You are on page 1of 5

Panganiban, Roman Cyril A.

2008 03955
Fil 25
Sir Nadera
Sanaysay
Ang sanysay ay isang uri ng panitikan na may iisang paksa na higit na pormal at maikli
sa ibang uri ng akda. Itinuturing din itong pinakagamit na uri ng panitikan. Ito ay madalas
naglalaman ng saloobin ng may akda tungkol sa ibat- ibang bagay. May dalawang uri ng
sanaysay. Ito ay ang pormal at impormal. Ang pormal ay kalimitang mga seryosong paksa ang
tinatalakay samantalang ang impormal ay karaniwang makikita sa mga blog sa internet.
Ang pormal na sanaysay ay tinawag din na maanyo dahil ito ay hindi lamang tumutukoy
sa kahit anong paksa. Ang mga paksa ng isang pormal na sanaysay ay kinakailangan ng
pananaliksik at pag- aaral ng mabuti bago magsulat ng kahit anong tungkol dito. Karaniwang ito
ay may isang particular na tema na kung saan ay ditto lamang iikot ang akda. Ang pormal na
sanaysay ay masasabing isa sing komprehensibong akda. Hindi alng dapat personal na opinion
ang nakalagay dito ngunit pati dapat ang isang malawak na sakop na opinyon. Dapat lahat din ng
nakalagay dito ay may basehan.
Ang impormal na sanaysay naman ay mas Malaya kung ihahambing sa pormal na
sanaysay. Malaya sa paksa na gagamitin pati sa mga salitang isususlat. Kung ang pormal na
sanysay ay nagbibigay linaw sa isang paksa, ang impormal naman ay nagbibigay- aliw ukol sa
isang paksa. Ito ay madalas sariling opinion o karanasan ng manunulat.
Ang importanteng kaibahan ng dalawang uri ay ang tinatawag na point of view sa Ingles.
Ang pormal na sanaysay ay gumagamit ng obhektibong pananaw, samantalang ang impormal ay
gumagamit ng subhektibong pananaw.

Para mas maliwanagan, suriin natin ang mga element na bumubuo sa isang sanaysay
pormal man ito o impormal.
Mga Bahagi ng Sanysay:
I. Panimula
-

Ang pinakasimula ng sulatin.

Nagbibigay ng mukha sa buong sanaysay.

Kailangan ay nakakapukaw pukaw ng atensyon ng mambabasa para maakit itong


basahin ang buong akda.

Dito nakasalalay ang kabiguan o tagumpay ng sanaysay.


1. Ilang paraan ng pagsulat ng isang panimula:
a. Pahayag na pasaklaw
- Resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago ang mga di gaanong
mahalaga hanggang importanteng detalye.
- Karaniwang paraan ng mga balita.
- Sinasagot ang Ano? Saan? Sino? Bakit? At Kailan?
Halimbawa:
Dakong alas- tres ng medaling araw ng saksakin ng tatlong kalalakihan
ang isang nagtitinda ng ballot sa kanto ng Tayuman.
b. Tanong na retorikal
- Isang pagtatanong na hindi naghihintay ng sagot o ang mambabasa ang
sasagot.
- Dapat ay nakakintriga
Halimbawa:

Alam mo ba ang nangyari ng huling magkaharap ang dalawang koponan?


c. Sipi
-Paggamit ng mga sinabi ng tao para makaanyaya ng mambabasa.
Halimbawa:
Ayon sa mga kataga ni Rizal, Ang hindi mag,ahal sa sariling wika ay
higit pa ang amoy sa malansang isda.
d. Paglalarawan
-Gimagamit kapag tao ang paksa ng sanaysay.
- Nagbibigay larawan.
Halimbawa:
Si Miguel ang pinasutil na bata sa baryo.Pero tila may kabutihan siyang
itinatago.
e. Makatawag pansing pangungusap
- Masarap managinip ng gising.
f. Salawikain
- Mga Kasabihan
Halimbawa:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay di makakrating sa
paroroonan.
g. Salaysay
- Sinasabi ang mga nangyari.
II.Katawan/ Gitna
-

Andito ang kaalaman

Ang buhay ng buong sanysay

Mga detalye na magbibigay linaw sa paksa at magbibigay kasagutan sa mga


katanungan.
1. Paraan ng pagsusulat ng katawan
a. Pakronohikal
- Tamang pagkakasunod ng mga pangyayari
b. Panggulo
- Batay sa personal na masasabi o opinyon
c. Paghahambing
- Inilalagay ang pagkakapareho at pagkakaiba
d. Papayak
- simple patungong kumplikado o kabaliktaran
III. Wakas

Ang katapusan ng sanaysay

Pinagsamasamng ideya

Dulo ng argumento
1. Paraan ng pagwawakas
a. Tuwiran
- Sinasabi ang kabuuhan ng akda
Halimbawa:
Iyon ang natutuhan. Dapat tayo ay luingon sa pinanggalingan.
b. Panlahat na pahayag
-Sinasaklaw ang buong sanaysay

Halimbawa:
Huwag matakot. Makibaka.
c. Pagtatanong
- Nagbibigay ng huling tanong sa mambabasa
Halimbawa:
Ano, sasama ka ba?
d. Pagbubuod
- Pinakisikat
- Ang buong akda sa isang mas pinaikling paraan.

Kung tutusin simple lamang ang sanysay pero marami palang kailangan isaalang- alang
sa pagsulat nito. Marami din ang may deskripsyon sa kung ano ang isang sanaysay. Ayon kay
Genoveva Matute: Pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw,
magbigay-kaalaman o magturo. At ang sabi naman ni Alejandro Abadilla: pagsasalaysay ng
isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Iba- iba man an gating
deskripsyon ng sanaysay, ang mahalaga ay nakakasulat tayo ng malaya sa kung ano an gating
nararamdaman.
Mga Sanggunian:
tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay
www.pinoyblogero.com/sanaysay/2008/03/11
www.sanaysay.org
Mga notes sa PanPil12

You might also like

  • Uguhk
    Uguhk
    Document2 pages
    Uguhk
    Cy Panganiban
    No ratings yet
  • Adsasdasd
    Adsasdasd
    Document6 pages
    Adsasdasd
    Cy Panganiban
    No ratings yet
  • Adad
    Adad
    Document1 page
    Adad
    Cy Panganiban
    No ratings yet
  • Sdasda
    Sdasda
    Document2 pages
    Sdasda
    Cy Panganiban
    No ratings yet
  • Uighygfgv
    Uighygfgv
    Document19 pages
    Uighygfgv
    Cy Panganiban
    No ratings yet
  • XZVZXV
    XZVZXV
    Document1 page
    XZVZXV
    Cy Panganiban
    No ratings yet