You are on page 1of 4

PH lifters, hataw sa Asian Youth tilt

Nakamit ni weightlifting phenom Ma. Dessa delos Santos ang tatlong silver medal sa 53-kilogram girls
category upang pamunuan ang delegasyon ng Pilipinas sa matikas na kampanya sa 18th Asian Youth
(Boys & Girls) Weightlifting Championships & 23rd Asian Junior Womens and Junior Mens Weightlifting
Championships kamakailan sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.
Tumapos ang 17-anyos na si Delos Santos sa ikalawang puwesto sa snatch-clean at jerk, gayundin sa total
lift upang makumpleto ang tatlong pilak na hakot sa torneo na nagtatampok sa pinakamahuhusay na lifter
sa
rehiyon.
Nagwagi naman ng dalawang bronze medal ang 16-anyos na si John Paolo Rivera, Jr. sa 50kg. boys, at
isang tanso ang 13-anyos na si Rosegie Ramos sa 44 kgs. girls para sa anim na medalyang nakamit ng
National Youth Team.
Hindi naman pinalad si Leonida Cambarijan na nabokya sa kanyang division.
Inaasahang madadagdagan ang medalya ng Pilipinas sa pagsabak nang iba pang miyembro ng koponan
tulad nina Kristel Macrohon sa 69kg., Margaret Colonia sa 63kg, at Elreen Ann Ando sa 59 kgs. (women),
gayundin sina Elbert Atilano, Jr. at John Fabuar Ceniza sa 62kgs., Elien Rose Perez, Roel Garcia at Markj
Cuico sa 56 kgs. (mens) at Renee Aliana Lao at Jane Linete Hipolito sa 58 kgs. at Mary Flor Diaz sa 48
kgs. (gilrs).
The best of the best is here. All the big guns such perennial champion China, Korea, Japan, Vietnam,
Thailand, Taipei, are competing, pahayag ni Philippine Weightlifting Association president Monico
Puentevella.
This is why PWA is grateful to PSC under Chairman Ramirez and President Digong for allowing us to bring
our biggest delegation here for the necessary exposure. Some of these kids have never even left their
provinces till now, aniya.
Nagbi-bid din si Puentevella na makapag-host ang bansa ng international event sa hinaharap sa Manila na
nirespondehan naman agad ng International Weightlifting Federation at ng Asian Weightlifting Federation
nang makuha ang 2017 AWC Congress kung saan minsan na siyang naging pangulo.

NARIYAN ANG PANGAMBANG MAPURNADA ANG AYUDA NG AMERIKA LABAN SA CLIMATE


CHANGE
MAAARING mapurnada, sa pagkakahalal ni Donald Trump bilang susunod na presidente ng Amerika, ang
$100 billion na planong inilunsad ng karibal niyang Democrat na si Hillary Clinton pitong taon na ang
nakalilipas na layuning tulungan ang mahihirap na bansa na makaagapay sa climate change.
Ito ang pangambang inilahad ng mga delegado sa pag-uusap sa United Nations nitong Biyernes.
Habang nangangampanya, nangako si Trump na babawiin ang tax dollars ng Amerika mula sa mga
programa ng UN kaugnay ng global warming na layuning tulungan ang mga bansang lantad sa panganib
na piliin ang paggamit ng kuryenteng nalilikha nang hindi napipinsala ang kalikasan at makaagapay sa
pagtaas ng dagat at iba pang epekto ng climate change.
Labis na pinangangambahan ngayon ng mga delegado sa UN climate talks sa Morocco ang magiging
epekto ng pagkakahalal ni Trump sa ipinangako ng administrasyong Obama na magkakaloob ng $3 billion
sa Green Climate Fund, ang pangunahing pondo ng United Nations laban sa climate change. Nasa $500
million pa lamang sa ipinangakong halaga ang naipagkakaloob.
That could be worrisome, as that money was never approved through the U.S. Congress and we now
have a president who is unwilling to put that type of money out there, sabi ni Tosi Mpanu Mpanu, ang
pangunahing negosyador para sa Congo at chairman ng isang grupo ng mahihirap na bansa.
Ang mga pledge sa Green Climate Fund ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng mayayamang bansa
na kumalap ng $100 billion taun-taon para sa mahihirap na bansa, na inihayag ni Clinton noong 2009, nang
siya pa ang United States secretary of state. Bahagi ng plano na dagdagan pa ang pondo hanggang sa
2020.
At ngayon, nananawagan ang mga climate activist sa mayayamang bansa na dagdagan ang kanilang
ambag, sa pangambang ang posibilidad na bawiin ng Amerika ang pondo nito ay magkakaroon ng domino
effect.
The U.S. is supposed to be the leader in raising this $100 billion, sabi ni Lidy Nacpil, ng Philippine
Movement for Climate Justice. So if the U.S. is not going to give, why will the other countries give?
Mayo ngayong taon nang ihayag ni Trump sa isang kumperensiya ng industriya ng langis sa North Dakota
na kakanselahin niya ang makasaysayang Paris Agreement on climate change noong nakaraang taon at
stop all payments of the United States tax dollars to U.N. global warming programs.
Umaasa ngayon ang maraming negosyador sa Morocco na hindi seryoso si Trump sa kanyang sinabi.
Kumpiyansa namang sinabi ni Mpanu Mpanu na sakaling bawiin ng Amerika ang ipinangako nitong pondo,
maaaring mahadlangan nito ang paglikom ng pondo laban sa climate change para sa mahihirap na bansa,
ngunit hindi nito ganap na mapipigilan ang diwa ng nasabing pagsisikap.
Instead of us being in the elevator bringing us to the next floor, we may have to take the stairs, paliwanag
niya. But we will still get there.

De Lima ginagamit ang pagkababae, nagkukunwaring biktima Palasyo


MANILA, Philippines Nag-iingay si Sen. Leila de Lima upang malihis ang isyu sa kaniya sa pagkalat ng
ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison, ayon sa Palasyo ngayong Lunes.
Sinabi ng Malacanang na ginagamit din ni De Lima ang kaniyang pagkababae upang pagtakpan ang mga
ebidensya laban sa kaniya.
Senator Leila de Lima is apparently playing the gender card as a shield against mounting evidence of her
ties with high-profile drug lords and the proliferation of drug trade in the Bilibid, pahayag ni Presidential
Spokesperson Ernesto Abella.
By potraying herself as a victim she seeks to distance herself from the intimate relationships which were
also intertwined with drug trafficking while she was DOJ Secretary, dagdag niya.
Sinabi ito ni Abella kasunod ng paghahain ni De Lima ng Writ of Habeas Data sa Korte Suprema laban kay
Pangulong Rodrigo Duterte.
Senator De Limas filing of a petition before the Supreme Court is calculated to generate media noise to
drown out the accusations against her, patuloy ng tagapagsalita.
Nakasaad sa 26-pahina na petisyon ni De Lima na ginamit ng Pangulo ang kaniyang kapangyarihan at
opisina upang husgahan siya.
"Can a sitting President wage a personal vendetta against petitioner and use the resources of his powerful
office to crucify her as a woman, a human being, and a duly elected senator in violation of her right to
privacy in life, liberty and security?" nakasaad sa petisyon.
Isiniwalat ni Duterte noon na kalaguyo ng senadora ang kaniyang dating driver na si Ronnie Dayan. Si De
Lima rin ang itinuturo ng Department of Justice (DOJ) na nasa likod ng pagkalat ng ilegal na droga sa
Bilibid.
Inakusahan din ng Pangulo at ng DOJ si De Lima na may sex video kasama si Dayan. Umabot pa sa
puntong ipalalabas dapat ito sa pagdinig ng Kamara ngunit hindi ito natuloy dahil wala umanong kopyang
hawak si DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II.
"He has accused her of 'screwing her driver,' 'pumping,' and playing with a man's genitals. He has likened
her to an 'x-rated artist' and claimed that she has a 'propensity for sex,'" wika ng kampo ni De Lima.
"He has threatened her that he 'will destroy her in public,' that she 'is finished' and has vowed that she 'will
rot in jail," dagdag niya.
Matapos ang imbestigasyon sa Kamara at pagharap ng mga high-profile inmates sa pagdinig ay hindi rin
sinampahan ng kaso ng si De Lima.
Hiniling naman ni De Lima na pigilan ng mataas na hukuman ang gobyerno sa paggamit ng kaniyang mga
personal information upang siraan siya.

Kumpirmado: Miss Universe sa Pinas, Steve Harvey pa rin ang host


MANILA, Philippines Tuloy na tuloy na ang Miss Universe 2017 sa Pilipinas, pagkukumpirma ng
Department of Tourism (DOT) ngayong Huwebes.
Matapos ang mga isyu na hindi na ito matutuloy, sinabi ng DOT na gagawin ang coronation night sa Mall of
Asia Arena sa Enero 30.
Kaabang-abang ang Miss U dahil ipapasa na ni reigning title holder Pia Wurtzbach ang kaniyang korona na
inaasam-asam ng mga Pinoy na maibibigay sa bagong pambatong si Maxine Medina.
Samantala, si Steve Harvey pa rin ang magiging host ng taunang pageant kahit inayawan siya ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni DOT Secretary Wanda Teo na nakakontrata si Harvey sa Miss Universe kaya naman hindi siya
maaring palitan.
Dagdag niya na baka magkaroon ng Pinay co-host si Harvey.
Ang importante ay tuloy and we are happy na tuloy na (ang Miss Universe sa Pilipinas), wika ni Teo.
Naging kontrobersyal ang pag-host ni Harvey nang ihayag niya na si Miss Colombia ang panalo ngunit
kalaunan ay binawi niya ito ay ipinakilala si Wurtzbach.
Sinabi ni Teo na masaya ang Pangulo na matutuloy ito sa Pilipinas.
He (Duterte) is happy. Sabi niya sa akin, o yung Miss Universe ha tuloy na tuloy na... everbody is happy,
ani Teo.
Ilang celebrities din mula sa Hollywood ang magtatanghal sa coronation night na ayon kay Teo ay may mga
lahing Pinoy.

You might also like