You are on page 1of 6

Varyasyon ng Wika

1. Dayalek/ Dayalekto
-pagkakaiba iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
-wikang sinasalita ng isang neyographical.
- ang barayti ng wikang nililikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat.
Ito ang ginagamit sa isang particular na rehiyon, pook o lalawigan, Malaki man o maliit.
- ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sap unto o tonos a istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin
ang pananangalog ng mga naninirahan sa ibat it ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang
pananangalog ng taal na taga- maynila sa taga- Batangas, taga- Bulacan at taga- Rizal.
Hal: pakiurong nga po ang plato (Bulacan hugasan)
pakiurong nga po ang plato (Maynila iusog)
2. Idyolek
-nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga
tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa)
-Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
Hal: Tagalog Bakit?
Batangas Bakit ga?
Bataan bakit ah?
3. Sosyolek
-baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang
kinabibilangan.
-may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita
- sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong
sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika
ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla
at ng iba pang pangkat. Makikilala ang ibat ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro
na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga
sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
-a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!

b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!


c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
Hal: Wika ng mag-aaral
Wika ng matanda
4. Register
-isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika.
-mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.
-pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) naaayon ang wika sa sino ang

nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) batay sa larangan na tinatalakay at sa
panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) pasalita o pasulat pagtalima sa
mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.

MGA VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA


(Heyografikal, Sosyal at Okufasyunal)

HEYOGRAFIKAL NA VARAYTI
Ang Heyografikal na varayti ay dahilan lamang na kung saan ang grupo ng mga tao

na nagsasalita at gumagamit ng wika ay napaghihiwalay at napagwawatak-watak ng mga pulo,


maging ng kabundukan at tubigan. Halimbawa na lamang ng mga Ilokano na nagsasalita ng
tagalong, hindi bat kapuna-puna ang kaibahan ng kanilang pagsasalita? Napapansin natin na
mapagpapalit nila ang pagbigkas ng /e/ at /i/ at /o/ at /u/.
Ang mga ganitong halimbawa ay nagpapakita ng mga varyasyon ng wika particular na
ng Heyografikal na varayti.

SOSYAL NA VARAYTI
Ito ay tumutukoy sa panlipunang varyasyon sa gamit ng wika. Nagkakaroon ng

pagkakaiba-iba ng wika ayon sa larangan sa lipunan.

Wika at Relihiyon
Sinabi ni Joey M. Peregrino (2002) ang wika ng relihiyon ay isang simbolikong wika sapagkat
kinapapalooban ito ng mga talinhaga at mga bagay na hindi basta makikita, mararanasan o
mararamdaman. Dagdag pa niya, sibolo ito ng pananampalataya.

Wika at Showbiz
Ayon sa pag-aaral ni Laray C. Abello (2002) karamihan sa mga dalitang ginagamit sa showbiz ay
galling sa mga salitang bakla. Hindi na raw ito nakakapagtaka dahil karamihan sa mga
manunulat at manedyer ay pawing mga bakla.

OKUFASYUNAL NA VARAY

Itoy nakabatay sa relasyon ng wika sa sitwasyon kung saan ito ginagamit. Halimbawa, iba ang
wika na ginagamit ng mga duktor sa abogado. Ito ay nakaayon sa communicative competence kung
saan ginagamit ng tao ang angkop na wika batay sa pangangailangan.
Mga Gamit ng Wika

Binibigyang linaw dito ang mga variant o mga form na magkaiba na may parehong kahulugan na
dala na pagbabago. Tinitingnan ang wika sa loob ng kinikilusang jeograpikal o sosyal na reyalidad.

Sosyolinggwistiks
Tinatawag na sosyolinggwistiks ang pag-aaral at pagkakaintindi ng ibat-ibang variant, ibatibang form at straktyur, na tinatakda ng ibat- ibang kontekstong sosyal. Sa madaling sabi, pag-aaral
ito ng kahalagahan at kabuluhan ng mga linggwistik-varyesyon sa mga sosyal straktyur. Nakapaloob
dito ang pag-aaral at pagaanalays ng ibat-ibang anyo o varayti ng isang wika na tinatawag na Dayalek.

Dayalektoji ang tawag sa larangan na pinag-aaralan ang mga dayalek ng isang wika. Kahit
na may kanya kanyang katangian ang bawat dayalek , nagkakaintindihan ang lahat ng ispiker ng
Tagalog. Meron silang mutwal na pagkakaintindihan o mutual intelligibility.

Dayalek-jeografi at Dayalek-atlas

Kung may pagbabago o inobasyon, halimbawa sa isang tunog, karaniwang apektado ang buuong
komunidad na nagsasalita nung wika kung saan nagkaroon ng pagbabago. Aysoglos ang tawag na
nagpapakita ng hangganan ng pagbabago, inobasyon o variant. Kapag nagsama-sama sila sa iisang
lugar, sila ay nagbubuklod ng isang dayalek sa isa pang dayalek.

Dayalek-atlas

Ang tawag sa nagpapakita ng hangganan ng mga variant para mailarawan ang mga sakop na mga
dayalek ng isang wika.

Ang kontekstong sosyal

Maoobserbahan na kahit saan, nagugrupo-grupo ang tao batay a ilang kayangian o varyabol,
halimbawa, yaman, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.

Mga sosyal-varyant
Nagkakaroon ng dayalek ang wika dala ng kontekstong sosyal na nagdedetermin ng mga variant
nito. Kaya mahalaga ring malaman kung bakit may mga variant, halimbawa, bakit nagresis o di
tinanggapng isang grupo ang inobasyon na gamit o galling ng ibang grupo. Loyalty ng wika ang tawag
kung bakit nagkaroon ng mga komunidad ang katunayang sosyal, historical at jeograpikal. Katangitangi paring nananatili ang paggamit ng tunog r sa isang grupo ng salita na katumbas ng d,
halimbawa, ring-ring dingding, ribdib dibdib at iba pa.

Ang Idyolek
Tinatawag na Idyolek ang total na katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal.
Ang varyant o mga linggwistik na katangian ng isang idyolek sa isang linggwistik-komyuniti ay di kasing
laganap sa mga varyant na ginagamit ngjeografik-dayalek o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang

mga ito ng indibidwal.

Standard na varayti
Hindi gumagamit ng mga varyant na naiiba sa standard-varayti ang mga nakilalang may pinagaralan, o di kaya, ang mga gusting hangaan sila. Pinapalitan nila ng mga salitang gamit sa standard
ang mga salitang mag-aaydentifay na galling sa isang lugar.

Patay na wika

Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pagsplit ng isang wika-ang pagkawala o pagkamatay ng


isang dayalek dahil hindi na ginagamit ito. Namamatay ang isang wika dahil meron itong kapalit na
wikang mas pinapaboran ng mga myembro ng komunidad.

Pidjin at kreyol

Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nadedevelop na bagong wika. Karaniwang
nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidjin ang tawag sa proseso ng
pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya ng kahit mali mali, hanggang magkaintindihan ito. Kreyol naman
ang tawag sa wikang nadedevelop sa isang pidjin at nagging unang wika ng isang lugar.

Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino.
Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho
niya?
-hearing, exhibit, court,

pleading, fiscal, justice,


settlement, appeal, complainant
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng
isang partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na
disiplina:
- account, balance, net income,

debit, revenue, asset,


credit, gross income. cash flow
-Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:
-diagnosis, therapy, prognosis,

symptom, emergency, patient


check up, ward, x-ray
-Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa
ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano
naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:

-ace, fault, love,

breakpoint, deuce, rally,


slice, advantage, service
-Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro
sa larangang nasa boob ng panaklong:
-mouse (Computer, Zoology)

stress (Language, Psychology)


strike (Sports, Labor Law)
hardware (Business, Computer)
race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education)
operation (Medicine, Military)
note (Music, Banking)
accent (Language, Interior Design)
server (Computer, Restaurant Management)

-Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa
dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa
sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay
nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang
indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek.
Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang
lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro
Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon Tulfo,
d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?
-Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng
mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e.
Ruffa Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago.
- May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidginay tinatawag sa Ingles
na nobodys native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng
dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyongmakeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang
istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng
wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit
ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na
maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda, mura.

Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na
wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito

bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing
purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura nito. Creole din ang tawag
sa wika ng mga taga-Mauritius na magkahalong Pranses at kanilang unang wika.