You are on page 1of 4

Crissa Mae J.

Labetoria

BSEF-IV

Gng. Marites M. Litera

LIT 109

Ika-27 ng Setyembre 2016

REBYUNG PANTELEBISYON SURIIN, UNAWAIN, AT MAGNILAY-NILAY


1.Paano nagsisilbing tagapagpalawak ng popular na kultura ang
telebisyon at pelikulang Pilipino?
Isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng
panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga
kuwentong unang narinig at nabasa ay maaari nang masilayan sa mas
mataas at makulay na antas ng siningang pelikula. Ang pelikula ay isang
modernong anyo ng panitikan. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya nito
upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatanging
akdang Pilipino.Ang pagsasalin sa pelikula ng mga akdang nakalimbag ay
isang pamamaraan upang makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya ang mga
katutubong kuwento, epiko, alamat, talambuhay, at nobela na sumasalamin
sa ating kultura at kasaysayan.
Sa tulong ng telebisyon at pelikula ang ibat ibang obra maestra ng mga
manunulat na Pilipino ay nakikilala, at naibabahagi sa kapwa Pilipino. Kung
kaya ay nagiging tagapaglawak ng tagong kultura ang telebisyon at
pelikula . Isa ang telebisyon sa nagging paraan upang ang isang akdang
Pilipino ay masusubaybayan ng mga kababayan araw-araw, at sa tulong ng
TFC (The Filipino Channel) ay maging ang nasa ibang bansa na mga
kababayan ay nakapanonood ng mga akdang Pinoy. Ang pelikula naman ay
isang paraan din ng mga talentadong Pilipino na maipahayag ang isang
istorya sa wide screen o cinema, kung ang telebisyon ay kakikitaan ng mga
pang-araw-araw na programa, sa pelikula naman mapanonood ang mga
obrang big time sabi nga nila, kumbaga itoy isang malaking proyekto para
sa masa na magbibigay ng aral, at kasiyahan sa mga mamamayan.

2. Paano ipinapakita ang lipunang Pilipino sa mga kasalukuyang pelikula


at palabas sa telebisyon?

Karamihan sa mga natatanging pelikulang Pilipino ay hango sa mga


makasaysayang nobela at talambuhay ng mga taong nagbigay ng malaking
ambag sa ating kasaysayan. Sa panahon ngayon ay talamak ang ibat ibang
magaganda at masasamang imahe ng bayang Pilipinas na lantarang
nakikita. Kadalasan sa mga palabas sa telebisyon ay ang; pagkakaroon ng
kabit na kung saan ay parang normal nalang sa karamihan ang

pagkakaroon ng ibang babae/lalaki, at ang paggamit ng droga na parang


ginagawa nalang din ng mga tao na libangan ang mga ito. Magandang
halimbawa nito ay ang Ang Probinsyano na kung saan ipinapakita ang mga
isyu ng bansa na kinakaharap ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng mga palabas sa telebisyon at pelikula hinggil sa
mga isyu ay nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan.

3. Bakit nagsisilbing matibay na uri ng popular na kultura ang


pelikula at telebisyon?
Isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng
panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga
kuwentong unang narinig at nabasa ay maaari nang masilayan sa mas
mataas at makulay na antas ng siningang pelikula. Matibay na uri ng
popular na kultura ang pelikula at telebisyon, dahil ang mga ito ay nakikita at
naririnig kung saan at tumatatak talaga sa isipan ng mga tao, katulad ng
dula o teatro ay binibigyang buhay din ang pelikula. Lumilipas man ang
panahon ay naaalala pa rin ng mga tao ang isang obrang naisapelikula o
napanood sa telebisyon dahil nga sa itoy tumatak. Sa paglipas din ng
panahon ay ang pag-usbong ng teknolohiya na kung saan tumutulong sa
mga akdang pampelikula at pangtelebisyon na mag bagong anyo at mas
gumanda ang kabuuan, preservation ika nga, ito ang nagagawa ng
teknolohiya sa akdang pampanitikan na napanonood sa pelikula at
telebisyon.

1.
2.

1.
2.
3.
4.

Mga Elemento ng Pelikula


Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
3 .Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at
amdamin ng manonood.
Iba pang mga Elemento
Pananaliksik o Riserts Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at
paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang
mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal
na pagkukuwento.
Pagdidirihe Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga
negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang
mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di
makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang
oras/panahon ang isang pelikula.

Isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa


tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at
nabasa ay maaari nang masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng siningang
pelikula.
Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang naitutulong ng
teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatanging
akdang Pilipino.
Ang pagsasalin sa pelikula ng mga akdang nakalimbag ay isang pamamaraan
upang makasunod sa pag-unlad ng teknolohiya ang mga katutubong kuwento, epiko,
alamat, talambuhay, at nobela na sumasalamin sa ating kultura at kasaysayan.
Sa katunayan, maraming kuwentong Pilipino ang naisapelikula at nabigyan ng
panibagong anyo upang makasabay sa popular na kultura.
Mga Pelikulang Tatak-Pilipino
Karamihan sa mga natatanging pelikulang Pilipino ay hango sa mga makasaysayang
nobela at talambuhay ng mga taong nagbigay ng malaking ambag sa ating kasaysayan.

Kabilang sa mga natatanging nobela na naisalin sa pelikula ay ang El


Filibusterismo (1962) at Noli Me Tangere (1961) ni Gerardo de Leon, at Dekada 70
(1988) ni Lualhati Bautista.
Samantala, ang mga kuwento ng mga kabayanihan ng mga Pilipino ay napanood
din sa pelikula. Kabilang sa mga ito ang Jose Rizal (1999); Diego Silang (1951);LapuLapu (2002); Tirad Pass: The Story of Gen. Gregorio del Pilar (1997); Sakay(1993); Rizal
sa Dapitan (1997); at Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio (2010).
Maging ang klasikong Ibong Adarna ni Francisco Balagtas ay naisapelikula rin
noong 1941 ni Vicente Salumbides gamit ang parehong pamagat. Samantala, ito ay
muling naisapelikula noong 1955 ni Manuel Conde gamit ang pamagat na Ang Ibong
Adarna.
Pelikula sa Pag-aaral ng Panitikan
Ang mga pelikulang nabanggit ay bahagi ng edukasyon sa Pilipinas. Ang mga kuwento o
talambuhay na ito ay itinuturo sa mga mag-aaral at bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan
at ng panitikan.
Sa katunayan, noong Mayo 2013, ipinatupad ng Department of Education
(DepEd) ang NCR Advisory Blg. 066 o ang Film Showing: Noli Me Tangere, Florante at
Laura, El Filibusterismo, Ibong Adarna, at Bonifacio.
Ang mga pelikulang ito ay ipapapanood sa mga mag-aaral sa elementarya at
haiskul bilang bahagi ng bagong kurikulum. Ito ay upang higit na maunawaan ng mga
mag-aaral ang kahalagahan ng kaugalian at kulturang Pilipino.
Itinakdang ipalabas ang mga ito tuwing Sabado at Linggo sa mga piling SM Cinema sa
Metro Manila para sa kasalukuyang panuruang taon.
Sine Panitik
Upang higit na mapaunlad at mahikayat ang kabataan na tangkilikin ang panitikang
Pilipino, inilunsad ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA) at ng Film
Academy of the Philippines (FAP) ang proyektong Sine Panitik: A Literary Film Library
for Students noong Hunyo 2012. Ito ay isang patimpalak sa paggawa ng pelikula na
ang pangunahing mithiin ay maisapelikula ang mga natatanging nobelang likha ng mga
Pilipinong manunulat.

Mithiin din nito na malinang ang pagtuturo ng panitikang Pilipino sa mga mag-aaral
mula sa elementarya hanggang kolehiyo.
Nahati sa dalawang yugto ang patimpalak. Sa unang yugto, isinagawa ang unang
labanan sa pagsusulat ng iskrip na hango sa mga natatanging nobelang Pilipino. Sa
pagsusulat nito, kinakailangang hindi mawala ang orihinal na tema, mensahe, at aral ng
orihinal na kuwento.
Inanunsiyo noong Oktubre 2012 ang mga nagwagi sa unang yugto. Ilan dito ay sina
Raynier Avecilla para sa Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute; Julie L. Po para
sa Tata Selo ni Rogelio R. Sikat; Anton Pelon para sa Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes;
at Therese Anne Cayaba para sa Sandaang Damit ni Fanny Garcia.
Ayon sa FAP, ang mga nagwaging pelikula ay inisyal na ipalalabas sa 2013 Metro Manila
Film Festival (para sa kategoryang New Wave/Independent) sa Disyembre.
Asahan din na ang mga pelikulang ito ay maipapalabas sa mga paaralan at mabibili sa
video compact disc o VCD sa murang halaga para sa mga mag-aaral

You might also like