You are on page 1of 1

Mayroon Kaming Kwento o Aden a Totolan: Ang Babae

at Kababaihang Meranao sa Piling Maikling Kwento


Alia D. Ramber
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology
Chem R. Pantorilla
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

Mayroong kwento ang ibig sabihin ng Aden a Totolan. Sa pag-aaral na ito, ang aden a
totolan ay kwento at karanasan ng babae at kababaihang Meranao. Isa sa mga salaysay
kaugnay sa mga babaeng Maranao sa kanilang pangkat etniko ay pagkilala sa kanila bilang
hiyas sapagkat isinisimbolo siya ng karangalan at kayamanan ng angkan. Labis na
pinangangalagaan ng mga Maranao ang kanilang kababaihan, sapagkat ang isang insulto sa
isang babaeng Maranao ay insulto sa kanilang buong angkan.
Pamagat ng kalipunan ng mga maikling kwento tungkol sa mga Meranao ang Aden a
Totolan. Bagaman hindi nakatuon sa mga babae ang mga kwento rito, subalit may
umaalingawngaw na karanasan at boses ng kababaihang Meranao ang maririnig sa mga
kwento. Sa pag-aaral na ito, ginamit ang mga kwento sa antolohiya upang maipakita ang
larawan at boses ng babaeng Meranao. Mahalaga ito sapagkat nakaugat ang karanasan ng
mga babaeng Meranao sa kanilang kultura, pananampalataya, at tradisyon. Ginamit na lente sa
pagbasa ang pananaw ni Liliad Quindoza-Santiago na Panunuring Malay sa Kasarian.
Naitalastas sa mga kwento ang salaysay ng babae at kababaihang Meranao na nakaangkla sa
kanilang paniniwala na nasa kontekstong Islamiko at di-Islamiko. May mga boses at tinig ng
babae na nagsasaad ng kanilang sarili gaya sa pag-aasawa at pagiging asawa subalit
sinusunod pa rin ang kanilang tradisyon gaya ng arrange marriage, pagbibigay ng dowry at iba
pa. Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito nagbibigay ng pag-intindi sa mga babaeng Meranao at
higit sa lahat sa kanilang kultura at tradisyon.
Susing Salita: Meranao; Babaeng Meranao; Aden a Totolan; kulturang Meranao

You might also like