You are on page 1of 2

Mga Elemento ng Maikling Kwento

1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan.
May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang
mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang
lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan
nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng
mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan
at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring
Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito
nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad
sa kasukdulan.
Philip Jayson L. Lestojas

7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang
tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o
pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na
melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit
nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa
mabubuting tauhan.

Philip Jayson L. Lestojas

You might also like