You are on page 1of 10

Uri ng nobela

Nobelang Romantisismo at nobelang Masining

Pamagat at awtor:
Camilla : I went to your wedding
Synopsis:
I went to your wedding
Dahil depressed at lito noong araw ng kasal ni vasilico Vaz popa, naiwan ni prada sa LRT ang dala
niyang wedding gift. Eksaktong namang may natagpuan siyang isang gift box na walang nakalagay
kung kanino nanggaling nilagyan niya iyon ng tarheta at pinalabas na galing sa kanya.
Hindi niya sukat-inakalang ang pagsisimulan ng mga kamalasan niya. Lapida ang laman ng regalong
iyon! Kaya nang mapatay sa mismong araw ng kasal ang bride ni vaz, siya agad ang naging suspect.
Parang avalanche ng kamalasan, nang halughugin ng mga pulis ang mga gamit niya, may nakuha
ang mga ito na ebidensya na nagbuking sa pinakatago-tagong lihim niya: ang matinding pagnanasa
niya sa nabiyudong groom.
Buod ng bawat kabanata ng nobela:
Kabanata 1:
Nanunuod ng telebisyon si prada ng dumating ang kanyang ina na si aling salvadora. Galit ang tinig
nito dahil hanggang sa oras na iyon ay naka salampak parin ang anak sa harap ng t.v. at hindi pa
nalilinis ang kwarto sa ibaba. Sapagkat may uupa sa ibabang kwarto. Subalt hindi parin kumikilos ang
anak,katwiran ng anak ay tanghali pa kinabukasan ito lilipat. Kaya wala ng nagawa ang ina kaya
bumalik na lamang ito sa pwesto nito sa quiapo kung saan nagtitinda ito ng mga herbal na gamut,
pati na ng mga durog na tawas at mga gamut na pamparegla.ibinalik ni prad ang atensyon ng umalis
ang ina,mayamaya ay may narinig siyang kumalabog sa silid na kanugnug ng sala kung saan naroon
ang kanyang lolo.kaya napiltan siyang tunguin ito, nakita niya itong nakasalampak sa lapag at
sinasambit ang pangalan Corazon na siyang tawag nito sa kanya. Madalas siyang tawagin nitong
Corazon sa kadahilanan magkahawig sila ng yumaong lola niya,may sakit kasi itong
makakalimutin.kaya madalas siyang tanungin nito hinggil sa nangyari sa panahon ni marcos na
siyang sinasagot niya lamang, nang matapos niya itong tulungan. ay napagpasyahan niyang linisin
na ang kwarto sa ibaba. Sa gayon, ay makapunta siya sa bahay ng kaibigang si ningning dahil
kaarawan nito. Pagkatapos maglinis ay napagpasyahan niya na tumungo sa bahay ng kaibigan.
Pagbungad pa lamang niya sa barongbarong na tirahan nina ningning ay sinalubong na siya nit im na
may dalang mangkok na may laman na ginataang halo halo.inaya siya nitong kumain pero tumanggi
siya dahil gusto niyang mabati mo na ang kaibigan. Habang papunta siya sa kinanatayuan ng magina ay narinig niyang gustong ipasok nailing desing ang anak sa klab.sa pinaguutangan ng mga ito.
Malaki ang pagtanggi ni ningning pero benaliwala lamang ito ng ina. Nang matapos ang pag-uusap
ng mag-ina ay lumabas si ninining binate niya ito at pinakalma.pinayuhan niya ang dalaga na mali
kung papasok siya sa ganun uri ng trabaho.kung makakaya ba nitong masikmura ang ganun klase ng
pamumuhay na iba sa pangkaraniwan. Ngunit walang tugon ang dalaga, kaya napagpasyahan na
umuwi na lamang at bigyan ang dalaga ng oras na mapag-isip.kinabukasan ay dumating na ang uupa
sa kanilang bahay. Nabigla si prada na isang gwapong binata ang titira sa kanilang bahay.naposuhan

niya ito, nagpacute siya dito. Nang mag-umaga ay namasyal sila tim, napag-usapan nila ang tungkol
sa nangyari kay ningning na kalaunan ay nauwi sa pagtatapat ni tim sa dalaga.
Aral: kahit anong pilit sayo ng mga magulang mo sa isang bagay na hindi mo gustong
gawin. Wala silang magagawa dahil buhay mo yan.
Kabanata 2:
Dahil sa isang bubong lang nakatira si vaz at prada palagi itong nagkikita. Madalas nasa baba ang
dalaga sapagkat ito an gang naglalaba sa mga damit ng lalaki. Sa hapon kinabukasan ay nakilala ni
prada ang babaeng nobya ni vaz. Nanaliit siya ng makita ang babae, dahil sa taglay na ganda nito.
Kaya napagpasyahan niya na iwan na lamang ang mga ito. Hindi maipaliwanag ni prada ang
mabigat na nararamdaman niya. Habang kumakain sina tim at prada sa isawan ni aling linda ay
lumilipad ang isip nito. Napuna ito ng kaibigan kaya kinausap siya nito.parang may problema kasing
dinadal ang dalaga. Pagkatapos kumain at makabayad ay umuwi na ang dalawa. Naabutan nila si lolo
abeng na papalabas ng bahay.sabi pa nito, may motorcade ang pangulong marcos kaya ito lalabas.
Napasabi na lamang ang dalaga ng hay naku bago hilahina ang matanda papunta sa loob.nang
maibalik na sa kwarto ng matanda ay napagpasyahan nilang pagusapan ang problema ng dalaga
habang nagkakape sa balkonahe. Nasabi ng dalaga kay tim ang mga nangyayari sa tuwing nakikita
niya si vaz. Hula naman ni tim,baka nahuhulog na ang loob nito sa kanilang boarder. Nalungkot si
tim, dahil may gusto it okay prada. Ngunit binabalewala lamang ito ng dalaga. Pinakiusapan ni prada
si tim na huwag itong ipagsabi.hanggang sa mauwi ang kanilang pag-uusap sa asaran.kinabukasan,si
prada ang magtitinda sa quiapo dahil aalis ang ina nito. Pupunta ito sa tiyahin niya dahil may
sasabihin daw ito sa ina. Hinuha naman nilang mag-ina baka tungkol ito sa bahay na ibebenta nito at
bibigyan sila ng pera para sa pag-aaral niya. Ngunit nagamba si prada dahil walang magbabantay sa
kay lolo abeng . naisip niya si tim dahil wala naman itong gagawin. Pinuntahan niya ito sa bahay
nito,subalit isang kaguluhan ang kanyang nadatnan. Nag-aaway ang mga magulang nito. Nang
makita siya ng binata ay nahiya ito sa dalaga.at lumapit dito.nagtatanong kung bakit ito naroroon.
Nasabi niyang pwede ba itong humalili sa kanya dahil aalis ang ina niya.subalit tumanggi ito
sapagkat aalis, tutungo sa tita nito sa bicol at doon magtatrabaho pasamantala. Nalungkot ang
dalaga sa narinig at niyakap ang binata.
Aral: kung may problema kang nararanasan huwag mo itong kimkim, kundi sabihin mo ito
sa mga taong handing making sayo.
Kabanata 3:
Dahil sa walang magbabantay kay lolo abeng ay hindi na lamang nagtinda si prada sa quiapo.
Madaling araw kinabukasan ng dumating ang kanyang ina na may dalang magandang balita sa
kanya.ang kanyang tita beth ay mag-aasawa na ng isang amerikan-african na hindi daw kagwapohan
sabi ng mga kapitbahay nito sa lugar. Nasabi ng tiyahin na papalipatin sa bahay nito at paupahan na
lamang ang kanilang bahay. Ngunit, tumanggi ang ina dahil hindi na makakayanan ni lolo abeng na
bago bago ang paligid. Kaya napagpasyahan na ang bahay ng tita niya ang pauupahan para may
pagtustus sila. Sapagkat kukunin ito ng fiance papunta ng amerika. Pagkatapos iproseso ang visa
nito. Ang two storey na building ni G.Tuazon ay sakop lahat ng Pacific Bank. Na siyang
pinagtatrabauhan ni vaz. Hindi lingid ng marami ay ang bangko ay front lamang ng special team ng
NBI. Nagkaroon ng misyon ang Tamaraw team hinggil sa pagka kidnap ng anak ni Mr. Yungs. na
namamasyal lamang sa mall ng hapong iyon. Ayon sa kaibigan nito pauwi na sila ng may tumigil na
van sa harap ng dalawa at dukutin ang kaibigan nito. Manghihingi sana ng tulong ang kaibigan nito
ngunit tinutukan ito ng baril kaya tumahimik na lamang ito. Natapos naman agad ang misyon ng
malaman nila ang lugar na pinagdalhan nito. Pagkatapos ng misyong iyon ay may kasunod pa. sa
Mindanao. Nagpunta agad ang Tamaraw team sa lugar upang sugpuin ang mga terrorista na

namamahay sa lugar na iyon. Sa kabilang banda , hindi mapakali si prada dahil hindi makontact nito
si vaz. Ilang araw na ito nawawala, kaya alalang alala na siya.na siyang naging puna ng kanyang ina.
Nagsinungaling lamang siya na nababagot na siya sa bahay.halos lundagin ni prada si vaz ng makita
ito sa gate,hindi niya napigilan na yakapin ito.agad siyang nagtanong dito ng kung anu-ano na
kinatawa lamang nito. Niyaya siya nitong mag sine, ora oradang nag game siya.pinalangin niya na
akbayan siya ni vaz ngunit hindi nito ginawa. Nadismaya si prada ng magyaya itong umuwi ng
maaga.
Aral: may mga taong handing tumulong sa batang gustong makapagtapos ng pag-aaral.
Kabanata 4:
Kaarawan ni vaz kinabukasan kaya itre-treat siya nito. Kaya pinaghandaan ni prada ang araw na
iyon. Nang pababa na siya ay namang ha ang binata sa kanya ngunit ng mapadako ang tingin nito sa
pisngi niya ay nagsimula nitong biruin siya hinggil sa mga pimples sa mukha niya. Ungot pa nito sa
kanya ng makasakay sila sa kotse nito kung kalian matatapos ang kontrata ng mga ito. Kaya nakurot
niya ito sa tagiliran na siyang kinatawa nito.pagkarating sa SM Megamall ay panay ang kuha ni prada
ng litrato kasama ni vaz. Gusto niya na magkaroon siya ng litrato ng lalaik kaya niya ito inuungutan
ng I paprint ang mga litratong kuha nila.pagkauwi sa bahay ay nadatnan ni prada si lolo abeng na
may hawak na lumang magazine, ng makita siya ay tinawag siyang Corazon nito. Tumirik na lamang
ang mga mata nito. Ipagbabalat ni prada ng mangga ang klanyang lolo ng magsalita ito ng kung anuano.patungo na siya ng kusina ng makarinig siya ng ingay mula sa may hagdan. Nang mapag-alaman
niya na si ningning pala iyo ay agad niya itong pinapasok. Nag-usap ang dalawa tungkol sa
pinagtratrabauhan nito na na raid ng mga pulis kaya Malaya na ito sa kamay ng intsik na pinaguutangan ng pamilya nito.hanggang sa marating ang pag-uusap ng dalawa sa kanyang titan a naroon
na sa amerika. Doon narin naghapunan ang dalaga. Nang papauwi na ito ay nasalubong nila sivaz na
kakarating lang din. Ipinakilala ni prada si ningning kay vaz. Alam ni prada na base sa nakikta niya sa
dalawa ay may namumuong romansa sa mga ito.l nagpupuyos ang kalooban ni prada na naiwang
nakatanga. Namumugto ang mata ni prada ng maabutan siya ng ina kaya nagtanong ito sa kanya na
siyang tinanggi ng dalaga. Ipinaalam nito sa kanya na pede na siyang mag-aral sa pasukan na siyang
nagwaglit sa sakit na dinadala niya na kinagabihan ay bumalik ng makita ang binata na nabihis na
bihis.
Aral: pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo sa lalaking alam mo na wala namang
konting pagtingin sayo.
Kabanata 5:
Estudyante na uli si prada pagkatapos ng mahigit apat na taon. Hindi siya gaanong excited kahit pa
may mga kaibigan agad siya sa school. Na mi-miss niya si vaz, mula nang lumipat ito sa nabiling
town house tatlong buwan na ang nakakaraan. Lalo pang nadgdagan ang kinikimkim na sama ng
loob sa kaibigan tuwing pumupunta ito sa kanila. Panay pa ang kwento nito kay vaz.nakikita kasing
inlab na inlab ang kaibigan kay vaz. Napansin naman ng kaibigan na may kakaiba sa kanya tuwing
naroron ito kaya na tanong nito sa kanya kung hindi niya ba gusto na nagkatuluyan ang dalawa na
siyang tinanggi niya. Sabi niya pa na naiinggit lamang siya sa dalawa dahil walang nanliligaw sa
kanya.tugon naman nito sa kanya na may mga lalaki na umaaligid sa kanya.itinuon ni prada ang
pansin sa pag-aaral para mawaglit ang atensyon niya kay vaz at ningning. Natuloy rin ang pagtitinda
ng kanyang ina sa labas ng kanilang bahay . nang nagsalita ang kanyang ina tungkol kay ningning na
nakapag patayo ng tindihan sa harap ng bahay nito sa tulong ni vaz. Segunda pa ng ina n asana
magkatuluyan ang dalawa, dahil hindi nito gusto ang mga babaeng nagiging girlfriend nito. Nang
biglang lumabas ang lolo abeng nito dahil umiiyak daw siya kanina, nanghihingi ng panyo para ibigay
sa kanya, na siyang ipinagtaka ng ina. Agad-agad siyang umalis patungo sa kanyang

kwarto.kinapaskuhan ay nagpunta si vaz sa kanila dahil wala ang nobya nito sa bahay, nagpunta raw
ito ng ilocos na siyang pinagtakhan ng binata. Dahil hindi ito nagpaalam na magbabakasyon. Natuwa
naman si prada sa pagdating ng binata. Ilang araw ay napag-alaman nilang nag-asawa pala ito ng
hapon kaya hindi na nakabalik. Sa kabilang banda ay nag-aagaw buhay naman ang ama ni vaz sa ICU
dahil pinaulanan ang bahay nila ng bala na siyang dahilan na mahospital ang ama at namatay.
Aral: ang solusyon sa mga problema ay ang paniniwala mo sa poong maykapal.
Kabanata 6:
Nang mamatay ang ama ay nagsiuwian ang dalawang kapatid ni vaz. Walong araw ang burol bago ito
inihatid sa huling hantungan. Nang magpaalam ang mga kapatid na babalik na sa kanya-kanyang
trabaho sa ibang bansa ay nagbitiw siya ng pangakong lulutasin niya ang kaso ng kanilang ama.
Hindi naging madali ang pagkawala ng kanyang ama. Sa bawat araw ay nami-miss niya ito, gusto
niyang tutukan ang kaso ng kanyang ama.umuwi siya sa kanilang bahay at pumasok sa silid ng
kanyang ama. Bumalik ang mga alaala nilang mag-ama ng makita niya ang loob ng kwarto nito.
Nabalik lamang ang kanyang diwa ng pumasok ang tiyahin na gulat na gulat . akala kasi nito na
nagmumulto ang kapatid. Nang makita siya ay napanatag siya na hindi nagmumulto ang kuya nito.
Natanong ng binata sa tiyahin kung gusto ba nitong magpakita ang ama niya. Pero tumanggi ito dahil
sa takot sa multo. Katwiran pa nito, baka ito pa ang maging dahilan na magkasama sila sa kabilang
buhay.natawa lamang ang binata .pinaalahanan lamang siya na mag-ingat sa trabahong pinasukan
niya. Tinanong pa siya nito kung may balak ba siyang tumigil pero tumanggi ito. Dahil Masaya na ito
sa trabaho. Sa kabilang banda ay miss na miss na ni prada si vaz. Madalas ng siyang pumun ta sa
pacific bank nagbabakasalli na dumating na ang binata galing sa cebu.nagulat na lamang siya isang
hapon ng may matanawan na kotse na pamilyar sa kanya kaya nilapitan niya ito. Nang usisain niya
ito ay bigla lamaang ito bumusina na siyang kinabigla niya. Isang lalaki ang umibis sa kotse na
siyang si vaz pala. Napayakap ang dalaga sa binata. Na pagpasyahan nilang mamasyal at kumain sa
KFC para mag-merienda. Natanong naman ng dalaga kung totoong na assign ito ng cebu na siyang
sinagot naman ni vaz. Natanong niya rin sa binata kung okay na ito sa mga nangyari sa relasyon kay
ningning na siyang naging dahilan ng pagkapayat nito.na siyang sinagot nitong okay na ito. Sa Z
amboanga City naman ay gusto ni wishia na pakawalan na siya ng nobyo na si paul . dahil hindi na
ito Masaya sa kanilang relasyon. Hindi naman nag matigas ang nobyo at pinakawalan siya. Akala ni
wishia na wala ng problema. Ngunit ng umuwi siya sa bahay ay galit nag alit ang ama sa
pakikipaghiwalay nito kay paul. Tugon naman niya dito , hindi na siya Masaya sa kanilang relasyon at
sa negosyo nito. Napag-isip isip niya na lumuwas na lamang ng maynila at magkaroon ng bagong
buhay. Magtatatag siya ng sariling negosyo o maghanap ng trabaho. Na siyang sinang-ayunan na
lamang ng ama.
Aral: kung may mga tao na mawawala sa buhay natin, meron ring mga tao na darating.
Kabanata 7:
Nang mga sandaling iyon ay nagkakaroon ng meeting ang Tamaraw hinggil sa bagong misyon na
gagawin ng grupo. Tungkol ito sa isang grupo na nagpapasok ng mga terrorista sa bansa sa
pamamagitan backdoor approach, kaya nakakapasok ang mga cocaine sa bansa. Napagpasyahan ng
kanilang leader na si popa o vaz ang gawing undercover ng grupo. Dahil ito lamang ang
nakakalamang ng kagwapuhan ng mga kasamahan. Sapagkat ang target ay isang nangangalang
wishia. Ang babae ay maganda ngunit hindi ito ang tipo ni vaz. Nang mag-aya ang tropa ng Tamaraw
na mag-inuman ay tumanggi si vaz . nag text kasi si prada na imbitado ito sa bahay ng yaon dahil
birthday ni lolo abeng. Tinukso pa siya ni hero na mayroon namamagitan sa kanya at kay prada.sa
kadahilanan madalas magkasama ang dalawa na siyang tinanggi ng huli. Nang umalis ang kaibigan ,
naglalaro naman sa isip niya ang magandang mukhana nakakubli sa mga damit na sinusuot nito.

Ipinilig ni vaz ang ulo ng mapagtanto ang ginagawa sa dalaga. Ilang buwan na si wishia sa maynila,
masasabi niyang settled na siya sa lugar na iyon. Matatapos na rin ang lugar na siyang patatayuan
niya ng bubuksan niyang negosyo. Hindi naman siya na bored ng ilang buwan sa lugar na iyon. Dahil
nandiyan ang kaibigan na si Sheila. Sa gabing iyo ay dumalaw ito sa kanya. May party raw itong
pupunta at gusto siyang isama nito doo. Dahil sa baka ma traffic ito ibinagay na lamang sa kanya
ang address ng bahay ng kaklase nito. Na siyang pinuntahan niya kinabukasan.kinagabihan ay
nagrenta ng taxi si vaz, upang masubaybayan si wishia upang mapalapit dito. Na siyang sinagot
naman ng tadhana, ng biglang umulan ay nagkaroon siya ng pag-asa na mapalapit sa dalaga. Nang
matanaw ni vaz na papalapit ang dalaga sa taxi na kinaroroonan niya. Ito ang naging simula ng
misyon ni vaz.
Aral: pilt mo man itanggi sa sarili mo na wala kang nararamdaman sa kanya, lalabas rin
ito sa mahirap na sitwasyon.
Kabanata 8:
Nagpaalam na si van ng matapos kumain.na siyang pagdating naman nit im na ilang taon rin nawala
sa lugar nila. Napagpasyahn ng binata na umuwi sa kadahilanang wala na itong makakasama sa
bukiring ng tiyuhin nito. Na lumaong namatay sa sakit. Napag-desisyunan ng mga magulang nit im
na ipagbili na lamang nila ang bukirin ng kanilang tiyuhin at halili dito ang pagkakaroon ng
pampasada na jeep. May alam na kasi ito kung paano mag maneho ng jeep. Natanong naman ng
binata ang dalaga tungkol sa nangyayari sa buhay nito. Na siyang ipinagkibit balikat lamang ng
dalaga. Suntok sa buwan na mapapansin siya ni vaz dahil hindi naman siya maganda. Na siyang
sinalungat naman ng kaibigan. Sapagkat, maganda naman siya kung mag-aayos siya ng
sarili.Nagulat si wishia ng magpunta si gio sa condo unit na kanyang tinutuluyan. Hindi niya akalain
na ilang araw na pagkikita nila ay makikita niya itong muli at makakasama niya itong mamasyal.
Inimbitahan kasi siya ng binata na mamasyal sa isang seafood restaurant sa market market. Hindi
mapigil ang kilig ni wishia sa tuwing sinusubuan siya nito at pagiging gentleman nito sa kanya.
Hanggang sa niyaya siya nitong sumama sa boracay sa kadahilanan wala itong makakasama roon.
Sa kabilang banda ay nagpapatulong naman si prada sa isang kaklase niya kung paano mag-ayos ng
sarili. Hindi lubos akalain ng dalaga na wala palang saysay ang ginawa niyang pagpapaganda dahil
may lakad si vaz kasama ang nililigawan nito sa boracay.
Aral:anong silbi ng iyong pagpapaganda kung ang lalaking mahal mo hindi ka naman
pinapansin.
Kabanata 9:
Nakasakay na vaz sa kotse niya papunta sa condo ni wishia . ngayon kasi ang lakad nila papunta sa
boracay.kanina pa siya inis na inis sa sarili dahil hindi mawaglit sa isip ang mukhang malungkot ni
prada. Ano na lamang ang gagawin ng binata kung tuluyan na iiwas ang dalaga.lalo pang iniisip nito
na seryoso siya kay wishia. Tama nga ang sinabi ng kaibigan na may gusto ang dalaga sa
kanya.gusto sana niyang sabihin kay hero ang tungkol sa nakita niya s dalaga ngunit ng nag-aatubili
siya nab aka kantyawan siya ng kaibigan. Ilang araw ang lumipas ng dumating sila ng boracay ay
hindi parin mawala sa isip ni vaz si prada. Kahit nga magsuot pa ng mga skimpy bikini ang dalaga ay
wala parin. Naibalik lang ni vaz ang isip ng dumating si wishia na naka summer dress. Naka ngiti ito
sa kanya. Naging aggresibo ito ng sabihin ni vaz na magbibihis muna ito at kakatok na lamang sa
silid na inuokopa. Pagkatapos ng pamamasyal ng dalawa ay pumasok na si wishia sa kwarto nito.
Kausap nito ang kaibigan si Sheila.kini kwento ng dalaga ang nangyari ng araw na iyon. Hanggang sa
sabihin ng dalaga sa kaibigan na inlab na ito kay vaz. Ito rin ang aalok ng kasal sa binata kung
magkataon na siyang kinatawa ng kaibigan.

Aral: masakit man makita ang lalaking mahal na mahal mo na may kasamang iba. Tatag
mo lang ang loob mo mapapasayo rin siya.
Kabanata 10:
Hatinggabi na ay hindi parin makatulog si prada dahil sa kakaisip kay vaz. nakatatapos lamang
niyang magawa ang mga project niya sa school ay hindi parin siya makatulog.isang tunog ang siyang
nagpagising sa diwa ni prada. Si vaz pala ang tumatawag, kinukumusta siya nito. Ngunit hindi parin
siya naging Masaya ng maisip na kasama nito ang girlfriend sa kwarto na siyang itinanggi naman ng
binata. Nasabi rin ni prada na birthday niya sa susunod na araw na siyang kinalumo ni vaz dahil hindi
siya makakauwi. Baka magtaka si wishia kung bakit bigla silang uuwi na siyang kinalungkot ng lalaki
dahil hindi nito masasamahan ang dalaga sa espesyal na araw nito.kakagraduate lamang ni prada ng
araw ng iyon ng hindi inaasahan na dumating si vaz. May dala itong masamang balita sa kanya na
siyang nagpagimbal sa buong pagkatao ni prada. Hindi inaasahang ng dalaga na ikakasal na anga
lalaking mahal niya ilang araw ang lito nilipas. Pilit niyang nilalabanan ang mga luha na nag uunahan
sa paglabas sa kanyang mga mata.kaya napagpasyahan niya na umiwas na lamang. Kaya nag punta
siya sa silid ng kanyang abuelo at doon umiyak. Habang umiiyak ay hindi na Malayan ng dalaga na
nakatayo pala si vaz sa pintuan ng kwarto ni lolo abeng.kitang kita sa gwapong mukha nito ang
pagtataka sa namumugtong mata ng dalaga na siya ng tinangggi naman ng huli.
Aral: kung hindi mo na makayanan ang sakit, iiyak mo lang ito at gagaan rin ang iyong
pakiramadam.
Kabanata 11:
pilit na kinakalimutan ni prada si vaz ngunit hindi ma tuloy tuloy sa kadahilanang palagi itong
nagpapakita sa kanya. Tulad nalang ng araw na iyon, dumating ang binata ng dis oras ng gabi
nakatanaw sa silid ng dalaga. Nang makita ng dalaga ang binata ay agad nitong tinungo ang binata.
Nang makita niya ito ay napag-alaman niya nakainom pala ito. Iniyayaan si prada ni vaz na maglibot
libot muna dahil nahihilo pa ito. Hanggang sa nakarating ang paglalakad nila sa bahay ni vaz. Na
siyang dahilan para mangyari ang mga bagay na hindi inaasahan na gagawin ni vaz kay prada.
Nabigla ang dalawa sa mga nangyari. Ngunit hindi ito pinagsisihan ng dalawa sapagkat alam nila sa
sarili nila na ginusto nila ang nangyari. Nang pauwi na ang dalawa sa bahay ni prada ay may
nadaanan silang nag-iinuman na mga teenager na mga lasing. Pilit ginigiit ng mga lasing na teenager
na magbigay ang dalawa ng toll free. Dahil, dumaan sila sa lugar na iyon na siyang tinutulan naman
ni vaz. Nanlaban si vaz ng nagsimula ng suntukan ang tatlong lalaki. Napasigaw naman si prada ng
biglang sumugod ang tatlong lalaki sivaz. Natamaan ang binata na siyang inaalala ng dalaga. Biniro
naman siya ng binata na nagtama ito para mapasubsob sa dalaga. Agad itong nagbigay ng suntok at
tadyak sa mga lalaki. Matagal na nanatili ang dalawa sa barangay hall dahil sa nangyaring
kaguluhan. Sa huli, sinisi ang mga teenager dahil madalas itong gawing ng mga ito.nang makauwi ay
ginamot ni prada ang sugat na natamo ng binata. Ng sumigaw ang ina ni prada,nagising pla ito.
Nataranta ang dalaga,pero pinakalma ito ni vaz. Sabi pa nito na magtataka si aling doray kung bigla
nalang aalis si vaz. Kaya nanatili sila sa ganoon posisyon. Pagkatapos ay nag-siuwi na sila.
Aral: anong iwas mo sa isang tao, magkikita magkikita rin kayo.

Kabanata 12:
Hindi lubos akalain ni prada na ang pagiging tanga niya ay siyang magiging dahilan pra mapahamak
siya. Napagbintangan kasi siya na siyang pumatay sa soon to be wife ni vaz. Nang pumunta ang mga

pulis sa bahay ni prada na may dala na warrant of arrest. Hinahalughug nila ang buong bahay at
nakita ang mga ebidensya na nagtuturo na siya ang salarin sa pamamaril kay wishia niu.
Aral:
Huwag maging sobrang tanga dahil magbibigay iyon sa iyo ng matinding sakit at
kapamahakan
Kabanata 13:
Dahil sa nakuhang ebidensya ay nakulong si prada. Kinuha naman siya ng tulong ni vaz.isang
abogado ang hahawak sa kanya para mapalabas siya. Palagi naman siyang dinadalaw at dinadalhan
ng mga pagkain ngunit hindi ito tinatanggap ng dalaga sa kadahilanang baka madagdag naman ang
utang na loob nito kay vaz.isang araw ay bigla lamang dumating ang isang empleyedo ng pacific
bank na may dalang isang sobre na may kalakip na salapi at sulat, na nagsasabing pangpyansa kay
prada at panggastos rin sa pang araw-araw na pangangailangan. Napalaya ang dalaga pagkatapos
ma piyansahan,sinalubong naman agad siya ni hero na inutusan ni vaz na sunduin sila. Ngunit itoy
tinanggihan ng dalaga. Ayaw ntong madagdagan ang utang na loob nito sa binata.
Aral:hindi ka nag-iisa sa lahat ng bagay, may mga tao na nandiyan para tulungan ka.
Kabanata 14:
Mag-iisang buwan na ang nakalipas ng makalaya si prada sa bilangguan.hindi naging madali sa
kanya na kalimutan si vaz miss na miss niya na to. Nagpalit na siya ng bagong number.hindi rin
naman siya kokontakin ng binata. Puwede naman itoy pumunta sa bahay kung gugustuhin nito.
Nang tanghaling iyon ay pumasok siya sa kwarto ng abuelo mahibing itong natutulog. Pinagmasdan
niya ito, kung hindi lamang ito nagka dementia. May magpapayo sana sa kanya ngayon. Ito kasi ang
palaging nagpapayo sa kanya sa tuwing may problema siya. Sa pagkakatitig sa lolo nagising ito at
tinatawag naman siyang Corazon.pilit niyang sinasabi dito na siya ang apo nito, ngunit hindi parin
nito natatandaan. Napaiyak nalang si prada ng tuluyan.
Magmumokmok na naman sana si prada ng madatnan siya ng kanyang ina kaya napilitan siyang
lumabas sa kwarto at tumuloy ila tim,gusto niyang kunin siya ng kaibigan bilang konduktor para
maaliw naman siya. Napag-usapan rin nila si ningning na uuwi na sa pilipinas dahil binubogbug raw
ito ng asawa tuwing nalalasing.nang papasok na sila ng bahay nila prada ay naabutan nila si vaz sa
sala kausap ang kanyang ina. Nag-uusap ito ng masinsinan. Napadaan ito sa bahay at may inabot sa
kanyang pagkain imbis na bulaklak sakadahilanana hindi pa pwede. Nagalita ang dalaga sa
pinagtapat ng binata dahil may asawa na sana ito kung hindi nangyari ang gulo. Bakit pa ito
manliligaw sa kanya, kaya pinagtabuyan niya ito.
Aral: huwag dumamapot ng regalo na hindi sayo. Baka ito ang maging dahilan para
makulong ka.
Kabanata 15:
Balak sanang makipag-usap ni vaz kay prada ngunit hindi niya ito nakaharap sa halip ay ang ina nito.
Pilit pinapaunawa ng ina ni prada kay vaz na huwag na guluhin ng huli ang dalaga. Baka mapahamak
lamang ito, naging malungkot ang binata . pumasok na lamangito sa trabaho at umuwi sa amadeo.
Nang hindi makayanan ni prada ang pag-iisip kong bakit hindi na nagpakita ang binata sa kanya ay
nagtungo siya sa bahay nito. Ngunit hindi ito ang nadatnan niya sa bahay, kundi ang kaibigan na
kinamumuhian niya. Nagkasagutan sila at nag-away.walang nagawa si prada ng paalis siya sa bahay.
Nagtungo naman agad siya kay tim, nagyaya ito ng inumin na siyang pinagsisihan ng binata. Dahil

lasing na lasing na ito. Sa gabi namang iyon ay dumating na si vaz galing sa Malaysia. Nadatnan nito
si ningning sa loob ng bahay na siya niyang pinagtakhan. Pinaalis niya ito pagkatapos ng kanilang
paguusap at nang malaman kung nasaan si prada. Agad naman siyang nagbihis ay pinuntahan ang
dalaga sa bahay nito ngunit wala ito doon kaya pinuntahan niya ito sa bahay ni tim. Pagliko pa
lamang ng kotse ni vaz ay kita na niya ang dalaga sa bakuran ng bahay. Tinungo niya ito at pilit inuwi
na siyangpagmamatigas nito hangang saw ala na itong magawa ng akayan ng binata sa kotse nito.
Aral: ang hindi pagkakaunawaan ay malulunasan sa mabuting pag-uusap.
Kabanata 16:
Nang mga sandaling iyon sa mansiyon ng pamilya niu sa kotlemado ang mag-amang sa kinabalu,
probemado ang mag-amang wishia at peter habang sa balkonahe. Napag-usapan naman ng magamang ang tungkol sa pagkakakulong ng tiyuhin ng wishia. At pagkakadawit ni Giovanni sa buhay.
Pinagplanohan pala ng binata ang paglapit sa dalaga at paibigin siya. Hindi matanggap ng dalaga na
ang lalaking inaakala niya na makakasama niya pang habang buhay ay impostor pala. Isa pala itong
miyembro ng black organization sa ilalim ng bureau of investigation sa pilipinas na ang pakay ay
makakuha ng imposmasyon kay paul corpus. Na siyang ikinagalit ng dalaga hindi nito hahayaan na
maging Masaya si popa sa kamay ng ibang babae.
Nagising si prada ng may nakadagan sa kanya. Isang lalaking pamilyar sa kanyang paningin, walang
iba kundi ang laman ng kanyang puso at isipan. Agad siyang napabalikwas ng malaman niya kung
nasaan siya. Pilit niyang ginising ang binata at agad nagtanong kung bakit ito naroroon na siyang
sinagot naman ng binata.nag-usapa ang dalawa ng mahimasmasan ang dalaga sa pangyayari.
Nagkaliwanagan ang dalawa hanggan sa humantong sa paniniig.kinabukasan ay nabulabog ang
dalaga sa ingay na nagmumula sa labas. Nandoon pala ang ina ni prada at hinahanap siya. Hinarap
naman ng dalawa ang ina ni prada at nag-usap.
Aral: hindi basehan ang paghihiganti para mawala ang galit na iyong nararamdaman.
Kabanata 17:
Naitakda ng maikasal si vaz at prada---- at gaganapin iyon sa darating na buwan, sa mismong
birthday ng bride. Isang pribadong kasalan lang ang magaganap, sa kagustuhan na rin ng ina n I
prada. Nag-uusap naman si prada at kanyang tita beth sa skype, dahil hindi ito makakapunta sa
amerika. Pagkatapos ng pag-uusap ng mag tiyahin. Dumating naman si tim. Kinikwento nito sa kanya
ang pagpunta ni ningning sa bahay nito. Lasing na lasing ito, hindi nito matanggap na magpapakasal
na si prada at vaz ilang araw nalang ang natitira. Na sabi rin ng binata na magtatrabho ito sa ibang
bansa bilang janitor, na siyang kinalungkot ng dalaga. Lalayo ito sa dalaga upang makalimot.
Kinagabihan ay dumalaw naman si vaz may dala itong family size pizza. naglambingan ang dalawa
ng dumating si tim na may dalang masamang balita. Nasa hospital daw si ningning dahil sa
pagkasaksak ng hapon dito. Agad naman silang pumunta sa hospital. Nadatnan nila doon ang ina
nito na umiiyak. Naawa naman ang dalaga sa kinahinatnan ng dating kaibigan. Lahat ng galit niya ay
nawala ng makita niya itong nakaratay sa hospital bed.nagpaalam naman si vaz na aalis upang
magtungo sa pulis para ipaalam ang nangyaring krimen .nang lisanin nila ang hospital ay nakatulog
si prada sa kwarto nito. Sinabihan naman siyan ng ina na ipapaalam nito sa kaniya kung tatawag ang
nobyo. Hindi pa nakakatagal ng tatlong oras ang tulog niya ay nagising na ito. Sinalubong naman
siya ng ina ng masamang balita. Nabaril daw si hero kaya dinala ito sa hospital. Uuwi na laman ang
nobyo sa alas sais ng gabi. Nang makauwi si vaz ay pinagtapat niya sa nobya ang trabaho niya at
aalis na ito sa trabaho para sa ikapapanatag ng loob nito, na siyang kinasaya ng nobya.hindi nila
batid na araw na iyon may mangyayari kay prada.

Aral: lahat ng hinanakit mo sa isang tao ay mawawala na lamang bigla kapag makita mo
silang nakakaawa.
Kabanata 18:
Nagimbal si vaz sa sinalubong na problema sa kanya ng dumating siya sa bahay nila prada. Dinukot
daw ang dalaga at walang alam ang mga ito kung sino ang dumukot. Agad naman siyang naghanap
ng mga posibleng tao na dumukot dito ngunit wala. Dalawang araw na itong nawawala at itong araw
na ito rin ang araw ng kasal nila. Ngunit anong nangyari nawawala ang mismong bride sa araw ng
kasal. Nagpunta naman ang kanyang tiyahin para damayan siya. Ito n asana ang pinakamasaya na
araw ni vaz subalit napalitan ito ng pagpipighati. Gusto niya lamang na makasal sa babaeng
pinakamamahal niya.nauunawaan naman siya ng tiyahin.kaya pinapagaan nito ang loob niya. Nang
tumawag ang celphone ni prada. Isang babaeng naging bahagi na ng kanyang buhay ang siyang may
kagagawan nito. Kung gusto raw niyang makita ang nobya ay pumunta ito sa kinaroronan nito. Agad
naman tumalima ang binata sa tulong ng kanyang mga kasamahan. Nang makapasok sa loob ng
kinaroroonan ng nobya ay naawa ito sa nangyari dito. Bugbog sirado na ito at wala ng lakas, pilit niya
itong nilapitan pero hinawakan siya ng lalaking kasama ni wishia. Pinaglapit naman sila at inalo ang
dalaga. Sinasabi niya dito na makakaligtas sila, magtiwala lamang ito sa kanya. Hanggang sa may
tumulong na sa kanila. Agad naman silang dinala sa hospital para mapagamot.
Lumipas ang mga araw ay natuloy rin ang kasal ng dalawa at namuahay sila ng Masaya.
Aral: lahat ng problema ay malulunasan kapag may tiwala ka lamang sa iyong sarili.
Ito ang napili kong nobela , dahil unang tingin ko pa lamang sa harap na pahina ay nakuha na
nito ang interes ko. Nang mabasa ko naman ang buong istorya, napakaganda ng daloy ng
kwento at kung paano binigay ng may-akda ang lahat para mapganda pa lalo ang daloy ng
kwento. Marami rin akong nakuhang mga magagandang aral. Na hindi ko naisip na makukuha
ko sa nobelang ito.

Ito ay nabibilang sa nobelang romansa, dahil ukol sa pag-iibigan ng dalawang tao sa kwento.
At Nobelang Masining dahil sa paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari
ang ikinawiwili ng mga mambabasa.

ST. PETERS COLLEGE OF ORMOC


COLLEGE UNIT
FILI 17: Dula at Nobelang Pilipino

Ipinasa kay
Gng. Myriam Dino

Ipinasa ni
Domilyn Joy Tolorio

August 3 , 2016

You might also like