
Bakit?
IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Dumadalaw tayo sa kaanak na maysakit para sila
ay ( takutin, pagalitin, damayan).
2. Nagdadala tayo ng mga (pagkain, damit, paninda)
upang sila ay lumakas.
3. Di natin sila kinalilimutan dahil( mahal,
kinaiinisan,
kinaiinggitan) natin sila.
4. (Masaya, Malungkot, Galit) ang mag-anak na
sama-samang dumadalaw sa kaanak.
5. Ang mag-anak na dumadalaw sa kaanak ay
nagpapakita ng ugaling(maalalahanin,
pagkamasipag,
pagkamatapat).
V. Kasunduan:
Nalaman mong maysakit ang lola mo sa probinsiya.
Ano ang gagawin mo para maipakita na mahal mo
siya?
Puna:

Atin silang dinadalhan


Ng pagkain, sariwang gulay
May prutas, itlog, at gatas
Upang sila ay lumakas.
2. Pagtalakay
Saan nagpunta ang mag-anak?
Saan sila naroroon?
Anu-ano ang kanilang mga dala?
Para ano/saan ang mga ito?
Ano ang ugaling kanilang ipinakita?

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- naisasagawa ang mga kilos at gawain na
nagpapasaya sa tahanan gaya ng:
- pagsasama-sama sa pakikiramay sa kaanak
II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat
Miyembro
ng Pamilya
Aralin: Mahal ko ang Aking Pamilya
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.16
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
195
Kagamitan: larawan ng mag-anak
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin: Oo o Hindi
Nililibang ko ba ang maysakit?
Nag-aabot ba ako ng kanilang kailangan?
Masaya ba ako sa pakikipag-usap?
Masasaya ba ang aking sinasabi?
Pinalalakas ko ba ang kanilang loob?
2. Pagganyak
Nakasama na ba kayo sa inyong mag-anak
sa isang lamayan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula:
Lamayan
Kung may kaanak na namatay
Buong pamilyay dumadalaw
Nag-aabuloy, naglalamay
Ugaling Pilipino, ang pagtutulungan.
2. Pagtalakay
Saan naroon ang mag-anak?
Anu-ano ang nakikita sa lamayan?
Anu-ano ang ginagawa sa lamayan?
Ano ang abuloy?
Anong ugaling Pilipino ang kanilang ipinakita?
C. Pangwakas na Gawain

1.

Paglalahat:
Anong gawain ang nakapagpapasaya sa
pamilya?
Bakit mahalaga ang sama-samang pakikiramay
sa kaanak?
Tandaan:
Sa ating pagsasaya
Mag-anak ang kasama.
Sa ating kasawian
Sila rin ang karamay.
2. Paglalapat
Isinasama ka ng nanay mo sa lalawigan
dahil may kaanak kayong namatay. Sasama
ka ba?
Bakit?
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
_____1. Sama-samang nakikiramay sa kaanak ang
pamilya upang makipagsaya sa namatayan.
_____2. Nakikiisa sa gawain sa lamayan tulad ng
pagdarasal.
_____3. Nanginginain lamang ng mais at butong
pakwan.
_____4. Masayang nakikisali sa pagsusugal.
_____5. Nagbibigay ng abuloy o tulong na
pinansiyal.
V. Kasunduan:
Nasa lamayan kayo ng pamilya mo. May nakita
kang kaklase mo at inaaya ka niyang maglaro ng
habulan.
Ano ang gagawin mo?

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Nakapagsasalita
II. Paksang Aralin: Katotohanan
Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14; ESP- Pupils Activity Sheets
pah. 34-35; Wastong Pag-uugali sa Makabagong
Panahon I pah. 81
Kagamitan: larawan ng bata
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano natin ipinakikita ang ating pakikiramay sa
ating mga kaanak na namamatayan?
2. Pagganyak
Ipatukoy sa mga bata ang ibat ibang bahagi ng
kanyang ulo.
Anu-ano ang ibat ibang bahagi ng iyong ulo?
Ano ang nasa loob ng ating bibig?
Bakit kaya tayo mayroong dila?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling tula:
Kilala mo ba Ako?
Ako ang batang si Jose Rizal.
Isinilang ako sa Calamba, Laguna.
Mahal ko ang aking bayan.
Pilipinas ang aking bayan.
2. Pagtalakay
Sino ang bata sa maikling kwento?
Saan siya isinilang?
Ano ang kanyang bansa?
Anong kakayahan ang ipinakita niya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang
tao?
Tandaan:
Ang tao ay nakapagsasalita.

Sabihin ang iyong nais


Ipaliwanag ang iyong panig.
Magsalita upang malaman ang katotohanan.
2. Paglalapat
Ano ang kaibhan ng tao sa hayop?
Ano ang kayang gawin ng tao na hindi kayang
gawin ng hayop?
IV. Pagtataya:
Ikaw ay nakapagsasalita. Alin-alin ang maari
mong gawin upang magamit ang iyong kakayahan
sa pagsasalita. Lagyan ng /. X ang hindi.
___1. Pagtsitsismis
___2. Pag-awit
___3. Pagmumura sa kapwa
___4. Pagtula
___5. Pagpuri sa magandang ginawa ng kapwa
___6. Paninira sa iba.
___7. Panlalait
___8. Pang-uuto
___9. Pananalangin
___10. Pakikipagtalo
V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang dila. Isulat sa ibaba.
Maliit kong dila, mag-ingat lagi sa pagsasalita.
Nang hindi ka makasakit ng kapwa.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang
bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- nakasasagot
II. Paksang Aralin: Katotohanan
Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
82
Kagamitan: larawan ng bata
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang kakayahan ng tao na hindi kayang
gawin ng mga hayop?
2. Pagganyak
Naranasan na ninyong magpalipad ng
saranggola?
Ano ang inyong naramdaman?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isang karanasan
ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad
ninyo.
Hawanin muna ang mga balakid:
- Tore o simboryo
- nangahas
Ang Saranggolang Nasabit
Isang bata ang nakita kong umiiyak dahil
nasabit ang kanyang saranggola sa tore o simboryo
ng simbahan. Inakyat ko iyon at ibinigay sa
kanya. Bakit ka nangahas na umakyat sa tore ng
simbahan? ang tanong sa akin ng pari.Naawa po
kasi ako sa batang umiiyak at tinutukso ng mga
kapwa bata dahil hindi makuha ang saranggola,
ang aking sagot.
2. Pagtalakay

Sino ang batang nagsasalaysay sa kwento?


Saan siya umakyat?
Bakit siya umakyat sa tore?
Ano ang sinabi ng pari sa kanya?
Ano ang isinagot ng bata? Paano siya sumagot?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang
tao?
Tandaan:
Ang tao ay nakasasagot.
Sabihin ang iyong nais
Ipaliwanag ang iyong panig.
Sumagot upang malaman ang katotohanan.
2. Paglalapat
Lutasin:
Masakit ang iyong ngipin. Binibigyan ka ng
kendi ng iyong kalaro. Ano ang iyong sasabihin?
Tatanggapin mo ba ang kendi?Bakit?
IV. Pagtataya:
Bilugan ang tamang sagot.
1. Tinatanong ka ng lolo kung kumain ka na.
Ano ang isasagot mo?
a. oo b. kanina pa c. Opo Lolo
2. Tinatawag ka ng nanay mo. Paano ka sasagot?
a. Bakit ka tawag nang tawag?
b. Ano ba gusto mo sa akin?
c. Andiyan na po nanay.
3. May umutot. Sinabi ng katabi mo na ikaw. Ano
ang sasabihin mo?
a. Hindi ako.
b. Baka ikaw tanga!
c. Siguro si __.
V. Kasunduan:
Laging gumamit ng po at opo sa pagsagot.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- nangangatwiran
II. Paksang Aralin: Katotohanan
Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
82
Kagamitan: larawan ng bata
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka dapat sumagot sa tawag o tanong?
2. Pagganyak
Napalo ka na ba ng nanay o tatay mo? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang
karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang
katulad ninyo.Katulad ninyo si Jose ay nakaranas
din mapalo ng kanyang ina. Alamin natin kung
ano ang dahilan.
Hawanin ang balakid: seda, sinamay
maginhawa
Ang Barong Sinamay
Isinuot ni Jose ang damit na seda sa halip na
barong sinamay na pambahay. Pinalo siya ng
kanyang ina nang ayaw niyang hubarin ang damit
na sedang pansimba.Bakit ba ayaw mong isuot
ang damit na sinamay? ang tanong ng kanyang
ina.
Makati pos a balat ang damit na sinamay. Ang
seda po ay maginhawa, ang katwiran ni Jose
2. Pagtalakay
Bakit napalo ng kanyang ina si Jose?
Bakit ayaw niyang isuot ang sinamay?

Paano niya ipinahiwatig ang kanyang pagtutol sa


pagsusuot ng ayaw niyang damit?
Maayos ba siyang nangatwiran?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang
tao?
Tandaan:
Ang tao ay nakapangangatwiran.
Sabihin ang iyong nais
Ipaliwanag ang iyong panig.
Mangatwiran upang malaman ang katotohanan.
2. Paglalapat
Lutasin:
May nagtapon ng kalat sa sahig. Sabi ng
kaklase mo ikaw iyon. Paano ka
mangangatwiran sa iyong guro?
IV. Pagtataya:
Mangatwiran nang maayos upang ipakita ang
katotohanan sa bawat sitwasyon.
1. May sinat ka. Inuutusan ka ng nanay mo na
maligo ka
na.____________________________________
2. Busog ka pa pero pinipilit ka ng ate mo na
kumain
na.____________________________________
3. Pinatutulog ka na ng kuya mo kaya lang hindi ka
pa tapos sa paggawa ng mga assignments
mo.____________________________________
4. Sabi ng katabi mo sa guro kinopya mo ang sagot
niya. Hindi naman totoo.__________________
5. Nanalo ka sa laro pero sabi ng kalaban dinaya mo
siya.___________________________________
V. Kasunduan:
Mangatwiran nang maayos kung kinakailangan.
Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang


na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- nakikinig
II. Paksang Aralin: Katotohanan
Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
82
Kagamitan: larawan ng bata
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka dapat mangatwiran?
2. Pagganyak
Aling bahagi ng iyong katawan ang tumutulong
sa iyo upang marinig ang mga tunog , ingay, huni
sa paligid?
Paano kaya kung wala kang kakayahang
makarinig?
Masisiyahan ka kaya sa pakikinig sa mga
kwento?
Awit: Little ears be careful what you hear.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang
karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang
katulad ninyo.Katulad ninyo si Jose ay mahilig din
makinig sa mga kwento.
Hawanin ang balakid: asotea, yaya

Sa Asotea
Si Jose ay mahilig making ng mga
kwento.Nakinig siya sa mga kwento ng kanyang
nanay at yaya.
Sa kanilang asotea, si Jose ay nakinig sa mga
kwento tungkol sa aswang, kapre, tiyanak, at mga
diwata.

2. Pagtalakay
Ano ang hilig gawin ni Jose?
Sinu-sino ang nagkwento sa kanya?
Saan siya nakinig ng mga kwento?
Anu-anong mga kwento ang kanyang
kinahiligan?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang
tao?
Tandaan:
Ang tao ay may kakayahang makinig.
Ang pakikinig ay isang paraan
Upang maragdagan ang kaalaman.
2. Paglalapat
Lutasin:
Nagpapaliwanag ang iyong guro tungkol sa
bago ninyong aralin. Ano ang dapat mong
gawin? Bakit?
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga dapat mo lamang na
pakinggan. X ang hindi.
___1. Bastos na salita
___2. Awitin
___3. Magagandang kwento
___4. Tula
___5. Pagmumura
V. Kasunduan
Iguhit ang iyong dalawang tenga.Isulat sa ibaba
ng iyong drawing. Little ears be careful what you
hear.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Nakababasa at nakasusulat
II. Paksang Aralin: Katotohanan
Aralin: Magaling Ako
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah.
86
Kagamitan: larawan ng bata
III. Pamamaraan:
A.
Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano madaragdagan ang iyong kaalaman?
Ano ang dapat mong gawin kung may
nagpapaliwanag o nagsasalita?
2. Pagganyak
Bakit kayo nag-aaral?
Anu-ano ang mga ibig ninyong matutuhan sa
paaralan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang
karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang
katulad ninyo.Katulad ninyo si Jose ay mahilig din
magbasa at magsulat.
Ang Batang Palabasa
Si Jose ay mahilig magbasa. Tatlong taong
gulang pa lamang siya ay marunong na siyang
bumasa. Ang kanyang ina ang nagturo sa kanyang
bumasa. Ang kanyang ina ang una niyang guro.
Nais pa niyang magbasa kaysa maglaro.
Ang Manunulat
Maliit pa lamang si Jose ay marunong na siyang
sumulat. Sumulat siya ng mga tula, dula-dulaan,
at mga kwento sa wikang Tagalog at Kastila.
2. Pagtalakay:
Ano ang hilig ni Jose?

Ilan taon siya nang matutong bumasa?


Sino ang kanyang unang guro?
Anu-ano ang hilig niyang isulat?
Anu-anong wika ang gamit niya sa
pagsulat?
3. Paglalahat:
Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang
tao?
Tandaan:
Ang tao ay may kakayahang magbasa at
magsulat.
Ang pagbabasa at pagsusulat ay mga paraan
Upang maragdagan ang kaalaman.
4. Paglalapat
Lutasin:
A. May pinababasa sa inyong babasahin
ang iyong guro. Inaaaya kang maglaro
ng kalaro mo. Ano ang gagawin mo?
B. May sulatin kayo. Dinadaldal ka ng
katabi mo. Ano ang gagawin mo para
matapos ka sa itinakdang oras ng guro?
IV. Pagtataya:
Sagutan ang tseklis.
Lagyan ng / ang iyong sagot.
Palagi Minsan Gagawin
1. Nagbabasa ba ako
ng aking aklat?
2. Mabilis ba akong
sumulat?
3. Maayos at malinis
ba ang aking pagsulat?
4. Nakatatapos ba ako
sa takdang oras?
5. Tama ba ang aking mga
gawa?
V. Kasunduan: Isaulo ang tandaan.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Nagmamano o humahalik bilang pagbati
II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya
Aralin: Pagmamano/Paghalik bilang Pagbati
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 90-91
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga natutuhan ninyo sa
paaralan?
2. Pagganyak
Paano ninyo binabati ang inyong magulang
kung dumarating kayo sa bahay?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Mano po, Itay, mano po, Inay, pagbati ni
Mae pagdating niya galing sa paaralan.
Kaawaan ka ng Diyos. Magpapakabait ka
sana, halos sabay na wika ng kanyang ama at
ina.
Pagkaumaga bago siya pumasok sa paaralan
ay humahalik naman siya sa kanila habang
nagpapaalam.
2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ni Mae pagdating niya
mula sa paaralan?
Ano ang sagot sa kanya ng kanyang mga
magulang?
Bago siya umalis ng bahay, ano naman ang
ginagawa niya?
Mabuti ba ang kaugaliang ginagawa ni Mae?
3. Paglalahat:

Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa


iyong magulang?
Tandaan:
Ang pagmamano o paghalik ay magalang na
paraan ng pagbati na dapat nating ugaliin.
4. Paglalapat
Ipakita sa klase ang iba pang paraan ng
pagbati sa magulang/nakatatanda.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
A. Dumalaw kayo sa lolo at lola mo sa probinsiya.
Sabik na sabik sila na makita kayo. Paano mo sila
babatiin upang ipakita na nasasabik din kayo sa
kanila.
B. Nasa handaan kayo. Nakita mo doon ang tita mo.
Ano ang gagawin mo?
V. Kasunduan:
Isaulo ang tula.
Humanda sa pagtula sa harap ng klase bukas.
Mga magulang ay batiin.
Sa umaga pagkagising.
Ang pagpapaalam
At paghalik sa kamay
Tanda ng batang
Tunay na magalang.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Nagsasabi/humihingi ng pahintulot kung aalis
ng bahay.
II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya
Aralin: Pagsabi/Paghingi ng Pahintulot Kung
Aalis ng Bahay
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 92-93
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ninyo babatiin ang inyong
magulang/nakatatanda?
2. Pagganyak
Nagpapaalam ka ba kung may nais kang
puntahan? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Kring, Kriiing, ang narinig sa telepono.
Hello, magandang umaga . Sino ito?
Ah, ikaw pala. Ano ba ang maipaglilingkod
ko sa iyo? sagot ni Mark.
May kaunting salu-salo sa bahay
mamayang hapon pagkatapos ng klase.
Inaanyayahan kita, wika ni Ian. Salamat sa
paanyaya mo.
Hayaan mot magpapaalam ako sa inay at
itay ko.
Nagpaalam nga si Mark sa kanyang itay at
inay. Mag-iingat ka lamang, Anak. Ihahatid
kita at susunduin, wika ng kanyang itay.
2. Pagtalakay:
Sino ang tumawag sa telepono?

Ano ang pakay ng tumawag?


Ano raw ang mayroon kina Ian?
Ano ang nagging sagot ni Mark?
Ano ang masasabi mo sa ugali ng dalawang
bata?
Ikaw, nagpapaalam ka ba sa tatay at nanay
mo bago ka umalis ng bahay?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa
iyong magulang?
Tandaan:
Magsabi/humingi ng pahintulot kung aalis
ng bahay.
4. Paglalapat
Pangkatang Pagsasadula ng Dayalogo.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Kinukumbida o inaanyayahan ka ng kaklase
mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa
bahay.
Paano ka magsasabi o hihingi ng pahintulot
kung aalis ka ng bahay?
V. Kasunduan:
Isulat ang iyong sagot.
Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan
upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan.
Paano ka magpapaalam sa iyong magulang?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Tumatayo kapag may panauhin sa silid-aralan
II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya
Aralin: Pagtayo Kapag May Panauhin sa SilidAralan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 94-95
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano ang dapat mong gawin bago ka umalis
ng bahay? Bakit mahalaga na magpaalam
bago umalis?
2. Pagganyak
May bumibisita ba sa inyong silid-aralan?
Ano ang ginagawa ninyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang araw, pumasok ang punungguro sa
silid-aralan ng mga batang nasa unang baitang.
Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at
magalang na nagsabi, Magandang umaga po
Gng. Salonga.
Magandang umaga naman, nakangiting
sagot ng panauhin.
Gayon ang ginagawa ng mga bata kapag
may dumadating na magulang, punongbayan
at iba pang panauhin na dumadalaw sa kanila.
2. Pagtalakay:
Sino ang pumasok sa silid-aralan?
Ano ang ginawa ng mga bata pagkakita sa
panauhin?
Natuwa kaya sa kanila ang panauhin? Bakit?

Ano ang mabuting kaugalian na ipinakita ng


mga mag-aaral sa unang baitang?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa
panauhin?
Tandaan:
Tumayo bilang paggalang kung may
panauhing pumapasok s silid-aralan.
4. Paglalapat
Pangkatang Pagsasadula .
IV. Pagtataya:
Lutasin:
1. Abalang-abala sa pagbabasa ang mga bata nang
biglang dumating si Dr. Edna Santos Zerrudo.
Ano ang dapat gawin ng mga bata?
2. Pinaupo sila ng panauhin . Ano kaya ang dapat
nilang sabihin?
3. Kinamusta sila. Kumusta kayo mga bata? Ano
ang dapat nilang isagot?
V. Kasunduan:
Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-siyam Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Gumagamit ng magagalang na pananalita tulad
ng po at Opo
II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya
Aralin: Paggamit ng Magagalang na Pananalita
Tulad ng Po at Opo
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 96-97
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo ipakikita ang paggalang sa
panauhin na dumadalaw sa inyong silidaralan?
2. Pagganyak
Paano ka makipag-usap sa matanda sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa
bahay nina Liza.
Tuloy po kayo, Aling Cely, paanyayang
wika ni Liza. Salamat, Liza. Nariyan ba ang
nanay mo? tanong ni Aling Cely.
Opo, naroroon po sa kusina at nagluluto.
Sandali lamang po at tatawagin ko, ang
sabi ni Liza.
Inay! Inay! May bisita po kayo. Narito po
si Aling Cely, ang sabi ni Liza.
2. Pagtalakay:
Sino ang pinatuloy ni Liza?
Sino ang kailangan niya?
Ano ang ginawa ni Liza?
Anu-anong magagalang na salita ang
ginamit ni Liza?

Gayon ka rin ba kapag nakikipag-usap?


Ano ang iyong nadarama?
Ano kaya ang madarama ng iyong kausap?
3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa
nakatatanda sa iyo?
Tandaan:
Gumamit ng magagalang na pananalita tulad
ng po at opo bilang paggalang.
4. Paglalapat
Pagbigkas sa Tula.
Ang Po at Opo
Ang bilin sa akin ng amat ina ko
Maging magalangin mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao
Sa lahat ng lugar sa lahat ng dako.
Pag ang kausap koy matanda sa akin,
Na dapat igalang at dapat pupuin
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin
Ang po at Opo ng buong paggiliw.
IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Kumain ka na ba Kevin, ang tanong ng lolo.
a. hindi pa bakit? b. Opo c. oo, kakain ko
lang
2. Sa iyo ba ang payong na ito, Jilliane?
a. Akin yan. b. Oo nga
c. Opo, akin yan
3. May kapatid ka ba, Ben?
a. wala b. Meron po. c Bakit mo tinatanong?
4. Ikaw ba ang nagtapon ng basura?
a. Opo b. Hindi c. Ako nga, bakit?
5. Tapos na ba kayong kumopya sa pisara? Tanong
ng guro.
a. Hindi pa, Maam b. Oo, tapos na c. Opo,
Maam.
V. Kasunduan:
Isaulo ang tula na Po at Opo
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ika-siyam Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos
na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa ibat
ibang sitwasyon.
- Sumasagot nang katamtamang ang boses
II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya
Aralin: Pagsagot nang Katamtamang ang Boses
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 34-35
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 98
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong magagalang na pananalita ang
ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda?
2. Pagganyak
Paano kang sumasagot kung may tumatawag
sa iyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Nasa kasarapan ang pakikipaglaro ni Jay sa
kanyang mga kaibigan. Maya-mayay
Jay! Jay! Nasaan ka? Kailangan kita
rito,Tumakbo siyang pauwi. Nakita niya ang
kanyang inang abalang-abala. Sinabi niya,
Pasensiya na po, Inay, tutulungan ko na po
kayo, magalang na sabi ni Jay.
2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ni Jay nang tawagin ng
nanay niya?
Bakit siya tinatawag ng nanay?
Ano ang ginawa ni Jay?
Tama ba ang ginawa ni Jay? Bakit?

3. Paglalahat:
Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa
iyong magulang? Paano ka sasagot sa tawag?
Tandaan:
Sumagot sa katamtamang boses.
4. Paglalapat
Magkunwaring tinatawag sa laruan ang
bawat mag-aaral.
Paano kayo sasagot?
IV. Pagtataya:
Kung ikaw si Jay, paano mo ssagutin ang iyong
ina? Isagawa
.
V. Kasunduan:
Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-sampung Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi ng maganak.
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12; Edukasyon
sa Pagpapakatao pah. 121; Teaching Guide ph.14; ESPPupils Activity Sheets pah. 45; Ulirang Mag-aaral
Makadiyos, Makabayan I; pah. 144-145; Sulo ng Buhay
sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka dapat sumagot kung tinatawag ka?
2. Pagganyak
Naranasan mo na bang magtampo o sumama ang
loob sa kapatid o sa magulang mo?
Ano ang ginawa mo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Tena, Maligo Tayo
Nagluluto sa kusina si Aling Mercy nang marinig
niya ang malakas na iyak ni Tepen. Pinuntahan niya
ito sa sala upang tingnan kung ano ang nangyari.
Ganito ang kanyang nakita at narinig.Ang baho mo
naman, Tepen! Di ka yata naliligo, ang sabi ng ate.
Lalong lumakas ang iyak ni Tepen. Waa! Waa!
Waa!Halika, maligo tayo nang bumango ka. Sabi
ng ate.Opo, ate. Ang sagot ni Tepen.
Pagkatapos maligo, Ang bango mo na Tepen,
maligo ka lagi, ha? sabi ng ate.Opo, ate. Salamat
ha? ang sabi naman ni Tepen.Natuwa si Aling
Mercy sa narinig.Ganyan nga, anak. Iwasan mo
sana na makasakit ng damdamin ng kapatid mo.Ang
wika ng nanay.Opo, inay tatandaan kop o lagi.
Sabi ng ate.
2. Pagtalakay:
Bakit umiiyak si Tepen?
Sino ang nagsabi na mabaho siya?
Bakit daw mabaho si Tepen?
Ano ang ginawa kay Tepen ng ate niya?
Ano ang nangyari pagkatapos paliguan si Tepen?
3. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin
ng iyong kaanak?
Tandaan:
Ang dila ay hindi tabak
Subalit nakakasugat
Kaya dapat na maingat
Ng sa damdamiy di maitarak.
Salitang nasabi na natin

Hindi na pwedeng bawiin


Lalo at masakit ang dating
Dulot ay problema sa atin.

4. Paglalapat
Pagpasiyahan mo:
Tama ba na sabihin kay Tepen na mabaho siya?
Bakit?
Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Tepen ng
sabihan siya ng ate na mabaho?
Ano naman ang naramdaman niya nang sabihan
siya na mabango?
Bakit hindi dapat saktan ang damdamin ng isang
kasapi ng pamilya?
Paano maiiwasang masaktan ang damdamin ng
kasapi ng pamilya?
IV. Pagtataya:
Ano ang dapat gawin upang maiwasang masaktan
ang damdamin ng kasapi ng pamilya? Bilugan ang titik
ng tamang sagot
1. Natalo sa paligsahan sa Matematika ang ate mo.
a. Pagtatawanan mo siya.
b. sisihin mo siya
c. sasabihin mong pagbutihin na lang sa susunod.
2. Napalo si Ramon ng Tiya Lorie mo. Ano ang sasabihin
mo?
a. Beh, buti nga.
b. Huwag ka na lang uulit ha?
c. Sumigaw ka at umiyak
3. Pinunit ng kapatid mong maliit ang aklat mo.
a. Itapon ang aklat.
b. Isusumbong kay nanay.
c. Sasabihan na huwag ng ulitin ang kanyang ginawa.
4. Sa inyong magkakapatid, ang ate mo ang kayumanggi
ang balat.
a. sasabihan mo na baluga siya.
b. sasabihin mong pinaglihi kasi siya sa uling
c. sasabihin mong iyon ang tunay na kulay ng mga
Pilipino.
5. Ginamit ng kuya mo ang krayola mo sa proyekto niya.
Wala ka kaya din a niya naipagpaalam sa iyo.
a. Mag-iiyak ka.
b. Sasabihin mong Pakialamero siya
c. okey lang kuya gamitin mo kung kailangan mo.
V. Kasunduan: Lutasin:
Nabangga ka ng nagtatakbuhang mga bata.
Ano ang gagawin mo? Sisigawan mo ba sila? Bakit?
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang
bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto
ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng iba
pang kasapi ng mag-anak.
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12;
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145;Teaching
Guide ph.14; ESP- Pupils Activity Sheets pah. 45
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145; Sulo ng Buhay sa Landas ng
Kabataan I pah. 175-177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin: Tama o Mali
1. Nakakuha ng sero sa test ang ate mo kaya
tinukso mo siya.
2. Napagalitan ng tatay ang kuya. Dinilaan mo
pa siya.
3. Sinabihan mo ng tanga ang kapatid mo
nang matapon ang hawak na tinapay.
4. Sinabihan mong mabaho ang lola dahil hindi
siya naliligo.
5. Iniiwasan mong saktan ang damdamin ng
kasapi ng pamilya mo.
2. Pagganyak
Awit: Little Tongue Be Careful What You Say
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Laging magkasabay sa pagpasok si Mara at
ang pinsan niyang si Clara. Mahirap lamang si
Clara kaya nakatira ito sa kanila. Hindi siya
makapagdala ng baon para sa rises. Isang araw,
ayaw niyang tanggapin ang ipinipilit ni Mara na
hatian siya ng kanyang baon. Sige na,
tanggapin mo na ang tinapay na ito. Talagang
dinala ko ito para sa iyo.
Salamat sa mga inihahati mong pagkain sa
akin. Subalit ngayon ay huwag mo na akong
hatian. Busog pa ako, ang pagtanggi ni Clara.

2. Pagtalakay:
Mabait bang bata si Mara? Bakit mo nasabi?
Bakit kaya noong araw na yaon ay ayaw
tanggapin ni Clara ang ibinibigay ni Mara?
Sino sa dalawa ang dapat mong gayahin o
tularan? Bakit?
3. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng
damdamin ng iyong kaanak?
Tandaan:
Ang dila ay hindi tabak
Subalit nakakasugat
Kaya dapat na maingat
Ng sa damdamiy di maitarak.
Salitang nasabi na natin
Hindi na pwedeng bawiin
Lalo at masakit ang dating
Dulot ay problema sa atin.
4. Paglalapat
Ipasadula ang usapan nina Mara at Clara.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung wastong gawi at X kung hindi.
___1. Laging pinipintasan ni Ben ang mga gawa ng
ate niya.
___2. Nag-iingat si Charo sa pagsasalita dahil ayaw
niyang masaktan ang damdamin ng
sinuman.
___3. Pinagtatawanan ni Loida pag nagkakamali
ang pinsan niya.
___4. Laging tinutukso ni Ana ang kapatid na payat
at sakitin.
___5. Magagandang salita lamang ang sinasabi ni
Beth para hindi siya makasakit ng
damdamin
V. Kasunduan: Lutasin:
Nakita mo na tinutukso at pinagtatawanan ng
mga kaklase mo ang isang batang pilay. Ano ang
gagawin mo?
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ika-sampung Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng
kapwa.
- Iniiwasang sumagot kung hindi tinatawag
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 45
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Di sinasadya
Ikaw ay nasaktan
Paglakad ng kuya
Paa moy natapakan.
Magagalit ka ba sa kuya mo?
Magbibitiw ka ba ng mga masasakit na salita
dahil nasaktan ka? Bakit?
2. Pagganyak
Nakaranas ka na bang makasali sa isang
paligsahan tulad ng pabilisan sa pagsagot?
Masaya ba ang naging karanasan mo? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
3. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Isang paligsahan ang idinaos ng guro sa unang
baitang.Magkalaban ang pangkat ng mga lalaki
at mga babae. Tumawag siya ng dalawang
manlalaro sa mula sa dalawang pangkat ng mga
mag-aaral.
Bago simulan ang kontes ay mahigpit na
ipinaalala ng guro na walang magtuturo o
magbibigay ng sagot mula sa mga batang
manonood. Nagsimulang magtanong ang guro
subalit ng hindi masagot ng kasama ni Kevin sa
pangkat ang tanong ng guro, bigla siyang
sumigaw at sinabi ang tamang sagot. Nagalit
ang guro sa ginawa ni Kevin at itinigil ang laro.
4. Pagtalakay:

Bakit itinigil ng guro ang kanilang laro?


Tama ba ang ginawa ni Kevin?
Ano ba ang mahigpit na ipinagbilin ng guro na
huwag gagawin ng mga manonoood?
Nasaktan kaya ni Kevin ang damdamin ng
kanyang guro? Bakit?
Anong ugali ang ipinakita ni Kevin?
Gagayahin ninyo ba siya? Bakit?
5. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng
damdamin ng iyong kapwa?
Sasagot ka ba kung hindi ka naman tinatawag?
Tandaan:
Iwasan ang sumagot kung hindi tinatawag.
6. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Tinawag ng guro ang katabi mo para sagutin ang
tanong niya tungkol sa aralin na itinuro niya
kahapon. Hindi makasagot ang katabi mo pero
alam mo ang sagot.
Ano ang gagawin mo?
V. Kasunduan:
Hintayin muna na tawagin ang iyong pangalan
bago sumagot nang hindi makasakit ng kapwa mo.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ika-sampung Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi
ng pamilya.
- Gumagawa nang tahimik upang hindi
makaabala sa iba.
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 45
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo maiiwasang masaktan ang
damdamin ng kapwa mo?
2. Pagganyak
Sino ang tumutulong sa iyo kung mayroong
kang mga takdang-aralin?
Nakagagawa ka bang mag-isa? Paano?
B. Panlinang na Gawain
2. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Magkakasama sa silid ang magkakapatid na
Liza, Leny at Tina. Gumagawa sila ng kanilang
mga takdang-aralin sa paaralan.
Si Tina na pinakabunso sa magkakapatid ay
pinilit na tahimik niyang gawin mag-isa ang
kanyang mga gawain dahil alam niyang abala sa
pag-aaral ang kuya at ate para sa kanilang
pagsusulit.
3. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan sila gumagawa ng kanilang takdangaralin?
Bakit tahimik na ginawa ni Tina ang kanyang
mga gawain?
Tama ba ang ginawa niya? Sa palagay mo ba
nakatulong siya sa mga kapatid niya?
4. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng
damdamin ng iyong kapwa?

Paano ka gagawa upang hindi makaabala sa


iba?
Tandaan:
Gumawa nang tahimik upang hindi
makaabala sa iba.
5. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Binigyan kayo ng inyong guro ng pangkatang
gawain.
Paano kayo gagawa nang hindi nakaaabala sa
ibang kasapi ng ibang pangkat?
V. Kasunduan:
Isaulo ang Tandaan.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art


Ika-sampung Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng
kapwa.
- Iniiwasang sigawan ang kasambahay o katulong
sa bahay.
II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba
Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng Damdamin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145
Teaching Guide ph.14
ESP- Pupils Activity Sheets pah. 46
Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I
pah. 144-145
Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175177
Kagamitan: larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano ka gagawa nang hindi nakakaabala sa
iba?
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may yaya?
Paano kayo natutulungan ng inyong yaya?
Iginagalang ba ninyo ang inyong yaya?
Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang maikling kwento:
Mayaman ang pamilya ni Ellen. Malaki ang
kanilang bahay. Maganda ang trabaho ng
kanyang ama at ina. Mayroon silang
kasambahay na si Aling Belen. Matanda na si
Aling Belen pero kung utusan at sigawan ito ni
Ellen ay akala mo kasing-edad lamang niya ito.
Minsan, narinig siya ng kanyang ate at

pinagsabihan siya na mali ang kaasalang


ipinakikita niya sa kanilang kasambahay.
Nagalit pa si Ellen sa ate niya at sinabi na
katulong lamang naman kasi si Aling Belen.
2. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Paano itrato ni Ellen ang kanilang
kasambahay?
Tama ba ang ginagawa niya sa matanda?
Anong ugali ang ipinakita ni Ellen?
Gagayahin ba ninyo siya? Bakit?
Sa palagay mo ba nasasaktan ni Ellen ang
damdmin ni Aling Belen sa pagsigaw niya dito?
3. Paglalahat:
Paano mo maiiwasan na makasakit ng
damdamin ng iyong kapwa?
Paano ka mag-uutos sa iyong kasambahay?
Tandaan:
Iwasang sigawan ang kasambahay o katulong
dahil sila man ay may damdamin ding marunong
masaktan.
4. Paglalapat
Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
Nanonood ng TV si Lorie. Inutusan niya ang
kasambahay na si Chary na ikuha siya ng
merienda. Hindi agad nakasunod ang kasambahay
dahil abala siya sa ginagawa niya. Biglang
sinigawan ni Chary si Lorie. Tama ba ang
kanyang ginawa? Bakit?
V. Kasunduan:
Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa


kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

You might also like