You are on page 1of 3

Mga Elemento ng Maikling kwento:

Panimula-Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.


Saglit na Kasiglahan- Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot
saproblema.
Suliranin-Problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian- May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o
kalikasan
.Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
Kakalasan-Tulay sa wakas.
Wakas-Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin
angpanahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa- Mensaheng inilalahad ng maikling kwento.
Mga uri ng Maikling kwento
May siyam na uri ng maikling kuwento:
1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganapupang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kailkuilla ng
kulisang mambabasa.
2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, anguri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
4. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysayinjhg hindi
kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayarijkuil kapanapanabik at
mahahalagangpangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
6. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirk
7. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kwento.
8. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
Tema ng Maikling kwento

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema
angpangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang
kaisipang itoang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring
maging mga sumusuno angtema: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan,
obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o
pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig salahat ng panahon, o ang dahilan ng
pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirangpangangaral o pagsesermon ng
manunulat sa mambabasa.
Mga Bahagi ng Maikling kwento
Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung
sinu-sino angmagsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabidao suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,gayundin ang panahon kung kailan naganap
ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyangkababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan
angnaglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang
tunggaliannaman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan labansa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o
sa kalikasan. Samantalang, angkasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparano kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng
unti-untingpagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo opagkapanalo.Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging
winawakasan sa pamamagitan ng dalawang hulingnabanggit na mga sangkap. Kung minsan,
hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwentopara bayaang ang mambabasa ang
humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaringkahinatnan ng kuwento.
1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino

nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.


2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan
at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari
sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot
na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

Sanggunian:
http://208500232771798456.weebly.com/mga-elemento.html
https://www.scribd.com/doc/61350165/Mga-Elemento-Ng-Maikling-Kwento

You might also like