You are on page 1of 10

Bagong republika 1942-76

Ang panahong sasaklawan nito ay mga taong mula 1946 pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig hanggang taong 1972. Ang ating bansa ay dumaan sa matinding kahirapan bunga ng
salantang iniwan ng digmaan.
Sa pahahon ng Pangulong Manuel A. Roxas na unang halal na pangulo ng Republika, naging
pangunahing suliranin niya ang pag-ahon ng bansa, malubhang kahirapan, at pagsugpo sa mga
pandaraya at maraming mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaan.
Panahon ng Aktibismo 1960 - 72
Ang aktibismo sa atin ay hindi lamang nadama nang mga taong 1960-1972, kung di hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na nagaganap ito dito sa ating bansa.
Nagsimula ang aktibismo dito sa Pilipinas nang magsimula mamulat ang isipan ng mga Pilipino sa
mga ginagawang pang-aalipin sa atin ng mga mananakop. Ang mga manunulat ay unti-unting
nagpakita ng paglihis sa paksang panrelihiyon na itinakda nga mga may kapangyarihang Kastila sa
kanilang panankop. . Nangyari ito sa panahon nina Jose Rizal, Gregorio del Pilar, Lopez Jaena at
iba pa.
Ilan sa nasulat pagkatapos ng panahong ito ay Ibong Mandaragit, at Luha ng Buwaya ni Amado
V. Hernandez; Mga Halik sa Alabok ni Dominador Mirasol; Satatnas sa Lupa ni Celso A.
Carunungan; Dilim sa Umaga ni Efren Abueg; Daluyong ni Lazaro Francisco; Apoy sa Madaling
Araw ni Rogelio Ordoez; Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio Sikat, at iba pa.
Panahon ng Batas Nilitar 1972-85
Ang pakikibaka ng mga kabataan na humantong sa pagsigaw nila sa mga kalye ay nagdulot ng
kahulugan sa buong bansa sapagkat ang mga kabataang ang layunin ay humingi ng pagbabago,
nahaluan ng ibang pangkat na ang layunin ay hindi pagbabago kung hindi palitan ang pamahalaan.
Ipinahayag at ipinairal ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.
Pansamantalang napinid ang batasan. Mga dekrito at liham-panuto ng pangulo Marcos ang naging
patnubay sa pagsasagawa ng mga gawain sa pamahaan
Ang manunulat na hinanggaan sa panahong ito ay si Pang. Marcos
Tinaguriang Panahon ng Sanaysay at Talumpati ang panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan.
Ito ay inuugnay sa sipag ng Pang. Marcos na magtalumpati at magsulat ng mga sanaysay tungkol sa
pangarap niyang makalinang ng Bagong Lipunan. Ang mga akda ng Pang. Marcos ay hindi lamang
nakilala dahil sa mga makabuluhang nilalaman nito kung di sa kasiningan ng pagpaphayag.
Lakas ng Bayan hanggang kasalukuyan:
Ang pangarap ng Pang. Marcos na makalinang ng isang Bagong Lipunan ay hindi nagkaroon ng
katuparan. Labin-apat na taon pagkatapos na idiklara ang Batas Militar ang pagbabagong nakita sa
saloobin ng mga mamamayan at sa kapaligiran noong unang taon ay unti-unti ring nagbalik sa dati.
Dumami ang pang-aabuso sa pamahalaan at karahasan sa lipunan.
Nagimbal ang sambayanang Pilipino nang maganap ang pagpatay sa dating Senador Benigno
Aquino noong Agosto 21, 1983. Naging dahilan ito ng mga protestang isinagawa ng mga
mamamayan.

Naganap ang Edsa Revolution na naging matagumpay sapagkat nabuo ang lakas ng sambayanang
Pilipino. Ang pagsasama-sama ng mga Pilipino sa Edsa ay upang ipakita ang malaking protesta na
tinawag na Peoples Power. Sa bisa ng Peoples Power ay naluklok bilang pangulo ng Pilipinas si
Gng. Corazon C. Aquino, maybahay ng pinaslang na si Senador Benigno Aquino.
Panahong Komersiyal:
Dalawa ang nobelang nababasa sa kasalukuyan-Pampanitikan at Komersyal.
* nobelang pampanitikan ay yaong sinulat ng mga manunulat na may layuning maghasik ng
kamalayang panlipunan sa mga mambabasa
* nobelang komersyal ay yaong sinulat ng mga manunulat na ang layunin ay kumita ng pera. Ito ang
mga nobelang iniaalok sa mga produser upang maisapelikula na ang tanging layunin ay
makalimbag. Kabilang sa mga uring ito ang mga nobelang isinalarawang nababasa sa mga komiks.
Ang mga mananalaysay (essayist) ng panahon nina Isagani Cruz, Edgardo Maranan, Pedro Ricarte,
Buenaventura Medina, Jr., Rolando Tinio, Virgilio Almari0, at iba pa.
Ang mga kwentista naman ng panahon ay sina Jun Cruz, Reyes, Benjamin P. Pascual, Pedro M.
Ricarte, Efren Abueg, Ave Perez Jacob, Lualhati Bautista, at marami pang iba.
Kasalukuyang Manunulat/ Kontemporaryong manunulat:
Rolando Tinio
Bob Ong
Eros Atalia at marami pang iba

sketch pencils in different hardnesses: HB, 2B, 4B, 6B (and 8B optional) = $5


-a sketch pad that is 18" by 24" = $10
-1/2" drafting masking tape = $4
-a pad of tracing paper 9" x 12" = $3
-a good wad of kneaded eraser = $2
-a "Tuff Stuff" eraser stick = $2
-dry cleaning eraser pad = $4
-a foxtail (aka drafting duster) = $3
-assorted paper stumps for shading = $2
-prismacolor pencil sharpener = $4
-erasing shield = $1
Panahon ng Bagong Lipunan

Noong Setyembre 21, 1972 nagsimula ang panahong ng Bagong Lipunan. Luntiang Rebolusyon, Pagpaplano ng

Pamila, Wastong Nutrisyon, Drug addiction, Polusyon at iba pa ang karaniwang naging paksain ng panitikan
nang panahong ito. Sa panahong ito rin pinagsikapang putulin ang mga malalaswang mga babasahin at pelikula
gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan.
Nagtatag ang pamahalaan ng military ng bagong kagawaran na tinawag na Ministri ng Kabatirang Pangmadla
upang siya ang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagang, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan.
Muling naibalik ng dating Ginang Imelda Romualdez Marcos ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo,
Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at iba pa. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts
Theater at maging ang Metropolitan Theater. Naging laganap ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Malaki rin
ang naitulong ng mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway at iba pa sa pag uunlad ng Panitikan.
Tahasang masasabi na nagningning ang Panitikang Filipino noong panahong ito. Naging paksa rin ng mga tula
ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pambansang kultura, ugali, kagandahan ng kapaligiran, at iba pa.
Nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting Pilipino noong 1975 nang ang mga awiting tulad ng TL Ako Sa
Iyo ng grupong Cinderella, The Way We Were ni Rico J. Puno at iba pa ay nagsilitawan. Ang mga awiting ito
ay naging popular sa tawag na Himig-Maynila. Sa kaligirang ito rin ay nadagdagan pa ng ilan pang mang aawit
at kompositor ang larangan ng awiting Pilipino.
Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga
Sanaysay, Awit, mga Talumpati at Tula. Walang pinag kaiba ang maikling kwento nang panahong ito sa mga
naisulat bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at tula.

Panitikang Filipino sa Ibat ibang Panahon

Panahon ng Katutubo
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nilay yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmangbayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan,
alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mgapanitikan ring nasulat sa mga piraso
ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga
natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at
pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa
ng demonyo.

Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs GOD, GOLD at GLORY. Dumating
sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang
lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.

Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una aypamaksang pananampalataya at


kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang
akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay
ang mga uri ng dulang senakulo,santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit.
Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na
mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at
prinsesa

isang

patunay

ang awit na Florante

at

Laura ni

Balagtas

at

mga

dulang duploat karagatan.


Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; angDoctrina Christiana na
nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa namay
ang mga senakulo,Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa
sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga
sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang
Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin angcarillo o mga
dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay angUrbana at Feliza ni Padre Modesto
de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637
ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong
Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa ang Del Superior
Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.
(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso

Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila,


karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa
kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na
kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila
sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala
ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19,
1889 na naglalayongmatamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa
kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa
ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng ibat ibang
sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at
upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay
naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelangNoli Me
Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa
mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga
sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa
Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano
Lopez-Jaena, Antonio Luna,Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto,Apolinario
Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Pananakop ng Amerikano
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang
mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang
Kastila.

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang
imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa
Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para
kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K.
Santos na sumulat ng obra-maestrang Banaag at Sikat at nagpauso ng panitikang sosyalista;
si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na
Huseng Batute; at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na Huseng Sisiw dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat
ng imortal na dulang Walang Sugat at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang
na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang
iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga
gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan
gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing angpelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din
ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa,
ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent
films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan
na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng
mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagkaignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng
kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang

pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na
malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano.
Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang
hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng
mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin
nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903
angTanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang
dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang
mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang
Hindi Ako Patay na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng
kanyang may-bahay.

Pananakop ng Hapon
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl
Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kayat
sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya
sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng
bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang
Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon
ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang
maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5
sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na taludtod at
ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan


Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng
mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa ibat ibang uri sa panahong ito ay ang
pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha atMga Piling
Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Akoy Isang
Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang
mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at
pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial
Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang
dekada 80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat
na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag samedia gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor
Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie
Aguilar na naging laman ng mgajukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo Ricky Lee (mayakda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at
Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo
at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.

Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil
sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla
muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano,
Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong
hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa
lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat
pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay
ang Huling

El

Bimbo, Iskin, Banal

na

Aso

Santong

Kabayo,Himala,Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob


ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah,
Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na angBatibot, Ang TV at 5
and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din
ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at
ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang
dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ngindependent
flims atcinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at
aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kayay programang panradyo;
kundi sa pamamagitan din ng hi-technology ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon
ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng
Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa ibat ibang anyo at uri ng panitikan
gamit ang ibat ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at
pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang
ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.
P O S T E D B Y K A D I PAN

You might also like