You are on page 1of 2

Lason

Isa sa mga problemang kinahaharap ng mundo, lalong-lalo na ng Pilipinas ay


ang paglaganap ng iligal na droga. Ang droga ay ipinagbabawal na gamot na kapag
ginamit ay may malalang epekto sa katawan ng tao. Sa madaling salita, itoy
tinuturing na salot ng lipunan sapagkat itoy hindi lamang sumisira sa isang
indibidwal pati na rin sa kanyang pamilya. Ang pinagbabawal na gamot ay
makamandag, katulad ng isang lason, dahil itoy pumapatay at walang pinipiling
biktima. Kaakibat ng problemang ito ay ang drug trafficking. Ito ay isang proseso ng
pagbebenta at pagbili ng droga.
May ibat ibang klase ng ipinagbabawal na gamot. Ilan sa mga ito ay ang
shabu, marijuana, rugby, cough syrup, hashish, cocaine at ecstacy. Ang ecstacy ay
kilala bilang isang designer drug ng millenia. Ito ay sa dahilan na mahal itong
bilhin na ang mga mayayaman ang may higit na kakayahan na bumili ng mga ito.
Ang ecstacy ay may mapanganib na epekto sa utak ng tao. (Insert details if may ara
ka sa copy mo)
Dahil sa matinding suliranin na dala ng droga, ano-ano nga ba ang mga rason
kung bakit ang tao ay patuloy pa ring gumagamit ng ipinagbabawal na gamot? Isa
sa mga ito ang ay dahilan ng patikim-tikim. Marami ang nalulong sa droga dahil sa
(curiosity) na malaman ang lasa o epekto nito. Hindi nila nabatid na ang isang tikim
ay makapagbabago sa kanilang buhay. Higit pang nakakaalarma ay ang pagdami ng
kabataang gumagamit ng droga. Ito ay dulot ng impluwensya ng barkada at ang
pagsunod sa uso o nakararami. Hindi rin makakaila na may mga taong
nahuhumaling sa ipinagbabawal na gamot dahil sa bisa ng pampapapayat. May iba
ring kumakapit dito dahil sa kalungkutan, kapansanan o sakit.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang epekto ng droga ay hindi dapat
ipagsabahala. Ang palagiang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot
ng komplikasyon sa cardiovascular, neurological, respiratory at gastrointestinal na
bahagi ng katawan ng tao. (Expound) Hindi lamang sa pisikal ang mapanganib na
bunga ng paggamit ng droga. Ito ay umaapekto rin sa emosyonal na aspeto ng tao.
Ang mga nalulong sa droga ay nakakaranas ng depresyon at pagkawala sa sarili.
Sila ay nagiging iritable at parang walang pakialam sa mundo. Kapag hindi sila
makakatikim ng ipinagbabawal na gamot, sila ay gumagawa ng masasamang
gawain gaya ng pangungupit, pagnanakaw at iba pa. Naapektuhan din ang kanilang
relasyon sa pamilya at kaibigan. Nagiging violente sila at may lakas ng loob na
panakit ng kapwa. Sila ay nakakaramdam na tama ang ginagawa nila, hindi
maintindihan ang negatibong resulta ng paggamit ng droga. Ayon sa isang pagaaral, 73 porsyento ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay nawawalan
ng kontrol sa sarili, 45 porsyento ay nasisipa sa trabaho, 45 porsyento ay kumakapit
sa pangungupit at 50 porsyento ay nauuwi sa paghihiwalay. Ilan lang ang mga ito sa
mga malalang bunga ng droga.

Hindi lamang ang droga ang problema ng bansa sa ngayon, pati na rin ang
pag-iinom ng alak at paninigarilyo. Marami ang pagkakatulad ng mga suliraning
mga ito. Isa na rito ang pagdudulot ng sakit kapag nalulong na sa mga bisyong
nabanggit o kayay kamatayan. (Ikaw nlg ni ubra kay natamad na ko)
Sa bawat problemang kinahaharap, dapat magkaroon ng solusyon sa mga ito.
Sa suliraning may kinalaman sa droga, ang gobyerno ay gumawa ng isang ahensya
na makakatulong sa pagpuksa sa paglaganap ng droga. Ito ay ang Dangerous Drugs
Board na kung saan sila ay nagtataguyod ng Information Campaign at Awareness
Group para makapagbigay alam sa epekto at para mabawasan ang mga taong
gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang Philippine National Police o PNP ay
gumagawa rin ng mga aksyon gaya ng pagbabawas ng suplay ng droga sa bansa.
Hindi lamang ang gobyerno ang tumutulong sa mga biktima ng droga. Ang mga
non-government organizations ay may ibat ibang rehabilitation centers na
gumagabay sa mga nalulong sa droga na magbalik loob para makamtan ang
mapayapang buhay.

You might also like