Mga pagtatanghal sa loob ng bahay o bakuran kung lamayan, may parangal at
pakikipagkasunduan. Pamanhikan Itoy masasabing dula, kahit totohanan. Tinatawag din itong panunuyo. Tinatawag ng panliligaw sa pangkaraniwang panahon.
Tatlong Bahagi ng Pamanhikan
1. Bulong - Ito ay ang walang pasabi na pagdating ng mga napiling kakatawan sa binatang umiibig sa pammagitan ng mga bersi at awitan ang matapat na layunin ay maipadarama sa magulang ng dalaga. 2. Kayari Ito ang sumusunod matapos ang mga araw, linggo, o buwan ng matiyagang paninilbihan. 3. Dulog Ito ang huli at pinakamasayang bahagi ng pamamanhikan.
Desposoryo Ito ay ang bisperas ng araw ng kasal.
Duplo isang larong may kaugnayan sa kamatayang ng isang tao. nangangahulugan sa kastila ng doble (ibayo). Karagatan Itoy isang larong may paligsahan sa tula na batay sa alamat tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat. Huego de Prenda Itoy isang laro sa lamayan na ang mga pahayag ng mga gumaganap ay sadyang pinagaan o pinaikli. Panubong o Putong Sa pagpaparangal sa isang may kaarawan o panauhing iginagalang, panubong ang inaawit.