You are on page 1of 6

Panahon ng Kilusang Propaganda/Pagbabagong-Diwa/Pagbabagong- Isip (1860s-1892)

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang:

Tumutuligsa sa pang-aabuso ng gobyernong kolonyal


Nagkikintal ng pagkamakabayan
Humihingi ng reporma
Humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy sa
mamamayan ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging indio)
Nakasulat sa Espanyol (sapagkat nais nilang magbago ang mga Kastila; hindi PA nila nais na
maging malaya ang Pilipinas)

Mga Repormang Hinihingi ng Kilusang Propaganda

Asimilasyon ng Pilipinas bilang lalawigan/probinsya ng Espanya


Ibat ibang karapatan para sa mga Pilipino na tinatamasa ng mga Espanyol sa Espanya
(malayang pamamahayag, pagpoprotesta, pagpupulong atbp.)
Pilipinisasyon ng mga parokya
Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes (ang tawag sa parlamento/parliament ng
Espanya)

Mga Nobela

La Loba Negra (Ang Babaeng Lobong Itim) ni Padre Jose Burgos pinaniniwalaang
nakaimpluwensya rin sa mga 2 obra maestra ni Rizal
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal
Fray Botod (ayon sa ibang aklat ay maikling nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento) ni
Graciano Lopez-Jaena ukol sa masasamang katangian ng mga prayle sa Pilipinas noon
Ninay ni Pedro Paterno diumanoy kauna- unahang nobelang panlipunan

Mga Sanaysay

Filipinas Dentro de Cien Aos (Ang Pilipinas Pagkalipas ng 100 Taon) ni Jose Rizal mga hula ni
Rizal ukol sa kahihinatnan ng Pilipinas: binanggit niya na posibleng sakupin tayo ng Estados
Unidos sa ating paglaya at totoo nga
Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) sinagot
(sinupalpal) ni Rizal ang mga buladas ng mga Kastila na diumanoy tamad ang mga Pilipino
Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos (liham) ni Jose Rizal isa sa mga akdang Tagalog ni
Rizal na naging popular; nagbibigay-inspirasyon at -papuri sa mga kababaihan ng Malolos,
Bulacan na nais magtayo ng paaralang pambabae sa kanilang bayan
La Frailocracia en Filipinas (Pangingibabaw ng mga Prayle sa Pilipinas) tumutuligsa sa
katiwalian at kawalang-katarungan at pangingibabaw sa Pilipinas ng mga prayle noon

Parodiya (Parody/Lampoon)
Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar koleksyon ng Katesismo at mga dasal na pinarodiya
upang tuligsain ang mga prayle
Ilang bahagi ng Dasalan at TocsohanAba ginoong barya, nakapupuno ka ngalkansya. Ang prayle ay
sumasaiyo.Bukod ka niyang pinagpalat pinahigit salahat. Pinagpala rin naman ang kabanmong
mapasok. Santa barya, ina ngderetso, ipanalangin mo kaming huwaganitan at kamiy ipapatay. Siya
nawa.

Salin ng Aba Ginoong BaryaHail oh coin, you fill up the piggy bank.The friars are with you. Blessed
are youamong all and further multiplied by thefriars. And blessed also is the chest thatyou enter. Holy
coin, mother of rights, prayfor us so that we will not be scalped andbe assassinated. Amen.
Mga Tula

Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Hermenigildo Flores


Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H. del Pilar

Mga Pahayagan

Diariong Tagalog (unang pahayagang Tagalog) pinamatnugutan ni Marcelo H. Del Pilar


La Solidaridad (Espanyol ang wika) opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda;
pinamatnugutan nina Graciano Lopez-Jaena at Del Pilar.

Tatlong Haligi ng Kilusang Propaganda

Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang)


Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat; Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel)
Graciano Lopez-Jaena
Iba Pang Propagandista
Jose Maria Panganiban (Jomapa)
Mariano Ponce (Naning; Tikbalang; Kalipulako)
Isabelo de los Reyes
Antonio Luna
Pedro Paterno (bagamat malaoy 2 beses magtataksil sa Pilipinas)
Pascual Poblete

NOON...
Kahoy ay sinisibak
Tubig ay iniigib
Mabangong bulaklak
ang handog sa babaeng iniibig.
NGAYON...
Cellphone ang nasa kamay
o sa harap ng computer, naglamay
Nagkasagutan na ang dalawa
"In a relationship" na ang status nila.
NOON...
Matagal-tagal ding sinuyo
ang dalagang iniirog
Nagpakipot pa nang husto
Bago ibigay, matamis na "OO".
NGAYON...
Isang text lang ang katapat
o tweet na kakilig-kilig
mahal na raw ang isa't-isa
Kaya naman, "M.U." na sila.
NOON...
Harana ang paraan
ng binata sa panliligaw
lumilikha pa ng awit
upang dilag ay mabingwit.
NGAYON...
Naglalagi na ang babae
sa bahay ng lalake

Nakakulong pa sa kwarto
at nakagawa na ng milagro.
NOON...
Mahaba at makapal ang damit
sakong ay di man lang masilip
Kainip-inip ang unang halik
"No touch"... wala munang pagtatalik.
NGAYON...
Dibdib at binti ay nakalantad na
balewala lang kahit makitaan pa
Busog na busog ang mga mata
Kaya madaling magsawa ang mga binata.
NOON...
Sa bukid namamasyal
may kasamang "chaperon" pa nga
o kaya'y sa park ang tagpuan
para lang kumain at magkwentuhan.
NGAYON...
Sa mall ang "meeting place" nila
Maglaro sa "arcade" o manood ng sine
and iba'y nagde-DATE sa park
sa damuhan, sa batuhan... PDA kahit saan.
NOON...
Liham ng busilak na pag-ibig
Tula ng tunay na pagmamahal
Awit ng pusong handang maghintay
Kahit ialay ang sariling buhay.

NGAYON...
Makabago na ang kababaihan
Naaangkin agad kanilang kagandahan
Bihira na ang seryosong ligawan
Bibihira na rin ang relasyong pangmatagalan.

You might also like