You are on page 1of 5

I.

Pamagat
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan, ika-walong aklat na isinulat ng tanyag na
manunulat na si Bob Ong. Ito ay isang nobela na nagsasalaysay sa misteryo at
kababalaghang naranasan ng mag-aaral na si Galo sa kamay ng kaniyang lola na
binansagang Mama Susan sa kanilang probinsya.

II.

May-akda
Si Bob Ong o Roberto Ong, hindi niya tunay na pangalan at katauhan, ay isang tanyag
na manunulat ng mga sikat na mga aklat na; ABNKKBSNPLAko?!, Kapitan Sino, Ang
Paboritong Libro ni Hudas, at Lumayo ka nga sa Akin. Ang ilan sa mga ito ay nagging patok
sa takilya at isinapelikula.
Wala kahit sinuman ang nakakaalam ng tunay na katauhan ni Bob Ong. Ang sagisag
panulat na Bob Ong ay nabuo noong mga panahon na ang manunulat ay nagtatrabaho
bilang isang web developer at guro. Nilikha niya ang Bobong Pinoy website na kanyang
inaatupag sa mga libre niyang oras. "Kahit nabilib," ayon kay Bob Ong, "marahil ay sinesante
na ako ng boss ko kung nalaman niya na ako ang nasa likod ng paglikha ng website." Nabuo
ang kanyang sagisag panulat nang may isang taong nakipag-ugnayan sa kanya sa pagaakalang siya ay totoong taong nagngangalang Bob Ong. Ang site ay nakatanggap ng
People's Choice Philippine Web Award for Weird or Humor noong 1998.

III.

Mga Tauhan

IV.

Galo 16 na taong gulang, isang tipikal na probinsiyanong ulila na lumuwas sa Maynila


para mag-aral at naninirhan sa piling ng kanyang mga tiyo at tiya kasama ang mga
nakakaasar na anak nito. Siya ay nakasuot ng salamin at may maikling gupit ng buhok na
parang isang sundalo. Tiya Auringguardian ni Galo na kapatid ng kanyang ina. Siya ay
may apat na anak.
Tiyo Dindo asawa ni Tiya Auring, na sikretong tinutulungan si Galo sa pagbabayad ng
tuition na hindi alam ng kanyang Tiya Auring.
Aling Delia kanang kamay ni Mama Susan.
Mama Susan lola ni Galo at lider ng isang religious group sa kanilang probinsya. May
sakit sya nang bumalik si Galo sa kanilang tirahan at namatay sa sa huling parte ng
kwento.

Buod ng Nobela
Sa aklat na ito, ating papakialaman ang Tala ng Buhay (Diary) ni Gilberto P. Manansala na
mas kilala sa tawag na Galo labing-anim na taong gulang. Nagsimula siyang magsulat ng
kanyang diary bilang requirement niya para makapasa sa kurso kay Gng. Lao. Nagsimula ang
sulating ito sa araw ng Linggo, ika-27 ng Setyembre, 1998. Nagsimula ang kwento sa isang
panaginip na siya rin ang naging daan patungo sa hulihan ng kwento.
Napakasimple ng mga unang tala ni Galo. Ika nga, isang tipikal na buhay-estudyante
ngayon. Aral, barkada, tambay, lovelife at hurtache. Sa unang bahagi, halos himutok niya
tungkol sa biglang pag-iwas sa kanya matapos ang isang taon at pitong buwan na pagsasama
nila ni Andrea (Lim Maniego) ang mababasa natin. Ang maaaring iba nga lang kay Galo sa
ibang teenager, pinapaaral siya ng kanyang tiyuhin sapagkat matagal na siyang nawalay sa
kanyang mga magulang. Dahil dito, bilang kapalit, tumutulong siya sa mga gawaing-bahay at
kahit sa paglilinis ng bahay ni Clinton alagang aso nina Tiyo Dindo.
Pinagpatuloy pa rin ni Galo ang pagsusulat kahit tapos na itong maipasa. Ikwinento nya
ang kanyang mga araw sa eskwelahan at bahay ng kanyang Tiyo.
Hanggang isang araw, huling araw ng Disyembre, 1998, may tumawag muli tungkol sa
pangpapauwi kay Galo sa probinsya. Mga bandang Nobyembre pa lang kasi, ibinalita ni ng
kanyang Tiya Auring na may sakit daw ang kanyang lola Josifina Cleopas Padua.
Sa pagpatak ng taong 1999, Year of the Rabbit, nagsimula rin ang bagong yugto ng
kanyang buhay. Ika-12 ng Enero, umalis siya sa bahay ng kanyang Tiya Auring ng walang
paalam (pero alam naman nila na aalis talaga siya pauwi). Dumating siya sa Tarmanes
pasado alas-kwatro ng hapon, ika-14 ng Enero na may bahagyang pagkagulat sa pisikal na

pinagbago ng kanyang lola dala ng katandaan. Ang kinagulat niya lang, ang mga dating
binabasa niyang Readers digest ay wala na at ang mga pumalit ay mga rebulto at imahe ng
mga santo na halos ka-tao ang sukat. Nandiyan ang Nazarenong Nakahiga at Holy Trinity.
Meron ding Justicia, Florencia, Inocencia at mayroon pang krus na babae ang nakapako. Ang
weird pa dito, pinalalagyan ang altar ng masasarap na kakanin sa platito araw-araw bilang
alay daw sa mga poon.
Halos naging normal na sa kanya ang makarinig ng mga yabag ng paa, ngumunguyngoy
at mga hikbi na parang umiiyak. Hanggang sa madiskobre niya na gawa lng pala iyon nina
Niko at Jezel, mga anak ni Tinay na dati namang katu-katulong ng kanyang lola. Sila din ang
taga-ubos ng kakanin sa altar. Itong si Jesel ay may espesyal na kakayahan third eye.
Nagpatuloy pa ang mga araw ni Galo sa bahay ng kanyang lola. Nasaksihan niya na rin
ang tuwinang pagtitipon ng grupo ni lola. Marami sila, puno ang bahay, siguro abot sila ng
singkwenta. Karamihan baae, matatanda, nakasuot ng violet na baro na abot hanggang
tuhod; may sinturon na parang tinirintas na lubid na kulay yello-orange... Kakaiba yung
rosary nila kasi parang may iba silang idinadagdag na hindi mo maintindihan... May sampung
taong bumubuhat kay Lola habang kumkanta: tig-iisa sa magkabilang braso, tagiliran, hita,
binti; tapos isa sa ulo, isa sa paa. Idinuduyan nila si Lola na parang ihahagis sa altar...
Sobrang panatiko ni Lola, para na talaga silang kulto. Tapos andami pang nag-iiyakan, sigaw
ng sigaw: Mama! Mama! ...
Ika-8 ng Pebrero, ipinakita nina Jezel at Niko kay Galo ang isang garapon na may lamang
tubig-dagat at mga nangingitim na medalyon, nakababad doon ang pangalan niya. Hindi niya
batid kun anuman ang dahilan. Subalit mas pinagtakhan niya ang mga nasabi nila tungkol sa
kanyang lola at sa mga kaibigan nito. Hindi sya lola. Marami din nakikita si Jezel na hindi
nakikita ng sinuman, yun ang sinasabing nilang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
Hindi sa akin nanggaling si Melissa. Hindi mo na ko tatawaging Lola. Ang nasa harap mo
ay si Mama Susan.
Ang bahay ni Mama Susan na ang naging kapelya ng San Ildeponso. Naging bahay
burulan lalo pa ng dapuan ang bayan ng isang epidemya at marami ang namatay. Tinalikuran
na ng Simbahang Katoliko ang simbahan doon dahil sa paglabag nito sa aral ng Kristiyanismo.
Tinalikdan na rin nila at teknolohiya at pagbabago. Hindi na nila kinikilala ang kapangyarihan
ng gobyerno. Kaya ang Kapatiran na ang naging kaagapay ng mga tao. At ang bahay ni
Mama Susan ang naging sentro nito na tinuturing na nilang templo.
Sa bahay ni Mama Susan, hindi lang mga tao ang naninirahan. Mayroon ding mga
nilalang na nakikita ng iilan lamang at isa na dito si Jezel. Ang mga nilalang na ito ay
tinatawag niyang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
Ika-15 ng Marso, pinuntahan ni Galo ang isang kwarto sa itaas katapat ng kapelya sa iba.
Dito nya nakita ang labindalawang estatwang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos
kinilabutan siya habang naroroon. Doon nya rin natagpuan ang garapon na kinalalagyan ng
kanyang pangalan na may sindi pa ang kandila. At higit sa lahat, naroon din ang mga ribbon
na ginamit sa burol ni Josefina Cleopas Padua si Mama Susan.
Biyernes
Santo, ika-26 ng
Marso, sinasabi
nilang
patay na
si
Mama
Susan. Nagpapahinga na si Mama Susan. Wag mo syang iiwan.
Madaling araw ng Sabado Santo, nagising siya at narinig an pagtawag sa kanya ni Mama
Susan. Nakaupo sa kama at nakakapanindig-balahibo ang itsura. Bumubulong na lang si Galo
ng dasal sa labis na takot. Subalit pinipigilan lamang sya ni Mama Susan. Naroon din si Jezel
na labis na ring natatakot sa kanyang nakikita. Kuya, may maitim na lolo. Bumaba sila ng
hagdan sa sobrang takot hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Galo. Doon nya na lang
naramdaman na tuluyan ng naputol ang kanyang hinliliit sa paa na nasugat noong magbalak
silang tumakas.
Kinahapunan, nagising na lamang siya na wala si Jezel at nilalagnat. Bukas ang kanyang
kwarto at nakatingin ang tatlong miyembro ng kapatiran. Sa labas ng kwarto nakita nya na
punung-puno ang kapelya at nasa gitna ang katawan ni Mama Susan na napapalibutan ng
bulaklak at garapong may lamang tubig at papel. Nagkakantahan at nagrorosaryo ang lahat.
Habang kinakatok ng ilan ang pinto ni Galo. Patuloy niyang isinusulat ang kanyang diary
habang nagaganap ang nakakakilabot na mga katok at tawag sa kanya. Patuloy rin ang
kanyang dasal habang napapansin niyang may mga titik na nadadagdag sa kanyang diary na

hindi na siya ang nagsusulat...


Isusulat ko sa harapan bibigkasin hindi mo dumarating mabubuhay na magmuling
kordero Isusulat... Me luminibus nocte exstinctis omnino videbis. Tibi soli semper adero. Nos
una in aeternum coniuncti erimusaAngs umulat nitoay sa akin. Ang nagbabasa nitoay saakin.
Ik a w ay pinili. N araramdam an mo ba angm a higpit nayakap sa iyonga yon ng isangka
ibigan?

V.

Pagsusuri

A. Ekstruktura
Sunod-sunod na inilahad ang mga pangyayari sa buhay ni Galo. Gumamit si Bob Ong
ng istilong journal o talaarawan ng isang estudyante para ikuwento ang istorya. Dahil sa
Istilo na ginamit ni Bob Ong, naging kawili-wili ang nobela upang ipagpatuloy basahin ng
mga mambabasa ang aklat. Mapapaisip ang mga mambabasa dahil hango sa mga
karaniwang nangyayari sa ating paligid.

B. Dulog
Habang binabasa ang librong ito, maraming bagay ang pumasok sa aking isipan na
masasabi kong masasalamin sa ating buhay. Pumasok sa aking isipan ang paglabag ng mga
tao sa ikalawang utos ng Diyos, Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
Napakaraming bagay ang maaaring mangyari sa mga tagong probinsya ng Pilipinas.
Kasama na dito ang ginawa ng mga tao sa Tarmanes, gumawa sila ng sarili nilang relihiyon
at nilabag ang utos ng Diyos. Gumawa sila ng sariling relihiyon at sumamba sa mga diyosdiyosan at kay Mama Susan.
Isa ring nagbigay ng bisa sa akin ay ang katagang, Huwag mong bibigkasin ang hindi
mo naiintindihan. Maaaring isinama ni Bob Ong ang katagang iyon upang lalong maging
mas kapana-panabik at katakot-takot ang takbo ng istorya. Ngunit mayroon din itong
ipinapahiwatig sa atin na dapat ay hindi natin sabihin ang hindi natin lubusang
naiintindihan. Isang halimbawa na lamang ang islogan na Think before you click na sa
makabagong panahon, dapat alam natin kung ano ang sasabihin at ipo-post sa social
media.

C. Teorya

Teoryang Moralistiko
Dahil na nga rin sa pagkakaroon ng sariling relihiyon ng mga kapitbahay ni Mama
Susan, nagkaroon ng pamantayang sumusukat sa moralidad ng mga tao roon. Nagkaroon
sila ng sarili nilang relihiyon at paniniwala. Nagbunga ito ng paglihis ng mga tao sa
kabutihan at paggawa ng kamalian. Nagkaroon sila ng sariling pamantayan kung ano ang
tama o mali sa bayan nila. Ang pagkakaroon ng kanilang sariling relihiyon ay isang
kasalanan ngunit tama ito sa paningin nila dahil na rin sa kanilang sariling relihiyon.

D. Simbolismo
o

Talaarawan ni Galo Sumisimbolo sa kaniyang pagiging mapag-isa (loner).


Lumaking mapag-isa ang batang si Galo. Siyay lumaki na tila pinagpapasapasahan mula sa isang kamag-anak papunta sa iba dahil ang kaniyang tunay na
magulang ay wala para sa kaniya. Lumaki siya na may nararamdamang sakit na tila
ayaw o hindi siya gusto ng mga tao.
Kapilya sa bahay ni Mama Susan Sumisimbolo sa pagtalikod ng mga tao sa
bayang iyon sa ibang relihiyon at paglikha ng sarili nilang diyos.
Andami ni Lolang imahe ng santo. Yung iba ngayon ko lang nakita at hindi ko
kilala...
Mga rebulto sa bahay Sumisimbolo sa masidhing paniniwala at pagkapit ng mga
kanayon sa relihiyong gawa lamang nila.
Nasa kaliwang dulo ang altar ng nazarenng nakahiga sa loob ng salamin. Sinabi
ko lang na Nazareno dahil kulay itim yung poon, pero hindi ako sigurado dahil violet
ang suot niya
Paglalagay ng pagkain sa mga rebulto sumisimbolo sa matindi nilang

pananampalataya sa mga rebultong iyon.


Ang weird pa, pinalalagyan ni Lola ng masarap na kakanin sa platito yung altar
nya araw-araw. Alay sa mga poon nya. Nung una sabi ko baka langgamin lang, pero
kinabukasan nakita ko ubos yung pagkain.

E. Tayutay
Parang sound effects talaga sa horror. Simili
Bumubulong na parang may sinasabi ang mga dahon sa akin. Personipikasyon
Paker na luha ka, kung kelan ako tumanda saka ako naging iyakin. Pagtawag
Ang kinatatakutan koy nangyari na Ang tinatakbuhan koy nakahabol na Ang
iniiwasan koy nariyan na Pag-uulit
Kinatay na naman ang pinsan kong baboy. Pagmamalabis

F. Idyoma
o
o
o

butas ang bulsa walang pera o mahirap


Matigas ang ulo pasaway
Magiging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat. Para sa akin, ibig sabihin nitoy
maraming mamamatay na mga nilalang sa dagat o mga isda. Kung saan ang mga ito
ay pawing lason na papatay sa mga tao (ayon na rin sa libro).

Aklat-Suri
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan
ni Bob Ong

John Mae Christian S.


Paule
10-1

You might also like