You are on page 1of 1

Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Filipino Proverbs
Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo
at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga
kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga
maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay
makahulugan
at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga
karanasan
ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang
ating
pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Kung may isinuksok, may dudukutin.


Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may
perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng
ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.


Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala
ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may
sala.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang


maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:
Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong
biyenan.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng
mapangahas
na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang
siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan
sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na
nagiging
dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.


Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na
gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat
isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.


Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din
ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa
kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.


Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at
paguugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at
paguugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang)
anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
talagang nakalaan para sa iyo.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa


mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama.
Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang
mga
pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi
mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o
gumawa
ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.


Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din
natin
ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang


tuloy.
Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa
kabila ng
maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang
huli ay
hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay
talagang
nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.


Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling
kakayahan. Dapat
magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating
kabuhayan.
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa
sa atin.

You might also like