You are on page 1of 5

St.

Peters College of Ormoc

Fr. Cataag St. Ormoc City, Leyte, Philippines
Pangalan:____________________________________________ Seksyon:___________________________
Iskor:
I.

Pagpili ng titik (1-15)

Panuto: Piliin ang angkop na paggamit ng pandiwa sa salitang nakasalungguhit batay sa mga
sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay Cupid.
a. Karanasan
c. aksiyon
b. Pangyayari
d. aktor
2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
a. Karanasan
c. pandiwa
b. Aktor
d. pangyayari
3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na lamang.
a. Aksiyon
c. aktor
b. Karanasan
d. pangyayari
4. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang malaking lalagyan ng puno.
a. pangyayari
c. karanasan
b. aktor
d. aksiyon
5. Dahil sa paghihirap ay natukso siyang tumalon.
a. karanasan
c. pangyayari
b. aksiyon
d. natakot
6. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
a. Pandiwa
c. karanasan
b. Pangyayari
d. aktor
7. Tumawa si Bumbbaker sa paliwanag ni Bugan.
a. Karanasan
c. pangyayari
b. Aktor
d. aksiyon
8. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid.
a. Karanasan
c. aksiyon
b. Panyayari
d. pandiwa
9. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.
a. Pandiwa
c. karanasan
b. Pangyayari
d. aksiyon
10.Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
a. Aksiyon
c. pangyayari
b. Pandiwa
d. aktor
11.Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
a. Karanasan
c. aksiyon
b. Pangyayari
d. pandiwa
12.Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
a. Aksiyon
c. pangyayari
b. Aktor
d. pandiwa
13.Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
a. Pangyayari
c. aktor
b. Pandiwa
d. karanasan
14.Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
a. Karanasan
c. panyayari
b. Aksiyon
d. pandiwa

15.Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

a. Pandiwa
b. Aksiyon
II.

c. karanasan
d. pangyayari

Tama o Mali (16-25)

Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang bawat pahayag na ginagamitan ng mga ekspresiyon sa
pagpapahayag. Isulat ang T kung tama at M naman kung mali. Isulat sa patlang matapos ang
pangungusap ang iyong sagot.
16.Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commision On Higher Education na
pinagtibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education
Curriculum o GEC sa taong 2016._________
17. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, Habang may sariling wika ang isang bayan,
taglay niya ang kalayaan.______
18. Ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw sa isang mayaman na tao lamang. _______
19. Ang mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw tulad ng ayon, batay, para, sang-ayon
sa/kay, ganoon din at akala ko ay ang mga halimbawa ng kalimitang ginagamit sa
pagpapahayag.________
20. Ang ekspresiyong samantala ay ginagamit sa pagkakaroon ng pagbabago sa unang bahagi ng
pahayag._______
21. Ayon sa isang magulang na Pranses, patuloy siyang magpoprotesta laban sa panukalang
batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan na may parehong
kasarian._________
22. Ang Pilipinas ay isang bansang archipelago, kaya hindi katakatakang ang mga pulo sa buong
bansa ay tiib ng mga kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng ibat-ibang uri ng damongdagat.__________
23. Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang langsangan
na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.___________
24. Walang mabuting maidudulot ang paggamit ng mga ekspresiyong kaya, paniniwala ko,
palagay ko at samantala.________
25. Ang salitang sa isang banda ang siyang nagbibigay diin sa isang pahayag.__________
III.

Panghalip (26-40)
Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng
talata.

Talagang naghahanda na si Dan sa pag-alis nang sabihin sa 26._________ ng kaibigang editor

ng 27.________ ama sa Honolulu na hintayin muna 28.________ ang pagtatapos ng klase sa kolehiyo ng
Punahu. Ako ang nahirang na magbigay ng pangaral sa mga nagtapos sa taong ito, ang sabi niya
kay Merton, at maibabalita 29._________ sa 30._________ ama sa Hollywood kung gaano kabuting
magsermon sa mga wahini(babae, sa wikang Kanaka) ang 31._________ kaibigan sa Honolulu.
Pumayag si Dan Merton. Sa nasabing commencement ng Punahu School, doon 32.__________
nakilala si Noemi, isang tunay na Kanaka, subalit halimbawa ng dalagang may mataas na pinagaralan. Hindi 33._______ malaman kung bakit ang mga matang buhay na buhay ni Noemi ay walang
iniwan sa dalawang palasong sabay na tumuhog sa kaniyang puso. Si Noemi ang naging patnubay ng
mga pangaral, palibhasay 34._______ ang pangulo ng kapisanan ng mga senior sa nasabing kolehiyo.
Anong tamis 35.______ magsalita ng wikang Ingles! Anong lambing niyang bumigkas ng
pangungusap!
Wala pa 36._______ naririnig na dalagang Amerikana na kasintamis niyang magsalita! ang
sabi ni Merton pagkatapos.

Ginoong Editor, ang sabi niya sa kaibigan ng 37.______ ama, hindi ako uuwi na di kasama si
Noemi.
Talagang bang totoo ang sinasabi 38.________? ang usisa 39._________ ng matanda.
Paris ng katotohanang ang umagay sumusunod sa gabi.
Dan! ang may halong pangaral na pahayag ng matanda, Ang mga Kanaka ay mamamayang
Amerikano lamang, ngunit hindi laking Amerikano. Kawika lamang 40._________, datapwat hindi natin
sila kalahi.
IV.

Paghahambing (41-55)
Panuto: Gamitin ang diagram sa ibaba, paghambingin ang panghalip, pangatnig at pandiwa.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng diagram. (15pts)

V.

Sanaysay (56-65)
Panuto: Sagotan ang mga sumusunod :
a. Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa paksang KAHIRAPAN at gumamit ng mga salitang
ekspresiyon sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa napapanahong isyung pandaigdig.
Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan. (5pts)
________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________
b. Paano nakatutulong ang mga pangatnig sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob dito?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
VI.

Pagbubuo (65-70)
Panuto: Bumuo ng isang maikling talata hinggil sa iyong natutunan sa ating asignaturang
Filipino gamitin ang tamang hudyat sa pagsunod-sunod ng pangyayari. Isulat ang iyong sagot
sa nakalaang espasyo. (5pts)

____________________________________

Inihanda ni:
MA. AICEL KRISTY AVILA
GOD MAY GLORIFIED

St. Peters College of Ormoc

College Unit

Educ.9: Assessment of Learning 2

Output

Submitted to:
Mr. Christoper Fernandez

Submitted by:
Ma. Aicel kristy A. Avila

October 2016

You might also like