You are on page 1of 49

Rough (unofficial) transcript of Edgar Matobatos Senate testimony

September 15, 2016 (until 11:01 a.m. only)


(Sen. Leila de Lima reads her opening statement)
De Lima: At this point, with the indulgence of my fellow senators, tatawagin ko na po
bilang pangunahing testigo ang nasa harap po natin. Napakahalaga po ng kanyang
testimonya, sensitibo. At sana po ang ating mga security ngayon ay maging alerto.
Puwede ho tayong tumayo muna para sa swearing. Committee Secretary, please.
(Witness Edgar Matobato, 57, of Davao City is sworn into oath)
De Lima: Puwede na po kayong umupo. Ang pakiusap ko ho namin sa inyo ay
pakinggan nang mabuti kung may tanong po ang chair. Pero, bibigyan ho namin kayo
ng pagkakataon na isalaysay nang mabuti at nang klaro ang mga gusto niyo pong
isalaysay sa amin ngayon.
Dapat ho klaro, at narinig niyo naman yung pagsumpa ninyo na dapat yung
katotohanan lamang, ang buong katotohanan, at pawang mga katotohanan lamang po
base sa kaalaman niyo. Malinaw ho ba yun?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: So puwede ho bang magpakilala muna kayo?
Matobato: Ako si Edgar Matobato, nakatira sa Tamayong, Calinan, Davao City.
De Lima: Edgar Matobato.
Matobato: Matobato po, maam.
De Lima: Ilang taon na po kayo ngayon?
Matobato: Pinanganak ako June 11, 1959. Ang edad ko ngayon, 57.
De Lima: 57. Bakit ho nandito kayo?
Matobato: Gusto kong mabigyan ng katarungan yung nagawa ko, mga nagawa kong
kasalanan nung pumatay ako ng mga tao matagal na rin para mabigyan ng lahat ng

mga namamatay na inosente, para sa taumbayan. Para malaman ng taumbayan yung


ginawa namin sa Davao City.
Noong 1982, pumasok ako ng Cafgu, Scout Ranger sa...
De Lima: Sandali lang po. Magte-testify na po kayo. Magtetestigo na kayo. Ikukuwento
niyo na ang kaalaman niyo. At itatanong ko lang po na yung mga puwedeng sasabihin
niyo ngayon ay puwedeng gamitin laban sa inyo, at puwede po kayong magpa-assist ng
isang abogado. Kailangan niyo ho ba ng abogado?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Okay, can we ask yung...where is the lawyer from the CHR? Is Atty.
Fernandez here? Okay, so from the CHR?
Sen. Ping Lacson: Parliamentary inquiry, Madam Chair.
De Lima: Yes?
Lacson: Can a government lawyer act as counsel to a private witness? Thats a
parliamentary question.
De Lima: Sen. Frank Drilon, please.
Sen. Frank Drilon: My view, Madam Chair, is that the witness can be assisted by CHR
as he is not an accused. The rule that government lawyers may not appear in defense
of a person as a government employee is in cases where the employee is charged with
violation of the law, as in anti-graft, or in similar cases.
For this particular case, Mr. Matobato is a resource person in a legislative inquiry and I
see no prohibition under our present rules. Thats our submission, Madam Chair.
De Lima: I subscribe to that view. We also...we note also the comment of Sen. Lacson.
So we now proceed.
So, ano po ba yung sinasabi niyo kanina? Yung ano po, yung...sino ho ba kayo, ano ho
ba kayo?
Matobato: Ako si Edgar Matobato, maam. Tumao din sa Tamayong, Calinan, Davao
City. Pinanganak ako ng 1959, June 11. Yung edad ko, 57.
2

Noong 1982, pumasok ako ng Cafgu ng Scout Ranger, sa battalion ng Scout Ranger.
Matagal din ako naging Cafgu sa Scout Ranger.
Sakag pagka-1988, umpisa ng pag-mayor ni Mayor Duterte, kinuha ako sa battalion
dahil maganda naman yung performance ko sa Cafgu. Tapos, pagkuha niya, dinala ako
sa Davao City at nagtatag kami ng group...nagtatag siya ng grupo ng Lambada Boys o
litigation squad.
De Lima: Lambada Boys po yung pangalan?
Matobato: Oo, Lambada Boys. Pitong katao lang, one team. Ang team leader namin is
Master Sgt., si Ludi Pagidupon, ako, si Edgar Matobato, si Romel Capitania, si Bobay
Maldito, si Jojo Bosa, at saka si Instik Tan. Pito lang.
De Lima: So pito po kayo doon sa sinasabing Lambada Boys?
Matobato: Opo, ang trabaho namin, maam, ay pumapatay ng mga kriminal katulad ng
drug pusher, rapist, snatcher. Ganyan ang pinapatay namin, araw-araw, pinapatay
namin.
De Lima: Okay, so yung Lambada Boys, ganun po ang ginagawa?
Matobato: Oo, maam. Hanggang punto na umabot kami sa 1993, dumami na kami.
Kasama na namin mga rebel returnees, pulis.
De Lima: Rebel returnees?
Matobato: Rebel returnees at saka pulis. Nag-kuwan kami...yung mga opisiyal na
namin.
1993, binomba ang cathedral ng Davao City, yung simbahan. Umorder naman si Mayor
Duterte na massacre-in yung mga mosque ng mga Muslim.
De Lima: Yung Muslim?
Matobato: Oo?
De Lima: Massacre-in ang Muslim?

Matobato: Oo, yung mga Muslim ang i-massacre namin. Hinati kami ng tatlo, ang team
leader namin si ay Maj. (?) Tapos, ako naman ang tumapon ng granada sa Bankerohan
mosque.
Yung sa Ma-a, sa Ma-a quarry, ang...si Artur Lascaas naman ang humanap doon sa
mosque naman.
De Lima: So meron kayong binomba na mosque.
Matobato: Oo, maam.
De Lima: Inutos kamo ni Mayor Duterte? Pag sinabi niyo pong Mayor Duterte, yung dati
pong mayor ng Davao?
Matobato: Oo, mayor ng Davao. Umakyat siya sa opisina namin. Kinausap si Maj.
(*18:46) na massacre-in yung mga mosque.
De Lima: Mosque o Muslim?
Matobato: Mosque, maam.
De Lima: Mosque po, lugar yun.
Matobato: Simbahan.
De Lima: Meron ho bang namatay diyan sa pagbomba niyo ng mosque na yan?
Matobato: Naka-timing lang, maam, na walang tao, walang simba. Walang simba.
De Lima: So walang naging casualty?
Matobato: Walang naging casualty?
De Lima: Sino nga kamo nag-utos?
Matobato: Si Mayor Duterte, maam.
De Lima: Paano mo alam na siya ang nag-utos?
Motabato: Nandoon ako sa opisina. Palagi akong dikit sa mga opisiyal, maam
4

De Lima: Alam niyo po ba kung bakit ipinabomba iyon?


Motabato: Kasi parang gumaganti siya na binomba ang Cathedral. Para naman po
kaming terorista maam kasi hindi naman kasali iyong bobombahin namin ang mosque
maam.
De Lima: 1993 kamo iyon?
Motabato: 1993 maam.
De Lima: Iyon ho ba nung 1993 Lambada boys pa rin ba kayo? Na pito lang po kayo o
yung sinasabi niyo na sa katagalan ay dumami na po kayo?
Motabato: Opo maam.
De Lima: 1993 dumami na po kayo?
Motabato: 1993 dumami po kami, maam.
De Lima: At nang sinabi mong dumami iyong mga kasamahan niyo, iyong unang
Lambada boys, Lambada boys din ho ba ang tawag pa rin?
Motabato: Hindi na maam. Hindi na Lambada boys maam. Pero tatapusin ko muna
maam...
De Lima: Sige po.
Motabato: Pagkatapos ng bumomba kami sa cathedral, sa simbahan ng Muslim,
lumipas ang mga araw umutos siya na yung mga suspek na Muslim hulihin niyo,
patayin niyo. So ang kwan naman namin maam, inaabangan namin iyong mga Muslim
doon. Pinagdudukot namin, pinagpapatay namin, nililibing namin sa mga quarry, nag
may-ari, Ben Laud, SPO4 Ben Laud ang may-ari ng lupa. Iyan talaga ang libingan
namin, maam, ng mga taong dinudukot namin.
De Lima: Okay. So sinasabi mong iyong Laud property?
Motabato: Laud property maam.

De Lima: Iyan ba iyong Laud quarry na may mga nililibing? So sinasabi mo na marami
kayong pinatay?
Motabato: Opo, maam.
De Lima: Pwede po bang pakibahagi sa amin iyong mga natatandaan niyo po na mga
pagpatayna kayo mismo nakakaalam, kayo mismo nandoon, kayo mismo
nagparticipate. Ano po bang mga insidente na ito? Kung puwede niyo pong maalala
iyong taon, pakisabi po. Kung puwede niyo pong maalala iyong mga pangalan ng mga
pinatay niyo, pakisabi rin po. Paki kuwento po sa amin ng malinaw.
Motabato: Opo maam. Iyong 2002, kinidnap namin si Saly Macdom sa Island City of
Samal
De Lima: Saly Macdom?
Motabato: Saly Macdom maam, 2002.
De Lima: Muslim po ba iyan?
Motabato: International foreigner si Saly Macdom. Pinaghinalaan na terrorist.
De Lima: Pinaghinalaan na terrorist. Okay, so ano po nangyari?
Motabato: Dinala namin, andito man si Sir Dela Rosa, PAOCTF pa siya sa Davao.
Dinala namin doon sa aming opisina kasi nakaattach kami maam sa PAOC noon.
Dinala namin si Saly Macdom, si Artur Lascaas.
De Lima: Sino po si Artur Lascaas?
Motabato: SP04 maam. Pulis maam.
De Lima: Sino po iyan? Kasama ho ba iyan sa Lambada boys? Kasama ng
Motabato: Siya ang aming team leader sa team leader namin, ngayon, maam, sa DDS
o Davao Death Squad si Artur Lascaas.
De Lima: So ang sinasabi mo, nag-umpisa kayo as Lambada boys tapos naging Davao
Death Squad kayo?

Motabato: Opo, maam.


De Lima: DDS. At iyong pinaka-team leader niyo si
Motabato: Artur Lascaas.
De Lima: Artur Lascaas. So pakituloy po ang kuwento niyo tungkol kay Macdom.
Motabato: So dinala namin maam tapos pinatay namin. Chinop-chop namin doon sa
mga quarry, inilibing namin sa mga quarry.
De Lima: Saan niyo po siya kinuha?
Motabato: Sa Island City of Samal. Sa itaas ng palengke, maam. Doon namin hinuli,
dinukot maam, tapos dinala namin sa opisina ng PAOCTF.
De Lima: Ilan kayong dumukot sa kanya sa Island City of Samal?
Motabato: Anim kami, maam. Si dating Mayor na Col. Capoti, si Artur Lascaas, si
Bobong Aquino, si Bienvenido Furog...
De Lima: Furog?
Motabato: Furog maam.. At saka po si Obales. SPO2 Obales.
De Lima: Dinala niyo sa opisina ng PAOCTF. At sino po ang pinuno ng PAOCTF noon?
Motabato: Si Sir Dela Rosa po, maam.
De Lima: Kilala niyo po ba si Dela Rosa?
Motabato: Kilala ko po si Sir Dela Rosa po.
De Lima: Dinala niyo ho doon?
Motabato: Dinala namin doon.
De Lima: Tapos?

Motabato: Tapos nag-usap sila ni Artur na ibiyahe na. So dinala na namin doon sa Maa quarry doon na pinatay si Saly Macdom.
De Lima: Paano niyo po pinatay si Saly Macdom?
Motabato: Binigti muna maam, pagkatapos, pinutol-putol ang katawan. Hiniwa-hiwa
namin.
De Lima: Pinutol-putol ang katawan?
Motabato: Opo maam.
De Lima: At saan niyo dinala?
Motabato: Sa Ma-a quarry po maam
De Lima: Yung Ma-a quarry, ang may-ari noon sino po?
Motabato: Si Ben Laud maam. SP04 Ben Laud. Bienvenido Laud.
De Lima: So doon niyo dinadala iyong mga pinapatay ninyo? At chino-chop chop
kamo?
Motabato: Opo maam.
De Lima: Bakit kailangan ichop-chop?
Motabato: Hindi pumapayag ang opisiyal na ordinaryo lang pagkamatay ng tao kasi
parang mga sadista naman maam. Kailangan po putul-putulin yung katawan.
Kinukuhaan muna ng damit tapos sinusunog, tapos chino-chop na.
De Lima: Gano ho ba ang ginawa kay Saly Macdom o nagdedescribe lang kayo ng
parang pinaka general na ginagawa niyo? Kasi sabi niyo nga, ang dami niyong mga
pinapatay.
Motabato: Opo maam.
De Lima: Anong opo, yung sagot na opo ninyo, ganoon ho ba iyong ginawa ninyo kay
Saly Macdom?

Motabato: Opo.
De Lima: Okay. So ano pa po? Bukod po dito sa Macdom, ano pa ho yung mga
naaalala niyo? Sino pa ho yung mga naaalala niyong pinatay ng Davao Death Squad?
Eto ho ba ang kuwento niyo? Eto yung mga pinapatay o pinatay ng Davao Death Squad
na nagsimula as Lambada Boys. Okay, sino pa po?
Motabato: Nung 2010, tumakbo po si Prosepero Nograles na mayor ng Davao City.
Naglaban sila ni Mayor Duterte so hinuli nila, pinakidnap yung mga bodyguard ni
Nograles. Kinidnap namin, dinala na sa Island City of Samal..
De Lima: Pinakidnap mga tao ni Prospero Nograles. Ilan po sila?
Motabato: Apat. Isang ex-barangay captain na babae yung nakuha namin maam.
De Lima: Sino po ang nagpa-kidnap ng apat na mga tao ni Prospero Nograles?
Motabato: Si Mayor Duterte po maaam.
De lima: Paano mo po alam iyon?
Motabato: Kasi siya ang nag-utos maam. Sila Artur Lascaas, kami, andoon po kami.
Bitbit bitbit kami maski saan kasi katiwala din ako. Ang mga tao na ito ay tao ni General
Mantillano, General Palparan na sumuporta kay Mayor Duterte..
De Lima: General Mantillano, kilala niyo po ang first name ni Mantillano?
Motabato: Hindi ko po alam maam.
De Lima: Iyong sinasabi niyo naman na General Palparan, ang tinutukoy niyo ho ba ay
si Jovito Palparan?
Motabato: Opo maam.
De Lima: So, pinadukot din niya?
Motabato: Opo. Dinala namin sa Island Garden City of Samal.
De Lima: At ano po ang ginawa ninyo sa apat na mga tao na iyon?

Motabato: Pinatay namin sa (*27:22) pagkatapos inisa-isa namin binigti, tapos nilagyan
ang katawan ng hollow block, tapos biniyak iyong tiyan, tapos tinapon namin sa laot.
Lumipas ang isang araw, yung mangingisda, nakita nila iyong tao. Meron isang tao na
sumabit. Parang sumabit sa bato, hindi napunta sa ilalim kaya nag-report sa pulis
Kaputian, Island Garden City of Samal, sa Kaputian district. Nag-report sa istasyon ng
pulis na merong tao doon na nakita nila so pinuntuhan ni SPO2 Hector Solano. Nagconduct ng imbestigasyon. So ako naman ang pinaghinalaan nila dahil ako ang
caretaker ni Mayor Antalan ng resort doon.
De Lima: Mayor?
Motabato: Antalan.
De Lima: Mayor Antalan ng Island Garden City of Samal.
Motabato: So nakita nila na ako ang pinaghinalaan na suspek na kami nag-salvage
dahil amin ang sasakyan na nagpunta doon.
De Lima: So kasama kayo doon sa nagdukot sa apat na iyon na mga tao ni Nograles?
Motabato: Ako nga ang nagbuhat. Inisa-isa ko. Binuhat ko, nilagay ko sa buhangin,
pagkatapos, binigti namin lahat. Pagkatapos, biniyak namin yung tyan. Pagkatapos,
kami pa nagkuha, nagkarga ng bangka. Doon sa laot itinapon na namin. Nilagyan
namin ng hollow block. Tig-tatlong hollow block ang isang tao.
De Lima: Ilang beses niyo na po nababanggit Mayor Duterte. Paki-linaw nga po, sino
pong Mayor Duterte ang sinasabi ninyo.
Motabato: Si Mayor Duterte ay ang ating mahal na pangulo ngayon. Yan si Mayor
Duterte.
De Lima: Okay.
Motabato: Matagal na akong nakakakilala sa kanya dahil almost 24 years ako
nagtrabaho ng city hall. Ghost employee ako sa city hall noon, maam. Ang papel ko
doon ay Civil Security Unit.
De Lima: Civil Security Unit. CSU.

10

Motabato: CSU maam. Sa totoong totoo, hindi kami mga Civil Security Unit. Pag
pupunta kami ng City Hall may ATM sa Landbank. May sahod namin na 5,000
De Lima: Pero bilang empleyado kamo at inaamin niyo na ghost employee kayo,
empleyado kayo ng Civil Security Unit, ano po ba ang pinaka trabaho ninyo?
Motabato: Ang trabaho lang po namin, maam, ay ang pumatay nang pumatay ng tao.
Yun ang trabaho namin. Kasama po ang mga pulis maam sa operation.
De Lima: Okay.
Motabato: Nasa amin na noon ang mga rebel returnees. Kasama na dun ang mga
rebel returnees.
De Lima: Kailan nga ho sumama na sa grupo yung mga rebel returnees?
Motabato: umpisa Nag-umpisa sumama ang mga rebel returnees, maam, is is 1993.
Sumama sa amin.
De Lima: Pumapatay din sila?
Motabato: Opo maam. Mga surrenderees.
De Lima: Okay.
Motabato: Si Mayor din ang humahawak. Ang mga rebel returnees, tinatayuan ng
bangkal sa likuran ng bahay para may subdivision ang mga rebel returnees doon sa
bangkal ng Davao City..
De Lima: Balik ho tayo ulit sa mga insidente. Nabanggit niyo na ho yung sa Mosque,
yung kay Macdom, and then yung mga tao ni Nograles. Ano pa po?
Motabato: Tatapusin ko muna maam yung sa simbahan ng mga Muslim. Ilang araw,
hindi na lumalakad ang mga lalaking Muslim. Iyong mga babae nalang ang lumalakad.
Natatakot na dahil inaabangan na namin. Halos gabi-gabi pinapatay namin yung mga
Muslim doon sa Barangay (*31:26)
De Lima: Sinabi mong inaabangan namin, pinapatay namin yung mga Muslim doon.
Sinong mga kasamahan niyong nag-aabang at pumapatay ng mga Muslim doon?

11

Motabato: Mga pulis po maam. Kami nila Ben Laud, Artur Las Canas, Sonny
Buenaventura. Itong si Sonny Buenaventura maam, fiscal pa itong si Mayor eh closein security na niya si Sonny Buenaventura. Ang tawag namin dyan sa Sonny
Buenaventura ay Little Mayor kasi kung wala si Mayor, iyan ang dumidesisyon.
De Lima: Nasaan na po ngayon si Sonny Buenaventura?
Motabato: Retired na po si Sonny Buenaventura. Nandoon samayroon nang mga
businesses doon sa Samal Island. May resort man siya.
De Lima: Nasaan na ho ngayon si Lascaas?
Motabato: Nag-duty pa ngayon sa Heinous Crimes.
De Lima: Nagdu-duty pa ho hanggang ngayon?
Motabato: Magreretire siya ngayong 2016, Maam. December siya magreretire.
De Lima: Okay. So puwede ho bang ituloy niyo na iyong kuwento niyo sa iba pang mga
pinatay niyo?
Motabato: 2010, meron kaming operation na iniutos ni Pangulong Duterte na Vice
mayor na kagalitan niya.
De Lima: Kagalit?
Motabato: Kagalit lang niya na sinabihan siya, kung Bisaya pa (*32:48)
De Lima: Ano ho iyon? Paki-sabi ho, Bisaya.
Motabato: Sa Bisaya (*32:55)
De Lima: Alam niyo ho ang Tagalog niyan?
Motabato: Ano iyan sa TagalogHindi ko
De Lima: Meron bang Bisaya dito? We ask someone to interpret that. Bisaya. Umaasa?
Motabato: Opo, maam. Inakyat namin yung subject, kasama ko si Maj. Lao, si Maj.
Francia, si SPO4 Lascaas, si Bobong Aquino, Si Bienvenido Furog, si Mamay Tapik,
12

at saka si Marami pa, maam. Tapos binaril namin. Ako ang bumaril. Kami ni SPO2
Medina ang bumaril pero nasama yung dalawa na hindi kasali, kagalit ni Paolo.
Yumakap, maam. One on one. So Nasali ang matandang babae.
De Lima: Yumakap doon sa binaril mo?
Motabato: Opo, maam.
De Lima: Sino po ba? Naalala niyo kung sino po ito. Itong pinatrabaho sa inyo ni
Paolo? Vice Mayor Paolo Duterte?
Motabato: Hindi ko alam maam kasi biglaan. Subdivision yan sa DECA Home ng
(*34:22)
De Lima: Ano po iyang lugar na iyan? Subdivision po iyan? Doon po iyong bahay niya?
Motabato: Hindi ko po alam kung saan yung bahay niya, basta kagalit lang niya,
pinapunta kami doon. Pumunta namin ang Heinous Crime.
De Lima: Noong sinabi mo na Heinous Crime, ano ho ba iyan? Heinous Crime. Grupo
ho? Unit? Opisina?
Motabato: Opisina maam. Ito po ang tinatawag na Pulis ng Mayor, maam, yung
Heinous Crime. Under sa IG, sa Intelligence.
De Lima: Ng City Government of Davao? Heinous Crime Section o Heinous Crime
Office. Ang sabi mo mga Pulis ni Mayor...
Motabato: May opisina kami sa Almendras gym.
De Lima: Okay. So iyang insidente nga po na iyan, iyong pinatay mo. Sabi mo
pinapatay ni Vice Mayor Paolo Duterte dahil kagalit niya pero may mga nadamay..
Motabato: Opo. May mga nadamay. Dalawang matanda at saka yung isang babae,
isang lalaki na sana, isa lang yung project namin.
De Lima: So 2010 po ito?
Motabato: 2013 po maam.

13

De Lima: Paano niyo po pinatay ulit? Binaril?


Motabato: Binaril maam. Nilapitan namin. Kaming dalawa ni SPO2 Medina, pinasok
namin sa bahay. Doon sila naglalaro ng tong-it ng baraha parang katuwaan lang
maam.
De Lima: Gabi ho iyon nangyari?
Motabato: Doon namin binaril sa loob ng bahay, maam.
De Lima: Araw po o gabi?
Motabato: Araw po. Araw. Mga bandang alas dos ng hapon, maam.
De Lima: So ano pa po?
Motabato: Ang mga back-up namin sila Lao, Francia, Lascaas, Buenavetura, Jim Tan.
Iyon ang mga back-up namin.
De Lima: Iyon po bang mga binanggit ninyo ay mga miyembro ng Heinous Crime
section?
Motabato: Mga pulis maam. Mga pulis po.
De Lima: Okay. Bukod po dyaan sa pagpatay na yan. Pagpatay sa nakagalit ni Vice
Mayor Paolo Duterte, ano pa po?
Motabato: Meron pa siyang inutusan maam. Yung kagalit naman po niya sa.. kaso
legislation. Nagalit lang siya. Tumawag saamin, pinapatay saamin yung isang tao doon.
Hindi namin alam kung ano ang dahilan parang nag-o-overtake lang, pag-overtake sa
gasolina ng sasakyan, nagkagalit sila.
De Lima: So kagalit nanaman po ito ni Paolo Duterte?
Motabato: Opo, maam.
De Lima: Kilala niyo ho iyon? Kung sino iyon?
Motabato: Opo maam si Paolo Duterte po.

14

De Lima: Hindi po. Hindi iyon. Iyon pong pinapatay niya.


Motabato: Hindi, maam.
De Lima: Paano niyo po pinatay?
Motabato: Sinalvage namin. Kami ni Artur Lascanas. Dinala namin sa (*37:17)
subdivision, Davao City. Tapos doon namin sinalvage. Nilagyan ng .38 para masabi na
lumaban. Pero hindi iyan lumaban dahil ako ang humawak, wala naman baril.
Sa Davao, ang operation namin pag papatay ka, palaging may baril. Yan ang pulis ng
Davao, maam. Palaging may baril iyan.
De Lima: Ano po bang ibig sabihin noon? Kapag pumapatay ng isang tao...
Motabato: Nilalagyan ng baril, maam. Para may ebidensiya na may baril, na lumaban.
De Lima: At anong klaseng baril po ang inilalagay?
Motabato: Kasagaran. Yung mga paltik na baril. Yung mga .38, maam.
De Lima: Paltik? Sino naglalagay ng mga baril na iyan?
Motabato: Pulis, maam. Basta ang isang pulis, may reserba iyan na baril. Para kung
emergency na merong mapatay, merong lalagyan din.
De Lima: Paano niyo po ito alam?
Motabato: kasi yung kasama ko maam. Matagal kami nagsama. Di lang isang taon.
Almost 24 years kami nagsama.
De Lima: Ano pa po yung ibang insidente ng pagpatay?
Motabato: Meron akong (*38:33) trabaho, pinapatay niya iyong
De Lima: Pinapatay nino?
Motabato: Pinapatay ni Mayor Duterte iyong fixer ng LTO.
De Lima: Fixer ng LTO?
15

Motabato: Oo, fixer ng LTO. hindi ko alam kung ano ang dahilan, basta dinukot namin,
dinukot ko sa harapan ng LTO. Sinakay namin ng FX doon, tapos, pinatay namin doon.
Itinapon namin sa San Rafael Village.
De Lima: Anong taon po ito? Kung naaalala ninyo.
Motabato: 2013 po.
De Lima: So LTO fixer. Pinapatay kamo ni Mayor Duterte. Paano niyo po alam na siya
ang nag-utos sa pagpatay dyaan sa LTO fixer na iyan?
Motabato: Pumunta siya, maam, sa opisina namin, maam. Sa Heinous Crime.
Pumunta siya doon na, Pick-up in niyo iyang tao na iyan. Pinalabas niya na holdaper.
So, pagkakuha, dinala namin, pinasok sa sasakyan, sa FX. Pagkatapos, dinala namin
sa subdivision naman. Doon namin itinapon, pinatay.
De Lima: Paano niyo pinatay?
Matobato: Binaril lang, maam.
De Lima: Ilang beses?
Matobato: Tatlo. Isa sa ulo, dalawa sa dibdib.
De Lima: Ito yung LTO fixer?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: May pangalan ho ba tayo ng LTO fixer na yan, kilala ho ba natin ito?
Matobato: Hindi, maam. Hindi namin kilala kasi biglaan lang, maam. Biglaan lang may
mag-utos. Kasi ang dami naming pinapatay pero hindi rin namin nalalaman yung mga
pangalan. Basta, ang identity lang sa tao, kung anong sinusuot. Yan lang, kung may
sumbrero, kung anong kulay ng t-shirt, anong kulay ng pantalon saka sapatos. Yan ang
palatandaan namin.
De Lima: So karamihan parang hindi niyo kilala?
Matobato: Oo, hindi namin kilala.
16

De Lima: Pero meron ding mga kilala?


Matobato: Meron din.
De Lima: Okay, balik ho tayo ulit. Sino pa ho ba, o ano pa ho ba yung natatandaan niyo
na mga pagpatay na kasama kayo sa assignment? Yung sinabi niyo ho kanina, nung
2013, may pito kayong assignment.
Matobato: Oo, maam. Meron kaming tatlong babae na sa Barangay Obrero na
pinaghinalaan na mga pusher, pero hindi naman mga pusher, maam. Tatlong babae,
hinuli namin ng bandang alas nuwebe ng gabi. Doon namin kinuha sa bahay nila, sa
apartment nila, at saka pinatay namin. Dinala namin sa San Rafael village. Doon namin
tinapon sa kalsada, sa daan lang. Hindi na nilibing, maam, tatlong babae. 2013 yun
nangyari.
De Lima: Ano pa po?
Matobato: 2013, maam, yung meron kaming operation, kami ni Col. Rivera doon sa
Butuan City na pamangkin po ni Mayor Antalan na suspek din. Ewan ko lang kung ano
ang atraso. Hinuli namin doon sa Butuan. Pagkahuli, dinala namin sa Davao. Hindi
nakaabot ng sentro ng Davao. Doon sa Tibungco, sa Barangay Mahayag doon na
sinalvage ni Maj. Lao. Binaril ni Maj. Lao.
De Lima: Kasama ka dun?
Matobato: Oo, kasama kami, maam, kasi madami man kami, may mga SATO rin.
Singkuwenta kami pumunta ng Butuan City.
De Lima: Sino ho ang nag-utos nun?
Matobato: Si Mayor Duterte, maam, ang nag-utos.
De Lima: Alam niyo kung bakit?
Matobato: Basta ang binigay lang na instruction, si Col. Rivera ang nakakaalam,
maam. Pero pumunta siya dun, nag-usap sila.
De Lima: Ano pa po?

17

Matobato: Yun, dinala namin, tapos sinalvage namin doon sa Barangay Mahayag,
barangay ni Mayor (*42:38 Baquirin?) Yan ang barangay captain.
De Lima: Ano pa pong mga insidente?
Matobato: 2003...2007 naman, mayroon kaming operation ni NBI director, maam.
Naghuli kami ng kidnapper.
De Lima: Sinong NBI director?
Matobato: Si Atty. Geran po, maam.
De Lima: Yung NBI director po ngayon?
Matobato: Oo, maam. Hindi pa...magkasama kami
De Lima: Kilala niyo po siya?
Matobato: Oo, maam. Kilala kami.
De Lima: Paano niyo po siya kilala?
Matobato: Hindi pa siya director, maam, ordinaryo pa lang na NBI, magkasama na
kami. Almost 15 years kami nagsama, maam, ni Atty. Geran. So may hinuli kami doon
sa Saranggani Province, maam. Dinala namin sa Davao...sana dinadala namin sa
Davao, pero hindi dumating ng Davao City. Doon lang namin dinala na sa Davao del
Sur, sa Digos, sa Barangay Kapatagan. Doon namin ang tao dinala.
De Lima: Sino po ito?
Matobato: Hindi ko alam ang pangalan, basta dinala namin, tapos, pinatay namin. Pero
ang pagpatay, hindi na ginamitan ng dahas, ng baril, nga ano. Pinakain namin ng
buwaya doon.
De Lima: Saan?
Matobato: Sa Kapatagan.
De Lima: Kapatagan. At kaninong lugar yung may buwaya?

18

Matobato: Asset, tao ni Geran.


De Lima: Asset?
Matobato: Oo.
De Lima: Asset ni Atty. Geran?
Matobato: Oo, maam. Kapitan doon, yung may-ari ng buwaya. So hindi man
masiyadong malaking tao, pinakain namin ng buwaya.
De Lima: Nandun kayo mismo?
Matobato: Oo, kami, maam, marami man kami.
De Lima: Ilan kayo nun na nang-ano na yan, pagpatay, at pinakain sa buwaya?
Matobato: ...si Artur Lascaas, si Atty. Geran, si (*44:53)
De Lima: So ano pa po yung iba pang insidente ng pagpatay? Either utos ni Mayor,
utos ng iba?
Matobato: 1993, maam, mayroon kaming pinatay, Jun Barsabal, yung religious group
ng Family of God, pinapatay ni Duterte.
De Lima: Jun? Jun?
Matobato: Jun Barsabal, maam.
De Lima: Bakit po siya pinapatay?
Matobato: Ang sa pagkakaalam ko lang maam, parang nang-aagaw ng lupa ang mga
tao niya. Parang nang-iisquat ng mga lupa sa mga barangay ng Samal Island, ng
Davao...Governor Generoso, maam (*45:57) Davao Oriental. Doon namin
De Lima: Paano po ito pinapatay si Jun Barsabal?
Matobato: Nahuli po namin siya sa Island Garden City of Samal, Kaputian District, si
Barsabal. Matagal na nahuli namin doon.

19

De Lima: Tapos, dinala ninyo?


Matobato: Ang nag-finance niyan, limang mayor, maam. Limang mayor ang nagfinance niyan para patayin si Barsabal: Si Mayor Orencia ng Sigaboy, si Mayor Antalan
ng Kaputian, si Mayor Valencia ng Island Garden City of Samal, at saka si Mayor
Duterte, maam. May isa pa: si Philip Go, yung logger sa Davao Oriental.
De Lima: Nagpapatay din kay Jun Barsabal?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: So paano po?
Matobato: Dinala namin sa Ma-a, doon na namin...
De Lima: Ma-a ulit yung sinabi niyo kanina, kung saan nagdadala kayo ng mgadoon
niyo dinadala yung mga pinapatay ninyo.
Matobato: Oo, palagi yan. Kasi, maam, libingan na yan namin, libingan po ang Ma-a
quarry.
De Lima: Libingan.
Matobato: Oo, kung natatandaan mo, noong 2003, di ba, hinukay niyo yung Ma-a
De Lima: Ako po yung sinasabi niyo?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Kung ako po yung sinasabi niyo, hindi po 2003 iyon. Ano pong natatandaan
niyo na ako? Bakit po niyo ako binanggit?
Matobato: Basta pumunta ka doon maam, naghukay ka. Inabangan ka namin doon,
marami kayo. Kung pumasok po kayo sa itaas, naka-ambush position na kami doon.
Kaunti na lang, dahil umalis na kayo doon.
De Lima: Okay, for the record, para lang may tamang konteksto po tayo. Noong 2009
po, noong iniimbestigahan po namin yung Davao Death Squad sa CHR, CHR
Chairperson pa po ho ako. Nag-conduct po kami a series of public hearings sa Davao.
Tapos, in one of those...I can get the date, I have some records here, since nag-tip sa
20

amin, may nag-tip sa amin na meron, na meron nga daw na mga inililibing o linibing
diyan sa Laud property, yung sinasabi niyong Ma-a quarry. Kaya pinuntahan ho namin
iyon. I led a team na hinahanap po namin yung sinasabi nilang mass grave. Nakakita ho
kami doon ng isa na hukay. Nakakita rin ho kami in the vicinity, nakakita rin ho kami ng
skeletons. So yun ho ba ang insidenteng sinasabi niyo?
Matobato: Opo maam. Opo, maam.
De Lima: Ano yung sinasabi niyong aambushin ako?
Matobato: Doon, dumesisyon sila, maam, na aambushin kayo doon namin.
De Lima: Sino po nagdesisyon na ambushin ako at saka yung mga kasamahan ko?
Matobato: Si Mayor Duterte po, maam.
De Lima: Paano niyo po yan alam?
Matobato: Kinausap po kami sa opisina, maam. Pinapunta kami doon pero hindi ka na
pumasok doon sa itaas. Doon lang kayo sa entrada pumasok. Doon kami naka-abang
lang.
De Lima: So naabutan niyo ba ako at saka ang team ko?
Matobato: Hindi nam maam. Hindi na namin naabutan. (49:27)
De Lima: Ah nakaabang po kayo sa itaas.
Matobato: Opo maam.
De Lima: Pero hindi na kami nakapunta sa itaas. Because that property, again for the
record, that property is a hilly property.
Matobato: Malawak po (49:41)
De Lima: Okay, so hindi na kami doon sa taas at nandun kamo kayo?
Matobato: Opo maam, opo, maam.

21

De Lima: Okay, so marami kayong inililibing dyan sa Laud or Ma-a Property na yan.
Okay, ano pa pong mga insidente?
Matobato: 2014 pinatay din pinaka-bilyonaryo sa (50:11)
De Lima: 14 ho ba?
Matobato: 14 po maam.

De Lima: 2014?
Matobato: 2014. Pinatay si Richard King doon sa Davao City maam.
De Lima: Richard King?
Matobato: Richard King maam. Ang nag
De Lima: Narinig ho namin yon
Matobato: Ang nag-utos ho diyan, Paolo Duterte maam. Ito si...
De Lima: Bakit pinapatay ni Paolo Duterte si Richard King?
Matobato: Ito si Paolo Duterte magribal sila ni Richard King
De Lima: Ribal saan?
Matobato: Sa babae. Yung si
De Lima: Sino po yung babae?
Matobato: Yung may-ari ng Mcdonalds,si Chua. Hindi ko alam ang pangalan maam
pero apelyido Chua.
De Lima: May-ari ng Mcdonalds sa Davao
Matobato: Sa Davao, maam.
De Lima: Okay,
22

Matobato: Tapos yung tumira naman kay Richard King yung kasamahan ko rebel
returness may kasamang pulis. Binigyan nila ng 500,000 yung dalawang
De Lima: So sabi mo, tumira rebel returnees
Matobato: Opo maam.
De Lima: So di po kayo kasama doon.
Matobato: Hindi ako kasama
De Lima: Paano mo alam na rebel returnees ang tumira?
Matobato: Yung kasama po nagsasalita po sila (51:29-51:31). Pagkatapos maam,
dinobol-cross yan. Pinatay nila yung isang kasamahan ko.
De Lima: What do you mean? Ano ho ibig sabihin ng double cross? Sino ang nagdouble-cross?
Matobato: Yung mga pulis maam. Yung mga pulis nag-utos.
De Lima: Sino ang mga dinobol-cross?
Matobato: Sina Joel Tapales, alyas (51:51). At saka si (51:54)Dodoy Dabas.
De Lima: Yung dalawa pong sinabi niyo, sila po bay yung mga pumatay kay Richard
King?
Matobato: Opo maam. Sila pumatay kay Richard King.
De Lima: Pero pinatay din sila? Yun ang ibig mong sabihin, kung bakit dinobol-cross
sila?
Matobato: Opo maam.
De Lima: Sino po ang pumatay sa dalawa na iyon?

23

Matobato: (52:13) Si Artur Lascaas maam, si Jim Tan, sila Sonny Buenaventura
maam pumatay. (52:22) Yung buong grupo namin maam sa Heinous Crime (52:25 52:30 ) yung buong grupo sa Heinous Crime.
De Lima: So paano mo alam na yun talaga ang utos ni Paolo Duterte?
Matobato: Kasi nag-usap maam sa opisina namin, pumunta siya doon, inaano nila
doon na magsalita man yung kasamahan namin. Nag-uusap-usap din kami. So, ginawa
nila, tapos umuwi muna sa bahay yung tumira ng Richard King sa isang araw,
kinabukasan, dinukot naman nila. Dinala muna nila sa Holiday Inn.
De Lima: Sino po ulit tumira kay Richard King?
Matobato: Si Joel Tapales alyas (53:14) at saka si Dodoy Dabas (53:16) tumira
De Lima: So kinabukasan,
Matobato: Pinatawag nila ako.
De Lima: Sino nagpatawag?
Matobato: Sila Artur Lascaas maam.
De Lima: At ano po yung ginawa nila sa dalawa?
Matobato: Dinukot muna, inistandby muna sa hotel, Holiday In. Pagkatapos noong
gabi, tinapon sa Barangay Cabantian sa Davao City, sitio Buhangin.
De Lima: So pinatay din sila? Paano po sila pinatay?
Matobato: Ganyan ang gawi, maam. Binaril, tapos tinapon doon sa Cabantian, maam.
De Lima: So ito si Richard King?
Matobato: Opo, maam, si Richard King.
De Lima: Wala hong nangyari sa kaso na yan? Kasi napabalita ho yan na pinatay nga
po siya.
Matobato: Kasi, maam, nung 2014...

24

De Lima: 14 ho ba?
Matobato: 14, maam, 14. Kinorner nila ako, maam. Ako ang tinuro nila na pumatay
kay Richard King. Hindi naman ako gumagawa kung walang utos ni Charlie Mike.
De Lima: Charlie Mike? Sino ho ang Charlie Mike?
Matobato: Si Mayor Duterte, maam.
De Lima: Code name niya yan?
Matobato: Oo, code name niya, maam, Charlie Mike. Hindi ako gumagawa
De Lima: Pag sinabi mong code name, sino ang nakakaalam na yan ang code name ni
Mayor Duterte?
Matobato: Kami lahat, maam, ang nakakaalam ng code niya. Yan ang code name niya
talaga. Pagkapatay ng Richard King, maam, hinuhuli nila ako. Napatay si Richard King
June 12, alas siyete ng gabi, binaril. Nandoon ako sa bahay. Nandoon ako sa bahay
nung binaril si Richard King. Pagkatapos naman, June 19, hinuli nila ako kasi
ginagawan nila ako ng paraan para hindi ako magsalita.
Nagpaalam man ako, maam, ng 2013, September, nagpaalam ako na hindi na ako
magtatrabaho dahil matanda na ako.
De Lima: Kanino ka nag-paalam?
Matobato: Kay Artur Lascaas. Hindi naman umayaw, hindi naman umimik. Umalis din
ako sa opisina namin na hindi na ako magtatrabaho. Hindi na ako magtatrabaho kasi
matanda na ako. Maghahanapbuhay na lang ako nang marangal.
Nakokonsensiya na ako, maam, kasi yung mga inosenteng tao, nadadamay. Hindi
naman totoo yung kriminal yung iba. Kasi nakokonsensiya na ako, nagpaalam na ako.
Kaya nga hinanapan nila ako ng paraan para hindi ako makasalita. Kaya binulgar nila
ako kay Richard King.
De Lima: So ibig sabihin, ikaw yung tinuro?
Matobato: Oo, tapos naman, ang mastermind na pinapaturo nila, si Col. Felonia.

25

De Lima: Sino po si Col. Felonia?


Matobato: Col. ng pulis. Hindi ko man nakilala si Col. Felonia, hindi ko man kaibigan
pero kilala rin ako ni Felonia. Pinapaturo nila na ang mastermind si Col. Felonia.
De Lima: Nasaan na po ngayon si Col. Felonia?
Matobato: Sa pagkakaalam ko, maam, nandito na siguro sa Crame si Col. Felonia,
naka-detain. Naka-detain si Col. Felonia, maam.
De Lima: Dahil diyan sa kaso na yan na pagpatay kay Richard King.
Matobato: Opo, maam.
De Lima: At sinabi mo na siya ang tinuturong mastermind na pinapaamin dapat sa iyo,
na ikaw rin ang gumawa ng pagpatay na yan?
Matobato: Opo, maam. Kasi tinorture ako ng isang linggo, maam, nina Dir. Danao at
saka ni Yun talaga ang masakit sa buhay ko. Matagal din ako naging ano...naging
(*57:12)... parang kapatid kami, maam. Yan ang ginawa nila sa akin na gusto nila
akong patayin para hindi na ako magsalita. Yan talaga ang sama ng loob ko, maam.
Pumapatay ako ng mga tao, sila pa ang pumapatay ngayon sa akin. Tinorture ako ng
isang linggo. Mabuti nga hindi ako sinalvage.
De Lima: Saan po kayo tinorture?
Matobato: Nung nag-ingay yung asawa ko, pumunta doon lang yung mga relatives ko.
Pumunta doon. So nakalabas naman ako. Nagtago ako sa Cebu. Tapos, nagtago ako
ng Leyte. Nagtago rin ako ng Samar.
August 21, 2014, sumurrender ako sa CHR, maam, kay Atty. Agba. Ang sabi ni Atty.
Agba, kinuhanan lang ako ng detalye, Hindi namin kaya yung buhay mo na ma-protect
kasi punta ka ng Maynila para ma-protektahan ka. Pumunta ka ng DOJ, sabi niya.
De Lima: So pumunta po kayo sa DOJ?
Matobato: Opo, maam. Nung pagkalaman ko naman na tumakbo si Duterte, nanalo si
Duterte, kusa akong lumabas man para hindi ako papatayin.
De Lima: So pag sinabi niyong pumunta kayo sa DOJ, anong taon nga ho yun, 2014?
26

Matobato: 2014, maam.


De Lima: Ibig niyong sabihin
Matobato: November 1, dumating ako ng Maynila. Ako, walang nagdala na tao kung
hindi lang ang asawa ko lang ang kasama ko na pumunta dito.
De Lima: Sabi nga po ng CHR hindi nila kayo kaya na protektahan.
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Dumulog po kayo sa DOJ.
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Ang ibig kong sabihin, nagpapasok kayo sa WPP?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: At umalis po kayo sa WPP or Witness Protection Program, kailan po?
Matobato: 2015 na, maam, nung lumabas ako ng...ay, pagkapanalo ni Duterte, maam.
De Lima: 2015 o ngayong taon?
Matobato: Ngayon na taon, maam.
De Lima: Nung nanalo na?
Matobato: Hindi pa umuupo, maam, kasi alam ko, maam, na yung nakaupo dito halos
kilala ako ng opisiyal, mga tauhan ni Atty. Geran, siyempre, ipapasundo ako. Kung ano
ang plano, baka patayin ako. Lumabas din ako, maam. Lumabas din ako. Natakot din
ako, maam.
De Lima: Okay, balik ho muna tayo dun sa mga alam niyo na mga patay. Kasi
importante po yan kasi ito ngang inquiry na ito, tungkol sa mga killings. So gusto ho
nating maintindihan kung saan itong mga nanggagaling, anong nangyayari ngayon. So,
ano pa ho yung mga alam niyo?

27

Matobato: Kasi, yung mga pinatay namin, maam, sobra na akong nakokonsensiya,
maam. Ang sa Davao City, nag-umpisa ang patayan since 1988 hanggang 2013,
maam, ang patayan. Siguro ang napatay namin na siguro, mga isang libo na siguro sa
Davao City lang. Sa Davao City.
De Lima: Isang libo?
Matobato: Opo, isang libo, maam. Isang libo mahigit na ang napapatay, maam. So
kung natatandaan ni Gen. Dela Rosa na sinabi ni Mayor Sara na sinabihan siya na,
Marami ang namamatay, walang nahuhuli, sinabi niya.
Ang sagot ni Gen. Dela Rosa, maam, na, Hindi ako bababa ng puwesto ko, hindi
matatapos yung termino ko na city director ng Davao.
De Lima: So ano ho bang ibig sabihin nung sinabi ni Sara Duterte na, maraming
namamatay, pero walang nahuhuli? Tama ho ba yun?
Matobato: Oo, tama yun, maam.
De Lima: Bakit ganun?
Matobato: Kasi ewan ko lang, maam, kung ano...Basta sila naman nakakaalam ng
trabaho namin. Siyempre, alam. Ikaw, city director ka, alam mo yan, maam.
De Lima: Ano pa po yung mga puwede niyong ikuwento sa amin na pagkaalam niyo na
mga pagpatay? Kasi marami-rami na ho yung nasabi niyo. Baka ho meron pa ho
kayong mga hindi naisasabiMacdom, mga tao ni Nograles, mga hindi mo alam na
pangalan pa na pinapatay ni Paolo Duterte, several others, yung mga nabanggit niyo po
kanina. Meron pa ho ba na mga iba?
Natatandaan ko po, hindi ho ba merong napabalita rin tungkol sa media. Meron ho bang
napapatay na media doon?
Matobato: 2003, maam, meron kaming plinano pero hindi ako nakasama. Ito si Jun
Poras Pala, maam.
De Lima: Jun Poras Pala.
Matobato: Media, maam. Pinapatay ni Mayor Duterte si Jun Poras Pala.

28

De Lima: Anong taon po ito?


Matobato: 2003, maam.
De Lima: Si Mayor Duterte mismo ang nagpapatay?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Bakit? Bakit po?
Matobato: Dahil parang binabakbakan siya sa radyo araw-araw, maam. Araw-araw,
araw-araw. Kasali ako doon sa operation, pero hindi ako umabot ng operation. Doon sa
plano na lang ako, maam.
De Lima: Anong ibig sabihin niyo nung sinabi niyo ang nagpapatay at nag-utos si
Mayor Duterte, paano po niyo alam na siya mismo ang nag-utos na ipapatay si Jun
Pala?
Matobato: Nalalaman ko, maam, kasi nung nag-uusap siya, ang pinaka right-hand ni
Duterte, maam, si Artur Lascaas. Ako naman ang katiwala ni Artur Lascaas, maam.
Palagi inaakbayan si Artur Lascaas, palagi niyang sinsabi na, Kung wala ka Tur, hindi
peaceful ang Davao City.
De Lima: Ang nagpapatay ay si Mayor Duterte.
Matobato: Ang pumatay naman, maam, si SPO2 Jun Ayao, si SPO3 Jun Larisma. May
kasama silang returnees.
De Lima: Paano po pinatay si Jun Pala?
Matobato: In-ambush, maam.
De Lima: Saan in-ambush?
Matobato: Sa Sasa, papunta ng bahay
De Lima: Sasa?
Matobato: Oo. Inabangan. Subdivision, hindi ko alam ang kuwan diyan.

29

De Lima: Inabangan.
Matobato: Oo, basta inabangan. Pinapatay niya. Tapos kami, naghihintay lang kami sa
tawag kung namatay na si Pala doon.
De Lima: Saan kayo naghintay?
Matobato: Sa Ecoland, maam, carideria, kainan, maam. Doon palagi kumakain si
Mayor Duterte, maam. Doon namin...nag-abang lang kami. Tumawag na patay na,
patay na si Jun Pala. Pinalabas din na NPA.
Paano pa papasok ang NPA eh sentro ng Davao, ang daming pulis? Kasi kontrolado
ang NPA doon sa Davao. Kasi kaibigan ni Mayor Duterte.
De Lima: Ang?
Matobato: NPA, maam.
De Lima: Sumasakit na po ulo ko sa dami po ng mga impormasyon na binibigay niyo
sa amin. Ano pa po? So pagkatapos...so si Jun Pala.
Meron ho ba, kasi sinasabi niyo nga po na may mga inuutos yan ni Mayor Duterte. May
ilan-ilan naman na ang nag-utos si Paolo. Meron ho bang mga insidente na mismong si
Mayor Duterte
Matobato: Oo, maam.
De Lima: Kailan po yun?
Matobato: 2013, Inutusan kami na patayin yung D.I., Iyong kasintahan nung kapatid
niya, maam.
De Lima: D.I.? Dance Instructor?
Matobato: Iyon po nagtuturo ng pagsayaw, maam.
De Lima: D.I. ng kapatid ni Mayor Duterte?
Matobato: Kasintahan.

30

De Lima: D.I. at kasintahan? D.I. at boyfriend ng kapatid ni Mayor Duterte. Sino pong
kapatid?
Matobato: Si Maam Jocelyn. Inutos saamin ni Duterte. Si Sonny Buenaventura, kami,
na patayin yan. Sinundan namin yung nag-advance party sa amin maam. Sinundan
namin yung taxi doon sa Jacinto Street ng Davao City. Nadukot namin, ako nga ang
umano ng baril na, Wag ka kumilos. Pulis ito.
De Lima: Ilan kayo? Ilan kayo na nagtambang sa kanya?
Matobato: Kami nila Sonny Buenaventura, kami ni Furog, kami ni Aquino, kami ni
Medina, kami ni Jumawan, si Mamay Tapik, ako, maam. Parang pito kami, maam.
De Lima: So parang inabangagan niyo siya. Parang inabduct niyo. Dinukot niyo. Saan
niyo po siya dinala?
Matobato: Pinosasan po..
De Lima: Posas. Pinosasan. Paano niyo siya pinosasan?
Matobato: Sa harap po, hindi sa likod. Tapos dinala namin sa Ma-a quarry. Doon
namin pinatay.
De Lima: Gabi iyon o araw?
Matobato: Gabi po iyon. Mga bandang alas onse ng gabi.
De Lima: Paano niyo po siya pinatay sa Ma-a quarry?
Matobato: Binigti maam, tapos sinaksak.
De Lima: Paano binigti? Ano ang ginamit ninyo sa pagbigti?
Matobato: Yung lubid maam. Yung sinurrender ko po sa NBI maam.
Yung pagbigti ko ng tao, maam. Pag dating ko dito, sinurender ko kay Atty. Javier ng
NBI, maam.
De Lima: Noong pumasok kayo sa WPP?
Matobato: Opo maam.
31

De Lima: Okay. Paano niyo ho ulit pinatay? Sabi niyo, pinunasan niyo noong dinala
ninyo sa Ma-a quarry tapos binigti niyo, sinaksak. So hindi niyo siya binaril?

Matobato: Hindi, maam. Kinuhanan namin ng damit, tapos sinunog namin. Tapos,
pinutol-putol yung katawan. Pagkatapos naman, binuhusan namin ng used oil para
hindi sumingaw, para hindi sumingaw.
De Lima: Bakit po kailangan putol-putulin ang...kasi kanina ho, ilang beses niyo na rin
yan sinasabi. Chop-chop. Putol-putol. Bakit kailangan pinuputol ang mga katawan ng
mga pinapatay niyo?
Matobato: Kasi yung opisiyal, maam, hindi pumapayag na buo ang katawan para hindi
mare-recover, hindi makikilala siguro. Yun ang pag-iisip ko.
De Lima: At pag sinabi mong opisiyal, sino po ito?
Matobato: Ito sila ni Artur Lascaas, maam. Para itong, si Artur Lascaas, maam,
para itong general kaya miski colonel, nauutusan niya doon sa Davao City. Sa kanya
nagre-report, maam. Si Artur Lascaas, ito ang pinaka-powerful na pulis ng Davao,
maam. Maski general, yuyuko kay Artur Lascaas. Itong si Artur Lascaas, maam,
may malaking business.
De Lima: Si Lascaas, ito yung SPO4?
Matobato: Oo, maam.
De Lima: Na sabi mo nandiyan pa, magre-retire pa lang, December this year?
Matobato: Oo, oo.
De Lima: Okay, so pakituloy po.
Matobato: May business sila ni Paolo. Ito namang si Mayor Duterte galit kay Bangayan
dahil sa smuggling ng bigas.
De Lima: Sinong Bangayan?

32

Matobato: Yung...hindi ko kilala, basta


De Lima: Bangayan, smuggler?
Matobato: Oo, maam.
De Lima: Davidson Bangayan, siguro.
Matobato: Smuggled na bigas, maam. Pero hindi niya kuwan, yung anak niya, yun ang
naghahawak na smuggled na bigas.
De Lima: Sino pong anak?
Matobato: Si Vice Mayor Paolo Duterte, maam.
De Lima: Naghahawak ng?
Matobato: Smuggled, maam.
De Lima: Anong ini-smuggle?
Matobato: Bigas at saka yung langis na krudo, maam. Sila ang humahawak sa
pantalan.
De Lima: Ano po yung pantalan?
Matobato: Sasa wharf.
De Lima: Sasa wharf in Davao?
Matobato: Oo, kaya minsan ako ang humahatid ng tong ng Customs. Minsan, pinadala
nila ako ng P3 million, ibigay sa Customs. Parang payola, maam, sa Customs.
De Lima: Ikaw mismo ang nagdala?
Matobato: Oo, maam. Ako ang nag-abot ng pera.
De Lima: Kanino galing yun?
Matobato: Kay Paolo Duterte at saka
33

De Lima: Natatandaan po niyo ano pong taon ito?


Matobato: 2013, maam. 2013.
De Lima: Okay, ano pa ho ba? Dun pa rin tayo sa mga pagpatay. Kasi inamin niyo nga
ho, marami na kayong pinatay. By the way, kayo po mismo, sa pagkakatanda niyo, ilan
na po ang pinatay niyo? Kayo mismo ha. Hindi po yung kasamahan niyo lang.
Natatandaan niyo ho ba?
Matobato: Sa pag-umpisa ko, maam, sa 1988 hanggang 2013, ang napatay ko siguro,
mga singkuwenta siguro katao ang pinatay ko.
De Lima: Kayo mismo?
Matobato: Oo, maam, inuutos lang. Hindi ko lang alam ang mga pangalan pero
natatandaan ko rin nung pag-umpisa ko pagka-tirador, maam.
De Lima: Ano pa po ba ang ibang mga insidente, lalo na yung mga inutos?
Matobato: Ang daming pinapatay namin pero hindi ko lang natatandaan kung anong
buwan, kung ano ang taon. Basta kada taon, yan ang trabaho namin.
De Lima: Meron po akong...dito kasi sa mga, may mga ilan-ilang dokumento rin akong
nakikita dito. Meron ditong parang affidavit noon na parang pinirmahan niyo lang, pero
hindi niyo naman tinuloy. Meron din ho ba yung nababanggit na NBI agent. Sino ho ba
yun?
Matobato: Yung NBI agent, maam, nag-o-operation kami doon dahil meron kaming
hinahabol
De Lima: Ano pong pangalan ng NBI agent?
Matobato: Amisola, maam.
De Lima: Amisola.
Matobato: Amisola.
De Lima: Ano pong taon ito?
34

Matobato: Mga line of 93. Basta...hindi ko lang natandaan.


De Lima: Hindi kayo masiyadong sigurado. Okay.
Matobato: Hindi ako sigurado, maam. Parang sa Tulip Drive nangyari yan, maam.
De Lima: Tulip Drive.
Matobato: Oo, ng Matina.
De Lima: Barangay Matina.
Matobato: Oo, kasi yung NBI agent, maam. Nag-operation kami. Yung sasakyan niya,
yung pick-up niya, nakabalagbag sa daanan. Hindi kami makadaan. So bumaba si Maj.
Pabo, sinita niya, Bakit yan nakabalagbag? Pinagalitan. Pagkatapos, nakita na ni Maj.
Pabo na may baril yung NBI agent, naka-civilian
De Lima: Si Amisola.
Matobato: Oo, si Amisola. Di bumunot. So mas mabilis naman, dahil matanda-tanda
naman si Pabo, ay shooter naman yung NBI. So naunahan siya. Para siyang bola na
lang kahit binira yung kamay niya, dalawa niyang kamay at saka paa. So doon kami
natagal, pagpatay ng Amisola kay magaling din sa rolling...umilalim ng sasakyan.
De Lima: Hindi niyo kaagad napatay?
Matabato: Oo, hindi agad napatay. Pero, sa kalaunan, medyo naubusan siya ng bala.
Diyan na siya na-corner namin. Pero, ang tumapos diyan si Mayor Duterte.
De Lima: Anong ibig niyong sabihin na ang nagtapos si Mayor Duterte?
Matobato: Buhay pa rin si Amisola, si Mayor Duterte na yung tumapos. Dalawang
magazine ang
De Lima: So ibig mong sabihin, dumating din dun sa insidente na yan si Mayor
Duterte? Kasi wala naman po kayong binanggit kanina na kasama niyo si Mayor
Duterte nung naka-engkuwentro niyo yan si Amisola. Dahil sabi niyo nakabalagbag
yung kanyang sasakyan na ikinagalit ni Pabo.

35

Matobato: Oo, maam.


De Lima: Okay. So paano ho pumasok sa eksena si Mayor Duterte?
Matobato: Tumawag man, maam nung nag-eengkuwentro na, nagpuputukan na.
Dumating siya, buhay pa si Amisola. Siya rin ang tumapos. Dalawang magazine ng UZI
ang inubos niya. Dalawang magazine.
De Lima: Sigurado ka po dito? Sigurado kayo?
Matobato: Opo, maam. So si Amisola naman, maam, na-overkill. Siguro, mga 200
bullets sa katawan ang tumama kay Amisola. Si Amisola, maam, na-overkill.
Pero, doon nagkagalit ang Anti-Crime at saka NBI. So, sa kinalaunan, inayos niya si
Dir. Hernandez, pa noon. Director pa si Hernandez.
De Lima: Of NBI?
Matobato: NBI, maam.
De Lima: So ibig niyong sabihin, hindi nagkakaso yan kahit na ganyan na pinatay at naoverkill kamo?
Matobato: Hindi, maam.
De Lima: Hindi nagkaroon ng kaso yan?
Matobato: Hindi nagkakaso ang mga pulis.
De Lima: Dahil?
Matobato: Dahil inayos niya, maam. Sinuportahan niya ang NBI. Binigyan ng
sasakyan, binigyan niya ng tao. Iba-iba, kung ano kailangan
De Lima: Pag sinabi niyong NBI, local NBI?
Matobato: Oo, local NBI, maam. Binigyan niyan, maam, para hindi na magalit.
De Lima: Sino siya, sino ang binigyan ng mga ganyan na suporta?

36

Matobato: Si NBI chief, maam, NBI Hernandez, maam.


De Lima: Siya ang dati noon?
Matobato: Dating director noon.
De Lima: Sa local?
Matobato: Oo, sa local.
De Lima: Sino ang nagbigay?
Matobato: Si Mayor Duterte, maam.
De Lima: Paano mo po alam ito?
Matobato: Siyempre, maam, doon sa opisina umiistambay yan siya. Nag-uusap-usap
sila ni Artur. So nakakarinig naman ako kung ano ang pinag-uusapan nila sa opisina.
Eh siyempre, nagse-serve ako ng tubig, ganyan. Maghahatid ako, at saka umiistambay
din ako malapit sa kanila.
De Lima: Sinasabi mo naman na talagang nandiyan ka mula noon, matagal ka na.
Matobato: Oo, maam.
De Lima: At kasama ka nga diyan sa pagpapatay na yan. Kilala ho ba kayo ni Mayor
Duterte?
Matobato: Kilala, maam. Kilala talaga ako. Kilalang-kilala ako niyan. Eh kasi, doon sa
bahay niya sa...kung meron yang bahay, maam, doon ako nagse-security minsan nung
kasama kokami ni Alvin Laud, kami ni Jun Bariga, SPO2 Bariga.
De Lima: Sino itong si Alvin Laud? Kasi kanina ang nabanggit ninyo si Ben Laud, yung
may-ari kami ng Ma-a quarry.
Matobato: Itong si Alvin Laud, maam, pinaka-tirador ito na pulis. Yan ang kasama
namin sa DDS.
De Lima: Anong sabi niyo po?

37

Matobato: Pinaka-tirador ito na pulis.


De Lima: Pinaka-tirador. Anong relasyon niya po kay Ben Laud?
Matobato: Anak, maam. Anak ni Ben Laud, maam. Anak ni Ben Laud.
De Lima: Pag sinabi niyong pinaka-tirador ng DDS, ano ho bang ibig sabihin niyo nun?
Matobato: Kasi bata pa itong si Alvin Laud, maam, parang 14 years, sumasama na sa
amin ng patayan, maam, itong si Alvin Laud, maam.
De Lima: So kasama siya sa DDS?
Matobato: Opo, maam. Nandito siya sa Maynila, maam, naka-assign.
De Lima: Saan?
Matobato: Nadoon siya sa airport. Marshall siya. Nandoon sa airport, maam.
De Lima: Hanggang ngayon po?
Matobato: Hanggang ngayon, maam.
De Lima: Kailan po siya pumasok o pinasok diyan sa airport?
Matobato: Parang limang taon na siguro o apat na taon. Hindi ko na nalaman.
De Lima: Marshall ng ano ho?
Matobato: Ng eroplano, maam. Parang expert yan sa bomb, si Alvin Laud, maam.
De Lima: Naka-assign sa NAIA?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Alam niyo po kung saan mismo doon? Kung alam niyo lang po.
Matobato: Hindi ko alam, basta doon naka-assign.

38

De Lima: Balik ho tayo ulit sa patayan. Marami-rami na nga ho yung mga nabanggit
niyo, yung mga naaalala niyong mga specific na mga insidente na pinapatay sa inyo, sa
inyong grupo, na sabi mo nga na ang Davao Death Squad.
Doon naman ho, kasi nabanggit niyo nga ho yung rebel returnees. Ano ho ba yung mga
eksakto na nagiging assignment ng rebel returnees? Kasi, I suppose, since rebel
returnees nga po sila, hindi ho siguro sila kasama diyan sa Heinous Crime section na
yan na binanggit ninyo, di ho ba?
Matobato: Kasama pa rin, maam, yung rebel returnees. Under pa rin sila ng police,
maam, yung rebel returnees.
De Lima: Under sila ng mga pulis?
Matobato: Oo, maam.
De Lima: So ano ho bang mga klaseng assignment ang binibigay diyan sa mga rebel
returnees?
Matobato: Ang trabaho ng rebel returnees, maam, ang pinapatay yung mga gang war,
yung mga rugby boy. Yan ang
De Lima: Rugby boy.
Matobato: Oo, maam.
De Lima: Magnanakaw.
Matobato: Mga bata pa, maam. Mga 15, ganyan, 17. Ganyan ang trabaho nila, yung
mga
De Lima: So yung nagiging assignment ng mga rebel returnees, na sabi mo nga, mga
under din sila ng mga pulis, ay yung mga ganyan na medyo maliliit na mga
Matobato: Trabaho, maam.
De Lima: mga petty criminals. Kasi maski rugby boys. Ano ho ba yung rugby boys?
Matobato: Yung nagsisinghot ng rugby, yung bata pa.

39

De Lima: Tapos mga magnanakaw?


Matobato: Opo, maam.
De Lima: After, siguro.
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Para sa inyo, yun yung maliliit na mga assignment.
Matobato: Ang humahawak naman ng mga rebel returnees, maam, ang mga kapitan
ng Davao City, maam. Kada kapitan, meron silang...
De Lima: What do you mean, kapitan?
Matobato: Yung mga barangay captain.
De Lima: Barangay kapitan. Okay.
Matobato: Ang nasasahod pa rin yung city hall pa rin sa Davao City, maam. Davao
City pa rin ang nagsasahod. 15, 30 ang sahod niyan, maam, mga rebel returnees.
De Lima: Nagsasahod din yung mga rebel returnees?
Matobato: Opo, maam. Sa city hall, mga ghost employees yan, maam, mga rebel
returnees.
De Lima: Sa pagkakaalam niyo, kung alam niyo lang po, ilan kaya itong mga rebel
returnees na ito na kasama rin diyan sa mga assignments na yan?
Matobato: Umaabot na kami, maam, ng mga 300.
De Lima: At pag sinabi mong kami, kayong DDS?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Hanggang ngayon ho ba, meron pa ring mga ganun?

40

Matobato: Opo, maam. Opo, maam. Kasi yung trabaho namin ang dami ang style.
Minsan binabalot ng masking tape, minsan hindi binabalot. Yan ang style ng pagpatay,
maam.
De Lima: Bakit ho kailangang balutin ng masking tape?
Matobato: Para hindi makilala, maam. Para hindi makilala.
De Lima: Sino ho ang gumagawa nun? Itong mga ganyan na mga binabalot ng
masking tape, ito ba yung mga dinudukot muna?
Matobato: Opo, maam. Kung hindi nililibing, tinatapon yan. Tinatapon, binabalot ng
masking tape.
De Lima: Binabalot ng masking tape, tinatapon saan?
Matobato: Sa mga daan, maam.
De Lima: Sa mga daan-daan.
Matobato: Daan-daan.
De Lima: Sino gumagawa ho nun?
Matobato: Si Artur Lascaas, si Sonny Buenaventura, si Jim Tan, si Maj. Lao, si Maj.
Francia, at saka yung kasama pa namin si
De Lima: Sila ho ba mimso gumagawa niyan o inuutos nila yan sa rebel returnees?
Matobato: Yan ang gumagawa, maam, ang ibang mga ibang rebel returnees yan. Ang
trabaho ng rebel returnees bumabaril lang, maam.
De Lima: Bumabaril?
Matobato: Opo, maam. Bumabaril lang.
De Lima: At paano sila bumabaril?
Matobato: Kung tinuro ang subject yung mga nasa gang war, pinupuntahan yan,
maam. Nagmo-motor.
41

De Lima: Sino nagtuturo ng mga subjects na yan?


Matobato: Mga barangay captain, maam. Mga barangay captain nagtuturo. Siyempre,
sa barangay mo, kailangan na alam mo ang...kung sino ang mga pasaway na bata.
De Lima: So tinuturo yan ng mga barangay chairman o captain? Tapos, paki-describe
nga ho ulit paano yan pinapatay ng mga rebel returnees, yung sa gang war, for
example. Kasi ho ang cinite niyo kanina, yung mga involved sa gang war. Paano ho sila
pinapatay?
Matobato: Yung sa gang war, maam, nilalapitan yan. Nilalapitan ng dalawang tao,
isang tao. Bigla lang binabaril.
De Lima: Nilalapitan?
Matobato: Oo, nilalapitan, maam.
De Lima: Meaning close range ang pagpatay?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Nung rebel returnee, ang sinasabi niyo?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Saan sila pinapatay? Sa bahay?
Matobato: Sa labas, maam. Sa mga kalye, yan iistambay-istambay. Bigla yang
pinpuntahan, maam, kung saan sila naglalago, kung saan sila nag-iistambay, maam.
De Lima: Ang katanungan, dahil nga sa dami na ng mga sinasabi niyo, sabi niyo nga
po, doon sa Ma-a quarry, yung Laud property, 1,000 na yung inano niyo dun, linibing.
Eh wala ho bang mga imbestigasyon? Wala ho bang mga kaso?
Matobato: Wala, maam. Sa pulis naman, wala namang imbestigasyon na ganyan,
maam. Alam naman nila na kung sino ang DDS. Miski sa NBI, dapat hinuli ng NBI yung
DDS. Walang nahuhuli na DDS kasi mga pulis yan, maam. Hindi yung mga civilian ang
DDS.

42

De Lima: Bukod po sa Laud o Ma-a quarry na sabi mo, tapunan ng mga pinapatay, na
yung marami nga yung mga chinachop-chop. Meron pa ho bang mga ibang lugar na
dinadalhan niyo ng mga bangkay?
Matobato: Meron kaming extension na libingan, maam, yung Gaisano property,
maam.
De Lima: Gaisano property.
Matobato: Oo.
De Lima: Saan po yan?
Matobato: Sa Ma-a quarry, maam. Lupa yun ni Ben Laud na binili ni Gaisano, maam.
Pero hindi yun nalalaman ni Gaisano kasi
De Lima: So extension yan kamo ng Ma-a quarry.
Matobato: Oo, maam. Ang nagpapatakbo niyan si Artur Lascaas, ang nagpapatakbo
sa Gaisano property. May caretaker kami doon na si Commander Toothpick. Ang totoo
niyang pangalan ay si Jun Casas. Yun talaga ang taga-libing kung medyo, kami, pagod
na kami. Siya ang naglilibing doon.
De Lima: Ito yung Gaisano property, yung extension ng Ma-a quarry?
Matobato: Oo, maam.
De Lima: So yung caretaker na yan, si Commander Toothpick, siya yung tiga-libing
kung pagod na kayo?
Matobato: Opo, maam.
De Lima: Diyan sa Gaisano property, sa pagkakaalam niyo, pagkakaalala niyo, kung
ano lang ho talaga alam niyo, based on your personal knowledge and recollection, ilan
naman ho ang mga nililibing doon?
Matobato: Madami-dami na, maam. Madami-dami na rin. Parang nabubulabog na
doon sa...kay Ben Laud, doon sa Gaisano, parang nakabakod na, maam. Parang kami
lang ang nakakapasok, maam doon sa property ni Mr. Gaisano.

43

De Lima: So wala kayong estimate? Kung sa Ma-a quarry, sabi niyo nga, mga kulangkulang isang libo, sa Gaisano property
Matobato: Sa Gaisano, maam mahigit siguro, sa estimate ko lang, mga 100 plus
siguro sa Gaisano.
De Lima: Na nilibing doon?
Matobato: Na nilibing namin.
De Lima: Sino yung mga nililibing doon sa Gaisano property?
Matobato: Hindi ko na nakikilala, maam, kasi yung iba wala naman kaming pangalan.
Dinudukot na lang bigla. Mas marami ang dinudukot kumpara sa binabaril, maam.
De Lima: Mas marami yung dinudukot kaysa sa binabaril?
Matobato: Opo, mas marami ang sina-salvage.
De Lima: Ano pa po, meron pa po bang ibang lugar na pinagtatapunan ng mga patay?
Matobato: Yung tapunan talaga namin, maam, doon sa Island Garden City of Samal,
sa sa laot, maam. Madami kami. Merong kaming sasakyan na bangka, yung pandagat.
Kinakarga namin, tinatapon namin doon sa Barangay Punta Paet (*1:26:10 hotel)
De Lima: Ano po yun?
Matobato: Yung hotel ng Malaysian doon. Parang hindi naman nag-o-operate. Meron
naman doon malakas na alon doon. Parang may mga (*1:26:25) isda, doon namin
tinatapon yung mga tao.
De Lima: So tinatapon niyo rin sa dagat?
Matobato: Dagat, maam. Dagat.
De Lima: Mga ilan naman ho yung mga ginanon niyo, na doon niyo tinapon sa dagat?
Matobato: Madami na, maam. Madami na. Kaya minsan yung bangka namin,
kumakarga yan ng 50 katao. Kumakarga yan. Pero minsan kinakarga namin, may pito,

44

may walo, may lima. Yun. Binibiyak muna namin yung katawan, pagkatapos, tinatapon
sa dagat, at saka linalagyan ng, minsan, yung buhangin, minsan yung hollow block.
De Lima: Kayo po mismo yung gumagawa rin ng ganun?
Matobato: Opo, maam. Opo, maam.
De Lima: Kayo po mismo?
Matobato: Oo, inaamin ko yan, maam. Inaamin ko yan.
De Lima: Bakit binibiyak?
Matobato: Para hindi lumutang, maam, para diretso makain ng isda, maam. Para
diretso makain ng isda.
De Lima: Diyan ho sa mga ganyan na tinapon niyo sa dagat, meron na ho bang mga
lumutang diyan?
Matobato: Opo, maam. Meron nang lumutang, katulad ng tao ni Prospero Nograles,
maam.
De Lima: Yung kinuwento niyo kanina?
Matobato: Opo, maam. Lumutang, maam.
De Lima: Ano nga hong nangyari ulit?
Matobato: Lumutang, tapos nakita ng mangingisda, maam. Inimbestigahan ng pulis.
Diyan kami pinaghinalaan ng pulis doon sa Caputian.
De Lima: I have to be honest. Im really so...sa dami po ng mga kinuwento niyo,
talagang sumasakit ang dibdib ko, sumasakit ang ulo ko.
Matobato: Sa akin naman, maam, alam ko yung pag-istorya ko...ang buhay ko naman,
maam, alam ko na hinahabol nila ako.
De Lima: Yun nga pala ho.
Matobato: Matagal na nila akong hinahabol.
45

De Lima: Kusa ho kayo na dumulog sa amin, hindi ho ba? Pero sabi niyo nga, nung
2014 kayo pumasok ng WPP, pero umalis kayo ngayong taon nung nananalo na o
panalo na si Mayor?
Matobato: Nanalo na, maam. Hindi ko umabot na umupo siya, maam, dahil sigurado
ako, ipapabunot din ako doon sa DS namin. Alam ko na yan. Alam ko na yan, maam,
na papatayin din ako para hindi ko makuwento.
De Lima: So kusa kayong dumating dito, kinuwento niyo ho yang...hindi ko ho madescribe kung ano yung mga
Matobato: Maski kapalit yung buhay ko, alam ko
De Lima: So alam niyo po yan na puwedeng kapalit yan ng buhay niyo? Kasi marami
kang inaamin eh.
Sen. Sonny Trillanes: Madam Chair, in light of the gravity of the testimony of the
witness, I move that we place, we recommend to the Senate President, that we place
the witness under the witness protection program of the Senate.
And likewise, I move that he be given the legislative immunity for testifying in this
hearing. So moved.
Sen. Tito Sotto: Madam Chair.
De Lima: Yes, Sen. Sotto.
Sotto: I dont think we have a quorum to approve a motion like that, parliamentary
immunity.
De Lima: Thats not parliamentary immunity. Thats actually legislative immunity.
Sotto: Legislative immunity, or whatever it is, we need a quorum for that.
Trillanes: Its here...I believe, Madam Chairman, the motion is for the committee
chairman to recommend to the Senate President for him to be placed under the witness
protection.
Sotto: If its recommendatory, we have no objection.
46

De Lima: Yes, because I think that is the usual process in proceedings like this, in
various committee hearings.
Lacson: Madam Chair?
De Lima: Yes.
Lacson: I support the motion to place the witness under the custody of the Senate
immunity.
De Lima: Yes.
Trillanes: And Madam Chairman, in light of the motion to place the witness under the
witness protection program of the Senate, in the meantime, perhaps the sergeant-atarms also provide a sanctuary within the Senate grounds so we can adequately protect
him, Madam Chairman?
De Lima: Yes, the motion is granted.
Sotto: Madam Chair, before you do that, may we know what is the witness protection
program of the Senate. I dont think we have one. And if we have one, may we know
what entails that?
De Lima: Sen. Drilon?
Drilon: For clarification and for the record, under Sec. 4, Republic Act 6981, which is
the Witness Protection, Security and Benefit Act, it provides: In case of legislative
investigations in aid of legislation, a witness, with his express consent, may be admitted
into the Program upon the recommendation of the legislative committee where his
testimony is needed when in its judgment there is pressing necessity therefor: Provided,
that such recommendation is approved by the President of the Senate or the Speaker of
the House of Representatives, as the case may be.
So as correctly pointed out by...so that the motion is for the committee to recommend.
He is not admitted into the program until approved by the Senate President. That is
why...I think, it was Sen. Lacson who said that if its only a recommendation, he has no
problem with that.

47

Sotto: I was the one who said that. But my problem is, what program do we have? I
think youre talking about the witness protection program of the DOJ. Theres no witness
protection program in the Senate.
De Lima: I can answer that. Under the law, the witness protection program under
Republic Act No. 6981 is under the Department of Justice. But in inquiries in aid of
legislation, the proper committee would recommend to the Senate President for the
admission and for the approval of the grant of immunity.
So with respect to the request to be placed under the protection of the Senate to give to
this witness appropriate protection, that is of course, approved. I dont think anyone
would object to that.
Sotto: Therefore, my question would be posed to the Senate President. I want to be
enlightened on what program we have. Pag sinabi nating may program
Drilon: Madam Chair, Sen. Sotto is correct. Strictly speaking, there is no witness
protection program in the Senate itself, but we recommend to the Senate President,
who in turn, approves or disapproves, and refers it to the Department of Justice.
However, Madam Chair, in the past, we have extended protection to witnesses in
Senate investigations. Mr. Jun Lozada, when he testified here, he was given Senate
protection. Mr. Doble was given Senate protection. Vice Mayor Mercado was given
Senate protection.
So independent of the process, the formal admission into the Witness Protection
Program, there were instances in the past when the Senate, using its discretion,
extended protection and assistance to the witnesses. There were...you know, I need not
go on record, but there were instances. I know it personally because I was the Senate
President. We extended protection to the witnesses even if they were not admitted into
the Witness Protection Program.
Trillanes: Madam Chair, so that we can resolve this issue, instead of splitting hairs, I
will qualify my motion that we place the witness under the custody of the Sergeant-atArms and let the Sergeant-at-Arms...will provide a sanctuary within the Senate grounds
in the meantime until other formal arrangements would be made. So let the committee
recommend to the Senate President the above mentioned details. So moved, Madam
Chair.

48

De Lima: So the motion is granted, as clarified. Senate is in the best position to afford
protection to this witness at this point.
Drilon: So that issue is already settled, I assume. But just on the technicality of the
witness being admitted to the Witness Protection Program, the law also...CHR
guidelines and procedure in the investigation and monitoring of human rights violations,
also provides for a CHR witness protection program.
CHR shall maintain and strengthen the witness protection program that is separate
from the current program of the government.
So maybe, we can also consider that, Madam Chair. Im just pointing out another area
that we can consider. Thank you, Madam Chair.
De Lima: Noted. So we can proceed. Maybe at this point, I would allow the members
present to pose questions to the witness, in accordance with the order of arrivalSen.
Trillanes, Sen. Drilon, Sen. Sotto, Sen. Lacson, and the latest so far, is Sen. Angara.
So do we need to pause for a 5-minute break? Lets have a break, five minutes,
suspension.
(11:01 a.m.De Lima calls for a 5-minute suspension of the hearing)

49

You might also like