You are on page 1of 5

Sa Babasa Nito

1
Salamat sa iyo, O nanasang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod
ang tula may bukal ng bait na kapos
pakikinabangan din ng ibig tumarok.
2
Kung sa biglang tingin ay bubot at masaklap
palibhasay hilaw at mura ang balat,
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawanat dustain ang abang tula ko,
gawin ang ibigit alpay nasa iyo,
ay huwag lamang baguhin ang berso.
5
Ang may tandang letra, alin mang talata,
di mo mawatasat malalim na wika,
ang matay itingin sa dakong ibaba,
buong kahulugay mapag-uunawa.
6
Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundoy huwag ding matulad,
sa gayong katamis wikang masasarap,
ay sa kababago ng tulay umalat.

Laki sa Layaw

197
Pag-ibig anakiy aking nakilala
di dapat palakihin ang bata sa saya
at sa katuwaay kapag namihasa
kung lumaky walang hihinting ginhawa.
198
Sapagkat ang mundoy bayan ng hinagpis
mamamayay sukat tibayan ang dibdib,
lumaki sa tuway walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
199
Ang taong magawi sa ligayat aliw
mahina ang pusot lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratnay di na matutuhang bathin.
200
Para ng halamang lumaki sa tubig
dahoy malalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayundin ang pusong sa tuway maniig.
201
Munting kahirapay mamalakhing dala
dibdib palibahasay di gawaing magbata,
ay bago sa mundoy walang kisapmata,
ang taoy mayroong sukat ipagdusa.
Sa Albanya
14

Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


kaliluhay siyang nangyayaring hari,
kagalingat bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusat pighati.
15
Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutyat linggatong;
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
16
Ngunit ay ang lilot masasamang-loob
sa trono ng puri ay iniluluklok;
at sa balang sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinusuob.
17
Kaliluhat sama ang uloy nagtayo
at ang kabaitay kimit nakayuko;
santong katuwiray lugami at hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.
18
At sa balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dusting kamatayan.
Kasakiman
246
Kung ang isalubong sa iyong pagdating

ay masayang mukhat may pakitang-giliw,


lalong pag-ingatat kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.
247
Dapuwat huwag kang magpahalata
tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa,
ang sasandatahiy lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.
80
O pagsintang labis ng kapangyarihan
sampung mag-aamay iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.
81
At yuyurakan na ang lalong dakila,
bait katuwiray ipanganganyaya,
buong katungkulay wawaling-bahala,
sampu ng hiningay ipauubaya.
19
O taksil na pita sa yamat mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
at niring nasapit na kahabag-habag.
Payo sa Kabutihan
150
Moro akoy lubos na taong may dibdib,
at nasasaklaw rin ng utos ng langit,

dini sa puso koy kusang natititik,


natural na Leing sa abay mahapis.
212
Akong pagkabatay ang kinamulatan
kay Amay ang bait na di paimbabaw,
yaong namumunga ng kaligayahan,
nanakay sa pusong suyuit igalang.
202
Ang laki sa layaw karanuway hubad
sa bait at munit sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.
203
Sa taguring bunsot likong pagmamahal,
ang isinasama ng batay nunukal;
ang iba marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.
271
Iyong kautangan paroong mag-adya,
nuno mo ang hari sa baying Crotona;
dugo kang mataas ay dapat kumita
ng sariling dangal at bunyi sa gera.

You might also like