You are on page 1of 1

Missed Call

ni Joshua Bon Roco

Nag missed call ka sa akin kanina


Akala ko kung anong problema
Di ko man lang nakita
Na magtataksila ka na pala
Binigay ko naman sayo lahat
May kasalanan ba kong ginawa?
At sa importanteng okasyon ka pa manggugulo
Kulang pa ba ang alone time minsan sa isang linggo?
Nag missed call ka na naman
Akala ko tayo ay nagkaintindihan
Di ba sinabi ko na sayo
May tamang lugar para sa tawag na ganito?
Pero nandiyan ka pa din nagpapansin
Tawag ka ng tawag, di kita sasagutin
Kahit na kinakabahan, pinagpapawisan,
Nanginginig ang buong katawan
Eh kasi naman pinagkatiwalaan kita
Rinig mo ang daing ko pag nandiyan ka,
Saksi ka sa mga tsokolate tuwing malungkot
At mga alak tuwing nabubugnot
Oo, alam mo ang lahat ng sikreto ko
Lahat ng baho, ngayon dala dala mo
Kaya nga natatakot ako
Ibubunyag mo na ba sa mga tao dito?
Patuloy pa nga ang missed calls mo
Talagang tinatapat mo sa okasyong ito
Na nasa harap ako ng madaming tao
Ipapahiya mo na nga ata ako.
Pero hindi. Hindi ako mapapahiya.
Sige na, sasagutin na kita.
Kaya sa lahat, pasensiya na po
Akoy dederetso na ng banyo.
Najejebs na po.

You might also like