You are on page 1of 4

Mga Matitinding Suliranin ng Kapaligiran sa Pilipinas

Ang Bagyong YOLANDA


Ang Super Bagyong Yolanda (Pagtatalagang
pandaigdig: Bagyong Haiyan) ay isang malakas na bagyong
nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre 2013. Ang
Haiyan ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig, at
ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa
Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao.
Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas,
lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng
gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang mga nasawi at
nasugatan sa lungsod pa lamang ng Tacloban.

Ang Paghahanda ng Pilipinas

Ang daan ng Bagyong Yolanda


Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis
sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo. Sa mga lalawigan
ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga

mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at


sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas.
Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo.
Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga
eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan
ng bagyo. Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda,
nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba't ibang lalawigan sa bansa.
Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Punong
Rehiyon sa mga binigyan ng babala.

Ang 7.8 magnitude na Lindol sa


Luzon (1990)
Nangyari ang Lindol sa Luzon sa Pilipinas noong 1990 noong
Lunes ng Hulyo 16, 1990 ng 4:26 PM, lokal na oras sa Pilipinas.
Luzon ang higit na naapektuhan ng 7.8 na lakas ng lindol.
Lumikha ito ng 125-kilometrong durog na daanan simula sa
Dingalan, Aurora hanggang Kayapa, Nueva Ecija.
Ito ang pinakamalalang lindol na nangyari sa buong
kasaysayan ng Pilipinas at nadaigan ang Lindol sa
Casiguran noong 1968 at umapekto sa halos lahat ng parte ng
Luzon at ang pinakamaraming nasawi at nasirang ari-arian.

Baguio

Ang Lungsod ng Baguio ay isang destinasyon para sa mga turista,


isa sa pinakamalakas na tinamaan ng lindol. Mahigit isang libo
ang nasawi, at isang daang libo ang nawalan ng tirahan.
Karamihan ng nasira ay mga hotel, kung saan daang-daang tao
ang nalibing ng buhay at nasawi. Libo-libong bahay ang nasira at
malalalim ang pagkabitak ng mga daan. Ang Kennon Road, isa sa

mga daang Maynila-Baguio ay ipinasara nang nagkaroon ng


pagguho ng lupa.

Pagkatapos ng dalawang araw, walang nakalabas at nakapasok sa


Lungsod ng Baguio, kumonti ang pagkain at nagkagulo ang mga
tao. Kuryente, Pagkain, Telepono, at Tubig ay hindi na
natatangap ng naturing lungsod. Ang mga ospital ay nasira na
nagdulot ng muling paghahanap ng lugar kung saan gagamutin
ang libo-libong tao. May konti pang pagyanig ang naranasan
kaya napilitan ang karamihang tao na gumawa muna ng
artipisyal na bahay sa mga lugar sa Lungsod ng Baguio na bukas.
Pagkalipas ng tatlong araw, may isang daan na binuksan para
maghatid ng gamot at pagkain.

Kalakhang Maynila
Nung umabot ang lindol sa Kalakhang Maynila, maraming
estudyante ang nasa iskwela at gumuho ang mga ito, halos nasa
libo ang namatay sa Maynila. Bilyon ang halaga ng mga nasira at
nagbitak-bitak ang mga daanan. Pagkatapos ng ilang araw ay
nahukay na ang mga taong natabunan. Sa iba't ibang lugar ay
nagkaroon ng iba't ibang balita tungkol sa mga nasawi.

Cabanatuan, Nueva Ecija


Isang lungsod na may mga konkretong gusali. Nilindol ito ng
malakas ngunit isang gusali lang ang naapektohan at gumuho
ang Philippine Christian College at pumatay ng 274 na magaaral kabilang ang ilang guro. Karamihan ng aksidente ay

nangyari sa kalsada. Marami sa mga patay ay nalaman naubusan


ng hangin at dehydrated dahil di kaagad nakuha ng takdang oras.

Dagupan, Pangasinan
Sa Lungsod ng Dagupan, halos 90 gusali ang nasira at 20 ang
gumuho. Dahil ang Lungsod ng Dagupan ay nasa gilid ng
pampang, madaling lumubog ang mga bahay at gusali. Isa ang
namatay at nagkaroon pa ng Stampede sa isang unibersidad at
sinehan kaya marami ang na sugatan.

La Union
Limang bayan ang naapektuhan sa lindol, ito ay ang Agoo,
Aringay, Caba, Santo Tomas, at Tubao na may populasyon
132,208 pag pinag salo-salo. Maraming bahay at mga puno ang
nasira. Mahigit 100,000 pamilya ang nawalan ng tirahan nung
lumubog ang dalawang bayan sa tubig. Marami ang sugatan at 32
ang nasawi.