You are on page 1of 1

MGA KAPATID NI JOSE RIZAL

Saturnina (1850 - 1913) - panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya'y Neneng; ikinasal
siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.
Paciano (1851-1930) - nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-loob ni Jose Rizal;
pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siya sa Rebolusyong Pilipino at nahing
Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los Banos , kung saan siya
ay naging magsasaka at namatay noong Abril 30,1930, isang matandang binata sa edad na 79. May
dalawa siyang anak sa kanyang kinakasama (Severina Decena ) - isang lalaki at isang babae.
Narcisa (1852-1939) - palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez (pamangkin ni Padre
Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.
Olimpia (1855-1887) - palayaw niya at Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng
telegrapo mula Maynila.
Lucia (1857- 1919) - ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba , na pamangkin ni Padre
Casanas. Namatay sa Kolera si Herbosa noong 1889 at itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong
libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal.
Maria (1859-1945) - Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Binan,
Laguna.
JOSE (1861-1896) - ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe;
habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula
Hongkong; nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol
pagkapanganak; pinangalanan siyang "FRANCISCO' ni Rizal, sunod sa ngalan ng Ama, at inilibing
siya sa Dapitan.
Concepcion (1862-1865) - ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na 3;
ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutan naranasan ni Rizal.
Josefa (1865-1945) - ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay siyang matandang dalaga sa
edad na 80.
Trinidad (1868-1951) - Trining ang kanyang palayaw; namatay rin siyang isang matandang dalaga
noon 1951 sa edad na 83.
Soledad (1870-1929) - bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang palayaw ay Choleng; ikinasal
siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba

Pinagkuhanan
Jose Rizal - Life, Works and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National Hero
by: Gregorio and Sonia Zaide

You might also like