kalagayan ng kapaligiran sa isang lugar sa mahabang panahon. Narito ang ilang dahilan sa pagbabago ng klima sa ibat ibang lugar sa mundo: 1. Latitud o Lokasyon ng lugar Ang mga lugar na malapit sa ekwador ay nakatatanggap ng diretsong sikat ng araw na nagbibigay ng mainit na panahon. Ang nasa itaas naman ng ekwador ay
nakatatanggap ng pahilis na sikat
ng araw na may apat na uri ng klima. Samantala, ang mga lugar sa mataas na latitude ay may malamig na panahon sa buong taon. 2. Hangin Ang ating bansa ay nakararanas ng trade wind na dumadaloy mula hilgang silangan patungong ekwador. Ang lugar na ito ay direktang nakatatanggap ng init ng araw kayat ang hangin ay mainit. 3. Temperatura Ito ang tawag sa init o lamig ng isang bagay o lugar. Umiinit o lumalamig ang temperature ng isang lugar ayon sa taas o baba ng lokasyon nito, dami ng ulan, at hanging nararanasan sa lugar.