You are on page 1of 4

Minsan may isang adik

Javier! Javier! Tara nat pumunta tayo sa paboritong tambayan! Anyaya


sa akin ni mikhael pagkatapos ay ngumisi.
Oo naman, matitiis ko ba naman ang hindi pagpunta roon? tugon ko
habang natatawa-tawa. Paalis na sana kami nang tawagin ako ni inay.
Javier! Ano ka ba namang bata ka! Dalawang araw na kitang mahagilap
ah, saan ka na naman pupunta? Ano? Mag-aadik ka na naman ba?!
Mag-aadik? Oo. Isa akong adik. Inuulit ko, ISA AKONG ADIK! Wala nang
makakapigil sakin, iyon ang pagkakaalam ko. Ito na ang libangan ko
simula noong nawala si itay. Limang taon na simula ng iwan kami niya
kami, limang taon na ring patapon ang buhay ko.
Oo na nanay! Mag-aadik na naman ako! tugon ko kay inay. Hindi
nakaligtas sa akin ang mapanghusgang mga mata ng aming mga
kapitbahay. Pero wala akong pakialam, nakasanayan ko na iyan.
Susmaryosep ka namang bata ka oh! Hindi mo ba alam na ang pag-
hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni inay at ipinagpatulog ang
paglalakad papunta sa aming tambayan.
Loko ka talaga, ipinagngalandakan mo na namang mag-aadik ka. Baka
kung ano na naman ang sabihin ng mga kapitbahay niyo. Hahahahaha si
javier na adik! pang-aasar sa akin ng kaibigan kong si Mikhael. Hindi ko
na lamang siya pinansin, para saan pat uulitin ko lang naman ang
paborito kong linya na wala akong pakialam.
Pagdating namin, malulutong na put*ngin* at t*ngin* ang agd na
bumungad samin. Sanay na kami diyan, paanoy nangunguna rin ako sa
pagmumura kapag naeengganyo na ako masyado.
Walangya pare, may mga bagong salta na naman. Ihanda mo na ang
mga armas natin! sigaw sakin ng isa ko pang kaibigan. Iyan na ang
hudyat para magsimula kami.
Boom! Sige! Tirahin mo pa! ay put*!!! Napakahina mo naman! sambit
ko.
Chill ka lang pare, marami pa tayong oras. Hahahahaha
pangpapahinahon sa akin ng kaibigan ko.
Pagkatapos ng limang oras ay patuloy pa rin kami sa aming ginagawa
hanggang sa ika-anim na oras ay dumating si inay
Javier! Jusko kang bata ka talaga oh! Umuwi na tayo, rumoronda na ang
mga tanod sa kabilang kalye!

Saglit na lang inay! Susunod na ako, mauna na kayo. Umalis si inay


pagkatapos marinig ang aking tugon.
Sa wakas! Woohoo! Sarap sa pakiramdam talaga nito, akin na ang mga
bayad niyo! sigaw ko sa aking mga kaibigan.
Pagkatapos mangolekta ay sumunod na ko kay inay pauwi.
Javier, anak. Araw-araw kang nasa computer shop halos doon ka na nga
matulog, hindi ka ba nagsasawa? Ilang taon ka nang ganyan. Hindi ka na
nakakapasok sa eskwelahan o di kaya naman ay araw-araw kang nagcucutting dahil lagi kang puyat tapos ang payat at hina na ng katawan mo
dahil nalilipasan ka rin ng gutom. Nag-aalala na ko sayo, anak.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit computer shop ang sinabi ni inay.
Oo, adik ako. Adik ako maglaro sa kompyuter. Hindi ko na ipinagpapatuloy
ang pag-aaral ko at talagang butot balat na ko dahil hindi na rin ako
nakakakain kapag nasa harap na ako ng kompyuter at magsimulang
maglaro.
Nagkakapera naman ako inay! Ngayon ay nakakolekta ako ng mahigit
dalawang daan sapagkat natalo ko na naman ang aking mga kaibigan sa
paglalaro kanina. Pangangatwiran ko kay inay.
Iyang nakolekta mong iyan, panandalian lamang iyan. Sigurado ako na
iyan din ang gagastusin mo bukas sa paglalaro, kulang pa nga. Hahabulin
mo na naman ako sa palengke. Anak naman, maawa ka sakin at sa mga
kapatid mo. Magtapos ka na ng pag-aaral sapagkat dalawang taon na lang
rin naman, kakayod ako anak. Para sa ikagiginhawa ng buhay natin.
Inay naman, iyan ka na naman eh! Sinabi ko na naman sa inyo na hindi
ko na kayang pigilan ang paglalaro ko sa kompyuter. Pag-aadik na nga ang
tawag niyo dito eh. Pasalamat na lamang kayo sapagkat imbes na sa
droga ay dito ako naadik. Hindi ko alam kung namalik-mata lamang ako o
nakita kong lumuha si inay. Pero manhid na ata ako, dahil kagaya ng
paborito kong linya, wala na akong pakialam.
Pagkaraan ng ilang linggo, habang ako ay naglalaro, nagulat ako sa isang
malakas na sigaw mula sa aming kapitbahay
Javier! Jusko! Ang nanay mo, isinugod sa ospital!
Natigilan ako sa aking narinig. Si inay, paano? Ilang segundo pa bago ako
makatugon.
Ano hong nangyari kay inay, aling nita? sagot ko sa nag-aalalang tinig.
Sino may sabing wala akong pakialam? Isa akong malaking gag*.

Nabangga siya habang naglalako ng gulay sa palengke! Dalian mo,


kritikal ang sitwasyon ng iyong ina!
Humahangos ako habang patungo sa ospital na sinabi ni aling Nita.
Pagdating ko doon, halos mawalan ako ng hininga ng makita ang akin
inang nakaratay at duguan habang pinagkakaguluhan ng mga taong
nakarobang puti. Pero may mas malala pa pala sa aking nakita.
Time of death, 12:51pm nangatog ang tuhod ko at halos mawalan ako
ng malay sa aking narinig. Isang hudyat ng doktor sa kamatayan ng aking
ina. Paano na? paano na kami ng tatlo kong kapatid? Lumapit ako sa
nanay kong mainit pa ang katawan,niyakap siya at, mahina akong umiyak
sa kanyang tabi sabay paulit-ulit na humihingi ng kanyang kapatawaran.
Inaina ko! Bakit kailangan mo kami iwan agad? Patawarin niyo po ako
ina, patawarin niyo po ako.patawarin niyo po ako katabi ko ang aking
tatlong kapatid na umiiyak rin kagaya ko.
Tatlong linggo na simula noong iwan kami ni nanay. Hirap na hirap na kami
ng aking mga kapatid at halos apat na araw na kaming kumakain ng kanin
na galing sa tira-tirang carinderia at sinasaluhan lang namin ng tubig at
asin.
Kuyapaano na? Ngayong wala na si ina ay wala na tayong maaasahan.
Hirap na tayo noon, mas doble ang paghihirap natin ngayon. Kuya hindi
kita sinisisi subalit kung ipinagpatuloy mo ang iyong pag-aaral ay panghuling taon mo na ito sa kolehiyo. Alam naman natin na ikaw lang ang
nabigyan ng pagkakataon na makatungtong ng kolehiyo sapagkat ikaw
ang panganay at hindi na kayang tustusan ni inay ang pag-aaral sa atin
ng sabay-sabay.
Natigilan ako sa sinabi sa akin ng aking kapatid. Nagsisisi ako, kung kaya
ko lang maibalik ang panahon ay hindi ko pababayaan ang aking pagaaral at hindi ako magpapaka-adik sa paglalaro ng kompyuter. Ang
tanging naitugon ko lang sa aking kapatid ay patawarin mo ako,
susubukan kong makapagtapos ng pag-aaral. Magsusumikap akong
itaguyod ang pamilya natin.
Congratulations, Engr. Javier Lapidario! You made them sign the contract
again! palakpakan, iyan ang naririnig ko sa aking mga empleyado
ngayon. Pitong na taon na ang nakakalipas, isa na akong inhinyero sa
sarili kong kompanya. Nagsisimula pa lang pero sunod-sunod na ang pagasenso nito.
Hindi biro ang mga pinagdaanan ko sa nakalipas na pitong taon, ginawa
ko ang lahat ng aking makakaya hanggang sa ako ay makapagtapos ng
pag-aaral. Kung dati ay hindi ako natutulog para lamang maglaro sa
kompyuter, naranasan kong hindi matulog ng isang buong araw
mapagsabay lang ang tatlo kong trabaho at ang aking pag-aaral.

Kumayod ako at kumakayod pa rin upang marating ko ang tagumpay at


mapagtapos ng pag-aaral ang bunso kong kapatid.
Kuyaaaa! Ang galing mo talaga! Ikaw ang superhero ng buhay namin!
Were so proud of you! bungad sa akin ng kapatid kong doktora na nasa
Amerika na sa ngayon.
Oo, madalas ay gumagamit pa rin ako ng kompyuter hindi dahil sa
paglalaro, kung hindi ay para sa mga dokyumeto at mensahe para sa akin.
Pati na rin sa pakikipag-usap ko sa aking mga kapatid na nasa ibat ibang
bansa.
Salamat doktora, sayang lamang ay wala na si inay. Kung sana ay
nabigyan ko siya ng panahon at oras noong nabubuhay pa lamang siya
pagdadrama ko sa aking kapatid.
Hay nako kuya, alam kong masaya si inay para sa atin. Nakangiti siya
ngayon sa langit habang pinagmamasdan tayong umaasenso.
Ilang sandali lamang ay nagpaalam na sa akin ang aking kapatid. Hindi
pa rin mawala sa isip ko ang aking ina. Inay, sana nga ay masaya kayo
para sa amin. Hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa inyo.
Mahal na mahal ko kayo.
Oo. Isa akong adik. Isa akong adik NOON. Hindi sa iligal na droga kundi ay
sa paglalaro ng kompyuter, subalit ano nga ba ang pinagkaiba?