You are on page 1of 1

USAPANG MAGSASAKA

MA. ADRIELLE D. SOLSOLOY

Palay-tanong
Alam ba ninyo na ang tanyag na Great Wall of China ay gawa sa arinang bigas (rice flour)?
Ayon sa mga mananaliksik ng Discovery Channel, ang mortar na ginamit
sa pagdikit-dikit ng mga ladrilyo (bricks) na siyang bumuo ng isang pader ay
gawa sa arinang bigas. Napatunayang ang mga ladrilyong ginamit ay unti-unti
nang gumuguho ngunit ang panloob nito na gawa sa mortar na sinasabing may
arinang bigas ay nanatili pa ring matigas at matibay sa kabila nang nagdaang
panahon.

Sources: http://www.freepatentsonline.com/20040261665.html
http://www.paulnoll.com/China/Tourism/Great-Wall-restored.html

Tips para sa mga


maglalako
Huwag matakot sumubok. Huwag magdalawang isip na
ilapit ang aning palay o bigas sa mga mangangalakal o
traders dahil makatutulong ang mga ito sa pagbebenta
ng inyong ani.
Ayusin o pagandahin ang sako o lalagyan nito upang
maging kaaya-aya ang itsura nito.
Siguraduhing mataas ang kalidad ng palay o bigas na
ibebenta.
Ibigay ang tamang presyo. Mahalagang maging tapat ang
maglalako sa presyo ng kanyang produkto dahil kadalasan ang mamimiliy tumitingin sa sapat na presyo na
angkop sa kalidad ng produkto.
Ibigay ang hinihingi ng mamimili. Kadalasan, ang isang
mamimili ay nagbibigay ng mga katangian ng ninanais
nilang produkto kung kayat hanggat maaariy ibigay ito
nang walang halong pambobola o panloloko.
Huwag hayaang masira ang komunikasyon, o panatilihing maayos ang ugnayan sa mamimili. Ang isang suking
mamimili ay makapagdadala pa ng ibang mamimili
26

October-December 2007, Vol. 20 No. 4

Bakit nagkakaroon ng palay na


ikinakalakal palabas (export) ng
bansa sa kabila nang pag-angkat
(import) naman ng bigas papasok sa ating bansa?
Sa pagkakaalam ng nakararami,
kapag ikinakalakal palabas sa sariling
bansa ang palay, ang ibig sabihin
nito ay may sobra o sapat na supply.
Ngunit, taliwas sa paniniwala ng
iba, ito ay ginagawa ng bansa bilang
istratehiya upang kumita ng mas
malaki.
Ikinakalakal ng Pilipinas sa ibang
bansa ang mga palay na may magandang kalidad at katangian dahil may
magandang presyo ito sa merkado sa
labas ng bansa. Kung kayat magangkat man ng mumurahing bigas
para sa sariling kunsumo ang mga
Pinoy, ang pangangalakal natin sa
ibang bansa ay nakatutulong sa ating
mga magsasaka na kumita ng mas
mataas.

kung sa tingin nilay karapat-dapat na bilhin ang iyong


produkto. Kung magiging maayos din ang pakikitungo
mo sa kanila, makaradagdag ito upang magkaroon ng
tiwala ang mamimili sa iyo at sa iyong produkto.

You might also like