You are on page 1of 13

Mga Gamit

Lata - ang lata ang siyang nagsisilbing sentro ng laro. Maaring ito ay galing sa mga
pinaglumaan o mga ginamit nang mga lata ng sardinas, gatas at iba pa. Kailangang hindi gaanong
malaki ang lata para hindi ito madaling tamaan.
Tsinelas - mahalaga ang tsinelas sa laro. Ito ang ginagamit na panira sa lata.

Bato - maari ring gamitin ang bato sa pagtama sa lata ngunit karamihan ng mga bata ngayon
mas pinipili ang tsinelas.
Ang Pagsisimula

Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata. Ang mga bata ay namimili
ng taya sa pamamagitan ng kamay. Tinatawag nila itong "maiba taya." Una, tatayo ang mga bata ng
pabilog at ilalapat nila ang kanilang mga kamay sa gitna ng patong-patong. Babanggitin nila ang
katagang "maiba taya" at isa-isang itataas nila ang kanilang mga kamay at sabay bagsak sa gitna pa
din. Ang mga kamay ay pwedeng paharap sa lupa o patalikod. Kung sino man ang naiiba ay siyang
taya.
Iba iba rin kung minsan ang pagpili ng taya. Merong tinatawag ng "maiba alis" na kung saan kung sino
ung naiiba ang siyang aalis hanggang sa isa nalang ang natitira.
Layunin
Kailangan nilang patumbahin ang lata at kunin ang inihagis na tsinelas bago pa man mapatayo ng taya
ang lata.
Ang Paglalaro
Binibilugan ng mga manlalaro ang palibot ng lata at inilalagay ito sa gitna. Guguhit ng din ng manuhan
para sa ibang manlalaro. Ang taya ay tatayo sa may malapit sa lata at ang ibang manlalaro ay pipila sa
manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto.
Isa-isang titira ang mga manlalaro ng kanikanilang mga tsinelas. Pagnatamaan ng unang manalalaro
ang lata, kailangan niyang kunin ang kanyang tsinelas at bumalik sa manuhan bago paman mabalik ng
taya ang lata sa puwesto.
Paghindi natamaan ng unang manlalaro ang lata ay tatayo siya sa lugar na kung saan nakalagay ang
kanyang tsinelas at maghihintay sa pangalawang manlalaro na patumbahin ang lata.
Kung mabilis ang taya at mabalik niya ang lata sa puwesto at maabutan pa niya ang manlalarong
kumukuha ng tsinelas, ang manlalaro na nahuli ay siya nang taya.
Mga Dapat Tandaan

Hindi maaring tayain ng taya ang isang manlalaro na hindi nakatama sa lata paghindi pa
nahahawakan ng manlalaro ang kanyang tsinelas.

Ang manlalaro ay hindi maaring bumalik sa manuhan kung hindi niya nakukuha ang kanyang
tsinelas.

Kung hindi hahawakan ng manlalaro ang kanyang tsinelas hindi siya maaring tayain ng taya.

Kung maraming hindi nakatama mas madaling makahuli ng manlalaro.

Kung ang tsinelas ay nakapuwesto sa may guhit na bilog sa lata, maaring tapakan ng taya ang
tsinelas sabay apak sa lata. Sa ganitong paraan ang may-ari ng tsinelas na naapakan ay siyang
magiging taya.

Mga Panuntunan

Ang manlalaro ay kailang maghagis ng kanilang mga pamato sa loob na guhit. Kailangan di ito
nasa guhit o sa labas ng guhit.

Ang manlalaro ay di dapat nakakaapak sa mga guhit.

Hindi siya maaring tumigil habang siya ay kumakandirit.

Hindi siya maaring magiba ng paang ginamit habang kumakandirit.


Layunin
Kailangan magkakandirit ang mga manlalaro papunta at pabalik sa loob ng geometrikong hugis.
Paglalaro
Ang unang manlalaro ay ihahagis ang kanyang pamato sa numero uno. Kailangan niyang magkandirit
sa numero 2 papuntang sa pinakamataas na numero at pabalik. Pagkatapos sa kanyang pagbalik ay
kukunin niya ang kanyang pamato.
Ihahagis niya naman ngayon ang pamato sa bilang 2 at tatalon sa numero 1 lalaktaw sa numero 2 at
pataas at pabalik na naman at kukunin ang pamato.
Paulit-ulit lang hanggang sa makarating siya sa pinakamataas na numero.

Mga Kailangan
Sa larong ito, kailangan markahan ang daan kaya naman kinakailangan ang mga gamit sa pagmarka,
tulad ng stick, chalk, o uling.
Anim o walong manlalaro ang pinakamainam na numero.
Lugar
Karaniwang nilalaro ito sa labas sa kahit anong oras. Mas popular ito na nilalaro sa gabi, lalo na sa
ilalim ng liwanag ng buwan. Minamarkahan ang daan ng chalk. Guguhit ng parihaba na may sukat na
lima at anim na metro. Guguhit din ng mga linya sa loob ng pariha, hinahati ito ng paparisukat.
Pagsisimula
Bago magsimula ay kailangan ng mga manlalaro na magtalaga ng mga papel. Kailangan ng dawalang
pinuno sa bawat grupo. Kadalasan ang mga pinipiling pinuno ng grupo ay ang mga pinakmatatanda.
Pagkatapos makapili, kailangan ng mga lider na pumili ng miyembro.

Pagpili ng Mauuna

Pagkatapos, kailangan ng mga manlalaro 1na magdesisyon kung sino ang mauunang grupo. Ginagawa
ito sa pamamagitan ng pagpuno ng tubig sa bibig ng bawat pinuno. Ang dalawang pinuno ay
magpagalingan sa pagdura ng tubig. Ang may pinakamalayong maabot ng dura ay siyang mauuna.

Ibang Metodolihya

Tao o Ibon (heads or tail) - ang mga pinuno ay kukuha ng isang piraso ng barya. Mamimili ang bawat
pinuno kung "tao" o "ibon." Ang "tao" ay ang isang bahagi ng barya na mayroong tao, ang "ibon"
naman ay ang bahaging may hayop na nakamarka. Ihahagis nila ang barya at kung anong bahagi ang
nakaharap ang siyang mauuna.
Tiyaha or taob (right side or bottoms up) - ang mga pinuno ay kukuha ng isang piraso ng tsinelas.
Mamimili ang bawat pinuno kung "tiyaha" o "taob." Ang "tiyaha" ay isang posisyon na kung saan ang
bahagi ng tsinelas na pinagsusuotan ng paa ay patihayang nakaharap samantalang ang "taob" ay
nakataob ang bahaging iyon. Iahahagis ng isa sa mga pinuno ang tsinelas at kung anong posisyon ang
lumabas ang siyang mauuna.
Posisyon
Ang grupo na talo sa pilian ay pupuwsto sa mga linya ng parihaba. Ang lider na tatayo sa unang linya
ay tinatawag na "patoto." Siya ang mas makapangyarihan kaysa sa ibang mga miyembro. Siya lamang
ang pwedeng makatahak sa gitnang linya. Siya ang guwardiya sa unang linya at siya ang taga sagip
ng mga ibang miyembro sa ibang linya.
Layunin
Ang layunin ng maglalaro ng grupo ay makalampas sa bawat linya. Ang layunin naman ng nakaharang
nagrupo ay hindi palusutin at huliin ang miyembro ng kabilang grupo.

Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango
sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na
maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang
kailangan lamang ay may tukuyin na taya. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang
magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home
base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang
mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago.
Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang
hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng save. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang
makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng
manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.

Kasaysayan
Ang Luksong Lubid o tinatawag sa Ingles na "Skip Rope" o "Jump Rope" ay nagmula pa sa sinaunang
mga sibilisasyon.
Ang mga Ehipto noon ay ginagamit ang mga lubid para makalundag sa mga halamang baging para
makatalon sa mga kawayan. At ang mga sa larawan noong panahon ng midibal makikita ang mga
imahe ng mga bata na naglalaro ng luksong lubid.
Ang kasaysayan ng laro ay hindi madaling matukoy pero ayon sa mga eksperto mula pa ito sa
panahon ng mga Ehipto noong 1600 B.C..
Panimula
Sa Pilipinas, nilalaro ito ng dalawa hanggang sa sampung mga babae na may edad na pito hanggang
siyam.
Ginagamit nila ang lubid na may haba na lima hanggang pitong pulgada. Kailangan ulit mamili ng
unang maglalaro sa paraan ng: maiba taya o jack en poy.
Panuntunan

Hindi dapat mahipo o madapuan ang kahit anong parte ng katawan ng lubid.

Walang dapat na aapak sa lubid

Pangdalawahan

Ang manlalaro ay tatayo sa isang lugar habang ang isa ay pinapaikot ang lubid. Tatalon ang unang
manlalaro sa loob ng umiikot na lubad na nakaharap sa nagpapaikot ng lubid. Tatalon patalikod ang
unang manlalaro. Dapat makasunod siya sa bilis at galaw ng pagikot ng pangalawang manlalaro para
hindi niya maapakan ang lubid. Pagnaapakan ang lubid ang unang manlalaro naman ang siyng
magiikot ng lubid.
Pangmaramihan
Ang mga manlalaro ay hahawakan ang magkabilang dulo ng lubid habang ang unang manlalaro ay
maghihintay na paikotin ito. Iikot-ikot ng mga may hawak ang lubid na parang alon ang lubid at nasa
unang manlalaro na ang pasya kung kailang siya papasok.
Ang layunin ng laro ay paramihan ng matatalon na hindi nakakapak sa lubid.

kumuha ng laro ang sipa na gawa sa bungkos ng papel o plastic na iniipit sa pista. Sipa ang
tawag doon. ihagis ang sipa ng pataas, saka sipain at patamain ito sa bukong-bukong ng
paa. binibilangang ito ng puntos o iskor kung sino masmaraming puntos siya ang panalo.
pagnalaglag sa saheg ang sipa talo na siya.

Katulad ng larong ito ang Titser Titseran (Umaarteng guro) at Doktor doktoran (umaarteng
doktor). Sa larong ito ay may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina ng isang bahay,
partikular na ang nipa hut, at may kasamang beybi na manika. Ang karaniwang ginagawa ng
ama dito ay pumapasok sa trabaho habang ang ina na nakasuot ng saya ay naghahanda ng
makakain gamit ang mga putik na gawa sa plato at mga damo at bulaklak na nagsisilbing
pagkain. Inaalagaan din ng umaarteng ina ang beybi na manika na kanilang anak. Kalat ang
kasikatan ng larong ito sa ibat ibang lugar sa Pilipinas sapagkat bawat bata ay mismong sa
magulang nakakakuha ng ideya kung paano sila gagayahin.

Ang Luksong Tinik ay isa sa mga popular na larong Filipino, na nilalaro ng dalawang
koponan na may parehas na bilang. Ang bawat koponan ay mamimili ng pinuno na malimit
na kakayahang pinakamataas tumalon sa grupo, na kung tawagin ay Nanay.
Makatapos mamili ng Nanay, at mamili kung sino sa dalawang koponan ang mag-uumpisa
ng laro. Dalawang manlalarong magkaharap ang pagdirikitin ang kanilang mga talampakang
magsisilbing tinik. Magsisimulang magsipagtalon ang bawat miyembro ng kabilang
koponan sa tinik, hanggang makatalon ang huling kasapi. Kung sakali't walang tumama sa
tinik ay daragdagan ang pagpapataong ng mga kamay hanggang tumaas ang tinik.

Mga kasangkapan
Sungkaan
May labing-apat na butas ang tabla ng larong sungka, na nahahati sa dalawa, na may
kasamang imbakang butas para sa bawat manlalaro. Pinamamahalaan ng bawat manlalaro
ang pitong mga butas na nasa kani-kaniyang gilid ng tabla, at ang bilang ng mga sigay o
butil na naimbak sa kani-kaniyang mga imbakan, nasa gawi ng kaliwang kamay ng bawat
manlalaro, ang pinakapuntos nila.
98 magkakatulad na mga buto ang ginagamit na mga piyesa.
Sigay

Paghahanda bago maglaro


Nilalagyan ng pitong butil ang bawat butas maliban sa mga imbakan na nananatiling walang
laman.
Layunin
Makalikom ng maraming bilang ng mga butil na higit sa kalaban ang layunin ng laro.
Paggalaw
Nagsasalitan ang mga manlalaro sa pagkakalat ng mga buto, maliban sa unang galaw na
isinasagawa ng kapwa manlalaro. Sa isang ikot, pumipili ng isang pamamahalaang butas
(mula sa pitong mga butas) ang isang manlalaro. Aalisin ng manlalarong nakapili ng
pamamahalaang butas ang lamang butil mula sa butas na ito at ikakalat ang mga ito sa
bawat butas na madaraanan ng kaniyang ikot, pakanan (galaw na umaayon sa paikot at
pakanang kilos ng mga kamay ng isang orasan). Tinatawag na "pagtatanim" o "pagpupunla"
ang galaw na ito ng manlalaro. Nilalagpasan ng "pagtatanim" ng mga butil ang imbakan ng
kalabang manlalaro, subalit hindi ang saliring imbakan ng kumikilos na manlalaro.
Kapag bumagsak ang huling butil sa isang may-lamang butas, kukuhanin ng manlalaro ang
lahat ng laman ng butas na iyon, at magpapatuloy sa paglalagak ng mga butil na
nagsisimula sa butas ding iyon na pinagkunan ng mga bagong hawak na buto.
Magpapatuloy ang paglalagay ng mga buto hanggang sa bumagsak ang pinakahuling buto
sa imbakan ng isang manlalaro, o sa isang butas na walang laman.
Kung sakaling bumagsak ang huling buto sa imbakan ng isang manlalaro, kaagad na
nagkakaroon ng dagdag na pagkakataong umikot ang mga manlalaro, na maaaring
magsimula sa kahit ano sa pitong butas na pinamamahalaan nila.
Pagkuha
Kapag bumagsak ang huling butil na "ipinupunla" sa isang butas na walang laman na nasa
gawi o gilid ng gumagalaw na manlalaro, malilikon ng manlalarong iyon ang lahat ng mga
lamang butil ng butas na tuwirang nakapahalang sa kaniya, kahit nasa gilid o "ibayo" ng
kalaban. Kung walang laman ang butas na nasa gawi ng kalaban, walang malilikom na mga
butil ang manlalarong gumagalaw.

Submitted By:
CAYESHA AINE J.
PABLO
SSC - IV