You are on page 1of 3

Pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan

Salangguhitan ang pang-abay na pamaraan, bilugan ang pang-abay na pamanahon at


kahunan ang pang-abay na panlunan sa bawat pangungusap.
1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.
2. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.
3. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.
4. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.
5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol.
6. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.
7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.
8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.
9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.
10. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang sinasabihan.
11. Hiniram ni Mang Berting ang diyaryo natin kahapon.
12. Tuwing madaling-araw tumitilaok ang mga tandang ni Lolo.
13. Sa Lunes gaganapin ang pulong ng mga guro.
14. Nagtitipun-tipon ang buong mag-anak sa bahay nina Lolo at Lola tuwing Noche
Buena.
15. Tuwing bisperas ng Bagong Taon, marami ang napipinsala ng mga paputok.
16. Lumangoy sila sa malaking lawa.
17. Dahan-dahan kaming tumawid sa lumang tulay.
18. Sa Malacaang tumitira ang pangulo ng Pilipinas.
19. Inilagay ko sa loob ng kabinet ang mga pagkaing de-lata.
20. Sumasayaw ng tinikling ang pangkat ni Mario sa entablado.
21. Ang sanggol sa kuna ay natutulog nang mahimbing.
22. Mahusay tumugtog ng byolin si Angela.
23. Dahil sa galit, umakyat nang padabog ang bata.
24. Matiyagang hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
25. Pahiyaw na tinawag ang pangalan ng lalaki.
26. Dali-daling bumalik si Joy sa kanyang tahanan.
27. Nagulat kami dahil biglang bumukas ang pinto.
28. Malakas na humihilik sa Warren sa gabi.
29. Sinabi ni Gemma sa akin nang pabulong ang sikreto niya.
30. Ang hangin sa tabing-dagat ay umihip nang napakalakas.
31. Naglakad na nakayuko ang malungkot na binata.
32. Nagmamaneho nang maingat ang bagong drayber.
33. Lumabas sa silid na nakapila ang mga mag-aaral.
34. Madali nilang nahanap ang lumang simbahan sa mapa.
35. Isa-isa silang nag-alay ng bulaklak sa imahen.

Uri ng pangungusap ayon sa kayarian


Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay payak (P), tambalan (T), o hugnayan (H).
______ 1. Magaling na manlalaro ng beysbol si Laurente.
______ 2. Pumunta kami sa bahay ni G. Manzano ngunit hindi namin siya
naabutan.
______ 3. Nagtungo ang Nanay sa pamilihan at bumili ng tela.
______ 4. Ang dayuhan ay namasyal sa parke.
______ 5. Umakyat kami ng bundok at nanguha ng mga prutas.
______ 6. Tinawag ko ang bata subalit hindi siya lumingon sa akin.
______ 7. Pinaliguan ko ang aso at pinakain pagkatapos.
______ 8. Masungit ang panahon dahil sa bagyong parating.
______ 9. Ang mag-anak ay tutungo sa Tagaytay para magbakasyon.
______ 10.Ginagawa ni Marlon ang kanyang takdang-aralin.
______ 11.Ang bagong tuta niya ay isang pitbull at pinangalanan niya itong Junior.
______ 12.Magaling umarte ang mga aktor at aktres sa pelikulang napanood ko.

______ 13.Gusto nilang magbisikleta subalit masama ang lagay ng panahon


ngayon.
______ 14.Ang tunay na kaibigan ay mapagkakatiwalaan sa panahon ng
kagipitan.
______ 15.Habang umaawit si Fiona, si Jenny ay tumutugtog ng piyano.
______ 16.Iligpit na ninyo ang mga laruan sa sala bago dumating sina Tatay at
Nanay.
______ 17.Pag-aralan natin ang mga talambuhay ni Jose Rizal at Andres Bonifacio.
______ 18.Pagkatapos ng napakalakas na lindol, nakita nila na halos lahat ng mga
gusali ay bumagsak.
______ 19.Mananaliksik tayo sa silid-aklatan o makikipanayam tayo sa mga
dalubhasa.
______ 20.Magaling tumugtog ng piyano si Jenny at mahusay kumanta ang ate
niya.
______ 21.Ang mahirap na gawain ay gumagaan kapag tayo ay nagtutulungan.
______ 22.Ang kalayaan ay matatamo ng mga mamamayan na nagkakaisa.
______ 23.Pinatunayan ni Loren na karapat-dapat siya maging pinuno ng
samahan.
______ 24.May narinig siyang malakas na dagundong kaya siya ay biglang
bumangon.
______ 25.Ipaalam mo sa amin kung may balita sa telebisyon tungkol sa halalan.
______ 26.Ang reyna ay lumabas sa mataas na balkonahe at kumaway sa mga
tao.
______ 27.Ang pangulo at ang kanyang mga tagapayo ay nagpupulong sa
Malacanang.
______ 28.Upang lalong maunawaan ninyo ang aralin, magbibigay ako ng ilang
halimbawa.
______ 29.Simula nang naging alkalde si Ginang Tomas, marami ang pagbabago
sa lungsod.
______ 30.Nakapasa siya sa gusto niyang kolehiyo pero walang pambayad ng
matrikula ang kanyang mga magulang.
______ 31.Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay
magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
______ 32.Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming
nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
______ 33.Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang
kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.
______ 34.Tayong mga mag-aaral ay kailangang magtulungan para mabilis nating
malinis ang ating silid-aralan.
Paggamit ng Wastong Bantas
Lagyan ng wastong bantas upang mabuo ang pangungusap.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

Opo Nanay Magsasaing na po ako sagot ni Maricel


Saklolo Tulungan nyo kami
Nagluto ako ng almusal naglaba nagwalis sa sala at saka nagpahinga
Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport
Ipinanganak si Bb Lena Flores noong ika 7 ng Agosto 1990
Mag uumpisa nang 6 00 ng umaga ang prusisyon mula sa simbahan
Talaga Totoo ba ang sinasabi mo
Ang huling tula na isinulat ni Jose P Rizal ay ang Mi Ultimo Adios
Di lang maganda mapagbigay at maunawain si Gng Tess Hernandez matalino
rin siya
10. Ibat ibang prutas at gulay ang ibinibenta ng may ari ng tindahan
11. (bating pambungad ng liham na pangkaibigan) Mahal kong Sarah
12. Araw araw ka bang hinahatid ng kaibigan mo na taga Makati

13. Hoy Bawal magtapon na basura riyan pahiyaw na sinabi ng pulis


14. Maraming hayop ang nakita ng mga bata sa zoo elepante tigre leon unggoy
buwaya at ahas
15. (bating pambungad ng pormal na liham) Kagalang galang na Hukom
16. Ay Nalulunod ang bata
17. Magandang umaga po masayang bati ni Roel sa lahat
18. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa Gerrys Grill Restaurant Tomas Morato
Avenue Quezon City
19. Magsusuot ng barong at barot saya ang mga binatat dalaga sa programa
20. Ang limang lungsod sa Pilipinas na may pinakamataas na populasyon ay
ang mga lungsod ng Quezon Maynila Caloocan Davao at Cebu
Pagsunod sa Direksyon
Lagyan ng bilang 1-5 ang pagkakasuno-sunod ng mga panuto.
_____ maglagay ng malinis na tubig na kasukat ng bigas
_____ magtakal ng isa hanggang dalawang basong bigas at ilagay sa rice cooker
_____ banlawan ang bigas tatlo hanggang apat na beses
_____ isaksak ang rice cooker at takpan
_____ bago ilagay sa pagsasaingan, punasan ang ilalim

You might also like