You are on page 1of 20

Manwal

ng
Mana 2
Praktikal na Pagpapalahi

P AGE

Ang Masang Nagmamanok


Ang Masang Nagmamanok (Mana) ay
isang pambansang kilusan at samahan ng mga
masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA
ay ang sumusunod:
Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga
maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam
na sa darating na panahon,
ang mga handlers, mananari,
kasador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo
tulad ng insurance, pension
at iba pa.
Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, silay mabigyan ng pagkakataon na
magkaroon ng angkop na
materyales sa pagpapalahi at
paglalaban.
Ang ipaglaban ang sabong sa harap ng
banta na itoy gawing labag
sa batas tulad ng nangyari
kamakailan lang sa Estados
Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay,
industriya at bahagi ng ating
kultura at tunay na mana.
Ang magtulungan at makipagtulungan sa
iba pang haligi ng industriya
sa ikabubuti ng sabong at
ikauunlad ng lahat na mga
sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang
nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita
ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng
mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng
Camarines Sur na lumabas sa pitak na Llamado
Tayo, na magtayo ng samahan ang mga masang
sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng
Philippine Daily Inquirer group of publications.
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa
ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng
napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami
ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby
Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.
Mahal natin ang kapwa masang nagmamanok. Dahil alam natin na tayo ang tunay na
gulugod ng industriya ng sabong. At, tiyak, pagdating ng panahon, ang masang nagmamanok ang
payak na sabungero tulad ni Juan, Pedro at Pablo,
ang malalagay sa harapan sa pakikipagdigma
upang ipaglaban ang sabong.
Ang kapalaran ng sabong sa ibat-ibang
lugar ng mundo, kung saan itoy naging labag sa
batas, ay bunsod sa tinatawag na numbers game.
Ang mga argumento sa magkabilang panig ay
patas lang, dahil depende ito sa punto de vista ng
nakikinig. Ngunit ang dahilan bakit sa maraming
bansa ay natatalo ang sabong, ay ang takot ng mga
politiko na matalo sa eleksyon.
Sa mga bansa kung saan popular ang mga
animal protection movement, tiyak walang panalo
ang sabong. Dito sa Pilipinas medyo mahihirapan

sila dahil sa dami ng


mga sabungero. Ngunit
hindi tayo dapat maging kampanteng nakasandal sa sinasabing
dami na yan. Marupok
ang dami natin kung
walang pagkakaisa at
pagpupunyagi.
Marunong ang
kalaban. Magulang na
rin sila sa ganitong uri
ng labanan. Gamit nila
lahat dahil may pundo
sila. Ang People for the
Ethical Treatment of
Animals (PETA) ay
may annual budget na
30 million US dollars.
Ang PETA ay isa lang
sa maraming organisasyon na may katulad na
hangarin laban sa
sabong.
Dahil
sa
kanilang pundo ang
mga organisasyon na
ito ay makakagamit ng public relations, advertisements, propaganda, information at education program, political lobbying, at social positioning.
Nakababayad sila ng mga mamahaling modelo,
ang iba ay naghuhubad pa nga sa ngalan ng animal
rights. Pinagaralan nila ang mga mensahe na dapat
iparating sa bawat target public. Samantalang, sa
kabilang panig, tayo ay hindi pa organisado na
makipagdigma sa kanila.
Ang totoo, para bang hindi pa natin damdam ang panganib. Kampante pa tayo na hindi
kailan man mangyayari sa Pilipinas ang nangyari
sa Europa, North at South America at sa maraming
bansa sa Asia. Ganito rin ang pagiisip ng mga
Amerikano may ilang taon lang ang nakalipas.
May panahon pa nga na napaka-importante ng
mga tao na naugnay sa sabong sa Amerika. Mga
politiko, huwes at maging si Presidente Abraham
Lincoln. Ngunit tingnan ngayon ano ang nangyari
sa sabong sa Estados Unidos. Labag na sa batas.
Akoy natatakot sa ating pagkawalang
takot.
Totoo may mga organisasyon sa sabong.
Samahan ng mga sabungero, ng mga nagpapalahi,
ng mga cockpit operators. Pero ang mga ito ay
hindi pa nakatuon ang pansin sa pakikipaglaban
upang mapanatili ang sabong sa Pilipinas.
O baka nga lang na ang ilan sa atin ay, sa
totoo, walang paki-alam kung ano man ang mangyari sa sabong?
Baka nga. Dahil kung ikaw ay isang
sugarol, kung mawala ang sabong, marami pang
sugal. Kung ikaw ay nagnenegosyo sa sabong,
marami pang negosyo na pwede mong pasukin,
kahit wala na ang sabong. Kung kasiyahan at libangan lang ang habol mo sa sabong, maraming
ibang kasiyahan at libangan.
Ang talagaang makipaglaban ng patayan
para sa sabong ay tayo na ang tingin sa sabong ay
bahagi ng buhay Pilipino, bilang bahagi ng ating
kultura na namana natin sa mga kanunuan; bilang
industriya na naging kabuhayan ng maraming mahihirap; at bilang isang tradisyon na makapagdulot
ng magagandang asal at aral sa buhay.
Ito ang ispirito ng Mana, mga kamana.

Akoy
natatakot
sa ating
pagkawala
pang takot

P AGE

Pambungad: Pamantayan na abot-kamay


Ito ay ang pangalawang manwal para sa
Masang Nagmamanok (Mana) na inihanda at pinalabas ng RB Sugbo Gamefowl Technology. Ang
una ay ang Manwal ng Mana sa Makabagong
Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. Inuna
natin ang manwal sa pagpili at pagkundisyon dahil, palagay natin mas nararapat na unang matutunan ang pagpili at paglalaban kaysa ng manok
panabong kaysa pagpapalahi ng mga ito.
Walang sinuman ang magiging magaling
na manlalahi kung siyay hindi marunong pumili
ng magaling na manok. Kung di natin alam kung
ano ang manok na magaling paano natin malalaman kung anong uri ng manok ang ipalabas sa
ating pagpapalahi?
Pamamagitan lang ng paglalaban o
panunuod ng laban natin matutunan kung ano ang
magaling na Manok. Sa loob ng mahabahabang
panahon ng paglalaban, magiging bihasa tayo sa
pagpili. Kapag tayoy bihasa na sa pagpili saka
lang natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Tulad ng naunang manwal, ang pangalawang ito ay payak at walang palamuti. Una kasi
nating konsiderasyon ay ang isiksik ang lahat na
impormasyon sa pinakatipid na paraan. Walang
magagarang litrato, walang makulay na pahina.
Wala ring mabuklaklak na mga salita na makapapahaba sa talakayan at aagaw ng malaking ispasyo. Ang mga ito ang makapagpataas ng ating
printing cost.
Tulad ng nasabi natin sa naunang Mawal,
ang atin ay inihaw lang. Walang rekados, ngunit
nandyan pa rin ang laman at ang sarap. Puno pa
rin at siksik sa kalaaman na magagamit natin sa
ating pagnanais na makapalabas ng manok na
matatawag na sarili nating likha.
Ang layunin lang naman natin ay mabusog ang ating mga kamana. Oo, ang layunin ng RB
Sugbo, simula sapol, ay ang makapamahagi ng
kaalaman sa paraan na abot kaya namin, at
makakaya rin ninyo. Layunin natin na mabigyan
ang masang sabungero, sa paraan na maging abot
kamay ang kaalaman na dati-ratiy ang mga big
timer at mga mayayaman lang ang may taglay.
Ang manwal na ito ay naglalaman ng
sistema at pamamaraan sa praktikal na pagpapalahi na angkop para sa atin mga maliliit o backyard breeders. Karamihan sa mga aklat sa pagpapalahi ay mga idealistic. O ang tinatalakay lamang ay ang mga ideal o tularan na sitwasyon.
Kung ganun, walang puwang ang maliliit sa larangan ng pagpapalahi. Karamihan sa mga aklat sa
pagpapalahi ay nagsisimula sa pagtalakay sa laki
ng perang kakailanganin; sa lawak ng lupain; at sa
mahabang panahon na gugulgulin. Kaya, kung
pakinggan, napakahirap para sa atin ang pagpapalahi.
Totoo. Yan ang dapat. Yan ang tularan na
sitwasyon. Subalit kung di natin matupad ang
tularan na kalagayan, hindi na ba lang tayo magpapalahi? Wala na ba lang tayong karapatan na masiyahan at malibang sa aspetong ito sa pagmamanok? Kung ganun ang mga mayayaman lang
ang makakapagpalahi. Si Don Jose lang ba ang
maaaring magpalahi, si Mang Pepe, hindi?
Maari naman tayong magpalahi kahit
hindi sa isang ideal na sitwasyon o tularan na kalagayan. Dahil ang ating pagsasabong ay maari naman nating ibatay sa kalibre ng ating kakayahan o
sarili natin kaurian. Pwede naman tayo mag-takda
ng pamantayan sa pagpapalahi na abot kaya at
aboy-kamay natin at angkop sa libel ng pagmamanok kung saan tayo naglalaban. Ang manok
ni Don Jose, ang makakalaban ay manok ni Don

Si Don Jose lang ba ang maaring


magpalahi, si Mang Pepe hindi?
Bakit? Kung tutusin ang manok ni Don Jose
ang makakalaban ay kay Don Ricardo, at
ang manok ni Mang Pepe, ang makakalaban
ay kay Mang Carding lang naman.

Ricardo. Bagkus, ang manok ni Mang Pepe ang


makakalaban ay kay Mang Carding. Ito ang ganda
ng sabong.
Yan ang unang nating gawin kung tayoy
magpapapalahi. Ang mag-takda ng realistikong
pamantayan at hangarin. Para sa atin na pangkaraniwang sabungero, hindi makakatotohanan na
mag hangad tayo na manalo sa mga international
derbies kung saan libo-libo kundi man milyonmilyong piso ang kailangan kung nais nating sumali.Wala tayong kakayahan na maglaan ng sapat
na salapi para dyan.
Kung tayo ay magpapalahi sapat na sigurong hangarin ang makapaglikha ng mga manok
na magpapanalo sa partikular na daigdig ng
sabong na ating ginagalawan. Kung ang hangad
natin ay yun lang makabuo ng isang linya ng mga
panabong na maaring isabak sa mga hakpayt at
maliliit na derbi, hindi siguro gaano kahirap. O
kayay makabuo ng mga linyada na mawiwilihan
ng mga mamimili at makadulot sa atin ng karagdagan mapagkakitaan.
Subalit hindi ibig sabihin na ang ating
layunin at hangarin sa pagpapalahi ay
mananatiling ganyan habang panahon. Kung may
pagkakataon bakit hindi tayo maghangad ng mas
mataas? May mga nagpapalahi na nagumpisa sa
halos wala ngunit lumaki ng lumaki. Ang ibig lang
natin sabihin dito, na dapat ang hangarin natin ay
batay sa ating pangkasalukuyang kakayahan. Ang
hangarin ay magiiba, alisunod sa pagiba rin ng
ating kakayahan.
Gayunman, hindi hangad ng manwal na
ito na magturo kung paano ang pagiging isang
tanyag na manlalahi, dahil walang sino man ang
makakapagturo ng ganoon nino man. Ang layunin
natin dito ay ang pagbigay ng patnubay sa larangan ng praktikal na pagpapalahi na sapat upang
ang isang masang sabungero na magnanais magpalahi ay makapagsimula sa wastong hakbang.
Harinaway magtagumpay ang manwal
na ito.

P AGE

NILALAMAN
Tamang Pagumpisa

Simpleng genetics para sa komon tao

Pangasta: Pagpili at paghanda

Pagpakasta: Sistema at pamamaraan

10

Pamamaraan ng praktikal na manlalahi

11

Pakain ng mga pangasta at sisiw

15

Bio-organic gamefowl

17

P AGE

Tamang pagumpisa

Anuman ang ating hangarin at layunin sa


ating pagpapalahi, dapat ay may mailaan tayong
sapat na salapi, panahon at sikap. Bago tayo magumpisang magpalahi dapat ay tayahin natin ang
ating mga kakayahan at limitasyon. Pagkatapos
ating alamin ang mga gagawing hakbang. Mahirap kasi kung nakagasta na tayo ng malaking
halaga at nakagugol ng mahaba-habang panahon
at saka lang natin madiskobre na mali pala ang
ating ginawa.
Ang mga bagay na dapat tiyakin ay ang
mga sumusunod:
Na tayo ay may sapat na kabuohang
kaalaman sa pagmamanok,
hindi lang sa pagpapalahi;
Na may mailalaan tayong panahon
sipag at salapi na batay sa ating
hangarin sa pagpapalahi;
Na makahanap tayo ng kahit maliit
ngunit angkop na lugar, at kaya
natin itong i-develop;
Na may makukuhang katulong na
mapagkakatiwalaan;
Na makakahanap tayo ng makukunan ng magagaling na pangasta.
In na in ngayon ang pagpapalahi ng sasabunging manok. Napakarami na talaga ang nagpapalahi ngayon. May mga nagpapalahi upang
magkapera. Sa tingin nila ang pagpapalahi ay negosyo o trabaho lang. May nagpapalahi naman
upang malibang. Sa kanila ang pagpapalahi ay

libangan. Ang iba naman ay seryosong nagpapalahi at talagang dibdiban ang kanilang pagnanais makabuo ng sariling magaling na linyada.
Anuman ang hangarin, iisa lang ang dapat gawin. Ang magumpisa ng tama. Walang tiyak sa pagpapalahi ngunit ayon sa mga esperto
makakatulong ng malaki kung ikaw ay mag
uumpisa ng tama, kumuha ka ng mga materyales
na subok. Subok na magagaling at subok na nagpapanalo.
Sa aklat na Lihim sa Pagbuo ng Sariling
Linyada ni Dr. Andrew T. Bunan, PhD, ay mababasa ninyo ang payo ng tanyag na breeder ng
lemon guapo at Aguirre grey na si Mayor Juancho
Aquirre ng La Carlota, Negros Occ.
Ito ang sabi niya:
Mag-umpisa ng tama at kumuha ng mga
lahi sa mga taong matagal na sa industriya at may
magandang record sa loob o labas ng sabungan.
Matagal bumuo ng isang linyada subalit ang paghihintay ay masusuklian ng tuwa kapag nakita
mong tama ang iyong ginagawa. Sabi nga, pareho
ang mga pagkain sa mahina at magaling na
manok, subalit mahirap kumuha ng tunay na linyada kung tayo ay hindi mamumuhunan at kukuha
ng mga material sa mga breeder na ating mapagkakatiwalaan.Maaring mahal sa una, pero pag
sinuma mo ang tagal ng panahon sa pagbuo ng
linyada dito mo makikita, malaki pala ang natipid
mo at mas maikli ang panahong gugulgulin mo
para makapagpalabas ng mahuhusay na mgamanok-panabong. (Lihim sa Pagbuo ng Sariling
Linyada; Bunan; Llamado Publications; p.83)

Anuman ang
hangarin, iisa
lang ang dapat
gawin. Ang
magumpisa ng
tama.

P AGE

Simpleng genetics para sa komon tao


Ang pagpapalahi ay isang gawain na nangangailangan ng kaalaman sa genetics. Ang genetics ay ang siyensya o batas ng pagpapalahi. Isa
itong komplikadong pag-aaral sa pagsalin ng mga
katangian mula sa isang salinlahi o henerasyon sa
susunod. Ang pagiging komplikado ng genetics
ang siyang dahilan kung bakit ang pagpapalahi ay
hindi isang madaling gawain. Walang breeder o
manlalahi ang makatitiyak sa galing at kalalabasan
ng bawat henerasyon ng kanyang palahi. Dahil
dito ang pagpapalahi ay tinuturing na pinakamataas na antas sa pagmamanok. Hindi bastabasta ang pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Ang totoo, dito sa pagpapalahi pinakamalaki ang angat ng mayayaman sa mga pangkaraniwang sabungero. Sa ibang aspeto ng sabong
tulad ng pagpili, pagtari, at paglaban maaring
makapantay pa tayo sa mga mayayaman, ngunit
hindi sa pagpapalahi. Ang pagpapalahi ay nangangailangan ng malaking puhunan sa pagbili ng pangasta, lupain, at maging panahon. Sa pagbili ng
pangasta ay hindi sapat ang isa, dalawa, o tatlong
trio upang makasiguro na maganda ang iyong maipalabas na palahi. Dahil nga walang tiyak sa pagpapalahi. May elemento ng patsamba, tulad ng
lotariya. Kaya tulad ng lotariya, mas maraming
tiket ang iyong mabili, mas malaki ang pagkakataon na manalo.
Ang malawak na lupain ay kailangan
upang mabigyan ang manok ng karapatdapat na
kapaligiran na angkop sa kanilang pangangailangan. Alam nating na hindi basta-basta ang mahalaga ng lupain ngayon.
Kaya sa pagpapalahi, malaki talaga ang
lamang ng mayayaman sa mga ordinaryong tulad
natin. Pero huwag natin itong gawing hadlang sa
ating pagnanais na matikman ang kasiyahan ng
isang manlalahi. Ang kasiyahan na maidudulot ng
pagpapalahi ay dahil na masasabi natin na nakagawa tayo ng buhay na indibidwal na sarili nating
nilikha.
Napakamahalaga ng pagpapalahi dahil
ang ganda at uri ng linyada o lahi ay ang pinakaunang haligi sa pundasyon ng manok. Ang iba ay
bahagi ng pagpalaki, ang mga itoy ang sumusunod: angkop na kapaligiran, wastong pagpakain at sapat na ehersisyo.
.
Upang bigyan naman ng gabay ang ating
mga kapwa pangkaraniwang sabungero sapagpapalahi tayo ay naglalabas ng Manwal ng MANA
sa Praktikal na Pagpapalahi. Alinsunod ito sa layunin ng RB Sugbo Gamefowl Technology, at ang
Masang Nagmamanok o MANA, na makatulong
sa mga komon sabungero. Dahil tayoy may karapatang matuwa at masiyahan sa lahat ng aspeto ng
sabong na gusto nating pasukin. At, ang pagpapalahi ng manok panabong, big-time man o backyard, ay maaring mapagkakitaan.
Makakatulong talaga ang kaalaman sa
genetics. Ngunit hindi kailangan na ma-master
natin ang genetics para tayo makapagpalahi. S a l i gang kaalaman lang ang kailangan para naman
medyo masiyahan tayo sa ating ginagawa. Hindi
tayo masisiyahan sa isang bagay na mangmang
tayo. Pag may kunti tayong kaalaman maari
tayong magtakda ng hangarin, na magiging
pamantayan natin kung tayo nga ay nagtagumpay.
Maaring ang layunin natin ay mga simpleng bagay lang. Tulad halimbawa, ng pagpalabas ng straight comb na linyada o strain galing sa
magkaparehang peacomb na mga magulang. O
kayay mga kumplikadong bagay tulad ng pagpalabas ng power at speed, o taas ng lipad at shuffle sa ground, mga katangiang maaring magka-

salungat ngunit maaring ring maipalabas sa isang


linyada.
Ang praktikal na kaalaman sa pagpapalahi ay kaalaman na sapat lang sa ating pangangailangan sa pagpalahi ng manok pang sabong.
Phenotype-genotype
Bago ang lahat, tatalakayin muna natin
ang phenotype at genotype. Dahil ang mga ito ay
ang pundasyon ng ating pamantayan sa pagpili ng
pangasta. Ang isang indibidwal na manok ay binubuo ng kanyang phenotype at genotype.
Ang kahulugan ng phenotype ay ang katangian ng manok na makikita tulad ng hugis ng
palong, kulay ng paa o balahibo, pangangatawan
at ang kakayahan sa pakipaglaban. Ang phenotype
ng isang manok ay itinakda ng kanyang mga
genes, at maaring pinaunlad o kayay sinira ng
pagpapalaki. Ang genotype ay hindi nakikita. Gayunman, ang genotype ang kabuhuan ng mga
genes na nagtakda sa phenotype ng indibidwal.
Subalit ito ay maari ngang maapektahan ng kapaligiran at pamamaraan ng pagpalaki.
Ang isang manok ay maaring may genotype para kagalingan sa pakipaglaban, ngunit kung
ito ay pinalaki sa maling pamamaraan hindi makikita ang kagalingang ito sa kanyang phenotype.
Dominant-recessive gene action
Para madaling maunawaan, sabihin na
lang natin na ang bawat katangian o bagay sa katawan ng indibidwal na manok ay binubuo ng dalawang genes. Isa galing sa ama ang isa galing sa
ina. Ang dalawang genes na ito ay magiging isang
katangian. Halimbawa ang simpleng katangian ng
hugis ng palong. Ang ama ay nagbigay sa anak ng
isang gene para sa hugis ng palong at ang ina ay
nagbigay naman ng isang gene para sa katangiang
ito. Ang dalawang genes na ito na tigiisa galing sa
bawat magulang, ang magtatakda sa hugis ng palong ng anak.
Ang tinatawag na dominant-recessive
gene action naman ang magtatakda sa lalabas na
hugis ng palong. Sa kaso ng palong, ang pea comb
ay dominante kaysa straight comb. Ibig sabihin
kung parehong taglay ng indibidwal ang gene para
peacomb at gene para straight comb, ang lalabas
na hugis ng palong ng nasabing indibidwal ay ang
dominanteng peacomb. Ang indibidwal na puro sa
isang katangian, sa ating halimbawa hugis ng palong, ay tinatawag na homozygous sa katangiang
ito. Ang indibidwal na magkaiba ang genes sa
isang katangian ay tinatawag na heterozygous sa
katangiang yon.Kung ang dalawang magulang ay
parehong nagbato ng peacomb ang labas sa anak
ay peacomb, dahil ,maliban sa dominante ito, ay
wala namang genes para sa ibang hugis. Ito ay
homozygous sa peacomb. Kung ang isa sa mga
magulang ay peacomb ang ibinato at ang isa ay
straight comb ang labas ng hugis ng palong ng
anak ay peacomb dahil dominante ito. Bagaman
ang indibidwal na ito ay heterozygous dahil may
gene din ito para sa straight comb. Sa pagkakataon lang na kapwa straight comb na genes
ang binigay ng dalawang magulang saka lang lalabas ang straightcomb sa anak. Kahit na recessive
ang straight comb, dahil walang dominanteng
genes na taglay ang indibidwal, kaya walang
makakapagpigil upang ang recessive genes ay
magpakita. Ito ay homozygous straight comb. Tandaan na ang recessive na katangian ay lalabas lang
kung ang indibidwal ay homozygous sa katangiang ito.

Ang praktikal na
kaalaman sa
pagpapalahi ay
kaalaman na
sapat lang sa
ating
pangangailangan
sa pagpapalahi
ng manok
panlaban

P AGE

Ganun din sa kulay ng balahibo at kulay


ng paa. Dahil mahalaga ang dominant-recessive
gene action sa ating pagtakda ng gusto nating pagkakilanlan ng ating palahi, kailangang tandaan
natin mabuti ang sumusunod na halimbawa:
Ang peacomb ay dominante sa straight
comb. Ang white leg ay dominante sa yellow leg,
ang yellow leg naman ay dominante sa dark leg
tulad ng green o blue. Ang talisayin ay dominante
sa pula. Ang puti ay maaring maging dominante
maaring hindi. Pero di na natin ipaliwanag dito
baka lalayo na tayo masyado. Panindigan natin
ang ating punto na para sa isang praktikal na
manlalahi hindi gaanong kailangan ang malalim
na kaalaman sa genetics.
Inbreeding
Ang inbreeding ay ang pagpapalahi ng
magkamag-anak. Ibig sabihin ay ang tatyaw at
ang inahin ay may magkaparehong ninuno sa loob
ng 4-6 henerasyon o salinlahi.
Ginagawa ang inbreeding upang maging puro ang
mga katangian na ibig nating isalin sa susunod na
henerasyon. Ito ang tinatawag na to purify.
Ang pagpurify o pagpapuro ng mga magagaling na katangian upang ang mga itoy mas
madaling maisalin sa mga sumusunod na henerasyon, ay ang layunin ng pag in-breeding.
Subalit, may malaking posibilidad din na sa halip
na ang mga positibong katangian o kakayahan,
ang mga negatibo ang maging puro. Kapag ito ang
mangyari ay masama ang epekto ng inbreeding.
Mga halimbawa ng inbreeding ay ang
ipagpares ang anak sa ama o sa ina; ang pagpares
sa magkapatid na buo. Ang mga ito ay matindi na
inbreeding. Ang pagpapares ng magkapatid sa ina
o sa ama lang, at ang tiyahin o tiyuhin sa pamangkin, pinsan sa pinsan ay mga halimbawa naman
ng hindi gaanong matinding inbreeding.
Ang tindi ng inbreeding ay tinataya
pamamagitan ng inbreeding co-efficient. Pero
hindi na rin natin ito tatalakayin dito, dahil nga,
hindi na gaanong kailangan sa ating praktikal na
pagpapalahi. Para sa atin sapat na na alam natin na
ang layunin ng inbreeding ay upang maging puro
ang magagandang katangian at ang indibidwal ay
maging homozygous sa katangiang ito. Kapag
homyzygous ang indibidwal wala na itong ibang
ibabato sa anak kundi ang genes para sa katangiang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin
ang indibidwal na ito.
Cross breeding

Ang cross breeding ay ang pagpapalahi


ng hindi mag-kamaganak o mga indibidwal na
walang relasyon sa isat-isa sa loob ng 4-6 henerasyon o salinlahi na kanilang pinagmulan. Ang
hangad ng crossbreeding ay ang ipagsama ang
magagaling na katangian sa magkabilang magulang upang ang anak ay lumabas na mas magaling
kaysa alin man sa mga magulang. Ito ngayon ang
tinatawag na hybrid vigor o heterosis.
Maraming paraan ng crossbreeding. May
two-way cross kung saan dalawang puro na
manok ang iyong pinagpares. Halimbawa puro
lemon ang ama at ang ina ay puro kelso. Ang anak
nila ay two-way cross, 50% sa dugo ay lemon at
50% sa dugo ay kelso. Kung ang two-way cross
na ito ay ipares natin sa isa pang puro na indibidwal, halimbawa puro sweater, ang sunod na salinlahi ay ang tinatawag na triple cross. Kalahati o
50% sa dugo nito ay sweater at 25% ay lemon,
25% ay kelso. Kung ipagpares natin ang dalawang
two-way cross ang labas ay 4-way cross. Kung
dalawang 3-way crosses ang ipagpares natin ang
labas ay 6-way cross. Kung ang 2-way cross ay
ipagpares natin sa 3-way ang labas ay 5-way
cross. Walang limit ang paraan ng pag-cross
breeding. Para sa mas magandang resulta ang
payo ng mga esperto ay huwag lumampas sa 4way cross. Ang sobrang dami ng lahing pinaghalohalo ay hahantong sa tinatawag na crossedup o sabog, o chopsuey dahil sa dami na ng mga
katangian na naghalohalo.
Huwag nalang nating pagtuonan ng pansin ang mga ito at baka malito lang tayo. Ang
praktikal na nagpapalahi ay hindi masyadong
nagiisip kung ilang way cross ang palahi basta
lumabas lang ito na katangitangi sa atin batay sa
ating pamantayan. Tandaan lang na kung ang layunin ng inbreeding ay ang maging puro ang magandang katangian, ang sa crossbreeding ay ang
paghalohalo sa mga magagandang katangian sa
magkabilang linyada upang ito ay parehong lumabas sa anak.
Kaya malimit, ang inbred individual ay
magandang pangasta. Ang crossbred individual ay
magandang panlaban.
Hindi na lang natin tatalakayin ang iba
pang aspeto ng genetics. Para sa atin mga praktikal na manlalahi, hindi kailangan ang masyadong
malalim na kaalaman sa genetics. Kung nais natin
ang mas malalim na talakayan sa paksang ito
makakatulong ng malaki ang aklat ni Dr. Andrew
Bunan na Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada.

Ang pagpapuro
ng mga
kanaisnais na
katangian ay
upang ang mga
ito ay madaling
maisalin sa
susunod na
salinlahi.

Masang Nagmamanok (Mana) is a nationwide organization of common sabungeros dedicated


to the promotion and preservation of sabong in the Philippines as industry, sport, livelihood and
cultural heritage. And, to work for the welfare of common sabungeros.
It engages in projects and services to the sabungro public such as information and instructional
column, articles and publications on cockfighting in Tumbok, in cooperation with RB Sugbo
Gamefowl Technology.
Gamefowl and all-purpose chicken dispersal;
Hands-on-at-farm gamefowl technology transfer, in cooperation with RB Sugbo GT;
Seminars and trainings in cooperation with the National Gamefowl Training Center;
And, gamefowl print and on-line publications.

P AGE

Pangasta: Pagpili at paghanda


Pagpili ng pangasta
Sa Paghanap ng magaling na palahiin,
unang-una ay huwag tayong magdalawang isip na
gumasta ng malaking halaga, hanggang sa abot ng
ating makakaya, sa pagbili ng mga pangasta o
palahiin. Kung may isang bagay saan hindi tayo
dapat magtipid, ito ay ang pagdating sa pagbili ng
broodcock at broodhens.
Ang inisyal na halaga ng breeding materials, gaano man ito kamahal, ay kalaunan ay napakaliit na lang kung ihahambing sa ibang gastos
tulad ng sa mga pabahay, pasilidad at mga gamit
sa manukan, pakain, at sahod ng mga tauhan. Lalo
na ang panahon na masasayang pag lumabas di
mabuti ang ating mga palahi dahil bulok ang materyales na nakuha natin.
Huwag tayong matakot na magbayad
hanggang abot-kaya natin, ngunit hindi ibig sabihin na basta na lang tayo susugod. Ang praktikal
na manlalahi ay wais na manlalahi. Lalo na pagdating sa gastos. Ilagay natin sa isip na hindi porke
mahal ang materyales ay magaling na ito. Hindi
rin na dahil mura lang ang materyales na ito ay
hindi magaling. May pagkakataon na ang binabayaran natin ay ang katanyagan lang ng manlalahi kung saan natin kinuha ang materyales.
Ngayon hindi na mahirap maghanap ng
materyales. Madali nang makuha nang mga numero ng telepono ng mga sikat na manlalahi dahil
sa nagsilabasang aklat, magazine at programa sa
telebisyon tungkol sa larong sabong.Ang gawin
lang natin ay ang magpasya kung anong uri ng
manok ang gusto natin. Pagdating sa pagpasya
hindi ang pangalan ng linyada o kasikatan ng
manlalahi ang gawing batayan.
Ang problema ng maraming baguhan ay
binabatay nila ang bloodline selection sa mga bantog na pangalan ng lahi. Kung sikat ang sweater,
hanap tayo ng sweater. Kung sa panahon na lemon
ang bantog, lemon naman ang hanap natin. Pero
ang totoo ang kagalingan ay wala sa pangalan ng
lahi. May sweater na magaling, may sweater na
bulok. Ganon din ang lemon, roundhead, hatch,
kelso, clarets, at iba pang mga lahi.
Sa ating pagpili ng panlaban batay sa
bloodline, hindi ang pangalan, kundi ang performance ng indibidwal na pamilya ang ating pagukulan ng pansin. Dapat nanggaling sa isang mahusay at nagpapanalong linyada kahit ano pa man
ang tawag nito.
Kaya mahalaga na ang manlalahi ay may
kaalaman sa sabong, "in general", at hindi lang sa
pagpapalahi. Dahil kung di natin alam kung anong
uri ng manok ang nagpapanalo ay hindi rin natin
malalaman kung anong manok ang ipalabas sa
ating palahian.
Kung naitakda na natin ang hangarin sa
ating pagpapalahi ay mag-umpisa tayong magmasid kung sinu-sino sa mga manlalahi ang mga
ganitong palahi. Alamin natin ang presyo ng
kanilang mga pangasta at nang malaman natin
kung alin sa mga ito ang abot-kaya natin. Kung
makakaya natin ang presyo ng mga malalaki at
kilalang manlalahi, mas mabuti na doon na kumuha. Dahil kung magbebenta tayo ng ating mga
palahi, magagamit na puhunan at makadagdag
presyo kung makatotohanan nating masabi na ang
ating palahi ay galing sa isang tanyag na breeder.
Kung hindi abot-kaya ang presyo ng mga tanyag
na palahian, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat
may mga maliliit o hindi pa gaaanong kilala na
palahian na maaaring may magagaling na linyada
na angkop sa ating hinahanap.
Oo, madali na ngayon makahanap ng

mga materyales para sa pagpapalahi. Ang dami


nang mga napakagaling na linyada na nasa kamay
na ng mga Pinoy na manlalahi. Ang iba sa mga
manlalahi na ito, ay hindi mahal kung mag benta.
Wika nga, pera na lang ang kailangan.
Ngunit ganito ba talaga ito kadali?
Hindi. Kailangan din ang sapat na kaalaman sa pagpili. Ang wastong pagpili ay siyang
susi sa tagumpay sa sabong. Ito may mapa sa
pagpapalahi o sa paglalaban sa sabungan. Ito ang
dahilan kaya inuna natin sa pagpalabas ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon, bago ang manwal na ito.
Payo natin na dapat maging bihasa muna sa pagpili at paglalaban bago pasukin ang larangan ng
pagpapalahi.
Ang pagpili ng tatyaw ay tulad ng pagpili
ng panlaban.Kaya lang ikunsidera natin ang
kakayahan ng indibidwal na nagustuhan natin na isalin
sa anak ang magagandang katangian.
Ito ang tinatawag
na pre-potency o
kakayahan sa pagDapat tingnan kung ang
salin ng mga katangian sa
anak. magkakapatid ay magkamukha
Makakakuha tayo
ng ideya sa pre- at magkatulad ang kagalingan
potency ng isang
indibidwal kung sa pakipaglaban. Kung ganun
alam natin kung
paano ipinalabas
ang mga katangiang ito ay
ang indibidwal na
ito. May mga
nakatakda na sa kanilang
manok kasi na
makisig at malinyada at madaling isalin sa
galing sa bitaw
ngunit hindi ito
susunod na salinlahi
homozygous o puro
sa mga magagandang katangiang
taglay niya. Pag
ginawa itong tatyaw maaring magkataon na ang nakatagong recessive genes na hindi kanaisnais ang
maibato nito sa anak. Kapag homyzygous ang
indibidwal para sa isang magandang katangian
wala na itong ibang ibabato sa anak kundi ang
genes para sa katangiang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin ang indibidwal na ito.
Pagdating sa pagpili ng inahin lalo pang
mahalaga ang kagalingan ng linyada at kagandahan ng anyo dahil hindi natin mapili ang inahin
batay sa kagalingan nito sa pakipaglaban. Ang
pinakamaige nating gawin pagdating dito ay ang
tingnan ang kagalingan sa bitaw ng mga kapatid at
ng ama nila. Isa pang mahalagang bagay ang tingnan kung ang istilo sa pakipaglaban at hitsura ng
mga kapatid ng tatyaw o inahin na napupusuan
natin ay,higit kumulang, magkatulad at magkamukha. Ito ay nagpapakita na ang mga katangiang
nagustuhan natin ay nakatakda na sa kanilang linyada at hindi tsambang lumabas sa isang indibidwal lang. Kung ang kagalingan nila ay nakatakda
na sa kanilang linyada malamang na malamang
maitapon ito sa susunod na salinlahi o henerasyon.
Kung tsamba lang lumabas sa isang indibidwal, ay
baka patsamba lang rin kung lalabas ito sa susunod
na henerasyon.

P AGE

Sa Manwal ng Mana sa Makabagong


Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon tinalakay
natin doon kung paano ang pagpili ng magaling na
panlaban. Una ay ang linyada o bloodline, kasali
dito ang pagpapalahi at kung paano pinalaki ang
ating pinagpipilian, at ang winning percentage ng
mga ninuno at kapatid. Kung nasisiyahan na tayo
sa aspetong ito, tinitingnan natin ang ganda ng
pisikal na anyo ng manok . Pagkatapos sinusubukan natin ang galing nito sa bitaw.
Ganito rin sa pagpili ng manok palahiin.
Kaya lang dapat idagdag pa natin dito ang potensyal ng indibidwal na maging pre-potent. Lalo na
sa mga inahin, dahil sa mga inahin hindi natin
makikita ang kagalingan sa pakigpaglaban
pamamagitan sa pagbitaw. Ang kagalingan ng
isang linyada o bloodline ay isang konkretong
aspekto na taglay ng manok mula maghalo ang
semelya ng ama at itlog ng ina. Ang linyada ang
pundasyon ng ating pagpili.
Pagdating sa pagpili ng palahiin una ay
alamin kung itoy nanggaling sa isang linyada na
nagpapanalo. Pagkatapos kilatising mabuti ang
hugis at hipo ng katawan, ang balanse, ang gara ng
lakad at galaw, at iba pang katangiang pisikal at
kakisigan. Dapat ang mga itoy tugma sa mga katangiang pisikal ng magaling na manok. Pag nasiyahan na tayo sa linyada, pagpapalaki, pagpapanalo, kakisigan at iba pang konkretong katangian, saka lang natin ibitaw ang manok upang
tingnan kung kasiyasiya ba rin ang kagalingan nito
sa pakipaglaban. Ibitaw natin at alamin kung ang
galing at istilo nito sa pakipaglaban ay tugma sa
ating hinahangad.
Subalit ang pinakamahalaga sa lahat ay
kung ang manlalahi na bibilhan mo ay mapagkakatiwalaan ba. Marami kasi sa mga dapat alamin, tulad ng pagka puro ng pangasta; kung ito
bay inbred o hindi; patina kung ito nga bay nanggaling sa linyadang lamang sa panalo, ay mga impormasyon na ang manlalahi lang ang nakakaalam
at makakapagsabi. Tandaan na ang salita ng isang
manlalahi ay singhalaga lang ng kanyang
katapatan at reputasyon. Kung sabagay, karamihan
sa mga tanyag na manlalahi ay mapagkakatiwalaan. Dahil kung hindi pa sila tapat at mapagkatiwalaan, sanay di na sila nagtatagal sa larangan
ng sabong.
Paghanda ng mga pangasta
Mga isang buwan bago ang pagsalang ng
mga pangasta sa breeding pens kinukundisyon
natin ang mga ito. Tulad ng pagkundisyon ng mga
panlaban pinupurga, liniligo ng anti mite shampoo
at bina-bacterial flushing na mga broodfowl. Binabakunahan din natin laban sa mga sakit na komon
sa ating lugar. Ang pinaka-basic na bakuna ay
laban sa Newcastles disease (NCD) at fowl pox.
Tulad ng mga panlaban bibibigyan din natin ang
mga pangasta ng masustansyang pakain at suplementong bitamina at mineral. Bigyan ng b complex at cvitamins A,D at E.
Ang pakain sa mga broodcock at tulad ng
kinukundisyon. Tulad din sa mga panlaban ang
voltplex ay napakagandang suplemento para sa
mga broodcocks. Kahit 3 beses lang bawat linggo
ang bigay.
Ang mga broodhen ay layer or breeders
pellets at grains ang ipakain. Lamang ang pellets,
80% pellets at 20% lang ang grains. Dahil mas
marami ang inahin sa tatyaw, may katwiran na
tayong magtipid sa pakain sa inahin. Pwedeng
haluan natin ng kunting maintenance pellets.
Tandaan lang na kailangan hindi kulang
sa katawan ang mga inahin, ngunit wag din ang
mataba dahil hindi ito mangingitlog. Sa maliwanag at madamo na lugar ilagay ang mga pangasta.

Pagpalit ng tatyaw
Sa isang pagbaba ng tatyaw ay maaring ilang itlog o ilang
araw pa bago mawala ang impluwensya ng semelya ng tatyaw.
Kaya hindi kailngan na bawat araw mababaan ng tatyaw ang
inahin. Isang baba sa bawat tatlong araw ay sapat na sapat pa.
Kung magpalit ng tatyaw dapat may pagitan na 10 araw para
makatiyak na ang itlog ay sa bagong tatyaw na ang lamang semelya.

Pagpapisa
May dalawang paraan ng pagpapisa ng sisiw. Natural o
ang paggamit ng inahin sa paglimlim at ang artificial, o ang paggamit ng incubator. Parehong epektibo ang dalawang ito. Bagamat may mga inahin na mas magaling maglimlim at may incubator naman na mas maganda ang pagkagawa kay sa iba. Subalit
parehong sapat ang dalawang paraang ito para sa pagpapisa ng
itlog. Ang mahalaga ay ang pagimbak ng itlog. Dapat kolektahin
ang itlog arawaraw. Linisin pamamagitan ng pagpunas ng tuyong
tela, markahan at iimbak. Lapis ang gamitin sa pag marka huwag
pentel pen. Ang tenta ng pentel pen ay maaring maka apekto sa
sisiw. Para siguradong di makalimutan o magkamali sa pagmarka
magdala ng lapis at markahan ang itlog kung saan nakuha. Kung
flock mating ilagay ang numero ng yard o pen. Kung single mating
ilagay ang legband o kayay pangalan o ano ang pagkakilanlan ng
inahin.
Ang payo ng mga dalubhasa ay huwag iimbak ang itlog
ng lampas isang linggo bago ipalimlim o isalang sa incubator.
Subalit sa natural na sitwasyon na pinababayaan lang ang inahin,
hindi ba lampas isang linggo o dalawa pa minsan bago ang inahin
ay maglimlim? Mahalaga lang siguro na galawin natin ang itlog
arawaraw para hindi dumikit ang embryo sa shell. Sa natural na
sitwasyon nagagalaw ng inahin ang itlog bawat pagsampa nito sa
pugad upang magitlog. Isa pa, dapat sa malamig na lugar natin
iimbak ang itlog, kung di man sa refrigerator. Paglampas kasi ng
ng temperatura sa 16 0 17 degrees celsius , magsimulang ma develop ang embryo at dahil kulang ang init na ito para mapisa ang
itlog, ang mangyayari ay mamatay o hihina lang ang embryo. Ang
tamang temperatura upang mapisa ang itlog pagdaan ng 21 days
ay 38 celsius o 100 farenheit. Sa mga lugar, tulad ng Metro Manila, kung saan may nga mapagkatiwalaang commercial hatchery,
doon na lang natin sa commercial hatchery ipapisa ang mga itlog.

Culling
Ang culling ay ang paghiwalay ng mga rejects galing sa ating
flock. Ihiwalay ang mga masakitin. Ihiwalay ang mga may kapunapunang kapintasan. Ihiwalay ang mga pangit. At itoy gawin
bawat pagkakataon na may mapuna ka. Mas maaga ang pag cull
sa mga babae na hindi natin balak gamitin sa pagpapalahi. Kasi
kahit wala pa itong kapintasan, kung ang genetic composition nito
ay hindi nakaprogramang gamitin sa pagpapalahi, dapat ihiwalay
na ito ng maaga para makatipid tayo sa pakain at gamot.

P AGE

10

Pagpakasta: Sistema at pamamaraan


Single mating
Ang single mating ay ang pagpapares ng
isang tatyaw sa isang inahin. Ang isang inahin ay
dapat isang tatyaw. Subalit ang tatyaw ay maari
nating ipares sa maraming inahin na nasa indibidwal na kinalalagyan. Single mating pa rin ito.
Sa ganitong paraan maaring hanggang 9
ka inahin ang pwedeng i-single mate sa tatyaw. Sa
unang araw sa hen no 1, 2 at 3 ang tatyaw. Isang
inahin sa umaga, isa sa tanghali at isa sa hapon.
Bantayan lang na pagkatapos makakasta alisin
agad ang tatyaw at ibalik sa cord. Halimbawa alas
6 ng umaga ay pakastahan ang hen no. 1. Pagkatapos ibalik ang tatyaw sa cord at doon pakainin.
Bandang 10am ang pangalawang inahin ang
pakastahan. Kunin na naman agad pagkatapos at
ibalik sa cord. Mga alas tres bago pakainin ay
pakastahan naman ang pangatlo. Kinabukasan ang
hens 4,5 at 6 naman. Sa pangatlong araw ang hens
7,8 at 9 naman. Samakatuwid ang bawat inahin ay
nabababaan ng isang beses sa bawat tatlong araw.
Sapat na ito upang ma-fertilize ang mga itlog ng
lahat ng inahin.
Flock mating
Ang flock mating ay ang pagpares ng
isang tatyaw sa maraming inahin sa loob ng isang
kinalalagyan, na malimit ay yarda o malaking pen.
Maaring magkaiba ang linyada ng mga inahin pero
mas maige kung ang mga itoy kabilang sa isang
linyada lang. Para pwedeng isang marking lang
para sa lahat ng sisiw galing sa flock na ito at alam
na natin ang kumposisyon ng dugo. Kung halohalo
ang mga inahin, ang tiyak lang natin na kalahati ng
dugo ng sisiw ay sa linyada ng ama. Ang kalahati
ng dugo ay di tiyak kung saang inahin nanggaling.
Kung ang sistemang flock mating ang
sinusunod dapat malakilaki ang kinalalagyan at
nakatali ang broodcock sa gitna o sa isang sulok.
Sa ganitong paraan ang inahin na fertile at gustong
magpakasta ang kusang lalapit. Kung maliit ang
lugar o hindi nakatali ang tatyaw, pabalikbalik na
hahabulin at bababaan ng tatyaw ang paborito nitong inahin. Sa isang araw ang mga paborito ay
mabababaan ng ilang beses samantala ang iba ay
hindi at walang laman na semelya ang itlog ng
mga ito.
Flock-single mating
May sistema din na maraming inahin ang
pinagsasamama sa isang kinalalagyan na kasama
ang tatyaw tulad ng ginagawa natin sa flock mating. Subalit gumagamit tayo ng trap nest. Makapasok ang inahin sa trapnest upang mangitlog ngunit
hindi na ito makakalabas pagkatapos. Ang mangyayari ay aabutan ito ng tagaipon ng itlog at
mamamarkahan ang itlog kung saang inahin nanggaling. Samakatuwid, malalaman natin ang ama at
maging ang ina ng sisiw katulad ng sa single mating. Sa ganitong sistema ay pwede na pwede kahit
magkakaiba pa ang linyada ng mga inahin sa isang
flock.
Controlled natural selection mating
Sa ilang, kung saan ang mga manok labuyo ay pagalagala lang, malayang mamili ang
mga inahin at tandang kung sino ang nais nilang
makapareha. Ito ang tinatawag na natural selection. Sa palahian kontrolado ng nagpapalahi ang
pagparespares ng tatyaw at inahin. Ito ang tinatawag na controlled selection mating. Ang nasa
isip natin na mas alam ng tao ang dapat gawin.
Ngunit may mga bagay pa rin na di natin lubos
maintindihan.

Sa yarda kung hahayaan natin ang tatyaw


na di nakatali mapupuna natin na may paborito
siyang inahin na hinahabol o kinakasama palage.
Ang isang inahin naman kung pagagalain
sa cord area kung saan maraming tandang ang
nakatali, ito ay mamimili ng iilan sa mga tandang
kung saan sa mga ito lang siya paulitulit nagpapakasta. Ang kalikasan kasi ay may sariling
pamamaraan upang manatiling buhay ang mga
sarisaring hayop sa kalikasan. Alam ng hayop
kung aling kapareha ang dapat upang mas malaki
ang tsansa ng kanilang anak na mabuhay. Sa ilang
at sa kalikasan survival of the fittest kasi. Ang
matalino, malakas, matapang at mabilis ang may
pinakamalaking pagasa na manatiling buhay.
Ang mga katangian ng hayop na magbibigay sa kanila ng malaking tsansa na mabuhay sa
kalikasan, ay ang siyang mga katangian din ng
manok na kailangan sa labanan sa sabungan.
Kaya, bat di natin bigyan ng pagkakataon ang
katangian ng tatyaw at inahin na pumili ng kapareha?
Ito ang nagudyok sa atin na subukan ang
tinatawag natin na controlled natural selection.
Sa isang malaking yarda ay naglalagay
tayo ng tatlo hanggang limang tatyaw. Nakatali ito
ng mahahaba at malayo sa isat isa kaya malawaklawak ang teritoryo ng bawat isa. Sinasamahan
natin ng 15 hanggang 25 ka inahin sa ratio na limang inahin sa bawat tatyaw. Natural selection na
rin ito dahil makakapili ang mga inahin kung sa
aling tatyaw sila lumapit at magpakasta. Ang mga
tatyaw naman
ay makakapili
sa mga inahin
na lumalapit sa
kanila. Kalaunan mapupuna
natin na may
isang tatyaw na
marami
ang
lumalapit
na
inahin.
May
tatyaw naman
na kukunti lang.
Dito pa lang ay
makaideya na
tayo kung alin
sa mga tatyaw
ang may mas
magandang
semelya.
Upan g
maging kontrolado pa rin natin ang pagpapalahi,
ang ginagawa natin ay lahat ng tatyaw ay kabilang
sa isang linyada, ganoon din ang mga inahin. Kalimitan ang mga tatyaw ay magkakapatid. Sa mga
inahin marami ang magkakapatid. Ang iba ay pinsan, o tiyahin o ina ng ilan basta ang genetic composition ay magkatulad. Ano mang mangyari magkatulad pa rin ang genetic composition ng mga
sisiw.
Sa istriktong salita o mahigpit na pagtupad sa batas ng tularan na pagpapalahi hindi ito
dapat. Isa lang ang dapat. Ang single mating lang.
Pero para sa praktikal na manlalahi na gustong
magparami ng isang subok na cross, ang sistemang
ito ay sapat na.
May bentahe pa. Dahil siguro sa natural
instinct ng manok na pumili ng kapareha, sa karanasan ng RB Sugbo mas mataas ang survival rate
sa mga sisiw na pinalabas pamamagitan ng ganitong pamaraan.

SI PONKAN;
Ang orihinal na
tatyaw na nagpasimula ng
Ponkan bloodline ng RB Sugbo
Gamefowl Technology. Si ponkan
ay isang sweater
na galing sa El
Dia Gamefarm ni
Doc Ayong
Lorenzo. Ang
komposisyon ng
ponkan bloodline
ngayon ay 5/8 ni
ponkan; 3/16
lemon 84; 3/16
Lance roundhead.

P AGE

Pamamaraan ng praktikal na manlalahi


Para sa isang praktikal na nagpapalahi
hindi na kailangan ang malalalim na kaalaman sa
genetics. Sa atin sapat na alam natin na ang layunin ng inbreeding ay upang maging puro ang
magagandang katangian para ang indibidwal ay
maging homozygous sa katangiang ito. Kapag
homyzygous ang indibidwal wala na itong ibang
itatapon sa anak kundi ang genes para sa katangiang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin
ang indibidwal na ito. At, alam din natin na ang
paghahalo ng dalawa talong purong linyada ay
magbubunga ng isang mestiso o cross na malimit
lalabas na mas magaling kaysa alin mang magulang na puro. Kaya kailangan ang puro dahil
pamamagitan ng pag-gamit sa mga inbred at puro
na mga indibidwal ay makapalabas tayo ng magagaling na battlecrosses. Itoy maging two-way ,
three way o higit pa. Ang habol ng praktikal na
manlalahi ay ang magbunga agad ng magaling na
panlaban sa pinakamaikling panahon. Kaya maaring maiiba ang pamamaraan ng isang praktikal na
manlalahi kung ihambing sa mga pamamaraan sa
isang tradisyonal na manlalahi.
Pagpapuro ng mga katangian
Alam natin na ang hangad ng in-breeding
ay ang ma-purify o gawing puro ang mga kanaisnais na katangian na taglay ng isang pamilya ng
manok. Kaya pinagparespares natin ang mga magkamaganak na kabilang sa pamilya o linyada. Talagang subok na ang pamamaraan na ito, ngunit
masilan at mahabahabang panahon ang kailangan.
Masilan dahil may pagkakataon na papasok ang
inbreeding depression at maging duwag, lumiliit,
masakitin at mahina sa labanan ang mga lalabas na
supling. Kung tayo ay mag-iinbreeding kailangan
ang di hamak na kaalaman sa pagpili kung alinalin sa mga magkakamag-anak ang gagawing pangasta. Sa praktikal na pagpapalahi may ibang
paraan.
Kung ang layunin natin ang makapalabas
ng langkay ng manok na puro sa isang katangian,
halimbawa bilis sa pakipaglaban, maari namang
gawin ito kahit hindi pamamagitan ng pag
inbreeding. Halimbawa kumuha tayo ng tatyaw na
napakabilis sa labanan at ipares natin sa isang
inahin na hindi kamaganak ng tatyaw ngunit nanggagaling sa isang linyada na kilala sa pagiging
mabilis. Malamang ang anak nila ay mabilis. Kung
ang ang anak na ito ay ipagpares natin sa bago na
namang linyada ng mga mabibilis, malamang ang
kalalabasan ay mabilis din ang mga manok sa kasunod na henerasyon. Kalaunan ma-purify natin
ang katangiang mabilis kahit hindi tayo maginbreeding. Magagawa rin natin ito sa iba pang
katangian tulad ng lakas, tapang, tibay at talino.
Ingatan lang natin na ang mga indibidwal na pinagparespares natin sa proseso ay higit kumulang
magkamukha ang hitsura, kulay ng balahibo at
paa, hugis ng palong at iba pang pisikal na anyo
upang hindi magka-sabogsabog ang hitsura ng
ating mga palahi. Baka puro nga sa katangian na
nais natin ngunit magkaiba naman ang kulay at
hitsura ng mga ito. Walang masama kung magagaling naman sa labanan, kaya lang hindi magandang tingnan sa manukan natin at hindi rin ito
madaling ibenta sa mga mamimili. Bagaman, kung
para sariling panlaban lang natin maige pa nga na
ibaiba ang hitsura para hindi madaling matandaan
ng mga tao sa sabungan na palagi nating pinupuntahan at hindi katatakutan sa ulutan.
Ang proseso ng pagbuo ng sariling linyada ay nangangailangan ng pagpapuro pamamagitan ng pag-inbreeding. Ngunit, ang totoo, pag-

dating na sa proseso sa pagpapanatili ng linyada,


ay hindi na in-breeding ang kailangan, kundi outcrossing. Ang proseso sa pagbuo at pagpapanatili
ng linyada na itinataguyod ni Dr. Andrew Bunan
sa kanyang aklat ay ang sumusunod:
Mag-crossbreeding upang makahanap ng
magaling na cross na magandang
gawing bagong linyada;
Mag-inbreeding upang mapapuro ang
mga kanaisnais na katangian at maging magkamukha ang lahat ng manok
na kabilang sa linyadang bubuuhin;
Gumawa ng hiwawalay na pamilya mula
sa mga in-bred na indibidwal na napalabas;
Paglipas ng ilang henerasyon ang manok
na kabilang sa bawat hiwalay na
pamilya ay hindi na kamag-anak ng
mga manok na kabilang sa iba pang
pamilya. Pag ang mga manok sa
isang pamilya ay pinagpares natin sa
manok na galing sa kabilang pamilya, ito ay hindi na inbreeding.
Ang mga supling sa pagpapares na
ito ay hindi in-bred ngunit puro pa
rin sa dugo ng linyadang nabuo
natin.
Ang sistemang ito ang tularan o ideal na
proseso. Ang mga manok na lalabas gamit ang
prosesong ito ay puro na sa mga kanais-nais na
katangian puro pa sa blood composition ng linyada. Subalit, di hamak na anim hanggang sampung taon o mahigit pa ang ating aantayin bago
natin ito magawa. Napakahabang panahon para sa
isang praktikal na manlalahi. Ang praktikal na
manlalahi ay madaya, nag-syusyurkat. Hindi ito
ginagawa ng tradisyonal na maginoong manlalahi dahil para sa kanila ang pinakamahalaga ay
ang manatiling buo ang integridad ng kanilang
bloodline. Tama man o mali, totoo man o hindi,
palaging ipinagmamalaki nila na itong linyada
kung ito ay napanatili kong puro sa ganito o
ganoon kahabang panahon. Isa pa, karamihan sa
mga maginoong manlalahi ay may kaya at hindi
mahalaga sa kanila kung gumulgol man ng malaking halaga at mahabang panahon. Ang praktikal na
manlalahi, may kaya man o wala, ay naghahabol
ng resulta bago makagulgol ng malaking halaga at
mahabang panahon. Ang praktikal na manlalahi ay
praktikal nga. Katulad ng sabi ni Mao Tse Tung,
isang lider ng China, It doesnt matter if the cat
is black or white as long as it catches mice. na
kung isalin natin sa Pilipino, ay Di bale kung ang
pusa ay itim man o puti, basta nakakahuli ng
daga.
Pagpalabas ng kumbinasyon ng mga katangian
Halimbawa nakabuo na tayo ng pamilya
ng mabibilis kahit walang in-breeding. At, nakabuo narin tayo ng isa pang pamilya ng malalakas,
maari na nating i-cross ang dalawang ito sa paghangad na makapalabas ng panlaban na mabilis
at malakas. Pero hindi ganito kasimple ang pagpapalahi. Una ang dalawang katangiang yan ay hindi
sapat upang magpanalo ang ating palahi. Kailangan pa ang tapang at tibay, utak at liksi at pinakamahalaga cutting ability. Pangalawa, sa pagpalahi maraming pagkakataon na ang kalalabasan
ay taliwas sa ating inaasahan. Kaya mas mahaba
ang proseso mas maraming di inaasahan ang mangyayari at maaring mas maraming pagkakamali
ang magawa.
Kung ganito ano ang gagawin ng isang
praktikal na manlalahi?

Hindi
mahalaga kung
itim man o puti,
ang pusa, basta
ba itoy
makakahuli ng
daga Mao
Tse Tung

11

P A G E

Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan


ng Pagpili at Pagkundisyon ay isinaad natin ang
mga katangian na nagbubuo ng maganda at mahusay na manok. Uulitin natin na dapat una nating
matutunan ang sining ng pagpili bago pasukin ang
larangan ng pagpapalahi upang alam na natin kung
anong uri ng manok ang ipalabas sa ating palahian.
Hindi biro ang magpalabas ng pamilya ng
manok na taglay ang maraming kumbinasyon ng
mga katangiang kanaisnais. Halimbawa lang, sabihin natin na apat lang ang mga katangiang kinakailangang taglay ng manok at matawag na itong
tularan na manok. Kahit na ang tototo sobra talaga
sa apat. Ang apat na gawin nating halimbawa ay
cutting ability, tapang, talino at bilis. Ang ginagawa ng mga manlalahi noong araw ay ang
maghanap ng apat na linyada. Ang isa ay taglay
ang matinding cutting ability, ang isa napakatapang, ang isa napakatalino, ang isa napakabilis.
Noong araw kung kailan ang butcher ay
talagang butcher, ang hatch ay talagang hatch, ang
roundhead ay talagang roundhead at ang kelso at
claret ay talagang kelso at claret, ang mga ito ang
kinatawan ng mga nasabing katangian. Ang butcher
para sa cut; hatch para sa tapang at tibay; roundhead sa talino; at kelso o claret sa bilis. Ang mga
ito ang malimit na ginagamit ng mga manlalahi
noon sa Amerika.. Ang isang tradisyonal na manlalahi ay magsisimula pamamagitan ng pagpalahi ng
apat na linyada. Pagkatapos ay gumagawa ng dalawang two-way crosses. Ipagpares nya ang mga two
-way crosses na ito upang makabuo ng 4 way-cross
na taglay ang apat na katangian. Pagkatapos saka
palang siya gumagawa ng adjustments kung alin na
naman sa apat na linyada ang ipasok uli para
mapunan ang pagkukulang ng kanyang 4-way
cross. Tandaan na apat lang na katangian ang ginawa nating halimbawa at mahabahaba na ang
proseso bago marating ang finish line. Ang finish
lineay ang makapalabas ng battle crosses na
taglay ang apat na katangian sa tamang proporsyon.
Malayo ang finish line kung gagawin
natin ang ginagawa ng mga tradisyonal na manlalahi. Naguumpisa sila sa starting line. Ang praktikal na manlalahi ay hindi naguumpisa sa starting
line. Naguumpisa tayo malapit sa finish line. Oo
dahil ngayon maari na tayong magsimula malapit
sa finish line. Sa halip na magsimula tayo sa paghahanap ng apat na linyada ay kumuha na lang tayo
ng dalawang linyada na parehong taglay ang apat
na naturang katangian. Noong araw mahirap ito
gawin dahil sa kakulangan sa mga linyada na
taglay na ang ibat-ibang katangian. Ngayon hindi
na. Napakaraming linyada ngayon ang nagsilabasan na taglay ang napakaraming katangian. Ang
ating mapagpipilian ay ang magsimula sa totoong
starting line at kumuha ng apat na linyada na may
ibat-ibang taglay na katangian at makapagyabang
na authentic ang mga linyada natin, o ang magshort cut at may tsansa na agad makapagpalabas ng
magagaling na battle crosses at makatipid sa gastos
at panahon. Kaya nga lang, kung pipiliin natin ang
huli, hindi tayo dumaan sa tamang proseso sa pagpapalahi, at wala tayong kahit isa man lang sa tinatawag nilang authentic pure, anuman ang kahulugan o kahalagaan ng salitang ito.
Ang praktikal na manlalahi ay madaya
nga. Nagsyusyurkat. Sa pagsyusyurkat nating ito
wala naman talaga tayong dinadaya na tao. Ang
dinaya natin ay ang pera at panahon na magastos
sana natin kung susunod tayo sa tradisyonal na
proseso. Hindi ba the end justifies the means? Lalo
na para sa ating mga masang nagmamanok na ang
hangad lang ay ang masiyahan sa ibat-ibang aspeto ng sabong kagaya ng ating mga kapatid na
may kaya.

Corrective mating
Halimbawa ng corrective mating ay kung
ang isang linyada mo ay mababa ang tindig o maliit.
Ang ginagawa natin ay ang ipares ito sa isang linyada na matatangkad at malalaki. Kung kulang sa
lipad ipares natin sa linyada na mataas ang lipad.
Kung kulang sa lakas bigyan natin ng linyada na
malalakas. Ito ang tinatawag na corrective mating.
May pagkakataon kasi na kahit ang magandang
linyada na ating nabuo ay sa kalaunan ay makakaranas ng ganitong kapintasan lalo na kung tayo ay nag
-inbreeding. Tandaan lang na huwag na huwag
subuking itama ang linyada na kulang sa cutting
ability o kulang sa tapang. Agad-agad na i-reject
ang linyada pag ganito. Napakamahalagang bagay
ang cutting ability at tapang na kung ang alin sa ito
ang makulang sa ating linyada wag na lang ipatuloy
o tangkaing itama pa. Huwag tayo maniwala sa mga
nagsasabi na may linyada sila na duwag pero nanalo
80% sa mga laban nila. Kung hindi yan sales talk,
simpleng yabang lang yan. Ang pinakamatapang at
pinakamagaling nga na linyada mahihirapan manalo
ng 65%. Ang duwag pa? Ang linyada ay maituturing na winning line kung itoy makapanalo 60% ng
kanilang mga laban. Mangyayari lang yang 80% o
90% ang naipanalo kung kunti pa lang ang nailaban.
Kung halimbawa isa pa lang ang nailaban mo at
nanalo, 100% yan. Ang tamang batayan ng porsiyento ng panalo ay kung abot na ng tatlongpung
laban. Sa sampu may idea ka na. Sa dalawampu
malapitlapit ka na sa katotohanan. Hindi na lang
natin ipaliwanag ito ng husto, dahil nagiiwas tayo sa
sobrang malalim na genetics mapunta pa tayo sa
malalim na statistics.

Ang praktikal
na manlalahi ay
madaya.
Nagsyusyurkat.
Dinadaya natin

Upgrading

ang pera at

papalahi na angkop na angkop sa isang praktikal na


manlalahi. Ang upgrading ay ang patuloy na pagpasok sa ating palahi ng bagong linyada na inaakala
nating makadagdag sa kakayahan ng ating mga
pangkasalukuyang linyada. Bagay ito sa praktikal
na manlalahi dahil sa halip na magtiyaga tayo sa
pag-inbreeding o intra-bloodline selection para mapaangat ang antas ng ating linyada, hahahanap na
lang tayo ng bagong linyada na magaling at ipasok
ito sa ating palahi. Kaya itong gawin ng praktikal na
manlalahi. Subalit para sa mga tradisyonal na
manlalahi masakit para sa kanila na sa bawat pagkakataon ay kalahati na lang sa dugo ng kanilang
linyada ang matira dahil ang kalahati ay palaging
bago.
Isang praktikal na programa gamit ang
upgrading ay ganito:
Una kumuha ng trio ng mga pure galing sa
isang linyada, at ilan pang inahin na hindi kamaganak ng trio. Kung kapos sa budget pair lang ng
isang linyada at ang iang inahin ay galing sa naiibang linyada. Pag ganito kasi, sabay kang makapagpapuro sa isang linyada at makapagcross pa. Sa
unang taon ay may pure line ka, tawagin natin na
pure A, at may two-way cross ka, tawagin natin na
two-way 1. Kung maganda ang resulta sa unang
henerasyon, sa pangalawang taon ipagpatuloy ang
pagpapuro ng pure A. Ipagpatuloy ang iyong cross,
ang two-way 1. Kumuha ng bagong magaling na
pure pair ng isang linyada na kamukha ng iyong
linyada ngunit hindi kamaganak. Ito ang gamitin
tatyaw sa mga pure pullets na napalabas mo sa nakaraang taon. Ito naman ang two-way 2 mo. Magamit mo rin itong tatyaw sa mga pullets ng iyong
cross. Ito ang three-way 1 mo. Habang pinares mo
rin sa isat-isa ang iyong bagong pair. Ito ang pure
line B. Sa pangalawang taon palang ay may dalawang pure lines ka, A & B; dalawang two-way
cross, 1 & 2 at isang triple cross, na tawagin nating
three-way 1.

panahon na

Ang upgrading ay isang simulain sa pag-

1 2

sanay ating
magugulgol.

P A G E

Sa pangatlong taon kahit hindi ka pa kukuha ng


bagong linyada, maramirami na ang matings na
posible mong gawin. Kung lahat sa mga matings
mo sa nakaraang taon ay magagaling ipatuloy mo.
Iilan sa mga panibagong pagparespares na maari
mong gawin ay Pure A x Pure B; unang broodcock x Pure B; at two-way 1 x two-way 2. Ang
pagpares ng two-way 1 at three way 1 ay inbreeding.
Hindi lang ang mga ito, dahil maari kang
mag-backcross sa mga tatyaw at mga inahin. Sa
paggawa ng mga kumbinasyon makikita ang
kakayahan ng manlalahi. Ito ang kahalagahan ng
kaalaman sa pagpili. Kung talagang mahuhusay
ang dalawa mong trio, at tama ang iyong pagparespares, dahil magaling ka sa pagpili, sa loob
ng tatlo o apat na taon maari nang makilala ang
palahi mo. Paglipas ng ilang taon maari ka na namang mag upgrade at kumuha ng bagong linyada,
kung sa palagay mo kakailanganin.
Para sa isang praktikal na manlalahi, maganda ang programang gamit ang patuloy na upgrading. Ang konsepto ng infusion ay hindi para
sa isang praktikal na manlalahi. Para malaman
natin kung bakit, tatalakayin natin ang infusion.
Infusion

Ang infusion ay pagpapasok ng bagong


linyada sa ating palahi na unti-unti naman nating
tinatanggal. Ito ay breeding in at breeding out.
Halimbawa ang palahi ng RB Sugbo na ponkan ay
nangangailangan ng karagdagang bilis, ang ginagawa natin ay mag-infuse o magpasok tayo ng,
halimbawa, radio na dugo na kilala sa pagiging
mabilis. Ang labas ng mga anak ay 50% ponkan at
50% radio. Kung ang half and half ponkan/ radio
na ito ay ibalik natin sa isa pang purong ponkan.
Ang mga anak ay 3/4 ponkan at 1/4 radio. Kung
ipagpatuloy pa natin ang pag breed out ang kalalabasan ay 7/8 ponkan at 1/8 na lang ang radio.
Maari itong gawin hanggang 15/16-1/16, 31/321/32 o lampas pa hanggang nais natin o hanggang
dapat.
Ang layunin ng infusion ay ang tinatawag
sa Inglis na shot in the arm o kung sa atin ay
pampagising. Sa katagalan kasi ng pag-inbreeding
maging puro ang ating manok. Ang mangyayari ay
magiging limitado ang genetic variation kaya wala
nang masyadong mangyayari. Kaya nilalagyan
natin ng panibagong mga genes para kumulo na
naman. Ngunit unti-unti rin natin itong i-breed out
upang mabalik naman sa pagiging ponkan ang
ating palahi, na may taglay na mas maraming sari
ng genes at balik na naman ang bilis.
Hindi bagay sa isang praktikal na manlalahi ang infusion. Kukuha tayo at gagasta para sa
isang bagong linyada upang alisin sa kalaunan?
Shot in the arm? Bakit ang upgrading ba ay hindi
shot in the arm? Ang dahilan bakit ginagawa ang
infusion ay ang tinatawag na sentimental attachment ng breeder sa kanilang linyada. Linawin
natin ito. Ang hangad ng infusion ay upgrading
din. Hangad natin na mapaangat ang galing ng
ating linyada. Ngunit sentido komon ay makapagsabi na pagdating ng ilang henerasyon paliit ng
paliit ang impluensiya ng linyadang ginamit mo
para infusion, kung mayroon mang natira. Baka,
ang di natin alam ay gumaling ulit ang linyada
natin hindi dahil sa bagong dugo kundi sa mahabang proseso ng breeding out ay nakagamit tayo
ng indibidwal na nanggaling sa ating linyada na
napakagaling na pangasta.
Ang kaibahan ng upgrading sa infusion,
ang sa upgrading hindi kailangang i-breed out ang
bagong dugo. Ibig sabihin mananatiling malaki
ang impluensiya nito sa susunod na mga henerasyon. Kaya sulit ang gastos natin sa pagbili ng
bagong linyada.

Intervention
Ang intervention ay salitang ibinigay ng
RB Sugbo Gamefowl Technology sa isang nakakaibang uri ng infusion o breeding in-breeding out.
Di kasi natin alam kung ano ang tugmang genetic
na termino kung mayroon. May pagkakataon kasi
na sa ating palahi ay may malaking kaibahan na
gusto nating gawin. Halimbawa may sweater na
linyada tayo. Pula dahil sweater nga. Pero gusto
nating magpalabas ng sweater na talisayin. Kaya
ginawa natin ay nagpasok tayo ng pure talisayin sa
ating sweater. Dahil dominante ang talisayin sa
pula lahat ng anak ay naging talisayin bagaman
talisayin lang ang mga ito at sweater. Kasunod
ay pinares natin ang mga 1/2 talisayin-1/2 sweater
sa isa pang sweater na puro. Ang mga anak ay
sweater na at talisayin. Sa salinhaling ito kalahati na lang sa bilang ang talisayin ang kulay dahil
ang mga talisayin na gamit natin na pangasta sa
henerasyon na ito ay hindi na puro talisayin. Ipagpatuloy pa natin. Kukuha tayo ng mga kulay talisayin sa mga sweater -1/4 talisayin at ipares
natin sa isa na namang puro sweater. Ang susunod
na mga supling ay 7/8 sweater at 1/8 talisayin na
lang. Kalahati pa rin ng mga ito ay talisayin ang
kulay dahil dominante nga ang talisayin. Kung
ulitin pa natin magiging 15/16 sweater na ang mga
ito. Parang sweater na talaga sa dugo ngunit may
kalahati pa rin sa bilang nila ang talisayin.
Kung ipagpares natin ang mga talisayin
sa mga ito maari tayong makapalalabas ng puro
talisayin. Samakatuwid nakagawa tayo ng sweater
na talisayin ang kulay. Ang pagkaiba ng infusion
dito sa tinatawag natin na intervention ay ang hangarin. Samantalang ang hangarin ng infusion ay
unti-unting ibalik ang linyada sa orihinal, ang sa
intervention ay nais nating manatili ang kaibahan
na ating ipinasok bagamat halos balik na tayo sa
orhinal na komposisyon ng dugo.
Ang sistemang ito ang dahilan kung bakit
ibat-iba ang mga katangian at kakayahan ng mga
linyada kahit magkatulad ang pangalan ng
kanilang lahi. Ang lacy roundhead ni manlalahi A
ay maaring iba sa lacy roundhead ni manlalahi B
kahit pa na ang mga orihinal nila na materyales ay
galing sa isang pamilya lang o magkakapatid pa.
Depende kasi sa gusto ng partikular na manlalahi.
Pamamagitan ng intervention o infusion, maaring
gawin ni manlalahi A na mas mabilis ang kanyang
lacy kay sa orihinal niyang nakuha. Maari namang
gawin ni manlalahi B na mas malakas ang sa
kanya. Kaya palagi nating pinaalala sa mga praktikal na manlalahi at sa mga kamana natin na hindi
dapat ibatay sa pangalan ng lahi ang pagpili kundi
sa aktwal na katangian at kakayahan. May sweater
na magaling may sweater na bulok, may sweater
na mabilis may sweater na mabagal. Gayundin ang
lahat pa ng ibang linyada. Piliin natin ang manok
na gusto natin ano paman ang pangalan ng lahi
nito.
3-way cross: Mas maige ba kung ang puro ay
ang tatyaw?
May mga batikang manlalahi na nagsasabi na ang kagalingan ng manok sa pakipaglaban
ay nakukuha sa ina. Marami na tayong narinig na
ganyan. Minsan nga si Philip Neri, na isa ring
manlalahi at manunulat sa mga magazine sa pagmamanok, si Dr Andrew Bunan, tanyag na may
akda ng ilang aklat sa pagpapalahi, at ang inyong
lingkod, ay nagkaroon ng mga kaugnay na artikulo sa Pit Games hinggil sa paksang iyan. Nagsilbeng diskasyon ang tatlong nagkasunod na artikulo namin. Nag-umpisa yon sa isinulat ni Neri na
pinamagatang The Hen Factor. Nasabi niya sa
artikulong iyon na batay sa kanyang karanasan ang
fighting style a pinapasa ng inahin sa anak nito na
lalake at nang tatyaw sa anak nito na babae. Sinundan ito ng artikulo nating pinamagatang Can we
create pures out of crosses?

Upgrading ay
angkop sa
isang praktikal
na manlalahi,
ang konsepto
ng infusion ay
hindi.

1 3

P AGE

14

Nasabi natin doon na kung totoo ang obserbasyon ni


dahilan nila ay malimit mas magaling sa pakipaglaban ang
Neri maari nating nakawin ang fighting style ng kanyang
two-way cross kay sa puro. Tama. Ito rin ang kalimitan
hulsey, isang linyada niya na ayaw ipagbili. Gagawin
nating ginagawa sa RB Sugbo. Hindi dahil buo
natin ito pamamagitan ng pagpapalahi ng kanyang
ang ating paniniwala sa sinasabing sa inahin
kelso-hulsey cross na pwede niyang ipagbili. Sabi
magmumula ang kagalingan sa pakipaglaban,
natin pagdaan ng tatlong henerasyon ang mga palahi
kundi dahil sa praktikal tayo. Una mas marami
natin maging tandang man o ma-inahin ay puro na sa
ang magagamit natin na inahin kaysa tatyaw
Ang istilo sa
fighting style ng kanyang hulsey.
dahil ang ratio natin ay lima hanggang sampung
Sumunod ang artikulo ni Dr. Bunan. Sabi
inahin bawat tatyaw. At, siyempre sa mga palaniya bagamat hindi sa lahat na pagkakataon na itoy pakipaglaban ay
hian mas marami ang crosses kaysa pure. Panmangyayari, may posibilidad na magkatotoo nga ang
galawa, mas malakas mangitlog ang crosses
isinulat ko. Samakatuwid lumitaw sa aming magka- namamana nga ba kaysa pure. Kung ang mga inahin ng ating triplesunod na artikulo na may butil ng katotohanan sa
crosses ay mga pure, baka kukunti lang ang maikasabihan na ang kagalingan sa pakipaglaban ay na- ng tandang galing palabas natin. Pangatlo at pinakamahalaga, ang
kukuha ng tandang galing sa ina. Narinig at nabasa
lalaki napipili natin batay sa kagalingan sa pakinarin natin ito sa iba pang nagpapalahi hindi lang sa ina?
pagpaglaban dahil maari nating ibitaw at madito sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos.
kikita kung sa partikular na tatyaw na ito ay
Kaya baka nga may katotohanan.
wala pang masamang epekto ang inbreeding
Dahil dito ang payo ng karamihan sa mga
pagdating sa pakipaglaban. Sa mga pure na babihasang manlalahi ay kung nais mag-triple cross,
bae hindi natin ito magawa.
ang gawin ay puro ang tatyaw, two-way cross ang inahin. Ang

Mga kaganapan sa Mana sa unang taon nito (2007-2008)

Dec 20, 2006: Unang lumabas ang pitak Llamado tayo ni kamanang Rey Bajenting sa pahayagang Tumbok
Aug 7, 2007: Boying Santiago ng Camarines Sur, at noon ay PIO ng Bicol Gamefowl Breeders Association
ay nag mungkahi sa pitak llamado Tayo na magtatag ng samahan o kilusang pambansa para sa mga pangkaraniwang
sabungero. Nagsimula ang membership ng Mana pamamagitan ng pag text.
Dec 20 2007: Unang anibersaryo ng Llamadao Tayo. Ang mga nagpamembro pamamagitan ng text ay umabot
ng lampas isang libo. Dito naenganyo ang iilan sa mga prime movers sa Visayas na i-organisa ang Mana sa Central
Visayas at Eastern Visayas.
Feb 16, 2008: Pinakaunang Mana seminar at chapter natatag sa City of Naga Cebu, katuwang ang Sagupaan
Super Feeds. Si Dr. Marlou Sabit ng Sagupaan ang nagpaseminar.
March 8, 2008: Sinundan ng pagtatag ng southwest Cebu chapter sa Ronda, Cebu. Si Dr. Marlou Sabit ng Sagupaan at Dra. Nieva Ariate na sa panahong iyon ay sa Secret Weapon pa konektado, ang nagpaseminar.
April 24-26 2008: Nagpunta tayo ng Tuguegarao upang i-semento ang paguusap pagitan natin at Jt Northern
Star; Nag-conduct din tayo ng Hands-on-at-farm training sa ating mga kamana doon pati na ang iilan na taga-Kalinga.
April 27, 2008: Mana- Secret Weapon seminar sa Quezon. Ang kaunaunahang Mana seminar sa Metro Manila. Si Ginoong Biboy Enriquez ang nag-conduct ng Seminar. Katulong si Dra Nieva Arieta.
May 17, 2008: Isa na namang Mana- Secret Weapon seminar sa Nabua, Camarines Sur sa Pangunguna nila
kamanang Jessie Abonite, kagawad ng Iriga, City at ni kamanang Boying Santiago.
June 28, 2008 : Sa National Gamefowl Training Center ( NGTC) sa San Mateo Rizal, ginanap ang Mana- Excellence Poultry & Livestock Specialist seminar.
July 19,, 2008: Mana-Sagupaan seminar ang naganap sa Lawaan, Eastern Samar. Natatag sa Lawaan Eastern
Samar ang kaunaunahang chapter ng Mana sa Eastern Visayas. Pagkatapos nito ay may iilan na ring kasunod na mga
pulong, seminars at training sa dakung ito ng Pilipinas, ang Leyte-Samar o Region 8.
Aug 8, 2008: Mana- Thunderbird seminar sa Caloocan. Si ginoong Boy Marzo ang pangunahing speaker.
Aug 10, 2008: Natatag ang unang chapter ng Mana sa Caraga region, sa Surigao del Sur ang base.
Sept 16, 2008: Lumabas ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.
Oct 26 to November 6, 2008: Nag-organize ang Mana sa Northern Mindanao, at Bohol
Nov 8, 2008: Advanced seminar sa Quezon City. Sa seminar na ito maraming napagpasyahan mahahalagang
bagay.
Dec 5,6 and 12, 13, 2008: Trainors training para sa Visayas regions 7 & 8 ginanap sa Eastern Samar at sa Bohol
Dec 20, 2008. Pangalawang anibersaryo ng llamado Tayo. Ito na rin ang dineklarang unang Araw ng Mana. Napagtibay ang pagtutulungan ng Excellence Poultry and Livestock Specialist at ng Mana ang pakipagtulungan para sa ikabubuti ng masang sabungero, pamamagitan ng Voltplex Kill Quick Welfare Series at iba pang aktibidad sa taong 2009.
Kasunod nito ay nagbigay din ng tulong ang B-meg para sa Mana gamefowl dispersal program.
Sa pagpasok nang taong 2009, masigasig na naghanda ang samahan para sa isang mas masagana na taon. Sa
pagpasok ng taong 2009 may lampas sampung libo na ang mga kamana sa buong kapuluan. May apat na Mana divisions. Ang Metro na binubuo ng regional chapters ng NCR, S. Tagalog at Bicol; ang Northern division, Regions 1,2,3
at CAR; Central division ang Visayas regions; at ang Southern Division na binubuo ng mga chapters sa Mindanao.
Sa 2010 pinagpatuloy ang mga proyekto tulad ng seminars at gamefowl dispersal. At naglunsad ng website at
online publication sa internet ang manainc.webs.com na tinatangkilik ngayon ng napakarami.
Nagkaroon din ng libreng cocking school sa internet, ang Pinoy Manok Academy.

P AGE

15

Pakain ng mga pangasta at mga sisiw


Halos sa lahat ng pagkakataon ay pinapayo natin ang magtipid. Mas nakaka-enjoy kasi ang larong sabong kung di ito
magiging pabigat sa bulsa. At sa atin na mga masang sabungero, ang kaunting halagang matitipid natin ay malaki na rin ang
maitutulong sa ating budget. Sa halip na mga mamahalin at branded na pellets at grains ang ipatuka natin sa mga manok
maghanap tayo ng medyo mura ngunit ayos pa rin ang kalidad. May mura na hindi mumurahin. May paraan din sa pagtipid na
hindi masasakripisyo ang pagbigay ng nararapat na sustansya. Halimbawa sa patuka, may mga kumpaniya na gumagawa ng
feeds na matataas ang reputasyon. May mga top of the line feeds sila na mamahalin. May mga ordinary equivalent din sila na
mas mura. Halimbawa ang B-meg ay may Derby Ace chick booster, junior starter, stag developer at mga maintenance at conditioning pellets. Subalit, may Integra series din sila na may booster, stag developer, at maintenance pellets. Ganoon din ang
Thunderbird, may GMP line of feeds sila na mura kaysa Thunderbird brands. May lamang talaga sa quality ang top of the line
products nila kaysa kanilang economy series, ngunit alam natin ang reputasyon ng mga kumpaniyang ito, hindi sila gagawa ng
produkto na makakasira sa pangalan nila, samakatuwid kahit ang mga tipid na feeds na gawa nila ay angkop pa rin sa pangangailangan ng manok. Pwede na tayong mag tiyaga sa mga ito.
Sa halip na puro laying o breeders pellets, stag developer, at conditioning feeds ang ibigay natin, pagtiyagaan na lang
natin ang pigeon pellets o ang Integra at GMP. At sa halip na ang ihalo natin sa pellets ay puro mamahalin na conditioner grain
mix, haluan na lang din natin ng pangkaraniwang grains concentrate.
Sa pakain gawin nating halimbawa ang programa natin sa Mana Gamefowl Dispersal sa Teresa, Rizal. Ito ang programa natin.
Sa brood cock: Halo ng Halimbawa Derby Ace Power Conditioner Pellets at kasing dami ng Thunderbird Multigrains conditioner. Ibig sabihin sa ating halo 50% ang pellets 50% ang grains. Pagdating sa mga tatyaw di na kailangang
magtipid pa tayo dahil kukunti lang ang tatyaw at saka kailangan talaga ng tatyaw ang pinakamasustansya na pakain lalo na
kung maraming inahin ang kasama nito. Tandaang ihiwalay ang tatyaw sa mga inahin sa oras ng pagpapakain. Kung kasama
ang tatyaw sa mga inahin hindi ito makakain dahil ibibigay o ipararaya ng tatyaw sa mga inahin ang pakain niya.
Broodhens: 40% Derby Ace Breeder Layer Pellet, 40% B-meg Integra 3000 maintenance pellets; at 20% Thunderbird
multi-grains concentrate. Kung tayoy mag wet feeding palitan natin ang Integra 3000 ng Bmeg layer crumbles. Maliliit kasi
masyado ang crumbles kaya kailangan basa ito kung ipakain sa mga inahin. Sa atin kailangan ang dry feeding kaya Integra
maintenance pellets ang gamit natin. Inahagis lang kasi natin sa yard ng mga inahin ang pakain para kalat at yong mga nasa mababa sa pecking order ay makakain parin. Kung wet feeding mapipilitan tayong ilagays sa kainan kaya ang matatapang lang ang
makakain ng marami. Ang mangyayari walang mangingitlog dahil ang matatapang ay sobrang taba ang iba naman ay payat.
Bigyan din paminsan-minsan ng mumurahing vitamin A, D at E at minerals na calcium at phosphorous. Mas mainam
yong ihalo mo sa inuming tubig kaysa tabletas o kapsula na kailangan mo pang isubo paisa-isa. Isang magandang concentrated
mineral supplement ay ang Secret Weapon. Ipatak lang ito sa tubig o pakain. Ang Excellence Poultry ang Livestock Specialist,
halimbawa, ay may cal-phos. May generic na b-complex injectable din na tipid. Makakatulong ang vitamin bcomplex na injectable. Isang turok lang sa bawat dalawang linggo ay sapat na. Mahalaga lang na hindi mataba ang inahin. Dahil hihina ang
pangingitlog nito. Mainam kung makakakain ang inahin ng damo o gulay. Lalo itong sisigla. At, tiyakin na ang kinalalagyan ng
inahin ay may hindi bababa sa 12-14 oras ang liwanag. Kaya sa mga malalaking palahian ay may ilaw ang mga breeding pens.
Sisiw: Unang arawtubig lang na may kunting asukal, May sustansya pa ang sisiw na galing sa nakuha nito sa itlog.
Pangalawang araw- umpisahan na nating magbigay ng Derby Ace Chick Booster . Karamihan sa chick booster ay 2223% ang crude protein. Sa Derby Ace 24% ang crude protein. Maari na rin nating haluan ng MVE o multivitamins with electrolytes ang tubig, halimbawa Electrogen o Selectrogen.
Pangatlo
at pang-apat na araw- Derby Ace Chick Booster at MVE pa rin.
6th- 7th daypuro chick booster pa rin. Ang hinahalo natin sa tubig sa mga araw na ito ay pro-biotics. Yong lactobacillus. Ang Lacto Pafi ay mabibili na ngayon sa mga agrivet stores. Ihalo lang ang isang kutsaritang lacto sa iang litrong tubig.
Kung napapansin nyo sa unang linggo ay di pa tayo nagbibigay ng anti-biotics. Ang punto natin dito ay di pa kailangan dahil
ang sisiw ay mayroon pa sa tinatawag na natural immunity at itoy magtatagal hanggang dalawang linggo.
Kaya sa unang linggo, sa halip na gamitan natin ng anti-biotics na maari pang makamamatay pati sa mga good bacteria, ang ginagawa natin ay ang mas palakasin pa ang kanilang immune system pamamagitan ng pagbigay ng bitamina, mineral,
at pag-introduce ng pro-biotics sa kanilang sistema. Ang pro-biotics ay ang pag-paparami ng mga good bacteria upang maging
panlaban sa bad bacteria. Kung mas malakas ang good bacteria kaysa bad bacteria sa katawan, ito ay magiging malusog at ligtas
sa sakit.
2nd week.
8-14th dayPuro chick booster pa rin ang ating pakain. Dito ay nagbibigay na tayo ng anti-biotics. Ang ginagamit
natin ay tetracycline lang muna o ang mga variants nito. Sa days 8, 9 and 10 natin ito binibigay. Sa days 11 at 13 pro-biotics na
naman tayo. MVE sa days 12 at 14. Bale sa unang 3 araw ng linggo anti-biotic at sa susunod na 4 na araw alternate natin ang
pro-biotic at MVE.
Tantyahin lang natin na ang tubig na may gamot ay mauubos nila sa buong araw. Sa gabi po plain water ang binibigay
natin. Sa umaga na natin palitan uli ng may gamot. Ito ang ating sistema palage.
3rd week. Days 15-21
Sa first half po ng linggong ito ay puro chick booster pa rin ang pakain natin. Simula sa day 19 dahan dahan nating
hinahaluan ng corn grits para unti-unting bumaba ang antas ng protein at ang halaga ng ating pakain. Umpisa na tayong
magtipid.
Sa day 19 haluan ng 10% corn grits Sa day 20 ay 20% sa day 21 ay 30% na ang corn grits. At upang mas makatipid pa
dahan dahan din nating hinahaluan ang chick booster ng bsc o broiler starter crumbles. Ganoon din po ang sistema. 10%,20% at
30%.
Sa makatuwid pagdating ng Day 21 ang ating halo ay 40% chick booster, 30% bsc at 30% corn grits. Malaki po ang
matipid natin dito. At hindi naman gaanong bababa ang CP natin dahil ang bsc ay may 22% crude protein din tulad ng chick
booster. Nasa 18% to 19% pa rin ang CP ng halo na ito.
Ang supplement po natin sa linggo ito ay katulad ng sa 2nd week. 3 days anti-biotic, Tapos alternate ang probiotic, at
vitamins and electrolites sa nalalabing 4 na araw. TMPS o cotrimazine na ang anti biotic natin sa linggong ito. Ganoon pa rin
plain water sa gabi.

P AGE

16

4th week

Sa linggong ito ay patuloy nating pinapalitan ang chick booster. May ibang programa na stag developer ang dahan dahan nilang pinapalit. Ngunit batay sa ating karanasan, malalaki pa ang micro-pellets gaya ng stag developer para sa mga magiisang buwan palang na sisiw.
Sa atin dahan dahan nating wina-wala ang chick booster ngunit ang pinapalit natin ay bsc, at ang Derby Ace Junior
Starter. Crumbles din ang Derby Ace Junior Starter kaya tama lang ang para sa sisiw na 1 month old pa lang. May corn grits pa
rin pero yong medyo malalaki na ang butil. Ang mangyayari pagkatapos ng linggong ito ang pakain natin ay 30% corn, 30% bsc
at 40% Bmeg jr starter . Sa unang buwan po ay adlibitum ang pakain natin. Walang limit, hanggang sawa. At dahil may ilaw
pa ang brooder, ibig sabihin 24 hours may pakain ang mga sisiw.
Ang ating suplemento ay ganoon parin. Ngunit ang ating anti- biotic ay yong mas marami ng sulfaquinoxaline. Malapit
na kasi nating ibaba ang mga sisiw galing brooder na may sahig papuntang brooder o pen na nasa lupa. Ang pen na nasa lupa ay
linalagyan natin ng rice hull para mas malinis at mas masaya ang mga sisiw sa pagkakha. Nakakatulong din ang rice hull sa pagbigay ng init sa gabi.
Ang sulfaquinoxaline ang panlaban natin sa coccidiosis na malimit umatake sa sisiw na bagong baba sa lupa. Ipagpatuloy pa rin natin ang pro-biotic. Pag may sobrang pro-biotic o lactobacillus mixture ay sa loob ng pen itapon. Ang probiotic ay
makakatulong sa paglaban ng bad bacteria na nasa lupa. Ito din po ang ginagamit nating preventive disinfectant ng lupa. Ayaw
nating gumamit ng chemicals, maliban lang kung talagang emergency at kailangan na malinis agad-agad ang lupa.
Mabilis ang bisa ng chemical laban sa mga mikrobyo. Pero di naman ito makakabuti sa lupa in the long run. Samantala,
ang organic at probiotic na sistema ay nangangailangan ng mas mahabang panahon upang gumana. Ngunit wala itong masamang epekto sa lupa. Sa kalaunan mas maka benepisyo pa ang lupa na patuloy na ginagamitan nito.
Ganoon din po sa katawan. Kung kailangan ang immediate na gamutan, anti-biotic po ang ating kinakailangan. Pero
may risk ito. Dahil maaring hihina maging good bacteria at hihina din ang immune system ng katawan. At saka ang patuloy ng
paggamit ng isang uri ng anti-biotic at maaring ma-immune ang mikrobyo at hindi na tatablan sa partikular na antibiotic na ginagamit natin. Kaya nga ang sabi nila, dahil sa patuloy nating paggamit ng anti-biotic, ang mga bacteria daw ngayon ay nakasakay
sa tangke at ang mga air-borne virus ay nakasakay sa eroplano.
1 to 2 months
Sa unang tatlong linggo ay ipagpatuloy natin ang pagbigay ng ating halo na 30% bsc, 30% corn at 40% Bmeg jr
starter. Ika-4 na linggo ng pangalawang buwan ay dahan-dahan nating i-introduce ang Integra 2000 stag developer.
Sa pangalawang buwan habang nasa pen sila, case-to-case ang ilaw natin. Kung gabi na umuulan o malamig iniilawan
pa natin sila. Kung hindi, pinapatay na natin ang ilaw, lalo na simula sa pangatlong linggo ng ikalawang buwan.
Samakatuwid, kahit ad libitum ang pagbigay natin ng pakain, maaring hindi na 24 hours ang pagkain nila. Tandaan
lang na sa panahong ito kahit ad-libitum pa rin ang pakain natin hindi ibig sabihin na hindi natin ipauubos muna ang pakain
bago tayo maglagay.
Mas maige kasi na may panahon na ginugutom ng bahagaya ang mga sisiw para mag-galaw galaw ito at magiging aktibo, at maeehersisyo naman. Ang totong ad-libitum na pagpapakain ay para lang sa nga broilers. Ayaw kasi nating malikot ang
mga broilers para mas madali itong tumaba at bumigat ang timbang.
Tandaan sa broilers ang mahalaga lang ay ang rate ng feed conversion into body weight. Sa gamefowl hindi timbang at
laki ang pinakamahalaga kundi ang ehersisyo.
Sa panahong ito patuloy tayong nagbibigay ng pro-biotic, MVE at anti-biotic na halo sa tubig. Ganoon pa rin ang sistema sa isang linggo 3 days anti-biotic, 4 days alternate ang probiotic at MVE.
Ang ating anti-biotic ay alternante din. Sa unang linggo ay sulfaquinoxaline, sa pangalawa, tmps, pangatlo contramazine at sa ika-apat ay i-introduce natin ang mas matapangtapang na anti-biotic laban sa sipon tulad ng tiamulin at amoxycillin.
Ito ay dahil di magtagal ay nasa pagalaan na ang mga sisiw at mas matindi na ang pagka-expose nila sa kalikasan.
Pinupurga natin ang mga sisiw sa pagtapos ng buwan na ito. Dahil sa loob ng isang buwan na nasa lupa sila maaring
magkaroon ang mga ito ng bulate.
2-3 months.
Sa simula ng pangatlong buwan, umpisa nating i-introduce, dahan dahan pa rin, ang stag developer, at pigeon pellets o
kayay maintenance micro pellets. Dahan-dahan din nating hinahaluan ng ibang maliliit na grains. Maliban sa cracked corn,
maaring bigyan natin ng wheat. Basta ang proportion ay 30% corn at wheat, 30% pigeon o Integra maintenance micro pellets at
40% Integra stag developer.
Ganoon pa rin ang halo natin sa tubig. Anti-biotic 3 days sa isang linggo at alternate ang MVE at pro-biotic sa nalabing
4 na araw sa isang linggo. Pagkatapos ng pakain sa hapon, plain water na lang.
3-6 months.
Sa panahong ito nasa pagalaan ang mga cockerels at young pullets . Ang ating pakain ay 30% concentrate, 30% Pigeon
pellets o maintenance micro pellets at 40% stag developer. Tatlong beses ang pagbigay natin ng pakain. Sa 7am 12 pm at 4 pm.
Pinapalitan din natin ang tubig bawat pagpakain.
Halos ganoon pa rin ang ating gamot sa tubig. At pinupurga natin bawat 45 days. Samakatuwid dalawang beses sa loob
ng tatlong buwang nasa free range ang mga manok.
6 months up
Ito na ngayon ang growing maintenance stage. Tumutubo pa ang mga bagong huling stags kaya growing maintence
stage ang tawag natin dito.
Pagkahuli, pinupurga, liniligo ng anti-mite at bina-bacterial flushing natin ang mga ito. Tapos dinadaan natin sa tinatawag na hardening process.
Ang pakain natin dito ay concentrate at pigeon pellets o grower maintenance micro pellets na lang. 50- 60% ang pellets
at 50-40% ang grains. Depende ito sa pangangatawan ng mga stags.
Ang halo natin sa tubig ay MVE na lang at pro-biotic at paminsanminsan na lang. Mga twice a week na lang. Di na
tayo nagbibigay ng anti-biotic kung walang sakit.

P AGE

17

Bio-organic gamefowl

Pabahay kagaya nito ay para sa inahin at sisiw. Kalaunan


pag malakilaki na ang mga sisiw, binubuksan ang pinto
upang ang mga sisiw ay makagala sa labas, habang ang
inahin ay nakatali sa loob. Portable ang pabahay na ito
upang mailipat ng lugar bawat dalawang araw. Sa ganun,
palaging presko ang damo at malinis.
May mga malalaking modelo ang RB Sugbo para sa
tatyaw at mga inahin. Ang mga malalaking pabahay ay
may gulong upang madali lang ilipat ng lugar.
Artipisyal na lilim sa range area sa bio-organic gamefowl
farm. Ang mga halaman at baging na inilagay ay hindi lang
nagbibigay ng lilim, pinalalagian din ng mga insekto at uod
at may dahon at bunga na makakain ng manok.
Ang manok na sa pagalaan, sa bukirin o sa linang lumaki ay mas maige kaysa manok na sa maliit na kulungan o
yarda lang inalagaan. Mas matibay ang pangangatawan, mas
maige ang pagunlad ng kalamanan at pagiisip, at mas malakas
at mabilis ang manok na laki na pinagala sa madamo at malaking lugar.
Nakakain ito ng mga damo, halaman at prutas, at ng
mga insekto uod at bulate. Kung ilalaban an ganitong manok
mas magagaling at matitibay kaysa laking kulungan. Kung
gawin namang karne, mas masarap ang lasa.
Ang kaalamang ito ang nag-udyok sa RB Sugbo
Gamefowl Technology na isali sa programa ang bio-organic
gamefowl raising. Ang hangad ay ang gawing panlaban ang
mga lalaki at karne ang mga babae at reject na lalaki.
Kung may nagaalaga pa ng native chickens para karne at
kumikita naman, di hamak, na mas malaki ang kikitain kung sa
halip na native chicken ang aalagaan, manok Amerikano
nalang na maaring pansabong.
Pagpapalahi:
Napakadali ang sistema na ito ng RB Sugbo. Una
pumili ng mga tatyaw dalawa, tatlo o marami depende sa lugar
at sa makakayanan. I-cord ang tatyaw na malalayo sa isat-isa
sa loob ng nakabakod na malaking yarda o pagalaan. Samahan
ng mga inahin. Kahit lima hanggang sampung inahin sa bawat
tatyaw. Samakatuwid kung dalawang tatyaw maaring hanggang
dalawampung inahin ang pagsamasamahin natin. Ang tawag
natin dito ay controlled natural selection mating. (Basahin ang
controlled natural selection mating sa naunang yugto sa pagpakasta, pahina 10)
Pagpapaisa
Maglagay sa loob ng yarda ng pabahay kung saan
doon matutulog ang mga inahin sa gabi, at ito na rin ang magsilbeng nesting area. Maglagay tayo ng nests kung saan sila
mangingitlog. Isang nest sa bawat apat o limang inahin tama
na. Hindi naman lahat ay sabay na mangitlog at maglilim.
Walang kailangan ng incubator ang mga inahin na mismo ang
kusang maglimlim. Pag may napisa na ilipat ang inahin kasama
ang mga sisiw sa isang brooding pen. Diretso sa lupa ang mga
sisiw. Pagmalakilaki na ang mga sisiw binubuksan ang pintuan

sa araw upang ang mga sisiw ay makagala sa labas ng pen


habang ang inahin ay nakatali sa loob.
Ang pen na ito ay portable na linilipat bawat
dalawa o tatlong araw. Palaging malinis ang lupa na kinalalagyang ng mga sisiw at saka sariwa ang damo.
Darating ang panahon na ang mga sisiw ay hihiwalay na sa inahin at hindi na babalik sa loob ng brooding
pen. Sa labas na ang mga ito matutulog. Kaya sa loob ng
tinatawag natin na brooding yard, ay may mga pabahay din
kung saan doon makakatulog ang mga sisiw sa gabi. Sa gabi
pag nasa loob na ang mga sisiw sinasara ito upang walang
hayop na makapasok na maaring kumain sa mga sisiw.
Pagpagala
Sa edad na tatlong buwan pinapalabas na natin ang
mga sisiw sa brooding yard papunta sa mas malaking pagalaan, ang free range area. Pero bago ito gawin dapat ay
kumpleto na ang ating vaccination o bakuna.
Sa RB Sugbo walang fixed na pabahay sa pagalaan. Ang ginagawa natin ay yong mga sisiw na pagagalain na ay pinatutulog natin ng dalawa o tatlong araw sa
bahay na may gulong. Pagkatapos ay dahan-dahan nating
ilabas at ilayo ang bahay na ito. Ilagay ito sa lugar na malayo sa ibang pabahay. Ito ang magiging kampo ng mga
sisiw hanggang sa malaki na sila at sa mga punong kahoy na
hahapon.
Sa edad na tatlong buwan pinipili na natin ang mga
babae na ititira. Ang iba ay kinakatay at pinagbibili bilang
spring chicken. Ang iba ay binibili ng buhay para gawing
palahian. Iba naman ang presyo nito kaysa kinakatay na por
kilo lang ang presyo.
Harvest
Pag naglaban-laban na ang mga binatilyo, hinuhuli ang mga
ito at tinatali sa cord area. Ito ang ating harvest.
Pakain
Makakatipid Tayo sa pakain dahil makakahanap ng pakain
ang mga manok sa pagalaan. Lalo nat kung sinusuportahan
natin ng natural inputs ang pagalaan. Halimbawa maglagay
tayo ng mga decomposed o bulok na punong kahoy kung
saan maninirahan ang mga anay at insekto, at mga bulok na
prutas at gulay. Kukunti na lang ang ating ibibigay na commercial feeds. O kayay mais at kukunting pellets na lang.
Kasi ang protina, bitamina at mineral ay makukuha na ng
manok galing sa lupa at sa pagalaan. Maghalo lang din tayo
ng mumurahing gamot at suplement sa tubig.

P AGE

Ang manok ay nilikhang palaban


Para mas malinaw sa atin kung ano talaga ang totoo, kung pagmamalupit ba sa manok ang pagsasabong o hindi, dapat siguro na alamin natin kung ano talaga ang manok.
Ang manok ay ibon. Isa sa pagkakaiba lang nito sa ibang ibon ay ang palong sa ibabaw ng ulo at
palabit sa ilalim. Mas halata at malalaki ang palong at palabit sa mga lalaking manok. Ang palong
ay ang batayan ng tawag sa manok ng salitang Latin. Ang salitang Latin na gallus ay nangangahulugang palong. Kaya ang domestic chicken ang tawag ay Gallus domesticus. Sa Red Jungle Fowl
naman, kung saan nanggaling ang ating manok pansabong, ay Gallus bankiva.
Ang manok ay may dalawang paa at dalawang pakpak. May mga uri ng manok na hindi na nakakalipad. Ang iba ay nakakalipad ng malapit at mababa, hindi kagaya ng karamihan ng mga
ibon. Ang paa ng manok ay may kaliskis.
Ang paghinga ng manok at pulso nito ay mas mabilis kaysa mga mas malalaking hayop. Pati na
nag pagtunaw ng pagkain. Ang temperatura ng katawan ng manok ay 107-107.5 farenheit o 41-42
kung sa celsius. Ang tao kung umabot ng 37 celsius ay nilalagnat na.
Ang manok ay napipisa, hindi pinanganganak.
Ang katawan ng manok ay puno ng balahibo. May mga buhok din ito, hindi lang natin halata. Ang
manok ay may tuka, walang ngipin. Magagaan ang buto at kalansay ng manok kaya hindi pa rin
lubusang nawala ang kakayahan nitong makalipad. May mga labintatlong air sacks sa katawan ng
manok kaya gumagaan ito, at ang mga air sacks ay ginagamit din sa proseso ng paghinga.
Ang mga lahi at sari ng mga manok ngayon, pati na ang gamefowl ay pinaniwawalaang nanggaling
sa Red Jungle Fowl o Gallus bankiva, na tinatawag din na Gallus gallus na nabubuhay dito sa atin
sa Southeast Asia ng may ilang libong taon na, at hanggang ngayon ay nanatili pa. May mga
manok na sa Asia sa 3,200 B.C., and may records pa na may manok na rin sa China at Egypt sa
taong 1,400 B.C.
Nakakasiyang isipin na unang hinuli at inaalagaan ang mga labuyong manok para sabong, hindi
para pagkain. Kaya lang ang sabong ay ipinagbawal sa maraming bansa kaya sa halip na nagpapalahi ng pansabong ang mga nagaalaga ng manok ay nagpalahi na lang ng mga para poultry exhibition. Dahil dito naglabasan ang ibat-ibang sari ng manok para sa ibat-ibang gamit, mula uri
na para hapag kainan hanggang laruan at pangdekorasyon. Ngayon may higit kumulang 175 ka
sari ng manok, na nagbubuo ng higit kumulang 60 ka lahi at 12 klase.
Ang klase ay binabatay sa lugar kung saan unang nanggaling ang isang uri ng manok. Halimbawa:
Asiatic, American, Mediterranean, at iba pa. Ang lahi ay isang pangkat ng manok na may magkatulad na malawakang katangian, tulad ng hugis ng katawan, kulay ng balat, laki at tindig, at iba
pa. Ang sari ay nakikilala batay sa madetalyeng katangian tulad ng hugis ng palong, kulay ng balahibo, kulay ng paa, at iba pa. Samakatuwid ang isang manok ay maaring sweater ang sari, gamefowl o pansabong ang lahi at Amerikano ang klase.
Ang strain naman ay pangkat ng manok na ang linyada ay binuo galing sa isang sari upang nagkaroon ng ibang kanaisnais na katangian o para sa partikular na hangarin. Halimbawa ang 5,000
dollar line ay isang strain ng saring sweater na lahing pansabong, sa klaseng Amerikano.
Mali ang sabi ng mga kumukontra sabong na tao ang gumawa ng manok pansabong upang gawing
palaban at maglalabanlaban. Ang kaunaunahang mga manok ay dati nang naglalabanlaban kaya
hinuli ng tao upang gawing isport at libangan.
At, pinakamahalaga, ang nervous system ng manok ay hindi gaanong sensitibo sa sugat at sakit.
Kaya kalimitan, lalo na sa Pilipino knife fighting, ang manok ay namamatay na hindi nakakaramdam ng kirot. Ang totoo mas masakit pa sa manok ang magpatayan na walang tari kaysa patayan
sa gradas.

18

About RB Sugbo
Gamefowl Technology
(Visit rbscal.webs.com)
Measured against the eternity, our time on earth is just a blink of an eye. But the consequence of it will last forever. The deeds
of this life are destiny of the next --- Rick Warren in his book the Purpose Driven Life.
The above quotation is in dedication to a friend who passed away a few years ago. Ernesto ErningPanuncillo. To us,
who had known him well, he was more than just a dedicated sabungero. Ever helpful to anybody who needed his expertise; he was
extremely honest; and selfless, almost to a fault, he was indeed an epitome of a Filipino cocker.
We called each other Sanga(partner in Cebuano).We were more than just cocking buddies. We were life-long
friends like brothers indeed.
He was always helping me in my cocking ventures. When I decided to go full blast with breeding some years back, he
helped me sourced out top breeding materials.
It was because of him that I was able to acquire the patriarch of all the RB Sugbo ponkan lines -- my favorite brood cock
Ponkan, an EDL/Excellence sweater, who at the time was otherwise,definitely not for sale in the hands of his brother Arthur, proprietor of the cockers and agrivet product distribution chain,Pacific Barato.
Most of all, he was the one who first mentioned my name to publisher Manny Berbano. It led to my writing for Pit
Games and Llammado magazines, an opportunity I cherished most.
Because of my knowing Manny I was able to acquire more top-quality imported and local materials; and, met in person,
distinguished breeders, and legends of our time. And, because of Pit Games and Llammado, I gained new friends and customers
from as far as the Ilocos regions in the north, and Basilan in the south, not to mention the many others outside the country. These
things, I owed to Sanga.
Erning was also instrumental to the mission-vision of RB Sugbo chicken venture. Sanga had repeatedly told me: Breed
for the common sabungeros, the ordinary cockers and small time breeders who have neither the access nor the means to acquire
expensive fowl. And, dont just sell them chickens, also afford them technology.
His idea was that we will not just breed and sell fowl but also take active part in technology transfer, thus the name RB
Sugbo Gamefowl Technology.
On our part, with right technology, we could produce more good chickens at much lower cost. Therefore,we could priced
our fowl at a level affordable to the common sabungeros.
Now, RB Sugbo Gamefowl Technology is committed to helping the common sabungeros.
RB Sugbo breeds quality fowl affordable to the common sabungero. It is also engaged in the transfer of gamefowl technology, for as economically as possible. RB Sugbo GT has been doing this since 2003 . RB Sugbo is constantly into research on the
different aspects of cockfighting such as selection, handling, conditioning, pointing, and effective knife designs.
Since 2007, RB Sugbo GT has been totally committed to helping Masang Nagmamanok (MANA) Inc., a nationwide
movement championing the cause of the common sabungeros.
Sugbo bloodlines such as the Ponkans and Sugbo Lemons, priced well within the reach of the common sabungero,are holding
their own against respectable opposition.
RB Sugbo publications are also well circulated among the common sabungeros, mainly through MANA. It also conducts seminars, trainings and at-farm-hands -on and/or on-line technology transfer.
RB Sugbo GT is also technical and marketing consultant to a number of upstart breeders in the Philippines. Founder Rey Bajenting is also founder of MANA, writer in Pit Games and LLammado Magazines, Editor of Dyaryo Larga and founding director of
Central Visayas Breeders Association (CVBA).
The blakliz (left) and the
midnight grey, two of the
bloodlines formed and developed by RB Sugbo
Gamefowl Technology.
RB Sugbo is an advocate
of the practical breeding
method and bio-organic
chicken ranching. It is also
a staunch supporter of the
ideals of MANA.

The Blueface of RB Sugbo. This bloodline is a very good blender with most
other bloodlines. The RBS blueface came from good friend Jason Garces, who
in turn got this valuable bloodline from Gov. Arthur Chongkee Uy of Davao.

Manwal ng MANA 2
Praktikal na Pagpapalahi
Published worldwide by RB Sugbo GT
Visit rbscal.webs.com
Free Edition
Copyright 2011 RB Sugbo GT
This edition is available free of charge as service to the sabungero public by Masang Nagmamanok (MANA) Inc.
and RB Sugbo Gamefowl Technology; it may be amended and updated at any time by the author so please
visit manainc.web.com or rbscal.webs.com to ensure you have the latest edition.
Although free of charge, this work remains protected by Copyright and must not be sold in digital or printed form.
Free circulation of this edition is, however, encouraged. You may forward this copy to friends.

You might also like