You are on page 1of 1

Anong advice mo sa mga taong torpe?

Hindi ako torpe in the making. Kasi kung stereotyping lang ng mga torpe ang paguusapan, ako na ata ang first edition. Madami pang bugs, flaws, at iba pang
kabalbalan. Basta, may gusto akong babae kaso ang talino at ubod ng ganda. I
mean, shes more than just a pretty girl. Hindi lang appearance o visuals niya ang
maganda kundi pati na personality at attitude. Samantalang ako, isang hamak na
hampaslupang ordinary lang. Okay, functional naman mga brain cells ko pero eto
nga ang twist- kinulang ako sa kagwapuhan. Kung makikita niyo lang siguro ako sa
personal sasabihin niyo nalang, Lord, thank you po sa mukang binigay niyo sa
akin. E mabait ba ako? Kung may magtatanong kung mabait ako at tinanong ko na
nga. Shempre, oo ang sagot. Ano bang magandang excuse ng isang kinulang sa
kagwapuhan para magkaroon ng masamang ugali? Parang wala. As in, wala talaga
akong karapatan para hindi maging mabait. Pero balik ako sa kwento ko. Eto na
nga, were friends ni girlaloo at may katagalan na. At ngayon, gragraduate akong
torpe at siya gragraduate na walang pake. Unless may mokong na magcoconfess.
Kaso di ko alam kung itutuloy ko pa ba. Itong ewan na feelings ko para sa kaniya
tsaka ang ambisyon kong maging kami na sa totoo lang e isa lang namang
pantasya.
Enjoyin mo ang moment habang nasayo pa. Lagi mong pahalagahan yung tao
habang nandiyan pa. Tsaka ang love sugal e. Kung hindi mo kayang sumugal, wala
kang mararating sa pag-ibig.
Kingina. Ginawa ko pa yang mantra pero wala talaga. Antorpe ko. Kaya eto nga. Di
ko sinabi sa kaniya. Di ako umamin. Baka kung ano pa kasing mangyari. Pero sa
totoo lang, natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Ulit.

You might also like