You are on page 1of 12

PANAHON NG KASTILA

Panunuluyan
ay dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang
tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem. Ang mga bahay ang mistulang dinudulugan
ng mag-asawa, na humihingi ng silid upang makapagpahinga, lalo't kagampan si Maria. Sarisaring adaptasyon ang binuo hinggil dito, mulang iskrip hanggang kasuotan. Karaniwang
ginagawang makatotohanan ang pagsasadula at palamuti sa mga bahay. Bawat bahay na
dalawin nina Maria at Jose ay naghahandog ng pagkain, kakanin, kendi, at iba pang bagay sa
mga taong nanonood. Magwawakas ang dula sa harap ng simbahan o kapilya, at doon
isisilang ni Maria si Hesus na nakatakda namang maging tagapagligtas ng daigdig.

PANAHON NG PAGKAMULAT
La Casa de Huespedes
( Ang Pangangasera)
naglalarawan ng isang pangaserahan na ang kaseray naghahanap ng mangangasera hindi
upang kumita kundi upang maihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak.

PANAHON NG HIMAGSIKAN
Fray Botod
May dalawang taong nag-uusap at ang kanilang pinag-uusapan ay tungkol kay pari
Botod.Nasa plaza sila at nakita nila ito na may kasamang babae. Sinasampal ang babae at
napaluhod ito at nagmamakaawa na wari huihingi ng kapatawaran .siya ang kuru ng paroko
sa bayan. Talagang naririto sila at nagmamalabis hindi sa ispiritwal na bagay kundi
sa( politico) pamahalaan at sa kalaswaan.
Ang kahulugan ng botod ay malaking tiyan at ito ang itinutuligsa kanya ng mga tao. Ang
ngalang binyagan ay ana dahil sa ipinanganak sya sa kapistahan ng santa ana-ina ng mahal
na birheng maria. Siya ay taga-aragon at ang maga magulang niya nakilala. Siya ay
natagpuan ng isang mangingisda sa ilog ng ebro malapit sa simbahan ng our lady of
pillar- nang sumapit sa 14 na taon ay nagpunta sa villadolid sa kombento ng mga agustino.
Siya ay 21 na taon ng maatasang pumunta sa pilipnas.
Siya ay nag anyong mahiyain ngunit pagkatapos na maging kura paroko, naging
mapagmalaki at napakayaman ,pandak siya, may bilugang mukha na parang buwan,
bilugang pisngi. Makapal na labi, maliit ang mga mata ang butas kaya medaling makaamoy.
Mamula-mulamg buhak, bilugan ang ulo na tulad ng bao ng niyog .kunot ang noo at matalas
tumingin. Napaklaking tiyan nakausli at maikli ang leeg- iyan si padre botod.

PANAHON NG AMERIKANO
Walang Sugat
Ang tatay ni tenyong ay tinurtor nang matindi at nasa bingit ng kamatayan nangabutan ni
tenyongat ng kanyang ina. Sa pagkamatay ng kanyang ama, si tenyong ay nagpasyang
sumama sa armadong pakikibakang inilulunsad ng espanya. Sa kanilang matagal na

pagkawalay ay pinuwersa si julia na ikasal sa ilustradong so don miguel. Bago ang


nakatakdang kasal, pinahanap ni julia si tenyong sa dating alalay na si lucas. Nahanap ni
lucas si tenyong sa kampo ng mga rebelde at naipaabot ang masamang balita ng
pwersahang pagpapakasal ni julia kay don miguel.pero bago pa man makatugon si tenyong
sa liham ni julia,sinalakay ng mga kastila ang kampo ng mga katipunero. Nagkahiwalay si
lucas at tenyong sa gitna ng labanan. Nakatanggap ng liham si julia mula sa isang heneral
na malubhang nasugatan at nawawala ang batang kapiotan na si tenyong. Dumating na ang
nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si julia na pumayag, sa pag-akalang patay na
si tenyong at sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni julia. Sa
pagkamatay daw ni tenyong maaari nang pakasalan ni julia at miguel. Dahil mukhang
matutuluyan na nga si tenyong, pumayag na rin si miguel sa kakaibang dying wish na
tenyong. Kinasal si tenyong at julia ng paring kastila. Matapos ang seremonya ng kasal,
biglang tumayo si tenyong, at lahat ay napamaang sumigaw, Walang sugat! Walang sugat
PANAHON NG HAPON
Tatlong Maria
May tatlong pangunahing karakter: ang
magkakapatid na sina Maria Fe, Maria
Esperanza at
Maria Caridad na may magkakaiba ring ugali
na
taglay. Sila ay magkakapatid sa amaang
unang
dalawa ay yumao na ang ina samantalang ang
bunso
ay anak ng kanilang ama sa ikalawang asawa,
si
Donya Pilar. Gayunpaman, maging sina Fe at
Esperanza ay malapit din sa kanilang madrasta
na
si Donya Pilar. Yumao na ang kanilang ama at
hindi
naglaon, nakapag-asawa sina Fe at Esperanza.
Pinili nilang lisanin ang lalawigan na kanilang

kinagisnan at manirahan sa Maynila.


Samantala,
ang bunso na si Caridad ay nanatili sa
lalawigan
upang alagaan ang mahina na niyang ina at
pangasiwaan ang kanilang bukid.
Nang sumiklab ang giyera, walang nagawa
ang dalawang magkapatid kung hindi ang
bumaliksa lalawigan dahil sa kahirapan ng
buhay. Buongpuso
naman silang tinanggap ni Caridad at pinatigil
sa bahay nilang mag-asawa. Nagkataon din na
sa
araw ng pagtatag ng (Ikalawang) Republika, si
Caridad ay nagsilang ng isang malusog na
sanggol
na lalaki.

BAGONG LIPUNAN

Juan Obrero
ni Richie Valencia
---------------------Masdan si Juan Obrero,
Pilipino
Wala siyang ari-ariang
malaki,
Ang sariling lakas ay
ipinagbili niya sa puhunan
upang mabuhay.
Masdan si Juan Obrero,
Pilipino.
Manggagawa nga, pero
walang trabaho.
Sa kanyang lipunan,
karaniwan na ang

manggagawang walang
trabaho.
Kayat hayun siya,
naglalakad, naglalakad,
naglalakad.
Nagbibilang ng poste.
Namumulsa kahit walang
laman ang bulsa
Titingin-tingin, susulyapsulyap.
Nagmamasid, nagtatanong.
Naghahanap ng trabaho.
II

Nagtuloy si Juan Obrero sa


factory.
Nagprisinta.Nagsumamo.Nag
makaawa.
At siyay tinanggap ng
kapitalista.
Pinapagtrabaho siya sa isang
madilim at mabahong lugar.
Wala siyang coffee break.
Wala siyang noon break.
Wala kasing kantina.
Wala ring ilaw.
Walang bintana.
Walang bentilador.

Wala ring minimum wage


pagkat mahal daw ang
produksiyon.
Isang araw nilagare ng
makina ang kamay ni Juan
Obrero.
Sabi ng kapitalista, Sorry, it
was an accident.
Hindi siya maipagamot
pagkat wala namang klinika
ang factory.
At si Juan Obrero ay
sinisante.
Hindi raw sila tumatanggap
ng mga may kapansanan.
III
Iniwan ni Juan Obrero ang
siyudad.
Tumuloy siya sa lalawigan.
Baka doon, may trabaho.
Nagtuloy si Juan Obrero sa
hacienda.
Nagprisinta, Nagsumamo,
Nagmakaawa.
At siyay tinaggap ng
hacendero.
Pinagsaka si Juan Obrero sa
isang maliit na lupang bahagi
ng hacienda
Nagpawis.Nagpagod.Nagban
at ng buto.
Pagkaani, kinuha ng
hacendero kay Juan Obrero
ang utang nito.
Sa binhi
Sa kalabaw
Sa araro
Sa makina
Sa patubig
Sa tindahan ng hacendero
At ang abuloy nito para sa
kaarawan ng anak ng
hacendero.
Walang natirang palay para
kay Juan Obrero.
Umutang na lang daw siya
uli.
Humingi si Juan Obrero ng
Land Reform.
Sabi ng pamahalaan,
Ay magbayad muna siya ng
Registration Fee
Land Title Fee
Seeding Fee
Beast of Burden Fee
Plowing Fee
Machinery Fee

Irrigation Fee
Grocery Fee
Contribution Fee
At sangkatutak pang mga
fee.
Sabi ni Juan Obrero,
Hindi na lang daw siya
magla-Land Reform.
Sabi ng teknokrat ng
pamahalaan,
See, the masses are
resistant to change!
IV
Iniwan ni Juan Obrero ang
lalawigan.
Tumungo siya sa Malabon.
Baka doon sa pondohan may
trabaho.
Nagtuloy si Juan Obrero sa
pondohan.
Nagprisinta, Nagsumamo,
Nagmakaawa.
At siyay tinanggap bilang
batilyo.
Bilang batilyo, binubuhat
niya ang mga banyera ng
isda
mula sa daungan patungo sa
pondohan.
Bilang batilyo, tungkulin
niyang sumunod sa mga
patakaran
ng mga fish dealers.
Pinapagtrabaho siya sa isang
maburak at madulas na
lugar.
Wala siyang coffee break.
Wala siyang noon break.
Walang karapatang mangumit ng kahit isang maliit na
isda.
Wala siyang karapatang
kumain ng isda.
Hanggang sardinas lang sila.
Si Juan Obrero ay wala ring
karapatang magreklamo sa
suweldo.
Wala siyang karapatang
magsuweldo kung ayaw ng
fish dealer.
Wala din siyang karapatang
masugatan, pagkat wala
namang
klinika ang pondohan.
Lalong wala siyang
karapatang madulas, pagkat
baka mamatay siyat

sagutin pa ng fish dealer.


Isang araw, dumating ang
mga Sakang.
Pinaaalis ang mga batilyo.
Hindi na raw sila kailangan.
Mayroon na kasing
dambuhalang kamay na
bakal na bubuhat sa mga
isda.
Wika nga, eh, Maximum
machinery, minimum rabor.
Wala na namang trabaho si
Juan Obrero.
Sabi ng Sakang,
Bibigyan siya ng trabaho.
Pero kailangang kumuha siya
ng --IQ Test
NCEE
CAT
at Interview Test.
Sabi ni Juan Obrero,
Hindi na lang daw bale.
V
Iniwan ni Juan Obrero ang
Malabon.
Tumuloy siya sa Mindanao.
Baka doon may trabaho.
Baka doon, puwede siyan
mangisda nang mapayapa.
At si Juan Obrero nga ay
nakapangisda nang
matahimik sa baybay-dagat.
Nagtayo ng kubo katabi ng
iba pang mangingisda.
Nangisda, nangisda,
nangisda.
Isang araw dumating uli ang
mga Sakang.
Giniba ang bahay-kub ni Juan
Obrero sa may tabing-dagat.
Magtatayo daw kasi ng
Sintering Plant doon.
Pinalayas si Juan Obrero mula
sa dalampasigan.
Pinaaakyat ng bundok.
Sa bundok na lang daw siya
mangisda.
Samantala, ang mga sukal
ng sinter plant ay itatambak
daw
ng mga Sakang sa dagat.
At ang dagat ay iitim,
dudumi, babaho.
At ang mga isda sa dagat

Ay pupunta raw sa bayan ng


mga Sakang
Para gawing sardinas
Na ipagbibili kay Juan Obrero.
VI
Iniwan ni Juan Obrero ang
Mindanao.
Nagbalik siya sa siyudad.
Baka doon, may mahahanap
pa ring trabaho.
Tumuloy siya sa Maynila.
Nagprisinta, Nagsumamo,
Nagmakaawa.
At siyay tinanggap na
jeepney driver.
At si Juan Obrero ay
nagpasada.
Nagpawis.Nagmabilis.Nagma
bagal. Nangitim sa init.
Itinaas ang presyo ng langis.
Nagpasada pa rin si Juan
Obrero.
Nagpawis.Nagmabilis.Nagma
bagal. Nangitim sa init.
Itinaas uli ang presyo ng
langis.
Nagpasada pa rin si Juan
Obrero
Itinaas na naman ang presyo
ng langis!
Nagpasada pa rin si Juan
Obrero.
Miski minumura na siya ng
mga pasahero.
Ang pamaasheng datiy kinse
--Naging beinte.
Naging beinte-singko.
At ngayon Treinta!
Hindi rin naman
naginhawaan si Juan Obrero.
Mahal na rin kasi ang
galunggong!
Ang upa sa bahay!
Ang lagay sa pulis!
Ang matrikula sa eskuwela!
At lahat-lahat na!
Isang araw, lumabas ang
dambuhalang walis sa
Maynila.
Winalis ang lahat sa daan,
pati ang jeepney ni Juan
Obrero.
Sabi daw kasi ng turista,
Hindi modern ang jeepney,
Sabi daw ng turista,
Hindi civilized ang jeepney

Kayat aalisin na lang daw


ang lahat ng jeepneys.
At ang ipapalit ay ang
dambuhalang Greyhound
buses ng Kano.
VII
Iniwan ni Juan Obrero ang
pagiging driver.
Naglibot siya sa siyudad.
Baka kahit saan, may
mahahanap pa ring trabaho.
Tumuloy si Juan Obrero sa
ibat ibang parte ng Maynila.
Nagprisinta, Nagsumamo,
Nagmakaawa.
Hanggang siyay makuhang
sidewalk vendor.
At si Juan Obrero ay naging
sidewalk vendor.
Nagbenta ng kun anu-ano.
Komiks, komiks kayoriyan!
Bulletiiiiin! Daily
Expreeeeees!
Juicy Juicy Juicy! Pisbol,
Pisbol!
Aaaaaah mani-mani-manimani-mani!
Aaaaaah mani-mani-manimani-mani!
Maa, Philip? Marlboro?
Sampiyon?
Hala, bargeyn lapit lapit dito!
Jockey para kay Lolo
Shorts para kay Lola!
At si Juan Obrero
Ay nagtago sa pulis.
Nagmulta sa pulis.
Nakipagsigawan!
Nakipaghabulan!
Nakipaggitgitan! Nakipagunahan!
Nakipagtawaran!
Nakipagbaratan!
Isang araw, dumating ang
dambuhalang walis .
Winalis si Juan Obrero mula
sa bangketa.
Sabi daw kasi ng turista,
Very unruly ang mga
sidewalk vendors
Sabi daw kasi ng turista,
Very uncivilized ang mga
sidewalk vendors
Kayat winalis si Juan Obrero
mula sa bangketa.
VIII
Pinasukan ni Juan Obrero ang
ibat ibang trabaho.

Kahista sa palimbagan.
Kompositor.
Dyanitor sa opisina.
Kaminero. Basurero
Textile worker.Tagalagay ng
takip ng bote ng ketsap.
Piyon.Karpintero.Pintor.Barnis
ador.
Tagagawa ng sapatos.Ng
silya.Ng pagkain.
Ng damit.Ng tabla.
At maraming-marami pang
iba.
At sa bawat trabaho
Ay marami ang bawal.
Bawal ang magreklamo.
Bawal ang humingi ng mas
mataas na suweldo.
Bawal ang mag-unyon.
BAWAL IPAGLABAN ANG
SARILING KAGALINGAN!
Awit ni Juan Obrero
Bakit ako niyuyurakan
Bakit ako inaapi
Di bat sa akin din
nanggaling
Ang puhunan?
Bakit ang suweldoy di sapat
Gayong tuboy sadyang
malaki
Bakit kami walang unyon
Pag nagprotesta ay
sinasaktan?
Koro:
Welga, Welga
Welga, Welga
Siyang tanging lakas
Sinumang lumikha ng yaman
Ay siyang dapat magtamo
nito
Welga, Welga
Welga, Welga
Siyang tanging lunas
Karapatan ay ipaglaban
Nang kagalingay matamo.
Kapitalista at pamahalaan
Tila ngayoy magsapakat
Ang manggagaway iniipit
Nang husto
Di laging bayay nagdurusa
Masang api ay titindig din

Uring manggagawa ang


kanilang bisig
(Ulitin ang koro)
IX
Masdan si Juan Obrero,
Pilipino
Wala siyang ari-ariang
malaki,
Ang sariling lakas ay
ipinagbili niya sa puhunan
upang mabuhay.

Masdan si Juan Obrero,


Pilipino.
Siya ay lumikha ng yaman ng
mundo
Subalit di siya kabahagi ng
yamang ito.
Subalit di siya
pinahihintulutang
makibahagi sa yamang ito.
Kayat hayun siya,
naglalakad, naglalakad,
naglalakad.

Umaakyat sa bundok.
Tumatawid sa mga ilog.
Binabagtas ang mahahabang
daan.
Upang ituwid ang mga
kabalintunaan ng mundo.
Upang ang tunay na layay
kamtan!

PANAHON NG REPUBLIKA
ANG KIRI NI SERVANDO DE LOS ANGELES

Ang Kiri" (The Flirt) ay isang sarswela sa tatlong mga kilos na isinulat ni Servando de los
Angeles sa 1926. Its musika ay sa pamamagitan Leon Ignacio. Diwata Films ginawa ito
sarswela isang pelikula at may pamagat na bilang Mahiwagang Binibini sa 1939. Ito ay
restaged sa Main Theater (ngayon Tanghalang Nicanor Abelardo) ng Cultural Center of the
Pilipinas sa 1974 at din sa Metropolitan Theater sa Maynila noong 1979. Ang pagkakaroon ng
351 performances ginawa sa record, ito ay isa sa mga pinakamahusay na-kilala sarswela sa
panahon ng noong wala pang gera panahon.
Ito ang unang pag-play na may isang flirt bilang punong-guro character. Ito recounts ang
kuwento ng isang kiri, isang masaya-mapagmahal at party-pagbibigay flirt na gumaganap at
fools kanya suitors puso. Ang isang kanta na isinulat ni Jose Corazon de Jesus ay inawit sa
panahon ng pag-play upang ipaliwanag kung paano siya ay naging kung sino siya.
Pagkatapos, sa wakas realizes na sa katunayan isa sa kanyang mga suitors ay tapat at nagaalok ang kanyang tunay na pag-ibig.

Maikling Kwento na Ginawang Dula


Ang Buhay ni Neneng
ni Harvey Lyca Alcansis

Isang gabing madilim sa isang baryo umalingaw-ngaw ang tinig ng isang Inang buong sikap
na kinaya ang sakit at hapding nadarama, sa panganganak sa kanyang pangalawang
sanggol. Eksaktong alas diyes ng gabi ay isa nanamang munting tinig ang narinig ng mga
taga-baryo, ang tinig ng kasisilang na batang sanggol na babae.
Buong pagmamahal na inaruga at analagaan ng butihing mag-asawa ang kanilang malusog
na batang babae. Pinalaki nila ito ng may takot sa Panginoon at magandang asal, ngunit
kung minsan ay nakakalimutan ni Neneng ang pagtitimpi.kung kaya napapasumo ito sa
away.Si Neneng ay pala-away ngunit iyakin, kilala ito sa baryo na iyakin hanggang sa ito ay
lumaki, iyakin parin ito. Lumala pa ang pagka-iyakin ni Neneng ng ang kanyang tatay ay
umalis at pumunta sa malaking ciudad dahil doon na destino sa trabaho. Hirap man sa
buhay ang pamilya ay naibigay parin ng mga magulang ni Neneng ang kanyang
pangangailangan. Isang umaga, ng si Neneng ay pagising palang para maghanda sa

pagpasok ay bigla lang siyang pinigilan ng kanyang nanay, nabigla si Neneng akala niya ay
may lakad sila ng Nanay.

Nanay: Neneng! Anak, lumiban ka muna sa klase. Matulog ka muna, inaantok kapa kasi eh!

Neneng: eh paano po yung pasok ko nay?

Nanay : wala naman kayong eksam ngayon anak, lumiban ka muna at upang makagpahinga
ka naman.

Neneng : (tuwang-tuwa sa desisyon ng Nanay) ah! Sige. Total inaantok pa po naman ako.
( patuloy na natulog)
Nang magisin g si Neneng ay tanghali na at nagugutom na siya. Matapos niyang mailigpit
lahat ang kailangan iligpit ay nagtungo ito sa labas ng bahay at hinanap ang kanyang Nanay.
Neneng : Nay! Nasaan ka na? (inikot ang buong bahay. Hanggang sa nakarating sa mga
kapit-bahay ngunit di parin nakita ang kanyang Nanay.)
Nay! Nay!
(paparating ang Nanay na may dalang dalawang pirasong pagkain)
Nanay : oh! Nasan na si kuya? Bat wala pa ditto? Pinauwi ko na yun kanina lang ah!!
Neneng : Ah! Eh! Andyan na oh!
`Nanay : hala sige pumanhik na kayo at para makakain na tayo.
Naghanda si Nanay ng mainit na tubig at nilagyan ng konting kape at asukal, sabay hapag sa
dalawang piraso na tianapay.
Nanay : hala sige at kumain na kayo
Dali-daling kinuha ng kuya at ni Neneng ang dalawang tinapay. Nakita nilang walang tinapay
si nanay kaya, naisipan ng magkapatid na hati-an ang kanilang nanay, ngunit pinaubaya
nalang ng nanay ang lahat ng pagkain sa dalawa.
Kuya : Nay kulang pa eh! Nagugutom pa ako.
Neneng : Ako rin.
Nanay : wala na tayong pambili ng tinapay, di pa nagpapadala ang tatay.

Neneng: Nay! Papel nalang kasi tatanggap naman si Lola Erning ng papel basta may Lagda
ninyo.

Nanay: di na tayo pauutangin nun, kasi di pa tayo nakakabayad sa kanila.


Kuya; ah sige lang.
Buong araw na walang bigas ang mag-ina. Nagluluto nalang ang nanay ng saging
upangpampatawid gutom sa kanilang mag-ina. Nginit kinagabihan ay humingi ang dalawang
bata ng kanin, walang magawa ang nanay, wala silang bigas kaya ginawa nalang niyang
remidyuhan ang panis na kanin. Hinugasan niya ng mabuti ang kanin at ginawang lugaw
para lang may makain ang kanyang mga anak. Ipinagdasal nalang ng nanay na sana ay hindi
ito makakasama sa tiyan ng kanyang mga anak. Pagkatapos maluto ang lugaw ay ginising
ng nanay ang kanyang dalawang anak at silang tatlo ay kumain.
Kinaumagahan ay dininig ng Diyos ang panalangin ng mag-ina. Di pa nakabangon ang magiina ay dumating ang tatay ni Neneng at may dalang maraming pagkain.Dali-daling
bumangon si Neneng at ang kuya upang kumain, nakita ni Neneng ang pagtulo ng luha ng
Nanay. Nagtaka si Neneng kung bakit? Naisip niya rin, siguro dahil di lang nakayanan ni
Nanay ang hirap ng buhay.
Magmula noon sa pangyayaring yaon ay hindi na naging pabaya ang tatay na maubusan sila
ng bigas sa hapag-kainan.Hikahos man sa buhay ay nakayanan naman nila ang mga
pagsubok. Ngunit, isa pang dagok ang dumating sa buhay ng ni Neneng. Isang gabing
galling ang pamilya sa birthday party ng Lola ay biglang nadisgrasya ang nanay na siyang
naging dahilan sa pagkakaroon ng crack sa buto ng paa ng nanay. Naging mahirap ang
buhay nila Neneng. Isang araw na kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang:
Tatay ; Neneng anak! Mula ngayon ay ikaw na ang gagawa sa gawain ng nanay, kasi di pa
niya kaya.at si kuya naman ay tutulong din sa gawain ditto.
Neneng : opo! Lahat po ba ng gawaing bahay?
Tatay; Oo!
Si Neneng ang lahat na gumagawa sa gawaing bahay- at kung minsan ay nagbabantay
tuwing gabi sa pag-ihi ng nanay kapag wala ang tatay. Doon naranasan ni Neneng ang hirap
ng trabaho ni nanay sa araw-araw, minsan ay napapaliban sa klase si Neneng kasi walang
magbabantay sa nanay kasi may pasok din si tatay sa trabaho. Sa pagkakataon ding yaon ay
naranasan ni Neneng at nasaksihan ang hirap at pasakit ng tatay sa pag-aalaga sa
nanay.Gabi-gabi ay nagpapanata ang tatay at kung minsan ay umiiyak nagmamakaawa sa
panginoon na naway tulungan ang pamilya na makayanan ang dagok na naranasan. Umiiyak
na lamang ng sekreto si Neneng dahil ayaw biyang makita siya ng kanyang pamilya na
umiiyak.
Hindi naman nagtagal ay dininig ng panginoon ang panalangin ng pamilya, at muli ay naging
maayos ang kondisyon ng nanay. Nakakalakad na ito, di katulad ng dati na humihiga lang ito
sa kama. Nang tuluyan na ngang gumaling ang nanay ay sunod-sunod na biyaya na naman
ang natanggap ng pamilya.
Tatay ; Natransfer ako sa kompanyang mas malaki ang sahod kaysa sa dati.
Nanay : Talaga?

Tatay ; madadaragdagan na ng malaki-laki ang budget natin kung kaya ay makaluwag-luwag


na tayo.

Nanay : Oo nga at malaki din ang matutulong ng dagdag mong sahod sa ikauunlad ng ating
buhay.
Oo ngat di masyadong malaki ang kinikita ng tatay ay naibibigay naman nito ang mga
pangunahing pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang kuya ay nakapag-aral sa kolehiyo
ngunit dalawang taon lang kasi nakabuntis. Si neneng naman ay kasalukuyang nag-aaral at
sana kaawaan ng Diyos na makapagtapos ng pag-aaral. Si bunso naman ay nag-aaral din sa
hayskul. Di man mayaman si Neneng sa mga magagandang ala-ala at di man niya
masyadong na eenjoy ang buhay ng bata ay di naman ibig sabihin ay habang buhay na
siyang maging malungkot. Darating din ang araw na siya ay magiging masayang-masaya.

TULANG MALAYA

Mayaman o mahirap

Kabayanihan
Mga bayaning
Ang kabayanihan

Jose Rizal at iba pa

Isang mabuting gawa

Walang takot na ipinaglaban

Para sa sarili
At sa bansa

Ang ating kalikasan

Hindi madali

May magagawa and sinuman

Pero kaya ng lahat

Kaya dapat nating gayahin

Bata o matanda

Ang mga taong nagsakripisyo


Para sa ating bansa

TRADISYUNAL NA TULA

Tumulong lagi sa mahirap at wala

Kagandahang-asal

Huwag tumanggap ng anumang kapalit

Kagandahang-asal sa atin ay likas


Laging tatandaan na maging magalang

Wala mang ibigay ay huwag magalit

Iyan ang bilin ng ating mga magulang

Tayo ay magsipag sa lahat ng bagay

Isiping magmahal sa kapwa ng wagas

Sa paaralan man ito o sa bahay


Maging masunurin sa ating mga guro

Magpakita ng respeto sa matanda

Sila ang mga walang sawang nagtuturo

Bigyang pansin and nagmamahal sa atin


Pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa
Sa puso natin ay hindi mawawala

Kagandahang-asal ay laging isipin

PORMAL NA SANAYSAY

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)


ni: J
Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction.
Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang
alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal
na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at
mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising
ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom.
Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at itoy nakagawa na ng isang
malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa
iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain.
Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto
ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang
sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang
labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom
ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang
kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isaisantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at
makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang
ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.
Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa ngat naimpluwensiyahan na nito
ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring
mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit
maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng
mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom
ng alcohol.
Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban
ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo

lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa
pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo
sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman
maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom
ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari
mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado
akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas
magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon.

DI-PORMAL NA SANAYSAY
Istorya ng Pinto
ni: J
Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng
kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at mga
motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng Valentines Day ay
binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit kaunting saya ang
pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng nagbigay sa binigyan. At
ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay nakamit sa pamamagitan ng PDA at
PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang mahalagay tumitibok ang puso ng bawat isa.
And love is in the air.
Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay.
Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at
siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.
Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko hinasa
ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging maingay.Laging
magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.
Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na
iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang ingay
at gulo ngunit naroon din ang sayat ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang buhay.
Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili sa
pagtanggap sa mga aberya.
Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa paligid ang
katahimikan at sa umagay gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng hangin. Okay na rin
kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng ingay ng Maynila. Narito ako
ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala sa pusod ng laging
nagmamadaling lungsod.
Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa
wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis mamuhay
sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na punongkahoy.
Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at liwanag ng buwan
sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang bonus na lamang sa
buong magdamag.
Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming
pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit
paano. Masasanay din akoNasasanay na rin ako
Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat ng
balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking pagkamangha ay

hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina, nakapindot sa loob ng
hatakin ko pasara. Laking katangahan!
Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina.

MAILING KWENTO
Si Tanya at ang mga Uwak
SI Tanya ay isang uwak. Ngunit kahit na siya ay kulay itim, inaasam niya pa ring maging
isang puting ibon. Nais niyang pumuti sapagkat nais niyang lumahok sa patimpalak na Little
Princess Song Bird ng Puerto Prinsesa. Pero kahit ganoon siya kapursigido ay may balakid sa
kanya. Ang mga ito ay mga hadlang sa pagsali niya. Una ay ang mga puting
tagak.Pangalawa naman ay ang katotohanang isa siyang uwak, siya ay kulay itim. Isa pa rin
ditto ang kanyang problemang ayaw ng kanyang kaibigan na si Bianca sapagkat ayaw ni
Bianca na tulungan siya sa kanyang mga plano. Sinabi kasi nito na kung bakit hindi nalang
makuntento si Tanya sa kanyang kulay na ibinigay sa kanya ng Panginoon.
Sa huli ay natanggap rin ni Tanya ang kung anong mayroon siya. Naganap ito noong bago
magsimula ang patimpalak sa Little Princess Song Bird. Nakuha kasi ni Andokito ang kaibigan
ni Tanya na Si Bianca noong papalayo itong lumilipad pagkatapos nilang mag-away. Iniligtas
ni Tanya ang kaibigan imbes na lumahok sa nasabing paligsahan.

You might also like