You are on page 1of 2

DA IV-A pinarangalan sa DA Sportsfest

2016
Pinarangalan ang mga nagwagi sa Department of Agriculture (DA)
Sportsfest taong 2016 noong ika-20 ng Hunyo sa DA Central Office
Compound, Quezon City.
Pinangunahan ang pagpaparangal sa mga nagwagi sa DA Sports Fest
2016 nina Bernard Cunanan, Board of Director at Punong abala ng
Sports Committee at si Emmanuel Malto, Assistant Secretary ng
kagawaran.
Sinabi ni Asec Malto na ang patimpalak na ito ay upang patuloy na
isabuhay ang tunay na diwa ng Sportsmanship. Idinagdag pa niya na
nararapat gawing taon-taon ang programang ito.
Ang DA IV-A (CALABARZON) ay namayani sa tatlong (3) kategorya. Ito
ay ang Mens & Womens Volleyball at Chess.
Tinanghal na Most Valuable Player ng Womens Volleyball si Bb. Mary
Ann Gajardo na kasalukuyang naka-destino sa lalawigan ng Rizal.
Naparangalan din ang iba nating manlalaro sa pagiging kasapi ng
mythical six (6) para sa Womens Volleyball na sina Glenda Ramos at
Gajardo; Sa Mens Volleyball napasama sa mythical six (6) sina Ricky
Sortijas na Best Server at Ralph Fabon na Best Spiker; Sa Basketball
naman ay nasama si Bryan Katigbak.
Dinaluhan ito ng ibat ibang tanggapan at ahensiya na nasa ilalim ng
Kagawaran kagaya ng Department of Agriculture Region IV-A
(CALABARZON); DA Office of the Secretary (OSEC); Bureau of Animal
Industry (BAI); Bureau of Plant Industry (BPI); Philippine Crop Insurance
Council (PCIC); Sugar Regulatory Administration (SRA); National
Tobacco Administration (NTA); Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR); Philippine Fiber Industry Development Authority
(PhilFida); at Bureau of Agriculture and Fisheries Products Standard
(BAFPS).

Pinasinayaan ni Cherry Suarez, Hepe ng Agricultural and Fisheries


Information Services (AFIS) ang pagpapakilala ng mga panauhin sa
nasabing kaganapan.
Nagbigay ng paunang mensahe si Felix Manganib, miyembro ng Board
of Director at sinabi ginagawa ang Sports fest di lang dahil sa tayo ay
magsaya kundi para rin tayo ay magkakilanlan upang magkaroon ng
matibay na relasyon sa isat isa.