You are on page 1of 1

Mga Halamang Ornamental

Ang kakawate o madre kakaw ay isang puno na karaniwan sa


mga lugar sa Southern Tagalog Region. Ito ay kadalasang
nakatanim bilang ornamental dahil sa bulaklak nito na kulay
mapusyaw na rosas (pink). Ang bunga nito kahalintulad ng bataw o
pods na lumilikha ng tunog kung sakaling matutuyo sa araw.
Ang malatungaw
ay isang halaman na
may katamtamang laki na maaaring tumubo sa taas na 2 metro.
Ang mga dahon ay bahagyang malapad na may patalim na dulo.
bahagya rin itong nababalot ng maliliit na mga buhok. Ang
bulaklak naman ay kulay lila at may dilaw na gitna. Karaniwan
itong tumutubo sa mabababang lugar sa Luzon, Mindoro at
Negros
Fortune plant ito ay isang uri nga halaman na pwedeng itanim sa
mga garden o sa bakuran ng inyong bahay. Ito ay kulay lila na may
halong berde at pula. Tumutubo ito sa Pilipinas.

Ang mickey
mouse plant ay isang maliit lamang na halaman na may
matitigas at makahoy na sanga at bahagyang nababalot ng
maliliit na tinik at buhok. Mas kilala ito bilang halamang
ornamental dahil sa bunga nito na may kakaibang hugis. Ang
bulaklak ay bahagyang kulay lila na may pagka asul.
Makikitang pananim sa mga gilid ng kalsada at bakanteng lote
sa isla ng Mindanao, Sulu, at Leyte.

Ang mirasol, o mas kilala sa pangalang sunflower, ay isang


namumulaklak na halaman na kilalang-kilala ng halos lahat. Ito ay tumutubo
na patayo, at bibihirang may sanga, at kalimitang may iisang bulaklak sa dulo.
Ang dilaw na bulaklak ay mistulang araw kung kayat tinatwag ito na
sunflower. Ang mga dahon ay may balahibo malapad at may tusok-tusok na
gilid. Sa ibang lugar, ang sunflower ay tinatanim at inaani para sa mga buto
nito na maaaring kainin

You might also like