You are on page 1of 8

Mga Elemento ng Tula

Posted by Bokals on Friday, September 10, 2010


Labels: Mga tula
Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda is da ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les 8 pantig

Mga uri ng sukat

1. Wawaluhin
Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis

2. Lalabindalawahin
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniway hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat

3. Lalabing-animin
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

4. Lalabingwaluhin
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya quintet
6 linya - sestet

7 linya - septet
8 linya - octave

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may
tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay
sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung


saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa sayay nagawi
Minsay nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan


ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa l, m, n, ng, r, w, y


Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Porma ng tula.

Tono/Indayog
Diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauha
Mga Elemento ng Tula
a. Tugma
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
b. Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
c. Paksa
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula
d. Tayutay
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay
ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
e. Tono/Indayog
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula
f. Persona
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan
g. Kariktan ng tula
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa
Posted by Mark Glenn Cabrera at 3:27 AM 7 comments

Labels: ano ang elemento ng tula, ano ang mga sangkap ng tula, elemento ng tula,kariktan ng tula, may sukat na walang
tugma, paksa, persona, sangkap ng tula, sukat,tayutay, tono, tugma

ANO NGA BA ANG TULA?


Ano Ang Tula? Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang tula ay
maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.
Mga anyo ng tula
o

Malayang taludturan

Tradisyonal

May sukat na walang tugma

Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula


o
o
o

Liriko o pandamdaming tula


Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na
pamamaraan.
Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan

Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay


parangal)

Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat


o matinding pagkukuro-kuro

Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari

Naratibo o nagsasalaysay

Padula/Drama

Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong


gawin; halimbawa:bal agtasan

o
o

Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang


Balagtasan

Duple

Mga sangkap ng tula o Elemento ng tula


o

1. Sukat

2. Tugma

3. Tayutay

4.Ritmo

a. Pagtutulad

b. Pagwawangis

c. Pagsasatao

d. Pagmamalabis

e. Pagpapalit saklaw

f. Balintunay

4. Karigtigan

5. Symbolo

6.Anyo

7.Tono

8.Persona

9.Saknong

10.Kaanyuan

11.Karikitan

12. Indayog

Marami naring depinisyon ang nailathala at naibahagi tungkol sa kahulugan ng tula


at hanggang sa ngayon ay may kalayaan ang kahit sino na magbigay ng personal
opinyon o kahulugan ng tula base na rin sa interpretasyon ukol dito.
Iilan ding magigiting na manunulat ang nagbigat kahulugan sa panunula o tula.Isa
na dito ay si Edgar Allan Poe na kilala sa buong sanlibutan dahil sa pagsulat ng
nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula.Ayon sa kanya ang tula ay

masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan.Sa isang


banda naman, Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng
LIKHA at ang makata ay tinatawag na MANLILIKHA. Ang tula ay isang pagbabagong
hugis sa buhay. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng
makata. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa
pamamagitan ng larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.
Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at
salamisim, di pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting. Ang tula ay walang di
nagagawang paksain. Ang paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong
malapit sa katotohanan kaysa istorya at ayon din kay Alexander Pope ay higit na
maringal ang katotohanan kung nakadamit sa tula"
Hindi lang sila ang maaaring magbigay kahulugan sa tula -maging kayo rin! Kaya
maging malikhain sapagkat sa aking palagay Ang tula ay isang pagpapahayag
ng kung anong nais sambitin ng puso na maitatanging obra maestra at
siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa buhay natin.

You might also like