You are on page 1of 1

Abstrak

Pamagat: Tuli sa Pukpok: Kulturang Pilipino, Tradisyong Pagbilawin


Mananaliksik: Bren Lovin

Ang pananaliksik na ito ay ginawa ni Bren Lovin upang mabigyang kaalamnan ang mga Pilipino kung
bakit nga ba kailangan ng mga lalaking magpatuli at kung ano ang magiging mabuting dulot nito at kung
ano rin ang maaaring maging masamang dulot nito kapag hindi nagpatuli ang isang lalaki.
Layon niyang malaman ng mga tao ang mga ginagawa noong unang panahon katulad ng sa pagtutuli.
Naibangggit din niyang sa paraan ng pagsusulat nito ay maipapakita niya ang kinalakihang nating bayan,
At kung anong kultura at kasaysayan ang mga mayroon tayong mga Pilipino.
Dito ibinahagi niya ang Kasaysayan ng Pagtutuli at ang mga relihiyon ng ibat-ibang mga tao, Upang mas
lalo nating maunawaan ang sinasagawang pagpapatuli sa isang lalaki. Ipinalawak ni Bren Lovin kung ano
nga ba ang kahulugan ng Pagtutuli sa susunod na bahagi ng papel, At Inikumpara niya kung paano
isinasagawa ang pagtutuli noong unang panahon at ang pagtutuli ngayon sa ating panahon. Kung noong
sinaunang panahon gumagamit pa ng putpot, dahon ng bayabas at bagay na ikinukuskos sa bao ng niyog
ang isang manunuli, Ngayon sa ating henerasyon ay mayroon ng mga teknolohiya at mga anesthesia at
kung ano ano pang gamit na puwedeng gamitin ng doktor sa kaniyang pasiyente o sakaniyang tutulian
upang hindi na nito gaanong maramdaman ang sakit.
Nag-interbyu din siya ng isang mahusay na manunuli na tiga-Pagbilao upang mas lalong malaman kung
bakit nga ba ito isinasagawa, Itinanong niya kung saan natuto magtuli ito at kung ano ang mga gamit na
ginagamit noon kapag ginagawa na ito sa isang lalaki. Ayon kay Mang Romeo na matagal ng nanunuli,
Inikwento niya kay Ben ang mga kagamitan sa Tradisyonal na Pagtutuli at ang mga Proseso ng Pagtutuli.
Ayon din sa mga ibang nainterbyu ni Ben, pinili nila ang tuli sa pukpok sapagkat maganda ang tuli dito.
Tatlo ang nagsabi sa mga kalahok, na dito mo masusubukan ang tapang sapagkat wala naman
itong anesthesia hindi gaya ng tuli sa lisensyadong doktor. Samantala lima ang nagsabi na makasisigurado
kang mainam ang tuli sa pukpok sapagkat hindi na ito babalik pa sa dati hindi gaya ng tuli sa doktor.
Base sa mga nakuhang impormasyon ni Ben, Ang pagtutuli ay isa na talagang tradisyonal na pamamaraan
sa isang Kulturang Pilipino at hindi natin dapat itong ikahiya.

You might also like